9
H E K A S I 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON SA PANAHON NG HAPONES Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

H E K A S I

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

EDUKASYON SA PANAHON NG HAPONES

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

1

GRADE V

EDUKASYON SA PANAHON NG HAPONES

Muling nasubok ang kakayahan ng mga Pilipino na umangkop sa mga pagbabago nang dumating ang mga Hapones.

Banzai! Sigaw ng mga Hapones.

Iba’t-ibang damdamin ang naramdaman ng mga Pilipino sa panahong ito

subalit ibayong sikap pa rin ang namayani sa kanila upang ipagpatuloy ang hangaring makamit ang kalayaan.

Ibig ng mga Hapones na makuha ang pakikiisa ng mga Pilipino kaya

nagtakda sila ng mga patakaran sa edukasyon. Anu-ano ang mga ito?

Halina, ating alamin!

ALAMIN MO

Page 4: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

2

Napag-aralan natin na may pagbabagong naganap sa edukasyon sa iba’t-

ibang panahon. Natatandaan mo pa kaya ito? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan.

Panuto: Isulat kung sa aling panahon naganap ang mga sumusunod na

pagbabago sa edukasyon. Isulat ang N – kung panahon ng ninuno, E – Espanyol, H – Amerikano, at K – Komonwelt.

1. Tinuturuan ang mga bata sa kani-kanilang tahanan. 2. Mga sundalo ang mga unang guro. 3. Wikang Ingles ang ginawang wikang panturo. 4. Pinamamahalaan ng mga pari ang mga paaralan. 5. Binigyan-diin ang pagtuturo ng diwang makabansa.

Nasagot mo ba nang wasto ang mga tanong? Kung gayon magpatuloy ka.

Sa klase ni Gng. Eleanor Forbes nag-imbita ng taong sanggunian ang unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang Hapones sa Edukasyon.

Ang kanilang taong sanggunian ay si Bb. Rita Mejia na nakaranas ng

pamamahala ng mga Hapones.

Basahin mo ang tinalakay:

PAGBALIK-ARALAN MO

PAG-ARALAN MO

Page 5: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

3

Ibig ng mga Hapones na mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa kanila kaya binuksan nilang muli ang mga paaralan na isinara nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Ibinigay nila ang sumusunod na mga tuntunin sa pagbubukas ng paaralan:

Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino

Pagtataguyod ng Edukasyong Bokasyunal at Pang-Elementarya.

Pagtuturo at pagpapalaganap ng Nippongo o wikang Hapones

Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co – Prosperity Sphere.

Matapos maibigay ang mga tuntuning ito, pinabuksan na ang mga

paaralan sa bansa. Pinahalagahan din ang pag-unlad ng agrikultura, pangingisda, medisina, at inhenyeriya.

Ipinagamit ni Pangulong Jose P. Laurel ang Tagalog bilang opisyal na

wika sa bansa. Mga gurong Pilipino lamang ang pinayagang magturo ng Tagalog, Kasanayan sa Pilipino, at Edukasyon sa Wastong Pag-uugali. Iniutos din ng mga Hapones ang pagtatakip ng iba’t-ibang aklat na naglalarawan ng tungkol sa Amerika at iba pang bansang kanluranin.

Bb. Mejia : May gusto ba kayong itanong? Mely : Bakit po pinatakpan ang mga aklat na may larawan

tungkol sa Amerika? Bb. Mejia : Sapagkat gusto nilang mawala ang anumang bakas ng

diwang Amerikano at maging maka-Hapon ang mga Pilipino. Alam ba ninyo na sa panahon ng pagdarahop ay higit na umunlad ang likhang-isip ng mga Pilipino? Nakalikha sila ng sigarilyo mula sa tuyong dahon ng papaya na binalot sa papel. Gumamit din sila ng binusang monggo, bigas, at mais kapalit ng tunay na kape.

Mely : Ang galing talaga ng mga Pilipino. Maraming salamat po

sa inyo Bb. Mejia. Marami po kaming natutuhan.

Page 6: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

4

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit binuksang muli ng mga Hapones ang mga paaralan sa bansa? 2. Anu-ano ang mga tuntuning pinairal sa pagbubukas ng mga paaralan

sa bansa? 3. Ano ang ginamit na opisyal na wika sa pakikipagtalastasan? 4. Alin kaya sa mga patakarang ito ang sinusunod pa natin hanggang sa

kasalukuyan?

Suriin ang grapikong presentasyon tungkol sa edukasyon sa panahon ng Hapones.

Anu-ano ang patakarang pinairal?

Alin sa mga ito ang pinairal din sa panahon ng Amerikano? Alin ang

hindi?

PAGSANAYAN MO

Edukasyon sa Panahon ng Hapones

Pinalaganap ang kulturang Pilipino

Itinaguyod ang edukasyong Pilipino

Itinuro ang Niponggo

Ipinaturo ang kasaysayan ng Pilipinas at Edukasyon sa Wastong Pag-uugali

Itinaguyod ang pagmamahal sa paggawa. Pinahalagahan ang pag-

aaral ng agrikultura, pangingisda, medisina

Page 7: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

5

May mga patakarang pang-edukasyon na pinaiiral sa panahon ng Hapones tulad ng:

- Paggamit ng wikang Niponggo

- Pagtaguyod sa edukasyong bilingual

- Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, atbp.

Ipinatupad ang mga tuntunin sa edukasyon upang mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa mga Hapones.

Narito ang mga mukha. Lagyan mo ng tamang ekspresyon batay sa sinasabi sa pangungusap.

1. “Naku, kawawa naman ako, di ako makakapasok sa paaralan kasi wala

kaming pera.” 2. “Nanay nagalit sa akin yang Hapon kasi di ko maintindihan ang sinasabi

niya tungkol sa aming paaralan.”

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 8: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

6

3. “Anak, maligayang bati. Salamat nakatapos ka rin ng pag-aaral.” 4. “Nanay, si Elmer na kaklase ko, hindi iniintindi ang itinuturo ng aming

guro. Naiinis ako sa ginagawa niya.”

Alin sa mga mukhang ito ang dapat mong taglayin sa pagtatamo ng

tagumpay sa pag-aaral?

Gumawa ng bandila ng Hapones at bandila ng Pilipinas. Maaari mo itong iguhit o maari ka ring gumamit ng mga art paper sa

paglikha nito Ilarawan mo ang iyong ginawa.

GAWIN MO

Page 9: H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/26_edukasyon_sa... · unang pangkat upang talakayin ang naging patakaran ng pamahalaang

7

Hanapin mo ang limang salita na may kinalaman sa sistema ng

edukasyon sa panahon ng Hapones. Isulat mo ang mga ito sa iyong kuwadernong sagutan.

N I P O N G G O

A N A R O O N G

I G A L I T R A

B L A T E R I S

M E D E S I N A

R S I F M C P T

K U L T U R A R

P A G G A W A A

Gumawa ng islogan tungkol sa kaugnayan ng edukasyon sa tagumpay ng isang tao.

PAGTATAYA

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.