15
1 GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN Tingnan mo ang kapaligiran sa iyong lungsod, lalawigan, bayan at hanggang sa barangay. Ano-ano ang ikinabubuhay ng mga tao roon na may kaugnayan sa sining pang-industriya? Alam mo ba ang mga lawak, hanapbuhay at mga kabutihang natatamo sa gawaing ito? Humanda ka at marami kang matututuhan sa modyul na ito. ALAMIN MO

GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

1

GRADE VI

MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN

Tingnan mo ang kapaligiran sa iyong lungsod, lalawigan, bayan at hanggang sa

barangay. Ano-ano ang ikinabubuhay ng mga tao roon na may kaugnayan sa sining

pang-industriya? Alam mo ba ang mga lawak, hanapbuhay at mga kabutihang

natatamo sa gawaing ito? Humanda ka at marami kang matututuhan sa modyul na

ito.

ALAMIN MO

Page 2: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

2

1. Ano-ano ang ibat ibang materyales sa iyong kapaligiran na maaaring gawing

proyekto? Pagpangkat-pangkatin ang mga materyales na ito sa grupong gusto

mo. (Isulat mo sa kuwaderno).

2. Ano-ano ang mga industriya sa pamayanan na alam mo? Ilista ito sa

kuwaderno at paghambingin sa mga industriyang pag-aaral an mo sa modyul

na ito.

Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba.

Ang sining pang-industriya ay isang bahagi ng asignaturang Edukasyong

Pantahanan at Pangkabuhayn (EPP) na may apat na komponent. Ang Home

Economics (H.E.), Retail Trade (R.T), Elementary Agriculture (E.A) at Industrial

Arts (I.A). Sa Industrial Arts matututunan mo ang materyales, wastong

kagamitan, kasangkapan at pamamaraan upang makabuo ng mga

kapakipakinabang na proyekto sa paaralan at tahanan. May dalawa itong lawak,

ang gawaing kamay at pangkahalatang industriya. Ang kaalaman ng mga ito ay

mahalaga para sa iyong panimulang kaalaman at matutukoy ang mga proyektong

maaaring gawin sa bawat lawak. Marami kang magagawa na makadaragdag sa

kita na makakatulong sa iyong pamilya at pamayanan.

PAGBALIK-ARALAN MO

PAG-ARALAN MO

Page 3: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

3

Mga gawain sa sining pang-industriya at mga halimbawa ng mga gawain

sa bawat lawak.

A. PANGKAHALATANG INDUSTRIYA

1. Seramika-Sa industriyang ito, ginagamit ang pinong-pinong lupa o

clay (china clay) na binubuo sa molde, pinaiinitan sa pugon o “kiln” sa

kontroladong temperatura. Upang mapakintab ang proyekto ay

itinutubog sa kemikal o “glaze” at muling paiinitan sa “kiln”.

Kahit na ang araling ito ay kasama sa pangkahalatang industriya,

hindi pa ito lubos na naituturo sa elementary. Sa halip, mga teorya

lamang at pottery works kagaya ng mga paso ng halaman, palayok at

iba pang maliliit na proyekto.

Halimbawa:

2. Mga sining panggrapika (graphic arts)

Maraming tao ang nabibiyayaan sa hanapbuhay na ito.

Ang grapika ay nagsimula sa salitang “Grapo” na ang kahulugan

ay “letra” kaya ang mga gawain dito ay nauukol sa makasining na

pagleletra.

Page 4: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

4

Halimbawa:

3. Elektrisidad- pinag-aaralan dito ang ilang teorya hinggil sa boltahe

(volts) kuryente (current) at resistensiya (resistance) o tinatawag nating

panimulang kuwantidad sa elektrisidad. Matututuhan mo rin ang mga

uri ng sirkito, materyales at kasangkapan, mga simpleng

pagkukumpuni at paggawa ng proyekto. Napakahalaga ng gawaing ito,

sapagkat lahat ng istraktura sa ating kapaligiran ay gumagamit ng

elektrisidad. Madaming hanapbuhay ang naghihintay sa iyo kung

matututuhan mo ang gawaing ito. Pati na ang mga pangkaligtasang

prekusyon na matutuhan mo.

Halimbawa:

a. Extension light

Page 5: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

5

b. Mga uri ng sirkito sa wiring board.

4. Gawaing metal (metal craft)

Mapapansin mo na ang pangunahing materyales sa gawaing ito ay

yari sa metal o bakal. Malalaman mo ang mga panimulang

pamamaraan sa gawaing metal at paggawa ng padron ng proyekto

(pattern development) na magiging gabay sa pagbuo ng mga proyekto.

Halimbawa:

5. Gawing kahoy ( wood working)

Sa gawaing ito, matututuhan mo ang mga panimulang kaalaman at

kasanayan sa gawaing kahoy at mga proyektong maaaring gawin.

Mapapansin mo na ang mga pangunahing materyales sa proyekto ay

yari sa kahoy.

Page 6: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

6

Halimbawa:

B. GAWAING KAMAY

1. Gawaing himaymay (Fiber craft)

Sa gawaing ito, ang mga proyekto ay yari sa mga himaymay ng

abaka o yari sa mga himaymay ng mga bahagi ng katawan ng mga

hayop at iba pang kauring materyales. Napakahalaga ng mga

proyektog magagawa sa nasabing materyales na magagamit sa tahanan

at maaaring ipagbili sa pamayanan.

Halimbawa:

2. Paggawa ng laruan (Toy making)

Matutukoy mo ang mga laruang yari sa iba’t ibang, materyales na

matatagpuan sa pamayanan. Dapat mong tukuyin ang mga magagamit

na patapong materyales (recycling) upang maging kapaki-pakinabang.

Isa ito sa mga malaking pinagkakakitaan sa pamayanan.

Page 7: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

7

Halimbawa:

Paper mache laruang ibon na yari sa lata

3. Paggawa ng lambat (net making)

Sa tabing dagat at lawa marami kang makikitang lambat. May

gumagawa at may nagre-repair ng lambat (net mending). Subalit hindi

lang panghuli ng isda ang ginagawa dito kundi maraming proyekto na

kung matututunan mo ay madali mo ring maipagbibili. Tingnan ang

iba pang halimbawa.

4. Gawang katad (leather craft)

Maraming balat ng hayop ang naitatapon lamang dahil sa

kakulangan ng kaalaman sa pagpoproseso nito upang magawang

proyekto sa gawaing katad. Sa gawaing ito, malaki rin ang naiambag

nito sa mga hanapbuhay sa pamayanan. Ang ilan dito ay ang mga

sumusunod:

Page 8: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

8

5. Gawaing kabibe (sea shell craft)

Galing sa dagat ang pangunahing materyales na ginagamit sa

gawaing ito katulad ng kabibe, capiz at iba pa. Napakahalaga nito

lalo na sa mga mamamayang nakatira sa tabing dagat na

makagagawa ng mga proyektong ang materyales ay nasa kanilang

kapaligiran lamang.

Halimbawa:

6. Basketri

Sa gawaing ito, maglalala o maghahabi ka (weaving) ng kahit na

anong materyales upang makabuo ka ng isang lalagyan o sisidlan.

Maraming gamit sa tahanan na yari sa gawaing ito. Maaaring gamitin

ang kawayan, ugat ng halaman, baging (vines), dahon, at maaring

Page 9: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

9

manipis na metal para magamit sa pagbuo ng proyektong

mapakikinabangan at mapagkakakitaan.

Halimbawa:

7. Gawaing Plastik

Mapapansin mo na ang pangunahing gamit sa mga bahay ngayon

ay yari sa plastik. Maraming patapong plastik at “cellophane” ang

maaring gamiting kapakipakinabang na proyekto sa tahanan at maaring

ipagbili sa pamayanan. Malaking tulong ito sa mga mamamayang

walang pinagkakakitaan at makatutulong din ito sa “zero waste

management” ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “recycling”.

Halimbawa:

8. Gawaing Yantok (Rattan craft)

Ang mga pangunahing materyales sa mga proyekto ay yantok o

rattan. Ang mga “wicker” na rattan ang orihinal na ginagamit sa basket

o tray. Isa ito sa mga napakalaking pinagkakakitaan ng “Handicraft

industries” sa ating bansa.

Page 10: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

10

Halimbawa:

Arnis “cane” “tray” rattan chair

9. Gawaing bao (coco-shell-craft)

Ang pangunahing materyales sa mga proyekto ay yari sa bao.

Ang bao ay ginagawa ring uling na ginagamit sa pag-iihaw ng isda at

karne. Marami rin sa mga gamit sa tahanan ay yari sa bao.

Halimbawa:

Panabo ng tubig (water dipper)

Napkin holder

Page 11: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

11

Kawot (cooking dipper)

10. Gawaing kawayan (bamboo craft)

Sa gawaing kawayan napakaraming proyekto ang magagawa mo.

Maraming proyekto sa basketry at iba pang gamit sa bahay ang yari sa

materyales na ito. Gayon din, sa mga pangdekorasyon sa tahanan at

iba pang gusaling pangkalakalan ay yari din sa kawayan.

Halimbawa:

Bamboo wall vase alkansiyang kawayan

Sawali

Page 12: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

12

Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot sa mga tanong.

1. Ibigay ang dalawang lawak ng sining pang-industriya.

a.___________________

b.___________________

2. Ano-ano ang mga gawain sa pangkalahatang industriya?

a.__________________

b.__________________

c.__________________

d.__________________

e.__________________

3. Ano-ano ang mga gawain sa gawaing kamay?

a. _________________

b. _________________

c. _________________

d. _________________

e. _________________

f. _________________

g. _________________

h. _________________

i. _________________

j. _________________

SUBUKIN MO

Page 13: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

13

May dalawang lawak ang sining pang-industriya na ang bawat lawak ay may

nasasaklaw na mga gawain na nakabubuti at nakakatulong sa mga mamamayan ng

bansa.

Si Jose ay batang mag-aaral sa ika-6 na baitang. Bukod sa itinuturo ng kanyang

guro sa mga gawain sa sining pang-industriya, pilit pa niyang inaalam ang iba pang

gawain sa iba’t ibang lugar upang madagdagan ang kanyang kaalaman at kasanayan.

Anong katangian mayroon si Jose? Makabubuti ba sa kanya ang kanyang

ginagawa? Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang gagawin mo? Bakit?

Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno.

A. Punan ang puwang ng tamang sagot at isulat sa kuwaderno.

1. Gumagawa si Jose ng nilala o hinabing dahon upang makabuo ng isang

lalagyan o sisidlan. Saang industriya o lawak nabibilang ang kanyang

ginawa? _______________

2. _________________ ang gawaing tinatalakay ang boltahe, resitensiya at

kuryente.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

GAWIN MO

Page 14: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

14

3. Nagpatatak o nagpaletra si Adel ng T-shirt, saang industriya ito?

____________________

4. Kumikita si Andres ng malaki sa pagtatabas at pagbebenta ng rattan na

ginagamit sa palakasang “arnis.” Saang gawain kasama ito?

____________________

5. Ang gawaing __________________ ay pagsasagawa ng mga proyekto na

yari sa balat ng hayop.

B. Kailangang natutukoy mo ang mga gawain sa pamayanan na nakatutulong sa iyo

at sa mga mamamayan.

Lagyan ng tsek (√ ) ang mga nakakatulong na gawain at ekis (x) naman kung

hindi. Sipiin sa kuwaderno at dito gawin.

1. Paggawa ng mga proyekto sa gawaing kamay_______

2. Pagsusunog ng mga natirang materyales upang maging malinis ang

pinaggawaan_________

3. Mga industriya na pinapayagan ng pamahalaan________

4. Kahit na anong industriya na makakatawid ng gutom sa mga

mamamayan___________

5. Industriyang hindi masyadong nagdudulot ng polusyon sa

kapaligiran____________

1. Pag-ugnayin ang mga industriya sa Hanay A sa mga gawain sa Hanay B. Isulat

lamang ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan.

________1. Seramika a. bench hook, bangko

________2. Gawing bao b. dust pan na yari sa galon ng langis

________3. Gawaing yantok (motor oil)

________4. Gawaing plastik c. dust wiper, shoe brush

________5. Gawaing kahoy d. paggawa ng streamer o karatula

________6. Gawaing katad e. paglalala, paghahabi ng sisidlan

PAGTATAYA

Page 15: GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN …depedimuscity.com/portal/uploads/23.Mga_Gawain_at... · Basahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi

15

________7. Gawaing metal f. paggawa ng extension cord/

________8. Gawaing himaymay pagpapalit ng fuse

________9. Gawaing Kabibe g. water dipper/cooking dipper

_______10. Sining panggrapika h. lamp shade na yari sa capiz

_______11. Paggawa ng laruan i. tool box na yari sa yero

_______12. Paggawa ng lambat k. alkansya, sawali

_______13. Gawaing kawayan l. arnis

_______14. Basketri m. laruang ibon na yari sa lata ng gatas

_______15. Elektrisidad n. plato, tasa, inodoro

2. Sa mga nabasa at napag-aralan mo sa modyul na ito. Magbigay ng mga kabutihan

at naitutulong ng gawaing industriya sa pamayanan at sa bansa.

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging

pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-

aralan ang susunod na modyul.