6
4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 1/6 Search Home Nation Business Entertainment Lifestyle Sports Global Filipino Regions Metro Manila Technology Weather SPECIALS #Fallen44 Pope Francis PH Gallery: 1 year after Yolanda A Year After Yolanda:… FOREX P 44.72 = $ 1.00 Home Opinions HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya By Xiao Chua Posted at 08/20/2013 8:56 PM | Updated as of 08/21/2013 11:18 PM Nang magsalita ang Pangulong Cory Aquino sa Kongreso ng Estados Unidos, ikinuwento niya ang kanyang pagkandidato noong snap presidential elections noong Pebrero 1986, na nagbunsod sa Himagsikan ng Kapangyarihang Bayan (People Power) na nagpatalsik sa diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos: Wherever I went in the campaign, slum area or impoverished village. They came to me with one cry, DEMOCRACY. Not food although they clearly needed it but DEMOCRACY. Not work, although they surely wanted it but DEMOCRACY. Not money, for they gave what little they had to my campaign. They didn’t expect me to work a miracle that would instantly put food into their mouths, clothes on their back, education in their children and give them work that will put dignity in their lives. But I feel the pressing obligation to respond quickly as the leader of the people so deserving of all these things. Ngunit ano nga ba ang demokrasya para sa Pinoy? Ang Global Barometer Project ay isang proyekto na naglalayong masaliksik ang mga depinisyon ng mga karaniwang tao sa konsepto ng “democracy” sa iba’t ibang panig ng mundo. Noong 2002, tinanong nila sa pamamagitan ni Frederic Charles Schaffer ang 139 na mga tagaBarangay Commonwealth sa Lungsod Quezon, karamihan sa kanila ay mga maralita, kung ano para sa kanila ang kahulugan ng “demokrasya.” 76 % sa kanila ay sumagot ng mga salitang maaaring magpakita ng mga inaasahang mga kasagutan na may kinalaman sa kalayaan o mga kalayaang sibil, at 81 % ng grupong ito ang gumamit ng salitang “kalayaan” at “malaya”—“may kalayaan na gumawa/kumilos ng lahat ng gusto mo” at “kalayaan makapagpahayag ng sariling pananaw/sariling opinyon.” Subalit, nang laliman pa ang mga usapan, makikita na may tila iba pang pakahulugan sa kanila ang demokrasya at kalayaan. Isang manininda ng isda ang tinanong kung may demokrasya ba noong panahon ni Pangulong Marcos, ang sagot niya ay oo sapagkat ang mga presyo raw ng bilihin ay hindi kasingtaas sa ngayon. Isa pang manininda ang tinanong kung may demokrasya ba sa Pilipinas ngayon, ang sagot niya ay oo kahit papaano dahil sa tuwing may problema sa kanyang tinitirhan, halimbawa sa kanilang banyo, nakakapagreklamo sila at aaksyunan ng pamahalaan ang kanyang LATEST MOST READ LINKS Youth World ANC Research Public Service Exam Results Daily Gospel Lotto Results Feedback LATEST VIDEO Teditorial: Perfect sense Teditorial: Live with it There you go PUNTO POR PUNTO: K to 12, dapat bang ishelve? VIDEOS FROM THE WEB LATEST VIDEO WATCH: What was Vice Ganda's dream? Why Coco Martin didn't see 'Bangs of the Philippines' WATCH: Edgar Allan, Maxene perform 'Grease' hit JayR wins 'Your Face' anew as Kenny Rogers The Coolest Fast and Furious Cars (PopmHop) Emma Watson to play Belle in Disney's Beauty and the Beast! (Be Asia) Resuming investment Toyota to build new plants in China, Mexico (Nikkei Asian Review) Top Six American This page (http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinong demokrasya ) is currently offline. However, because the site uses CloudFlare's Always Online™ technology you can continue to surf a snapshot of the site. We will keep checking in the background and, as soon as the site comes back, you will automatically be served the live version. Always Online™ is powered by CloudFlare | Hide this Alert Retry for a live version TV PATROL BANDILA BMPM CURRENT AFFAIRS ANC DZMM LOCAL TV PATROL ABSCBN.COM

HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News

http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 1/6

Search.

Home Nation Business Entertainment Lifestyle Sports Global Filipino Regions Metro Manila Technology Weather

SPECIALS #Fallen44 Pope Francis PH Gallery: 1 year after Yolanda A Year After Yolanda:… FOREX P 44.72 = $ 1.00

Home › Opinions ›

HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at AngKonseptong Pilipino ng DemokrasyaBy Xiao ChuaPosted at 08/20/2013 8:56 PM | Updated as of 08/21/2013 11:18 PM

Nang magsalita ang Pangulong Cory Aquino sa Kongreso ng Estados Unidos, ikinuwentoniya ang kanyang pagkandidato noong snap presidential elections noong Pebrero 1986, nanagbunsod sa Himagsikan ng Kapangyarihang Bayan (People Power) na nagpatalsik sadiktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos:

Wherever I went in the campaign, slum area or impoverished village. They came to mewith one cry, DEMOCRACY. Not food although they clearly needed it butDEMOCRACY. Not work, although they surely wanted it but DEMOCRACY. Notmoney, for they gave what little they had to my campaign. They didn’t expect me towork a miracle that would instantly put food into their mouths, clothes on their back,education in their children and give them work that will put dignity in their lives. But Ifeel the pressing obligation to respond quickly as the leader of the people sodeserving of all these things.

Ngunit ano nga ba ang demokrasya para sa Pinoy?

Ang Global Barometer Project ay isang proyekto na naglalayong masaliksik ang mgadepinisyon ng mga karaniwang tao sa konsepto ng “democracy” sa iba’t ibang panig ngmundo. Noong 2002, tinanong nila sa pamamagitan ni Frederic Charles Schaffer ang 139 namga tagaBarangay Commonwealth sa Lungsod Quezon, karamihan sa kanila ay mgamaralita, kung ano para sa kanila ang kahulugan ng “demokrasya.” 76 % sa kanila aysumagot ng mga salitang maaaring magpakita ng mga inaasahang mga kasagutan na maykinalaman sa kalayaan o mga kalayaang sibil, at 81 % ng grupong ito ang gumamit ngsalitang “kalayaan” at “malaya”—“may kalayaan na gumawa/kumilos ng lahat ng gusto mo” at“kalayaan makapagpahayag ng sariling pananaw/sariling opinyon.”

Subalit, nang laliman pa ang mga usapan, makikita na may tila iba pang pakahulugan sakanila ang demokrasya at kalayaan. Isang manininda ng isda ang tinanong kung maydemokrasya ba noong panahon ni Pangulong Marcos, ang sagot niya ay oo sapagkat angmga presyo raw ng bilihin ay hindi kasingtaas sa ngayon.

Isa pang manininda ang tinanong kung may demokrasya ba sa Pilipinas ngayon, ang sagotniya ay oo kahit papaano dahil sa tuwing may problema sa kanyang tinitirhan, halimbawa sakanilang banyo, nakakapagreklamo sila at aaksyunan ng pamahalaan ang kanyang

LATEST MOST READ

LINKS

YouthWorldANCResearchPublic ServiceExam ResultsDaily GospelLotto ResultsFeedback

LATEST VIDEO

Teditorial: Perfect senseTeditorial: Live with itThere you goPUNTO POR PUNTO: K to 12,dapat bang ishelve?

VIDEOS FROM THE WEB

LATEST VIDEO

WATCH: What wasVice Ganda'sdream?

Why Coco Martindidn't see 'Bangs ofthe Philippines'

WATCH: EdgarAllan, Maxeneperform 'Grease' hit

JayR wins 'YourFace' anew asKenny Rogers

The Coolest Fast andFurious Cars(PopmHop)

Emma Watson to playBelle in Disney'sBeauty and theBeast!(Be Asia)

Resuminginvestment Toyota tobuild new plants inChina, Mexico(Nikkei Asian Review)

Top Six American

This page (http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya) is currently offline. However, because the site uses CloudFlare's Always Online™ technology you can continue to surf asnapshot of the site. We will keep checking in the background and, as soon as the site comes back, you will automatically be served thelive version. Always Online™ is powered by CloudFlare | Hide this Alert

Retry for a live version

TV PATROL BANDILA BMPM CURRENT AFFAIRS ANC DZMM LOCAL TV PATROL ABSCBN.COM

Page 2: HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News

http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 2/6

karaingan. Nang tanungin siya kung may demokrasya ba noong panahon ng PangulongMarcos, sabi niya mayroon dahil ang tatay niya noon ay nabibiyayaan ng puhunan para sapangingisda ng DBP (Development Bank of the Pihilippines). At kahit na raw hindinakumpleto ang kanilang bayad, hindi raw sila hinabol ng bangko. Iyon para sa kaniya angdemokrasya.

Isang bodegero ang tinanong kung bakit sa tingin niya may demokrasya sa Pilipinas, angsagot nito ay oo dahil nabibigyan ang tao ng kalayaan na magpahayag ng kanilang opinyon.Ngunit nang muling tanungin, kung hindi tugunan ng gobyerno ang kanilang hinaingdemokrasya pa ba ito. Sabi niya hindi na, sapagkat obligasyon at pangako ng pamahalaanna tugunan ang hinaing ng mamamayan.

Isang maybahay ang tinanong kung ano ang kahulugan ng kalayaan, sagot nito kapayapaanat katahimikan. Isang gasoline boy din ang sumagot at nagsabi na ang demokrasya ay“freedom of speech” ngunit sa bandang huli, sinabi niya na ang katumbas sa Tagalog ngKastilang “democracia” ay kalayaan at ang kahulugan nito ay “katahimikan,” kung ang lahatay may “peace of mind.”

Hindi ba’t ang orihinal na dalumat o konsepto ng demokrasya ay nagmula sa Griyegongδημοκρατία (dēmokratía), DEMOS na ang kahulugan ay ang mamamayan o ang bayan atang KRATIA na ang ibig sabihin naman ay pamumuno/paghahari o kapangyarihan. SaKanluran, madalas maikabit ang demokrasya sa pamahalaang may mga kinatawan angmamamayan, karapatang bumoto, kalayaang pulitikal at kalayaang sibil tulad ng kalayaan sapamamahayag. Sa ganitong siste, ang mga nasyon ay nabubuo sa tuwing bumubuo ng mgadokumento ng kasarinlan at saligang batas ang mga ito na magtataglay ng mga karapatan ngmga “citizens” na itinutumbas natin sa mamamayan. Maaari pang sabihin na mayroon dapatitong estado, mamamayan at teritoryo. Sinasabing natutunan natin ito mula sa mga Europeonang pumasok ang mga liberal na ideya ng republikanismo na nagpakilos kina PadreBurgos, Rizal at del Pilar. Mas maraming nagsabing pamana ito sa atin ng mga Amerikanonang dalhin nila ang kanilang sistema ng representanteng pamahalaan dito sa Pilipinas nanuknukan naman sa dami ng elit.

Pero mababang presyo ng bilihin? Puhunan para sa hanapbuhay? Pagbigay tugon ngpamahalaan sa hinaing ng mga tao? Katahimikan? Tila naloloka ang mga Pilipino. Hindi basila naturuan ng tama sa eskwelahan kung ano ang demokrasya? Bobo ba ang mga Pinoy?

Sa aking palagay, ang pagdalumat ng Pinoy sa demokrasya na may kinalaman sa ginhawaat katahimikan ay maiuugat sa ating kasaysayan.

Sa maraming pagkakataon, naipunla sa isip ng mga Pilipino na ang samahangmapanghimagsik na Katipunan ay kinabibilangan ng mga bobong masa na sugod ng sugodat walang ibang alam gawin kundi maging bayolente, at ang tagapagtatag at ikatlongsupremo nito na si Andres Bonifacio ay isang bobong bodegero na walang konsepto ngpagtatag ng nasyon. Ngunit kung tutuusin, henyo si Bonifacio at maaga niyang naisip nakung nais niyang samahan siya ng bayan, kailangan niyang gamitin ang mga dalumat at angwika ng bayan.

Sa kanyang pagbubuo ng kanyang konsepto ng bansa, kumuha si Bonifacio ng mga dalumatna naiintindihan ng mga Pilipino noon, at maging mga dalumat ng sinaunang bayan bagodumating ang mga Espanyol upang mas maging epektibo ang kanyang messaging. Humingisiya ng tulong sa kanyang wala pang 20 taong gulang na kabig, ang mahirap ngunitedukadong si Emilio Jacinto at gumawa sila ng mga batayang dokumento at aral para saKatipunan na magsisilbing kaluluwa nito.

Isa sa mga isinulat ni Jacinto ay ang praymer ng Katipunan, na mas kilala ngayon sa tawagna Kartilya, kung saan ayon sa mga iskolar at historyador na tulad nina Dr. Milagros Guerrero,makikita natin ang malinaw na depinisyon ng malayang Pilipinas na kanilang pinangarap, sapanahon na ang mangarap nang gayon ay haharap ng kamatayan:

“Ang kabagayang pinaguusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga;papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) sa pamagitan ng isang mahigpit napanunumpa, upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasak ang masinsing tabing nanakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at Kaliwanagan.”

Isang nagkakaisang Katagalugan na lumalakad sa daang matuwid at daang maliwanag.Hindi lamang ito pulitikal na kalayaan kundi tumutukoy sa matuwid na kaluluwa at mabutingkalooban ng isang nagkakaisa at nagtutulungan na mamamayan (isang loob at kaisipan).Ngunit sandali, hindi kaya magalit ang mga Bisaya at iba pa? Bakit Tagalog lamang angtinukoy ni Jacinto. Kung papansining mabuti, may asterisk ang salitang Tagalog, nagfootnotepala ang lolo mo:

“(*)Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito;samakatuwid, bisayà man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.”

Tagalog para sa kanila ay tagailog, pagtukoy na tayong mga Pilipino ay may kultura sa

Recommended by

Cars Worth BuyingNow(Car Talk Show)

Page 3: HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News

http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 3/6

paglalayag at ang halaga ng mga ilog at dagat noon sa ating lumang kabihasnan.

Makikita na kinilala nina Jacinto at Bonifacio ang pagkakaroon ng maraming bayan, ngunitnagkakaisa ang loob at isip ng mga ito. Maraming bayan ngunit iisa ang ating “Inang Bayan.”Ang mga Katipunero ay tinawag na Anak ng Bayan dahil tayo ay magkakapatid sa InangBayan.

Upang igiit ito, ibinalik ang sinaunang ritwal ng pagsasandugo ng mga kasapi tulad ngpagbubuo ng mga datu sa mga bayan bago ang kolonyalismo batay sa kapatiran. Kaya hindilamang “citizens” sa Kanluraning konsepto ang mga mamamayan, kundi ang turingan nila aymagkakapatid. Sa ikalawang pahina ng orihinal na limbag na Kartilya mababasa na, “Dito’yisa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pagibig sa bayang tinubuan at lubos napagdadamayan ng isa’t isa.” Hindi pagiging bayolente at pagpatay ang pangunahing turo ngKatipunan kundi pagiibigan sa bawat isa. Sa isang artikulo sa pahayagan ng Katipunan, ang“Kalayaan,” isinatitik ni Jacinto ang tunay na diwa ng kalayaan:

“Ako ay ang Simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at higit na kapuripuri,marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan. ...nang dahil sa adhikain ko’ynapagkakaisa ang mga tao at kinalilumutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang atwalang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat.”

Kung gayon, walang kalayaan kung maghahari naman ang masamang kalooban, kung hindimagiibigan. Doon papasok ang pakahulugan sa kalayaan bilang “peace of mind” orkatahimikan. Hindi mo malalasap ang kalayaan kung walang kapayapaan.

Litaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pagibig sa Tinubuang Lupa,” angmalapit na kaugnayan ng kalayaan sa kaginhawaan, tulad ng ipinakita sa pagaaral ni Dr.Teresita Gimenez Maceda. Kung walang ginhawa, walang tunay na kalayaan. SaSikolohiyang Pilipino, tiningnan ng mga pagaaral ni Dr. Zeus Salazar ang iba’t ibangdiskyunaryo at pakahulugan ng iba’t ibang mga bayan sa salitang “ginhawa” at ito angmakikita: “gaan sa buhay,” “aliwan sa buhay,” “paggaling sa sakit,” “kaibsan sa hirap,” “aliw,’ o“mabuting pamumuhay.” Sa Hiligaynon, kaugnay ito ng “pagkain” at “ganang kumain.” Tamanga naman, may karapatan ka ngang bumoto o may kalayaan kang sibil ngunit hindi kanaman nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, hindi ka pa rin tunay na malaya.

Sa mga pagaaral din ni Dr. Salazar, makikita na sa Sikolohiyang Pilipino, ang batis opinagmumulan ng kaginhawaan ay ang kaluluwa.

Hindi man sabihin ng tuwiran ng mga dokumento ngunit nang aking pagugnayugnayin angmga pagaaral na ito, makikita ang lohika ng konseptong Pilipino ng tunay na kalayaan:Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan, at walang kaginhawaan kungwalang matuwid na kaluluwa at malinis na kalooban sa mga magkakapatid. Samakatuwid,ang kalayaan ay hindi lamang isang nakasulat na mga karapatan sa isang konstitusyon,kundi isang estado ng buhay na may “kaginhawaan” ang mga tao at may kabutihang loobna nagnanais ng kabutihan ng kanyang kapatid. Nang tanungin ni Schaffer ang isangtricycle driver at ang isang gasoline boy, kung ano ang kalayaan, kapwa binanggit na maykinalaman ito sa pagsasabi ng saloobin at hinaing ngunit dapat may magandang intensyon.Hindi bastabasta gagamitin ang kalayaan upang manira at saktan ang iba.

Kaya ang maituturing na saligang batas noon ng Katipunan ayon kay Dr. Guerrero ay angnabanggit na Kartilya ni Jacinto na batay sa mga sinaunang katutubong kasabihang bayan.Ngunit dahil ang Kartilya ay hindi isang saligang batas na kinopya sa mga Kanluraningkonstitusyon, hindi kinilala ng elit ang pamahalaang mapanghimagsik ni Andres Bonifacio.Siya ay iniligpit at pinatay at ang kanyang konsepto ng bansa ay tila namatay kasama niya.Ngayon ang nakikita natin sa tuwing halalan ay ang pagaagawan ng kapangyarihan sapagnanais na magpayaman at maghariharian sa bayan kaysa sa bigyan ng ginhawa angbayan. Kahit may demokrasyang kanluranin, walang ginhawa.

Sayang, dahil kung titingnan ang letterhead ni Andres Bonifacio bilang unang pangulo ngpambansang pamahalaang rebolusyunaryo, nakasaad dito na ang tawag niya sa sarili ayPangulo ng Haring Bayang Katagalugan. Taliwas sa paratang ng ibang historyador na angHaring Bayan ay tumutukoy sa pagkahari ni Bonifacio, malinaw na pangulo lamang siya ngpamahalaan kung saan ang Hari ay ang Bayan—sovereignty of the bayan! Power to thepeople! Hindi nakapagtataka na tayo ang nagimbento ng People Power noong 1986 naginagaya ngayon ng buong mundo—ang mapayapang pagkilos para sa pagbabago ngpamahalaan.

Hindi ba’t ito rin ang diwa ng demokrasya bilang paghahari ng interes at kalooban ng bayan?

Kung gayon, hindi nakapagtataka na ikinokonekta ng maraming mga Pilipino angdemokrasya sa kalayaan, at ang kalayaan sa ginhawa at katahimikan o hindi paggawa ngmasama sa isa’t isa dahil ito ang kalooban o kagustuhan ng bayan. Natatamasa sana angmga ito kung nasusunod ang paghahari ng bayan. Hindi ito nagpapakita ng kabobohan ngPinoy kundi ng mas malalim na pagkakaugat sa kulturang bayan ng mga ordinaryongmamamayan at sa minsa’y kabobohan nating mga nakapagaral na maintindihan ito dahil

Page 4: HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News

http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 4/6

Tweet 13 100Like Share Printerfriendly version

Share 0 15 Send to friend

Our Videos From Around the Web

nalalambungan tayo ng ating edukasyong kolonyal.

Si Michael Charleston “Xiao” Chua ay kasalukuyang Kawaksing Propesor ng Kasaysayan saPamantasang De La Salle Maynila. Nagtapos ng BA Kasaysayan (2005) at MA Kasaysayan(2010) at kinukuha ang kanyang Ph.D. sa Antropolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.Ang kanyang tesis masterado ay pinamagatang Ang Maynila ni Imelda: Isang KapanahongKasaysayan ng PagbabagongAnyo ng Metropolitan Manila (19651986). Nakapaglathala nasiya ng mga artikulo sa mga seryal na Social Science Diliman (2007), Philippine SocialSciences Review (20082009), Daluyan: Journal ng Wikang Filipino (2009), DalumatEJournal (2011); at Historical Bulletin (2011, 2012) at kasamang mayakda ng Kaalaman atPamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan (2008) at Kasaysayang Pampook: Pananaw,Pananaliksik, Pagtuturo (2012) ng UP Lipunang Pangkasaysayan. Itinuturing siyang isa sapinakaaktibong komentaristang pangkasaysayan sa radyo at telebisyon sa Pilipinas namadalas lumitaw noon sa The Bottomline with Boy Abunda at ngayon sa kanyang sarilingsegment sa mga programang pambalitaan ng PTV4 (Telebisyon ng Bayan), ang Xiao Time:Ako ay Pilipino Marubdod ang paniniwala niyang anumang kanyang natutunan ay kailanganibalik niya sa bayan, sa mga anyong maaabot at maiintindihan nito.

1 Kung para kay Dr. Guerrero, ang Haring Bayan ay “sovereignty of the people,” para kay Dr.Salazar, ito rin ay tumutukoy sa konsepto ni Bonifacio ng estado.

From Around the Web

We Recommend

Recommended by

Useful Bisaya (Cebuano)Phrases You ShouldKnow Before VisitingVisayas And Mindanaolooloo

Viral Videos of theWeek; November 8th14thGearographer

Game of Thrones 10Facts you need to knowabout the seriesBe Asia

What Duterte said aboutZayn MalikRegions

Daniella Barretto on dadKier Legaspi: We don'ttalkEntertainment

Punto por Punto:Napenas mulingkinondena ni PNoyABSCBN News

Page 5: HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News

http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 5/6

Copyright © 2015 ABSCBN Interactive All rights reserved Terms and Conditions | Privacy PolicyMedia Partners | Business Mirror

Home NationMetro ManilaRegions

BusinessTech Biz

Entertainment LifestyleYouthTechnologyClassified Odd

Sports Global FilipinoWorld

Insights Focus ANC Current Affairs ProgramsTV PatrolBandila

ServicesCorporateAdvisoriesResearchPublic ServiceExam ResultsDaily GospelFeedback

Welcome to your onestop hub foreverything Kapamilya!Where would you like to go next?

ABSCBN.COMABSCBN mobileABSCBN StoreANCBallsBMPMChoose PhilippinesDZMMMOR 101.9Myx PHNews and Current AffairsPushSportsStar CinemaStar MagicStar MusicUAAPTFC myREMIT

Recommended by

Other Headlines

The Pinoy powercouple who rocked the world

Sponsored Links

WATCH: Pagara stops Mexican in round2 Sports Videos

What the AMLC found inBong, Lani bank accountsNation Videos

Pacquiao praisesdirector, stars of 'KidKulafu' Entertainment Videos

Meet the Gixxer Suzuki Motor to bringIndiamade… Nikkei Asian Review

Contouring: Who hasnever dreamed of oneday becoming a… beauty

Ten Car Models With theHighest Resale Value CarTalk Show

Is Jesus Really God?Discover the Evidence From Scholars AboutJesus' Claims to be God

Page 6: HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong ... · PDF fileLitaw rin sa mga sulatin ng Katipunan, halimbawa sa “Pag­ibig sa Tinubuang Lupa,” ang

4/9/2015 HARING BAYAN: Si Andres Bonifacio at Ang Konseptong Pilipino ng Demokrasya | ABSCBN News

http://www.abscbnnews.com/opinions/08/21/13/haringbayansiandresbonifacioangkonseptongpilipinongdemokrasya 6/6

TFC.tviWant TVSkyTVplusABSCBN FoundationCareersCorporateInternational SalesMarket Portal