8
KULTURA HULYO AT AGOSTO 2016 SONA ni Duterte kulang sa kongkretong aksyon – Anakbayan Labanan ang sapilitang ROTC! Tutulan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani! Parangal kay Wendell Gumban — iskolar ng bayan, propagandista, pulang mandirigma Pambansang araw ng pagkilos laban sa extrajudicial killings Peace Talks 101: Ano ang Peace Talks ng GPH at NDFP? 3 4 5 6 7 8 \\ Ituloy sa p2 Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang kampanyang edukasyon at pagpapalawak! Ilunsad ang pambansang walkout ng mga mag-aaral at mga protesta Mahigit dalawang buwan matapos maluklok ang bagong rehimeng Duterte, higit na lumalaki ang hamon sa mamamayan na isulong ang malakas na paglaban para sa mga batayang karapatan at tunay na pagbabagong panlipunan. Sa ilalim: Malaking pagkilos sa unang State of the Nation Address ni Pangulo Rodrigo Duterte noong Hulyo 25, 2016. Larawan mula sa bulatlat.com.

Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

  • Upload
    lamhanh

  • View
    272

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

KULTURA

HULYO AT AGOSTO 2016

SONA ni Duterte kulang sa kongkretong aksyon – AnakbayanLabanan ang sapilitang ROTC!Tutulan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani!Parangal kay Wendell Gumban — iskolar ng bayan, propagandista, pulang mandirigmaPambansang araw ng pagkilos laban sa extrajudicial killingsPeace Talks 101: Ano ang Peace Talks ng GPH at NDFP?

3

4

5

6

7

8

\\ Ituloy sa p2

Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang kampanyang edukasyon at pagpapalawak! Ilunsad ang pambansang walkout ng mga mag-aaral at mga protestaMahigit dalawang buwan matapos maluklok ang bagong rehimeng Duterte, higit na lumalaki ang hamon sa mamamayan na isulong ang malakas na paglaban para sa mga batayang karapatan at tunay na pagbabagong panlipunan.

Sa ilalim: Malaking pagkilos sa unang State of the Nation Address ni Pangulo Rodrigo Duterte noong Hulyo 25, 2016. Larawan mula sa bulatlat.com.

Page 2: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

2 HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

Sa kabila ng mga pangako at posturang progresibo, kung tutuusi’y wala pang makabuluhang pagbabago na ipinatutupad si Duterte para tugunan ang mga batayang interes ng mamamayan sa lupa, sahod, trabaho at karapatan.

Nakatuon ang gubyerno ni Duterte sa “giyera kontra droga,” na lumalabas na kontra-mamamayan at anti-demokratiko. Hinihikayat nito ang walang pakundangang pagpatay sa mga hinihinalang pusher at adik. Di malayong ginagamit na ito ngayon ng pulis at militar na sangkot sa droga para patayin ang kani-kanilang mga asset o ng mga druglord sa pag-aagawan ng teritoryo. Samantala, ang malalaking sangkot sa droga ay hindi kinakasuhan at hinuhuli. Sa huli, mabibigo ang kampanyang kontra-droga kung hindi magtutuon sa mga hakbanging tutugon sa kahirapan ng mamamayan.

Sa State of the Nation Address (SONA) ni Duterte, wala siyang kongkretong aksyon hinggil sa pagtanggal ng “endo”, repormang agraryo, serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan. Sa edukasyon, itutuloy nito ang programang K-12 at walang makabuluhang mga hakbang para ihinto ang pagtaas ng matrikula. Itinulak pa niya ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa mga kampus.

Hindi rin tinugunan ni Duterte ang panawagan ng bayan para panagutin sina Aquino at Arroyo sa kanilang mga kasalanan sa bayan. Sinuportahan pa niya ang paglaya ni Arroyo habang nananatiling nakakulong ang daan-daang bilanggong pulitikal sa bansa. Kamakailan, itinutulak ni Duterte ang pagpapalibing kay Marcos bilang bayani sa Libingan ng mga Bayani.

Itinutulak ni Duterte ang charter change para itulak ang pederalismo na papabor sa mga rehiyunal na warlord at dinastiya. Gayundin, tatanggalin nito ang nalalabing mga restriksyon para sa dayuhang pagmamay-aari at pananalasa sa bansa na tiyak na ikatutuwa ng imperyalismong US.

Kabaliktaran ng mga naunang pahayag, naging mapagbigay si Duterte sa US. Lumabas ang desisyon ng Korte Suprema pabor sa pagbabase ng US sa bansa sa pagdating ng US state secretary. Gayundin, tinanggap nito nang buong giliw ang $32 milyong ayuda ng US para sa militar. Nag-ikot din siya sa mga kampo para papurihan ang mga sundalo at siraan ang rebolusyunaryong kilusan.

Samantala, patuloy ang militarisasyon sa mga komunidad ng Lumad, harassment sa mga lider at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso. Ang inisyal na pagdedeklara ni Duterte ng unilateral ceasefire ay agad

din nitong binawi matapos hindi pumayag ang CPP-NPA na intimidahin sa demanda ni Duterte na tumugon din ng kapareho ang rebolusyunaryong kilusan kahit wala pa namang napapalayang bilanggong pulitikal at wala din namang pagtigil ng mga operasyong militar sa mga komunidad.

Sa kabila nito, positibo ang pagsisimula na ng pormal na usapang pangkapayapaan at paglaya ng mga peace consultants ng NDFP. Patuloy na iginigiit ng bayan ang pagpapalaya sa mahigit 520 pang mga detenidong pulitikal at pagtugon sa mga ugat ng kahirapan sa mga negosasyon para sa repormang pang-ekonomiya, pampulitika at iba pa.

Sa harap ng kapwa pakikipag-alyansa at pakikitunggali sa rehimeng Duterte, dapat palakasin ang paglaban ng mamamayan para sa mga batayang karapatan at para sa panlipunang pagbabago.

Dapat samantalahin ang sitwasyon para pukawin, organisahin at pakilusin ang milyon-milyong kabataan at mamamayan para sa tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pambansa-demokratikong pakikibaka.

Dapat kasabay na igpawan ang mga tukoy na kahinaan sa pag-oorganisa at pagpapakilos. Palakihin at palakasin ang mga balangay ng Anakbayan sa mga paaralan, pagawaan, mga komunidad; paghusayin ang pagbibitbit ng mga lokal, sektoral at pambansang kampanya at laban; pasiglahin ang pulitikal na aktibidad at kilusang edukasyon sa batayang antas; pamunuan at organisahin ang mga ligal at tradisyunal na organisasyon; at isulong ang kampanyang anti-imperyalista. Dapat harapin ang mga rekisito para mabuo ang maraming mga baseng paaralan, pagawaan at mga komunidad.

Dapat ilunsad ng mga kabataan ang isang malawak na kampanya ng kilusang pag-aaral at pagpapalawak. Ilunsad ang pinakamaraming mga pagtitipon, mga klase, porum at asembliya para talakayin ang pambansa-demokratikong programa, lipunan at rebolusyong Pilipino at iba pang mga kurso. Tiyakin na maorganisa ang mga asembliya na ito sa mga balangay o grupo ng Anakbayan at ibayong magpalawak ng organisasyon.

Isulong ang “Kabataan Para sa Pagbabago” o kaparehong malawak na kampanya para abutin ang pinakamalawak at pinakamarami sa mga pagtitipon na ito. Tuntungan din ang mga isyu at mga kampanya para maidaos ang mga pag-aaral.

Tinatawagan ang lahat na ilunsad ang malalaking pagkilos: walkout sa pamantasan kasabay ng strike ng mga

guro, malalaking protesta at rally sa mga pagawaan at komunidad sa buong bansa sa Setyembre 19 hanggang 21.

Malakas na labanan ang neoliberal na atake sa edukasyon. Ipanawagan ang pagtigil sa pagtaas ng matrikula ang mga bayarin, pagbasura ng other school fees at komersyalisasyon ng edukasyon. Ipaglaban ang libreng pampublikong edukasyon sa lahat ng antas.

Igiit na itigil ang programang K-12 at iba pang mga neoliberal na “reporma” sa edukasyon. Ipaglaban ang dagdag na pasilidad, mga klasrum at mga serbisyo. Labanan ang pribatisasyon. Isulong ang pagtataas ng sahod ng mga guro at kawani kasabay ng pagpapahinto sa kontraktwalisasyon. Maaaring makaalyado ang mga administrador ng mga pamantasan sa pagpapanawagan para sa dagdag-subsidyo para sa edukasyon at serbisyong panlipunan. Dapat matatag na labanan ang pagbabalik ng mandatory ROTC. Igiit ang demokratikong karapatan sa kampus. Dapat ipaglaban ang makabayan, siyentipiko at pangmasang edukasyon.

Kasabay nito, dapat malakihang kumilos at malakas na ipanawagan ang pagtigil sa pamamaslang, at pagpapalibing kay Marcos bilang bayani. Gayundin, dapat harangan ang plano ng charter change. Malakas ding isulong ang pagsuporta sa usapang pangkapayapaan at pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal.

Dapat kaisahin at pakilusin ang pinakamalawak na hanay sa mga protesta. Kaisahin ang mga administrador, guro, kawani at mga magulang sa aksyon. Abutin ang laksa-laksa sa mga pagtitipon at martsa. Tiyakin ang mahusay na pamumuno, masusing paghahanda at partisipasyon ng masa sa mga protesta.

Abutin natin ang libo-libong pagkilos sa Kamaynilaan at mas malaki pa sa buong bansa. Tumanaw tayo ng mas malalaki pang protesta sa Oktubre, kung saan nakatakda ang sabayang walkout at strike ng mga guro sa UP system. Ihanda rin natin ang higit pang malaking pagkilos sa Disyembre.

Dapat malakas na sumuporta at mag-ambag ang kabataan sa pakikibaka ng batayang masa at pagkilos kasama nila. Mainit na salubungin ang mga lakbayan at mobilisasyon ng magbubukid at mga welga ng mga manggagawa. Maraming mga kabataang aktibista ang tinatawagan ding tumungo sa kanayunan, mga pagawaan at komunidad para sumanib sa kilusang manggagawa at magbubukid.

Page 3: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO AT AGOSTO 2016 LATHALAIN

Kabilang sa mga lumahok sa tinaguriang pinakamapayapa at pinakamalaking pagkilos sa SONA sa nakaraang dalawang dekada ang 3,000 kataong delegasyon mula sa Mindanao, 4,000 mula sa Bicol, 3,000 mula sa Timog Katagalugan at ilang libo mula sa Eastern Visayas at ibang bahagi ng Luzon.

Bitbit ng mga nagmartsa ang mga higanteng mural na nagsasalarawan ng mga panawagan ng mamamayan kay Duterte na isulong ang mga makabayan at maka-mamamayang pagbabago. Nagpahayag ang pagkilos ng pagsuporta sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gobyerno ng Republika ng Pilipinas. Iginiit din nila ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, pagbasura ng kontraktwalisasyon, at iba pang mga makabuluhang reporma. Pagkatapos ng SONA, nagpulong si Duterte at mga lider ng progresibong organisasyon kung saan pinag-usapan nila ang pangangailangan ng pagkamit ng kapayapaan sa ilalim ng kanyang termino.

Walang kongkretong aksyonSinalubong ng Anakbayan ng papuri

ang mga panlabas na pagbabago sa kondukta ng SONA na masasabing kaiba sa mga nagdaang SONA na kinakatangian ng pagtanggi na pakinggan ang mamamayan at walang habas na karahasan laban sa mga nagprotesta at aktibista. Sa kabilang banda, pinuna ng grupo ang kawalan ng kongkretong aksyon ni Duterte sa kanyang SONA hinggil sa mga pundamental na usapin tulad ng repormang agraryo, pagbasura ng kontraktwalisasyon, at serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan. “Sa edukasyon, itutuloy ng administrasyong Duterte ang programang K-12 at walang makabuluhang mga hakbang para ihinto ang tuition hikes o ipatupad ang libreng edukasyon para sa lahat. Itinulak pa nito ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa mga kampus,” ayon sa Anakbayan. Dagdag pa ng grupo, hindi tinugunan ni Duterte ang panawagan ng bayan para panagutin sina dating Pangulo Aquino at Arroyo sa kanilang mga kasalanan sa bayan. Sinuportahan pa ni Duterte ang paglaya ni Arroyo habang nananatiling nakakulong ang daan-daang bilanggong

pulitikal sa bansa. Pederalismo at kontra-droga“Itinutulak ni Duterte ang charter change para ipatupad ang pederalismo na papabor sa mga rehiyunal na warlord at dinastiya. Gayundin, tatanggalin nito ang nalalabing mga restriksyon para sa dayuhang pagmamay-aari at pananalasa sa bansa na tiyak na ikatutuwa ng imperyalismong US,” ayon sa Anakbayan. Sa katunayan, dagdag ng grupo, ang naging pangunahing tuon ng kanyang SONA ay ang “gera kontra-droga” na lumalabas na kontra-mamamayan at anti-demokratiko dahil sa panghihikayat nito sa walang pakundangang pagpatay sa mga hinihinalang pusher at adik. Nagbabala ang grupo na tiyak na mabibigo ang kampanyang kontra-droga ni Duterte kung hindi magtutuon sa mga hakbanging tutugon sa kahirapan ng mamamayan. Ayon sa Anakbayan, pinapakita ng SONA ang mga potensyal at limitasyon ng kritikal na pagtatagpo sa bagong rehimen upang isulong ang mga maka-mamamayan at makabayang pagbabago. Sa huli, tanging ang kolektibong pagkilos ng mamamayang Pilipino ang pinakamabisang instrumento sa panlipunang pagbabago.

Sinalubong ng malaking pagkilos ng umabot sa 40,000 katao mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulo Rodrigo Duterte noong Hulyo 25, 2016. Ito ang unang pagkakataon sa matagal na panahon na nakalapit ang martsa ng mamamayan sa Batasang Pambansa sa araw ng SONA.

SONA ni Duterte kulang sa kongkretong aksyon – Anakbayan

Pinakamalaking pagkilos sa SONA nilahukan ng 40,000 katao

Larawan sa m

anilatoday.net.

Page 4: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

4 HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Labanan ang mandatory ROTC!

Hindi nagtuturo ang ROTC ng tunay pagkamakabayan, bagkus ay higit lamang na palalaganapin nito ang kolonyal na mentalidad ng mga opisyal at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga masugid na tagapagtaguyod ng interbensyong militar ng imperyalismong Estados Unidos at patuloy na dominasyon ng US sa bansa.

Matatandaang itinigil ang mandatory ROTC dahil sa mga pang-aabuso nito na rumurok sa brutal na pagpatay kay Mark Wilson Chua, isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) na nagsiwalat ng mga katiwalian sa loob ng UST ROTC noong 2001. Ang

kamatayan ni Chua ay nagpasiklab ng malawakang protesta sa lansangan laban sa sapilitang ROTC na sa kalaunan ay nagresulta sa pagiging opsyonal na lamang ng programa.

Hindi na mandatory ang pagpasok sa ROTC ngunit nagpapatuloy pa rin ang laganap na karahasan at pang-aabuso ng karapatan ng mag-aaral sa ilalim ng programa.

Halimbawa rito ang kaso ng hazing ng mga kadete ng ROTC mula sa University of Mindanao-Tagum na paulit-ulit na pinalo sa kanilang mga dibdib at tiyan ng kanilang mga opisiyales. Nalantad ang katarantaduhang ito ng ROTC sa

isang video na nag-viral sa internet noong Hunyo 2016.

Nariyan din ang kaso ng dalawang babaeng kadete sa ROTC ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na nagreklamo noong Enero 2014 pagkatapos silang paluin ng mga opisyal ng ROTC gamit ang mga kahoy na riple. Nagresulta ito ng mga pasa sa kanilang mga palad at hita.

Ang mga halimbawang ito ay ilan lamang sa marami pang mga kaso ng pang-aabuso sa ilalim ng programa. Sa katunayan, ang pisikal, sikolohikal, at verbal na pang-aabuso ay integral na bahagi ng pasistang sistema ng ROTC na naglalayong gawing mabangis ang mga kadete upang tanggapin ang lahat ng inuutos sa kanila ng mga opisyal, lalo na ang paglabag sa mga karapatan ng mamamayan.

Ang ROTC ay ginagamit din ng mga aktibong opisyal ng Armed Forces of the Philippines upang magkondukta ng paniniktik, pagbubuo ng mga student intelligence network (SIN), at paninira sa mga aktibistang grupo sa iba’t ibang paaralan.

Ang ROTC ay isa ring lunduyan ng korupsyon, mula sa pagbebenta ng mga uniporme at iba pang mga rekisitos sa mas mahal na presyo hanggang sa pangongotong mula sa mga estudyanteng nais makaiwas sa programa. Ang ROTC ay dagdag na pasanin sa bulsa ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang.

Sa halip na ipanumbalik ang mandatory ROTC, dapat igiit sa pamahalaang Duterte ang lubusang pagbuwag dito at sa halip ay ipaglaban ang edukasyong tunay na makabayan, siyentipiko, pangmasa at malaya.

Dapat mariing labanan ang planong pagpapanumbalik ng mandatory service o sapilitang pagsisilbi sa Reserved Officer Training Corps (ROTC). Taliwas sa paniniwala ng Pangulo, hindi kailanman nagturo ang ROTC ng nasyonalismo, diwa ng paglilingkod sa bayan, at disiplina sa mga kabataan. Ito ay isang pasista, mapanupil, at korap na programang dapat buwagin at hindi dapat gawing sapilitan.

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Page 5: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO AT AGOSTO 2016 LATHALAIN

Tutulan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani!

Si Marcos ay hindi bayani. Siya ay isang pasistang diktador, kurap, at tuta ng imperyalismong US. Hindi bababa sa 70,000 katao ang iligal na ibinilanggo at tinortyur, libu-libo ang pinaslang, at marami pa ang naging biktima ng iba’t ibang anyo ng pagyurak sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang pamumuno habang bilyon-bilyong salapi ang ninakaw ni Marcos mula sa kaban ng bayan.

Ang kabataan at estudyanteng Pilipino ay isa sa mga sektor na lubos na pinahirapan ng diktadurang US-Marcos mula sa malawak na panunupil at karahasan tulad ng pagpapasara ng mga konseho,

publikasyon, at organisasyon ng mga mag-aaral hanggang sa pagdukot, pagtortyur, at pagpatay sa mga lider-kabataan. Ilan sa mga ito sina Liliosa Hilao, Lorena Barros, Merardo Arce, Emman Lacaba, Antonio Tagamolila, Edgar Jopson, Abraham Sarmiento Jr., at William Beg.

Hindi nararapat ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay isang malaking inhustisya para sa lahat ng mga biktima ng kanyang diktadurya at sa lahat ng mga Pilipino, at sa gayon ay dapat mariing labanan at hindi pahintulutan.

Palalalain nito ang pagkalimot sa kasaysayan ng mas nakababatang henerasyon. Ang pagbura sa kasaysayan ng mga pang-aabuso sa panahon ni Marcos ay pinatindi lamang ng pagkabigo ng mga nagdaang administrasyon na kasuhan at pagbayarin ang mga Marcos sa kanilang mga krimen at kasalanan sa bayan. Binigyan pa sila ng pagkakataon na makapanumbalik sa kapangyarihan, na humantong pa sa muntik na pagkapanalo sa pagkabise-presidente ng anak ng diktador na si Bongbong nitong huling halalan.

Magbibigay din ito ng dagdag na pahintulot sa pulisya at militar na ipagpatuloy ang mga karumaldumal nilang praktika mula sa Batas Militar – tulad ng militarisasyon ng mga sibilyan na komunidad at pulitikal na pamamaslang sa mga kaaway ng estado.

Dapat ding paalalahan si Pangulong Duterte na huwag gamitin ang kanyang opisina upang bigyang pabor ang mga malalaking tao na sumuporta sa kanyang kampanya. Hindi dapat ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani para lamang bayaran ang mga utang niya sa pulitika sa mga Marcos.

Hindi rin sapat na dahilan ang pagiging sundalo o dating pangulo ni Marcos, na siyang katwiran ni Duterte sa paglilibing sa kanya sa Libingan ng mga Bayani. Tiyak na magbibigay ito ng maling senyales sa mamamayan na ang pinapupurian pa ng estado ang mga krimen nito sa mamamayan.

Sa huli, dapat maglunsad ng mga protesta at puspusang labanan ng kabataan ang paglilibing sa yumaong diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Nananawagan ang Anakbayan sa lahat ng kabataan at mamamayang Pilipino na malakas na tutulan ang mga pakana ng administrasyong Duterte na ilibing ang mga labi ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Bicutan.

Lara

wan

ni I

nday

Esp

ina-

Varo

na

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Shannah Calapit,

Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, Jay Lahoy, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli,

Nona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

Page 6: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

6 HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

Panawagan kay Duterte: wakasan na ang kontraktwalisasyon!

Nagdadalamhati ang mga manggagawa, magsasaka, lumad at lahat ng masang anakpawis na kanyang pinaglingkuran sa kanyang maagang pagpanaw sa murang edad na 30. Marapat na bigyan ng pinakamataas na parangal at pagbubunyi ang kanyang makabuluhang

buhay bilang iskolar ng bayan, propagandista, at pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Dating News Editor ng Philippine Collegian si Ka Wendell, na kilala bilang “Wanda” sa mga kaibigan at kasamang aktibista.

Bukod sa pagiging aktibo sa opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman mula 2003 hanggang 2007, naging kasapi rin si Ka Wendell ng Anakbayan at ng League of Filipino Students (LFS) sa kampus. Kumilos din siya nang buong-panahon sa hanay ng mga militanteng manggagawa bilang kawani sa gawaing propaganda ng Kilusang Mayo Uno (KMU) mula 2008 hanggang 2010.

Taong 2011, pinilii Ka Wendell na sumampa sa BHB sa Mindanao. Kilala doon bilang “Ka Waquin” ng mga kasama at masang magsasaka at lumad, naging tanyag siya sa pagiging masayahin sa harap ng masigasig at walang pagod na pagkilos bilang pulang mandirigma at kadre ng Partido Komunista Pilipinas (PKP) sa larangan ng digma.

Kailanman ay hindi mamamatay ang ganitong pamana ni Wendell sa ating alaala, loob, at diwa. Ang kanyang pagtalikod sa isang masaganang buhay ng petiburges upang paglingkuran ang mga pinakainaaping uri ng lipunan ay tunay na inspirasyon at huwaran. Dapat tularan ng kabataan ng kasalukuyang henerasyon ang kanyang walang pag-iimbot na pag-alay ng kanyang lakas, talino, at buhay upang isulong ang mithiin ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan.

“Kinikilala namin ang matapang na pahayag ni Duterte laban sa kontraktwalisasyon ngunit higit itong dapat ginagawa sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas na nagkikriminalisa sa kontraktwalisasyon at pagbabasura ng kontra-empleyong batas gaya ng Herrera Law, DOLE Order No. 18-A Series of 2011, at Executive Order 366,” ayon sa Anakbayan.

“Dapat magbigay ng halimbawa si Duterte sa pamamagitan ng pagpapahinto ng kontraktwalisasyon sa loob ng mismo ng gubyerno at sa pagsugpo sa kontraktwalisasyon sa malalaking kumpanya ng malalaking oligarkiya tulad nang kina Lucio Tan, Henry Sy, Gokongwei, Ayala. Kung hindi, ang mga sinasabi n’ya ay mauuwi lang sa mga walang lamang buladas,” dagdag ng Anakbayan.

Ayon pa sa Anakbayan, mahigpit na apektado ang mga manggagawang kabataan dahil pinahihintulutan ng kontraktwalisasyon na tanggalin ng mga kapitalista ang mga manggagawa bago pa man sila makakuha ng bayad sa overtime, 13th month at iba pang benepisyo—sa kabila ng kalunos-lunos na kalagayan sa paggawa at mababang pasahod.

“Wala ring magagawa ang inihaing solusyon ni Duterte na 80-20 na hatian sa trabahong regular at kontraktwal. Bibigyan lamang nito ng daan ang mga kapitalista upang patuloy na magpatupad ng kontra-manggagawa at kontra-kabataang iskema ng paggawa,” ayon sa Anakbayan.

Pinaliwanag din ng Anakbayan na ginagamit ng mga malalaking negosyo ang kontraktwalisasyon upang dayain ang

mahihina at mapupurol na batas-paggawa sa bansa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga manggagawa mula sa mga ahensya upang hindi lumago ang relasyon sa pagitan ng empleyado at employer—na nag-aalis sa mga negosyante sa mga obligasyon nito sa mga batayang karapatan ng mga manggagawa

Dagdag pa ng grupo, “Walang nakukuha ang mga manggagawa mula sa kontraktwalisasyon. Nagbubunga lamang ito ng mga manggagawang laging nangangamba sa kasiguraduhan sa trabaho, mga manggagawang kulang sa o walang kasanayan dulot ng 6 na buwan o mas maiksi pang pagtatrabaho, at nagpipigil sa mga manggagawa na magbuo ng unyon upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.”

Umaasa ang Anakbayan na ang pagpapatigil sa kontraktwalisasyon ay magpapabuti sa kalagayan ng mga manggagawa at magsasara sa anumang butas sa batas na ginagamit ng mga kapitalista para mang-abuso.

Nagpapaabot ang Anakbayan ng taos pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga kasama ni Wendell Mollenido Gumban na nagbuwis ng buhay sa isang engkwentro sa mga elemento ng 66th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Andap, New Bataan, Compostela Valley noong Hulyo 23, 2016.

Hinamon ng Anakbayan si Pangulong Rodrigo Duterte na tupdin ang pangako nitong ipagbawal ang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng pagkikriminalisa sa pagsasapraktika ng “endo” at pagbabasura ng mga neoliberal na batas at polisiya na nagsasaligal sa mga kontra-manggagawa, kontra-kabataang iskema ng empleyo.

Parangal kay Wendell Gumban — iskolar ng bayan, propagandista, pulang mandirigma

Page 7: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO AT AGOSTO 2016 BALITA

Sa huli, idiniin ng grupo na tiyak na mabibigo ang gera kontra droga ng administrasyong Duterte kung patuloy itong aasa sa extrajudicial killings na pinamumunuan ng abusadong pulis at militar. Ang iligal na kalakal sa droga ay isang sintomas ng mas malalim na panlipunang problema tulad ng tumataas na disempleyo at kahirapan na hindi matatapos ng simpleng pamamaslang.

Ayon sa grupo, mawawala lamang ang iligal na droga sa bansa kung itataguyod ang mas malawakang panlipunang pagbabago sa pamamagitan ng tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, pagtaas ng sahod, pagbasura ng kontraktwalisasyon, at pagbibigay ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, pabahay, atbp. para sa lahat ng mamamayan.

Pambansang araw ng pagkilos laban sa extrajudicial killings

Sa Metro Manila, daan-daang mag-aaral ang nagpiket at nagsindi ng mga kandila sa University of the Philippines (UP) Diliman, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines (PUP) main kampus sa Sta. Mesa, at University of Santo Tomas. Bitbit nila ang mga karton na plakard na may mga pahayag na “Stop the killings” at “Hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings!”

Habang pinupuri ng Anakbayan ang pagsisikap ng gobyernong Duterte na sugpuin ang droga at krimen, naninindigan ang grupo na hindi ito matutupad sa pamamagitan ng walang habas na pamamaslang. Ikinalungkot ng grupo ang pagwawalang-bahala ng pangulo sa pagtaas ng bilang ng mga napaslang sa ilalim ng kanyang gera kontra-droga.

“Sinakripisyo ang karapatang pantao sa kondukta ng operasyong kontra-droga. Ang mga taong humahawak ng baril ay silang gumaganap sa papel ng akusador at berdugo. Dapat irespeto ang karapatan sa buhay at due process dahil imposibleng tiyakin ang pagkakasala ng isang tao kung pinapatay lang sila ng diretso,” pahayag ng grupo.

Kinundena rin ng grupo ang di-pantay na pagtrato sa mga maliliit na suspect na agad na lamang pinapatay habang ang malalaki,

mayayaman at makapangyarihang mga drug lord at protektor ay may dispensa sa pamamaslang, binibigyan ng mga pagkakataon na makipag-usap at sumuko sa kapulisan, at hindi rin sinampahan ng kaso.

Tinuligsa din ng Anakbayan ang pangako ng pangulo na patatawarin ang mga pulis na makakasuhan. Ayon sa grupo, magbibigay lamang ito ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pamamaslang, pang-aabuso, at ang kultura ng impunidad.

Inilunsad ng iba’t ibang grupo ng kabataan at estudyante sa pamumuno ng Anakbayan ang isang pambansang araw ng pagkilos laban sa extrajudicial killings nitong Agosto 11, 2016. Naganap ang mga kilos-protesta sa iba’t ibang mga paaralan sa buong bansa upang kundenahin ang mga pamamaslang na may kinalaman sa nagaganap na kontra-drogang operasyon ng administrasyong Duterte.

Pagbubukas ng klase at enrolment sa UP, sinalubong ng protesta laban sa eUP project

Sa kabila ng panlabas na anyo nito bilang data management at computer systems, ang bulok na SAIS at eUP project sa katunayan ay isang malaking raket na pinangunahan ni UP President Alfredo Pascual upang pagkakitaan ang edukasyon, ayon sa mga iskolar ng bayan.

Ang mga protestang nananawagan sa pagpapahinto ng eUP project at paghiling na itigil ang komersyalisasyon sa kampus ay yumanig sa UP Los Baños, UP Diliman, UP Manila, UP Visayas at iba pang kampus. Ito ay matapos ang palpak at nakaaabalang enrolment sa UP Los Baños kung saan hindi

nakapag-enlist ang mga mag-aaral sa kanilang mga sabjek sa SAIS dahil sa paulit-ulit na pagkasira ng mga server.

Sa UP Los Baños, nagmartsa patungo sa Opisina ng Chanselor ang mga mag-aaral noong Agosto 3 nang isinara ng mga gwardya ang gusali. Pinigilan ang mga mag-aaral na pumasok na nagresulta sa pagkabasag ng salamin na pintuan at pagkasugat ng ilang estudyante.

Sa ilalim ng eUP Project, ipinaubaya ng administrasyon ng UP ang mga information system at mga kompyuterisadong proseso

sa mga pribadong korporasyon gaya ng Oracle at PLDT upang pagkakitaan kahit pa masagasaan ang kapakanan ng mga estudyante . Ayon sa Anakbayan, ito ay isa na namang mukha ng nagpapatuloy na neoliberal na atake sa edukasyon, kung saan nagiging testing ground ang UP para sa mga iskema sa komersyalisasyon na binabayo diumano bilang pagpapaunlad ng mga computer system ng pamantasan.

Idiniin ng grupo na ang malaking budget para sa palpak na eUP project na aabot sa P700 milyon ay maaari na sanang ilaan para sa mga kagyat na serbisyo at pagbibigay-subsidyo sa mga mag-aaral.

Sinalubong ang pagbubukas ng klase at enrolment sa iba’t ibang kampus ng University of the Philippines (UP) ng malawakang protesta ng mga mag-aaral laban sa Student Academic Information System (SAIS) at eUP project.

Page 8: Ibayong palakasin at palawakin ang kilusang masa! Ilunsad ang

8 HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANTANONG-SAGOT

1Ano ang PEACE TALKS ng GPH at NDFP?

Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP ay naglalayong tapusin ang armadong tunggalian na nagaganap sa buong Pilipinas sa pagitan ng GPH at mga pwersa ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng pag-lutas sa ugat ng armadong tunggalian

2 Bakit ba may armadong labanan?

Mula 1969 hanggang kasalukuyan ay may nagaganap na armadong labanan sa bansa sa pangunguna ng CPP-NPA-NDF:CPP – Communist Party of the Philippines, ang namunong organisasyon sa rebolusyonaryong pakikibaka.NPA– New People’s Army o ang hukbo na naglulunsad ng armadong pakikibakaNDFP – ang alyansa ng mga rebolusyonaryong pwersa na humaharap sa gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa peace talks.

Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan ng tunay na pag-unlad, pang-aapi at pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit may armadong labanan.

3 Ano ang pinag-uusapan sa PEACE TALKS?

May apat na substantive agenda ang peace talks. Kailangang munang makamit ang mga kasunduan kaugnay sa mga ito para matapos ang armadong labanan:•Human Rights and International Humanitarian Law•Socio-Economic Reforms•Political and Constitutional Reforms•Disposition of Forces and Cessation of Hostilities

Kapag natapos na ang mga kasunduan sa unang tatlong usapin saka pa lamang mapag-uusapan ang pagbababa ng armas ng mga rebolusyonaryong pwersa.

Sa ngayon ay napirmahan na ang unang kasunduan ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

4 Ano ang CEASEFIRE?Ito ang pansamantalang pagtigil ng labanan para sa mga depinidong layunin at kunsiderasyon. Maari itong magkahiwalay na ideklara ng dalawang panig sa labanan. Maaari ding itong pagkasunduan ng dalawang panig.

Hindi pa ito nangangahulugan ng pagtatapos ng armadong labanan dahil hindi pa nalulutas ang ugat ng armadong labanan. Hindi rin ito rekisito sa peace talks pero maaaring magkaroon nito para mapaganda ang klima ng pag-uusap.

5 Ano ang POLITICAL PRISONERS?

Bahagi ng pinag-uusapan sa peace talks ang kalagayan ng mga political prisoners o bilanggong pulitikal. Sila ang mga nakapiit dahil sa sinampahan ng mga gawa-gawang

kaso bunga ng kanilang pampulitikang paniniwala.

Hindi makatarungan ang pagkakapiit sa kanila bunga ng mga gawa-gawang kaso. May obligasyon ang gobyerno na itaguyod ang karapatang pantao sa ilalim ng CARHRIHL.

Ayon sa JASIG, ang mga NDFP consultants ay dapat protektado mula sa pag-aresto, surveillance at harassment. Makakatulong sa usapang pangkapayapaan ang pagpapalaya sa kanila.

6 Bakit ngayon nagpapatuloy ang PEACE TALKS?

Ngayon lamang matutuloy ang peace talks matapos ang pagkabahura nito sa panahon ni Arroyo at Aquino.

Sa loob ng 15 taon ay walang naging makabuluhang pag-usad ang usapang pangkapayapaan.

7 Paano nasusukat ang sinseridad at kaseryosohan

sa PEACE TALKS?Pinakamainam na sukatan ay ang pagpupursige sa pagbubuo ng mga kasanduan (human rights, socio-economic reforms, political and constitutional reforms, disposition of forces) dahil dito nakasalalay ang paglutas sa ugat ng armadong tunggalian.

Sukatan din ang pagtataguyod sa mga nauna nang kasunduan. Hindi basta-basta dapat madaliin. Hindi rin masusukat sa simpleng ceasefire lang. Ang hangad natin ay kapayapaan na nakabatay sa katarungang panlipunan.

8 Bakit kailangang suportahan ang PEACE TALKS?

Lahat tayo ay may pakinabang sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan. Pag-uusapan sa peace talks ang mga problema ng karaniwang mamamayang Pilipino – kabuhayan, karapatan, lupa, kalayaan. Ang peace talks ay isang larangan para isulong ang pagbabago.

Mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na lumaya sa iba’t ibang kulungan sa Pilipinas. Larawan mula sa pinoyweekly.org.