8
AMC-023-HI-ABD-TAG TAG-INIT 2012 Health TALK ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO SA ISSUE NA ITO Pangangalaga bago manganak ............................ Pahina 2 Pag-iwas sa mga pagkatumba .............................. Pahina 3 Sobrang katabaan ng kabataan ............................ Pahina 4 Presyon ng dugo .......................................................... Pahina 4 Pang-aabuso sa loob ng tahanan ........................ Pahina 5 Hika .................................................................................... Pahina 6 Mga paunang direktiba ............................................. Pahina 7 Walang cancer Nasa polyp ang patunay. Ang colonoscopy ay isang pagsusuri na naghahanap — at pumipigil — sa colon cancer. Pinapatunayan ng isang kamakailang pangmatagalang pag-aaral na nakakapagligtas ng buhay ang pagsusuring ito. Ipinapakita nito na ang mga taong nagpasuri ay dalawang beses na mas malamang na makakaligtas sa colorectal cancer kaysa mga taong hindi nagpasuri. Ang lahat ng taong kasali sa pag-aaral ay nagpatanggal ng mga polyp. Tinitingnan ng pagsusuri ang malaking bituka gamit ang isang camera. Inaalis din nito ang mga polyp, na maliliit na bukol. Ang mga naalis na polyp ay sinusuri para sa cancer. Hindi cancer ang karamihan sa mga polyp, ngunit ang pag-alis sa mga ito ay habambuhay na pumipigil na maging cancer ang mga ito. Kung may madiskubreng cancer, maaari itong gamutin kapag nalaman nang maaga. Oras na ba? Sumailalim sa iyong pinakaunang colonoscopy kapag 50 anyos ka na. Maaaring magtagal nang 10 taon bago ka mangailangan ng isa pa. Kung mayroong kasaysayan ang iyong pamilya ng colorectal cancer, kausapin ang iyong doktor tungkol sa mas maagang pagsisimula ng screening. UnitedHealthcare Community Plan P.O. Box 2960 Honolulu, HI 96802 Presorted Standard US Postage Paid Michigan City, IN Permit #3

Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · pagbubuntis na mataas ang panganib Mahal ko! Mahalaga ang pangangalaga bago manganak. Alam mo ba na kung walang pangangalaga

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

AMC-023-HI-ABD-TAG

TAG-INIT 2012

Health TALKANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

SA ISSUE NA IToPangangalaga bago manganak ............................ Pahina 2Pag-iwas sa mga pagkatumba .............................. Pahina 3Sobrang katabaan ng kabataan ............................ Pahina 4Presyon ng dugo .......................................................... Pahina 4Pang-aabuso sa loob ng tahanan ........................ Pahina 5Hika .................................................................................... Pahina 6Mga paunang direktiba ............................................. Pahina 7

Walang cancerNasa polyp ang patunay.Ang colonoscopy ay isang pagsusuri na naghahanap — at pumipigil — sa colon cancer. Pinapatunayan ng isang kamakailang pangmatagalang pag-aaral na nakakapagligtas ng buhay ang pagsusuring ito. Ipinapakita nito na ang mga taong nagpasuri ay dalawang beses na mas malamang na makakaligtas sa colorectal cancer kaysa mga taong hindi nagpasuri. Ang lahat ng taong kasali sa pag-aaral ay nagpatanggal ng mga polyp. Tinitingnan ng pagsusuri ang malaking bituka gamit ang isang camera. Inaalis din nito ang mga polyp, na maliliit na bukol. Ang mga naalis na polyp ay sinusuri para sa cancer. Hindi cancer ang karamihan sa mga polyp, ngunit ang pag-alis sa mga ito ay habambuhay na pumipigil na maging cancer ang mga ito. Kung may madiskubreng cancer, maaari itong gamutin kapag nalaman nang maaga.

oras na ba? Sumailalim sa iyong pinakaunang colonoscopy kapag 50 anyos ka na. Maaaring magtagal nang 10 taon bago ka mangailangan ng isa pa. Kung mayroong kasaysayan ang iyong pamilya ng colorectal

cancer, kausapin ang iyong doktor tungkol sa mas maagang pagsisimula ng screening.UnitedHealthcare Community Plan

P.O. Box 2960Honolulu, HI 96802

Presorted StandardUS Postage PaidMichigan City, IN

Permit #3

2 HEALTH TALK

Nagmamalasakit kami para sa iyoNagbibigay ang UnitedHealthcare Community Plan ng pamamahala sa pangangalaga sa mga miyembro na may mga espesyal na pangangailangan. Nagsusumikap ang mga tagapamahala ng pangangalaga kasama ng plano sa kalusugan, mga manggagamot at ahensya sa labas. Tinutulungan nila ang mga miyembro na makuha ang mga espesyal na serbisyo at pangangalaga na kailangan nila. Tumutulong ang pamamahala sa pangangalaga sa mga taong mayroong:� mga pisikal na kapansanan� malubhang sakit sa pag-iisip� mga kumplikadong problema sa kalusugan� iba pang mga espesyal na pangangailangan Mayroon din kaming mga programa sa pamamahala ng sakit. Nakakakuha ng mga paalala tungkol sa kanilang pangangalaga at payo mula sa isang nars ang mga miyembro sa mga programang ito. Ang mga programa sa pamamahala ng sakit para sa mga miyembro ng QExA ay:� diabetes� CHF (heart failure)� pang-aabuso sa droga� sobrang katabaan Ang mga programa sa pamamahala ng sakit para sa mga miyembro ng QUEST ay:� diabetes� CHF (heart failure)� hika� pagbubuntis na mataas ang panganib

Mahal ko!Mahalaga ang pangangalaga bago manganak.Alam mo ba na kung walang pangangalaga bago manganak, 3 beses na mas malamang na maipanganak nang masyadong maliit ang mga sanggol? Limang beses rin silang mas malabong mabuhay kaysa mga sanggol na may nanay na may regular na pangangalaga bago manganak. Kung buntis ka, mahalagang kumuha ng maaga at regular na pangangalaga bago manganak. Makakatulong itong panatilihin ka at ang iyong sanggol na malusog. Mapapasuri mo ang iyong timbang, presyon ng dugo at ihi sa bawat pagbisita. Pakikinggan ng iyong doktor ang tibok ng puso ng iyong sanggol. Magkakaroon ka ng mga pagsusuri upang maagang malaman ang mga problema.

Gawin ang unang hakbang. Mayroong programa ang UnitedHealthcare Community Plan na makakatulong sa iyong sanggol na makakuha ng magandang simula sa buhay. Tinatawag itong

Malulusog na Unang Hakbang. Tingnan ang www.uhccommunityplan.com o tumawag nang toll-free sa 1-800-599-5985 (TTY 711) upang matuto nang higit pa. Available lang ang Malulusog na Unang Hakbang para sa mga buntis na miyembro ng QUEST.

Narito ang tulong. Awtomatikong kwalipikado ang lahat ng miyembro ng QExA

para sa pamamahala sa pangangalaga. Awtomatikong naka-enroll sa programa sa pamamahala ng sakit ang mga miyembro ng QExA at QUEST na may ilang partikular na diagnosis. Tawagan ang mga serbisyo sa miyembro para sa higit pang impormasyon. Para sa mga miyembro ng QExA, ang numero ay toll-free sa 1-888-980-8728 (TTY 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang numero ay toll-free sa 1-877-512-9357 (TTY 711).

TAG-INIT 2012 3

Balanse4 na tip para sa pag-iwas sa mga pagkatumba

1. EHERSISYo. Ginagawa kang mas malamang na matumba ng pagkakaroon ng mahihinang binti o hindi magandang balanse. Mapapanatili mong malusog ang iyong mga buto sa pamamagitan ng ehersisyo at masustansyang pagkain. Mababawasan din nito ang iyong panganib na mabalian ng buto kung matumba ka. Maglakad bawat araw. Subukan ang mga ehersisyo tulad ng yoga o tai chi na maaaring magpabuti sa iyong balanse.

2. ALAMIN ANG IYoNG MGA GAMoT. Sabihin sa iyong doktor kung nahihilo o inaantok ka sa iyong mga gamot. Minsan, ang kumbinasyon ng mga gamot ang nagiging sanhi ng mga problema. Maaaring magawang baguhin ng iyong doktor ang mga problemang gamot.

3. SURIIN ANG IYoNG PANINGIN.  Mahirap kumilos nang ligtas sa paligid kung hindi ka makakita nang mabuti. Magpatingin sa iyong doktor ng mata bawat taon. Tiyaking tama ang sukat ng iyong mga salamin o contact lens.

4. PANATILIHING LIGTAS ANG IYoNG TAHANAN. Magiging sanhi ng pagkatumba ang mga kalat, hindi magandang ilaw o maliliit na basahan. Gumamit ng mga non-slip na mat sa iyong banyo. Gumamit ng mga kurtina o tabing upang mabawasan ang pagkasilaw. Gumamit ng mas maliwanag na mga bumbilya o higit pang ilaw. Ilagay ang mga gamit na pinakamadalas mong gamitin sa iyong kusina sa madaling abuting mga kabinet.

Tanungin ang iyong doktor tungkol sa pinakamahuhusay na ehersisyo para sa iyo.

4 NA kAToToHAN TUNGkoL SA CHLAMYdIA1. ANG CHLAMYdIA AY ANG

PINAkAkARANIWANG IMPEkSYoN NA NAIHAHAWA SA PARAANG SEkSWAL. Makukuha ito pareho ng lalaki at babae.

2. kUMAkALAT ANG BACTERIA NA NAGIGING SANHI NG CHLAMYdIA SA PAMAMAGITAN NG HINdI PRoTEkTAdoNG PAGTATALIk. Mababawasan ng paggamit ng mga condom ang panganib ng pagkakaroon ng chlamydia.

3. kAdALASANG WALANG ANUMANG SINToMAS ANG CHLAMYdIA. Inirerekomenda ng mga eksperto na magpasuri para rito ang mga babae at tinedyer na edad 25 at mas bata bawat taon.

4. MAGAGAMoT NG MGA ANTIBIoTIC ANG CHLAMYdIA. Kung hindi magamot, magiging sanhi ito ng pagkabaog, o iba pang mga pangmatagalang problema.

4 HEALTH TALK

PANATILIHING koNTRoLAdo ANG IYoNG PRESYoN NG dUGoAng presyon ng dugo ay isang panukat ng kung gaano kaganda ang daloy ng iyong dugo sa buo mong katawan. Systolic reading ang unang numero. Ito ang presyon kapag tumitibok ang iyong puso. Diastolic reading ang pangalawang numero. Ito ang presyon kapag tumigil ang iyong puso sa pagitan ng mga pagtibok. Pinapakilos nang husto ng mataas na presyon ng dugo ang puso upang magbomba ng dugo at oxygen sa buong katawan.� MAINAM: mas mababa sa 120/80� BoRdERLINE: 120/80 hanggang 139/89� MATAAS: 140/90 o mas mataas Maibababa mo ang iyong presyon ng dugo sa pamamagitan ng malusog na uri ng pamumuhay. Mapapababa ng paggamit ng mas kaunting asin, pag-inom ng mas kaunting alak, pagbabawas ng timbang at pag-eehersisyo ang iyong presyon ng dugo. Kung hindi sapat ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay, makakatulong ang mga gamot.

Panatilihin itong mababa. Mayroong programa ang UnitedHealthcare Community Plan upang matulungan ka sa mataas na presyon ng dugo at iba pang mga problema sa kalusugan. Tawagan ang mga serbisyo sa miyembro upang matuto nang higit pa tungkol dito.

Pitpitin ang lataIsang simpleng paraan upang mabawasan ang sobrang katabaan ng kabataanAlam mo bang may isang simpleng bagay kang magagawa upang bawasan ang panganib ng sobrang katabaan ng kabataan nang higit pa sa kalahati? Bawasan ang mga inuming maraming asukal. Itinataas ng bawat lata ng soda na iniinom ng isang bata bawat araw ang panganib ng sobrang katabaan. Masama rin ang mga fruit drink, lemonade, sport drink at energy drink. Pangunahing pinagmumulan ng karagdagang asukal sa mga pagkain ng mga bata ang mga inuming maraming asukal. Mas nagiging sanhi ng pagbigat ng timbang ang mga inuming may maraming asukal at mga calorie kaysa sa mga katulad na pagkain. Iyon ay dahil mas madaling nabubusog ang mga bata sa pagkain kaysa sa pag-inom. Ang mga batang umiinom ng maraming inuming may maraming asukal ay:� umiinom ng mas kaunting gatas. Maaari itong maging sanhi ng mahi-

hinang buto dahil hindi nakakakuha ng sapat na calcium ang mga bata. � magkakaroon ng mas maraming sira sa ngipin. Pumapasok sa

pagitan ng mga ngipin ang liquid na asukal kung saan mas mahirap magsipilyo.

� may mas mataas na panganib para sa diabetes. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga batang nagbawas ng kahit 1 lata ng soda bawat araw ay may mas maayos na antas ng asukal sa dugo at insulin.

Para sa mga lalaki langDapat mo bang ipasuri ang iyong prostate?Ang prostate ay isang gland na matatagpuan lang sa ilalim ng bladder sa mga lalaki. Karaniwan ang mga problema sa prostate sa mga lalaking lagpas sa 50. Habang tumatanda ang mga lalaki, kadalasang mas lumalaki ang prostate. Kapag nangyari ito, maaari kang magkaroon ng problema sa pag-ihi, o hirap sa pakikipagtalik. Kadalasan, hindi dahil sa cancer ang mga problema sa prostate. Gayunpaman, ang prostate cancer ang pangalawang pinakakaraniwang cancer sa mga lalaki. Iyon ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga lalaki na lagpas sa 50 na magpasuri para sa prostate cancer. Dapat isaalang-alang ng mga lalaking African-American at mga lalaki na may ama, kapatid na lalaki or anak na lalaki na nagkaroon ng prostate cancer ang pagpapasuri simula sa 40. Kapag nalaman nang maaga, napakadaling gamutin ng prostate cancer. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa screening ng prostate cancer. Tanungin kung nararapat ito para sa iyo.

1 sa 3 babae ang inabuso na.

Alamin ang mga senyalesAno ang pang-aabuso sa droga?Ang pang-aabuso sa droga ay ang mapaminsalang paggamit ng mga droga para sa layuning baguhin ang iyong disposisyon. Parehong kabilang sa mga droga ang mga street drug at inireresetang gamot at maaaring humantong sa pagkalulong.

ANo ANG MGA SINToMAS NG PAGkALULoNG?1. pakiramdam na regular mong kailangan ang droga2. pagtiyak na may supply ka dapat ng droga3. paulit-ulit na pagkabigo sa iyong mga pagtatangkang tumigil sa

paggamit sa droga4. paggawa ng lahat upang makuha ang droga5. pakiramdam na dapat kang magkaroon ng droga upang harapin ang

iyong mga problema6. pagmamaneho o paggawa ng iba pang mga aktibidad na maglalagay sa

iyo at iba pa sa panganib ng kapahamakan habang ginagamit ang droga7. pag-una sa paggamit sa droga kaysa sa iba pang mga aktibidad gaya ng

trabaho at/o pamilya8. pag-inom ng mas maraming gamot kaysa sa inirereseta ng iyong doktor9. paggamit ng mga droga/alak habang iniinom ang iyong iniresetang gamot

ANo ANG MAGAGAWA ko kUNG MAYRooN Ako NG ILAN SA MGA SINToMAS NA ITo?1. Puntahan ang bawat appointment sa iyong mga medikal na provider. 2. Sabihin sa iyong doktor kung mayroon ka ng anuman sa mga

sintomas na ito.3. Kung payuhan ka ng iyong doktor na magpatingin ka sa isang

tagapayo, pumunta sa bawat appointment.4. Inumin ang mga gamot ayon sa inutos.5. Kung mayroon kang mga problema sa mga gamot, sabihin sa

iyong doktor.6. Kung mayroon kang plano sa personal na krisis, ibahagi ito sa iyong

mga doktor, tagapamahala ng kaso at iyong pamilya at mga kaibigan.7. Paganahin ang iyong plano sa pagpigil ng pag-relapse.8. Makipag-ugnay sa iyong sponsor.

Humingi ng Tulong. Kung nang-aabuso o nalulong ka na sa mga droga at alak, tawagan ang aming lokal na koponan ng kalusugan ng pag-uugali. Masasabi nila sa iyo ang tungkol sa

available na mga programa at mapagkukunan. Para sa mga miyembro ng QExA, ang numero ay toll-free sa 1-888-980-8728 (TTY 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang numero ay toll-free sa 1-877-512-9357 (TTY 711).

Maaari itong mangyari sa sinumanAng pang-aabuso sa loob ng tahanan ay kapag sinusubukan ng isang taong nasa isang relasyon na kontrolin ang isa pa. Maaari itong mangyari sa sinuman. Hindi mahalaga kung bata ka o matanda, o lalaki o babae. Maaaring pisikal na saktan ng mga nang-aabuso ang kanilang mga biktima. Ngunit makakagawa rin sila ng ibang bagay upang takutin ka. Maaari ka nilang pagbawalang makipagkita sa iyong mga kaibigan o kapamilya o hindi ka hahayaang magkaroon ng sapat na pera. Maaari kang maging isang biktima ng pang-aabuso sa loob ng tahanan kung ang iyong kabiyak o caregiver ay:1. sinasaktan ka gamit ang mga salita o pisikal

na puwersa.2. ginagamit ang pakikipagtalik upang saktan ka.3. ginagamit ang pera upang kontrolin ka.

Humingi ng tulong. Kung ikaw ay inaabuso, tawagan ang Help Hotline ng Hawaii–Aloha United

Way sa 211. Masasabi nila sa iyo ang tungkol sa mga tagapayo at 24 na oras na mga matutuluyan sa lahat ng isla. O, tawagan ang Hotline ng Pambansang Karahasan sa Tahanan (National Domestic Violence Hotline). Libre at kumpedensyal ang tulong. Tumawag nang toll-free sa 1-800-799-7233 (TTY 1-800-787-3224). Kung ikaw ay nasa panganib, tawagan ang 911 o ang iyong lokal na pulisya. Matuto nang higit pa tungkol sa karahasan sa tahanan sa www.thehotline.org.

TAG-INIT 2012 5

6 HEALTH TALK

TM/© 2012 Sesame Workshop

MGA MAALIWALAS NA ARAWAlam mo ba na ang sanhi ng karamihan sa mga skin cancer sa mga matatanda ay mga sunburn noong kabataan? Narito ang apat na tip para maprotektahan ang iyong anak mula sa araw ngayong tag-araw.1. ILAGAY ANG MGA SANGGoL NA

WALA PANG 6 NA BUWAN MALAYo SA dIREkTANG SIkAT NG ARAW. Gumamit ng payong o takip ng stroller kapag lumalabas para maglakad.

2. PAHIRAN NG MAkAPAL NA CoAT NG SUNSCREEN ANG MGA BATA NA MAS MATANdA kAYSA SA 6 NA BUWAN. Piliin ang nagsasaad na may “malawak na spectrum” at may SPF na hindi bababa sa 15. Muling ipahid nang madalas.

3. BIHISAN ANG IYoNG ANAk PARA SA ARAW. Gumamit ng lightweight at long-sleeved na damit o mga rash guard. Magdagdag ng sumbrero na may malapad na brim at mga sunglass na may proteksyon sa UV.

4. PLANUHIN ANG MGA PAGBISITA SA PARkE, PooL o dALAMPASIGAN nang maagang maaga o hapon. Iwasang lumabas kapag matindi ang sikat ng araw sa tanghali.

Ang UnitedHealthcare at Sesame Workshop, ang nonprofit na samahan sa likod ng Sesame Street, ay nagtulungan upang likhain ang A is for Asthma, isang hakbang na makakatulong sa pagdagdag ng pag-unawa at kaalaman ng mga pamilya sa hika. Ang hika ay isang sakit sa baga. Madaling pinapakati ng mga bagay na tinatawag na mga trigger ang mga daanan ng hangin ng mga batang may hika. Pinapahirap nito ang paggalaw ng hangin papasok at palabas ng baga, at ang pakiramdam ay mahirap huminga. Ang mga trigger ay mga bagay na makakapaghatid ng mga sumpong ng hika. Maraming bagay ang maaaring maging mga trigger, mula sa pollen hanggang sa usok ng sigarilyo. Narito ang ilang madadaling paraan para makatulong sa pagpapanatili ng mga trigger sa labas ng bahay mo.� Isipin ang pagkakaroon ng mga isda o reptile bilang

mga alagang hayop sa halip na mga may buhok o may balahibong  hayop.

� Maaaring ma-trap ng mga stuffed na laruan at security blanket ang alikabok at garapata. Subukang magtago lang ng dalawang paboritong bagay sa kama ng iyong anak, at labhan ang mga ito bawat linggo.

� Iwasan ang pagsunog ng kahoy sa fireplace o pugon ng kahoy.� Sa halip na mga carpet, gumamit ng mga sahig na kahoy o

malilit na basahan sa lugar, na makakatulong sa pagbawas ng  alikabok sa iyong tahanan.

� Punasan ang mga surface bawat araw gamit ang mamasa-masang basahan upang  mawala ang mga alikabok.

� Panatilihing walang mold at  mildew ang mga banyo.

� Itapon ang mga bagay na may matatapang na amoy, gaya ng mga pabango o matatapang na panlinis.

Manatiling malusog, manatiling aktibo. Gamit ang magandang plano sa panggagamot at tulong mula sa pamilya at mga kaibigan, maaaring magkaroon

ng malusog at aktibong mga buhay ang mga batang may hika. Bumisita sa sesamestreet.org/asthma para sa higit pang impormasyon. I-download ang “Aking Profile ng Hika” kasama ang espesyal na aktibidad para sa mga bata!

H para sa HikaMga tip para sa pag-unawa sa hika ng iyong anak

TAG-INIT 2012 7

Magtanong kay dr. Health E. Hound

Kailan pupuntaAng mga edad para sa mga well-baby na pagbisita ay:3 hanggang 5 araw1 buwan2 buwan4 na buwan6 na buwan

9 na buwan12 buwan15 buwan18 buwan24 na buwan

T. Bakit kailangang madalas na magpatingin sa doktor ang aking sanggol?

S. Mabilis na lumalaki at nagbabago ang mga sanggol. Iyon ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga sanggol na magkaroon ng regular na mga pagbisita sa kanyang pangunahing provider ng pangangalaga. Pagsapit ng edad na 2, dapat ay mayroon nang 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak. Sa ilalim ng Medicaid, ang mga well-baby na pagbisita na ito ay tinatawag na Maaga at Pana-panahong Pag-screen, Diagnosis at Panggagamot (Early and Periodic Screening, Diagnosis and Treatment o EPSDT).

Tinutulungan ng mga well-baby na pagbisita ang mga doktor na makilala ka at ang iyong anak. Tinitiyak nito na malusog ang iyong sanggol. Maganda rin itong panahon para sa iyo upang magtanong. Kabilang sa mga well-baby na pagbisita ang:

� MGA PAGSUSURI SA PAGLAkI: Titimbangin at susukatin ang iyong anak.

� MGA PAGSUSURI: Makakakuha ang iyong anak sa mga kinakailangang pagsusuri. Kabilang dito ang mga nangungunang pagsusuri sa mga edad 1 at 2.

� MGA SCREENING: Susuriin ang paningin, pandinig at paglaki ng iyong anak.

� MGA INIkSYoN: Pagdating ng edad na 2, makakakuha ang iyong anak ng mga iniksyon para sa 14 na sakit. Ibinibigay ang ilang pagbabakuna sa mga pinagsamang iniksyon. Kinakailangan ang karamihan sa mga iniksyon nang higit pa sa isang beses.

Ikaw ang pipiliMayroon kang karapatang gumawa ng iyong sariling mga medikal na pasya. Ipapaliwanag sa iyo ng iyong provider ang iyong mga pagpipilian sa panggagamot sa paraang mauunawaan mo. Mayroon kang karapatang magsabi ng “hindi” sa isang panggagamot. Maaaring hilingin sa iyong lumagda sa isang form na nagsasabing “oo” sa panggagamot na nais mo. Tinatawag itong ipinabatid na pahintulot. Ngunit paano kung masyadong malubha ang iyong sakit upang makapagbigay ng pahintulot? Titiyakin ng paunang direktiba na alam ng mga provider kung anong uri ng panggagamot ang nais mo. Kabilang sa mga uri ng paunang direktiba ang:� Ang ISANG HABILIN NG BUHAY ay isang papel na nagpapaliwanag kung anong uri ng

panggagamot ang nais mo. Magkakaroon lang ito ng bisa kung masyadong malubha ang iyong sakit o pinsala at hindi masabi ang iyong mga sariling pasya tungkol sa life support.

� Ang ISANG MATATAG NA PoWER oF ATToRNEY ay isang papel na nagbibigay-daan sa isang tao na magpasya para sa iyo. Maaari kang pumili ng miyembro ng pamilya o pinagkakatiwalaang kaibigan. Maaaring magsalita ang taong ito para sa iyo anumang oras na ikaw ay naging pansamantala o panghabambuhay na hindi makakapagbigay ng mga medikal na pasya. Maaari ka ring magkaroon ng matatag na power of attorney para sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip.

� Ang ISANG dEkLARASYoN PARA SA PANGGAGAMoT SA kALUSUGAN NG PAG-IISIP ay mahalagang pagpipilian para sa mga taong may sakit sa pag-iisip. Bibigyang-daan ka nitong piliin kung sino ang gagawa ng mga pasya sa panggagamot sa kalusugan ng pag-iisip para sa iyo kung malubha ang iyong sakit upang makapili nang mabuti. Binibigyang-daan ka rin nitong ihayag ang iyong mga nais tungkol sa kung anong mga uri ng panggagamot sa kalusugan ng pag-iisip ang nais mo o ayaw mo.

Isulat ito. Humingi ng isang form sa iyong doktor o ospital upang tulungan kang lumikha ng isang paunang direktiba. Available din ang mga form mula sa mga serbisyo sa miyembro. Para sa mga miyembro ng QExA, ang numero ay

toll-free sa 1-888-980-8728 (TTY 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang numero ay toll-free sa 1-877-512-9357 (TTY 711). Ibigay ang mga kopya ng form sa iyong provider at isang taong pinagkakatiwalaan mo at magtago ng isa para sa sarili mo.

Gawin ang unang hakbang. Mayroong programa ang UnitedHealthcare Community Plan na makakatulong sa iyong sanggol na magkaroon ng magandang simula

sa buhay. Tinatawag itong Malulusog na Unang Hakbang. Makakasali ang lahat ng buntis na babae. Tingnan ang www.uhccommunityplan.com o tumawag nang toll-free sa 1-800-599-5985 upang matuto nang higit pa tungkol sa Malulusog na Unang Hakbang.

H para sa HikaMga tip para sa pag-unawa sa hika ng iyong anak

8 HEALTH TALK

Resource cornerMga Serbisyo sa Miyembro Humanap ng doktor, magtanong tungkol sa benepisyo o maghain ng reklamo, toll-free.QExA 1-888-980-8728 (TTY 711)QUEST 1-877-512-9357 (TTY 711)

NurseLine Kumuha ng 24/7 na payong pangkalusugan mula sa isang nars, toll-free.QExA 1-888-980-8728 (TTY 711)QUEST 1-877-512-9357 (TTY 711)

Malulusog na Unang Hakbang Makakuha ng suporta para sa pagbubuntis at pagiging magulang, toll-free. (Mga miyembro ng QUEST lang)1-800-599-5985 (TTY 711)

Hotline ng Pambansang karahasan sa Tahanan Makakuha ng tulong para sa pang-aabuso sa loob ng tahanan, toll-free.1-800-799-7233 (TTY 1-800-787-3224)

Aming website Gamitin ang aming direktoryo ng provider o basahin ang iyong handbook ng miyembro.www.uhccommunityplan.com

Text4baby Makakuha ng mga text message tungkol sa pagbubuntis at unang taon ng iyong sanggol. I-text ang BABY sa 511411 para sa mga mensahe sa Ingles. O mag-sign up sa www.text4baby.org.

SINASALITA NAMIN ANG IYoNG WIkA