13
HEKASI 6 Module 17 ANG PAGIGING MAMAMAYANG PILIPINO A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

Hekasi 6 Dlp 17 - Ang Pagiging Mamamayang Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Pagiging Mamamayang Pilipino

Citation preview

HEKASI

6666 Module 17

ANG PAGIGING MAMAMAYANG

PILIPINO

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

1

Isang maligayang pagbati sa iyong pagdating sa modyul na ito. Dito ay malaman mo kung sinu-sino ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas.

� Ang mga mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987.

� Mga uri ng mamamayan.

� Ang dalawang batayan ng pagkamamamayan ayon sa kapakanan.

� Pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino.

� Muling pagkakamit ng pagkamamamayang Pilipino.

Mga Dapat Matutuhan

Sa Mag-aaral

2

Panuto: Hanapin ang sumusunod na mga salita sa loob ng

puzzle. (mamamayan, Katutubo, Pilipino, Naturalisado,

Karapatan)

N K I N L M T S I R

M A M A M A Y A N S

O T P T A S R P N T

N U L U S T K R T K

P T C R T L A S R S

C U R A S P R Q T P

A B S L M I A L S R

Q O P I L I P I N O

L M S S P R A T M S

B S T A M L T M S T

P R S D M S A L T P

M S T O L N N S T R

Subukin Natin

3

Ang Pagiging Mamamayang Pilipino

Ang isang bansa ay tulad ng isang pamilya na ang mga kasapi ay ang mga mamamayang nito. Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging myembro ng bansang Pilipinas.

Ayon sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV, Seksiyon I, ang mga mamamayan ng Pilipinas sa pagkakatibay ng Saligang Batas na ang ina o ama ay mga mamamayan ng Pilipinas, yaong mga isinisilang bago sumapit ang Enero 17,1973 na ang ina ay Pilipiuno, at yaong mga naging naturalisadong Pilipino.

Uri ng Mamamayang Pilipino

Dalawa ang uri ng mamamayang Pilipino. Una ay ang mga Pilipino sa pamamagitan ng kapanganakan at pangalawa ay ang mga Pilipino sa pamamagitan ng batas naturalisasyon.

Mga Katutubong Mamamayang Pilipino

Ang mga taong natamo ang pagkamamamayan simula sa kanilang kapanganakan ay mga katutubong mamamayang Pilipino.

Dalawa ang basehan ng pagkamamamayan ayon sa kasanganakan-ang Jus Sangutis at ang Jus soli.

Jus Sanguinis – Ang Jus Sanguinis ay ang pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo. Ayon dito ang batang isinilang ay sumusunod sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o ng isa man lang sa kanila. Ang batang isinilang ng isang Pilipinong magulang ay isang Pilipino kahit na siya’y isinilang sa ibang bansa. Kapag isinilang naman sa Pilipinas na mga magulang ay parehong dayuhan, ang pagkamamamayan ng sanggol ay ibabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.

Pag-aralan Natin

4

Jus Soli – Ang Jus Soli ay ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan. Ang mga magulang ay walang kinalaman sa pagkamamamayan ng batang isinilang. Ang halimbawa nito ay ang batang ipinanganak sa United States. Ang mga batang isinilang sa U.S. ay kinikilalang mamamayan ng America anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang nila.

Mga Naturalisadong Pilipino

Ang mga taong nakuha ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng batas naturalisado Pilipino.

Naturalisasyon

Ang bansa ay may kapangyarihang mabigay ng pagkamamamayan sa mga dayuhan sa pamamagitan ng naturalisasyon. Ito ay pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng mga karapatang tinanggap ng mga mamamayan.

Maaaring makamit ang naturalisasyon sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng kongreso. Dapat masuring alamin ang pagkatao ng isang banyaga na nais maging mamamayang Pilipino.

5

Mga katangiang kailangang taglayin ng isang dayuhan para naturalisasyon:

1. Edad na 21 taong gulang sa araw ng pagdinig sa kaso

Ang isang dayuhan ay dapat na may 21 taong gulang dahil pinapaniwalaang nasa hustong edad na siya at may sapat nang pagpapasya sa edad na iyon.

2. Sampong taong nakapanirahan sa Pilipinas nag tuloy-tuloy

Sa loob ng 10 taong paninirahan sa Pilipinas matututuhan na ng isang banyaga ang paraan ng pakikipamuhay sa mga Pilipino.

3. May mahusay at malinis na record ng pagkatao

Maingat ang hukuman sa pagbibigay ng pagkamamamayan sa isang banyaga. Tinitiyak nito na siya ay may mabuting pag-uugali at kalagayang moral na naaayon sa batas upang maiwasan ang suliranin at krimeng dulot ng kadudadudang pagkatao.

4. Naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas

Dapat na maunawaan ng ng isang banyaga ang konstitusyonng Pilipinas at ganap siyang sumasang-ayon dito. Ang Saligang Batas ang gagabay sa kanya upang maging matapat sa Pilipinas.

5. Nagmamay-ari ng lupain o matatag na trabaho

Kung ang isang banyaga ay may lupain at matatag na trabaho, walang dahilan ang korte para hindi siya bigyan ng naturalisasyon. Kung nagbibigay siya ng hanapbuhay sa maraming Pilipino, siya ay itinuturing na isang pakinabang sa bansa.

6. Nakapagsalita ng isa sa mga pangunahing wika sa bansa

Kung magaling siyang umunawa at magsalita ng Ingles, Tagalog, o Bisaya, walang dahilan para hindi siya maunawaan. Mahalagang alam niyang makipagtalastasan o makipag-ugnayan sa wikang ginagamit sa Pilipinas.

6

7. Nagnanais na matutuhan at tanggapin ang kulturang Pilipino

Ang isang banyaga na nagpapahalaga sa kulturang Pilipino, nag-aaral ng wikang Pilipino, pinag-aaralan ang mga pagpapahalagang demokratiko, o nagpapakita ng pagnanais na tanggapin ang kulturang Pilipino, ay pinapayagang maging naturalisadong Pilipino.

8. Nagpapaaral ng mga anak sa paaralang itinuturo ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas

Naniniwala ang Kataas-taasang Hukuman na ang mga anak ng isang dayuhan ay dapat pinapag-aral sa Pilipinas upang matuto at mahubog sa mga kaugalian at tradisyong Pilipino. Kung magiging naturalisadong Pilipino siya, maging Pilipino na rin ang kanyang mga anak na wala pa sa hustong gulang.

Maaaring gawing limang taon ang kailangang bilang ng taon ng paninirahan kung ang dayuhan ay ipinanganak sa pilipinas, nakapag-asawa ng mamamayang Pilipino, nakapagtatag ng bagong imbensyon o industriya, nakapagturo ng dalawang taon sa paaralang pribado, o may hinahawakan siyang katungkulang pampubliko sa bansa. Mahalaga para sa ating bansa ang seguridad o kaligtasan o kaligtasan ng ating mga mamamayan, kung kaya ipinatutupad nang mabuti at maayos ang mga panuntunan para sa pagkamamamayang Pilipino.

Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino

Ang mga sumusunod ay sitwasyon na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino:

1. Pagtataksil sa Armed Forces of the Philippines sa oras ng digmaan

2. Tahasang pagtakwil sa pagkamamamayan

3. Pagsumpa ng katapatan sa konstitusyon ng ibang bansa

4. Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa

5. Pagsisilbi o pagtanggap ng komisyon sa hukbong sandatahan ng ibang bansa

7

Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayan

Ang nawalang pagkamamamayang Pilipno ay maaaring makamit muli sa pamamagitan ng alinman sa mga ito: 1. muling naturalisasyon, 2. pagbabalik sa sariling bansa at pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas, at 3. tuwirang aksyon ng kongreso.

Ayon sa seksyon I, artikulo IV ng Saligang Batas, ang

mamamayang Pilipino ay ang mga sumusunod:

a. Mga mamamayan ng Pilipinas sa pagpapatibay ng Saligang

Batas

b. Ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas

c. Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina

ay Pilipino

d. Mga maging mamamayan ayon sa batas

� Ang dalawang batayan ng pagkamamamayan ayon sa

kapanganakan ay ang Jus Sanguinis at Jus Soli.

� Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan ng pagtanggap

ng isang dayuhan at pagbibigay sa kanya ng mga karapatan

tulad ng tunay na mamamayan ng bansa.

Pagtatalakay

8

Panuto: Pagtapatin ang hanay A sa hanay B

A

1. Katutubong mamamayan

2. Naturalisadong mamamayan

3. Jus Soli

4. Jus Sanguinis

5. Naturalisasyon

B

a. Pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan

b. Pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo

c. Legal na paraan ng pagtanggap ngdayuhan upang maging mamamayan ng bansa

d. Mga dayuhang dumaan sa batas nauralisasyon

e. Natamo ang pagkamamamayan simula sa kapanganakan

Panuto: Sagutan ang bawat bilang na inihanda

A. Upang maging naturalisadong mamamayan ang isang tao ay dapat na:

1.

2.

Gawin Natin

Mga Dagdag na Gawain

9

� Ayon sa Saligang Batas ng 1987, artikulo IV, seksyon I,

ang mga mamamayang Pilipino ay yaong mga

mamamayan ng Pilipino sa pagkakatibay ng Saligang

Batas, ang ina o ama ay mga mamamayan ng Pilipinas,

isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay

Pilipino, at ang mga naging naturalisadong Pilipino.

� May dalawang uri ng mamamayang Pilipino: Katutubo at

naturalisadong mamamayan.

� Dalawa ang basehan ng pagkamamamayan ayon sa

kapanganakan ang Jus Sanguinis at ang Jus Soli.

� Maaaring makamit ang naturalisasyon sa pamamagitan

ng hatol ng hukuman o batas ng kongreso.

� Maaaring mawala ang pagmamamayang Pilipino at

muling matamo o makamit itong muli.

B. Maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ng:

1.

2.

C. Muling matatamo ang Pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ang tatlong paraan:

1.

2.

3.

Tandaan Natin

10

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga sagot

1. Ito ay ang pagkamamayan ayon sa relasyon sa dugo.

2. Paraan sa pagtanggap ng dayuhan at pagkaloob sa kanya ng

mga karapatang tinatamasa ng mga mamamayang Pilipino.

3. Ito ay pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan.

4-5-6 Ayon sa Saligang Batas ng 5. Artikulo 6.

Ng Seksyon ang mga mamamayang Pilipino ay yaong mga

mamamayan ng Pilipinas sa pagkakatibay ng Saligang Batas.

Kung nakakuha ka ng iskor na apat pataas, magaling ka! Pero

kung mababa ang iskor, basahing muli ang modyul.

Sariling Pagsusulit

1. Jus Sanguinis 4. 1987

2. Naturalisasyon 5. IV

3. Jus Soli 6. I

ISKOR : ____________

11

SUBUKIN NATIN

1. Mamamayan

2. Katutubo

3. Pilipino

4. Karapatan

GAWIN NATIN

1. E

2. D

3. A

4. B

5. C

MGA DAGDAG NA GAWAIN

A. Hanapin ang iba pang sagot sa pagkamamamayang

Pilipino

1. 21 taong gulang

2. Patuloy na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng 10 taon

B. Hanapin ang iba pang sagot sa Pagkawala ng

Pagkamamamayan

1. Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa

2. Paglilingkod sa sandatahang-lakas ng ibang bansa

C. Muling Pagtatamo ng Pagkamamamayang Pilipino

1. Naturalisasyon

2. Repartriation o panuumpa lamang sa Republika ng

Pilipinas

3. Aksyon ng kongreso

Gabay sa Pagwawasto

12

SARILING PAGSUSULIT

1. Jus Sanguinis 2. Naturalisasyon 3. Jus Soli 4. 1987 5. IV 6. I