8
Kalatas sa Kampanya Sa desperasyong pagtakpan ang krimen at takasan ang galit ng taumbayan, itinutulak ni Aquino ang charter change para pahabain ang kanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng pabor sa mga dayuhan nitong amo. Kasabay nito, tumitindi ang hidwaan ng mga paksyon sa partido ng rehimen mismo habang lumalapit ang 2016. Isinasalang ngayon ng mga kaalyado ni Aquino sa Senado si Vice President Jojo Binay para ilihis ang atensyon ng publiko kay Aquino at sa kanyang mga kaalyado. Pangarap nila na maisalba sa pamamagitan din nito ang kandidatura ni Mar Roxas o magamit nilang dahilan para sa ikalawang termino ni Aquino. Pero habang sinasalang si Binay, di maiiwasang sumabit din at malantad ang katiwalian ni Aquino at ng kanyang mga kaalyado. Naglalabasan ang mga kaso ng kurupsyon nina PNP Chief Alan Purisima at mga pangunahing nakinabang sa Disbursement Acceleration Program (DAP): sina Franklin Drilon, Butch Abad at iba pa. Nagpapatuloy at higit pang tumitindi ang pangungulimbat ng rehimen sa pondo ng bayan at pagsusulong mga patakarang kontra-mamamayan. Walang kahihiyang inilusot pa rin ang mahigit isang trilyong piso na pork barrel ni Aquino sa panukalang badyet. Binago rin ang depinisyon ng “savings” para patuloy na ipatupad ang iligal na DAP. Garapal na nagpasok pa ng “errata” matapos ang deliberasyon para isingit pa ang bilyon-bilyong pork ni Aquino sa makadayuhan, kontra-mamamayan at kurakot na ngang badyet. Ika-10 taong paggunita sa masaker sa Hacienda Luisita Umaalingasaw ang baho ng katiwalian sa gubyernong Aquino Sigaw ng mga biktima ng Yolanda: Panagutin si Aquino Hustisya para kay Jennifer: Sagad-sagad ang pagkatuta ni Aquino sa US Biguin ang demolisyon at atake sa kabuhayan ng mamamayan sa Barangay Catmon, Malabon 4 5 6 7 8 Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino. Lalong lumalakas at lumalawak ang panawagan para sa pagwawakas sa kanyang pahirap, kurap, papet at pasistang paghahari. >>>Ituloy sa p2

Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

1TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014

Kalatas sa Kampanya

Sa desperasyong pagtakpan ang krimen at takasan ang galit ng taumbayan, itinutulak ni Aquino ang charter change para pahabain ang kanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng pabor sa mga dayuhan nitong amo.

Kasabay nito, tumitindi ang hidwaan ng mga paksyon sa partido ng rehimen mismo habang lumalapit ang 2016. Isinasalang ngayon ng mga kaalyado ni Aquino sa Senado si Vice President Jojo Binay para ilihis ang atensyon ng publiko kay Aquino at sa kanyang mga kaalyado. Pangarap nila na maisalba sa pamamagitan din nito ang kandidatura ni Mar Roxas o magamit nilang dahilan para sa ikalawang termino ni Aquino.

Pero habang sinasalang si Binay, di maiiwasang sumabit din at

malantad ang katiwalian ni Aquino at ng kanyang mga k a a l y a d o . Naglalabasan ang mga kaso ng kurupsyon nina PNP Chief Alan Purisima at mga pangunahing nakinabang sa Disbursement Acceleration Program (DAP): sina Franklin Drilon, Butch Abad at iba pa.

Nagpapatuloy at higit pang tumitindi ang pangungulimbat ng rehimen sa pondo ng bayan at pagsusulong mga patakarang kontra-mamamayan.

Walang kahihiyang inilusot pa rin ang mahigit isang trilyong piso na

pork barrel ni Aquino sa panukalang badyet. Binago rin ang depinisyon ng “savings” para patuloy na ipatupad ang iligal na DAP. Garapal na nagpasok pa ng “errata” matapos ang deliberasyon para isingit pa ang bilyon-bilyong pork ni Aquino sa makadayuhan, kontra-mamamayan at kurakot na ngang badyet.

Ika-10 taong paggunita sa masaker saHacienda Luisita

Umaalingasaw ang baho ng katiwalian sagubyernong Aquino

Sigaw ng mga biktima ng Yolanda:Panagutin si Aquino

Hustisya para kay Jennifer: Sagad-sagad ang pagkatuta ni Aquino sa US

Biguin ang demolisyon at atake sa kabuhayan ng mamamayan sa Barangay Catmon, Malabon

4

5

6

7

8

Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino. Lalong lumalakas at lumalawak ang panawagan para sa pagwawakas sa kanyang pahirap, kurap, papet at pasistang paghahari.

>>>Ituloy sa p2

Page 2: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

2 OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Samantala, tuloy-tuloy ang pagtutulak pababa ng sahod, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagkakait sa serbisyong panlipunan at pag-atake sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan.

Tuloy-tuloy ang kawalan ng lupa at kagutuman sa kanayunan. Patuloy na hinaharangan ang reporma sa lupa at pamamahagi ng Hacienda Luisita.

Sa mga pamantasan, higit pang itinutulak ng rehimen ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin habang ginagatasan ang pondo ng mga state universities and colleges para sa mga proyektong pang-kurakot at pork.

Ang trahedyang kalagayan ng MRT ay larawan ng kabulukan ng patakaran ng pribitisasyon. Sa kabila nito, todo ang pagsusulong ng rehimen sa public-private partnership. Kamakailan ay inaward na rin ang kontrata sa pribitisasyon ng LRT1. Marami pang nakahanay para sa pag-award sa mga kroni ni Aquino kabilang ang mga pampublikong serbisyo at ospital.

Isang taon matapos, ang mga biktima ng Yolanda ay patuloy na sumisigaw ng hustisya. Wala na ngang ginhawang nakuha mula sa gubyerno, ginagamit pa sila ngayon para itulak ang pribitisasyon, malalaking negosyo sa Kabisayaan at kurakot sa pondo ng inilalaan para sa rekonstruksyon. Binabantaan ng demolisyon at pinalalayas sila sa kanilang mga bahay ng mga patakaran gaya ng “no build zone.”

Lubusan namang nalalantad ang sagad-sagad na pagkatuta ni Aquino sa imperyalismong US sa kaso ng pagpatay ng isang sundalong Amerikano sa kababayan natin na si Jennifer Laude. Todo ang pagtatanggol ni Aquino sa Visiting Forces Agreement at pag-aabugado para sa tropang Amerikano.

Ang paglaban ng mamamayan ay tinatapatan ng brutal na kampanyang pasista sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Tumitindi ang militarisasyon at

paglabag ng karapatan sa North Luzon at Mindanao. Kamakailan, dalawang lider-kabataan ang iligal na dinakip sa Gitnang Luzon. Samantala, ang mga lumabag ng karapatan gaya ni Jovito Palparan ay kinakanlong ni Aquino. Hinihingi ng sitwasyon na pagpapalakas at pagpapalawak ng kilusan para patalsikin ang rehimeng US-Aquino.

Palakasin ang kilusang masa ng kabataan at mag-aaralMahalagang sikad ang paglakas at paglawak ng kilusang masa ng kabataan at mag-aaral sa kilusang talsik. Dapat magmartsa sa harapan ng pambansang hanay ang mga kabataan sa iba’t-ibang mga isyu. Sa pagdaluyong sa lansangan at pakikiisa sa mamamayan, maiihatid ang malalakas na bigwas laban sa rehimen.

Dapat tumanaw ng malaki at malawak na mga pagkilos, paghusayan ang pagpapakilos sa organisadong hanay para abutin ang masa, masaklaw na propaganda-ahitasyon at edukasyon, pagtitipon ng malawak na hanay sa iba’t-ibang usapin para likhain ang papalaking mga pagkilos laban sa rehimen.

Kailangan mahusay na pagkumbinahin ang pakikibaka ng sektor para sa karapatan sa edukasyon at pagtuligsa sa pahirap, kurap, papet na rehimen.

Junk all other school fees! No to tuition hikes!Napapanahong ilunsad ang isang pambansang nagkakaisang taktikal na kampanya na magtutulak sa rehimeng Aquino na ibasura ang samu’t saring bayarin sa mga pamantasan. Ito ang magiging pokus ng paglaban sa tuition hikes at pagkakait sa karapatan sa edukasyon.

Ang mga bayarin sa mga paaralan gaya ng development fee, energy fee, miscellaneous fee, athletics fee, cultural fee, examination fee, internet fee, late payment fee, registration fee at iba pa ay bumubuo ng malaking bahagi ng binabayaran

ng mga mag-aaral at magulang sa pamantasan. Ang mga bayarin ay karaniwang nagkakahalaga ng mula ilangdaan hanggang ilanlibong piso bawat isa. Kadalasan, katumbas o mas malaki pa ang mga ito kaysa sa binabayarang matrikula.

Sa ilalim ng patakaran ng deregulasyon at pagpapatindi ng komersyalisasyon ng edukasyon, sistematikong itinutulak ang pagsingil ng mga pabigat at dagdag pasanin na mga singilin na ito mula sa mga mag-aaral at magulang.

Ang mga bayaring ito ay mapang-abuso, pagkamahal-mahal, paulit-ulit at malinaw na panloloko at panghuhuthot sa mga mag-aaral at magulang. Ipinapapasan sa mga mag-aaral ang mga bayaring kung tutuusi’y kanila na ngang binayaran sa pagkamahal-mahal na matrikula. Milyon-milyong piso ang hinuhuthot mula sa mga bayaring ito. Sinisingil sa mga mag-aaral ang napakalaking mga halaga na di naman nila mapapakinabangan at malinaw na pupunta sa dambuhalang kita ng mga kapitalista-edukador.

Halimbawa, nagbayad na nga ng matrikula, magbabayad pa ng matriculation fee at registration fee. Kung may exam, may examination fee. Sa paggamit ng mga gusali at klasrum ay may mga laboratory fee o computer fee. Iba pa ang mga rental fee para sa mga pasilidad. Sa energy fee naman, ipinapataw ang kuryente sa mag-aaral at ipinambibili ng mga bagong aircon.

Sa bawat kurso o subject, may mga partikular na fees gaya ng cultural fee, PE fee, field trip fee o athletics fee. Labas pa ito sa mga singilin para sa mga proyekto, libro o modyul. Binibigyang dahilan pa kunwari ang mga fees bilang serbisyo gaya ng internet fee, dental o medical fee, insurance fee na sa totoo’y di naman talaga napapakinabangan ng mga mag-aaral at pagkamahal-mahal.

Page 3: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014

Maging ang pagpapatayo ng bagong mga gusali ay sinisingil sa development fee. Sa ilang pamantasan, ginagamit ang bayarin na ito para magpatayo ng mga hotel o mga ibang negosyo na walang kinalaman at di naman direktang nagagamit ng mag-aaral.

Kung hindi ka makapagbayad dahil sa pagkarami-raming bayarin ay huhuthotan ka pa rin ng late payment fee o installment fee.

Taon-taong nagtataas ang halaga ng mga singilin na ito at ginagamit din ito para linlangin ang mga mag-aaral at itago ang mas malaki pang tuition increase.

Kahit sa mga state universities at colleges (SUCs) ay sistematikong pinatutupad ang paniningil ng mga bayarin habang tinotodo ang pagkokomersyalisa at pinaliliit naman ang pondong inilalaan ng gubyerno. Karaniwang tinitipon ito sa mga trust fund na ginagamit sa katiwalian at mga proyektong walang pakinabang sa mga mag-aaral at kawani. Itinutulak ng gubyerno na higit na palakihin ang nasisingil sa mga bayaring ito para “kumita” ang mga SUC.

Ang mga bayaring ito rin ang pahirap sa mga mag-aaral at magulang maging sa elementarya at high school, pampubliko man o pribado. Higit na mas mahal ang mga bayarin sa pribado, habang sa pampubliko, ipinapapasan ito habang palinlang na sinasabi ng gubyerno na “walang tuition” sa mga paaralan.

Pinapatupad ng rehimeng US-Aquino ang panghuhuthot na ito sa mga mag-aaral at magulang. Sa ilalim ni Aquino, napakatindi ng pagtaas ng matrikula at mga bayarin. Pinagpapatuloy ni Aquino ang pagpapatupad sa Education Act of 1982 na nagtatakda ng deregulasyon sa matrikula at mga bayarin. Pinasahol pa niya ito sa pamamagitan ng CHED Memo No. 3 na naglegitimisa at nagsistematisa sa paniningil ng mga bayarin labas sa matrikula.

Ang mga neoliberal na patakaran rin sa edukasyon gaya ng K12, academic calendar shift at patuloy na pagpapaliit ng pondo para sa edukasyon ay magtutulak ng pagtindi ng pagtaas ng matrikula at mga bayarin sa mga pamantasan.

Habang tumitindi ang panghuhuthot sa pamamagitan ng mga bayarin na ito, tumitindi naman ang mga pag-atake sa demokratikong karapatan ng mga mag-aaral. Nagpapasa at nagpapatupad ng mga “student code” at mga handbook sa mga pamantasan na susupil sa karapatan sa pamamahayag, pag-oorganisa at pagkilos ng mga mag-aaral.

Ilulunsad ng mga organisasyon ng kabataan at mag-aaral ang pambansang kampanya para igiit sa gubyerno na kagyat na ibasura ang mga pabigat na bayaring ito sa pamantasan. Ang pagtatanggal ng mga bayaring ito ay magbibigay ng kagyat na ginhawa sa mga mag-aaral at magulang mula sa tuloy-tuloy na pagtaas ng matrikula. Magiging malaking bahagi ito ng pangkabuuang paglaban sa pagtaas ng matrikula at para sa karapatan sa edukasyon.

Dapat ilunsad ang malawak na propaganda ahitasyon at edukasyon na nakatuntong sa labang ito at naglalantad ng kabuuang bulok na sistema ng edukasyon na kolonyal, komersyalisado at pasista.

Dapat itayo sa mga pamantasan, kapwa pribado at publiko sa buong bansa ang Rise for Education Alliance na siyang magiging tipunan ng iba’t ibang mga organisasyon, konseho, publikasyon, fraternities, institusyon, mga kaguruan at faculty at administrador.

Dapat ilunsad ang malalaking mga pagkilos sa mga pamantasan, sa mga sentro at lansangan laban sa mga bayarin sa paaralan at pagtaas ng matrikula.

Kasabay nito, dapat ding salagin at biguin ang mga pag-atake sa demokratikong karapatan sa kampus at ipaglaban ang kalayaan sa pagpapahayag, pag-oorganisa at pagkilos.

Labanan ang pahirap, kurap, papet at pasistang rehimeng Aquino! Dapat higit na palawakin at palakasin ang paglaban sa rehimeng Aquino sa iba’t ibang mga isyu at usapin: patuloy na pagpapahirap sa bayan, pangungulimbat sa kabang bayan at bulok na pulitika, pagpapakatuta sa dayuhan at pasistang panunupil. Kaisahin ang organisadong hanay hanggang sa batayang antas para sa pag-aambag sa kilusang talsik.

Dapat palawakin ang propaganda-ahitasyon at edukasyon na maagap na nagpupukaw sa malawak na masa ng kabataan sa iba’t ibang mga isyu, naghahayag ng progresibong pagsusuri at paninidigan, at naghahayag ng alternatibo sa bulok na sistema.

Dapat kaisahin ang malawak na hanay para sa panawagan para sa pagbibitiw o pagpapalayas kay Aquino. Buuin sa pinakamaraming mga paaralan, komunidad at pagawaan ang Youth Act Now bilang tipunan ng mga namumuhi sa bulok na rehimen. Dapat manguna ang Youth Act Now sa iba’t iba pang mga alyansa at pormasyon laban sa rehimen sa iba’t ibang mga isyu: DAP at kurupsyon, cha-cha, Justice for Jennifer-Junk VFA, MRT-LRT, PPP, HLI, Yolanda, Human Rights at iba pa.

Dapat ipalaganap ang mga talakayan sa malawak na hanay ang hinggil sa transition council bilang kapalit ng rehimen para higit na mailantad ang rehimen at makontra ang propaganda nito hinggil sa kawalan ng papalit sa kanya.

Dapat likhain ang malawak na hanay at ilunsad ang iba’t ibang mga porma ng pagkilos tungo sa paglulunsad ng papalaking mga protesta sa mga pamantasan at lansangan: mga walk-out, boykoteo at asamin ang pagpapakilos ng milyong mamamayan laban sa rehimen.

Page 4: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

4 OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ika-10 taong paggunita sa masaker sa Luisita:Wala pa ring lupa, hustisya para sa magbubukid

Kaalinsabay nito, dapat maagap at mapagpasyang harapin ang ilang mga tukoy na mga usapin sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng kabataan at mag-aaral. Una, dapat palakihin at palakasin mga balangay ng Anakbayan sa mga batayang antas. Ikalawa, tiyaking itaas ang antas ng kalidad ng gawaing pampulitika sa mga batayang antas. Ikatlo, paunlarin ang koordinasyon at mahusay na pamumuno sa mga progresibong pwersa lalo na sa mga eskwelahang matagal nang itinuturing na mga sentro ng kilusang kabataang-estudyante. Ikaapat, paghusayan ang tamang ugnayan at timpla ng mga isyung sektoral at mga isyung pampulitika at pambansa. Paghusayan din ang pakikitungo at gawain sa mga tradisyunal na organisasyon, student council, publikasyon, administrasyon; pahusayin ang gawaing alyansa.

Gugunitain ng bayan ngayong Nobyembre ang ika-sampung taon ng masaker sa Hacienda Luisita. Noong Nobyembre 16, 2004, sa utos ng mga Aquino-Cojuangco, pinaulanan ng bala ng mga sundalo ang libo-libong nagpoprotesta sa mismong gate ng hacienda. Pito ang namatay sa isa sa mga pinakamarahas na pagsupil sa protestang magsasaka sa kasaysayan ng bansa.

Ang welga ng mga manggagawa at manggagawang bukid ng Luisita ay pananda sa mahabang kasaysayan ng paglaban ng mga magsasaka para sa lupa at hustisya. Pag-aaklas nila ito laban sa pambubusabos na nakaugat sa monopolyong pag-aari ng mga Cojuangco-Aquino sa mahigit anim na libong ektaryang lupain sa Tarlac na inagaw nila sa mga magsasaka noong 1950s sa pamamagitan ng burukratikong pambabraso at paggamit sa pondong publiko.

Hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng mga batas hinggil sa reporma sa lupa at sa makasaysayang desisyon ng Korte Suprema noong 2012 na nagsasabing dapat ipamahagi ang Luisita sa magsasaka, nananatili ang pagmamaniobra ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III para panatilihin ang monopolyo sa lupa.

Lubhang pinaliit ang lupang saklaw ng pamamahagi sa magbubukid. Hindi isinama ang mga lupaing ibinenta na ng mga Cojuangco-Aquino at inilusot ang iba pa sa pamamagitan ng “land conversion.”

Itinutulak ng DAR ang mga benepisyaryo sa pagpaparenta at pagbebenta ng lupang inaward sa magbubukid at itinali sila sa mga kondisyon na kalauna’y magdidiskwalipika sa kanila.

Idinaan sa tambiyolo ang bogus na pag-aaward ng lupain para sadyang ipitin ang mga magbubukid at pilitin silang pumirma sa mga kasunduan na magbebenta muli ng mga lupa sa mga tauhan ng Cojuangco-Aquino. Nalantad na si Virginia Torres, na unang nakilala bilang “casino girl” ng Land Transportation Office ang tumatayong “aryendo” o muling tagabawi ng mga lupain sa Luisita.

Hindi rin pinayagan ng DAR ang kolektibong pag-aari ng lupain na hiling mga magsasaka. Ang mga “bungkalan,” ng mga magbubukid na kanilang tinamnan para igiit ang kanilang karapatan sa lupa ay dinadahas at winawasak ng gubyerno.

Samantala, pinondohan pa ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ang pagbabayad sa Cojuangco-Aquino ng mahigit P471 milyon para sa lupang saklaw ng bogus na distribusyon.

Inilalantad ng patuloy na inhustisya sa Luisita ang napakatinding pandudusta sa mga magbubukid sa bansa. Ipinapakita nito ang kabulukan ng bogus na reporma sa lupa sa bansa at ang pangangailangang labanan mapang-aping sistema sa ilalim ng paghahari ng mga panginoong maylupa.

Patuloy ang panawagan ng mga magbubukid ng Luisita at mamamayan para sa lupa at hustisya. Dapat panagutin at pagbayarin ang hacienderong rehimeng US-Aquino sa patuloy na pandudusta sa mga magsasaka at mamamayan.

Ilunsad ang malaking Pambansang Pagkilos sa Nobyembre 17. Tanawin natin na malakas na maihayag ang panawagan ng malawak na hanay para sa pagbibitiw ni Aquino sa araw na ito. Ilunsad natin ang mga walk-out, asembilya, lokal na mga martsa at aktibidad sa mga pamantasan at magtipon sa mga sentro.

Sa Kamaynilaan, ilulunsad ang mga walkout sa umaga at ganap na alas-3 ng hapon magtitipon sa Liwasang Bonifacio para sa programa. Matapos nito ay magmamartsa patungong Mendiola.

Malakas na tumugon sa pagkilos sa Nobyembre 30. Ilunsad din ang mga pagdiriwang para sa ika-50 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at anibersaryo rin ng Anakbayan.

Ilunsad ang malakas na protesta sa darating na December 3-4. Ang dalawang araw na protesta ay malakas na pangsara natin ng taon kung saan tinatanaw na makapagpakilos ng libo-libo.

Page 5: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014

Umaalingasaw ang baho ng katiwalian sa gubyernong Aquino

Patuloy na nalalantad ang mga kaso ng katiwalian kung saan sangkot si BS Aquino III at ang kanyang mga kaalyado. Higit ding nalalantad kung paanong ang Disbursement Acceleration Program (DAP) at iba pang mga pondo ng gubyerno ay pumunta sa pakinabang ng kanyang pamilya, mga kaalyado at kroni.

Kamakailan, nalantad na ang asawa ng pangunahing tagapagtanggol at implementor ng DAP na si Sec. Butch Abad ay nakatanggap ng malaking pondo mula sa DAP. Si Rep. Henedina Abad, kongreswoman ng Batanes ay nakatangap ng lagpas sa P30 milyon para sa “beautification projects.”

Ang iba pang pangunahing nakinabang sa DAP ay kilalang mga kaalyado rin ni Aquino gaya nina Sec. Jun Abaya, Speaker Feliciano Belmonte, Senate President Franklin Drilon, Sec. Francis Pangilinan at iba pang miyembro ng Liberal Party.

Kabilang din sa mga nakinabang sa DAP ang mga kapamilya mismo ni Aquino, na nabigyan ng P471.5 milyon bilang kompensasyon para sa lupain ng Hacienda Luisita kahit na hindi pa ito tuluyan na naipapamahagi sa mga magsasaka. Ang lupaing nagkakahalagang P304 milyon na hawak ng mga Cojuangco, ay binayaran ng Land Bank ng P471.5 milyon.Nakinabang din ang mga armadong grupo na bahagi ng militar gaya ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) at Moro National Liberation Front (MNLF). Nabigyan ng P1.5 bilyon ang CPLA at nabigyan naman

ng P1.8 bilyon ang MNLF. Ang CPLA ay isang armadong grupo na pumaloob na sa AFP, sangkot ito sa ibat-ibang kaso ng human rights violations.

Sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Dinky Soliman, nakatangap ng P1.97 bilyon ang Department of Social Welfare and Development mula sa DAP noong 2011. Depensa ni Soliman, ginamit daw sa ibat-ibang proyekto ng DSWD ang pera mula sa DAP, ngunit hangang ngayon wala pa ring malinaw na katibayan na naibibigay ang DSWD patungkol dito. Maliban sa pagkasangot sa DAP, matagal nang nasasangkot ang DSWD sa mga kaso ng kurapsyon. Ilang ulit nang nabatikos ang DSWD dahil sa pang-hohoard ng relief goods, pamimigay ng bulok na relief goods, at kapabayaan sa mga nasalanta.

Inilantad rin kamakailan ang sangkaterbang korapsyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos malantad ang katiwalian ni PNP Chief Director General Alan Purisima. Dawit si Purisima sa maanomalyang kontrata ng PNP Firearms and Explosives Office, pagtatayo ng mamahaling “white house” sa loob ng kampo

ng PNP at pagmamayari ng mga ari-arian na napakalaki kumpara sa kanyang sweldo at kinikita sa negosyo.

Kabilang din sa mga sangkot sa iskandalo ang kapatid mismo ng presidente na si Ballsy Aquino-Cruz at ng asawa nitong si Eldon Cruz. Si Ballsy at Eldon ay inakusahan ni Czech Ambassador Josef Rychtar ng pangingikil mula sa kompanyang Inekon. Pagkatapos ng matinding pang-iipit ng administrasyon, binago ni Amb. Rychtar ang kanyang testimonya at sinabing si dating MRT general manager Al Vitangcol kasama ang ilan pang opisyales ng Department of Transportation and Communications ang sinubukan mangikil ng $30 milyon sa Inekon para sa kontrata sa modernisasyon ng ilang coach ng MRT3.

Si Transportation Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, na kilalang malapit sa pangulo, ay sangkot naman sa kaso ng maanomalyang kontrata para sa maintenance ng Metro Rail Transit 3 (MRT3).

Kahit na lantad na lantad na ang katiwalian ng mga kaalyado, patuloy pa rin ang pagdepensa ni Aquino sa kanila. Sa pagpapanatili ni Aquino sa mga kaalyado niya sa pwesto, higit na nalalantad sa pagiging korap niyang pamamahala. Lalong lumalakas ang panawagan para sa pagpapanagot at pagpapatalsik sa rehimeng US-Aquino.

Speaker Sonny Belmonte

PNP Chief Alan Purisima

DILG Sec. Mar Roxas

Senate President Franklin Drilon

DSWD Sec. Dinky Soliman Ballsy Aquino, presidential sister

DBM Sec. Butch Abad

DOTC Sec. Jun Abaya

Page 6: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

6 OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Sigaw ng mga biktima ng Yolanda:Panagutin si Aquino!

Patuloy ang garapal at kriminal na pagpapabaya ng rehimeng BS Aquino sa mga biktima ng superbagyong Yolanda isang taon matapos ang trahedya.

Nobyembre ng nakaraang taon, sinalanta ng superbagyong Yolanda ang Kabisayaan. Sa harap ng matinding kapabayaan at kawalan ng tugon ng gubyerno, malaking pinsala sa buhay at kabuhayan ang idinulot nito sa milyon-milyong mamamayan, lalo na ang mahihirap.

Tuloy-tuloy ang mga malalaking protesta at panawagan ng mga biktima at mamamayan para sa hustisya at para panagutin ang gobyernong Aquino.

Pagpapabaya at pagkainutilAng sukdulang pagkainutil at kriminal na kapabayaan ng rehimeng Aquino ang siyang dahilan sa maraming bilang ng patay at nawawala. Ayon sa opisyal na datos ng gobyerno, aabot ng 6,300 ang naitalang patay habang 1,061 ang nawawala. Ngunit tinatayang aabot ng 18,000 ang nasawi dahil sa bagyo.

Aabot din ng 4.4 milyon ang nawalan ng bahay sa pangkabuuang populasyon ng 16 milyon sa 14 probinsyang pinakalubhang napinsala sa bagyo. Lagpas isang milyong bahay ang apektado, kung saan kalahati ay lubusang nasira.

Hindi lihim sa lahat kung paano naparalisa ang kuryente, tubig, komunikasyon, edukasyon at transportasyon sa maraming lugar. Lagpas 3,000 paaralan ang nawasak sa buong bansa.

Mahalagang malantad ang tunay na kalagayan ng mamamayan sa gitna ng pagpupumilit ng rehimeng Aquino na pagtakpan ang pagpapabaya nito sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda na patuloy na nagdurusa sa kahirapan at kagutuman.

Maalalang hindi naging sapat ang paghahanda ng rehimeng Aquino para sa pagdating ng Yolanda. Hindi natiyak ang mga rekurso at pasilidad upang mailigtas ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring makabuluhang aksyon ang gubyerno. Sa 1.5 milyon apektadong pamilya, 215,471 pamilya lamang ang naitala na nakinabang sa proyektong Cash for Building Livelihood Assets.

Ang mga nasiraan ng bahay ay ipinagsiksik sa mga paaralan, pampublikong gusali at mga ‘tent cities’ na nagsisilbing mga sentro para sa ebakwasyon. Nagdurusa sila sa di makataong kondisyon. Masikip, marumi, at bulnerable sa sakit at panganib ang kanilang kalagayan.

Ayon mismo sa National Housing Authority, hindi aabot ng 1 porsyento ng mga nasiraan ng bahay sa delubyo ang napatayuan ng permanenteng tahanan.

Sa gitna ng malaking trahedya na dinanas ng mga biktima ng Yolanda, hindi nakatugon ang rehimeng Aquino sa pagbigay ng panandaliang tulong. Sa halip ay ipinasa ang responsibilidad na ito sa mga donasyon ng mga mamamayan at organisasyon mula sa ibayong dagat.

Para sa malaking negosyo at kurapsyonAng buong programa para sa rekonstruksyon at rehabilitasyon ng mga sinalanta na nagkakahalaga ng P360.89 bilyon ay ilalaan para sa kita ng malaking negosyo at kurakot.

Sa kabila ng malaking pinsala sa agrikultura, mas binuhusan pa ng pera ng rehimeng Aquino ang mga imprastruktura upang magkaroon ng kickback sa mga proyekto at upang pakinabangan ng mga kroni at among burgesya komprador.

Samantala, inaatake ang karapatan ng mamamyan sa pamamagitan ng polisiyang ‘no-build zone’ kung saan dinidemolis ang mga residente na naninirahan 40 metro galing sa baybayin at pinagbabawalan din na muling magtayo ng kanilang mga bahay. Kunwari’y para sa ‘kaligtasan’ pero kinakamkam ang kanilang mga lupa para sa malalaking negosyo.

Malinaw na ginagamit ng dayuhang monopolyo kapital at mga lokal na kakuntsaba nito ang malaking pinsala na dulot ng Yolanda upang mamuhunan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at makapagkamal ng dagdag na kita.

Ginamit pa ang trahedya upang makapagposisyon ng dagdag na tropang Amerikano at mga barkong pangdigma ang imperyalistang Estados Unidos dito sa bansa.

Mas masahol pa, ni hindi dumating ang mga ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at sa halip ay

ibinulsa ito ng mga korap na opisyal. Tanging P3 bilyon lamang sa P100 bilyon na inilaan ng Kongreso bilang pondong pangkalamidad ang napunta sa mga biktima.

Aabot ng P700 milyon na donasyon ang hindi ma-account ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang mayroong P40 milyong halaga ng relief goods ang naiwang nabubulok sa warehouse ng nasabing departamento.

Samantala, ang mga bunkhouses na ipinagmamalaki ng gobyernong Aquino ay hindi lamang kulang at substandard. Maanomalya din ang konstruksyon nito kung saan aabot ng 35 porsyento ang nakukuha sa kickback.

Panagutin ang rehimeng AquinoPinatindi ng trahedyang gubyerno ng rehimeng Aquino ang natural na kalamidad na bagyong Yolanda.

Dapat panagutin sa mga krimen nito ang rehimeng Aquino. Dapat din panagutin ang mga opisyal na responsable sa kriminal na kapabayaang ito tulad ni Interior Sec. Mar Roxas, Yolanda Reconstruction Sec. Panfilo Lacson, at Social Welfare Sec. Dinky Soliman. Dapat igiit ang katarungan para sa mga libo-libong namatay. Kasabay nito, dapat isulong ang karapatan ng lahat ng mga biktima para sa sapat na pagkain, makataong kabuhayan, lupa, pabahay, at iba pang serbisyo sosyal.

Dapat labanan ang pagtangka ng mga naghaharing uri at ng kanilang mga imperyalistang amo na kamkamin ang lupa at kayamanan na dapat sana ay nakalaan para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng mga sinalanta at kanilang mga komunidad.

Pinapakita ng trahedyang Yolanda at Aquino ang hindi maikakailang larawan ng isang sistemang mala-pyudal at mala-kolonyal kung saan sa gitna ng kamatayan at kagutuman ng mamamayan, higit pa ring aalalahanin at titiyakin ng gobyerno ang pagkakamal ng yaman at kita para sa iilang naghaharing uri at imperyalistang amo.

Itinutulak ng kriminal na kapabayaan at pang-aabuso ng rehimen sa biktima ng Yolanda ang mas maraming mamamayan na mag-aklas, patalsikin ang rehimeng US-Aquino at isulong ang pambansa demokratikong pakikibaka.

Page 7: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014

Hustisya para kay Jennifer:Sagad-sagad ang pagkatuta ni Aquino sa US

Todo-todong pagkatuta ang ipinamalas ng rehimeng US-Aquino sa kaso ng pagpaslang kay Jennifer Laude sa Olongapo. Todo-todo ang pagtatanggol ni Aquino sa Visiting Forces Agreement (VFA) at sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), pinagtatanggol ang kriminal na sundalong Amerikano habang tahasang iniinsulto ang biktima at ang kanyang pamilya.

Noong gabi ng Oktubre 11, natagpuang patay si Laude sa isang motel sa Olongapo City. Si US Marine Private First Class (Pfc) Joseph Scott Pemberton ang naging pangunahing suspek sa krimen, na huling nakitang kasama ni Laude papasok ng motel, bago natagpuan ang huli ng isang motel staff na wala ng buhay, puno ng pasa, at nakalubog ang ulo sa inidoro ng motel room.

Sa halip na ipanawagan ng gubyernong Aquino ang hustisya para sa biktima at igiit ang kustodiya ng Pilipinas sa maysala, agad-agad na pinagtanggol ni Aquino ang VFA at EDCA. Nang tanungin kung hindi ba pupunta sa burol para makiramay, bastos na sinabi ni Aquino na “hindi siya nagpupunta sa burol ng mga hindi niya kilala.”

Agad ding pinagtanggol ng gubyerno ang Amerikanong sundalo at sinabing maaaring niloko ng transgender woman na si Laude ang Amerikano o tinangka niya itong nakawan.

Walang anumang hakbang na ginawa si Aquino para kunin ang kustodiya ng maysala at tiyakin ang hustisya para kay Laude. Kahit na ang token na rekwes para sa kustodiya mula sa US sa ilalim ng VFA ay hindi nito hiningi.

Sa ilalim ng VFA, simpleng rekwes ng US ang kailangan at awtomatikong sa kanila mananatili ang kustodiya ng sinumang military personnel nito sa bansa. Para pahupain ang galit ng publiko, si Pemberton ay inilipat kamakailan sa pamamagitan ng airlift mula Olongapo city papuntang Camp Aguinaldo, at nakadetina ito ngayon sa isang airconditioned na van sa loob ng kampo. Pero nananatiing sa US ang

kustodiya niya, habang mistulang guwardiya niya ang mga sundalong Pilipino. Sa katunayan, wala pang pinupuntahang hearing si Pemberton at nais pang pababain ang kaso niya sa homicide.

Samantala, pinagdidiskitahan ng AFP at ng gubyernong Aquino ang mga kamag-anak at tagasuporta ni Laude. Ginigipit nito ang German na fiance ni Laude na si Marc Sueselbeck at mga kaanak nito. Binabantaan din ng disbarment si Atty. Harry Roque, abugado ng pamilya Laude.

Inilalantad ng kaso ng pagpaslang at kawalang hustisya kay Laude ang lansakang paglabag sa soberenya ng bansa sa VFA at todo-todong pagkatuta ni Aquino.

Mahaba na ang kasaysayan ng panggagahasa at pamamaslang na ginagawa ng Amerikanong sundalo sa kanilang operasyong militar sa bansa. Noong 2005, ginahasa ni Lance Corporal Daniel Smith sa Subic si “Nicole,” nahatulang guilty si Smith subalit hindi isinuko ang kustodiya at inipit ang pamilya ng biktima hanggang sa sumuko ito at bumaliktad ng testimonya.

Isa pang Pilipina, si “Vanessa” ay ginahasa rin noong Abril 2009 ng isang US Marine na nakatalaga sa Joint US Military Assistance Group. Hindi na nagsampa ng kaso si “Vanessa” dahil nangamba siyang magagaya lamang kay “Nicole,” na hindi rin nakakuha ng katarungan.

Noong Pebrero 2008 ay pitong sibilyan, kabilang ang apat na menor de edad ang napatay nang salakayin ng pinagsanib na mga pwersa ng US Navy at AFP ang Barangay Ipil, Maimbung, Sulu. Pinalabas ng AFP na namatay ang mga biktima sa isang operasyong militar

laban sa Abu Sayyaf na hindi raw nilahukan ng mga sundalong Amerikano.

Noon namang 2004, si Arsud Baharun, isang mangingisda ang nasugatan ng mga sundalong Amerikanong nagta-target practice sa Zamboanga City. Walang nanagot sa mga salarin, at papatak-patak pa ang ibinigay na tulong sa pagpapagamot ng biktima.

Isa pang sibilyang nangngangalang Buyong-Buyong Isnijal ang binaril ng sundalong Amerikanong si Sgt. Reggie Lane noong Hulyo 2002 sa Basilan. Hindi man lamang humarap sa anumang asunto si Lane dahil inilabas na siya ng US sa Pilipinas kinabukasan. Ang doktor namang gumamot kay Isnijal at nagsalaysay na kabilang ang tatlong sundalong Amerikano sa mga nagdala sa biktima sa ospital ay kahina-hinalang pinaslang matapos ang dalawang taon.

Noon namang Marso 2000, binugbog ng tatlong sundalong Amerikanong lumahok sa Balikatan Exercises si Marcelo Batistil, isang drayber ng taksi sa Cebu City. Agad ding pinauwi sa US ang mga sangkot na tropa.

Ang pinakahuling biktima bago si Laude ay si Gregan Cardeño, isang sibilyang kinontrata bilang tagasalin ng mga sundalong Amerikanong nakaistasyon sa loob ng isang base militar ng AFP sa Marawi City. Tatatlong araw pa lamang sa trabaho noong Pebrero 2, 2010 ay natagpuang patay si Cardeño sa baraks ng Philippine Army 103rd IB sa Camp Ranao. Ang kaibigang nagrekomenda sa kanya sa trabaho at tumutulong noong imbestigahan ang kaso ay inambus at napatay matapos ang dalawang buwan. Papunta sana siya noon sa pamilya ni Cardeño para isiwalat ang kanyang mga natuklasan.

Tiyak na dadami ang mga gagahasain, papaslangin at lalabagan ng karapatan sa higit na panghihimasok ng US sa bansa.

Dapat igiit ang hustisya para kay Laude at sa iba pang biktima ng panggagahasa, pamamaslang ng mga Amerikanong sundalo. Dapat patuloy na itulak ang pagbabasura ng VFA at EDCA, at ang pagpapalayas ng tropang Amerikano sa bansa.

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014

Hustisya para kay Jennifer:Sagad-sagad ang pagkatuta ni Aquino sa USTodo-todong pagkatuta ang ipinamalas ng rehimeng US-Aquino sa kaso ng pagpaslang kay Jennifer Laude sa Olongapo. Todo-todo ang pagtatanggol ni Aquino sa Visiting Forces Agreement (VFA) at sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), pinagtatanggol ang kriminal na sundalong Amerikano habang tahasang iniinsulto ang biktima at ang kanyang pamilya. Noong gabi ng Oktubre 11, natagpuang patay si Laude sa isang motel sa Olongapo City. Si US Marine Private First Class (Pfc) Joseph Scott Pemberton ang naging pangunahing suspek sa krimen, na huling nakitang kasama ni Laude papasok ng motel, bago natagpuan ang huli ng isang motel staff na wala ng buhay, puno ng pasa, at nakalubog ang ulo sa inidoro ng motel room. Sa halip na ipanawagan ng gubyernong Aquino ang hustisya para sa biktima at igiit ang kustodiya ng Pilipinas sa maysala, agad-agad na pinagtanggol ni Aquino ang VFA at EDCA. Nang tanungin kung hindi ba pupunta sa burol para makiramay, bastos na sinabi ni Aquino na “hindi siya nagpupunta sa burol ng mga hindi niya kilala.”

Agad ding pinagtanggol ng gubyerno ang Amerikanong sundalo at sinabing maaaring niloko ng transgendered woman na si Laude ang Amerikano o tinangka niya itong nakawan.

Walang anumang hakbang na ginawa si Aquino para kunin ang kustodiya ng maysala at tiyakin ang hustisya para kay Laude. Kahit na ang token na rekwes para sa kustodiya mula sa US sa ilalim ng VFA ay hindi nito hiningi.

Sa ilalim ng VFA, simpleng rekwes ng US ang kailangan at awtomatikong sa kanila mananatili ang kustodiya ng sinumang military personnel nito sa bansa. Para pahupain ang galit ng publiko, si Pemberton ay inilipat kamakailan sa pamamagitan ng airlift mula Olongapo city papuntang Camp Aguinaldo, at nakadetina ito ngayon sa isang airconditioned na van sa loob ng kampo. Pero nananatiing sa US ang kustodiya niya, habang mistulang guwardiya niya ang mga sundalong Pilipino. Sa katunayan, wala pang pinupuntahang hearing si Pemberton at nais pang pababain ang kaso niya sa homicide.

Samantala, pinagdidiskitahan ng AFP at ng gubyernong Aquino ang mga kamag-anak at tagasuporta ni Laude. Ginigipit nito ang German na fiance ni Laude na si Marc Sueselbeck at mga kaanak nito. Binabantaan din ng disbarment si Atty. Harry Roque, abugado ng pamilya Laude.

Inilalantad ng kaso ng pagpaslang at kawalang hustisya kay Laude ang lansakang paglabag sa soberenya ng bansa sa VFA at todo-todong pagkatuta ni Aquino.

Mahaba na ang kasaysayan ng panggagahasa at pamamaslang na ginagawa ng Amerikanong sundalo sa kanilang operasyong militar sa bansa. Noong 2005, ginahasa ni Lance Corporal Daniel Smith sa Subic si “Nicole,” nahatulang guilty si Smith subalit hindi isinuko ang kustodiya at inipit ang pamilya ng biktima hanggang sa sumuko ito at bumaliktad ng testimonya.

Isa pang Pilipina, si “Vanessa” ay ginahasa rin noong Abril 2009 ng isang US Marine na nakatalaga sa Joint US Military Assistance Group. Hindi na nagsampa ng kaso si “Vanessa” dahil nangamba siyang magagaya lamang kay “Nicole,” na hindi rin nakakuha ng katarungan.

Noong Pebrero 2008 ay pitong sibilyan, kabilang ang apat na menor de edad ang napatay nang salakayin ng pinagsanib na mga pwersa ng US Navy at AFP ang Barangay Ipil, Maimbung, Sulu. Pinalabas ng AFP na namatay ang mga biktima sa isang operasyong militar laban sa Abu Sayyaf na hindi raw nilahukan ng mga sundalong Amerikano.

Noon namang 2004, si Arsud Baharun, isang mangingisda ang nasugatan ng mga sundalong Amerikanong nagta-target practice sa Zamboanga City. Walang

nanagot sa mga salarin, at papatak-patak pa ang ibinigay na tulong sa pagpapagamot ng biktima.

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2014

Page 8: Higit na nalalantad sa bayan ang kabulukan ng rehimeng US ... · PDF filekanyang termino, ipitin ang Korte Suprema at higit na magbigay ng ... Binago rin ang depinisyon ng “savings”

8 OKTUBRE - NOBYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

PATNUGUTAN

PUNONG PATNUGOT | Orion YoshidaMGA KAWANI | Andrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo, Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua, Karlo Mikhail MongayaPAGLALAPAT | Edward Pastor

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa [email protected].

www.anakbayan.org facebook | Anakbayan Phils twitter | @anakbayan_ph

Biguin ang demolisyon at atake sa kabuhayan ng mamamayan sa Barangay Catmon!

Itinutulak ngayon ng gobyerno kasabwat ang mga ganid na pribadong negosyante ang marahas na pagpapalayas sa halos isang libong pamilya sa Barangay Catmon, Malabon. Tatlong serye ng sunud-sunod na demolisyon ang nakatakdang ilunsad sa Sitio Acero, Sitio 6 at Francisco para gibain ang kabahayan at kabuhayan ng mamamayan.

Nakatakdang i-demolis ang nasa 400 kabahayan ng Sitio Acero sa Nobyembre 10. Ito, habang sinimulan na ang pre-demolition conference para paalisin ang nasa 300 pamilya sa Sitio 6. Nanganganib din ang tirahan ng nasa 200 pang pamilya sa Francisco na napagigitnaan ng dalawang sitio.

Binalak rin na marahas na walisin ang talipapa upang buksan ang kalsadang dadaanan ng demolisyon sa Acero. Ang clearing operations noong Oktubre 22 ay wawasak sana sa kabuhayan ng mga manininda, sa kabuhayan ng mga mag-uuling, at sa tirahan ng mahigit 40 pang pamilya. Ngunit matagumpay na nanaig ang matapang, determinado, at sama-samang barikada ng mga residente at manininda. Nabigo ang gobyerno sa kabila ng pagmomobilisa nito ng pulis, bumberoat backhoe.

Walang kakurap-kurap at mabilis pa sa alas-kwatro kung mag-apruba ang lokal na pamahalaan sa ilalim ni Mayor Lenlen Oreta ng Liberal Party sa mga planong demolisyon para lamang paboran ang interes sa tubo ng mga pribadong negosyo. Di ito kaiba at alinsunod ito sa mga patakaran ni BS Aquino sa pagbibigay-layaw sa malalaking lokal at dayuhang negosyo at sa pag-atake sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan.

Sa Acero, pinalalayas ang mga residente upang magbigay-daan sa pagpapalawak ng tambakan ng mga container vans para sa negosyo ng dating NCRPO Chief, General Aglipay. Parang hayup na itinataboy ang mga residente nang walang relokasyon at mapang-insulto pang inaalok ng P5,000 kapalit ng pagpapasa ng litrato habang ginigiba ang sariling bahay.

Samantala, sa Sitio 6, matagal nang sinusubukang lokohin ang mga residente upang lumikas at bigyang-daan ang Community Mortgage Program (CMP). Matapang nang nilabanan noon ang tangkang demolisyon dito sapagkat alam ng mga residente na ipapasok lamang sila sa sistemang magpapataw ng pahirap na buwanang bayarin para sa tirahan. Tulad ng iba pang negosyong pabahay ng gobyerno, batbat ito ng katiwalian bilang raket na proyektong PPP o public-private partnership.

Limpak-limpak ang kinikita ng mga opisyal ng gobyerno sa pakikipagkasundo sa mga kontrata sa pribadong debeloper at negosyante habang pinagtutulungan namang itulak sa ibayong kahirapan at pagkabusabos ang mamamayan. Garapal ding ginagamit ang pondo ng bayan para tustusan ang mga mararahas na demolisyon.

Matagal na rin nilang pinagkakaitan ang mamamayan ng trabaho, ng disenteng sahod, at serbisyong sosyal. Hirap na ngang pagkasyahin ang kakarampot na kinikita para sa araw-araw na pangangailangan, nais pang tanggalan ng tirahan at itaboy tungo sa lalong kahirapan.

Ipinapakita ng kaliwa’t kanan ang pag-atake sa paninirahan at kabuhayan ng mahihirap na mamamayan ang bulok sa kaibuturang sistema sa ilalim ng rehimeng Aquino. Habang todo-todo sa pagpabor sa malalaking lokal at dayuhang pribadong negosyo, nagpapakasasa naman ito sa puwesto sa pamamagitan ng matinding katiwalian at korapsyon.

Makatuwiran lamang na ipagtanggol ng mamamayan ang kabuhayan at paninirahan sa pag-atake ng mga ganid at mapagsamantala. Walang ibang susulingan ang maralita kundi ang paglaban sa pahirap, korap, at pasistang rehimen ni Aquino.

Tinatawagan ang mamamayan at kabataan na magkaisa at labanan ang planong demolisyon sa Brgy Catmon. Dapat ilantad at biguin ang iba’t ibang mapanghati at mapanlitong taktika ng gobyerno at mga kasabwat nito. Dapat labanan ang balak nilang pahinain ang sama-sama at iisang paglaban ng mamamayan.

Pinatunayan na ng mahabang kasaysayan ng paglaban ng maralita na ang sama-samang paglaban ng mamamayan at barikadang bayan ang matagumpay na landas ng paglaban sa atake sa karapatan at paninirahan.

8 OKTUBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN