159
Republic of the Philippine DEPARTMENT OF EDUCATION Region IV-A CALABARZON Division of Laguna PATNUBAY NG GURO EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 1

Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Republic of the PhilippineDEPARTMENT OF EDUCATION

Region IV-A CALABARZON

Division of Laguna

PATNUBAY NG GURO

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

1

Page 2: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

YUNIT I

Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng

Pamilya

Aralin 1 Magiging Mapanuri Ako

Layunin: Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng

pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan,

2

Page 3: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang

pangtelebisyon at nabasa sa internet.(EsP 5 PKP- Ia-27)

balitang napakinggan

patalastas na nabasa / narinig

napanood na programang pangtelebisyon

nabasa sa internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kuwaderno, larawan ng dart board, ginupit

na hugis puso

Integrasyon: Media Literacy

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kwento na pinamagatang “Ang Balita ni Kuya Lito.”

Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa pagbasa.

2. Sikaping maipadama sa mga mag-aaral ang kanilang mga mithiin sa buhay na kaya

nilang gawin sa kanilang edad.

Gamitin ang konsepto ng kontruktibismo kung saan gagamitin ng mga mag-aaral ang

kanilang mga karanasan para masagot ang iyong mga tanong.

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:

a. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong binasa?

b. May pagkakataon bang hindi ka naniniwala sa balitang iyong narinig sa radio,

nabasa sa pahayagan o sa internet? Ipaliwanag ang dahilan.

c. Paano mo masasabi na ikaw ay naagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo

sa radyo, nababasa sa pahayagan o sa internet? Ipaliwanag.

3

Page 4: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

d. Naranasan mo nab a na mali ang iyong pagkakainitindi sa balitang iyong narinig o

nabasa? Magbigay ng halimbawa.

Kung ikaw ang bata sa kwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa

balita niyang napakinggan. Ipaliwanag.

4. Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan. Sa bahaging ito ng pagtatalaky, maging

sensitibo sa kanilang mga kasagutan.

5. Maaari din na magdagdag ang guro ng kaniyang karanasan tungkol sa kwento.

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

Makatutulong sa pagkilala ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa:

1. Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipasulat sa loob ng kahon ang mga

balitang kanilang napakinggan o nabasa. Isulat ito sa kahon ng Magandang Balita at

Mapanghamong Balita. Pag-usapan ang mga sagot.

Upang matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang kaibahan ng mga balita, ipaliwanag

muna sa kanila ang kahulugan ng magandang balita at mapanghamong balita.

Ang magandang balita ay ulat ng mga positibong pangyayari tungkol sa

ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at mapaglibangan ng

mambabasa, nakikinig o nanonood. Samantalang ang mapanghamong balita naman ay

tungkol sa mga pangyayaring may karahasan, droga, sekswal na hindi angkop sa mga

batang nanonood o nakikinig.

2.Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang mga balitang tumatak sa knilang isipan

noong nagdaang araw na masasabi nilang Magandang Balita o Mapanghamong Balita.

3. Upang mabuo ang pangungusap na nasa loob ng kahon, ang mga patlang na bahagi

ay pupunan ng mga salitang nais sabihin ng mga mag-aaral.

4

Page 5: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Gawain 2

1. Patnubayan ang mga mag-aaral na maisasagawa ang Gawain 2 na Mini Prescon.

Ang Mini Prescon ay pagppulong na dinadaluhan ng mga sumusulat ng balita

nagbabalita at manonood na magtatanong sa nagbabalita sa magiging epekto ng balita.

2. Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo.

3. Bawat pangkat ay may pagtatanghal o palabas na gagawin batay sa sumusunod:

Pangkat 1- mga tagapagbalita

-lahat ng mahuhusay sa pagsasalita ay magsasama-sama at pipili kung sino ang

magiging anchor o tagapagbalita

Pangkat 2- mga tagagawa ng script

-ang magagaling sa pagsulat ay susulat ng simpleng balita

Pangkat 3- tagasuri ng balita

-ang mga manonood na magsusuri ng balita at magtatanong sa magiging epekto

nito.

4. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang Gawain.

5. Maglaan ng isang araw para sa Gawain 3. Matapos ang pagtatanghal ay alamin ang

mga kasagutan sa mga katanungang nakapaloob sa Gawain 3 sa Kagamitan ng Mag-

aaral.

Sa bahaging ito, kailangang magamit ang teoryang Social-Interactive

Learning. Iparamdam sa mga mag-aaral na sila ay matututo sa pamamgitan ng

5

Kung ang balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko ay ________________________________________ dahil naniniwala ako na __________________________________.

Page 6: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

pakikipagtalakayan sa knilang kapuwa mag-aaral. Hayaan silang magbalitaan. Huwag

kalimutang bigyan sila ng mga pamamaraan kung papano nila gagawin ang talakayan

na hindi makaiistorbo sa ibang sagot.

Isapuso Natin (Day 3)

Sa pagkilala sa mga kayang magawa, mapapansin na madaling maisusulat ng mga

mag-aaral ang kaya nilang gawin.

1. Ipagawa ang Isapuso Natin

2. Gagawa ang guro ng dart board. Ditto ay ialalagay ng mag-aaral ang kaniyang sarili

sa pamamagitan ng paglalagay ng puso sa numero ng pagiging mapanuri niya bilang

mag-aaral sa mga balitang narinig sa radio, nababasa sa pahayagan o sa internet.

3. Ipaskil ang dart board ng mapanuring mag-aaral sa isang bahagi ng dingding bilang

lunsaran, pamantayan o paalaalang kaisipan sa klase. Sa gawaing tio, gabayan ang

mga mag-aaral sa mga ipinaskil na Gawain sa pader ng silid-paaralan. Nilalayon nito na

magkaroon ng pagbibigay-papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga

reaksyon sa mga bagay na sinusuri. Magkaroon ng talakayan sa mga sagot ng mga

mag-aaral.

4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-

unawa. Ipaliwanang nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng

mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim ng tinalakay na paksa.

6

Page 7: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Ipabigkas sa mag-aaral nang may lakas, sigla at may damdamin ang tulang

pinamagatang “Mapanuri Ako.”

Huwag itong hayaang matapos sa pamamagitan ng pagbigkas ng tula ng mga mag-

aaral. Isakatuparan ang proseso upang maintindihan at maikintal sa kaisipan ng mga mag-aaral

ang paksang tinalakay sa aralin. Bubuo ng sariling pangako ang mga mag-aaral tungkol sa

pagiging mapanuri sa narinig na balita sa radio, nabasa sa pahayagan o sa internet. Ipasulat ito

sa kuwaderno ng mag-aaral. Palabasin ang kahalagahan ng pagtitiwala sa sarili at kakayahan.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipasagot sa kwaderno ng mag-aaral ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-

aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang Gawain, muli itong iproseso. Mahalaga na

maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot.

Sagutin ang mga sumusunod:

a. Ano ang iyong masasabi sa iyong masasabi sa iyong mga sagot?

b. Naniniwala ka bas a iyong mga sagot?

c. Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?

d. Sabihing muli itong pagnilayan ng mag-aaral.

Batin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na

aralin. Maaaring magbigay ng takdang aralin kung kinakailangan, para magsilbi itong

motibasyon sa susunod na pag-aaralan.

Aralin 2: Mga Pinagkukunang Impormasyon: Nakabubuti o Nakasasama?

Layunin: Nakasusuri ng mbuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro

7

Page 8: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood

(EsP5PKP – Ib – 28)

dyaryo

telebisyon

magasin

pelikula

radyo

internet

Paksa/Pagapapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical thinking)

Pagkabukas Isispan (Open-mindedness)

Mga Kagamitan: sulatang papel, video clip, ICT, kwaderno

Integrasyon: Media Literacy, ICT

Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tula n pinamagatang “Mga Pinagkukunang

Impormasyon: Ating Suriin”. Ihandaang mag-aaral sa pamantayan sa tamang

pagbabasa..

2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong:

a. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?

b. Anu-ano ang pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?

c. Anu-ano ang mga buting dulot ang mga ito sa atin? Di-mabuting dulot?

d. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa maga balitang naririnig mo

sa radio o telebisyon at nababasa mo sa pahayagan? Ipaliwanag.

e. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon o internete. Paano ito nakaaapekto sa

8

Page 9: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

iyong kaisipan at damdamin? Ipaliwanag.

3. Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan. Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging

sensitibo sa kanilang mga kasagutan. Hikayatin silang magbigay ng iba’t-ibang sagot.

4. Maaring dagdagan at ibahagi ng guro ang kaniyang karanasan ukol sa tula.

Isagawa Natin

1. Ipagawa sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa

Kagamitan ng Mag-aaral. Ipasulat sa loob ng kahon ang mga balitang kanilang

napakinggan sa radio at telebisyon o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa

Magandang Balita at Mapanghamong Balita. Ipaliwanag muna sa kanila ang

kahulugan ng Mabuti at Mapanghamong Balita.

2. Sa Gawain 2, pangkatin ang mga bata sa apat (4) na grupo. Magpatala ng mga

impormasyon na napanood ng mga mag-aaral gamit ang template na nasa

Kagamitan ng Mag-aaral.Sa unang kolum, itatala ng mga mag-aaral ang mga

programang kanilang pinapanood. Iproseso ito king ang kanilang napanood ay may

positibo at negatibong aspekto. Isulat sa ikalawang kolum ang aral na maari nilang

makuha sa programang kanilang pinapanood at ang hamon sa ikatlong kolum.

3. Bigyan ang bawat pangkat ng limang minute para mapunuan ang mga kolum at

tatlong minute para sa presentasyon. Gawing magaan sa mag-aaral ang pag-uulat

sa unahan. Masusing pag-aralan ang mga sagot na itinala ng mga mag-aaral upang

mapagtalakayan pa ito ng lubos.

9

Page 10: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin

Sa pagkilala ng kanilang nagawa, mapapansin n madaling maisusulat ng mga

mag-aaral

ang kaya nilang gawin. Ito ay nagpapahiwatig kung ang kanilang napanood/nabasa sa

pahayagan, radio, telebisyon at internet ay positibo o negatibo.

1. Ipagawa ang Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Itanong sa mag-aaral, sa paggamit ng mga impormasyon, sa anong lebel ninyo

maikakategorya ang inyong sarili sa paggamit ng mga sinasabing pinagkukunan ng

mga impormasyon:

Kategorya:

4 – Palagian (6-8 oras na paggmit)

3 – Madalas (4-5 oras na paggamit)

2 – Katamtaman (1-3 oras na paggamit)

1 – Hindi (walang oras sa paggamit ng mga pinagkukunang impormasyon)

3. Gabayan ang mga bata na maging matapat sa pagbibigay ng hatol sa kanilang lebel

sa paggamit ng mga pinagkukunang impormasyon.

4. Ipaskil ang ginawa ng mga mag-aaral sa pisara bilang lunsaran, pamantayan o

paalalang kaisipan sa klase. Bigyang papuri at bukas na talakayan hinggil sa

mabuting epekto at di-mabuting epekto ng paggamit ng mga babasahin, radio,

telebisyon at internet

Isabuhay Natin

1. Ngayon ay ihanda ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong:

10

Page 11: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

a. Masasabi mo bang hindi ka umaabuso sa paggamit ng mga pinagkukunang

impormasyon?

b. May mga panoorin sa telebisyon at mga site sa internet na malalaswa at

mapangahas. Paano mo magagawa bilang mag-aaral na kahit walang nakatingin

sa iyo ay kaya mob a itong iwasan at mapaglabanan?

2. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-

unawa. Ipaliwanag ang mensahe nito upang lubos itong maisabuhay ng mga bata.

Subukin Natin

1. Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng

mga Mag-aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang Gawain, iwasto at pagnilayan ang

kanilang mga sagot upang hindi sila maligaw ng pagkatuto.

3. Bigyang papuri ang mga mag-aaral na nakakuha ng 4-5 tamang sagot, patunay na

Naunawaan nila ang pagpapahalagang pinag-usapan.

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod na

aralin. Maaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan, para magsilbi itong

motibasyon sa susunod na pag- aaralan.

Aralin 3 Bukas ang Isip Ko, Mag-aaral Ako!

Layunin: Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin

11

Page 12: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

sa pag-aaral; pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain,

pakikipagtalakayan at pagtatanong. (EsP5PKP-Ic-d-29)

pakikinig

pakikilahok sa pangatang Gawain

pakikipagtalakayan

pagtatanong

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkabukas ng Isipan (Open-mindedness)

Mga Kagamitan: aklat, sagutang papel, lapis, tsart, activity cards

Integrasyon: Media Literacy, English, Filipino

Pamamaraan:

AlaminNatin (Day 1)

1. Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa pagbasa at pakikinig.

2. Ipabasa at ipaunawa ang isang alamat sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-

aaral.

3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Magkaroon

ng talakayan sa sagot ng mga mag-aaral.

Isagawa Natin(Day 2)

12

Page 13: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-

aaral. Talakayin ang mga kasagutan. Subuking palabasin mula sa mga mag-aaral ang

kawilihan at positibong saloobin sa pag-aral.

2. Sa Gawain 2, tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng tatlong pangkat. Ibigay ang

panuto o sitwasyon at ipaliwanag ang gawain ng bawat pangkat. Bigyan ng sapat na

oras ang bawat pangkat na maisagawa ang gawain.

Sa bahaging ito, kinakailangan mong tulungan ang mga mag-aaral gamit ang karanasan

at kaalaman at ilapat ito sa pamamagitan ng dula-dulaan. Kakailanganing gamitin ng

mga mag-aaral ang kanilang creative thinking upang makabuo o makalikha ng isang

dula-dulaan, balitaan at rap. Ipatanghal ito sa klase.

Unang Pangkat -Pagsasagawa ng pamantayan sa pakikinig sapamamagitan

ng rap.

Ikalawang Pangkat - Ipakita ang tamang gawi sa pakikilahok sa pangkatang

gawain sa pamamagitan ng dula-dulaan.

Ikatlong Pangkat - Pagpapakita o pagsasagawa ng tamang pakikipagtalakayan

at pagtatanong sa pamamagitan ng pagbabalita.

3. Pagkatapos ng pagtatanghal maaring pagbigayin ang mga mag-aaral ng kanilang kuro-

kuro tungkol sa nakitang dula-dulaan.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Magkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang

ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at isip.

2. Pagkatapos ng gawain isulat sa kanilang Reflection Booklet ang kanilang mga

natutunan.

13

Page 14: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

3. Ipabasa at ipaliwanag ang Tandaan Natin. Bigyang-diin at pahalagahan sa talakayan

ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Sabihin sa mga mag-aaral , “Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita sa ang kawilihan

at positibong saloobin sa pag-aaral? Ipatala ang mga sagot sa kanilang kwaderno.

2. Iproseso ang sagot ng mag-aaral sa paraan ng pag-uusap sa harap ng klase.

3. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral sa harap ng klase ang kaniyang sagot upang

mabigyang pagpapahalaga ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipahanda ang papel na sagutan.

2. Ipasagot ang Subukin Natin na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral.

3. Iwasto ang maling sagot ng mga mag-aaral at ito ay talakayin upg maintindihan nilang

mabuti.

4. Bigyang papuri ang mga mag-aaral na nakakuha ng may apat at limang sagot dahil sila

ay nagpapatunay na naunawaan o nagkaroon ng kasanayan sa pagpapahalagang

pinag-usapan.

Aralin 4 Bukas ang Isip Ko, Mag-aaral Ako!

Layunin: Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa

14

Page 15: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

pag-aaral(EsP5PKP-Ic-d-29)

paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology

tools)

paggawa ng takdang - aralin

paggawa ng takdang aralin at pagtuturo sa iba.

Paksa/ Pagpapahalaga: Pagkabukas isipan ( Open-mindedness)

Mga Kagamitan: Kwaderno, manila paper, pentel pen, mga larawan

Integrasyon: ICT, Media Literacy

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Magpakita ng dalawang (2) larawan ng magkaibang bata. Ang isang bata sa unang

larawan ay nakasuot ng unipormeng pampaaralan at masayang dala-dala ang kanyang

mga kagamitan sa pag-aaral. Sa ikalawang larawan ay isang batang madungis na

nakasuot ng sirang damit.

2. Hingan ng kuro-kuro at saloobin ang mga mag-aaral hinggil sa larawan.

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Alamin Natin .

4. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang opinyon kung ano ang maaring

mangyari kung hindi sila mag-aaral ng mabuti.

5. Sagutan ang tanong na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng INITIAL

na kaalaman. (Crosswords)

15

Page 16: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

6. Ibigay ang Takdang Aralin na nasa kagamitan ng mga mag-aaral.

Isagawa Natin (Day 2)

Makatutulong sa pagpapakita ng pagkabukas ng isipan ang mga Gawain sa Isagawa

Natin.

Gawain 1

Pagsasagawa ng proyekto ( gamit ang anumang yechnology tools)

a. Balikan ang kwentong “Ang Alamat ng Keyboard” sa Aralin 3.

b. Gawin ang Buuin Mo Ako na nasa Kagamitan ng mga Mag-aaral.

c. Matapos magawa ang Gawain 1, kumuha ng hugis pusong kartolina at pentel pen.

Isulat dito ang kahalagahang natutuhan sa pagsasagawa ng proyekto sa iyong pag-

aaral.

Gawain 2

Paggawa ng takdang aralin

a. Batay sa ibinigay na Takdang Aralin sa unang araw, talakayin ang kahalagahan ng

isang keyboard sa isang mag-aaral.

b. Lagyan ng markaang mga kasagutan ng bata sa pamamagitan ng pagbilog sa

mgamukha sa karatig na kahon.

c. Pag-usapan ang kahalagahan ng paggawa ng Takdang Aralin.Isulat ito sa hugis

pusong kartolina.

Gawain 3

Pagtuturo sa iba

16

Page 17: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

a. Hatiing muli sa naunang apat na grupo ang klase. Bumuo ng bilog ang bawat grupo.

Lumapit sa guro ang 4 na lider ng bawat grupo at kunin ang mga metacards na

naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa keyboard.

b. Gamit ang nagawang awtput sa unang Gawain, ituturo ng lider sa kamag-aral na

kasunod niya ang mga impormasyon na nasa metacards. At pagkatapos ituturo

naman ng mag-aaral sa kasunod niyang kamag-aral ang kanyang natutuhan. Uulitin

ito hanggang maturuan ang buong miyembro ng grupo.

c. Bilang awtput ng grupo, ang huling mag-aaral ay kukuha ng manila paper at pentel

penat isusulat nito ang kanyang natutuhan at nalaman base sa Gawain.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Tahimik na ipabasa sa mga mag-aaral ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin sa

kagamitan ng mga mag-aaral.

2. Ang mga sitwasyon ay nagsasaad ng mga hindi mabubuting saloobin sa pag-aaral.

Napakahalaga ng aspektong ito sapagkat dito mararamdaman at mapagninilayan ng

mga mag-aaral ang mga tama at maling saloobin sa pag-aaral.

3. Iwawasto ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon batay sa kanilang pang-unawa sa

pamamagitan ng pagsulat sa loob ng kahon ng nararapat nilang maging kilos batay sa

sitwasyon. Isusulat ito sa kanilang kwaderno.

4. Basahin at isapuso ang nasasaad sa Tandaan Natin.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Magsasagawa ng repleksyon ang mga mag-aaral.

17

Page 18: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Gamit ang Crossroads na nasa Kagamitan ng mga Mag-aaral, isaayos ang paunang

kaalaman sa pagkakaroon ng positibong saloobin sa pag-aaral at ang kaugnayan nito sa

iyong buhay. Sagutin muli ang tanong sa box sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kahon

ng REVISED NA KAALAMAN

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng

Mag-aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muli itong iproseso.

Mahalagana maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot.

3. Purihin ang mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. Batiin sila at ipagmalaking sabihin

na maaari na silang mag-aral ng susunod na aralin.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 5 Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!

18

Page 19: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Layunin Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong

pampaaralan(EsP5PKP – Ie - 30)

Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri ng

paggawa(EsP5PKP – Ie - 31)

Paksa/Pagpapahalaga Pagkamatapat (Honesty)

Mga Kagamitan larawan ng batang nagpapakita ng matapat na gawi, istrip ng

makukulay na papel, pentel pen, laptop, bond paper at

kuwaderno

Integrasyon Filipino – Sining sa Pakikipagtalastasan

Pamamaraan

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan gamit ang laptop na

nagpapakita ng pagiging matapat.

2. Ipabasa nang may pang - unawa ang kuwentong pinamagatang “Honesto: Batang

Matapat, Idolo ng Lahat!”’

3. Ipasagot sa mga mag - aaral ang mga sumusunod na tanong:

a. Ilarawan si Honesto. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng pagiging

matapat?

b. Papaano hinangaan ni Gng. Anacay si Honesto? Isalaysay ito sa klase.

c. Bilang isang indibidwal, paano mo maipapakita ang matapat na paggawa sa

paaralan? Sa lahat ng uri ng paggawa?

d. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging matapat sa iba’t -

ibang mga gawaing pampaaralan at sa uri ng paggawa.

e. Sa iyong palagay, bakit gustong makaharap ng guro ang mga magulang ni

Honesto? Magbigay ng sapat na batayan.

19

Page 20: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

4. Talakayin ang kuwento sa malalim na pakahulugan. Bigyang - diin ang mga

pagpapahalaga namakikita sa kuwento. Bigyang pokus ang pagpapakita ng

katapatanng bata sa kuwento. Itanim sa kaisipan ng mga mag - aaral na kailangan

nilang matutuhan ang kaugalian ng pagiging matapat saanman at kailanman at

makapagbigay ng posibleng maging bunga nito. Bigyang pansin din ang bahagi ng

kuwento nang ipinatawag ng guro ang mga magulang ng bata. Ipaunawa sa kanila na

ang pagtawag sa magulang ay hindi lamg kapag may kasalanan ka kundi pati na rin

kung may nagawang kabutihan ang mga anak.

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

1. Maaaring gawin ang unang gawain sa paraang oral na pagtatanong o maaari rin

naming pasulat.

2. Hingan ng saloobin o opinyon ang mga mag - aaral kung ano ang kanilang gagawin

sa mga sitwasyong ibinigay sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag -aaral

para maipakita ang pagiging matapat.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat.

2. Magkaroon ng bahagian ng karanasan na nagpapakita ng pagiging matapat ang

bawat miyembro ng pangkat.

3. Papiliin ang bawat pangkat ng isang karanasan na iuulat sa klase gamit ang graphic

organizer na nasa Kagamitan ng Mag -aaral.

4. Magkaroon ng paglalagom sa gawain. Ipaliwanag sa mga mag - aaral na kailangang

maging matapat sa lahat ng pagkakataon saanman sila mapunta.

Isapuso Natin (Day 3)

20

Page 21: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Sa bahaging ito, hayaang malayang maisulat ng mga mag - aaral ang kanilang

karanasan o damdamin gamit ang makukulay na papel at kung ano angf kanilang

natutuhan sa kaugaliang pinahahalagahan gamit ang Self - Assessment Organizer na

nasa Kagamitan ng Mag - aaral.

Hal. Kaya laging maging matapat sa anumang gawain sa pampaaralan man o

sa lahat ng uri ng paggawa.

2. Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng Tandaan Natin. Dapat maitanim sa isip at

puso ng mga mag - aaral ang pagpapahalaga sa kaugaliang pagiging matapat.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Muling magsasagawa ng repleksiyon ang mga mag - aaral.

2. Gamit ang template sa Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag - aaral, ang mga

mag -aaral ay magbibigay ng dalawang karanasan na nagpapatunay nay sila ay

matapat sa mga gawaing pampaaralan at sa lahat ng uri ng paggawa. Ipaliliwanag nila

kung paano nila ito ginawa. Gagawin nila ito sa bond paper.

Subukin Natin (Day 5)

1. Gamit ang kuwaderno ng mga mag - aaral, pasagutan ang Subukin Natin sa

Kagamitan ng Mag - aaral.

2. Hingian ng insights ang mga mag – aaral inggil sa natapos na aralin.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 6 Tayo’y Makilahok....... Makilahok

21

Page 22: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Layunin Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos

ng Gawain (EsP5PKP – If - 32)

Paksa/Pagpapahalaga Pagkakaisa(Unity)

Mga Kagamitan Tula,tseklist,awit(Makilahok) nakasulat sa manila paper

Wastong Pag-uugali at Pagpapahalaga 5 pp.73-76

Integrasyon Filipino-Sining ng Pakikipagtalastasan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang aralin sa pagbasa ng sabay-sabay ng tula. Ipaunawa sa mga mag-aaral

ang ipinahihiwatig ng kwento.

2. Ipasagot sa kanila ang mga tanong tungkol sa tula.

a. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?

b. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain ng samahan?

c. Ipaliwanag:”Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina upang di tayo magmistulang tanga.”

d. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto ng samahan?

e. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat na mamayani.”

3. Sa pagtatalakay ng kwento, bigyang-diin at pagpapahalaga ang ugaling pagkakaisa

sa paggawa ng isang proyekto.

4. Hikayatin ang ilang mag-aaral na magkwento ng kanilang karanasan na nagpapakita

ng kanilang pagkakaisa.

I

sagawa Natin(Day 2)

22

Page 23: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Gawain 1

A. Isang proyekto ang gagawin sa inyong paaralan. Ito’y isang pagtatanghal upang kumita

ng salaping maitutulong sa mga mahihirap. Magpulong sa isang bahagi ng inyong silid

(Maaaring hatiin ang klase sa tatlong grupo). Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang una ninyong dapat pag-usapan tungkol sa proyekto?

2. Ano ang inyong plano para sa paglikha ng pondo na maitutulong sa mga mahihirap?

3. Ilang komite ang inyong bubuuin? Bakit?

4. Sinu-sino ang mamamahala ng bawat komite?

5. Isulat ang napag-usapan sa klase. Ano ang masasabi mo sa inyong napag-usapan?

Bakit?

Gawain 2

A. Sa isang construction paper(red), magpaguhit sa mga mag-aaral ng isang puso. Sa loob

nito ay gagawa sila ng isang sulat para sa isang taong alam mong nagpamalas ng

pakikiisa sa isang proyektong ginawa at natapos ng sama-sama.

B. Ipabasa ang ilang sulat ng mga mag-aaral at talakayin.

C. Hikayatin ang mga mag-aaral na ipadala ang kanilang isinulat sa kinauukulan.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Sa pamamagitan ng isang awitin, sabay-sabay na awitin ang “Makilahok” na

matatagpuan sa Kagamitan ng mga Mag-aaral.

2. Basahin at talakayin ang Tandaan Natin. Sa pagtatalakay nito, bigyang-diin at

pahalagahan ang ugaling pagkakaisa. Itimo sa kalooban ng mga mag-aaral na may

pagkakataon na kailangang magtiis upang makamit ang mga pangarap.

Isabuhay Natin (Day 4)

23

Page 24: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip sila ng isang bagay o pangyayari na nagpakita

ng pagkakaisa na maaari nilang kunin o hango sa isang pelikula o teleserye na kanilang

napanood.

2. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng isang dula-dulaan upang maging makabuluhan

at madamdamin ang bahaging ito ng aralin.

Subukin Natin(Day 5)

Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang mga tanong sa Subukin Natin na nasa

Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan din ang tseklis na makikita dito.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 7 Pagbabasa at pagsusurina may kawilihan dulot ay kabutihan

24

Page 25: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Layunin: Nakakapagpakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga

(ESP5PKP-If – g - 33)

Aklat at magasin

Diyaryo

Telebisyon

Internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: Power point, video clip, organizer,

Integrasyon: Araling panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento na pinamagatang “Batang Mapanaliksik”. Ihanda

ang mag-aaral sa pamantayan sa pagbabasa.

2. Pagsumikapang maipadama sa mga mag-aaral ang kanilang mga naisin sa buhay na kaya

nilang gawin sa kanilang edad. Gamitin ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin

ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang tanong ng guro.

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong:

a. Anong mga gawain ang nagpapalawak ng isipan at karanasan ng isang tao?

b. May mga pagkakataon bang hindi ka naniwala mula sa iyong nabasa ?narinig ? O nakita

sa internet ?Bakit?

c. Anong kabutihan ang naidudulot ng pagbabasa ? Pakikinig o panonood ?

d. Paano mo masasabi na ikaw ay magiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo

o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag.

25

Page 26: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

e. Sa iyong palagay ang pagiging mapanuring mananaliksik sa pagbabasa, pakikinig o

panonood ay makatutulong sa iyo bilang mag-aaral? Ipaliwanag.

4. Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan. Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging sensitibo

sa kanilang mga kasagutan.

Isagawa Natin (Day 2)

Makatutulong sa pagkilala ng mapanuring pag-iisip ang mga gawain sa Isagawa Natin.

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1.

Pupunan ang mga bilog ng mga naidudulot sa iyong pag-aaral bilang isang mag-aaral,kung

may kawilihan sa pagbabasa, panonood, pakikinig at pagsasaliksik sa internet.

Halimbawa ng mga kasagutan ng mag-aaral:

Agham – dahil sa panonood ko nalalaman ko ang mga makabagong pamamaraan kung

paano maiibsan ang El Nino, kagaya ng cloud seeding.

2. Patnubayin ang mga mag-aaral sa Gawain 2.

Pangkatin sa apat ang klase. Pumili ang mag-aaral ng lider. Mula sa napakinggan, nabasa, at

napanood na balita tungkol sa resulta ng nakaraang HALALAN 2016

Ipakita ito sa klase sa pamamagitan ng :

• Pangkat I – Rap

• Pangkat II – News

• Pangkat III – dula-dulaan

• Pangkat IV – Debate

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang gawain.

4. Magkaroon ng social-interactive learning. Bigyan ang bawat pangkat ng 2 minuto na

talakayan sa kanilang kapwa mag-aaral ang kanilang isinagawang presentasyon.

26

Page 27: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin (Day 3)

1. Sa kahon A, B, C, D at E ay ipatala ang mga nasa isip ng mga mag-aaral nang matapos

nilang mapanood ang “video clip”. Maaaring ang sagot ng mga mag-aaral ay tumutukoy sa

kanilang damdamin, reaksyon o puna sa napanood. Isulat naman sa loob ng puso ang

natutuhan o aral na naidulot ng napanuod na video clip.

2. Ipaskil ang mga gawain sa isang bahagi ng dingding bilang pamantayan o paalaalang

kaisipan sa klase. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral. Nilalayon nito na

magkaroon ng pagbibigay ng papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksyon sa

mga bagay na sinuri.

3. Maari ding magbigay ang guro ng kanyang sariling kuro-kuro tungkol sa kawilihan at

pagsusuri sa nabasa, napanood at narinig.

4, Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag – aaral nang may pang-unawa.

Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos itong maisapuso ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin na nasa kagamitan ng mag aaral.

2. Pag-isipan ng mga mag-aaral ang tanong na ito:

“ Nakatutulong ba ang mga bagay na nabasa at napanood ko sa aking pagpapasiya

pagkatapos ko itong suriin? Pangatwiranan.”

3. Magpagawa ng simpleng tula sa temang “Pagbabasa at panonood ay Ugaliin. Kanansan

at kaalama’y Palalawakin”.

4. Ipaskil ang gawa ang mag-aaral sa bulletin board upang mahikayat ang mga mag-aaral

na maagkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay tungkol sa mga nababasa sa

aklat at pahayagan, napapanood sa TV o internet.

Subukin Natin (Day 5)

27

Page 28: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa kagamitan ng mag-

aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahalaga na

maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot.

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod

na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan, para magsilbi itong

motibasyon sa susunod na pag-aaralan.

Aralin 8 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Kapwa Ko

28

Page 29: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Layunin: Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa

kalooban gaya ng pagkuha ng pag-aari ng iba,

pangongopya sa oras ng pagsusulit at pagsisinungaling sa

sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa. (EsP5 PKP-Ih - 35)

Paksa/Pagpapahalaga: Katatagan ng Loob (Fortitude)

Mga Kagamitan: larawan o video clips, kuwaderno, talaang papel/sagutang

papel, tseklis

Integrasyon: Filipino- Sining ng Pakikipagtalastasan, ICT

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang aralin sa pagpapakita ng larawan o video clip na nagpapakita ng katatagan

ng loob sa pamamagitan ng isang tula. “Sa Totoo Lang Po.”

2. Ipabasa nang may pang-unawa ang tulang “Sa Totoo Lang Po.”

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Ano ang nilalaman ng tula?

b. Bakit ito pinamagatang “Sa Totoo Lang Po?”

c. Ipaliwanag ang nilalaman ng bawat saknong.

d. Alin sa mga saknong ang iyong naibigan? Bakit?

e. Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng katapatan.

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

1. Pabigyan ng kasagutan ang mga sitwasyon.

2. Tumawag ng ilang mag-aaral na magsasalita o magbabasa ng kanilang paliwanag

tungkol sa mga sitwasyon

3. Magbigay ng positibong feedback upang lumakas ang tiwala nila sa knilang sarili.

29

Page 30: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat. Papiliin n glider ang bawat pangkat.

2. Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng katapatan sa iyong kaibigan o kamag-aral.

Lagyan ito ng salawikain sa ibaba ng larawan at ibahagi sa mga kamag-aaral

Isapuso Natin (Day 3)

1. Papiliin sa bawat puso ng mga gawaing may kaugnayan sa katapatan ang mga mag-

aaral. Ipasulat at pakulayan ito ng pula sa kanilang kuwaderno.

2. Para sa lalong ikauunawa sa pagpapahalagang tinalakay, pag-uusapan ng mga mag-

aaral kung paano ang kanilang kakayahan ay maipakikita nila ng may lakas, katatagan o

tibay ng loob na sa harap ng maraming tao. Mahalaga na maganyak ng guro ang mga

mag-aaral upang masabi nila ang kanilang tunay na saloobin.

3. Ipabasa at talakayin ang Tandaan Natin. Mahalaga na ang guro ay makapagbigay ng

mga tanong na gaganyak sa mga mag-aaral na mag-iisip at makibahagi sa usapan.

Bigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lakas at tibay ng loob at bilib sa sarili

at kung paano mapapaunlad ang mga ito.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Patnubayan ang klase sa pagpaplano ng isang palatuntunan para sa pagdiriwang ng

buwan ng nutrisyon sa Hulyo. Inaasahang maipakikita nila ang kanilang mga

kakayahansa mga bilang ng palatuntunan. Ang guro ay dapat na maging sensitibo sa

mga mag-aaral na walapang lakas ng loob na ipakita ang kanilang kakayahan. Dapat

silang gabayan na makibahagi at huwag matakot gumanap sa naiatang na bahagi sa

kanila

2. Ipalabas ang palatuntunan sa klase

3. Pag-usapan ang isinagawang palatuntunan. Tulungan ang mga mag-aaral na tasahin

ang kanilang nagging partisipasyon sa isinagawang gawain. Dapat maikintal sa isipan

ng mga mag-aaral ng ginawa ay pagpapakita ng lakas ng loob.

4. Alamin ang nagging damdamin ng mga mag-aaral sa ginawa nilang pagganap sa

palatuntunan at hayaang ibahagi nila ito sa klase.

30

Page 31: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Subukin Natin (Day 5)

Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nasa tseklis sa Subukin Natin sa

Kagamitan ng Mag-aaral at ipasagot sa kanilang sagutang papel kung tio ay tama o mali kaya

ipaliwanangng mga mag-aaral ang kanilang sagot.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 9 MAGIGING TAPAT AKO

31

Page 32: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Layunin: Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama

nang maluwag ang pagsasabi nang tapat (ESP5PKP - Ii - 36)

Mga Kagamitan: tsart, larawan ng manggagawa o ng propesyon

Integrasyon: Filipino (Pagbigkas ng tula)

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Magbalik aral maaari itong gawin sa pamamagitan ng maikling talakayan.

2. Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng mgmanggagawa

o larawan ng mga propesyon.Itanong:Ano ang naiisip mo kung makakita ka ng ganitong

tao? Pagsumikapang mailabas sa mag aaral ang kanilang naisin o pangarap sa buhay.

3.Ipababasa at ipabibigkas ang tula na may pamagat na “ Matapat na Paggawa”

a.Anong kabutihang asal ang nakapaloob sa tula?

b.Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa paggawa? Ipaliwanag ang dahilan.

c.bakit mahalaga sa buhay ng tao ang paggawa o trabaho? Ipaliwanag.

d.Kung ikaw ang tinutukoy ng tula susundin mo ba ang sinasabi nito?

e.Kung makakakita ka ng isang tao na hindi tapat sa kanyang ginagawa anong

sasabihin mo?

Isagawa Natin (Day 2)

Makatutulong sa pagkilala ng mapanuring pag-iisip ang mga Gawain sa Isagawa Natin.

1.Ipagawa sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa

kagamitan ng mga mag-aaral.Ipasulat sa loob ng kwaderno ang matapat na paggawa at

di matapat na paggawa.Pag-usapan ang mga sagot

32

Page 33: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Upang matukoy ng mag-aaral kung ano ang kaibahan ng matapat na paggawa at di

matapat na paggawa,ipaliwanag muna sa kanila ang kahulugan nito.

Ang matapat na paggawa ay mga kilos /Gawain at pahayag na may kabutihan at

katotohanan na kinalulugdan ng sinuman.Di matapat na gawain–hindi totoo ang kanyang

ipinakikita gumagawa lamang kung may nakakikita.

2.Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang mga matapat na Gawain at di matapat na

gawain ang tumatak sa kanilang isipan sa pagtatalakayan.

3.Upang mabuo ang salita punan ng wastong titik ang mga kahon na may patlang

1.

Magandang kaasalan na dapat ugaliin ng mga kabataan.

2.

Nakatakdang proyekto.

3

Paggawa ng hindi inuutusan.

4.Patnubayan ang mga mag-aaral na maisagawa ang Gawain 2,magpaplano ng isang

pagtatanghal.

5.Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo

6.Bawat pangkat ay may pagtatanghal o palabas na gagawin batay sa sumusunod:

1.Araw ng sabado.Naglilinis ng kanal at kapaligiran ang inyong kapitbahay ano ang dapat mong

gawin?

2.Inatasan ng iyong guro ang inyong pangkat na magtanim ng mga halaman sa likod ng inyong

paaralan.Ngunit ang iyong kamag-aral ay naglalaro lamang.Ano ang iyong gagawin?

33

kp n

G

W n

Page 34: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

3.Ang inyong kapitbahay ay namamasukan sa isang pagawaan.Napansin mo na lagi siyang huli

sa pagpasok. Ano ang gagawin mo?

7. Gabayan ang mag-aaral sa kanilang Gawain.

8.Maglaan ng isang araw para sa Gawain 3.Matapos ang pagtatanghal alamin ang mga

kasagutan sa mga katanungan nakapaloob sa Gawain 3 sa kagamitan ng mag-aaral. Ang

kayan

Sa bahaging ito ,kailangan magamit ang teoryang social-interactive learning.Ipaalam sa mag-

aaral na sila ay matututo sa pamamagitan ng pakikipag palitan ng kuro-kuro o

pakikipgtalakayan sa kanilang kapuwa mag-aaral.huwag kalimutang bigyan sila ng mga

pamamaraan kung paano isasagawa ang Gawain na hindi nakakaistorbo sa ibang pangkat.

Isapuso Natin (Day 3)

Sa pagkilala sa mga kayang magawa,mapapansin na madaling maisusulat ng mga mag-

aaral ang kaya nilang gawin.

1.Ipagawa ang isapuso natin.

2.Gagawa ang guro ng puntos(score). Dito ilalagay ng mga mag-aaral ang kanilang sarili

sa pamamagitan ng paglalagay ng puso sa numero na kanyang puntos.May mga

numero na katumbas ng antas pagiging matapat sa paggawa.

3.Ipaskil ang tsart ng puntos o score ng mga mag-aaral sa isang bahagi ng silid ng

paaralan bilang lunsaran,pamantayan,0 paalalang kaisipan ng klase.

Sa mga gawaing ito,gabayan ang mag-aaral sa mga ipinaskil.Nilalayon nito na

magkaroon ng pagbibigay ng-papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksyon sa

bagay-bagay na naoobserbahan.

4.Bigyan-diin ang tandaan natin.Ipabasa ito sa mag-aaral nang may pang-

unawa.Ipaliwag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng

mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

34

Page 35: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Ipagawa ang isabuhay natin sa kagamitan ng mag-aaral.

Ang bahaging ito ng talakayan ay dapat na pagpapalalim ng tinalakay na paksa

Ipabigkas sa mag-aaral nang malakas,may sigla at may damdamin ang tulang

pinamagatang”Matapat na Paggawa”.

Huwag itong hayaan matapos sa pamamagitan ng pagbigkas ng pagbigkas ng mga tula

ng mga mag-aaral.Isakatuparan ang proseso upng maintindihan at maikintal sa kaisipan ng

mga mag-aaral ang paksang tinalakay sa aralin.

Bubuo ng sariling pangako ang mga mag aal tungkol sapagiging matapat sa

paggawa.ipasulat ito sa kwaderno ng mga mag-aaral. Palabasin ang kahalagahan ng

pagtitiwala ng ibang tao at sa sariling kakayahan.

Subukin Natin (Day 5)

1.Ipahanda sa mga mag-aaral ang kanilang sagutang papel.at ipasagot ang subukin

natin na nasa kagamitan ng mga mag-aaral.

2.Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang Gawain,muli itong iproseso.Mahalaga

na maipakita ang pagninilay sa kanilang mga sagot.

Sagutin ang mga sumusunod:

Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?

Naniniwala ka bas a iyong mga sagot?

Pinaninindigan mo ba ang iyong sagot

Sabihin muli itong pagnilayan ng mga mag-aaral

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod

na aralin.Maaring magbigay ng takdang-aralin kung kinkailangan,para magsilbi itong

motibasyon sa susunod na pag-aaralan.

35

Page 36: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

YUNIT II

Pakikipagkapwa - Tao

Aralin 1: Pagmamalasakit sa Kapwa, Gagawin Ko

36

Page 37: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Layunin: Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng

kayang tulongpara sa nangangailangan (EsP5P – Iia – 22)

Biktima ng kalamidad

Pagbibigay ng babala o imporamasyon kung may bagyo,

baha, sunog, lindol at iba pa

Paksa/Pagpapahalaga Pagmamalasakit sa Kapuwa (Concern for others)

Mga Kagamitan tsart, larawan, pinaghalo-halong titik, ginupit na hugis puso

Integrasyon Araling Panlipunan, Filipino

Pamamaraan

Alamin Natin (Day 1)

1. Hingan ng halimbawa ang mga mag-aaral sa mga nangyayaring kalamidad sa ating

bansa. Ano ang karanasan nila sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad?

2. Ipasuri ang larawan .ipaayos ang mga letra upang makabuo ng salita tungkol sa mga

sakuna. Gamitin ang mga gabay sa ilalim ng larawan.

3. Ipasulat sa kwaderno ang hinihinging kasagutan.

(Sagot: bagyo, baha, sunog, lindol)

4. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata.

5. Pagbasa ng isang maikling kwentong inihanda para sa mga mag-aaral na pinamagatang

“Tumulong sa Kapwa.” Maaari ding magkwento ng isang karanasang may kinalaman sa

pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

(Kwento: Tumulong sa Kapuwa- Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pahina

183-184)

6. Iproseso ang binasang kwento. Magbigay ng tanong base sa kwentong binasa at pag-

usapan ang kanilang sagot.

Isagawa Natin (Day 2)

37

Page 38: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Gawain 1

Sa tulong ng Panlipunan-pandamdaming Pagkatuto (Social Emotional Learning) ito ay ang

pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng

pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutangpagpapasya na makatutulong sa mag-

aaral sa makabuluhang pagkatuto.

1. Ipagawa ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Magkakaroon ng laro na Fact or Bluff. Kapag tama ang sagot bibigyan ng / na puntos at

kapag Bluff ay bibigyan naman ng X na puntos.

3. Ang pandamdaming pagkatuto ay makatutulong sa pagpoproseso ng kasagutan ng mga

mag-aaral.

Gawaing 2

1. Sa Gawain 2, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Bawat pangkat

maghahanda ng isang dula-dulaan na kung saan ay ipakikita ang pagbibigay ng kayang

tulong para sa biktima ng kalamidad.

Pangkat 1: Bagyo

Pangkat 2: Baha

Pangkat 3: Sunog

Pangkat 4: Lindol

2. Iproseso sa mga bata ang kailangan nilang maintindihan ukol sa pamantayan sa

pagsasagawa ng pangkatang Gawain at kung paano ito hahatulan.

3. Bigyan ang bawat pangkat ng limang minute para sa kanilang pagtatanghal.

4. Bigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral na nagpakita nanag maayos na pagkaganap at

kinakitaan ng pagpapahalaga sa pagtulong sa oras ng kalamidad.

Isapuso Natin (Day 3)

38

Page 39: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Inaasahan na sa gawaing ito, may nakahanda nang makukulay na papel na hugis puso.

Ipamigay ito sa bawat kasapi ng pangkat. Kaugnay nito, inaasahan din na nakapaghanda sila

ng pinalaking imahe sa kartolina ng tsart na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

1. Ipagawa ang Gawain sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring

magpatugtog ng isang malamyos na musika habang idinidikit ng mga mag-aaral ang

kanilang hawak na pusong papel sa kartolina na nasa pisara.

2. Ipabasa ang Tandaan Natin. Magdagdag ng paliwanag upang higit na maunawaan ng

mga mag-aaral ang aralin.

3. Balikan ang ginawa ng mga mag-aaral na nasa pisara. Tumawag ng ilang mag-aaral

upang magpaliwanag sa natapos na Gawain. Alamin ang magkakapareho at

magkakaibang sagot ng mga mag-aaral.

4. Buuin ang mga kaisipan na idinikit ng mga mag-aaral bilang pagtitibay sa kanilang

pangako. Pagnilayan ang tanong sa Kagamitan ng Mag-aaral pagkatapos ng Gawain.

5. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa sa bata nang sabay-sabay hanggang sa ito

ay maunawaan nila.

Isabuhay Natin (Day 4)

Kinakailangang maiproseso sa mga mag-aaral na ang pagbibigay ng kayang tulong ay

hindi lamang maisasakatuparan sa kanilang bahay o sa paaralan. Ang komunidad o

pamayanan na kaniyang kinabibilangan ay nararapat din maabutan ng tulong.

1. Pangkatin ang klase sa dalawa.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng Gawain na makikita sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng

Mag-aaral.

3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng natapos na Gawain. Ipaunawa sa mga mag-

aaral ang kahalagahan ng pagpapalitan ng kuro-kuro lalo na sa pangkatang Gawain.

Subukin Natin (Day 5)

39

Page 40: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Ipagawa ang Gawain A sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Hikayatin ang mag-aaral na lagyan ng / ang mga gawi sa ibaba kung ito’y ginagawa

palagi, paminsan-minsan, at di-kailanman. Sipiin ang sagot sa kwaderno.

Bilang karagdagang gawain, maaaring atasan ang mga mag-aaral na magsaliksik ng iba

pang ginagawa ng ating pamahalaan upang matulungan ang mga taong biktima ng

kalamidad.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

ARALIN 2 KAPWA KO, MAHAL KO

40

Page 41: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

LAYUNIN: Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa(pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully)(EsP5P – Iib – 23)

PAKSA/PAGPAPAHALAGA: Pagmamalasakit sa kapwa (Concern for others)

MGA KAGAMITAN:Video clip na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ibang taomga larawan ng pananakit, kinukutya at iba pa at panyo.

INTEGRASYON: English ( Noting details)

PAMAMARAAN:

Alamin Natin (Day 1)

1. Bago simulan ang araling ito ay mag papanood muna ng moral stories na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa o larawang naglalarawan ng pagmamamalasakit ng taokanyang kapwa na sinasaktan, kinukutya o binubully.

2. Kuhanin ang kanilang mga opinyon o reaksyon sa kanilang napanood na video.

3. Bigyang daan ang mga bata na magbahagi ng kanilang sariling karanasan tungkol sa pagmamalasakit, pananakit, pagkutya at pambubully ng kanilang pamilya, kaibigano kaklase.

4. Tumawag ng isang mag-aaral na siyang magpapaliwanag tungkol sa kwentong napanood sa Alamin Natin

5. Ipasulat sa kuwaderno ang katangian ng mga tauhan sa kwento at sabihin kung anong napulot nila sa kwentong napanood

6. Maaari pang magdagdag ng mga katanungan sa ipanapanood sa Alamin Natin sa mga mag-aaral. Ipaliwanag sa kanila na ang ginagawa nilang pagmamalasakit sa kaklase, kaibigan,

41

Page 42: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

kalaro at iba pang tao ay tinatawag na concern for others Nagpapakita rin sila ng kabutihan ng puso sa mga ito.

Isagawa Natin (Day 2) (Day 2)

1. Ipasuri ang mga larawan sa Gawain I ng Isagawa Natin sa kagamitan ng mga mag-aaral. Iugnay ang naging talakayan sa Alamin Natin sa mga ipinahiwatig ng mga larawan. Iugnay ang naging talakayan sa Alamin Natin sa mga ipinahihiwatig ng mga larawan.

2. Ipagawa ang iba pang gawain sa Gawain I Ipakuha ang kuwaderno at pasagutan ang nasa tsart.

3. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain I, I proseso ang kanilang mga sagot.

4. Muling tanungin ang mga bata kung ano ang maaari nilang maitulong sa mgapagkakataong katulad ng nasa video o nasa larawan.

5. Para sa Ikalawang Gawain, sundin ang panutong ibinigay sa kagamitan ng mag-aaral. Itanong sa mga bata ang kaugnayan ng pamagat ng laro sa araling natutunan. (Agaw mo, sagot mo, puntos mo)

6. Bigyang diin ang pagbibigay ng papuri sa kasagutan ng mga mag-aaral.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang saloobin o damdamin kung sila ay nakagagawa ng pagmamalasakit o pagdamay sa kanilang kapwa kung maaari ay suriing sa mga bata ang hindi pa nakagagawa nito at tulungang

42

Page 43: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

magawa din nila ang bagay na iyon.

2. Itanim sa isip ng mga mag-aaral na laging ang pagmamalasakit ay ilalagay sa kanilang mga puso at isipan.

3. Pangkatin ang mga bata at ipagawa ang pangkatang gawain.

4. Ipabasa at bigyan ng paliwanag ang Tandaan Natin na tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay-alamnito sa mga kinauukulan.

Isabuhay Natin (Day 4) ( Day 4 )

1. Ang gagawin ng mga batang pagsasabuhay: una - sa paaralan: hingiin ang gabay ng guro sa silid-aralan maari ding lapitan ang taong higit na may kaalaman sa bagay na ito,ang guidance officer ng paaralan. Maaari din namang bumuo ng grupona siyang magiging tagapangsiwa.pangalawa - magulang - ipag-bigay sa magulang ang nalalaman na masamang pangyayari.pangatlo - sa ating mga barangay opisyal o mga kapulisan.

2. Maaaring magkaroon ng talaan ang mga bata ng kanilang naipaalam na iba't-ibang kaso ng pagmamalasakit sa kapwa.

Subukin Natin (Day 5)

1. Itanong sa mga mag-aaral kung may alam silang kwento tungkol sapagmamalasakit sa kapwa. Pwede ring gawing halimbawa ang mga karanasan o sitwasyon sa paaralan.

43

Page 44: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Bubuo ng 2 pangkat na magpapakita ng sitwasyon na may kaugnayan sa layunin. 3. Isulat sa bituin ang mga pangyayari na kanilang ipinagbigay-alamsa kinauukulan.

VIDEO CLIP - YOU TUBE - THE INSPIRATIONAL VIDEO EVERYONE SHOULD LIVE BY AMAZING LIFE 247

- DO UNTO OTHERS AS YOU WOULD HAVE THEM DO UNTO YOUAralin 3 Paggalang Sa Kapuwa Tao, Isapuso Natin

Layunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa

pamamagitan ng (EsP5P – IIc – 24)mabuting pagtanggap/pagtarato sa mga katutubo at mga

dayuhan

paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga

katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan

Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, larawan

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamagalang (Respectful)

Integrasyon: Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kwentong “Paggalang sa mga Katutubo at

Dayuhan”

2. Tulungan ang mga mag-aaral na unawain ang kuwento. Ipasagot sa kanilaang mga

tanong pagkatapos ng kuwento. Sa pamamagitan ng teoryangkontrukstibismo,

magbalik-tanaw sila sa kanilang mga nagging karanasan na katulad ng kuwento. Bigyan

44

Page 45: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

sila ng pagkakataon na ibahagi sa klase angkanilang mga naging karanasan sa

paggalang sa mga dayuhan.

3. Maaring sabihin sa mga mag-aaral na bigyan ang mga tauhan ng paglalarawan batay

sa magandang pagpapahalaga na ipinakita nito.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng mag-

aaral. Talakayin ang mga kasagutan. Subuking palabasin mula sa mga mag-aaral ang

kaalaman nila tungkol sa karapatang pantao na dapat igalang batay sa ipinakilalang

larawan sa Gawain 1

2. Sa Gawain 2, tulungan ang mga mag-aaral na bumubuo ng dalawangpangkat. Ibigay

ang mga panuto at ipaliwanag ang gawain ng bawat pangkat. Bigyan ng sapat na oras

ang bawat pangkat na maisagawa anggawain.

Sa bahaging ito, kakailanganin mong tulungan ang mga mag-aaral gamit ang

karanasan at kaalaman at ilapat ito sa pamamagitan ng dula-dulaan, pagbabalita, pagkkwento o

pantomina. Kakailanganin silang gabayan at gamitin ang social learning na teorya sa tulong ng

guro sapagbibigay ng direksyonat sapauli-ulit nilang paggawa upang sa pagtatanghal ay

maging maganda ang kakalabasan. Kakailanganing gamitin ng mga mag-aaral ang kanilang

creative thinking upang makalikha sila ng dula-dulaan,pagbabalita, pagkukwento at pantomina.

Ipatanghal ito sa klase.

3. Pagkatapos ng pag pagtatanghal ay iproseso ang kanilang ginawa at gamitanng

pamantayan o rubrics na makikitaan sa Kagamitan ng mag –aaral.

4. Maaring pagbigayin ang mga mag-aaral ng iba pang paraan ng pagtanggap sa mga

dayuhan at mga katutubo.

45

Page 46: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin (Day 3)

1. Tulungan ang mga mag-aaral na gawin ang nasa Isapuso natin sa kagamitan ng

mag-aaral. Tumawag ng ilang magbabahagi ng sagot saklase. Iproseso ang kanilang s

sagot.

2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan natin sa kagamitan ng mag-aaral Sila ay

magkakaroon ng mas malalaim na talakayan at pagpapalitan ng kuru-kuro. Ikaw ang

magsilbinbg tagapamagitan ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

Pasagutan ang gawain sa Isabuhay natin sa kagamitan ng mag-aaral.

Sa bahaging ito ay ay magkakaroon ng pagpapalalim ng konsepto ng paksa. Subuking

palabasin ulit ang mga dapat tandaan tungkol sa paggalang sa mga dayuhan. Sikaping masabi

ng mag-aaral ang kahalagahan nito upang mapanatili natin ang pagiging isang mabuting

Pilipino na marunong tumanggap o tumarato ng maayos sa mga katutubo o dayuhan.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel. Ipasagot ang subukin natin sa

kagamitang ng mag-aaral

Pagkatapos ng mga mag-aaral sa Gawain muli itong iproseso at tylungan silang

pagnilayan ang kanilang mga sagot.

Hikayatin ang mga mag-aaral na may mga hindi pa nasusubukang gawin na

nagpapakita ng paggalang na subukan din ang mga ito.

Maaaring magbigay ng takdang aralin kung kinakailangan para sa susunod na

46

Page 47: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

aralin.

Sabihin: Sa puntong ito, ipagpatuloy mo ang pagpapakita ng pagagalang sa mga

dayuhan.Binabati kita! Maari ka ng tumuntong sa susunod na aralin.

Aralin 4 Opinyon Mo, Igagalang Ko!

Layunin Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa

anumang ideya / opinyon (EsP5P – Iid – e – 25)

Paksa/Pagpapahalaga Paggalang sa opinion ng ibang tao (Respect for other people’s

opinon)

Mga Kagamitan cartolina, colored pen, makukulay na papel, bond paper at

kuwaderno

Integrasyon Art at Filipino (Sining Pakikipagtalastasan)

Pamamaraan

Alamin Natin (Day 1)

1. Sa pagsisimula ng aralin, gabayan ang mag – aaral sa pagtitiklop ng makukulay na

papel tulad ng ibinigay na panuto sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag – aaral.

Ipaliwanag ng mabuti sa mag –aaral ang mga hakbang na susundin upang

makagawa ng pamaypay. Lapatan ito ng musika upang mas sumigla ang pagpapasa

ng pamaypay.

2. Ibabalik ito sa may –ari at hayaang basahin niya ang isinulat na mga opinyon / ideya

ng kanyang kaklase.

3. Pagawain sila sa bond paper ng 2 kahon upang mapagkumpara ang ibinigay na mga

puna.

4. Matapos ang pagsusulat ng mga mag – aaral, iproseso ang kanilang mga sagot.

47

Page 48: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

5. Magdagdag pa ng tanong bukod sa ibinigay sa Kagamitan ng Mag – aaral upang igit

na maunawaan ng mag – aaral na dapat nilang tanggapin nang positibo maging ang

mga negatibong opinyon.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Ipaunawa sa mga mag –aaral na sa pang araw – araw na buhay ay maaari tayong

makabuo at makapagpahayag ng iba’t – ibang ideya / opinyon.

2. Ibigay na halimbawa ang isang debate ng mga mag – aaral tungkol sa

napapanahong isyu ng K – 12 Program na tinalakay sa Gawain 1 ng Isagawa Natin

sa Kagamitan ng Mag – aaral. Gabayan ang mga mag – aaral upang maunawan nila

na ang bawat tao ay may kanya – kanyang ideya / opinyon na dapat nating igalang.

3. Idagdag sa mga katanungan:

a. Naranasan niyo na ba ang makilaok sa isang debate? Ano ang masasabi

niyo sa onsepto ng debate?

b. Ano ang kaugalian na dapat nating mapaunlad sa pakikilahok sa debate?

Ipaliwanag ang kahalagahan nito.

4. Mahalagang maunawaan ng mag – aaral na dapat pagbuhusan nila ng pansin ang

paggalang sa ideya / opinyon ng ibang tao.

5. Ipaunawa din sa kanila na bawat tao ay nakabubuo at nakapagpapaayag ng ideya /

opinyon ayon sa kanyang paniniwala na dpat igalang ng iba.

6. Gamit ang kanilang kuwaderno pasagutan ang Gawain 1.

7. Para sa Gawain 2, hatiin ang klase sa apat.

8. Bawat pangkat ay bubuo ng skit na nagpapakita ng paggalng sa ideya / opinyon ng

ibang tao.

48

Page 49: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ipabasa at ipaunawa ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag –

aaral.

2. Hingin ang magiging sagot ng mga mag –aaral kung sa paraang oral kung dumating

ang katuald ng ibinigay na sitwasyon sa kanila.

3. Iproseso ang sagot ng mga mag – aaral.

4. Ang mga impormasyon sa Tandaan Natin ay dagdag na kaalaman para sa mag –

aaral. Inaasahan na may malawak na pagpapaliwanag ang guro upang mas

maramdaman ng mag – aaral ang araling ito.

5. Maaaring magamit sa pagpapaliwanag ang kaalaman tungkol sa Teorya ng

Interaktibong Pagkatuto (Interactive Learning Theory) ni Albert Bandura. Sinasabi sa

teoryang ito na ang isang tao ay maaaring matuto sa pamamagitan ng pagmamasid at

pagkuha ng bagong impormaasyon sa kaniyang kapwa sa magalang na pamamaraan.

6. Iugnay ang teoryang ito sa parran ng paggalang sa ideya / opinyon ng ibang tao.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.

2. Pagsagawain ang mga mag –aaral ng isang debate ayon sa isyu na ibibgay ng guro.

3. Isaalang – alang ang mga paraan ng paggalang sa ideya / opinyon ng ibang tao.

4. Gabayaan ang mga mag –aaral sa pagsasagawa ng debate.

Subukin Natin (Day 5)

1. Gamit ang kuwaderno ng mga mag – aaral, pasagutan ang Subukin Natin sa

Kagamitan ng Mag – aaral.

49

Page 50: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Hingan ng insights ang mga mag – aaral hinggil sa natapos na aralin.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro.

Aralin 5 Opinyon Mo, Igagalang ko!

Layunin: Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa

anumang ideya/opinyon

Paksa/ Pagpapahalaga: Paggalang sapinyon ng ibang tao (Respect for other people’s

opinion)

Mga Kagamitan: Kwaderno, manila paper, pentel pen, mga larawan

Integrasyon: ICT, Media Literacy

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipasuri ang larawan sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral Ipabasa sa

mga mag-aaral ang usapan ng dalawang mag-aaral. Ihanda ang mag-aaral sa

pamantayan ng pagbabasa.

2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Alamin Natin batay sa larawan.

a. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan?

b. Bakit nasabi ni Ana na malaking kasalanan ang di pag-aralin ng magulang?

50

Page 51: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

c. Kung kayo ang nasa sitwasyon na di pinag-aaral ng magulang, ano ang iyong

mararamdaman? Ipaliwanag.

3. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang mga kuro-kuro batay sa mga

tanong.

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

1. Maaring gawin ang unang gawain sa paraang oral na pagtatanong o maaari rin naming

pasulat.

2. Hingan ng saloobin o kuro-kuro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang gagawin sa

mga sitwasyong ibinigay sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral

para maipakita ang paggalang sa ideya o opinyon ng iba.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat.

2. Magkaroon ng debate sa paksang mabubunot.

3. Hikayating maipahayag ng bawagt grupo ang kanilang ideya o opinyon batay sa

paksang nabunot.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Sa bahaging ito, hayaang malayang maisulat ng mga mag-aaral sa kanilang

reflection booklet ang kanilang ideya o opinyon tungkol sa ibibgay na paksa ng guro.

2. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Ipabasa nang malakas ang sagot ng bawat

isa. (Gawan ng paraan na makapagbasa ang bawat mag-aaral ng isang opinyon sa

paksa).

51

Page 52: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

3. Talakayin ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral at itanong ang mga

sumusunod:

a. “Paano ka makapapahayag ng may paggalang at respeto sa opinyon o ideya ng

ibang tao?

b. Ano ang maaaring maging epekto ng pagpapahayag mo na hindi isinasaalang-

alang ang damdamin ng iyong kapwa?

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Bago simulan ang gawain, pangkatin ang mga mag-aaral. Pabalikan sa kanilang isip

ang mga tuntunin sa pangkatang gawain.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng gawain na makikita sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng

Mag-aaral.

3. Muling ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat maging gawi sa pagsasagawa ng

Gawain.

4. Bigyan lamang ng 5 minuto sa pag-eensayo at 3 minuto sa pagsasadula.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng

Mag-aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahalaga

na maipakita ang kanilang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat isa. Ibigay ang mga

sagot sa mag-aaral upang hindi sila maligaw ng pagkatuto. Muli itong pagnilayan.

3. Magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan para magsilbi itong motibasyon sa

susunod na pag-aaralan.

52

Page 53: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 6 Mga Karapatan Mo, Igagalang Ko

Layunin: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba.

(ESP5 P – IIg – 27)

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamagalang (Respectful)

Mga Kagamitan: activity card, larawan ( power point), weighing scale

Integrasyon : Sining, Sibika at Kultura . Mathematics

Pamamaraan

Alamin Natin ( Day 1 )

Bago pasimulan ang Gawain sa bahaging ito, inaasahan na nakapaghanda ang guro

ng mga larawan.

1. Pukain ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng larawan. ( Power point )

2. Sabihin sa mga mag-aaral kung ano ang isinasaad ng bawat larawan.

3. Alamin ang damdamin ng mga mag-aaral sa nakitang sitwasyon mula sa larawan.

53

Page 54: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

4. Pasagutan ng pasalita sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol sa mga larawan

na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

5. Pag-usapan ang sagot ng mga mag-aaral.Bigyang diin ang mga positibong

reaksyon o desisyon sa bawat Gawain tulad ng pakikinig nang mabuti, pananahimik

kung may nag-aaral at nagpapahinga. Atbp.

6. Gamitin ang kahusayan sa malikhaing pagtatanong upang malinang ang kahulugan

ng salitang pagkamagalang ( Respectful). Maging bukas sa ibang pamamaraan ng

mga mag-aaral sa pagpapakita ng paggalang.

Isagawa Natin ( Day 2)

Mahalaga na maunawaan ng guro ang ibat-ibang kakayahan ng mga mag-aaral upang

makapagbigay ng mga gawaing lilinang sa ibat-ibang husay nila.

1. Ilahad sa mag-aaral ang GAWAIN 1 sa Isagawa Natin na nasa Kgamitan ng Mag-

aaral. Pasagutan sa mag-aaral ang Gawain ditto at magbigay ng mga gabay sa

magalang na pakikipag-usap sa iba.

2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat para sa GAWAIN 2. Ibigay

ang activity card para sa bawat grupo.

3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng gawa ng bawat pangkat. Subaybayan

ang bawat pangkat sa pagbuo ng mga Gawain na nakalaan sa kanila.

Sa gawaing ito, nagagamit ang teorya ng konstruktibismo kung ang mga mag-aaral ay gagawa

ng isang bagay na mula sa kanilang paunang alam. Ipadama sa kanila na ang kanilang mga

karanasan ay mahalaga para sa gawaing ito. Ang mga karanasang iyon ang gagamitin nila

upang makabuo sila ng panibagong gawa o output.

54

Page 55: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Gabayan ang mga mag-aaral sa epektibong paggawa kasama ang ibang miyembro.

Ipaunawa sa kanila na ang grupo ay binuo upang matutuhan nilang magbahagi at makibahagi

sa talakayan. Ang pagiging bukas ng miyembro sa pangkat sa lahat ng suhestiyon ay

maghahatid sa kanila sa isang konkretong gawa.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapagnilayan ang mga kilos nila

anumang sandali. Ipagawa sa kanilang kuwaderno ang gawaing “TIMBANG-

TIMBANGIN” sa ISAPUSO NATIN na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Bigyan ng ilang sandal ang mga mag-aaral na mapag-isipan ang dami ng sagot

nila sa magkabilang timbangan.

3. Bigyang diin ang TANDAAN NATIN.

Isabuhay Natin (DAY 4)

Pasagutan ang Gawain sa Isabuhay natin sa kagamitan ng mag-aaral.

Sabahaging ito ay magkakaroon ng pagpapalalim ng konsepto ng paksa.

Subuking palabasin ulit ang mga dapat tandaan tungkol sa paggalang sa mga dayuhan.

Sikaping masabi ng mag-aaral ang kahalagahan nito upang mapanatili natin ang

pagiging isang mabuting Pilipino na marunong gumalang sa karapatan ng iba.

Subukin Natin (Day 5)

Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel. Ipasagot ang subukin natin sa

kagamitan ng mag-aaral.

55

Page 56: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Pagkatapos ng mga mag-aaral sa Gawain muli itong iproseso at tulungan silang

pagnilayan ang kanilang sagot.

Hikayatin ang mga mag-aaral na may hindi pa nasusubukan gawin na nagpapakita

ng paggalang sa iba na subukin din ito.

Maaring magbigay ng takdang aralin kung kinakailangan para sa sususnod na aralin.

Aralin 7 Mabuting kaibigan, Sasamahan Ko

Layunin: Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang

layunin ay pakikipag kaibigan. (ESP 5P-IIh-28)

Paksa/Pagpapahalaga : Paggalang sa opinion ng ibang tao (Respect for other

people’s opinion)

Mga Kagamitan: Larawan o video clips,kuwaderno talaang papel/ sagutang

papel,tseklis

Integrasyon : Filipino-sining ng pakikipagtalastasan

Pamamaraan

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang aralin sa pagtatanong sa mga bata kung sila ay may kaibigan, sino-sino

ang inyong mga kaibigan?

2. Ilahad sa klase kung saan at paano nyo nakilala ang inyong mga kaibigan.

3. Talakayin ang mga inilahad ng mga mag-aaral.

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

1. Guhitan ng masayang ekspresyon na mukha ang ugali na dapat mong piliin bilang

kaibigan.

56

Page 57: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Talakayin ang mga napiling sagot ng mga bata.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat.Papiliin ng lider ng bawat pangkat.

2. Ang bawat pangkat ay guguhit ng representasyon o simbolo kung paano “Nasusukat

ang tunay na kailangan sa oras ng kagipitan”.

3. Ipaliwanag ang ginawa ng bawat pangkat.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Magbigay ng mga magagandang katangian nais mong baguhin sa iyong sarili at bilang

isang kaibigan upag lalo siyang maging mabuting tao.

2. Talakayin ang mga magagandang katangian na ibinigay ng mga bata.

Isabuhay natin(Day 4)

1. Patnubayan ang klase sa pagbuo ng mga pinaghalo-halong titik para makabuo ng mga

magagandang katangian na nais mong gawin sa iyong sarili at sa iyong kaibigan.

2. Pag-usapan ang mga nabubuong mga katangian ng mga bata.

Subukin Natin (Day 5)

Ipasulat sa mga bata ang mga katangian hinahanap mo sa isang kaibigan. Hayaang

ipaliwanag ng mga mag aaral ang kanilang sagot.

57

Page 58: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 8 Pagganap sa Tungkulin nang may Mataas na Kalidad

Layunin: Nagagampanan nang buong husay ang anumang

tungkulin sa programa o proyekto gamit ang

anumang teknolohiya sa paaralan(ESP 5P – IIi-29)

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa opinyon ng ibang tao (Respect for

other people’s opinion)

Mga Kagamitan: sagutang papel, kwaderno, ICT

Pamamaraan

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tulang pinamagatang “Asset Ko, Talento Ko.”

Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang mga sumusunod na tanong:

a. Anu-anong kahayagan ang nabanggit sa tula?

b. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal?

c. Ano ang katangian ng isang bata na ipinahihiwatig sa tula?

d. Paano mo malilinang ang kakayahan/talentong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?

Sa bahaging ito ng talakayan, maging sensitibo sa kasagutan ng mga mag-aaral.

Maaaring magbahagi ang guro ng kaniyang sariling karanasan na nauukol sa paksang pinag-

58

Page 59: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

uusapan. Bigyang-diin ang pagpapahalaga nang may kahusayan sa pagtupad sa mga

tungkuling iniatang.

Isagawa Natin (Day 2)

Ipagawa sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan

ng Mag-aaral. Sa tseklis na ito, malalaman mo ang nararamdaman ng mga bata sa paglahok o

pagsali ng mga bata sa paglahok o pagsali sa mga proyekto/gawaing pampaaralan. Ang

damdaming pagkatutoay makatutulong sa pagpoproseso ng kasagutan ng mga mag-aaral.

Gawain 2

1. Sa Gawain 2, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grup. Bawat pangkat ay

inaasahang nagpapakita ng palabas kung paano isinasagawa ang sumusunod na

programa/palatuntunan/paligsahan sa paaralan.

Pangkat 1- Buwan ng Wika (sa paraang balagtasan)

Pangkat 2- Quiz Bee (sa paraang rap)

Pangkat 3- Paglalaro

Pangkat 4- Paligsahan sa Pag-awit

2. Iproseso sa mga bata ang kailangan nilang maintindihan ukol sa pamantayan sa

pagsasagawa ng pangkatang Gawain at kung paano hahatulan.

3. Bigyan ang bawat pangkat ng limang minute para sa kanilang pagtatanghal.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ipasagot ang Isapuso Natin. Ipaguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay

nagpapahiwatig ng pagpapakitang husay sa pagtupad sa tungkulin at malungkot na

mukhanaman kung hindi. Ipasulat ang sagot sa kwaderno.

2. Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa.

Tumawag ng ilang mag-aaral at hayaang ipahayg ang kanilang mga saloobin sa ilang

mensahe na lubos na tumino sa kanilang mga puso at damdamin.

59

Page 60: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isabuhay Natin (Day 4)

Sa bahaging ito, gabayan ang mga mag-aaral upang makasulat ng isang simpleng

pangako kung paano niya dapat gampanan nang buong husay ang mga tungkuling iniatang

sa kaniya. Maaaring ang simpleng pangakong ginawa ay itanghal sa anyong patula, pa-rap

o pakanta.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na gagamitin nila sa pagtitiyaga, gamit ang

Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa nang may pang-unawa ang panuto.

2. Matapos masagutan ang mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang

kanilang mga kasagutan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

60

Page 61: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

YUNIT III

Pagmamahsal sa Bansa at Pakikibahagi sa

61

Page 62: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Pandaigdigang Pagkakaisa

Aralin 1

Layunin: Nakapagpapakita ng mga kanais-nais ba kaugaliang Pilipino

Tumulong/lumalahok sa kabayanihan at palusong (EsP5PPP - IIIa - 23)

Paksa/ Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina

Mga Kagamitan: puzzle, activity card, kwaderno, tsart

Integrasyon: Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa at ipaunawa ang tula na nasa kagamitan ng mag- aaral

62

Page 63: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Ipasagot ang sumusunod:

1. Mahalaga ba ang pagtutulungan sa ating sambayanan?

2. Ano ang damdamin ng taong nakatutulong sa kapwa niya?

3. Dapat bang ipagdamot ang iyong tulong?

4. Ang mga Pilipino ba ay likas na matulungin?

5. Ikaw ba ay matulungin din? Sa paanong paraan?

Isagawa (Day 2)

1. Ipagawa ang Gawain 1

2. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 1, iproseso ang kanilang mga sagot.

3. Muling Itanong sa kanila kung anong, pagpapahalaga ang kanilang naipakita sa paraan

ng pagtulong o bayanihan.

4. Matapos ang Gawain ay pangkatin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral para sa

Gawain 2, upang maproseso ang kanilang sagot. Gabayan sila sa pagbubuod ng mga

sagot.

5. Sa pangkatang Gawain magkaroon ng mga disiplina ang bawat grupo.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang dapat gawin sasitwasyon. Bigyang pansin ng

guro ang mga kasagutan ng bawat mag-aaral.

2. Ipabasa ang impormasyon na nasa Tandaan Natin. Tulungan ang mga mag-aaral na

maintindihan at maisapuso ang kahalagahan ng bayanihan o pagtutulungan.

Isabubay Natin (Day 4)

1. Patnubayan ang klase sa pagsakot ng katanungan.

2. Pag-usapan ang kanilang kasagutan.

3. Matapos pag-usapan, talakayin ang kanilang mga sagot.

63

Page 64: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Subukin Natin (Day 5)

Isulat ang tama o mali.

1. Tumutulong lamang kung may kapalit na kabayaran.

2. Tumulong nang kusang-loob.

3. Isapuso lagi ang pakikipagtulingan sa kapwa

4. May kagantihang pagpipintay para sa taong matulungin.’

5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 2

Layunin: Nakapagpapakita ng mga kanais-nais ba kaugaliang Pilipino

Magiliw na pagtanggap ng mga panauhin (EsP5PPP - IIIa - 23)

Paksa/ Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina

Mga Kagamitan: tsart, manila paper, pentel pen, metacard

Integrasyon: Filipino, Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Itanong: Sino sa inyo ang may mga kamag-anak na naninirahan sa ibang bansa?

Ano ang tawag sa mga kababayang naninirahan sa ibang bansa na padalaw-dalaw na

lamang sa Pilipinas o sa bansang pinagmulan?

64

Page 65: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2.Ipabasa ang dula “ Ang Balikbayang kamag-anak

a. Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong.

Isagawa (Day 2)

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 Tandaang ito ay isahang Gawain. Iproseso

ang mga kasagutan ng mga mag-aaral.

2. Ipagawa ang Gawain 2

a. Bumuo ng apat na pangjkat sa inyong klase. Maghanda amg bawat pangkat ng

dula-dulaang nagpapakita ng hung paano pakikiharapan ang mga dumarating sa

tahanan, paaralan, pamayanan at bansa. Bawat pangkat ay may kani-kaniyang

sitwasyon na isadula.

3. Gabayan ang mga mag-aaral. Sa pangkatang Gawain magkaroon ng disiplina ang

bawat grupo.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Bago ipagawa ang Gawain sa Isapuso Natin na nasa kagamitan ng mag-aaral “ Ano

ang iyong gagawin kung may darating na panauhin sa inyong tahanan kung ikaw ay

nag-iisa? Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-gawa ng Gawain, gayundin sa pagsagot

sa mga tanong.

2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin, Ipabasa ito sa nga mag-aaral nang may

pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso

ito ng mga mag-aaral.

Isabubay Natin (Day 4)

Ipagawa ang A at B sa kagamitan ng mag-aaral

Subukin Natin (Day 5)

65

Page 66: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na sagutan at ipasagot ang Subukin Natin sa

Kagamitan na Mag-aaral

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 3

Layunin: Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga

sayaw, awit, at sining gamit ang anumang multimedia o

teknolohiya (EsP5PPP - IIIb - 24)

Paksa/Pagpapahalaga: Pananagutan

Mga Kagamitan: larawan, telebisyon, dvd

Integrasyon: MAPEH, ICT

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ang Cariñosa ay isang magiliw na sayaw na magkaperahang babae at lalake na animo’y

nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang tinikling bilang pambansang sayaw

ng Pilipinas.

Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga, na hango sa

pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng mabining

awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Pilipino, kabilang na ang Cariñosa ang pagpapakita ng

matinding emosyon o damdamin. Sa Cariñosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na

66

Page 67: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinagkukubli sa kanyang mukha habang mayuming

umiindak. Ang lalaking mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nag-aamong pamamaraan

habang nakatingin sa mga mata ng kaperahang babae. Sa ganitong mga galaw ay makikita na

ang mga mananayaw ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa’t-isa.

wikipilipinas.org

1. Ano ang Cariñosa?

2. Kailan ito naging pambansang sayaw?

3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?

4. Paano ito sinasayaw?

Isagawa Natin (Day 2)

Pakitang turo ng guro sa sayaw na Cariñosa. Bawat grupo ay pasasayawin ng Cariñosa. Ito

ay ibivideo nila. Mamarkahan ang mga bata ayon sa rubrics. Pagpepresent ng mga bata.

Isapuso Natin (Day 3)

Pangkatin ang mga bata. Ang unang pangkat ay pagagawain ng awit na nagpapakita ng

pagpapahalaga ng kultura ng mga Pilipino. Maaaring ivideo ito ng mga bata o aktwal na

sayawin sa klase. Ang ikalawang pangkat ay gagawa ng likhang sining na nagpapakita ng

pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Isabuhay Natin (Day 4)

Pagawain ang mga bata ng talata ukol sa tanong sa ibaba.

67

Page 68: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng batang aawit.

Si Rudy ay may talento sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy, ano

ang dapat niyang gawin? Bakit?

Subukin Natin (Day 5)

Pagpapakita o pag-exhibit ng ginawa ng mga bata. Ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng

rubrics.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 4

Layunin: Napananatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa

pamamagitan ng pakikilahok (EsP5PPP - IIIb - 25)

Paksa/Pagpapahalaga: Pananagutan

Mga Kagamitan: larawan

Integrasyon: Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

Ipakita at ipaawit ang “Bayan Ko”

1. Ano ang mensahe ng awit?

2. Ayon sa awit, bakit nahikayat ang mga dayuhan sa Pilipinas?

3. Saan ikinumpara ang Pilipinas?

4. Ano ang nais ng sumulat na mangyari sa Pilipinas?

68

Page 69: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isagawa Natin (Day 2)

Pangkatin ang mga mag-aaral, bawat grupo ay magpapakita ng pagkamabuting

mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng role playing, yell, news style, tula at paawit.

Pagpepresent ng bawat grupo.

Isapuso Natin (Day 3)

Pagawain ng likhang sining ang mga mag-aaral na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng

pagiging mabuting mamamayang Pilipino.

Isabuhay Natin (Day 4)

Narinig mo sa isang talakayan na maraming mga Pilipino sa ibang lugar ang di

gumagawa ng mabuti. Bilang kabataan, papaano mo maiaangat ang iyong bansa sa mga

balitang ito na di kalugud-lugod sa pagiging Pilipino.

Subukin Natin (Day 5)

Lagyan ng kung tama ang isinasaad ng pangungusap at kung hindi.

1. Laging makikiisa sa programa ng pamahalaan.

2. Umiwas sa mga gawaing pambayan.

3. Makibahagi sa pagpapaunlad ng inyong barangay.

4. Hindi dapat maniwala na ang pagkakaisa ay pag-unlad.

5. Handang tumulong sa mga kapwa mamamayan.

69

Page 70: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 5 Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan

Layunin: Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa

kaligtasan (EsP5PPP - IIk - 26)

paalala para sa mga panoorin at pagsunod sa mga alituntunin

tungkol sa pag-iingat sa sunog

paalaala kung may kalamidad

Paksa/Pagpapahalaga: Kamalayang Pansibiko (Civic Conciousness)

Mga Kagamitan: manila paper, lapis, krayola, kuwaderno, aklat

Sanggunian: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao at Wastong Pag-uugali,

pp.186, 192

Integrasyon: Arts, Media Literacy, Science

70

Page 71: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day1)

1. Simulan ang gawain sa pagbasa. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang ipinahihiwatig sa

balita.

2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol sa balita

a. Tungkol saan ang balitang binasa?

b. Ano ang isinagawa sa Ipil Elementary School?

c. Sinu-sino ang naguna sa gawaing ito?

d. Tama ba ang ginawa ng mga mag-aaral ng Ipil Elementary School?

e. Bilang isang mag-aaral, gagawin din ba ninyo ang ginawa ng mga mag-aaral sa

Ipil Elementary Schoo? Bakit?

3. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral ng may gabay ng guro. Bigyang diin ang

tungkol sa matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.

4. Hikayating magkuwento ang ilang mag-aaral ng kanilang sariling karanasan na may

kaugnayan sa matalilong pagpapasya.

Isagawa Natin (Day2)

Gawain 1

71

Page 72: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral kung anu-anong paraan ang maaaring

gawin ng mga mag-aaral upang makatulong sa kampanya laban sa pagkalat ng

malalaswang babasahin at panoorin sa Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng

Mag-aaral.

2. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang sagot.

3. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral ng may paggabay ng guro.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa apat.

2. Bago isagawa ang pangkatang gawain ipapaliwanag ng guro ang pagbibigay ng

puntos.

3. Magpapagawa ng poster ang guro sa bawat pangkat laban sa pagpapalaganap ng

malalaswang gawain ng may paggabay.

4. Ipapakita at ipapaliwanag ng lider ng bawat pangkat ang ginawang poster.

5. Markahan ang pangkatang gawain ng naaayon sa ginawang rubrics ng guro.

6. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral tungkol sa ginawa ng bawat

pangkat.

Isapuso Natin( Day 3)

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin sa

Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin sa bawat sitwasyon.

3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral ng may paggabay ng guro.

72

Page 73: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral kung Tama o Mali ang mga sumusunod

na sitwasyon sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Pag-usapan ang sagot ng mga mag-aaral.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng limang paraan sa loob ng kahon na

nagpapahayag o nagpapakita ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.

2. Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang sagot.

3. Pag-usapan ang nagging sagot ng mga mag-aaral.

73

Page 74: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 6 Kasipagan at Pagmamalasakit – Likas – KayangPag-unlad

Layunin: Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng

pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran

(EsP5PPP - IIId – 27)

pagiging mapanagutan

pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng

pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.

Paksa/pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit

MgaKagamitan: larawan, awitnanaksulatsa manila paper, manila paper

Integrasyon: EPP ( Agrikultura)

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day1)

1. Bilang pagsisimula ng aralin, pakinggan ang awitin na maari ding basahin na

nakasulat sa manila paper.

2. Itanong:

74

Page 75: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

a. May nabuo ba kayong kaisipan sa awitin.

3. Pangkatang Gawain, gabayan ang mga bata, ibigay angp anuto. Pagnatapos ang

bawat pangkat, ipaliwanag ang sagot.

4. Iproseso ang mga sagot.

Isagawa Natin (Day2)

Gawain 1

Sumulat ng isang pangungusap mula sa larawan kung ano ang dapat gawin

bilang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran sa inyong kuwaderno.

Gawain 2 1. Lumahok sa pangkat na sasabihin ng guro. Pumili ng lider. Bawat pangkat ay ilalaan

sa isang bahagi ng paaralan na dapat bigyan ng pansin ukol sa pagmamalasakit sa

kapaligiran at pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.

2. Gamit ang manila paper, gumawa ng plano kung paano ito mapapaganda. Iguhit ito

ng mangyroon ng plant box, mga nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at

mga puno. Maglagay rin ng mga karatula ukol sa kalinisan ng kapaligiran.

3. Pipiliin ng guro ang may pinakamaganda ng plano.

Paalaala ng Guro:

Magbigay ng takdang – aralin sa mga bata ukol sa mga kagamitang gagamitin sa Isapuso natin.

IsapusoNatin (Day3)

75

Page 76: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Para lalo pang mapalalim at maitimosadamdamin ng mga mag-

aaralangkonseptonggustongbuuin ng pangkat,makatutulongnaipagawaangsumusunod:

1. Sabihin:

“Ngayong araw ay nais kong maipakita ninyo sa akin ang malalim ninyong

intension namakatulong at makasunod sa mga ipinapatupad na alintuntunin sa

pangangalaga sa ating kapaligiran. Gagawa tayo ng isang artwork mula sa mga

kagamitang ipinadala ko sa inyo kahapon.”

Itanong:

“Anong bahagi ng katawan ang maraming nagagawa?”

2. Sabihin:

“Ang kamay, lalo na ang palad ay gagamitin natin sa ating artwork, pagbakat sa

isang buong bond paper. Berdeng watercolor lamang ang ating gagamitin.

Sasagisag ito sa inyong matinding hangarin na mapangalagaan ang kapaligran.

Pagkatapos na ninyong magawa ito at habang pinatutuyo ninyo ang kani-

kaniyang bond paper, gawin at buuin ninyo ang panata para sa kapaligiran na

nakikiisa sa mga programa at nagmamalasakit sa kapaligiran. Isulat mo ito na

may disenyo o binakat mong palad sa bond paper”

3. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang ginawa at ipapaskil sa bulletin board ng

Edukasyon sa Pagpapakatao.

PANATA PARA SA KAPALIGIRAN

Ako ay nilalang ng Diyos katulad ng kalikasan. Katungkulan ko ang pangalagaan ang

kapaligiran at ang kalikasan.

Para sa responsableng pangangalaga ng kapaligiran, pananagutan at

pagmamalasakitan ko ang kapaligiran. Makikiisa sa mga programa na magdudulot ng

maayos at ligtas na pamamaraan.

Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.

76

Page 77: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

4. Bigyang-diin angTandaan Natin. Makisali sa mga programang ukol s apangangalaga

ng kapaligiran. Ang buwan ng Nobyembre ay itinalaga bilang Environmental

Awareness Month.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin sa kagamitan ng magaaral sa pamamagitan ng

pangkatang gawain.

Sabihin:

“Tulad ng ginawa natin kahapon, alam kong na isapuso na ninyo ang pagiging mabuting

mag-aaral dahil sa pagsunod at pangangalaga ng kapaligiran. Ngayong araw ay nais kong

Makita ang responsableng pag-aalaga at pagmamalasakit ninyo sa kapaligiran.”

Itanong:

“Masarap ba ang pakiramdam kapag nagiging bahagi ka ng responsableng pag-aalaga

at pag-aayos ng nasirang kalikasan.

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat at pagpili ng lider. Ipagawa ang

mga sumusunod sa bawat pangkat. Maglaan ng oras kung gaano kahaba ang

gugugulin sa pagbuo ng mga Gawain.

Pangkat 1- Gumawa ng skit na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.

Pangkat 2- Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga pakikiisa sa mga programang

pangkapaligiran.

Pangkat 3- Gumuhit ng pagmamalasakit sa kapaligiran.

Pangkat 4- Gumawa ng tula tungkol sa pagaalaga at pananagutan sa kapaligiran.

(Iproseso muli ang mga ginawa ng mga mag-aaral. Pansinin ang pagpapakita ng bawat

pangkat. Papurihan ang mga mag-aaral na nakapagpakita ng kagalingan.)

77

Page 78: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Subukin Natin (Day5)

1. Ipahanda sa mga mag-aaral angkuwaderno. Ipasipi ang talahan nay an at ipasagot

ito.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaralang Gawain, muli itong iproseso.

3. Mahalagang maipakita ang kanilang sagot. Bigyan ng mga kasagutan ang mga

tanong na:

Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot?

Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot?

Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot?

Muli itong pag-isipan.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

78

Page 79: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Aralin 7 Pagmamalasakit sa Kapaligiran

“Tayo ay nakatira sa iisang lupa. Lupa na may iba’tibang likas na

kagandahan at kayamanan” (EsP5PPP - IIIe – 28)

Layunin: Napatutunay ang na di – kukuha sa kasakiman ang

pangangailangan

pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa

kapaligiran.

Paksa: Pagmamalasakit

MgaKagamitan: charts, Clips, Manila paper, Larawa

Integrasyon: Science, Environmental Education

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)1. Sabihin;

“May babasahin tayong tula na may pamagat na Disiplina para sa kapaligiran.”

Itanong:

Ano ba ang katangian ng taong disiplinado?

Kailan natin dapat ipakita ang pagiging disiplinado?

79

Page 80: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Pagbuo ng salita mula sa rumbled letters (pangkatang Gawain)

Kasakiman, vigilant,pangangalaga, nakasisira, kapaligiran

(Bigyang diin ang salitang kasakiman, vigilant, illegal, at nakakasira

3. Ilalahad ng guro ang ilang may pinakamagandang sagot.

4. Iproseso muli ang mga kasagutan at ilahad kung sino sa mga pangkatang may pinaka

tamang sagot.

Isagawa Natin (Day2)

Sabihin:

“Sa araw na ito ay nais kong malaman kung naunawaan talaga ninyo ang diwa ng tula at

ang mga salitang binigyan natin ng diin.

1. Pagpapakita ng larawan ( Larawan ng kasakiman at illeglna Gawain)

2. Magkakaroon ng pangkatang Gawain, bubunot ng isang larawan at ipapaliwanag ito.

(ayon sa panuto ng Gawain)

3. Tatawag ng lider upang ipaliwanag ang kanilang napag-usapan at patunayan ang

kanilang sagot.

Isapuso Natin (Day3)

1. Talakayin isa isa ang mga larawan (Larawan ng illegal at kasakiman)

Bigyang pansin ng guro ang naging bunga at reaksiyon ng mgabata.

2. Lalong bigyan ng pansin ang magiging bunga nito kung pababayaan ito ng mga tao.

Bigyang patunay ang mga nasa larawan sa pamamagitan ng pagkalap ng mga sagot

mula sa mga mag-aaral kung paano nila ito mapapatunayan na di nakukuha sa

kasakiman ang pangangailangan at maging vigilant sa mga illegal na gawaing

nakasisira sa kapaligiran.

MgaLarawan PosiblengMensahe ng larawan

1 Huli na para magsisi ang mga tao, ubos na ang puno

2 Sa internet na lang nakikita ang mga magandang

kagubatan.

80

Page 81: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

3 Pagkakalbo ng bundok dahil pinagkukunan ng paggawa

ng papel

4 Pagkaubos ng isda dahil sa paggamit ng dinamita

Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-

unawa. Ipaliwanag na mahusay na walang magandang resulta ang pagiging sakim at

kailangang maging mapanuri para sa kalikasan.

Isabuhay Natin (Day4)

1. Batay sa mga larawang ating nakita ukol sa gawaing illegal na nakasisira ng

kapaligiran, tayo ay magkakaroon ng pangkatang Gawain.

2. Bawat pangkat ay magpakita at patunaya na ngpagiging vigilant sa mga illegal na

gawaing nakakasira ng kapaligiran (dramatization)

Pangkat 1 – paggamit ng dinamita

Pangkat 2 – bawal na pamumutol ng puno

Pangkat 3 – pagtatapon ng basura sa kung saan

Pangkat 4 – pag-aaksaya ng tubig

Pangkat 5 – pagsusunog ng basura

“ Maaring gumamit ng props angmgabatasapagpapalabas.”

Subukin Natin (Day5)

1. Pasagutin sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin sa kagamitan ng mag-

aaral.

2. Hayaan din silang magbigay ng dahilan para sa gawaing nakasisira sa kapaligiran.

3. Muli pagnilayanang mga sagot.

81

Page 82: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 8 Pakikiisa sa Programa ng Pamahalaan Kaugnay sa Pagpapanatili ng Kapayapaan

Layunin: Nakikiisa ng may kasiyahan sa mga prorama ng pamahalaan na

may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaaan

(EsP5PPP - IIIf - 29) paggalang sa karapatang pantao

pagggalang sa opinyon o ideya ng iba.

Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa Kapaligiran (Care of the Environment)

Mga Kagamitan: kartolina, manila paper, metacards, bond paper, kuwaderno

Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon

pp.9,55,242-247

Integrasyon: Sining, Gawaing Pansibiko

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

82

Page 83: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

1. Ipakita at ipaayos sa mga mag-aaral ang kartolina na strips na may nakasulat na

PAKIKIISA, PAGGALANG at KARAPATAN na wala sa tamang ayos. Ipabasa ang

nabuong ideya.

2. Itanong: “Ano ang inyong pagkakaunawa o ideya sa mga nabuong salita?”

3. Talakayin at iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

4. Pangkatin ang klase sa apat.Bigyan ang bawat pangkat ng metacards na may

nakasulat na iba’t ibang kaisipan na tumutukoy sa pakikiisa sa programa ng

pamahalaan kaugnay ng pagpapanatili ng kapayapaan, paggalang sa karapatang

pantao at paggalang sa opinyon o ideya ng iba.

5. Talakayin ang sagot ng bawat bawat ng may paggabay ng guro.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Pagbabalik aral tungkol sa talakayan ng nakaraang araw.

2. Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay bubunot ng kanilang isasadula at

bibgyan ng sapat na oras sa pagsasagawa ng maikling dula-dulaan. Ipapaliwanag

ng guro ang pagbibigay ng puntos bago isagawa ang gawain.

Unang Pangkat- Nakikiisa sa mga programa ng pamahalaan

na may kaugnayan sa pagpapanatili ng

kapayapaan.

Pangalawang Pangkat - Paggalang sa karapatang pantao

Ikatlong pangkat - Paggalang sa opinyon o ideya ng iba

3. Markahan ang bawat pangkat ng naaayon sa rubrics na ginawa ng guro.

4. Hayaang magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral tungkol sa ginawa ng bawat

pangkat.

5. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral ng may paggabay ng guro.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Sundin ang panuto at ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon

sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng mag-aaral.

83

Page 84: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Hayaang ipaliwanag ng mag-aaral ang kanilang sagot sa bawat sitwasyon.

3. Ipabasa at ipaliwanag ang Tandaan Natin upang lubos na maunawaan ang aralin.

Isabuhay Natin (Day4)

1. Itanong: “Bilang isang bata, alam mob a ang iyong mga karapatan?”

2. Ipatala ang sagot ng mag-aaral?

3. Pag-usapan ang sagot ng mag-aaral.

Subukin Natin (Day 5)

1. Sa isang buong bond paper, ang mga mag-aaral ay gagawa ng poster tungkol sa

pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng

kapayapaan. Bago isagawa ang gawain ipapaliwanag ng guro ang pagbibigay ng

puntos.

2.Hayaang ipikita at ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang ginawang poster sa

klase ng may paggabay ng guro.

3.Markahan ang mag-aaral ng naayon sa ginawang rubrics ng guro.

84

Page 85: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 9

Layunin: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagtataguyod ng mga batas

para sa kabutuhan ng lahat (EsP5PPP - g - 30)

pangkalikasan

Paksa/ Pagpapahalaga: Kapayapaan at kaayusan

Mga Kagamitan: Tsart, Manila paper, penterl pen, metacard

Integrasyon: Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang aralin sa pagbasa ng isang Batas Pambarangay.

2. Ipasagot ang sumusunod tungkol sa kanilang binasa.

85

Page 86: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

a. Bakit gumawa ng batas ang konseho ng Barangay Sta.Rosa tungkol sa

suliraning pangkapaligiran?

b. Isa-isahin ang mga utos sa mga mamamayang nasasakupan ng barangay.

c. Bakit mahalaga ang batas na ito sa Barangay Sta Rosa?

d. Bilang mag-aaral, ano ang iyong masasabi sa kautusan?

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

Buuin ang talaan sa ibaba. Punan ang puwang ng angkop na salita. Isulat ito sa

sagutang papel.

Republika ng Pilipnas

Lungsod ng ___________

Barangay _____________

Pangalan______________

Magulang______________

Kaarawan_____________

1. May suliranin bas a inyong barangay tungkol sa pangkapaligirang kalinisan?

3. Paano ka tutulong sa pagpapatupad ng batas para sakabutihan ng lahat?

Gawain 2-Pangkating Gawain

1. Pangkatin ang klase sa tatlo.

2. Biigyan ang bawat pangkat ng metacard na may nakasulat na sitwasyonbago

gumawa ng anumang hakbangin.

3. Ipaulat sa klase ang natapos na Gawain.

86

Page 87: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin (Day 3)

Magkaroon ng pagbabalik-aralsa mga Gawain at tungkol sa mga bata.

Bikang mga mag-aaral, paano kayo makatutulong sa pagpapatupad ng mga batas

pangkalinisan para sa kabutihan ng lahat.

Isabubay Natin (Day 4)

Sabihin sa mga bata na magkaroonng role playing ang bawat guro tungkol sa

araling kanilang matutuhan.

Subukin Natin (Day 5)

Ipahanda samga mag-aaral ang sagutang papel ipasagot ang Subukin Natin na

nasa kagamitan ng Mag-aaral.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

87

Page 88: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Aralin 10

Layunin: Nakakalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga

batas para sa kabutihan ng lahat (ESP5 PPP - IIIg - 30)

Pangkalikasan

Paksa/ Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

Kagamitan: mga larawan (batas kampanya sa kalikasan)

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapahalaga 5pah. 33

Integrasyon: Araling Panlipunan

PAMAMARAAN:

Alamin Natin (Day 1)

1. Bago simulan ang araling ito,magpakita sa mga mag-aaral ng mga larawan tungkol sa

Tapat ko Linis ko

Basurang itinapon mo, Babalik sayo

Clean and Green

88

Page 89: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Hingin ang kanilang reaksyon sa mga ipinakitang larawan. Hikayatin ang bawat isa na

Makapagbigay ng iba’t ibang paliwanag tungkol dito.

3. Ihanda ang mga mag-aaral sa pagbasa ng isang seleksyon sa Edukasyon

Pagpapahalaga 5 pahina 33 at ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

a. Tungkol saan ang seleksyon?

b. Anu- ano ang binanggit na kampanya para sa kalikasan ?

c. Anu ang mga nararapatgawin ng mga tao?

d. Sa iyong palagay ano ang maaaring gawin mo upang mapangalagaan ang kalikasan

at manumbalik ang dating kalagayan nito?

Isagawa Natin (Day 2)

Gawain 1

Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag- aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa

kagamitan ng mag-aaral.

Gawain 2

1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Papiliin ng lider ang bawat pangkat .

2. Bawat pangkat ay susulat ng isang slogan bilang kampanya laban sa polusyon para sa

kalikasan.

3. Pag- uusapan nila ang kanilang isinulat na islogan at magkakaroon ng paghahanda sa

pag- uulat ang pangkat.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ipasulat sa mga mag-aaral ang ulat ng bawat pangkat.Magkaroon muli ng pag-uusap

tungkol dito.

89

Page 90: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Gabayang muli ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng Gawain na nasa kagamitan ng

mag-aaral.

3. Ipabasa at bigyang paliwanag ang Tandaan Natin.

Isabuhay Natin (Day 4)

Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang bahaging ito ay

pagpapakita ng bawat pangkat ng “ Role Playing” ukol sa paksang pinag-aralan.

Subukin Natin (Day 5)

1. Gamit ang kwaderno ng mga mag-aaral pasagutan ang Subukan Natin sa Kagamitan ng

Mag- aaral.

2. Hingan ng insights ang mga mag-aaral hinggil sa natapos na aralin.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring

magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

90

Page 91: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Aralin 11- 12

Layunin: Nakagagawa Ng Isang Proyekto Gamit Ang Iba’t Ibang Multimedia

At Technology Tools Sa Pagpapatupad Ng Mga Batas Sa

Kalinisan, Kaligtasan, Kalusugan At Kapayapaan

(ESP5 PPP - III - h - 31)

Nakikiisa Nang Buong Tapat Sa Mga Gawaing Nakatutulong Sa

Bansa At Daigdig (ESP5PPP - IIIh - 32)

Paksa/Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan(Peace and Order)

Mga Kagamitan: camera,pentel pen, manila paper

Sanggunian: EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA 5

Integrasyon: AP, Filipino

Pamamaraan:

ALAMIN NATIN (Day 1)

Ipabasa sa mga bata at pasagutan ang mga kasunod na tanung.

91

Page 92: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Ang batas ay mga kautusang ginawa para sa kabutuhan ng nakararaming tao.Ang

Saligang Batas ay batayang –batas ng lahat ng batas na umiiral sa bansa ng

pinakamataasna batas.Nakasaad ditto ang uri ng pamamahala ng pamahalaan sa bansa.

Ang mga batas ay sumasakop sa karapatan ,tungkulin at responsibilidad ng mga

mamamayan. Ang mga batas na ito ay isinasagawa sa Mababang Kapulungan o Kongreso

at mataas na Kapulungan o Senado. Sumasakop din ito sa lahat ng aspekto ng buhay ng

tao sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa buong bansa.

Ang mga Kauutusan ay ang mga direktibang nanggagaling sa Pangulo ng Bansa,

kinatawan o Konggresista, gobernador, punung bayan o alkalde upang mapangalagaan

ang kapakanan ng mga tao.

Ang mga alituntunin ay ang mga kauutusang ipinatupad ng isang grupo o pangkat

upang maging maayos ang takbo ng buhay ng mga tao.

Tanong:

1. Ano ang batas?

2. Ano ang kautusan?

3. Ano ang Alituntunin?

4. Ano ang kahalagahanng pagsunod sa mga batas, kautusan at alituntunin?

Isagawa Natin (Day 2)

Sabihin sa mga bata na Ivideo o Irecord. Pagkatapos ay ipapresent sa klase. Ang mga bata ay

makikipanayam sa inyong punung –barangay tungkol sa mga alituntuning ipinatupad sa inyong

barangay. Isulat din ang pangal ng inyong Barangay, Bayan,punung-barangay at palagdain.

PANGALAN NG PUNUNG- BARANGAY:_____________________________________

BARANGAY: __________________________________________________________

BAYAN/ LUNGSOD : ____________________________________________________

MGA ALITUNTUNING IPINATUPAD: ________________________________________

____________________________________________________________________

92

Page 93: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin (Day 3)

Pagawain ang mga bata ng video clips o short movie tungkol sa pagsunod sa batas.

Ipaliwanag ito at ipresent ito sa klase.

Isabuhay Natin (Day 4)

Ipasagot sa mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng talata o I voice record o

pabalitang pag uulat..”Kung ikaw ay gagawa ng batas, anong batas ang iyong uunahing gawin

at paano ito ipatutupad.”

Subukin Natin (Day 5)

Pasagutan sa kwaderno ng mga bata.

A. Isulat ang SA kung sang-ayon at DSA kung di- sang ayon sa mga sumusunod na

pangungusap.

1. Dapat na patawan ng karampatang parusa ang mga lumalabag sa batas.

2. Ang batas para sa mahihirap at mayayaman ay pantay.

3. Ginawa ang mga batas upang madisiplina ang mga tao.

4. Ang apgsunod sa batas ay pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.

5. Malalakas ang loob ng mga taong lumalabag sa batas.

B. Pagawain ang mga bata ng isang video clips na nagpapakita ng mga paraan ng

pagsunod sa batas.

93

Page 94: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 13

LAYUNIN: Nakalilikaha ng isang proyekto na nagpapakita ng pagtulong sa

bansa at daigdig gamit ang iba’t ibang technology tools.

(ESP5PPP - IIIi - 33)

Paksa/ Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

Kagamitan: camera,pentel pen, manila paper

Sanggunian: Edukasyong Pagpapakatao 5

Integrasyon: Araling Panlipunan

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

Ipakita sa mga bata ang mga larawan at sagutin ang kasunod na tanong.

Larawan na nagpapakita ng Pagtulong sa bansa at sa daigdig.

(Larawan pah.174 Edukasyong Pagpapahalaga5)

Batay sa larawan, anu- ano ang iyong magagawang tulong sa kanila? Anu ano ang mga

94

Page 95: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Paraan ng pagtulong?

Isagawa Natin (Day 2)

Pasagutan sa mga bata. Isulat sa paligid ng puso ang uri ng mga taong nais

mong tulungan at sa loob nito ay kung paano mo sila tutulungan.

Isapuso Natin (Day 3)

Pagawain ang mga bata ng talata ukol sa sumusunod na tema.

Para sa akin ang pagtulong ay ________________________________________________

Ako ay makakatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng ______________________________

Isabuhay Natin (Day 4)

Bawat grupo ay pagawain ng video clips ukol sa sagot nila sa tanong sa ibaba.

Naglunsad ng proyekto ang inyong punong- bayan tungkol sa pangangalaga sa yaman-

dagat at sa Inang Kalikasan. Sa paanong paraan ka makatutulong sa proyektong inilunsad?

Subukin Natin (Day 5)

95

Page 96: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Pagawain ang unang grupo ng diorama/ collage na nagpapakita ng mga paraan ng mga

pagtulong sa bansa at sa daigdig gamit ang mga recycled materials o mga gamit sa inyong

kapaligiran.

Pagawain ang ikalawang grupo ng video clips o voice record ukol sa mga paraan ng

pagtulong sa bansa at sa daigdig.

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

YUNIT IV

Pananalig at Pagmamahal sa Diyos;

96

Page 97: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Paninindigan sa Kabutihan

Aralin 1

Layunin: Pagsasaalang-alang sa Kapakanan ng Kapuwa at sa

Kinabibilangang pamayanan (EsP5PD-IV-a-d-14)

Paksa/Pagpapahalaga: Espiritwalidad, Pananalig/Pagmamahal sa Diyos, Pag-asa

Mga Kagamitan: Larawan ng kalamidad at mga biktima,Kuwaderno, bond paper, papel

na sulatan ng tanong tulad ng makikita sa Kagamitan ng mag-aaral,

mga sinaliksik tungkol sa programa ng iba’t ibang ahensiya ng

pamahalaan para sa biktima ng kalamidad at para sa mahihirap.

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon, pah. 183

Integrasyon: Araling Panlipunan,

Pamamaraan:

97

Page 98: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng isang pagninilay(reflection) tungkol sa mga

nangyayari sa ating kapaligiran.

2. Hingan ng halimbawa ang mag-aaral sa mga nangyayaring kalamidad sa ating bansa.

Ano ang karanasan nila sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad?

3. Ganyakin ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa larawan.

4. Ipasulat muna ang kanilang tanong sa papel na sulatan ng tanong. Gabayan sila sa

pagtatanong upang mailabas ng mag-aaral ang tunay na pag-unawa sa damdamin ng kapuwa.

Hayaang pumili ng lider upang mapag-usapan ang mga sagot sa mga tanong sa Kagamitan ng

Mag-aaral.

5. Matapos ang limang minuto, magpapalitan ng ginawang plano ang mga mag-aaral.

Gabayan sila kung paano bibigyang puna ang ginawang plano.

6. Bilang gawaing bahay, Ipasaliksik ang mga ginagawa ng Department of Social

Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng kalamidad. Ipasaliksik din ang mga

ahensiya at programa ng pamahalaan para sa kalamidad.at mahihirap.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Balikan sandali ang nakaraang talakayan. Sikaping maipaliwanag ng mga mag-aaral

ang kanilang nalaman na mga programa ng pamahalaan para sa mahihirap at mga biktima ng

trahedya.

Itanong:

“Ano-anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay ng tulong sa mga naging

biktima ng kalamidad?

Inaasahang sagot:

“Ang mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ay tumutulong sa biktima ng

kalamidad at sa mga kapos-palad:

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

98

Page 99: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO)

Department of Interior and Local Government(DILG)

Department of Health(DOH)

2. Magdagdag ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga programa ng

pamahalaan. Maaari itong makita sa Internet o diyaryo.

3. Mahalagang ipaunawa sa mag-aaral na hindi mabuti na laging umaasa sa bigay ng

mga ahensiya ng pamahalaan. Bigyang diin na mas mabuting kumikilos sa sariling pagsisikap,

4. Pangkatin ang klase sa apat. Suriin ang sitwasyon sa Kagamitan ng Mag-aaral.

Gawin ng bawat grupo kung ano ang maaari mong gawin bilang katugunan sa bawat sitwasyon.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ang sulat para sa DSWD ay gagawin ng magkapareha. Maaari pang pumili ng ibang

ahensiya ng pamahalaan na may kaparehong programa. Ipabasa at i-proseso ang nakasaad sa

kanilang liham.

Itanong:” Bakit ang ahensiyang ito ang napili ninyong sulatan upang ilapit ang mga biktima ng

kalamidad?(tanggapin ang iba’t ibang katuwiran ng bata).

2. Napakahalaga ng aspektong ito sapagkat dito mararamdaman ng mga mag-aaral ang

tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa-tao.

Itanong: “ Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagbibigay ka ng tulong sa iyong kapuwa?

Asahan ang iba’t ibang sagot.

3. Ipabasa ng may pang-unawa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natinsa Kagamitan ng

mga ag-aaral.

Itanong: “Paano natin maipakikita ang pagmamahal at malasakit sa kapuwa.”

Inaasahang sagot: “Ang pagbibigay sa kapuwa ay ginagawa nang bukal sa loob at may pag-

unawa sa kanilang damdamin?

99

Page 100: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Magagamit sa pagpapaliwanag ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto(Social Learning

Theory). Maaaring gamiting halimbawa ang pagiging mapagmahal ni Mother Theresa ng India

sa pagtalakay.

Isabuhay Natin (Day 4)

Sa puntong ito ay naipakikita na ng mga mag-aaral ang pagdamay sa kapuwa at handa

na silang magbigay ng tulong ng bukal sa loob.

Bilang mag-aaral, makakatulong din tayo at ang ating paaralan sa mga taong

nangangailangan. Bukod sa pagkain, salapi, at damit na ibinibigay, mabuti rin na turuan natin

sila ng mga gawaing mapagkakakitaan upang makapagsarili sa mga darating na araw.

Subukin Natin (Day 5)

Pasagutan ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

100

Page 101: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 2

Layunin: Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng lahat

(EsP5PD - IVa-d - 14)

Paksa/Pagpapahalaga: Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos

Mga Kagamitan: Kuwaderno, bond paper, papel na sagutan

Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon, pah. 103

Integrasyon: Human Rights, Child Protection, Sining

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Simulan ang sesyon sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pinakabuod ng nakaraang

aralin sa paksang tatalakayin. Maaaring sabihin ito:

101

Page 102: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Ang buhay natin ang pinakamahalagang regalo ng ating Panginoon sa atin. Dahil ang buhay ay

isang napakahalagang biyaya sa atin na kailangan natin itong ingatan at pahalagahan upang

magkaroon ng kabuluhan ang ating buhay sa mundong nakapaligid sa atin. An gating kapwa na

dapat nating isaalang-alang ang kapakanan at sa kinabibilangang pamayanan.

2. Ipagpatuloy. Maaaring ito ang sasabihin: Ang mga tao ngayon ay may iba’t- ibang

pananampalataya. Iba-iba ang paniniwala ngunit iisa lamang ang katuruan ng lahat ng ito “ Ang

Mahalin ang kapwa”. Maaaring bigkasin ang panimula ng Aralin 30.2 sa kagamitan ng Mag-

aaral.

3. Ipalabas ang kagamitan ng mag-aaral. Ipauwi sa kanila ang larawan at gabayan sila

sa pagsagot sa dalawang katanungan.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Sa pagsisimula ng bahaging Isagawa Natin sa kagamitan ng mag-aaral, maaaring

sabihin ito: “Balikan nating muli ang tinalakay kahapon. Anong mga pagpapahalaga ang inyong

natutuhan?

2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 at 2 sa isang araw kaya tiyaking masunod

ang ibang itatakdang minute sa bawat Gawain (limang minute para sa Gawain 1, at 25 minuto

para sa Gawain 2) Kung hindi possible maaaring hatiin sa dalawang sesyon.

Gabay para sa Gawain 2:

a. Pangkatin ang klase sa ganitong mga pangalan:

Pangkat Hesukristo- mga Romano Katoliko

Pangkat Buddha- mga Buddhist

Pangkat Allah- mga Muslim

Pangkat Kristo- Born Again

102

Page 103: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

b. Linawin ang Panuto: Bawat pangkat ay magpapakita ng palabas kung paano namamayani

ang paggalang at pagpapahalaga sa bawat isa magkaiba man ang kinabibilangang relihiyon

Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng limang minute at ipakita ito sa loob ng tatlong minuto.

3. Linawin sa mag-aaral ang pamantayan

4. Bigyan sila ng Smiley Board na inihanda ng guro bago ang gawain.

5. Para sa aralin bukas, magpadala ng bond paper at gunting.

Isapuso Natin (Day 3)

1.Ipagawa ang nasa Isapuso Natin( Gugupit ang mga mag- aaral ng hugis puso dahil

dito nila isusulat ang mga taong nakasalamuha nila na kanilang iginagalang at pinahahalagahan

na iba ang pananampalataya at kung ano ang ginawa nila upang ipakita ang paggalang at

pagpapahalaga sa mga taong sinulat nila). Gabayan ang mga mag-aaral sa gagawin.

2. Basahin at bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may

pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng

mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Isagawa ang Isabuhay Natin na nasa kagamitan ng Mag-aaral. Linawin ang panuto.

2. Magpasulat ng isang panalangin ng pasasalamat sa buhay na kaloob ng diyos.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipagawa ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Maaaring sumulat ng isang tula ang mga mag-aaral sa halip na sanaysay.

3. Maaaring tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsasabi nito “Binabati Kita!

103

Page 104: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Natapos nang muli ang isang aralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga sa

buhay at pakikiisa sa pananampalataya ng iyong kapwa ay para sa kabutihan ng lahat at

kinalulugdan ng Diyos.Inaasahan kong ipagpapatuloy mo ito sa lahat ng oras at pagkakataon.

Handa ka na ba sa susunod na aralin? Ipagpatuloy mo ang hangaring matuto. Pagpalain ka ng

Diyos.

Aralin 3

Layunin: Nakapagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng

Pagkalinga at pagtulong sa kapwa (EsP5PD - IVd - 14)

Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamal sa Diyos, Ispiritwalidad

Mga Kagamitan: kwaderno, gunting, bondpaper

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon p. 191

Integrasyon: Sining, Human Rights

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ihanda ang mga bata sa pamantayan sa pagbasa ng tula.

104

Page 105: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Ipabasa ang tula na pinamagatang “Pagtulong” na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng mag-aaral.

Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng iba’t-ibang sagot. Magkaroon ng

talakayan sa mga sagot ng mag-aaral.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Sa pagsisimula ng bahaging Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral, maaring

sabihin ito “Balikan nating muli ang tinalakay kahapon. Anong pagpapahalaga ang

iyong natutunan?

2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 at 2 sa isang araw kaya tiyaking

masusunod ang itinakdang minuto sa bawat gawain.

3. Para sa Ikalawang gawain, pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay

bubunot ng kanilang gawain na tulad ng sumusunod:

Unang Pangkat-Gagawa ng mosaic slogan tungkol sa pagtulong sa

kapwa

Pangalawang Pangkat-Gagawa ng maikling debate tungkol sa pagiging

mapagkalinga at matulungin

Pangatlong Pangkat-Magpapakita ng munting iskit tungkol sa batang

matulungin

4. Hayaang magbigay ng kanilang opinion ang mga mag-aaral tungkol sa ginawa ng

bawat pangkat upang malaman kung tumimo sa kanila ang pagpapahalagang

tinalakay.

5. Sabihin sa mga mag-aaral na maging makatotohanan at mapanuri sa kanilang

saloobin.

105

Page 106: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ipagawa ang Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Basahin at bigyang diin ang Tandaan Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa

ito sa mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito

upang luos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Unawain ang panuto.

2. Ipaulat ang gianaa sa isang mag-aaral na babae at lalaki.

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa Kagamitan n Mag-aaral.

2. Tiyaking naunawaan ng mga mag-aaral ang panuto.

3. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsabi nito: “Binabati kita sa pagtatapos mo

sa araling ito! Tiyak kong handang-handa ka nang tumungo sa susunod na aralin.”

106

Page 107: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na leksiyon.

Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

Aralin 4

Layunin: Nakapagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng

Pagkalinga at pagtulong sa kapwa (EsP5PD - IVd - 14)

Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Diyos, Ispiritwalidad

Mga Kagamitan: kwaderno, bondpaper

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 5 p. 113

Integrasyon: Sining, Human Rights

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ihanda ang mga bata sa pamantayan sa pag-awit.

107

Page 108: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

2. Ipaawit ang awiting pinamagatang “Larawan ng Kabutihan” na nasa tono ng paru-

parong bukid na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng

mag-aaral.

4. Pagsumikapang maipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang mga sagot. Gamitin

ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin ng mga mag-aaral ang

kanilang mga karanasan para masagot ang mga tanong.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 na nasa Kagamitan ng mag-aaral.

Magpagawa sa mga mag-aaral ng plano na makatutulong sa paaralan sa loob ng

isang lingo.

2. Ipagawa ang gawain 2.Pangkatin ang klase sa tatlo.Ang bawat pangkat ay

bibigyan ng sitwasyong susuriin.

3. Pagkatapos masuri ng mga mag-aaral, papapaghandain sila ng maikling dula-

dulaan mula sa sitwasyong sinuri. Bigyan sila ng limang minutong paghahanda at

2 minutong pagpapalabas.

4. Bago isagawa ang gawain, ipaliwanag muna sa mga mag-aaral ang pamantayang

susundin sa pagsukat ng kanilang gawain gamit ang pamantayan na nasa

Kagamitan ng Mag-aaral.

108

Page 109: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

5. Lagumin ang natutuhan ng mga mag-aaral mula sa maikling dula-dulaang

ipinakita.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Magkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang

pagnilayan ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso.

2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

3. Ipabasa at ipaliwanag ang Tandaan Natin. Bigyang-diin at pahalagahan sa talakayan

ang Pagkalinga at pagtulong sa kapwa.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Magsagawa ng repleksiyon ang mga mag-aaral.

2. Gamit ang template sa Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral, ang mga mag-

aaral ay magbibigay ng dalawang karanasan na nagpapatunay na sila ay nagpakita ng

pagtulong sa kanilang kapwa. Ipaliliwanag nila kung paano nila ito ginawa. Gagawin nila

ito sa kanilang kwaderno.

Subukin Natin (Day 5)

1. Bago ipagawa ang bahaging ito, magbalik-aral muna sa mga pansitwasyong tanong sa

naunang gawain upang namnamin ng mga mag-aaral ang ugaling pagkamatulungin.

2. Ipagawa ang tseklis sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral bilang

pagtatasa.

109

Page 110: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Purihin ang mga mag-aaral sa pagtatapos ng araling ito. Batiin sila at ipagmalaking

sabihin na maari na silang mag-aral ng susunod na aralin.

. Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na leksiyon.

Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan

Aralin 5 Buhay na Mula sa Diyos Pahalagahan

Layunin: Naipakikita ang ibat ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos

(EsP5PD - IVe-i - 15)

Paksa/ Pagpapahalaga: Espiritwalidad Pagmamahal sa Diyos

Mga Kagamitan: kwaderno, bondpaper papel na sagutan

Integrasyon: Health

Pammaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1.Pagtatanong

Ano ano ang mga biyayang handog ng Diyos sa mg batang katulad

ninyo?Likumin ang mga sagot ng mga mag-aaral. Hangggang sa makuha mula sa mga sagot

ng nga bata ang sumusunod na konsepto gamit ang teorya ng konstruktibismo

110

Page 111: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

a. Pinaka mahalagang regalo ng Panginoon ay ang buhay

b. Mahalaga ang ang buhay kayat nararapat lamang na na ating ingatan ,

igalang at gawing kapaki pakinabang

2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang salaysay na “Alam ko na”

a. Pabibigay ng ideya o opinyon ng mga mag-aaral

b iproseso ang mga kasagutan ng mga mag-aaral

Isagawa Natin (Day2)

a.Pagsasagawa ng gawain. Pagpapangkat ng klase sa 4 o 5. Ang bawat grupo

ay gagawa ng slogan na may kinalaman sa pagpapahalaga sa buhay na kaloob ng Diyos.

b. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng slogan, at magkaroon ng gallery

walk upang mapahalagahan ang gawain ng mga mag-aaral

Isapuso Natin (Day 3)

a. Isang awitin na nagpapakita ng ibat-ibang bahagi ng katawan

b. Pagbibigay ng katanungan mula sa awit

1. Ano ano ang mga bahagi ng katawan na binanggit sa awit?

2. Ano ano ang inaasahang gunagawa ng mga bahaging ito?

3. Sa inyong palagay ang mga ito lamang kaya ang layunin ng Diyos sa

pag;ikha ng mga ito?

4. Pagbibigay diin na mahal tayo ng Diyos kaya inaasahan niyang

aalagaan

Isabuhay Natin (Day 4)

Paggamit ng Graphic Organizer.

Pagbuo ng hugis tao na sa bawat bahagi ay nakasulat ang paraan ng

pangangalaga sa katawan

111

Page 112: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Subukin Natin(Day 5)

Iayos ang mga letra upang mabuo ang mga salita o lipon ng mga salita na

nagpapakita ng pangangalaga sa buhay na kaloob ng Diyos

1.TAPAS NA ROAS NG GAPGULOT

2. GAPKINA NA ASTOW

3. PAMAAMHANGI

4. PAGILILBANG

5. PAGSAWI SA GAPKAIGN ID AMSUSNATYAS

Aralin 6 Pagsunod sa Kautusan ng Diyos

Layunin: Naipakikita ang Pasasalamat sa Diyos (Esp 5 PD-IV e-i-15)

Paksa/Pagpapahalaga: Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos

Mga Kagamitan: Wastong Paguugali sa Makabagong Panahon p 94-98

Larawan, metacards

Integrasyon: Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

Itanong. Tingnan ang larawan. Sino siya? Naniniwala ba kayo sa

Kanya?Paano mo maipakikita ang pagmamahal o pasasalamat

sa Dakilang Lumikha?

Iproseso ang kasagutan ng mga mag-aaral

Isagawa Natin (Day 2)

112

Page 113: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Pagsasagawa ng Gawain

A. Ang bawat grupo ay bibigyan ng metacards kung saan nakasaad ang

sampung utos ng diyos. na kanilang aayusin

B. Gabayan ang bawat grupo sa pagbibigay ng kanilang kapaliwanagan

Isapuso Natin (Day 3)

Lagyan ng angkop na salita na bubuo sa diwa ng talata

Kautusan ay dapat ________

Na bilin ng _______ natin

Ito’y dapat gawin

Lalot sa ikaaayos ______

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Pagpapangkat ng mga mag aaral sa apat. Ang bawat pangkat ay

bibigyan ng 5 minuto upang isadula ang kautusan ng Diyos

Subukin Natin (Day 5)

Basahin ang bawat sitwasyon.Isulat ang titik ng tamang sagot

1.May mahalaga kang pupuntahan ngunit kailangan mong magsimba dahil araw ng pagsimba.

Ano ang dapat mong gawin?

113

SUNDIN, RELIHIYON, NATIN

Page 114: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

a. Hindi n lang ako magsisimba.

b. Ipagpapaliban ko na ang pagsimba

c. Gagawa ako ng paraan upang makasimba

2. Di sinasadyang nabasag mo ang figurine ng iyong guro. Alam mong gustong gusto niya ito.

Ano ang nararapat mong gawin?

a. Itatapon n lamang ang nabasag na figurine

b. Ipagtatapat sa guro ang pangyayari at hihingi ng patawad.

c. Gagawan ng paraan na ipagkit ang bawat bahagi ng figurine.

3. May usong sapatos ngayon. Lahat ng kabarkada mo ay mayroon na. N agsabi ka sa inyong

ina, ngunit di ka pinagbigyan dahil kulang na kulang kayo sa budget. Ano ang dapat mong

gawin?

a. Magalit sa ina dahil hindi ka mabilhan ng bagong sapatos.

b.Hindi papayag at ipagpipilitan na ibili ka ng bagong sapatos

c. Igagalang ang sinabi ng ina,sa susunod na lamang pag kaya ng budget

magpapabili.

4. Nakasimot ka ng pera sa loob ng sislid aralan, nagkataon naming wala kang baon sa araw na

iyon. Dapat bang ibili mo ang perang di iyo?

a.Opo dahil ako’y gutom n gutom na.

b. Hindi po dahil dapat ipagtanong kung kanino ang perang nasimot

c. Opo dahil nasimot ko na naman po ang perang iyon

5. Nagtatrabaho sa malayong lugar ang iyong ama. Isang araw nakita mo mismo na may

kasamang iba an gang iyong ama, nakita ka rin ng iyong ama at sinabing huwag ng

makakarating ito sa iyong ina. Ano ang iyong gagawin?

a. Patay malisya na lamang parang wala kang nakita

b. Magtatanim ng galit sa ama

114

Page 115: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

c. Ipagtatapat sa ina ang pangyayari

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan

Aralin 7

Layunin: Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos

(EsP5PD - IVe-i - 15)

Paksa/Pagpapahalaga: Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos

Mga Kagamitan: larawan ng isang pamilya, bond paper, kuwaderno

Integrasyon: Filipino (Pagbasa, Pagsulat)

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa pagbasa.

2. Ipabasa ang “Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos”.

3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan

ng Mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng

iba’t-ibang sagot. Magkaroon ng talakayan sa sagot ng mga

115

Page 116: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

mag-aaral.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Ipagawa sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1. Ipasuri ang larawan..

2. Ipasuri ang sumusunod na tanong batay sa sinuring larawan.

3. Ipagawa ang Gawain 2 sa kanilang kuwaderno.

3. Ipaproseso ang mga sagot sa paraang talakayan.

Isapuso Natin (Day 3)

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain sa Isapuso Natin sa

Kagamitan ng Mag-aaral.

a. Sa kuwaderno ng mga mag-aaral, magpasulat ng buong pusong pangako

sa pagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.

b. Sa bond paper, magpagawa ng isang simpleng panalangin ng pasasalamat

sa Diyos.

2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral

nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na

maisapuso ito ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Sabihin sa mga mag-aaral, “ Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita

ang iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.

2. Ipaproseso ang sagot ng mga mag-aaral gamit ang graphic organizer sa Isabuhay Natin.

Subukin Natin (Day 5)

116

Page 117: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Natin sa pamamagitan ng paglalagay ng

Tama o Mali sa patlang bago sumapit ang bilang.

_____1. Ang pamiliyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos.

_____2. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat myembro ng pamilya ay tanda ng

pasasalamat sa Diyos.

_____3.Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay pagpapakita ng pagpapahalaga

sa Poong Lumikha

_____4. Ang pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan ng isang taong

madasalin

_____5. Higit sa lahat ang pag gawa ng mabuti sa kapwa ay dapat ugaliin.

Aralin 8 Paggawa ng Kabutihan, Isang Pasasalamat sa Diyos

Layunin: Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos

(EsP5PD - IVe-i - 15)

Paksa/Pagpapahalaga: Paggawa ng kabutihan, Pagmamahal sa Diyos

Mga Kagamitan: islogan, bond paper

Integrasyon: Filipino (Pagsasagawa ng Dula-dulaan, Pagsulat ng tula)

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ihanda ang mga mag-aaral sa pagbuo ng kaisipan sa pamamagitan ng paglalagay

ng titik sa kahon sa ibabaw ng bilang.

2. Ipagamit ang alpabetong may katumbas na bilang upang mabuo ang kaisipan.

3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

117

Page 118: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng iba’t-ibang sagot. Magkaroon ng

talakayan sa sagot ng mga mag-aaral.

Isagawa Natin (Day 2)

1. Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1. Ipasuri ang islogan.

2. Ipasuri ang sumusunod na tanong sa sinuring islogan.

3. Ipagawa sa kuwaderno ang Gawain 2.

4. Ipaproseso ang mga sagot sa paraang talakayan.

Isapuso Natin (Day 3)

2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-

aaral.

Sa bond paper, magpagawa ng isang simpleng tula tungkol sa

pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang

may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na

maisapuso ito ng mga mag-aaral.

Isabuhay Natin (Day 4)

Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang pangkatang gawain sa Isabuhay

Natin sa Kagamitan ng mag-aaral. Bigyan sila ng lima hanggang sampung minuto

upang pag-usapan sa bawat pangkat ang mga sitwasyong igagawa ng dula-dulaan.

Pumili ng lider na siyang magpapadaloy ng talakayan sa pangkat.

Pangkat 1 - Paggawa ng kabutihan sa loob ng silid-aralan.

Pangkat 2 - Paggawa ng kabutihan sa pamilya.

Pangkat 3 - Paggawa ng kabutihan sa mga kaibigan.

118

Page 119: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Subukin Natin (Day 5)

Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Natin sa pamamagitan ng paglalagay ng √

kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggawa ng kabutihan at × kung hindi.

_____ 1. Pagbibigay ng tulong sa mga nasunugan ng tirahan.

_____ 2. Magpahiram ng gamit sa taong nangangailangan ngunit walang

pambili.

_____ 3. Pagtatapon ng basura sa harap ng bahay ng kapitbahay.

_____ 4. Hindi pagsasabi ng totoo.

_____ 5. Paggalang sa opinyon ng iba.

Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling

iproseso ang kanilang mga sagot upang lubos na maunawaan nila ito.

Aralin 9 Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal at Pagpapahalaga sa Dakilang Lumikha

Layunin: Nakapagpapakita ng Ibat-Ibang paraan ng Pasasalamat sa Diyos

(EsP5PD - IVe - i 15)

Paksa/ Pagpapahalaga: Espiritwalidad / Pagmamahal sa Diyos

Kagamitan:

Ingtegrasyon:

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Pagpapakita ng larawan

2. Pagtalakay sa pamamagitan ng pag sagot sa tanong batay sa larawan

a. Paano mo ipakikita ang pag papahalaga sa kanila? Patunayan

119

Page 120: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

b. Bakit dapat mong pahalagahan ang mga likha ng Diyos tulad ng nasa

larawan?

Isagawa Natin (Day 2)

Pagsasagot sa tseklist kung saan nagpapakita ng pagtulong sa kapwa. Lalagyan

ng tsek sa angkop na kolum

Ako ba ay Madalas Minsan Hindi

Nanunukso sa

aking kaklasae

Namimintas sa

pananamit ng iba

Pagbibigay ng tanong batay sa naging sagot ng mga mag aaral.

Pagpoproseso ng mga kasagutan ng mga mag-aaral

Isapuso Natin (Day 3)

Paggawa ng isang talata . Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na iyong

iginalang o pinahalagahan, sa pamamagitan ng pagbibivgay ng tulong .

Isulat ito sa bahagi ng puso na iyong ginupit . Sa kabilang bahagi naman

ay isulat kung ano ang ginawa mo upang ipakita ang pagtulong mo

120

Page 121: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Isabuhay Natin (Day 4)

Pagpapang kat ng mga mag-aaral sa apat. At isasadula ang mga

sumusunod na sitwasyon

Pangkat1-Pagtulong sa nakatatanda

Pangkat 2-Pagtulong sa may kapansanan

Pangkat 3- Pagtulong sa mga bata

Pangkat 4-Pagtulong sa baranga

Subukin Natin (Day 5)

Sa loob ng isang talata na binubuo ng 5 pangungusap . Ipaliwanag

kung paano mo maipadarama ang pagmamalasaki sa kapwa tanda ng

pagpapahalaga sa Diyos.

121

Page 122: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na

leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan

122

Page 123: Guro Ako - Teacher Talks · Web viewMagkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang ipakita ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at

123