20
COUNTY NG ALAMEDA Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante Pangkalahatang Halalang Munisipal SA LUNSOD NG PIEDMONT MARTES, PEBRERO 7, 2012 ANG MGA BOTOHAN AY MAGBUBUKAS NG IKA- 7 NG UMAGA AT MAGSASARA NG IKA- 8 NG GABI TINGNAN ANG LIKOD NA PAHINA PARA SA LUGAR NG BOTOHAN AT PAGHILING NG BALOTA SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO DALHIN ANG HALIMBAWANG BALOTANG ITO SA BOTOHAN AT MARKAHAN NA PARA HINDI MAANTALA BABALA: ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY MAAARING NABAGO 001 C A L I F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A

Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

  • Upload
    vuque

  • View
    247

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

COUNTY NG ALAMEDA

Halimbawang Balota At LibritoNg Impormasyon Para Sa Botante

Pangkalahatang Halalang Munisipal SA LUNSOD NG PIEDMONT

MARTES, PEBRERO 7, 2012

ANG MGA BOTOHAN AY MAGBUBUKAS NG IKA- 7 NG

UMAGA AT MAGSASARA NG IKA- 8 NG GABI

TINGNAN ANG LIKOD NA PAHINA PARA SA LUGAR NG BOTOHAN AT PAGHILING NG BALOTA SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

DALHIN ANG HALIMBAWANG BALOTANG ITO SA BOTOHAN AT MARKAHAN NA PARA HINDI MAANTALA

BABALA: ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY MAAARING NABAGO

001

CA L I F O R N I A

CO

UNTY OF ALAMED

A

Page 2: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

DIREKTOR NGALIWAN

(Bumoto ng Isa)

oo

Bumoto para . . . sa ilan?

Sa karamihang race angpagpili ay para sa ISA ngunit sa ibamaaari kang bumoto ng dalawa otatlong kandidato

TANDAAN:

Maari kang bumoto ngmas kaunting kandidadokaysa sa pinahihintulot

~SUBALIT~Kung ikaw ay boboto ngmas maraming kandidatokaysa sa pinahihintulutan,ang lyong boto/mga botosa race na ito ay HINDIMABIBILANG

Sundin ang mga madaling hakbang upang matiyak na mabibilang ang iyong boto:

Tandaan- Kwalipikadong write-in na kandidato Lamang ang mabibilang. Upang makakuha nglistahan ng mga Kandidato ng Kwalipikadong Write-In, tumawag sa (510)272-6933 o bisitahin angaming website sa www.acgov.org/rov

Ganap na ikonekta ang arrow sa tabi ng linya ng Write-InIsulat ng di-kabit kabit o Isulat ng Maliwanag ang Kwalipikadong Kandidato sa Write-In saLinyang katabi ng arrow

VIN

Pagboto sa Isinusulat-lamang na Kandidato?

TAMA

MALI

Malinaw na Markahan ang lyong BalotaGanap na ikonekta ang arrow sa tabi ng lyong Kandidato o sa OO/HINDI ng PANUKALANGPAGPIPILIANGumamit Lamang ng Itim o Asul na Panulat

Para Mabilang ang Boto ng lyong Isinusulat-lamang na Kandidato (Write-In Candidate):

~ INSTRUKSIYON KUNG PAANO MABIBILANG ANG IYONG BOTO~

CAROLE LOMBARD

GEORGE E. JESSEL

BILLY ROSE

KATE SMITH

ISADORA DUNCAN

EDWARD ELLINGTON

~ INSTRUKSIYON KUNG PAANO MABIBILANG ANG IYONG BOTO~

Page 3: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

BILINGUAL NA MANGGAGAWA SA

HALALAN AY KINAKAILANGAN PARA SA

HUNYO AT NOBYEMBRE 2012 NA MGA HALALAN

Ang Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa  Alameda  County  ay  patuloy  sa  paghahanap  ng mga  mamamayang  nakatuon  sa  demokratikong proseso  na  magagawang  maglingkod  sa  lugar  ng botohan sa araw ng Halalan. 

APPLICATION FORMS AY MAKUKUHA

SA ONLINE:

www.acgov.org/rov/workers.htm

BEW

BEW

KUMITA NG KARAGDAGAN PERA AT MAGING BAHAGI NG PROSESO SA HALALAN

Taong taga-pamahala Kinakailangan may sariling

sasakyan Dumalo sa sapilitang klase ng

pagsasanay (3 oras) Naka-rehistrong botante

KUMITA NG $180

Dumalo sa sapilitang klase ng pagsasanay (3 oras)

Naka-rehistrong botante

KUMITA NG HANGGANG $125

Dumalo sa sapilitang klase ng pagsasanay (2 oras)

Naka-rehistrong botante KUMITA NG HANGGANG $115

Labing 16 na taon gulang pataas U.S. Citizen May G.P.A. na 2.5 pataas

KUMITA NG $95

MAGLINGKOD SA IYONG KOMUNIDAD  

Bilingual na Manggagawa sa Halalan ay kinakailangan:

MATATAS Magsalita sa alinman:               English/Chinese            English/Spanish            English/Tagalog            English/Vietnamese 

Labing 18 taon gulang pataas 

Naka‐rehistrong botante 

Dumalo sa sapilitang klase ng pagsasanay 

INSPEKTOR

MGA HUKOM

MGA KLERK

MGA ESTUDYANTE

SA KARAGDAGANG IMPORMASYON

E-MAIL: [email protected] TUMAWAG: (510) 272-6971

Page 4: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

OFFICIAL BALLOT / OPISYAL NA BALOTACITY OF PIEDMONT GENERAL MUNICIPAL ELECTION

PANGKALAHATANG HALALANG MUNISIPAL SA LUNSOD NG PIEDMONT ALAMEDA COUNTY, FEBRUARY 7, 2012

COUNTY NG ALAMEDA, PEBRERO 7, 2012

INSTRUCTIONS TO VOTERS: USE BLACK OR BLUE BALLPOINT PEN ONLY. To vote for a candidate of your choice, complete the arrow to the right of the candidate’s name. To vote for a qualified write-in candidate, PRINT the person's name in the blank space provided and complete the arrow. To vote on any measure, complete the arrow after the word “Yes” or “No.”

MGA TAGUBILIN SA MGA BOTANTE: GAMITIN LAMANG ANG ITIM O ASUL NA BALLPOINT NA PANULAT. Upang bumoto para sa isang kandidato na iyong pinili, kumpletuhin ang palaso (arrow) na nasa kanan ng pangalan ng kandidato. Upang bumoto para sa isang kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato, I-PRINT ang pangalan ng tao sa blangkong espasyo na inilaan at kumpletuhin ang palaso. Para bumoto sa anumang panukala, kumpletuhin ang palaso pagkatapos ng salitang “Oo” o “Hindi.”

Vote for no more than Two

FOR MEMBERS OF CITY COUNCIL

CITY OF PIEDMONTLUNSOD NG PIEDMONT

Bumoto ng hindi hihigit sa Dalawa

NONPARTISANDI-PARTIDISTA

MARGARET FUJIOKACity Council MemberMiyembro ng Konseho ng Lunsod

PARA SA MGA MIYEMBRO NGKONSEHO NG LUNSOD

BOB MCBAINRetired Financial ExecutiveRetiradong Tagapagpaganap ng Pananalapi

TIM ROODCity Planning ConsultantTagapayo sa Pagpaplano ng Lunsod

A Shall Chapter 20F be added to the Piedmont City Code providing for a

new 10-year Special Municipal Sewer Surtax, as more specifically set forth in Ord. 699 N.S. which is on file with the Piedmont City Clerk?

Dapat ba na ang Kabanata 20F ay mai-dagdag sa Mga Alituntunin ng Lunsod ng Piedmont na nagbibigay ng panibagong 10-taong Espesyal na Paagusang (Sewer) Karagdagang Buwis (Surtax) ng Munisipyo na mas tiyakang itinalaga sa Ordinansa 699 N.S. na nasa talaan ng Klerk ng Lunsod ng Piedmont?

LUNSOD NG PIEDMONTCITY OF PIEDMONT

MEASURES SUBMITTED TO THEVOTERS

MGA PANUKALANG ISINUMITE SA MGABOTANTE

YES / OO

NO / HINDI

CA01-1-280100-1-0001-T

Halim

bawang B

alota

Page 5: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

CA01-1-280100-1-0001-TBT:1

Vote for no more than Three

MEMBERS, BOARD OF EDUCATION

Bumoto ng hindi hihigit sa Tatlo

ANDREA SWENSONRetired Financial ExecutiveRetiradong Tagapagpaganap ng Pananalapi

MGA MIYEMBRO, LUPON NGEDUKASYON

RICK RAUSHENBUSHIncumbentNanunungkulan

SARAH PEARSONPediatricianDoktor ng mga bata

JON F. ELLIOTTEnvironmental Consultant, EducatorPangkapaligirang Tagapayo, Edukador

NANCY "SUNNY" BOSTROM

Halim

bawang B

alota

Page 6: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

Ang mga sumusunod na pahina ay maaaring maglaman ng:PAHAYAG NG KANDIDATO AT IMPORMASYON TUNGKOL SA PANUKALA

Hindi lahat ng mga kandidato ay nag-bigay ng pahayag ng kuwalipikasyon. Para sa kumpletong listahanng mga kandidato sa balota, sumangguni sa iyong halimbawang balota, na nakalakip sa libritong ito.

Ang pahayag ng kuwalipikasyon ng bawat kandidato, kung mayroon man, ay boluntaryong nanggaling sakandidato at inilimbag sa sariling gastos ng kandidato, maliban kung tinukoy ng namamahalang lupon.Ang mga pahayag ay nalimbag kung paano ibinigay ng kandidato, kabilang ang ano mang mgatypographical, pagbaybay, o panggramatikang pagkakamali. Ang mga pahayag ay hindi siniyasat nangganap na kawastuhan ng Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante.

BISITAHIN ANG AMING WEBSITE: WWW.ACGOV.ORG/ROVKung may mga tanong tungkol sa pamamaraan sa pagboto, tumawag sa (510) 267-8683

Ang Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa Alameda County ay nagsisikap gawin ang lahat parahumanap ng mga accessible na lugar ng botohan tuwing halalan. Ang accessibility ng iyong lugar ng botohan ayipinapakita sa likurang pabalat ng Librito ng Impormasyon para sa Botante na ito sa pamamagitan ng mga salitang,“OO” at “HINDI” na nakasulat sa ibaba ng simbolo ng disability

Para sa mga katanungan tungkol sa accessibility ng iyong lugar ng botohan, tumawag sa (510) 383-1717.Para sa lokasyon ng iyong lugar ng botohan, tumawag sa aming 24-oras na numero sa (510) 267-8683.

Iba pang mga paraan kung paano mo maaaring ipatala ang iyong balota kung ang iyong lugar ng botohan ay hindi accessible:

HUMILING NG BOMOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO NA BALOTAKahit sinong botante ay maaaring humiling ng bomoto sa pamamagitan ng koreo na balota. Para magingpermanente na bomoto sa pamamagitan ng koreo na botante, tumawag sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mgaBotante sa (510) 272-6973 o bisitahin ang aming website sa: www.acgov.org/rov

HUMILING NG ALTERNATIBANG ACCESSIBLE NA LUGAR NG BOTOHANAng botante na hindi makapasok sa kanyang lugar ng botohan dahil hindi ito accessible, ay maaaring humiling ngaccessible na lugar ng botohan sa pagtawag sa (510) 272-6971 hindi lalampas sa dalawang linggo bago ang halalan.

BUMOTO SA CURBSIDEMaaaring humiling ng papel na balota para dalhin sa iyo sa labas ng iyong lugar ng botohan. Dadalhin saiyo ng manggagawa sa botohan ang balota at pagkatapos mong bumoto, ilalagay nya ito sa kahon ngbalota

TTY (510) 208-4967CSMI-VWD

LIBRITO NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

IMPORMASYON PARA SA MGA BOTANTE NA MAY KAPANSANAN

“OO” ang iyong lugar ng botohan ay accessible.“HINDI” ang iyong lugar ng botohan ay hindi accessible.

MGA PANGANGATWIRAN SUMUSUPORTA SA O SUMASALUNGAT SAIMINUNGKAHING BATAS AY ANG MGA OPINYON NG MGA MAY-AKDA

Page 7: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

Mga Pahayag ng mga KandidatoLUNSOD NG PIEDMONT

Mga Miyembro ng Konseho ng Lunsod

PICC-1

MARGARET FUJIOKATrabaho: Miyembro ng Konseho ng LunsodAng edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Bilang Miyembro ng inyong Konseho sa nakalipas na apat na taon, ako ay nagtrabaho para pagbutihin o lalo pang pahusayin ang mga serbisyo, pasilidad, at kalidad ng pamumuhay ng mga residente ng Piedmont. Naging instrumento ako sa pagtatatag ng Komite para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Committee) na nagsasanay sa mga residente sa pagiging handa sa kalamidad at sa pag-iwas sa krimen. Ako ay isang masigasig na tagapagtaguyod para sa nauukol na pananagutang pananalapi at ng masinop o maingat na pagpaplano. Nakakatrabaho ko nang maayos ang mga kapwa ko Miyembro ng Konseho, para makagawa ng mga importanteng desisyon tungkol sa mga serbisyo ng munisipyo, mga programang pang-libangan at pang-pasilidad, at kolaborasyon sa lunsod/mga paaralan. Ako ay aktibong nakikinig sa mga opinyon, nagdadala ng isang nasukat na pamamaraan sa paggawa ng desisyon, at nagtatrabaho para sa ikabubuti ng buong komunidad. Alam ko kung paano tumatakbo ang ating lunsod sapagkat ako ay naglingkod na bilang Liaison ng Konseho (Council Liaison) sa Komite para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Committee), Komite para sa mga Proyekto para sa mga Pangunahing Pagpapaunlad (Capital Improvement Projects [CIP] Committee), Komisyon para sa Pagpaplano at Paglilibang (Planning and Recreation Commissions), Katipunan na Tagapagpaganap para sa Kapaligiran (Environmental Task Force), at sa Liga ng mga Lunsod sa California (League of California Cities). Ako ay naglingkod na bilang Pinuno o Chair ng CIP Committee, at miyembro ng Centennial Committee. Isa akong abogado ng munisipyo, nababatid ko ang mga isyung hinaharap ng mga lunsod. Mayroon akong B.A mula sa UC Berkeley at J.D mula sa UC Hastings. Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makapag-lingkod sa ating lunsod at umaasang maipagpapatuloy ko ang aking serbisyo. Hinihingi ko ang inyong suporta.

TIM ROODTrabaho: Tagapayo sa Pagpaplano ng LunsodEdad: 46Ang edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Bachelor’s cum laude, Columbia University; Masters’, arkitektura at pagpaplanong pang-lunsod, UC Berkeley. Lisensiyadong arkitekto, sertipikadong taga-plano, kinikilala at pinagkakatiwalaan ng LEED. Ang aking pamilya ay lumipat sa Piedmont noong 2002 dahil sa mga napakahuhusay na paaralan nito, ligtas na kapaligiran at mataas na kalidad ng buhay. Pero ngayon, ang mga pangunahing serbisyo ng lunsod ay nasa panganib dahil sa mga iresponsableng desisyon sa paggastos ng Konseho. Buong pagkakaisang iniulat ng Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee) na tayo ay umabot na sa hindi na masusustenahang landas patungo sa deficit o pagkalugi sa halagang $2,200,000, at kapos na ng $3,800,000 sa mga mahahalagang reserba pagsapit ng 2016, maliban na lamang kung magkakaroon ng isang walang pag-aalinlangang aksyon ang Konseho. Naninindigan ako na paliliitin ang mga ginagastos sa “fringe benefits”, magtatatag ng mga planong pinansiyal na gagana sa loob nang maraming taon, at iba pang mga tukoy na reporma na muling magtatatag ng ating mga reserba at magbabalik ng disiplina sa pananalapi (tingnan ang www.TimRood2012.com). Kailangan ng Piedmont ang mas masusing pagbabantay sa mga pampublikong paggawa (public works) upang maiwasan ang paggastos nang sobra sa itinakdang halaga. Ako ay may karanasan sa pagdidisenyo at pamamahala ng konstruksyon. Kailangan natin ng pamahalaang bukas, walang itinatago, at isang mapagpitagang prosesong pampubliko. Ako ay mayroong rekord na nagtamo na ng konsensus sa isang kapaligirang pulitikal at nakatulong na sa maraming mga komunidad na mailarawan at maipatupad ang kanilang pananaw. Nakasama na ako sa mga pang-sibikong gawain sa Piedmont sa loob nang maraming taon sa pamamagitan ng mga komite ng paaralan, ng lupon ng Swim Club at ng Liga ng mga Kababaihang Botante (League of Women Voters). Ako ay may dedikasyon, lakas at propesyunal na kasanayan para maging isang pinuno ng Konseho at upang matulungan ang Piedmont na protektahan ang mataas na kalidad ng pamumuhay.

BOB MCBAINTrabaho: Retiradong Tagapagpaganap ng PananalapiEdad: 58Ang edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Kapag nahalal, magtatrabaho ako upang gawing matatag ang pananalapi ng ating lunsod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga rekomendasyon ng Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee) kung saan ako ay naging miyembro. Ako ay magsusumikap na panatilihin ang malapit na ugnayan sa pagitan ng lunsod at ng distrito ng paaralan, at tutulong na makabuo ng konsensus sa paligid ng mga mahihirap na patakaran at mga isyu. Ako at ang aking asawa ay tumira na sa Piedmont sa loob nang 22 taon at nakapagpalaki ng tatlong anak sa komunidad na ito. Sa loob nang higit pa sa isang dekada, pinaglingkuran ko na ang mga organisasyon ng lunsod, paaralan at komunidad. Ako ay naging Tagapangulo (Chairman) ng Komisyon ng Paglilibang sa Piedmont (Recreation Commission) at nanatili sa lupon ng Foundation ng Piedmont para sa Edukasyon (Education Foundation). Ako ay naglingkod sa mga lupon ng mga organisasyon ng paaralan tulad ng Kapisanan ng mga Magulang ng mga Mag-aaral ng Piedmont sa Mataas na Paaralan (High School Parents’ Club) at sa Mga Atleta ng Mataas na Paaralan ng Piedmont (High School Athletic Boosters). Hinawakan ko ang posisyon bilang pinuno ng ating mga organisasyong pang-isports para sa mga kabataan. Bagama’t naiintindihan ko ang mga hamon na ating kinakaharap, mayroon din akong mga nakikitang oportunidad at matatag na paninindigan na isinasapuso ng ating komunidad, na nagtitiyak na ang Piedmont ay isang napakagandang lugar para tirahan. Nagpapasalamat ako sa oportunidad na makapagtrabaho kasama ang komunidad, at umaasang mapapaglingkuran ko kayo sa hinaharap. Hinihiling ko ang inyong boto sa halalan sa Pebrero 7, 2012.

Page 8: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

Mga Pahayag ng mga KandidatoLUNSOD NG PIEDMONT

Mga Miyembro, Lupon ng Edukasyon

PIBE-1

ANDREA SWENSONTrabaho: Retiradong Tagapagpaganap ng PananalapiEdad: 53Ang edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Ang Piedmont ay nakilala dahil sa mga paaralan nito. Ang mga paaralan natin ang puso at ipinagmamalaki ng ating komunidad. Sa loob nang nakaraang 15 taon, naging isang boluntaryo ako sa mga paaralang ito. Agad kong nalaman ang walang katulad na kolaborasyon sa pagitan ng mga magulang at mga paaralan, at ng komunidad na siyang dahilan kung bakit napakahusay ng ating mga paaralan. Dahil sa naging malapit kong katrabaho ang tatlong punong-guro sa site o mismong lugar at ang administrasyon ng Distrito, nalalaman ko agad ang mga komplikadong isyu na kinakaharap natin. Bago ang Piedmont, ang mga perspektibo ko at kakayahan ay nalikha sa aking pagkabata sa labas ng Lunsod ng New York, nagkaroon ako ng degree sa Humanities mula sa Barnard College at nagtrabaho ng 15 taon sa industriya ng serbisyong pinansiyal sa Bank of America at Lehman Brothers. Ipinagmamalaki ko na maging bahagi ng komunidad ng Piedmont na pinahahalagahan ang edukasyon, at nagbibigay sa ating mga mag-aaral ng isang ekstra-ordinaryong karanasan na naghahanda sa kanila na maging matatatag na miyembro ng ating lipunan. Sa mga ganitong panahon kung kailan mahirap ang budget, kailangang mag-isip tayo ng mga bagong paraan upang maihatid ang de-kalidad na edukasyong ito at maging malikhain tungkol sa paggawa nang mas marami sa mas konting gastos. Kailangang magkaroon tayo ng estratehiya sa pagpoposisyon ng ating mga paaralan sa Piedmont hindi lamang para sa susunod na taon, kundi pati sa susunod na 20 taon. Umaasa akong sa hinaharap ay makakatulong ako na makapagtayo at makapagpatakbo ng estratehiyang iyon.

SARAH PEARSONTrabaho: Doktor ng mga bataEdad: 44Ang edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Ang mga priyoridad ko ay ang magsulong ng kahusayan sa larangan ng akademika, ng responsibilidad sa pananalapi, at ang paglahok sa komunidad. Dala ko ang ugaling mapagtanong at mapanuring paraan, pero nananatiling bukas ang isip at nangangalap ng nagkakaiba-ibang opinyon upang makabuo ng mga may kaalamang desisyon. Pumasok ako sa mga pampublikong paaralan sa Palo Alto at nagtapos ako ng aking undergraduate degree mula sa Harvard at medical degree mula sa Stanford. Ako at ang aking asawa, si Evan Seevak, ay may anak na lalaki na nasa ika-3 grado at isang anak na babae na nasa ika-5 grado sa Wildwood at isang anak na babae na nasa ika-8 grado sa Piedmont Middle School. Mula noong lumipat kami sa Piedmont labing-isang taon na ang nakakaraan, nagtrabaho na ako sa U.C. Berkeley Child Study Center, tumulong na masimulan ang Wellness Center sa Piedmont High School, at kumilos para sa Network ng mga Magulang sa Piedmont. Nakapaglingkod na rin ako sa Kampanya para sa Pagbibigay (Giving Campaign) at sa Komite para sa Pagpapayo ukol sa Budget (Budget Advisory Committee) at sa mga Lupon ng Kapisanan ng Magulang (Parent Club Boards) sa Wildwood at Piedmont Middle School, kamakailan lamang bilang Presidente ng PMS. Kasama kong pinamunuan ang kampanya para sa mga Panukalang B at E noong 2009, na nagtitiyak na makakabuo ng kritikal na pondo para sa ating mga paaralan, at pinasasalamatan ko ang kagandahang-loob ng ating mga mamamayan. Nasa puso ko ang mga isyung kinakaharap ng ating mga paaralan, ng ating mga anak at ng ating komunidad. Lubos na buong galang na hinihingi ko po ang inyong suporta.

RICK RAUSHENBUSHTrabaho: NanunungkulanEdad: 53 Ang edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Bilang kasalukuyang Bise Presidente, ipinagmamalaki ko na nakapaglingkod ako sa Lupon ng Paaralan (School Board) mula pa noong 2008. Sa panahon ng aking termino, ang Lupon (Board) lay: (1) nagkamit ng tuloy-tuloy na kahusayan sa larangan ng akademika, nagdagdag ng mga advanced na kurso at nagpasimuno ng isang bagong proseso ng ebalwasyon na ang ginagamit ay mga datos, upang matukoy at maibahagi ang “mga pinakamahuhusay na gawi sa pagtuturo” upang maisulong ang pagkatuto ng estudyante; (2) nakapangasiwa ng mga matitinding pagbabawas sa budget sa pamamagitan ng pagpopondo mula sa komunidad at napagkasunduang bawas sa sahod ng mga kawani; at (3) binantayan ang pinakamalalaking pagpapalakas ng mga paaralan natin, pati na ang konstruksyon ng bagong Paaralan ng Havens. Kung ihahalal muli, ang aking pokus ay magpapatuloy upang matiyak ang kalidad ng edukasyon ng ating mga anak, makapagbigay ng matibay na pagtutok sa larangan ng pananalapi, matapos ang “pinakamalaking programa para sa pagpapatibay” (“seismic retrofit program”), at magpaplano para sa isang masinop o maingat na pangangasiwa ng mga ari-arian ng ating komunidad. Hatid ko ang isang mapanuring paraan sa pagdedesisyon at hindi ako natatakot na harapin ang mga mahihirap na isyu. Gamit ang aking propesyunal na kasanayan, ipagpapatuloy ko ang matindi o masusing pag-aaral ng serbisyo ng Distrito at ng mga kontrata sa konstruksyon. Lumipat ang aking pamilya sa Piedmont labing-anim na taon na ang nakakaraan dahil sa mga paaralan. Ang aming anak na babae ay pumasok sa Havens at nasa ika-6 na grado na siya sa PMS. Ang aming dalawang anak na lalaki ay pumasok sa Beach, PMS at PHS. Nagtapos ako sa Harvard at sa UVA Law School, at naging abogado na ako simula pa noong 1986. Lubos na buong galang na hinihingi ko po ang inyong suporta.

JON F. ELLIOTTTrabaho: Pangkapaligirang Tagapayo, EdukadorEdad: 55Ang edukasyon ko at mga kwalipikasyon ay: Gumugol na po ako nang sampung taong tuwirang pagboboluntaryo sa ating mga paaralan, palagiang sinusuportahan ang masinsinang pagsusuri at ebalwasyon, ang isang kurikulum na mahusay at makabago, at isang bukas na proseso. Bilang isang miyembro ng Lupon ng Paaralan, makakapagbigay ako ng kontribusyon pati na sa malalim na pang-unawa sa mga aktibidad ng Distrito at ng kapaki-pakinabang na mga bagong perspektibo. Nakapagtrabaho na ako para sa mga isyung pampubliko sa buong buhay ko, nagsimula sa isang degree sa pagiging Inhinyero mula sa Princeton at mga degree sa Patakarang Pampubliko (Public Policy) at Batas (Law) mula sa Cal. Sa 30 taon ng pagtatrabaho sa pampribado at pampublikong sektor, nakatulong na ako sa mga ahensiya at mga kompanya na maisama ang mga komplikadong hinihingi ng batas sa kanilang mga nagtutuloy-tuloy na aktibidad. Nagtuturo ako sa mga propesyunal na nagpapanaig (compliance professionals) sa UC Extension at nakapagsulat na ng 20+ mga libro na tumatalakay sa malawak na hanay ng mga regulasyong hinihingi ng batas. Ang pagboboluntaryo ko ay nagsimula sa pagsuporta sa matematika/agham sa Havens at lumago patungo sa isang mahalagang balangkas ng mga aktibidad sa mga indibidwal na silid-aralan, sa mga komite sa mga antas ng paaralan, at sa mga kaganapan sa buong Distrito. Nakapaglingkod na ako sa mga Konseho sa Lugar ng PMS at PHS (PMS and PHS Site Councils), sa pagbabalik-aral ng kurikulum ng K-12 ng Distrito at sa mga konseho na nagpaplano ng GATE, at bilang isang pinuno ng Komiteng Tagapayo sa mga Mamamayan ukol sa mga Buwis sa Parsela (Citizens’ Advisory Committee for Parcel Taxes). Nakatulong na rin ako sa binalangkas na programa ng mga kawani ng Distrito pati na sa mga dokumentong kaugnay ng mga patakaran. Sa pagkakaroon ng mga anak na nasa ika-5, 10, at 12 grado, taos-puso kong isinusulong ang pang-matagalang panahong katatagan ng ating mga paaralan, pati na ang makabuluhang pakikiisa sa publiko at mas malawakang pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Page 9: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

 

 

 

 

 

 

ISANG KLIK LANG ANG LAYO SA INYONG MGA PANGANGAILANGAN SA PAGBOTO

ANG AKING VOTER PROFILE

Sabihin natin na kailangan mong hanapin ang iyong lugar ng botohan, tingnan ang iyong halimbawang balota o hanapin ang distrito kung saan ka nakatira, NGAYON PUWEDE NA! Sa pamamagitan ng AKING VOTER PROFILE, wala nang mas bibilis pa para makuha ang iyong impormasyon.  

Saang distrito ako 

nakatira? 

Saan ang aking 

lugar ng botohan? 

Saan ko 

puwedeng 

makita ang aking 

halimbawang 

balota? 

Paano ako 

makakatanggap ng 

mga materyales ng 

Halalan na nakasulat 

sa ibang wika? 

Ang sagot sa mga tanong na ito at iba pa ay makikita online sa: 

www.acgov.org/rov/profile.htm Mag log‐on ngayon at madiskubre ang kapayakan at 

kaginhawaan ng  My Voter Profile. 

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON 

 

Bisitahin ang aming website sa: www.acgov.org/rov O tumawag sa aming tanggapan (510)272‐6973 

MVP

 

Page 10: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

OO

HINDI

PIMA-1

LUNSOD NG PIEDMONT PANUKALA A

WALANG PINAPANIGANG PAGSUSURI NG ABOGADO NG LUNSOD SA PANUKALA A

Ang iminumungkahing karagdagang buwis para sa paagusan (sewer surtax) ay magtitiyak ng sampung-taong pagdaloy ng dagdag na kita, upang makatupad sa mga pangangailangang iniatas sa Lunsod ng Piedmont, sa ilalim ng mga Utos ng Ahensiya ng Estados Unidos para sa Proteksyon ng Kapaligiran (United States Environmental Protection Agency - EPA) at ng Lupon na Nagkokontrol ng Kalidad ng Pang-rehiyong Tubig ng California (California Regional Water Quality Control Board - RWQCB), pati na ang makapagsagawa ng mga makabuluhang bagong gawain para sa pagmementina at rehabilitasyon ng sistema ng paagusan sa Lunsod. Ang kita mula sa karagdagang buwis (surtax revenue) ay idedeposito sa Pondo ng Lunsod para sa Paagusan mula sa Buwis na Ipinataw ng Munisipyo (City’s Municipal Sewer Tax Fund), at, alinsunod sa umiiral na batas, ay maaaring gamitin alinman para sa kalinisan ng mga sistema ng paagusan sa Lunsod, o sa mga sistema ng paagusan ng Lunsod kung may bagyo.

Ang maruming tubig na naipon sa loob ng Lunsod ay kinokolekta sa halos 50 milya ng mga malilinis na tubo ng paagusan (sanitary sewer pipelines). Mula pa noong 1995, ang Lunsod ay nakapagsagawa na ng sunod-sunod na mga proyektong konstruksyon upang maisaayos ang inprastruktura ng paagusan nito, at sa ikalawang quarter (ika-apat hanggang ika-anim na buwan) ng 2011, ay nakatapos na ng trabaho sa 14 sa 23 karagdagang saluhan ng tubig (sub-basins) at halos 60% ng sistema ng mga tubo (piping).

Noong 2000, ipinagtibay ng mga botante ang isang buwis na sisingilin ng munisipyo para sa paagusan upang mabayaran ang pagpapanatili, konstruksyon, pagkukumpuni at operasyon ng lahat ng mga pasilidad ng paagusan at mga dagdag na kagamitan na nasa Lunsod. Bagamat ang kita mula sa buwis sa paagusan ay nakapagbigay sa Lunsod ng kakayahang matapos ang karamihan sa trabahong binanggit sa itaas, ang Lunsod ay nangangailangan ng karagdagang kita upang makumpleto ang trabaho sa nalalabing siyam (9) pang saluhan ng tubig (sub-basins), at upang makatupad sa mga bagong mahihigpit na obligasyon sa ilalim ng mga Utos ng EPA at RWQCB, na ang layunin ay ang magkaroon ng isang naisaayos na malinis na sistema ng paagusan sa loob nang susunod na 8 – 10 taon.

Ang iminungkahing karagdagang buwis ay kumakatawan sa humigit-kumulang limampung porsiyentong pagtaas sa buwis ng Lunsod para sa paagusan sa taong 2011/12, tulad ng ipinakita sa iskedyul na nasa ibaba.

Uri ng Parsela

Karagdagang Buwis para sa Alkantarilya (2011/12)

Pinakamataas na Iminungkahing Karagdagang Buwis para sa Alkantarilya Kabuuan

Tirahang may Iisang Pamilya0-4,999 sq. ft. $471 $236 $7075,000-9,999 sq. ft. $536 $268 $80410,000-14,999 sq. ft. $618 $309 $92715,000-20,000 sq. ft. $722 $361 $1083Higit pa sa 20,000 sq. ft. $849 $425 $1274

Ari-ariang Komersiyal na Nadebelop Na0-10,000 sq. ft. $849 $425 $1274Higit pa sa 10,000 sq. ft. $1169 $585 $1754

Tirahang may Maramihang Pamilya (bawat yunit na tinutuluyan) $393 $197 $590

Mga Parsela na Hinati-hati sa pamamagitan ng Koda ng Buwis sa Linya ng Lugar (Tax Code Area Line) (bawat parsela)

$471 $236 $707

Kung maipapasa, ang hakbang na ito ay magpapahintulot sa Konseho (Council) na magpataw ng karagdagang buwis taun-taon para sa paagusan, sa loob ng panahong aabot nang hanggang sampung taon, kung saan pagkatapos nito ay mawawalan na ng bisa ang naturang karagdagang buwis. Ang iskedyul ng antas ng karagdagang buwis na inilarawan sa itaas ay maaaring iakma taun-taon upang maipaliwanag ang mga idinagdag o ibinawas sa Consumer Price Index (CPI).

Bago ipataw ang espesyal na karagdagang buwis bawat taon, iaatas sa Konseho ng Lunsod (City Council) na magdaos ng isang ipinabatid na pampublikong pagdinig (noticed public hearing). Pagkatapos ng pagdinig (hearing) mula sa publiko, ang Konseho (Council) ay maaaring makapagpataw na ng isang karagdagang buwis sa anumang halaga nang hanggang sa pinakamataas na hangganan o limitasyong inilarawan sa itaas, iniakma para sa CPI, o kahit wala na lamang, ayon sa kailangan upang makatupad sa mga iniatas ng EPA at ng RWQCB at ng sariling Plano ng Lunsod sa Pangangasiwa ng Sistema ng Paagusan (Sewer System Management Plan).

Ang ordinansa para sa paagusan karagdagang buwis ay buong pagkakaisang inirekomenda sa Konseho ng Lunsod (City Council) ng 2011 Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (2011 Municipal Tax Review Committee), at inilagay sa balota ng isang ganap na nagka-isang boto ng Konseho ng Lunsod (City Council) noong Oktubre 3, 2011. Ang ordinansang ito ay mangangailangan ng dalawa sa tatlong (2/3) boto para magkaroon ng bisa.

s/THOMAS R. CURRY Abogado ng Lunsod

A Dapat ba na ang Kabanata 20F ay mai-dagdag sa Mga Alituntunin ng Lunsod ng Piedmont na

nagbibigay ng panibagong 10-taong Espesyal na Paagusang (Sewer) Karagdagang Buwis (Surtax) ng Munisipyo na mas tiyakang itinalaga sa Ordinansa 699 N.S. na nasa talaan ng Klerk ng Lunsod ng Piedmont?

Page 11: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

PIMA-2

s/Michael Rancer Puno (Chair), Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee)s/Bob McBain Miyembro, Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee)

PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA A

Noong 2000, inaprubahan ng mga residente ng Piedmont ang isang buwis na nakapagpondo para sa pagpapanatili, operasyon at pagpapahusay ng sistema ng ating paagusan. Sa katotohanan, ang Piedmont ay nakapagsimula nang mag-ayos at magpaganda ng sistema ng paagusan nito sa loob nang halos dalawang dekada, isang proyektong sa ngayon ay 60% nang kumpleto.

Simula noong 2000, nadagdagan ang mga regulasyon na kinakailangan sa Lunsod, na humantong sa isang Utos ng EPA (2011 EPA Order) na mangailangan ng karagdagang rehabilitasyon, pag-uulat at pagmo-monitor ng sistema ng paagusan. Pagkatapos na masuri ang mga kinakailangang ito at ang kakayahan ng Piedmont na makabayad ng mga iyon, ang Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee - MTRC), isang independiyenteng komite na binubuo ng mga residente ng Piedmont, ay buong pagkakaisang nagrekomenda ng isang pansamantala, sampung taon, 50 % karagdagan sa buwis para sa paagusan.

Iniulat ng MTRC na : “Batay sa isang masinsinang pagsusuri ng nagpapatuloy na mga pangangailangan upang maayos o makumpuni at gawing makabago ang sistema ng paagusan ng Lunsod, pagpapanatili ng mga kasalukuyang serbisyo at tumalima sa mga utos ng hukuman at sa mga regulasyon ng batas, inirerekomenda ng MTRC na ang Buwis para sa Paagusan ay tasahin sa pamamaraang binalangkas sa ulat na ito... Kinikilala ng MTRC na ang rekomendasyong ito ay kakatawan sa limampung porsiyentong dagdag (50%) sa Buwis para sa Paagusan, na kasalukuyang nakapataw. Ang dagdag na ito (“Karagdagang Buwis” o “Surtax”) ay kailangan upang makatupad sa mga obligasyon at regulasyong iniatas ng batas na kailangang sundin ng Lunsod... Inirerekomenda ng MTRC na ang Proyekto sa Paagusan ay ipagpatuloy upang matiyak na ang Lunsod ay nakakasunod sa lahat ng mga obligasyon at regulasyong hinihingi ng batas. Ang hindi pagtalima ay magiging mas magastos kaysa sa isang mahusay na planadong pagsisikap upang maipagpatuloy na pabutihin ang sistema ng paagusan ng Lunsod –– isang proyektong kasaluluyan nang maayos na isinasagawa.”

Ang isang boto para sa Panukala A (Measure A) ay isang boto upang tuparin ang mga legal at etikal na responsibilidad ng Piedmont na magpanatili ng isang malinis at ligtas na rehiyon ng San Francisco Bay. Sa pagpapatuloy ng kahanga-hangang rekord ng Piedmont sa pag-aayos at pagpapaganda ng sistema ng ating paagusan, ang isang boto na sang-ayon sa Panukala A ay isa ring boto na makakabuti sa ekonomya, at sa bandang huli ay makatitipid ng pera para sa Piedmont at sa mga residente nito.

Mangyaring Bomoto ng Oo para sa Panukala A. s/Dean Barbieri Mayors/John Chiang Bise Mayors/Valerie Matzger Dating Mayor

Page 12: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA A

Mula pa noong 1995, napalitan na ng Piedmont ang 60% ng sistema ng paagusan nito. Kung ipagpapatuloy ito sa kasalukuyang pagkilos, matatapos ang trabaho sa 2023. Ang plano ng Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee) ay magsusulong ng pagkukumpleto sa 2018, na talaga namang mas mauuna pa kaysa mga lunsod na nasa East Bay. Ang Lunsod ay nagpapairal din ng isang bagong programa ng pagmo-monitor o pagsubaybay ayon sa mga Nakatakdang Utos (Stipulated Orders). Sa pagtanggi sa 50% dagdag na ito at sa paggamit ng kasalukuyang buwis para sa paagusan, maipapatupad ang mga hinihinging programa ng pagmo-monitor o pagsubaybay. Ang halaga ng mga ari-arian sa Piedmont ay resulta ng mga imprastrukturang maayos at maganda ang pagkakapanatili, ng napakahusay na serbisyo kaugnay ng kaligtasan, napakagagaling na mga paaralan at maraming mga pasilidad na mapapaglibangan. Pinahahalagahan ng mga taga-Piedmont ang kapaligiran at gusto nila itong maprotektahan; hindi kailangang madaliin ang pagpapalit ng sistema ng paagusan. Hinihingi ng EPA na suriin ang mga bagong pangunahing paagusan at ang sewer lateral. Ang pagsusuri ng lateral ay nati-trigger sa pagbebenta at mga pagkukumpuni, at saka may iba pang nagpapatuloy na mga programa sa pagmo-monitor o pagsubaybay na nakakatuklas ng mga pantahanang lateral na mga tulo. Kung hindi papasa ang iyong lateral sa mga pagsusuri, at tiyak na marami ang hindi makakapasa, ang gastos sa hinihinging pagpapalit ay aabot sa isang hindi direktang buwis sa mga nagmamay-ari ng bahay na magsisimula sa halagang $3000. Sa kalaunan ng taong ito, hihingin sa atin na panumbaliking pareho ang Buwis para sa mga Serbisyo ng Munisipyo at sa Parsela ng Paaralan. Mayroon na tayong ilan sa mga pinakamatataas na buwis ng estado, at hindi maipagkakailang tayo ang may pinakamataas na buwis sa Paaralan. Gayunpaman, ang mga bukas-palad na residente ay patuloy na nagbibigay ng malalaking halaga ng donasyon sa ating mga napakahuhusay na paaralan. Ang mahahalagang mga donasyon para sa mga paaralan ay liliit kung ang mga badyet ng pamilya ay lalo pang pahihirapan ng 50% dagdag na ito sa buwis para sa paagusan. Sa bandang huli, ang pagtaas na ito ng buwis ay maaaring maglipat ng mga kailangang donasyon mula sa edukasyon papunta sa mga paagusan. Ang mga taga-Piedmont ay maaring magpatuloy na magpahalaga sa kapaligiran at magpapanatili ng isang masinop na pagbabalanse ng pananalapi para sa maraming iba’t ibang pangangailangan na siyang dahilan kung bakit nananatiling kahanga-hanga ang Piedmont. Ang pagpapatuloy ng programa sa rehabilitasyon ng paagusan sa isang mahinahong pag-usad ay magpapahintulot ng karagdagang pondo para sa edukasyon, at ito ay magiging isang magandang pang-balanse para doon sa mga may nakatakdang kita (fixed income). Bomoto ng ‘hindi’ sa inisyatibong ito at sa halip ay magpadala ng tseke sa Taunang Kampanya para sa Pagbibigay (Annual Giving Campaign).

s/Rick Schiller Botante ng Piedmont

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA A

Hindi kailangan ang buwis na ito para matugunan ang ating mga obligasyong legal at etikal. Ang Piedmont ay ganap nang tumatalima at hindi sumasailalim sa anumang mga multa ng EPA. Humihingi ang EPA ng isang iskedyul ng pagpapalit/pagmo-monitor ng paagusan sa mga lunsod sa East Bay at ang Piedmont ay dati nang may mga ganitong ginagawa. Sa pinakahuling Planong Pang-administratibo, kakailanganin lamang na ang Piedmont ay magkaroon ng isang sampung taong plano upang makapagpatuloy ng rehabilitasyon ng paagusan nito at maipatupad ang bagong pagmo-monitor o pagsubaybay. Hindi iniaatas ng EPA ang pinabilis na pagpapalit ng pangunahing linya o mainline. Lahat ng mga iniatas ng EPA sa ngayon at sa hinaharap ay maaaring matupad o magagawa gamit ang kasalukuyang buwis para sa paagusan. Ang Lunsod ng Oakland ang tanging Lunsod sa rehiyon na binanggit ng EPA na nabigong tumalima. Magkarugtong ang mga paagusan ng Oakland at Piedmont. Ang kawalang kakayahan ng Oakland (may populasyon na 390,724) na tumalima ay nangangahulugan na ang mga kahanga-hangang pagsusumikap ng Piedmont (may populasyon na 10,667) para tumalima ay nagkaroon ng mababaw na resulta tungo sa paglilinis ng Bay. Ang 50% dagdag na ito ay para sa 10 taon. Ang inyong kabuuang buwis para sa paagusan ay magiging $708 hanggang $1275 na may taunang pag-aayos sa CPI. Mailalagay ng mga residente ang mga pondong iyon sa mga mas kapaki-pakinabang na mapapaggamitan. Simula sa 2012, ang mga buwis sa parsela ay hindi na babawasin pati na ang para sa Paagusan (Sewer), mga buwis para sa mga Serbisyong Pang-Lunsod (City Services) at sa Paaralan (School). Kinakailangan na ngayon ng mga taga-Piedmont na suriin ang kanilang sewer lateral sa oras ng pagbebenta o pagkukumpuni, kung saan may posibilidad na magkaroon ng pagpapalit sa malaking halaga. Sa kabuuan, ito ay isang bagay na lalo lamang magpapahirap sa kalagayang pampinansiyal ng mga residente. Ang 50% dagdag sa buwis para sa alkantarilya na bunga ng minadaling pagpapalit ng paagusan ay isang malaking gastos na hindi naman kailangan.

Tanggihan ang Panukala A. Gamitin ang pera para sa pagpapalit ng sewer lateral sa tahanan at PARA SA SUPORTAHAN ANG MGA PAARALAN.

s/Rick Schiller Residente ng Piedmont

PIMA-3

Page 13: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

PIMA-4

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA A

MALINAW KUNG ALIN ANG DAPAT NA PILIIN: ANG LUNSOD NG PIEDMONT AY KAILANGANG SUMUNOD SA UTOS NG EPA 2011 (EPA ORDER) KUNG SAAN IPINAG-UUTOS ANG PAGKAKAROON NG KARAGDAGANG REHABILITASYON, PAG-UULAT AT PAGMO-MONITOR NG MGA SISTEMA NG PAAGUSAN SA LUNSOD, AT ANG PANUKALANG ESPESYAL NA BUWIS NA IPAPATAW NG MUNISIPYO PARA SA PAAGUSAN (SPECIAL MUNICIPAL SEWER TAX) (“SURTAX”) AY KAILANGAN UPANG MATUGUNAN ANG LAHAT NG MGA REGULASYON AT OBLIGASYONG HINIHINGI NG BATAS NA KAILANGANG SUNDIN NG LUNSOD.

Ang kasalukuyang buwis para sa paagusan ay nakakalikom ng halagang $2.12 milyon lamang bawat taon; at hindi ito sapat para masakop ang lahat ng mga obligasyong utang sa serbisyo (halos $700,000 bawat taon sa susunod na labing-isang taon), sa nagtutuloy-tuloy na kasalukuyang pagpapanatili (humigit-kumulang na $1.4 milyon taun-taon), at sa mga hinihingi ng EPA ($961,000 para sa taong ito).

May tatlo pang natitirang bahagi (Bahagi V, VI at VII) para matapos ang rehabilitasyon ng natitirang 40% ng tumatanda nang sistema ng paagusan ng Lunsod. Kung wala ang pansamantalang, sampung taon, 50% karagdagan sa buwis para sa paagusan, ang pagka-kumpleto ng mga natitira pang phase o bahagi ay imposible na. Ang pagkukumpleto ng mga natitirang bahagi ay kritikal para makasunod sa mga hinihingi sa nakatakdang kautusan ng EPA sa 2011.

Maliban lamang kung gusto nating ihinto ang pagpapanatili ng mga sistema natin sa paagusan, o mag-default sa pagbayad ng mga kasalukuyang utang, o ipagsapalaran na lumabag sa nakatakdang kautusan ng EPA, mayroon tayong napakaliit na pagpipilian kundi ang aprubahan ang pansamantalang dagdag sa buwis para sa paagusan. Maaaring matindi ang maging kabayaran sa hindi pagtalima. At kung hindi tayo kikilos ngayon, ang mababang halaga ng pagpopondo ng Estado ay maaaring mawala. Dagdag pa rito, mas gugustuhin ng karamihan ng mga residente ng Piedmont na umurong ng mabilis patungo sa paghihinto ng kontribusyon ng Piedmont sa polusyon ng San Francisco Bay.

Bilang konklusyon, ginagawang mahalaga ng pampinansyal na kahinahunan at pagsasalang-alang sa kapaligiran, na ating aprubahan ang Panukala A.

s/Dean Barbieri Mayors/John Chiang Bise Mayors/Valerie Matzger Dating Mayors/Bob McBain Miyembro, Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo

Page 14: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

PIMA-5

para dito sa loob ng Lunsod, maaari itong magpataw ng isang espesyal na karagdagang buwis para sa naturang taon (fiscal year) sa bawat parsela ng tunay na ari-arian sa loob ng Lunsod ayon sa pamamaraang binabanggit dito. Ito ay isang karagdagang buwis para sa mga espesyal na layunin ng pamahalaan at ang mga pondong nakalap mula sa espesyal na karagdagang buwis ay lilimitahan para sa mga paggamit na itinakda sa Seksyon 20F.1 na ito.SEKSYON 20F.2 PAGPAPASYA NG HALAGANG DAPAT ITAAS

Bawat taon kasasabay ng pagpapatibay ng isang taunang budget, ang Konseho ng Lunsod ay magpapasya ng kabuuang halaga ng mga gagastusin na kinakailangan para matugunan ang mga hinihingi sa kautusan na nakalista sa Seksyon 20F.1. Ito ang magiging pinakamalaking halaga ng pondo na kukuhanin mula sa karagdagang buwis na pinahintulutan ng Ordinansa para sa naturang taon.

SEKSYON 20F.3 PINAKAMATAAS NA ANTAS NG KARAGDAGANG BUWIS / PARAAN NG PAGTATASA

Pagkatapos na alamin ang kabuuang halaga ng karagdagang buwis na itataas sa ilalim ng Seksyon 20F.2, ang Konseho ng Lunsod ay maglalaan ng naturang halaga para sa mga parsela ng tunay na ari-arian sa loob ng Lunsod na hindi ililibre ng batas o maililibre alinsunod sa Seksyon 20B.12, tulad ng mga sumusunod:

Ang karagdagang buwis na ito ay tatasahang magkahiwalay, at bilang dagdag sa Karagdagang Buwis para sa Paagusan na ipinataw sa ilalim ng Kabanata 20E ng Alituntunin ng Lunsod.

ISKEDYUL NG PINAKAMALAKING ANTAS NG KARAGDAGANG BUWIS PARA SA PAAGUSAN

Bawat Parsela Ayon sa Laki

Tahanang may Iisang Pamilya

Mga Ari-ariang Komersiyal na Nadebelop Na

Tahanang may Maraming Pamilya

Mga Parsela na Hinati-hati sa

pamamagitan ng Koda ng Buwis

sa Linya ng Lugar

0 - 4,999 sq. ft. $2365,000 - 9,999 sq. ft. $26810,000 - 14,999 sq. ft. $30915,000 - 20,000 sq. ft. $361Higit pa sa 20,000 sq. ft. $4250 - 10,000 sq. ft. $425Higit pa sa 10,000 sq. ft. $585Bawat Yunit na Tinitirahan $197Bawat Parsela $236 Ang nauunang rate ng karagdagang buwis ay i-a-apply para sa taong 2012/2013 ng pagbubuwis na magsisimula sa Hulyo 1, 2012, at magtatapos sa Hunyo 30, 2013. Sa bawat taon ng pagbubuwis pagkatapos nito na magsisimula sa taon ng pagbubuwis 2013/2014, ang sumusunod na iskedyul ng antas ng buwis ay iaakma ayon sa sumusunod:

Isang halaga na katumbas ng itinaas o ibinabang porsiyento na nasa Consumer Price Index para sa lahat ng mga Konsyumer sa Lunsod (Urban Consumers) (Lahat ng mga aytem) (Batayang Taon 1994 = 100) para sa San Francisco-Oakland, California, ayon sa inilathala ng United States Department of Labor, Bureau of Labor Statistics, para sa panahon mula sa Disyembre 1999 hanggang Disyembre ng taon (fiscal year) agad-agad bago ang taon

BUONG TEKSTO NG PANUKALA A

ORDINANSA Blg. 699 N.S.

ISANG ORDINANSA NA IDINADAGDAG ANG KABANATA 20F SA ALITUNTUNIN NG LUNSOD NG PIEDMONT PARA SA ISANG ESPESYAL NA

KARAGDAGANG BUWIS NA IPAPATAW NG MUNISIPYO PARA SA ALKANTARILYA

Ang Konseho ng Lunsod (City Council) ng Lunsod ng Piedmont ay nag-uutos sa pamamagitan nito ng mga sumusunod:

SEKSYON 1

Layon ng Konseho ng Lunsod ng Piedmont na ipatupad ang Ordinansang ito upang magkaroon ng kakayahang makaipon nang sapat na pondo sa pamamagitan ng isang espesyal na karagdagang buwis para sa probisyon ng mga serbisyo para sa paagusan sa Piedmont. Batay ito sa Rekomendasyon ng Komite para sa Pagbabalik-aral ng Buwis ng Munisipyo (Municipal Tax Review Committee) at bunga ng itinakdang utos ng EPA (EPA Stipulated Order) na nag-aatas sa Lunsod na makasunod sa lahat ng mga naunang iniatas sa ilalim ng Cease & Desist Order ng California Regional Water Quality Control Board pati na ang magsagawa ng mga makabuluhang bagong gawain upang mapanatili at maisaayos ang sistema ng paagusan. Batay sa mga iniatas na ito, naiintindihan na ang isang makabuluhang nagpapatuloy na mapagkukunan ng kita ay kailangan upang makabuo ng milyun-milyong dolyar na gastos para sa mga pagpapalit pati na rin para sa kasalukuyang isinasagawang pagpapanatili ng paagusan. Ang espesyal na buwis na ito ay magiging karagdagan sa umiiral na ngayong buwis na ipinapataw para sa paagusan sa Kabanata 20E ng Alituntunin ng Lunsod (City Code).

SEKSYON 2

Idinadagdag ngayon sa pamamagitan nito ang Kabanata 20F sa Alituntunin ng Lunsod ng Piedmont (Piedmont City Code) upang basahin nang ayon sa sumusunod:

“Kabanata 20FESPESYAL NA KARAGDAGANG BUWIS NA

IPAPATAW NG MUNISIPYO PARA SA PAAGUSAN

SEKSYON 20F.1 AWTORISASYON NA IPATAW ANG ESPESYAL NA KARAGDAGANG BUWIS NA IPAPATAW NG MUNISIPYO PARA SA ALKANTARILYA (SPECIAL MUNICIPAL SEWER SURTAX)

Para sa alinmang taon (fiscal year) na magsisimula sa Hulyo 1, 2012, ang Konseho ng Lunsod ay magpapasya kung ano ang magiging kabuuang gastos na kakailanganin para tumalima sa mga iniatas na pagmo-monitor at pagpapanatili na ini-isyu ng California Regional Water Quality Control Board at ng Environmental Protection Agency sa Administrative Order No. R2-2009-0084, sa mga iniatas ng Itinakdang Utos para sa Preliminary Relief No. C09-05684 RS, pati na ang maayos na pagpapanatili, konstruksyon, pagkukumpuni at operasyon ng lahat nga mga pasilidad ng alkantarilya at mga dagdag na kagamitan

Page 15: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

PIMA-6

SEKSYON 20F.5 KOLEKSYON

Ang Konseho ng Lunsod ay maaaring maghalal na magkaroon ng anumang espesyal na karagdagang buwis na pinahintulutan sa ilalim ng Kabanatang ito, na kinolekta ng alin sa Lunsod o ng alternatibo, sa pamamagitan ng Kolektor ng Buwis ng County ng Alameda. Kung ang mga serbisyo ng Kolektor ng Buwis ng County ng Alameda ay inihalal, ang espesyal na karagdagang buwis ay maaari lamang isama sa taunang buwis na ipinadadala ng naturang Kolektor ng Buwis at ang mga singil na sinisingil ng naturang Kolektor ng Buwis ay dapat na bayaran mula sa mga pangkalahatang pondo na binawas mula sa kinita (gross proceeds) sa buwis.

SEKSYON 20F.6 PAGPOPONDO AT PAGGASTOS NG MGA KINITA

Ang mga kinita mula sa anumang karagdagang buwis na ipinataw sa ilalim ng Ordinansa na ito ay idedeposito sa isang espesyal na Pondo ng Buwis ng Munisipyo ng Lunsod para sa Paagusan. Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang mga pondo mula sa karagdagang buwis na ito ay maaaring gamitin alinman sa sistema ng malinis na paagusan (sanitary sewer system) o sa sistema ng alkantarilya ng lunsod kung may bagyo (city storm sewer system) ayon sa depinisyon nito sa Seksyon 30.2.2.4 ng Alituntunin ng Lunsod.

SEKSYON 20F.7 KAKAYAHANG IHIWALAY

Kung ang alinman sa probisyon ng Ordinansang ito o ang aplikasyon nito sa sinumang tao o pangyayari ay pinawalang-bisa, ang naturang pagwawalang-bisa ay hindi makakaapekto sa alinmang iba pang probisyon o aplikasyon, at sa puntong ito, ang mga probisyon ng Ordinansang ito ay idinedeklara na maaaring ihiwalay.

SEKSYON 20F.8 TAGAL, SUSOG O PAGPAPAWALANG-SAYSAY (DURATION, AMENDMENT OR REPEAL)

Ang awtorisasyon na ipataw ang isang karagdagang buwis sa ilalim ng ordinansang ito ay mawawalan ng bisa sa taon 2021-2022 na magtatapos sa Hunyo 30, 2022. Ang Ordinansang ito, o ang alinman sa mga probisyong naririto, ay masususugan lamang o mapapawalang-saysay sa pamamagitan ng pag-apruba ng dalawa sa tatlo (2/3) ng mayoridad ng mga botante na bomoboto sa panukala sa anumang inisyatibo o halalang reperendum.

Ang Ordinansang ito ay pagtitibayin, kung aprubado ng dalawa sa tatlo (2/3) ng mayoridad ng mga botanteng bomoboto sa panukala sa isang halalan na gaganapin sa Martes, Pebrero 7, 2012, at magkakaroon ng bisa simula sa taon na nagsimula sa Hulyo 1, 2012; kung ang mga probisyon sa mga Kabanata 20B at 20E na umiiral sa Pebrero 7, 2012 ay mananatiling umiiral para sa lahat ng mga layuning may kaugnayan sa mga buwis na itinakda sa ilalim nito, sa mga petsang tinukoy sa mga kabanatang gumagana.

SEKSYON 20F.9 MGA EKSEMPSYON

Ang Konseho ng Lunsod, sa pana-panahon, sa pamamagitan ng resolusyon ng Konseho ay maaaring magpatibay ng mga eksempsyon sa mga panukalang karagdagang buwis na itinatakda pa rito.”

kung kailan ang ini-akmang porsiyento ay gagamitin, at pararamihin sa tukoy na antas ng karagdagang buwis sa nariritong Iskedyul ng Pinakamataas na Antas ng Buwis para sa Paagusan (Maximum Sewer Surtax Rate Schedule). Para sa layunin ng paghahalimbawa lamang, kung ang pinakamataas na antas ng karagdagang buwis sa iisang pamilya na residente ng isang parsela na may sukat na 4,000 kuwadradong talampakan ay $235.00, at ang Consumer Price Index para sa Disyembre 2012 ay 100 at ang para sa Disyembre 2013 ay 106, ang dagdag na 6 ay isang 6% na dagdag, at nangangahulugan ito ng dagdag na pinakamataas na karagdagang buwis na $14.10 para sa taon 2014/2015 o isang kabuuang pinakamalaking halaga ng kargdagang buwis na $249.10 para sa naturang taon.

Ang mga rekord ng Tagatasa ng County ng Alameda (Alameda County Assessor) sa Marso 1 ng taon (fiscal year) na agad-agad na nauna sa taon kung kailan ang mga espesyal na buwis ay dapat nang bayaran ay magtutukoy kung inayos ba o hindi ang alinmang partikular na parsela, para sa mga layunin ng Ordinansang ito. Lahat ng mga inayos na parsela na buong makikita sa loob ng Lunsod ng Piedmont ay sasailalim sa tinasang espesyal na buwis alinsunod sa nariritong Kabanata20.F. Dagdag pa rito, sa mga inayos na parsela kung saan ang isang bahagi lamang ang nasa loob ng Lunsod ng Piedmont, lahat ng mga naturang parsela kung saan ang mga residente ay karapat-dapat na magparehistrro para makaboto sa Piedmont at/o lahat ng naturang parsela na karapat-dapat na tumanggap ng mga serbisyo ng Lunsod ng Piedmont alinsunod sa Sistemang 911 Emergency simula Marso 1 ng taon (fiscal year) na agad-agad na nauna sa taon kung kailan ang espesyal na buwis para sa paagusan, ay dapat nang bayaran at sasailalim sa espesyal na buwis alinsunod sa Kabanata 20.F. Bawat parsela ay bubuwisan alinsunod sa Kabanata 20.F na ito, ayon sa aktwal na gamit nito simula Marso 1 ng taon na agad-agad na nauna sa taon kung kailan ang anumang naturang espesyal na karagdagang buwis ay dapat nang bayaran.

SEKSYON 20F.4 PAGDINIG, LAGAK NA IPINANAN-AGOT SA BUWIS (TAX LIEN) AT MGA KASAMA (INCLUSION) SA MGA BUWIS NG LUNSOD

Bago ang pagpapataw ng isang espesyal na karagdagang buwis sa ilalim ng Ordinansa na ito sa alinmang taon (fiscal year), ang Konseho ng Lunsod ay magsasagawa ng isang pampublikong pagdinig ukol sa panukalang karagdagang buwis. Ang naturang pagdinig ay maaaring isagawa nang kasabay ng isang pagdinig na may kaugnayan sa taunang badyet para sa taon (fiscal year) kung kailan ang pangkalahatang karagdagang buwis ay idadagdag. Ang Pabatid para sa naturang pagdinig ay dapat na ipaskil sa opisyal na paskilan o bulletin board sa Bulwagan ng Lunsod (City Hall) sa loob nang hindi bababa sa 10 araw bago ang pagdinig. Lahat ng impormasyon at materyal na nilalayong isaalang-alang ng Konseho ng Lunsod sa naturang pagdinig at ang panukalang halaga ng karagdagang buwis na bubuuin ay dapat na nakahanda na para sa publiko at dapat na nasa salansan na ng opisina ng Klerk ng Lunsod sa loob nang hindi bababa sa 10 araw bago ang naturang pagdinig.

Kasunod ng naturang pagdinig, ang Konseho ay maaaring magpatibay ng isang resolusyon na magtatakda ng kabuuang halaga ng espesyal na karagdagang buwis na kailangang buuin.

Page 16: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

PIMA-7

SEKSYON 3

Ang Ordinansang ito ay kailangang maipasa ng 4/5 na boto ng Konseho ng Lunsod bilang pagtalima sa mga probisyon ng Seksyon 53724(b) ng Alituntunin ng Pamahalaan ng California (California Government Code), at kailangang ipaskil sa Bulwagan ng Lunsod (City Hall) pagkatapos ng ikalawang pagbasa nito ng Konseho ng Lunsod, sa loob nang hindi bababa sa 30 araw, at hindi magkakaroon ng bisa maliban na lamang kung aaprubahan ng dalawa sa bawat tatlong (2/3) boto ng mayoridad ng mga botante sa pagpapanukala ng isang halalang gaganapin sa Martes, Pebrero 7, 2012.

Page 17: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

OPT-OUT SA PAGTANGGAP NG IYONG HALIMBAWANG BALOTA AT LIBRITO NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

SA PAMAMAGITAN NG KOREO

Simula Enero 1, 2011, Batas ng Estado (AB 1717) pinapayagan ang mga botante na mag “go green” sa pamamagitan ng pag opt-out sa pagtanggap ng halimbawang balota at librito ng impormasyon para botante sa pamamagitan ng koreo at i-access na lang ito sa online. Kung ito ay iyong pipiliin, makakatulong kang mabawasan ang mga gastusin sa County at mapipigilan ang mga dolyares sa buwis.

Kung gusto mong mag opt-out sa pagtanggap ng Halimbawang Balota at Librito ng Impormasyon para Botante sa pamamagitan ng koreo, maaring kumpletuhin ang Opt-Out/Opt-In Form sa aming website: www.acgov.org/rov/sampleballotopt.htm

Ang Halimbawang Balota at Librito ng Impormasyon ay maaaring makita online 40 araw bago ang Halalan.

 

 

 

 

OPT  

GO GREEN AT PIGILAN ANG BUWIS DOLYARES

SA KARAGDAGANG IMPORMASYON

Bisitahin ang aming website: www.acgov.org/rov TUMAWAG: (510) 272-6973

Page 18: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

 

 

 

Kahit sinong botante ay maaaring humiling ng balota sa pamamagitan ng koreo sa mga sumusunod na paraan:

• Mag-aplay online sa www.acgov.org/rov/votebymail.htm

• Kumpletuhin ang aplikasyon na nasa likurang pabalat ng libritong ito at ipadala sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante.

• Ipadala sa e-mail, sa fax o sa koreo ang sulat ng iyong

kahilingan ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Huwag kalimutan ang iyong pangalan, tirahan, adres kung saan mo gustong matanggap ito at ang iyong pirma

Kahit sinong botante ay maaaring humiling maging permanente sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa mga sumusunod na paraan:

• I-print at kumpletuhin ang form online sa:

www.acgov.org/rov/forms/permanent_absentee.pdf at ipadala sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante.

• Kumpletuhin ang aplikasyon na nasa likurang pabalat ng libritong ito at i-tsek ang box at lagyan ng iyong initial ang linya sa “Oo, gusto kong maging permanente sa pagboto sa pamamagitan ng koreo” at ipadala sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante. 

• Ipadala sa e-mail, sa fax o sa koreo ang sulat ng iyong kahilingan maging permanente sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Huwag kalimutan ang iyong pangalan, tirahan, adres kung saan mo gustong matanggap ito at ang iyong pirma

• Kapag ikaw ay naging permanente sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, ikaw ay palagi ng makakatanggap ng balota sa koreo tuwing halalan.

ANG PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO AY MADALI AT MAGINHAWA

• Wala ng matagal na hintayan sa lugar ng botohan • Wala ng pag-iiskedyul na dapat intindihin sa araw ng Halalan • Maingat na pagsusuri ng bawat isyu sa iyong sariling oras • Kumpletuhin ang iyong balota sa kaginhawaan ng iyong sariling tahanan

PAANO MAKAKAKUHA NG BALOTA SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

I-TSEK ANG ISTADO NG IYONG BALOTA SA PAMAMAGITAN NG

KOREO

Ang mga botante sa pamamagitan ng koreo ay maaaring i-tsek kung kailan pinadalhan o kung

natanggap na ang balota: www.acgov.org/rov/voter_av_lookup.htm

o tumawag sa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa

(510) 272-6973

PAANO MAGING PERMANENTE SA PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREO

KATOTOHANANKailan ipinadadala ang mga Balota?

• Ayon sa batas, ang unang araw ng pagpapadala ng balota ay 29 na araw bago ang Halalan. Ang mga balota ay tuloy-tuloy na ipinapadala sa buong 29 araw na ito.

Paano kung nawala ko ang Balota ko? • Tawagan ang Tanggapan ng Tagapagrehistro ng

mga Botante para mabigyan ng kapalit na balota. Kapag wala ng panahon para kami ay magpadala ng kapalit na balota, maaaring pumunta sa iyong lugar ng botohan at bumoto sa pamamagitan ng pansamantalang balota.

Lahat ng kahilingan ito ay kinakailangan matanggap

ng Tanggapan ng Tagapagrehistro ng Botante 7 araw bago Halalan at hindi lalampas ng alas 5:00pm *Hindi tatanggapin ang postmarks

Sa karagdagang KATOTOTHANAN Bisitahin ang aming website: www.acgov.org/rov/faqs.htm Ipadala sa: 1225 Fallon St. Room G-1

Oakland, CA 94612 Fax: (510) 272-6982

VBM 

Page 19: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

DETACH HERE / SEPARE AQUÍ / PILASIN DITO / TÁCH RA Ở ĐÂY /GALING KAY:

IBC

NAPIRMAHAN MO BA ANG IYONGAPLIKASYON?

PLACE1ST CLASS LETTER

POSTAGESTAMP HERE

REGISTRAR OF VOTERSPO BOX 23340OAKLAND CA 94623-2334

DETACH HERE / SEPARE AQUÍ / PILASIN DITO / TÁCH RA Ở ĐÂY /

Page 20: Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para...Ng

APLIKASYON PARA SA BALOTA NG PAGBOTO SA PAMAMAGITAN NG KOREOALAMEDA COUNTYREGISTRAR OF VOTERSP.O. BOX 23340OAKLAND, CA 94623-2334

NON-PROFIT ORG.US POSTAGE PAID

PERMIT NO. 29OAKLAND, CA

PANGKALAHATANG HALALANG MUNISIPAL SA LUNSOD NG PIEDMONT, MARTES, PEBRERO 7, 2012

001

I-mail o ihatid ang aplikasyon na ito direkta sa County ng Alameda na Tagapagrehistro ng mga Botante. Ang aplikasyon ay dapat na nasa Tanggapan ng Tagapagrehistro ng ika-5:00 ng hapon ng Enero 31, 2012.

PAKI-PRINT ANG PANGALAN AT ADRES NG TIRAHAN (HUWAG GUMAMIT NG P.O. BOX) ADRES NG PANGKOREO PARA SA BALOTA (KUNG IBA SA TIRAHAN)

KALYE O P. O. BOX

LUNSOD ESTADO ZIP

UNANG PANGALAN GITNANG PANGALAN APELYIDO

LUNSOD ZIP CODE

XPIRMA O LAGDA NG APLIKANTE (HUWAG I-PRINT) PETSA

Ako ay nag-papatotoo sa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong pahayag sa ilalim ng mga batas ng Estado ng California na ang mga nilalaman ng aking aplikasyon ay tama at totoo.

Oo, Gusto kong maging permanenteng botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo

TO:

PILASIN DITO PILASIN DITO

GU

PITIN

DITO

(i-tsek ang kahon at ilagay ang inisyal ng pangalan)

PILASIN DITO

NUMERO AT KALYE (MAGTALAGA HILAGA, TIMOG, SILANGAN, KANLURAN)

ANG LUGAR NG IYONG BOTOHAN AY

To request a sample ballot in English, Chinese, Spanish, Tagalog or Vietnamese please contact us at:

ENGLISH - (510)272-6973 CHINESE - (510)208-9665 SPANISH - (510)272-6975

TAGALOG - (510)272-6952 VIETNAMESE - (510)272-6956

OR EMAIL US AT: [email protected]

- (510)208-9665

: [email protected]

PARA SOLICITAR UNA BALOTA DE MUESTRA EN ESPAÑOL, POR FAVOR LLAME AL: (510)272-6975

O MANDE UN CORREO ELECTRONICO AL: [email protected]

PARA HUMILING NG LIBRITO NG HALIMBAWANG BALOTA SA WIKANG TAGALOG PAKI-TAWAGAN KAMI SA : (510)272-6952

O MAG-EMAIL SA AMIN SA: [email protected]

ĐÊ YÊU CÂU LA PHIÊU MÂU BĂNG TIÊNG VIÊT, XIN VUI LONG LIÊN LAC VƠI CHUNG TÔI TAI: (510)272-6956

HOĂC EMAIL CHUNG TÔI TAI: [email protected]