4
Halina, Pastol ng Sambayanan I. ANG TATLONG PAGBASA UNANG PAGBASA (Mik 5:1-4a) ITO ang sinasabi ng Panginoon: 2 Betlehem, Efrata, bagama’t pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. 3 Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. 4 Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon; taglay niya ang kadakilaan ng pangalan ng Panginoon na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilalanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin. Tema: Tagapamahala (Kristo) PAGPAPALIWANAG • Ang pokus ng teksto ay ang Betlehem. • Inihahayag ng propeta ang kaniyang sarili patungong Betlehem. • Ngunit, dahil sa ngayon ay Adbiyento, nagsasalaysay ng pagdating ng Panginoon, (Pambungad na Panalangin) IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 23, 2018

Halina, Pastol ng Sambayanan - verbuhaymagasin.com · paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na. Tema: Si Kristo ang Alay na Sakripisyo PAGPAPALIWANAG • Ang teksto ay nakasentro

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Halina, Pastol ng Sambayanan

I. ANG TATLONG PAGBASA

UNANG PAGBASA (Mik 5:1-4a) ITO ang sinasabi ng Panginoon:

2Betlehem, Efrata, bagama’t pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. 3Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. 4Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon; taglay niya ang kadakilaan ng

pangalan ng Panginoon na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilalanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin.

Tema: Tagapamahala (Kristo)

PAGPAPALIWANAG• Ang pokus ng teksto ay ang Betlehem.• Inihahayag ng propeta ang kaniyang sarili

patungong Betlehem. • Ngunit, dahil sa ngayon ay Adbiyento,

nagsasalaysay ng pagdating ng Panginoon,

(Pambungad na Panalangin)

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 23, 2018

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 23, 2018

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 23, 2018

ating itinutuon ang ating atensiyon sa parating na si Kristo.

• Sino itong magmumula sa Juda? Na maghahari sa Israel(b. 1); mula sa angkan ng mga hari at dinastiya (b. 2); pamamahalaan niya ang bayang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ni YAHWEH; magmumula sa kaniya ang kapayapaan.

• Sa ating palagay ang tinutukoy nito ay walang iba kung hindi si Hesus.

PAGNINILAYHindi natin dapat maliitin ang sinuman,

anuman at saan mang lugar, sapagkat ito na siguro ang pagmumulan ng kaligtasan. Tayo ay sumasampalataya na si Hesus ay isang mabuting tagapamahala na nagdudulot ng kaligtasan at kapayapaan.

SALMONG TUGUNAN (Slm 79)AKITIN MO, POONG MAHAL,

ILIGTAS KAMI’T TANGLAWAN.

IKALAWANG PAGBASA (Heb 10:5-10) 5NOONG si Kristo’y manaog sa sanlibutan,

sinabi niya sa Diyos, “Ang mga hain at mga handog na mga hayop ay hindi mo ibig, Kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain. 6Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan. 7Kaya’t aking sinabi ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.” 8Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin at mga handog dahil sa kasalanan”—bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. 9Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang

handog at pinalitan ng handog ni Kristo. 10At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesu-Kristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Tema: Si Kristo ang Alay na Sakripisyo

PAGPAPALIWANAG• Ang teksto ay nakasentro sa pagdating ni

Kristo bilang alay. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay ng apat na uri nng pag-aalay: handog na pangkapayapaan (Lev. 3), handog na pagkain (Lev. 2), handog na hain (Lev. 1), at handog para sa kasalanang di sinasadya (Lev. 4-5), at sa huli kasama rin ang handog para sa kasalanang di magbigay ng nauukol para kay YAHWEH ng Levitico 5:14-19.

• Ngunit ang pag-aalay ni Hesus, ang Mesiyas, ay para sa lahat. Sapagkat ang epekto nito ay walang hanggan, ayon na rin sa mga propetang sina Jeremias, Mikeas at Isaias, na higit pa sa sakripisyong hinihingi ng mga Batas (Torah), ay ang awa, katarungan at pagtalima sa ninanais ng Diyos. Ito ang mga gawa ni Hesus.

PAGNINILAYMatatagpuan natin sa Jer 31:33-34, na

sinasabi ng propeta na magkakaroon ng isang bagong kasunduan na iuukit sa puso ng bawat tao. Ang kapatawaran sa ating mga kasalanan ay dulot ng pag-aalay ni Hesus ng kaniyang sarili, bagamat, siya’y walang kasalanang nagawa, ito na nga ang kaganapan ng kanyang mga pangako.

MABUTING BALITA (Lc 1:39-45)3 9H I N D I n a g t a g a l a t s i M a r i a ’ y

nagmamadaling pumunta sa isang bayan

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 23, 2018

sa kaburulan ng Juda. 40Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. 41Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, 42at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! 43Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? 44Sapagka’t pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. 45Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

Tema: Gumalaw sa Tuwa

PAGPAPALIWANAG• Ang teksto ay pinamagatang “ Ang Pagdalaw”.

Dinalaw ni Maria ang kaniyang pinsan nasi Elisabet ( na anim na buwan ng nagdadalang tao.)

• Ipinapakita ni Lucas ang pagtatagpo ng dalawang ina: Si Elisabet na isang matandang ina na nasa kaniyang “post-menopausal stage” na at malabo ng magkaroon ng anak at si Maria, isang batang ina, na kabagu-bago pa lamang magkaroon ng buwanang “dalaw” at hindi pa dapat magdalang-tao sapagkat wala pa siyang asawa.

• Ang dalawang ina ay nagpahayag ng kagalakan ng kanilang mga puso dahil sa katunayan na ito ang kagustuhan ng Diyos para sa kanila.

• Si Maria ay nagmamadaling pumaroon patungong Ein Karem (ang lugar ni Elisabet). Binati ni Maria ang kaniyang pinsan sa kaniyang pagdating roon. Nagalak si Isabel sa pagbati ni Maria at nagwikang “Sino ba naman ako?” – isang pagpapakita ng kagalakan.

• Kahit nga ang bata sa sinapupunan ni Elisabet ay lumundag sa kagalakan (magalak kayong mga naniniwala).

PAGNINILAYAng pagdalaw ni Maria kay Elisabet ay

napapaloob sa mga maliligayang yugto na nangyari hanggang sa masayang pagsilang ni Kristo.

Kagalakan din ang bunga ng ating “Oo sa Panginoon.” Ang pag-oo na ito ay mula sa ating pananampalataya sa Salita ng Diyos (na ipinahayag ng anghel), na makikita sa pagkikita ng dalawang taong Diyos ang namamagitan sa kanilang buhay. Marami pang nakabalot na kaligayahan na mabubuksan sa mga yugtong parating sa buhay ni Hesus.

II. PAG-UUGNAY Ipinapahayag ng Unang Pagbasa ang

pagdating ng isang mabuting tagapamahala na nagmula sa isang hindi kilalang lugar. Ito ay magsisilbing inspirasyon upang magalak ang mga ipinapahiya. Ang Ikalawang Pagbasa naman ay tumutukoy kay Hesus bilang Kristong parating na magsisilbing alay, ang kapalit ng ating mga nagawang kasalanan. Ipinapahayag naman ng Mabuting Balita ang masayang pagdalaw ni Maria kay Elisabet, na parehong nagdadalang –tao.

III. SALAMIN NG BUHAY

1. Ano pa ba ang naramdaman mo nang may mga bwisita? Pagkatapos na mataggap mo na ang sitwasyon na ito, paano mo kayang gawing positibo ang mga negatibong naidulot nito?

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO (K) • DISYEMBRE 23, 2018

2. Maghanda ng listahan: Sampu kataong kailangang dalawin sa panahon ng Pasko. Bakit?

3. May mga lugar na nagbibigay ng inspirasyon lalo na sa ating buhay pananampalataya. Para sa inyo, saan at bakit? (HM)

- Pagpapaliwanag: Fr. Cielo Almazan, OFM-Isinalin ni Cl. Edward Cometa

(Pangwakas na Panalangin)

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Hesus na Dakilang Guro, ikaw ang Salita ng Buhay na walang hanggan. Sumasampalataya kami sa Iyo Panginoon at Katotohanan. Palaguin Mo nawa ang aming pananampalataya. Iniibig ka namin, Panginoon at Daan, nang buo naming lakas dahil iniutos mo sa aming sundin ang Iyong mga Kautusan nang walang pasubali. Nananalangin kami sa Iyo, O Panginoon at Buhay, sinasamba Ka namin, pinupuri Ka namin, at pinasasalamatan dahil sa kaloob mong Banal na Kasulatan. Kasama si Maria, maalala sana namin at mapangalagaan ang Iyong mga Salita sa aming kaisipan at mapagnilay-nilayan ang mga ito sa aming puso. Panginoong Hesus , ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay, maawa Ka sa amin.Luwalhati... (mula sa Prayers of the Pauline Family)

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Kristo, aming Panginoon, Ikaw ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Itulot mong makamit namin ang Iyong dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng iyong Apostol na si San Pablo at ng Simbahang Katolika. Ipadala Mo sa amin ang Iyong Banal na Espiritu upang maalaala namin ang lahat na Iyong mga ipinangangaral. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara nang sa una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.

Kung nais po ninyong makatulong sa ating Biblical Apostolate, maari pong magdonate ng legal size na bond paper sa:

ST PAULS Ads and Promo Office c/o Rizaldy Cruz7708 ST PAUL Road, San Antonio Village, Makati CityTels: 895-37-16; 890-7130

ST PAULS SEASONALS 2019