29
1 Filipino -1 (Ikatlong Markahan) Epiko Modyul 3.2 PANITIKAN: Elemento ng Epiko ( Tagpuan) “Ullalim” GRAMATIKA/RETORIKA: Mga Anyo ng Pang-Uri I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa Narito na tayo sa ikalawang pinto, kaibigan! Sa pagpasok mo dito ay may ipakikitang larawan sa iyo ang bantay upang malaman niya kung mahusay kang maglarawan ng lugar. Madali lang, di, ba?

I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

1

Filipino -1

(Ikatlong Markahan)

Epiko

Modyul 3.2

PANITIKAN: Elemento ng Epiko ( Tagpuan)

“Ullalim” GRAMATIKA/RETORIKA: Mga Anyo ng Pang-Uri

I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

Narito na tayo sa ikalawang pinto, kaibigan! Sa

pagpasok mo dito ay may ipakikitang larawan

sa iyo ang bantay upang malaman niya kung

mahusay kang maglarawan ng lugar. Madali

lang, di, ba?

Page 2: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

2

a. Ano ang nakikita mo sa larawan? Isulat ang iyong sagot sa

pamamagitan ng patalatang paglalarawan sa sagutang papel.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

______________________

Page 3: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

3

Mahahalagang Tanong

a. Bakit kailangang alamin ang tagpuan ng mga epikong

pinag-aaralan?

b. Paano nakatutulong ang iba’t ibang anyo ng pang-uri?

b. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Mahahalagang Tanong

Bago ka magpatuloy sa pagsasaliksik ay dapat

alam mo ang sagot sa mahalagang tanong.

Subukin mo ngang sagutin?

??!

Page 4: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

4

1. Alin sa mga lugar sa Pilipinas ang nais mong puntahan? Paano ito nakaakit sa iyo?

Isulat ang sagot sa ulap kung aling lugar ang nais puntahan at isulat ang dahilan sa

damuhan. Gawin sa sagutang papel.

Maganda ang iyong ideya! Narito ang mga

dapat mong malaman sa araling ito:

A. Panitikan:

Mga Elemento ng Epiko

a. Tagpuan “Ullalim” Epiko ng Kalinga

B. Gramatika/Retorika

1. Iba’t ibang Anyo ng Pang-Uri

a. payak

b. maylapi

c. inuulit

d. tambalan

Dahilan:_____________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

2. Alin sa mga teleserye sa telebisyon ang pinanood mo?

Ano-ano ang tagpuan o mga lugar na pinangyayarihan ng

mga aksiyon gayundin ang panahon kung kailan naganap ang

kuwento? Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

B. Isagawa mo…

Page 5: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

5

___________________

Lugar/Tagpuan

___________________

Lugar/Tagpuan

___________________

Lugar/Tagpuan

___________________

Lugar/Tagpuan

___________________

Pamagat ng Teleserye

Paglalarawan sa Tagpuan Kahalagahan ng

Tagpuan

3. Masasalamin ba sa mga tagpuan ang kultura, tradisyon

at kaugalian ng mga tao mula sa iyong napanood na

teleserye? Isulat ang sagot sa pamamagitan ng pabalitang

pag-uulat. Gawin sa indeks kard na 5 x 8.

Page 6: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

6

Tandaan mo kaibigan na sa araling ito ay

may isasagawa kang produkto, ang pagbuo

ng photodoc na nakapaglalarawan sa

kasalukuyang kalagayan ng tagpuang

ginamit ng alinmang epikong binasa mo.

May pamantayan tungkol dito:

A. May kaugnayan sa tagpuan ang napiling

epiko

B. Taglay ang mga elemento ng photodoc

• Masining

• Orihinal

• Makahulugan

C. Inaasahang Pagganap

Page 7: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

7

A. Basahin mo at pag-aralan ang epikong,

“ Ullalim” ng mga taga- Kalinga.

LINANGIN ang Iyong Pag-unawa

A. Pagtataya sa kaalaman

Isulat kung saang lugar o tagpuan angkop ang sumusunod na mga bagay na

kadalasang ginagamit sa mga kuwento. Ipaliwanag. Sagutin sa sagutang papel.

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan, naglalahad ng sariling

pananaw, napaninindigan ang sariling pananaw

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

kalabaw bahag pana at

palaso gangsa (gong) banga

Page 8: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

8

ULLALIM (Epiko ng Kalinga)

Ang kuwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya, naakit ng pansin ni Dulliyaw si Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw, naisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang

bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kaniyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga. Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw. Habang sila’y kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama nang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang

lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong Español ng Sakbawan.

At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ng Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol

Page 9: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

9

sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingi

si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling nganga sa bahay at ito’y pinagpira-piraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog ay

nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.

Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siya’y madalas na tinutukso ng kaniyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kaniyang ina ngunit pinabulaanan ito ng kaniyang ina.

Sa isang iglap, si Banna ay

naging malakas at naghangad ng paghihiganti. Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna

pati ng kaniyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kaniyang pinatay si Dulliyaw.

Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kaniyang anak,

iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

Page 10: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

10

B. KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA TAGPUAN Karaniwang sa simula pa lamang ng epiko ay inilalahad o inilalarawan na ang pangyayari at lugar kung saan naganap ang karanasan ng pangunahing tauhan. Maliban sa lugar, kasama ring inilalarawan ang panahon, atmospera, at maging ang tono ng nasabing akda. Maaaring ilarawang mabuti ang tagpuan sa pamamagitan ng dalawang kaparaanan: patiyak at pahiwatig. Patiyak kung tuwirang binabanggit ng nagsasalaysay ang pangalan ng lugar; at pahiwatig naman kung ang mga detalye lamang ng tagpuan ang isinasaad. Tatlong tungkulin ng tagpuan:

1. Nagpapakilala ito ng tauhan dahil sa mga gawaing kakaiba, kakatwa, o tangi sa pook na nakapagbibigay ng tiyak na katibayang pangkarakter;

2. Pinalulutang nito ang emosyong pangkapaligiran na pumupukaw sa mambabasa o tagapakinig; at

3. Sumasanib ito sa kahulugan ng kuwento.

Sa madaling salita, ang lugar, panahon, at atmospera ay mahalagang sangkap upang makalikha ang may akda ng isang tiyak na tagpuan. Ang tagpuan at mga karanasan ng pangunahing tauhan ay dapat na angkop upang buhay na buhay ang kasaysayan.

A. Iayos ang mga letra sa loob ng bawat kahon upang makabuo ng salitang halaw sa

epikong binasa. Isulat ang tamang sagot sa ikalawang kahon. Gawin sa kuwaderno.

A Y O

G A

M B

O M A

Y D Y

G A A

L N

I A A

G K

N B A

A W

S A K

C. Paglinang ng Talasalitaan

Page 11: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

11

NGANGA

B. Isulat sa loob ng nganga ang kaisipan na may kaugnayan sa epikong binasa. Gawin

sa kuwaderno. Gayahin ang pormat.

1. Ano ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kasalan sa Kalinga? Ipaliwanag

gamit ang story ladder. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

DAHILAN

1.)

2.)

3.)

4.)

D. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

NGANGA

Page 12: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

12

2. Ano ang iyong interpretasyon sa ginawa ni Dulaw na manligaw pa ng iba

gayong may kasintahan pa siya? Isulat sa sagutang papel.

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba o hindi sa ginawa ni Ya-u na pumayag na dakpin si Dulaw bunga ng kaniyang kataksilan? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

4. Kung ikaw si Dulliyaw, tatanggapin mo ba ang pag-ibig ni Dulaw gayong alam mo na may kasintahan pa siya? Ipaliwanag ang iyong damdamin tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

SANG-AYON DI SANG-AYON

Dahilan

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

Dahilan

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

Page 13: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

13

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Alin sa mga pahayag na ito ang iyong sinasang-ayunan o hindi? Ilahad ang iyong katuwiran sa balloon. Gawin sa sagutang papel.

6. Ibuod ang binasang epiko gamit ang graphic organizer sa ibaba. Gawin sa sagutang papel.

Para sa akin ang pag-ibig

ay dapat na

ipinaglalaban kahit na

buhay man ang maging

kapalit.

Para sa akin, ang pag-

ibig ay mapagpalaya

kahit na masaktan man

ang iyong damdamin

para sa kapakanan ng

minamahal.

Page 14: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

14

7. Magbigay ng paraan ng panliligaw noon. Pagkatapos, anong bahagi ng epikong Ullalim ang nagpapahayag ng paraan ng panliligaw? Magbigay ng reaksiyon tungkol dito. Isulat sa kahon ang iyong sagot. Gawin sa sagutang papel.

Paraan ng Panliligaw noon

____________________________

____________________________

____________________________

____________________________

____________________________

____________________________

Bahagi sa Epiko na Nagpapahayag ng

Paraan ng Panliligaw

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

______________________________

____________________

Reaksiyon

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

______________________________

-

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

DULLIYAW

NG

DULAWON

DULAW NG

KAGAYAN

DURANAW

NG

MAGOBYA

YA-U

Nganga

Page 15: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

15

8. Gumawa ng interbyu sa isang pari, pastor, ministro, atbp. Itanong kung gaano kahalaga ang kasal. Pagkatapos, ipahayag ang iyong punto de vista sa kanilang kasagutan. Itala sa nakalaang hugis ang kasagutan. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

KASAL

PUNTO DE VISTA

KAHALAGAHAN

I. Sa pamamagitan ng iyong imahinasyon,

iguhit ang tagpuan sa epikong binasa. Iguhit

ito sa drawing board na nakalaan sa ibaba.

Gawin sa kartolina.

Page 16: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

16

9. Isa-isahin ang kahalagahan ng tagpuan sa mga pangyayari sa epiko. Gamitin ang linear chart. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

10. Pagmasdan ang mga larawan ng iba’t ibang lugar sa rehiyong CAR (Cordillera Administrative Region), isa-isahin ang katangian nito sa pamamagitan ng listing. Gawin sa sagutang papel.

Ano ang

kahalagahan ng

tagpuan sa

pangyayari sa

epiko ?

Page 17: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

17

Banaue Rice Terreces, Ifugao Sagada Falls, Mt.Province Dibagat River, Apayao

Skyscraper City, Abra Mt. Pulag, Benguet Mt. Patukan, Kalinga

Listing

1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

6. ________________________________________________________

7. ________________________________________________________

8. ________________________________________________________

Dahil malapit ka nang makarating sa labas ng

dimensiyong ito, kaibigan, kailangang matiyak

ko sa iyo na kaya mo nang sagutin ang ibinigay

na mahalagang tanong sa bahaging pagtuklas,

natatandaan mo pa ba? Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

Page 18: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

18

Gawaing Panggramatika

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

______________________________

Bakit kailangang

alamin ang tagpuan

ng mga epikong

pinag-aaralan?

B. Pagtataya:

Bakit kailangang angkop ang tagpuan sa epiko ng iba’t ibang rehiyon? Isulat

ang sagot sa sagutang papel.

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan,naglalahad ng sariling opinyon, at may batayan

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

Page 19: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

19

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagatan. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay. Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isang isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasiyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan. Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

A. Ngayon naman ay basahin at suriin ang

kuwentong ito. Pag-aralan ang mga

salitang may salungguhit. Sa anong

bahagi ng panalita ito nabibilang?

PALALIMIN ang Iyong Pag-unawa

Page 20: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

20

MGA ANYO NG PANG-URI Payak ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi o halo sa ganang sarili’y nagpapakilala ng uri o katangian ng pangngalang inilalarawan o sinasamahan Halimbawa: bughaw na langit haba Maylapi ang pang-uri kung binubuo ng salitang-ugat na may panlaping makauri tulad ng ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-. Halimbawa:

1. mapalad ang Pilipinas 2. malaluntiang kaparangan 3. matubig na Dipolog

Inuulit ang pang-uri kung ang salitang ugat o salitang maylapi ay may pag-uulit. Halimbawa: 1. kahanga-hangang kagandahan

2. kaakit-akit na tanawin 3. kabigha-bighaning Banawe Rice Terreces

Tambalan ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-isa o pinagsama. Ang ganitong pang-uri ay may kahulugang karaniwan o patalinghaga. Halimbawa:

1. hugis-balinsunsong na Bulkan Mayon 2. balat-sibuyas na kamay

Tama! Magaling! Pang-uri nga ang tawag sa

mga salitang may salungguhit. Ang mga ito

ay nahahanay sa iba’t ibang anyo ng pang-uri.

Narito ang karagdagang impormasyon upang

higit mong maunawaan ang tungkol sa pang-

uri at mga anyo nito.

B. Alam mo ba…

Page 21: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

21

Sa pagkakataong ito ay basahin mo ang

halimbawa ng tekstong ito at

pagkatapos ay susubukin kita kung

talagang naiintindihan mo na ang

tungkol sa pang-uri. Alam kong kaya mo!

Sige, simulan mo na!

Page 22: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

22

Laging Handa

Ni:J

Kung kailan nagdarasal

akong huwag umulan,

saka naman tila

nanunukso ang panahon.

At kahit sisihin ko pa ang

sarili ko sa hindi

pagsunod sa batas

ng Boy Scout na dapat

ay “laging handa” tuwing

lalabas ng bahay, wala

na akong magagagawa

kundi ang umilag-ilag sa

mga “kaaway”. Ang

problema, inabot akong

walang kalaban-laban sa

gitna ng kalsada.

Papatawid sa sakayan.

Wala nang pagkakataon

para umiwas-pusoy.

Ginamit ko ang face

towel na dala ko para

ipagtanggol (kahit man

lang ang ulo ko) sa mga

kaaway habang nag-i-i-

step-yes-step-no sa

pedestrian lane. Huli na

nang maisip kong hindi

pala ako pwedeng

lumaban sa giyera kung

ang dala-dala ko’y bread

knife sa halip na

bazooka.

Habang nakikipag

siksikan sa isang waiting

shed sa Quiapo, naiisip

ko ang mga batang

palaboy sa lansangan

na nagpipilit maghanap

ng ikabubuhay para sa

sarili at sa pamilya kahit

umuulan. Ang mga

batang sa bubot na isip

ay nagagawang

maghanap ng pagkain

sa legal na paraan na

ipandudugtong sa

hininga ng mga kapatid

at magulang. Napi-

picture ko ang mga

musmos na mula

pagdilat ng mga mata

ay nakikipagpatintero na

sa mga humahagibis na

sasakyan.

Page 23: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

23

Hindi ko alam kung bakit

itinatanong ko sa aking

sarili kung paano natitiis

ng kanilang mga murang

katawan ang kaligkig na

dulot ng masungit na

panahon alang-alang sa

kaunting barya. Hindi ko

alam kung bakit

pumapasok sa diwa ko’t

balintataw ang hitsura nila

habang hinahamig ang

mga dalisdis na patak sa

lansangan upang

makapagtinda ng

sampaguita. Hindi ko alam

kung bakit ko naiisip kung

ano ang kanilang iniisip sa

kanilang sitwasyon.

Siguro, wala na silang

panahon para isipin pa

kung ano ang kanilang

kahihinatnan sa dulo.

Dahil mas abala sila sa

pag-iisip sa hapunang

wala pang kasiguraduhan.

Naiisip ko rin kung ano

ang iniisip ng taong

nakaupo sa silyang

naiikot at naitataas-

baba. Siguro’y

nangunguyakoy pa ito

habang humihigop ng

mainit na kape

ngayong tag-ulan.

Hinihimas ang baba sa

paggawa ng batas na

papabor sa negosyo ng

ilang mga malalaking

tao at kaibigan habang

itinatanong sa sarili

kung ano ang mga

numerong tumama sa

lotto.

Kaya hindi siguro nila

naiisip ang mga naiisip

ko…

Nakasakay na ako

sa jeep ng himalang

tumila ang ulan.

Page 24: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

24

2. Naniniwala ka ba o hindi na nakapagpapabago ng pag-uugali ang salapi o

kayamanan? Patunayan gamit ang fan–fact analyzer. Isulat ang sagot sa sagutang

papel. Gayahin ang pormat.

Naniniwala Di Naniniwala

Nakapagpapabago ng pag-

uugali ng tao ang salapi o

kayamanan

C. Isagawa mo…

Sagutin mo ang tanong. Isulat sa

sagutang papel.

1. Naantig ba ang iyong damdamin sa

binasang akda? Nangyayari ba talaga

ito sa tunay na buhay? Patunayan.

Oo Hindi

Page 25: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

25

2. Maghanap ng balitang kahawig o kaugnay ng binasang akda at isulat ang hinihingi

na nakasulat sa bawat hugis. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang

pormat.

Tunggalian

Tunggalian

Tunggalian

Pamagat ng Balita

Tagpuan Tauhan Banghay Tema

Lugar Oras

Pangunahing

Tauhan

Katulong na

Tauhan

Simula Wakas

Tunggalian

Page 26: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

26

3.Isulat sa tsart ang kayarian ng pang-uri na ginamit sa tekstong “Laging Handa”.

Kayarian ng Pang-Uri

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

4. Salungguhitan ang pang-uring ginamit sa pangungusap na nasa loob ng kahon at

isulat kung anong kayarian ito napapabilang. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang

pormat.

Kayarian:

Kayarian:

Ang pelikulang Tanging Yaman ay istorya ng isang pamilyang nahati-hati

dala ng sariling interes at mga natatagong hinanakit at alalahanin sa buhay.

Mistulang mga taingang-kawali ang ilang politikong puro pansariling interes ang

kanilang ginagawa.

Hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng hiwaga ang kamatayan ni Nida Blanca.

Kayarian:

Page 27: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

27

C. Pagtataya sa Pag-unawa (Understanding) ng mga mag-aaral:

Magbigay ng tig-aapat na paglalarawan ng iyong pisikal at panloob na katangian.

Pagkatapos, bilugan ang mga pang-uri at gamitin ang kayarian ng pang-uri. Isulat sa

sagutang papel. Gayahin ang pormat

Pisikal na katangian

Mga salitang

naglalarawan

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

Panloob na katangian

Mga salitang

naglalarawan

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

Rubriks sa pagmamarka:

10- kaangkupan, tapat, makatotohanan, at kawastuan ng paghahanay,

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

Page 28: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

28

Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng araling ito. Dito

ay malalaman ko na mailalapat mo ang mga natutuhan

mo sa araling ito. Hindi pagsulat ang gagawin mo kundi

gagamitan mo ito ng computer at internet. Subalit ‘wag

kang mabahala sapagkat gagabayan ka ng iyong guro,

maaari ka ring magpatulong sa taong may kaalaman sa

bagay na ito. Madali lang ito, kaibigan!

ILAPAT ang Iyong Pag-unawa

D. Paglilipat ng Pag-unawa (Product and Performance) ng mga mag-aaral

Bumuo ng photodoc sa mga lugar sa Pilipinas na katulad ng mga lugar na binabanggit

sa epikong Ullalim. Gamitin ang windows moviemaker sa presentasyon nito. Lapatan

ito ng salaysay at musika. Ilagay ito sa CD/USB upang mapanood ng klase. Naritong

muli ang mga pamantayan para sa ebalwasyon sa gagawin mong photodoc.

Rubriks sa pagmamarka:

10 - May kaugnayan sa tagpuan ng napiling epiko, taglay ang mga

elemento ng photo documentary; masining,orihinal, at makahulugan

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

Page 29: I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

29

Paalala lamang! Ang gawaing ito ay isasagawa sa

computer laboratory sa inyong paaralan, kung sakaling

wala pa ay bibigyan ka ng sapat na panahon ng iyong

guro upang maisagawa mo ito sa mga internet shop.

Binabati kita! Maligayang paglalakbay, Kaibigan!

http://www.google.com.ph/search?tbm=isch&hl=en&source=hp&biw=1366&bih=598&q=castle+cartoons&gbv=2&oq=castle+cartoo

ns& http://www.google.com.ph/imgres?q=crocodile+pointing+out+cartoons&hl=en&gbv=2&biw=1366&bih=598&tbm=isch&tbnid=MNjK

BdGzOQwTYM:&imgrefurl=http://www.123rf.com/clipart-