23
Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 1 ng 23 Sa maraming lugar sa California, hindi ninyo maaaring ikabit ang isang sistemang solar na pambahay sa grid ng kuryente hangga’t hindi ninyo nababasa, nalagyan ng inisyal at napirmahan ang dokumentong ito. (Ang pangangailangan na pirmahan ang dokumentong ito ay hindi kailangan sa mga sistemang solar na bahagi ng pagtatayo ng bagong bahay o mga gusali na para sa pangmaramihang pamilya, at hindi ito kailangan sa mga sistemang solar thermal .) TIYAKIN NA MAY BISA ANG LISENSYA NG KONTRAKTOR NG TAGAPAGKALOOB NG SOLAR. MAG-INGAT SA MGA HINDI TOTOONG PAHAYAG! HUWAG MAGMADALI. Ang gabay na ito ay nasa wikang: Maaaring marinig ang Audio Recording sa 855-955-1535. Upang makita kung kwalipikado kayo sa mga programang solar para sa mga mababa ang kita, dumiretso sa pahina 6. Nilikha ng California Public Utilities Commission (CPUC) ang gabay na ito para magbigay ng impormasyon sa mga may- ari ng bahay na interesado sa solar para sa kanilang bahay. Ang CPUC ay ahensya ng gobyernong na nangangasiwa sa mga programang solar ng mga pribadong kumpanya ng kuryente. Para makita ang gabay na ito online, bisitahin ang: www.cpuc.ca.gov/solarguide. CALIFORNIA GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR ANG PAGLALAGAY NG SOLAR SA INYONG BAHAY AY ISANG MAHALAGANG DESISYONG PANANALAPI. HUWAG PUMIRMA NG KONTRATA HANGGA’T HINDI NINYO NABABASA ANG DOKUMENTONG ITO! Español 中文 Tiếng Việt 한국어 Tagalog TUMAWAG SA 1-866-849-8390 Inisyal ng Mamimili Dito_____________(1/4) Setyembre 2019

GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 1 ng 23

Sa maraming lugar sa California, hindi ninyo maaaring ikabit ang isang sistemang solar na pambahay sa grid ng kuryente hangga’t hindi ninyo nababasa, nalagyan ng inisyal at napirmahan ang dokumentong ito. (Ang pangangailangan na pirmahan ang dokumentong ito ay hindi kailangan sa mga sistemang solar na bahagi ng pagtatayo ng bagong bahay o mga gusali na para sa pangmaramihang pamilya, at hindi ito kailangan sa mga sistemang solar thermal .)

TIYAKIN NA MAY BISA ANG LISENSYA NG KONTRAKTOR NG TAGAPAGKALOOB NG SOLAR.

MAG-INGAT SA MGA HINDI TOTOONG PAHAYAG!

HUWAG MAGMADALI.

Ang gabay na ito ay nasa wikang:Maaaring marinig ang Audio Recording sa 855-955-1535.

Upang makita kung kwalipikado kayo sa mga programang solar para sa mga mababa ang kita, dumiretso sa pahina 6.

Nilikha ng California Public Utilities Commission (CPUC) ang gabay na ito para magbigay ng impormasyon sa mga may- ari ng bahay na interesado sa solar para sa kanilang bahay. Ang CPUC ay ahensya ng gobyernong na nangangasiwa sa mga programang solar ng mga pribadong kumpanya ng kuryente. Para makita ang gabay na ito online, bisitahin ang: www.cpuc.ca.gov/solarguide.

CALIFORNIA

GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR

ANG PAGLALAGAY NG SOLAR SA INYONG BAHAY AY ISANG MAHALAGANG DESISYONG PANANALAPI.HUWAG PUMIRMA NG KONTRATA HANGGA’T HINDI NINYO NABABASA ANG DOKUMENTONG ITO!

Español

中文Tiếng Việt

한국어

Tagalog

TUMAWAG SA 1-866-849-8390

Inisyal ng Mamimili Dito_____________(1/4)

Setyembre 2019

Page 2: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 2 ng 23

TIYAKING BASAHIN KAHIT NA ANG SUSUNOD NA 3 PAHINA LAMANGKung iniisip ninyong pumirma ng kontrata para sa isang pambahay na sistemang solar.

* Kung sa tingin mo ikaw ay naging biktima ng panlilinlang na nauugnay sa solar, iulatang insidente sa Contractors State License Board (CSLB) at 800-321-CSLB (2752) or www.cslb.ca.gov/consumers Inisyal ng Mamimili Dito_____________(2/4)

Ang karamihan ng mga nagkakabit ng sistemang solar ay tapat at makatarungan. Gayunpaman, may ilang mga hindi totoong pahayag na dapat ninyong pag-ingatan. Huwag makipagnegosyo sa isang

ahente na nagsasabi ng sa isa sa mga hindi totoong pahayag.

Madalang na libre ang enerhiyang solar. Malinaw na sasabihin ng isang tapat na kumpanya ang tungkol sa lahat ng gastos na babayaran ninyo sa paglipas ng panahon.

• May isang nabubukod lang: may ilang mga programang solar na pinondohan ng gobyerno ang nag-aalok ng libre o murang solar sa mga sambahayang mababa ang kita. Direktang pumunta sa pahina 6 para makita aling mga organisasyon na inaprubahan ng gobyerno ang nagpapatakbo ng mga programang ito.

Pagkatapos magpakabit ng solar, may babayaran kayong maliit na pagbabayaran sa kuryente kada buwan at isang mas malaking pagbabayaran sa kuryente sa katapusan ng bawat 12-buwan na siklo. Tingnan ang pahina 17 para sa halimbawa.

• Ang mga mamimili na kinuha ang pautang para sa solar o pumirma ng lease o power purchase agreement ay makakatanggap din ng buwanang bayarin mula sa kumpanyang nagpautang o nagkaloob ng solar.

• Kung gumamit ka ng PACE (Property Assessed Clean Energy) financing, magbabayad ka rin isa o dalawang beses kada taon sa inyong mga buwis sa ari-arian o buwanan kasama ng inyong bayad sa pagsangla.

Ang isang tapat na ahente ay hindi kayo kailanman mamadaliin na pumirma ng kahit ano nang hindi kayo binibigyan ng oras na pag-aralan kung ano ang pinipirmahan ninyo.

• Inaatas ng batas ng California na ipakita sa inyo ng ahente ang mga tuntunin ng kontrata bago kayo pumirma.

Makakakuha kayo ng enerhiyang solar nang libre.

Hindi na kayo magbabayad kailanman ng bayarin sa kuryente pagkatapos makabitan ng sistemang solar.

Nauubos na ang oras atdapat kang agarangpumirma sa electronictablet para makakuha ngsolar.

Mga Hindi totoong pahayag na dapat ninyong pag-ingatan

Ang Katotohanan

HINDI TOTOO

TOTOO

HINDI TOTOO

HINDI TOTOO

TOTOO

TOTOO

Page 3: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 3 ng 23

Inisyal ng Mamimili Dito_____________(3/4)

sa kopya ng kontrata sa solar at kasunduan sa pananalapi sa wikang ginamit ng ahente sa inyo.

na basahin ang buong 23- pahina ng gabay na ito bago pumirma ng kontrata.

sa isang Dokumento ng Pagsisiwalat ng Solar mula sa tagapagkaloob ng solar.

sa 3-araw na panahon ng pawalang-bisa pagkatapos pumirma ng kontrata.

Kung may tagapagkaloob ng solar na pumunta sa bahay ninyo para bentahan kayo ng mga solar panel at kausapin kayo sa wikang maliban sa Ingles (tulad ng Espanyol), may karapatan kayo sa kopya ng kontrata sa wikang iyon.Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan kayo ng tagapagkaloob ng solar ng gabay na ito sa wikang iyon.

Huwag mapilitan na basahin ang gabay na ito habang hinihintay kayo ng ahente. Pabalikin sila sa ibang araw para mabigyan kayo ng oras ng mabasa ito.

Ayon sa batas, dapat kayong bigyan ng tagapagkaloob ng solar ng nakumpletong Solar Energy System Disclosure Document na gawa ng Contractors State License Board (CSLB). Ang isang pahinang dokumentong ito ay nagpapakita sa inyo ng kabuuang halaga ng sistema ng solar na enerhiya. Mababasa ang isang blangkong salin ang dokumentong ito sa www.cslb.ca.gov/contractors/SolarSheet.aspx

Mayroon kayong kahit na tatlong araw ng negosyo para kanselahin ang kontrata para sa anumang dahilan. Maaari ninyong kanselahin ang kontrata sa pamamagitan ng pag-email, pag-mail, pag-fax, o paghahatid ng abiso sa inyong tagapagkaloob ng solar pagdating ng hatinggabi ng ikatlong araw ng negosyo pagkatapos ninyong makatanggap ng pirmado at may petsang kopya ng kontrata. Tandaan na maaaring malapat ang ibang panuntunan para sa mga kontrata na pinag-usapan sa lugar ng negosyo ng kumpanya.

Kung tumanggi ang tagapagkaloob ng solar na kanselahin ang kontrata, i-ulat sila sa Contractors State License Board sa 800-321-CSLB (2751) or www.cslb.ca.gov/consumers.

Alamin ang Inyong mga Karapatan

MAY KARAPATAN KAYO... MAY KARAPATAN KAYO...

MAY KARAPATAN KAYO... MAY KARAPATAN KAYO...

Kung mamimili kayo ng Pacific Gas and Electric Company (PG&E), Southern California Edison (SCE), o San Diego Gas & Electric (SDG&E), dapat kayong bigyan ng oras ng tagapagkaloob ng solar na basahin at pirmahan ang gabay na ito bago kayo pumirma ng kontrata para sa solar. Kung hindi kayo nila pinayagang basahin ang dokumentong ito, hindi nila makokonekta ang sistemang solar ninyo sa electric grid.

Page 4: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 4 ng 23

Ano ang numero ng lisensya ng inyong Contractors State License Board (CSLB)?

Humingi ng katibayan ng lisensya. Pagkatapos ay suriin kung may bisa ang lisensya sa pamamagitan ng pagpunta sa www.cslb.ca.gov/consumers o tumawag sa 800-321-CSLB (2752).

• Dapat aktibo ang lisensya at nasa klasipikasyong C-46 (Solar Contractor), C-10 (Electrical Contractor), o B (General Building Contractor) upang maging may bisa.

• Ang Numerong Lisensya sa CSLB ay:_______________

Kung walang bisa ang lisensya ang kontraktor ng tagapagkaloob ng solar, huwag pumirma ng kontrata sa kanila at i-ulat sila sa CSLB.

Ano ang kabuuang halaga ng sistema ng enerhiyang solar?Kung iniisip ninyong pumasok sa kasunduan sa pag-utang, pag-upa, o pagbili ng kuryente, itanong din

• May paunang bayad ba?• Magkano ang babayaran kada buwan? Kailan madadagdagan ang mga pagbabayad

na ito at magkano?

Kung iniisip ninyong mag-PACE sa pagpopondo, itanong din:

• Magkano ang babayaran ninyo isa o dalawang beses kada taon sa inyong mga buwis sa ari-arian o buwanan sa inyong bayad sa pagsangla?

• Ilang taon ninyong babayaran ang halagang ito?

Hilingin sa inyong tagapagkaloob ng solar, tagapagpautang, o tagapangasiwa ng PACE na ipakita sa inyo kung saan sa kontrata isinasaad ito kung ano ang mangyayari kapag binenta ninyo ang inyong bahay.

Tanungin ang Tagapagkaloob ng Solar ng mga Paunang Tanong na Ito

BAGO KAYO PUMIRMA NG KONTRATA

Kung ibebenta ko ang aking bahay, ano ang mga pagpipilian ko at ano ang dapat kong gawin?

Para sa ibang mahalagang katanungan sa inyong tagapagkaloob ng solar bago kayo pumir-ma ng kontrata, pumunta sa pahina 10 ng gabay na ito.

OK, nabasa ko na ang 3 pahina na ito. Ano na pagkatapos?

• Para sa sunod-sunod na hakbang sa gabay kung paano mag-solar, magpatuloy sa susunod na pahina. Inirerekumenda ito, kahit nasimulan na ninyo ang prosesong solar!

• Kung kayo ay naghahanda nang pumirma ng kontrata, lumaktaw sa “Bago Ka Pumirma” na talaan, sa pahina 22 ng gabay na ito.

Tiyaking kumuha ng

3 bids mula sa iba’t- ibang tagapagkaloob ng

solar bago kayo pumirma ng kontrata. Tignan ang pahina

9 ng gabay na ito para sa dagdag na detalye.

Inisyal ng Mamimili Dito_____________(4/4)

Page 5: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 5 ng 23

Nakakakuha ng sinag ng araw ang mga solar photovoltaic panel sa inyong bubong o pag-aari at nagagawa itong kuryente. Ito ang nagbibigay ng kuryente para sa inyong bahay, tulad ng para sa ilaw, de-kuryenteng sasakyan, at mga kasangkapan.

Bago ninyo pag-isipang magpakabit ng solar sa inyong bahay, tanungin ang sarili:

Kwalipikado ba ako para sa mga programang solar para sa mga mababa ang kita?

Kung sa tingin ninyo na maaaring kwalipikado kayo para sa programang solar para sa mga mababa ang kita, dumiretso sa susunod na pahina (pahina 6). May mga programang solar para sa mga bahay at komunidad para sa mga kwalipikadong mamimili ng PG&E, SCE, at SDG&E na mababa ang kita na maaaring makatipid sa inyo ng higit na pera nang walang pinansyal na kontribusyon.

Mabuting kandidato ba ako para sa pambubong na solar?• Naaarawan bang mabuti ang aking bubong o ito ay karaniwang nalililiman? Saang direksyon

nakaharap ang bubong? Ang mga bubong na karaniwang nalililiman o nakaharap sa hilaga ay hindi magandang kandidato para sa solar. Kung plano ninyong palitan ang inyong bubong sa lalong madaling panahon, dapat ninyong palitan ito bago magkabit ng pambubong na sistemang solar.

• Kung labis na nalililiman ang inyong bubong o hindi mahusay ang kondisyon, o umuupa lang kayo, maaaring angkop sa inyo ang mga programang solar para sa komunidad. Sa solar para sa komunidad, makakatanggap kayo ng 50-100 porsyento ng inyong kuryente mula sa mga proyektong solar sa buong California. Ang mga programang solar para sa komunidad ay nag-iiba at maaaring madagdagan ang bayarin mo sa kuryente o makatulong sa inyong makatipid. Makipag-ugnayan sa inyong tagapagkaloob ng kuryente para sa higit na impormasyon.

Ginawa ko ba munang matipid sa enerhiya ang aking bahay?Ang pagsigurong matipid sa enerhiya ng inyong bahay bago magpakabit ng solar ay makakabawas sa inyong pangkalahatang paggamit ng enerhiya at laki ng sistemang solar na kailangan ninyo, na maaaring makatipid sa inyo ng libu-libong dolyar. Tawagan ang inyong tagapagkaloob ng kuryente o tingnan ang kanilang website para sa mga gabay sa pagiging matipid sa enerhiya o payo sa kung paano makakuha ng personal na pagtatasa ng inyong bahay.

HAKBANG 1: Angkop ba sa akin ang solar?

1 3 5 7

8642

Angkop ba sa Akin ang

Solar?

Unawain ang mga Tungkulin at ang Pamamaraan ng

Solar

Maghanap ng Kwalipikadong Tagapagkaloob

ng Solar

Ikumpara ang mga Pagpipilian sa Pagpopondo

Alamin ang Tungkol sa Matitipid sa

Bayarinng Kuryente

Basahin Lahat ng Kasulatan

Isa-isahin ang “Bago ka

Pumirma” naTalaan

Pirmahan ang Gabay

na Ito

PLA

NO

PA

RA S

A S

OLA

R SA

INYO

NG

BA

HAY

1

?

?

?

Page 6: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 6 ng 23

Kung kasalukuyan kayong nakakatanggap o kwalipikado para sa nadiskwentuhang bayarin ng kuryente sa pamamagitan ng California Alternate Rates for Energy (CARE) o Family Electric Rate Assistance (FERA) na programa, maaaring kwalipikado kayo para sa isa sa mga programang ito. Kung kwalipikado kayo, ang mga programang solar na ito ay makakatipid sa inyo ng higit na pera nang may napakaliit na panganib sa inyong pananalapi.

PROGRAMANG SASH AT PROGRAMANG DAC-SASH

Pinangangasiwaan ng GRID Alternatives ang programang SASH at DAC-SASH

Ang programang SASH ay nagbibigay ng nadiskwentuhang pambubong na solar para sa mga isahang pamilya na kwalipikado pagdating sa kita. Kung kwalipikado kayo, makakakuha ang inyong pamilya ng tulong sa pagkakabit ng solar nang mura. Ang programang DAC-SASH ay dinisenyo para sa mga isahang pamilya na may-ari ng bahay na kwalipikado sa CARE- o FERA na nakatira sa disadvantaged community (DAC). Kung kwalipikado kayo, makakakuha ang inyong pamilya ng tulong sa pagkakabit ng solar.

Pumunta sa www.gridalternatives.org/qualify o tumawag sa GRID Alternatives sa 1-866-921-4696 para malaman kung kwalipikado kayo.

PROGRAMANG DAC-GREEN TARIFF

Ang programang DAC-Green Tariff ay dinisenyo para sa mga karapat-dapat na sambahayan na nakatira sa isang disadvantaged community (DAC). Maaaring mapunan ng solar generation ang 100 porsyento ng pangangailangan ng mga kalahok sa kuryente at makatanggap ng 20 porsyentong diskwento sa kanilang mga bayarin sa kuryente. Sa programang ito, hindi kailangang magkabit ng solar sa bubong ninyo. Ang solar ay nakakabit sa ibang lugar at ang mga kredito ng pagbabayaran ay nakatakda sa inyo.

Tingnan ang https://www.cpuc.ca.gov/SolarInDACs para sa higit na impormasyon sa pagiging karapat- dapat at paano mag-palista.

PROGRAMANG COMMUNITY SOLAR GREEN TARIFF

Ang programang Community Solar Green Tariff ay nagpapahintulot sa mga sambahayan sa disadvantaged community na sumuskribi sa isang solar farm sa loob ng 5 milya mula sa kanilang lugar at makatanggap ng 20 porsyentong diskwento sa kanilang mga bayarin sa kuryente.

Tingnan an https://www.cpuc.ca.gov/SolarInDACs para sa karagdagang impormasyon sa pagiging karapat-dapat at kung paano mag-palista.

Maaaring kwalipikado rin kayo sa isa sa mga programang ito kung nakatira kayo sa isang disadvantaged community (DAC). Ang DAC ay isang lugar na madalas na nagkakaroon ng polusyon mula sa iba’t ibang pinagmumulan. Upang malaman kung nakatira kayo sa isang kwalipikadong DAC, tingnan ang mapa: https://www.cpuc.ca.gov/SolarInDACs.

Kung hindi kayo mamimili ng PG&E, SCE, o SDG&E, tawagan ang inyong tagapagkaloob ng kuryente o tingnan ang kanilang website para makita kung may anumang mga pagpipilian para sa solar na maaari sa inyo na mababa ang kita.i

Mga Programang Solar na Maaari Para sa mga Mamimili ng PG&E, SCE, at SDG&E na Mababa ang Kita

Page 7: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 7 ng 23

Pambahay na Solar

Ahente

Tagapag-kaloob ng

Solar

Nagkakabit

Tagapag- pautang

Tagapangasiwa ng PACE

Inspektor ng Lungsod

o County

Tagapagkaloob ng Kuryente

Tagagawa

HAKBANG 2: Unawain ang mga Tungkulin at Proseso ng Solar

Mga Tagapagkaloob ng Solar

Ang mga tagapagkaloob ng solar ay mga kumpanya na nagbebenta sa inyo ng solar at nagpapadala ng magkakabit sa bahay ninyo. Minsan nagkakaloob din sila ng papopondo. Dapat lisensyado sila. Tingnan ang pahina 4.

Mga Inspektor ng Lungsod/County

Pumupunta ang mga inspektor ng lungsod/county sa inyong bahay upang tiyakin na maayos ang sistema para sa inyong kalusugan at kaligtasan.

Mga Tagapangasiwa ng PACE

Ang mga tagapangasiwa ng PACE ang namamahala sa mga programa ng PACE sa pag-popondo. Kailangang lisensyado sila. Tingnan ang kanilang lisensya sa https://docqnet.dbo.ca.gov/licensesearch.

Mga Nagkakabit

Ang mga Nagkakabit ay ipinadadala ng mga Tagapagkaloob ng Solar sa inyong bahay para tingnan ang mga kondisyon ng bubong, lupa at kuryente at ikabit ang sistemang solar. Dapat may lisensiya sila tulad ng Tagapagkaloob ng Solar. Tingnan ang pahina 4.

Mga Tagapagkaloob ng Kuryente

Kinokonekta ng mga tagapagkaloob ng kuryente ang inyong sistemang solar sa grid ng kuryente at ipinapadala sa inyo ang mga pagbabayaran sa kuryente na maaaring may kasamang mga pautang sa solar na bababyaran.

Mga Ahente

Ang mga ahente ay nagtatrabaho parasa mga Tagapagkaloob ng Solarat maaaring tawagan ka o kumatok sapinto mo. Dapat nakarehistro sila, nangmay ilang limitadong eksepsyon.Hilingin ang kanilang “HomeImprovement Salesperson (HIS)registration” at tingnan ito sa 800-321-CSLB (2752) o www.cslb.ca.gov/consumers.

Mga Tagapagpautang

Ang mga tagapagpautang ay nagkakaloob sa inyo ng pagpopondo kung balak ninyo umutang para sa solar o magpa- pondo sa PACE.

Mga Tagagawa

Ang mga tagagawa ay mga kumpanyang gumagawa ng kagamitang pang-solar. Sila ang nagkakaloob ng karamihan sa mga garantiya para sa solar para sa mga sistemang binili.

2

Page 8: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 8 ng 23

Kayo.................... ang magpapasya kung angkop para sa inyo ang pambubong na solar (pahina 5)Kayo.................... ang kukuha ng pagtatasa ng enerhiya sa bahay para gawing mas matipid sa enerhiya ang inyong bahay (pahina 5)Kayo.................... ang titingin sa mga programang solar para sa mababa ang kita para makita kung kwalipikado ka yo (pahina 6)Kayo.................... ang magsasaliksik ng mga Tagapagkaloob ng Solar at magkumpara ng kahit 3 bid (pahina 9)Ang Tagapagkaloob ng Solar..............

ang nagbibigay sa inyo ng kontrata at Dokumento ng Pagsisiwalat tungkol sa Solar, at itong Gabay sa Mamimili

Kayo.................... ay kwalipikado para sa pag-popondo (kung kinakailangan)Ang Tagapagpautang... ang nagsusulat ng kasunduan sa pag-popondo (kung kinakailangan)

Kayo.................... ang magsusuri ng kontrata at Dokumento ng Pagsisiwalat tungkol sa Solar, at anumang kasunduan sa pag-popondo (pahina 19)

Kayo.................... ang mag-iisa-isa sa listahan sa pahina 22 ng Gabay sa Mamimili ng Solar na ito

Kayo..................... ang pipirma sa Gabay sa Mamimili ng Solar na ito, kontrata para sa solar, at kasunduan sa pag-popondo

Ang Nagkakabit..... ay magsasagawa ng pagbisita sa bahay para kumpirmahin ang mga palagay atsuriin ang mga kondisyon ng bubong, lupa at kuryente

Ang Tagapagkaloob ng Solar... ang gagawa ng panghuling disenyo ng sistema at hihingi ng pahintulot ng gusali sa lungsod o county

Ang Nagkakabit............. ang magkakabit ng sistemang solar (pagkatapos lang matanggap ang pahintulot ng lungsod/county)Ang Inspektor ng Lungsod/County..... ang mag-iinspeksyon ng pagtalima ng sistema para sa pahintulot ng gusali

Ang Tagapagkaloob ng Solar................. ang mabibigay ng aplikasyon sa tagapagkaloob ng kuryente para ikabit ang sistemang solar sa grid

Ang Tagapagkaloob ng Solar................. ang magbibigay ng pag-sang-ayon sa inspeksyon ng lungsod /county sa tagapagkaloob ng kuryente

Kayo.............................. ay mag-bubukas lang ng sistema pagkatanggap ng nakasulat na pag-sang-ayon mula sa tagapagkaloob ng kuryente

Ang Tagapagkaloob ng Kuryente..........

ay magpapadala sa inyong unang pagbabayaran ninyo ng kuryente na may mga solar/net energy metering credit (pahina 17)

Ang Tagapagpautang/Tagapagkaloob ng Solar... ay magpapadala sa inyo ng unang pagbabayaran para sa sistemang solar o enerhiyang solar*

Pangkalahatang-ideya sa Pangkaraniwang Proseso ng Solar na Pambubong

BAGO KAYO PUMIRMA NG KONTRATA

PAGKATAPOS KAYONG PUMIRMA NG KONTRATA

hindi ka makakatanggap ng bayarin mula sa Tagapagpautang o Tagapagkaloob ng Solar (ang huling hakbang sa itaas). Sa halip, ang inyong mga pagbabayad ay nakatakda isa o dalawang beses kada taon kasama ng inyong mga buwis sa ariarian o buwanan kasama ng pagbabayad sa pagkakasangla.

Karaniwang tumatagal nang 1 hanggang 3 buwan pagkatapos mong pumirma ng kontrata bago makabit ang sistemang solar sa bahay mo.

Pagkatapos makabit ang sistemang solar, karaniwang tumatagal ng 2-3 linggo bago makuha ang pag-apruba mula sa inyong tagapagkaloob ng kuryente para i-on ang inyong sistema. Maaaring mas tumagal ito depende sa mga kalagayan mo.

*KUNG GUMAMIT KAYO NG PAGPOPONDO NG PACE ,

Page 9: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 9 ng 23

HAKBANG 3: Maghanap ng Kwalipikadong Tagapagkaloob ng Solar*Para sa mga programa at tagapagkaloob ng solar para sa mababa ang kita, dumiretso sa pahina 6.

Maghanap ng mga Tagapagkaloob ng Solar na Naglilingkod sa Lugar Ninyo

Pumunta sa www.cslb.ca.gov, isang website ng gobyerno, at i-click ang “Maghanap ng Lisensyadong Kontraktor Ko” maghanap sa kanang bahagi ng pahina. Ilagay ang inyong lungsod at isa sa mga sumusunod na klasipikasyon ng lisensya: C-46 (Solar Contractor), C-10 (Electrical Contractor), o B (General Building Contractor).

Pumunta sa www.CaliforniaDGStats.ca.gov, isang website na pinondohan ng gobyerno, para ilagay ang inyong zip code at makita ang listahan ng mga Tagapagkaloob ng Solar at mga halaga ng kamakailang pagkabit. Tandaan na ang mga halagang ito ay hindi napatotohanan ng gobyerno.

Tingnan kung mayroong County Contractors Association ang inyong county na may mga lisensyadong Tagapagkaloob ng Solar.

Tanungin anginyong mga kaibigan atkapitbahay nanagpakabit ngsolar nang kahit nitong nakaraang taon kung may mairerekumenda sila na Tagapagkaloob ng Solar at bakit.

Paliitin ang Listahan ng mga Kwalipikadong Tagapagkaloob ng Solar

Una, tiyakin na ang mga iniisip ninyong Tagapagkaloob ng Solar ay may lisensya mula sa CSLB na may bisa. Hindi legal para sa mga Tagapagkaloob ng Solar at ang kanilang mga Nagkakabit na magsagawa ng negosyo nang walang lisensya.

• Pumunta sa Contractors State License Board (CSLB) na website sa www.cslb.ca.gov/consumers o tumawag sa 800-321-CSLB (2752) para makita kung aktibo at may bisa ang mga lisensya ng Tagapagkaloob ng Solar at Nagkakabit. Ang mga lisensya ay dapat nasa klasipikasyong C-46 (Solar Contractor), C-10 (Electrical Contractor), o B (General Building Contractor).

Alamin kung gaano katagal na sa negosyo ang kumpanya at ilan na ang nakabit nila.

Tingnan ang mga pinagkakatiwalaang repaso ng mga mamimili sa website online. Dahil ang ilang website ay may kinikilingan, tumingin ng ilang magkakaibang website para tiyakin na hindi nagbabago ang mga repaso.

Magandang senyales kung ang mga kumpanya ay kumukuha ng mga nagkakabit na sertipikado ng North American Board of Certified Energy Practitioners (NABCEP), isang mataas na pamantayan sa industriya.

Kumuha ng mga Bid mula sa Kahit na 3 Kwalipikadong Tagapagkaloob ng Solar at Tanungin Sila

Matapos ninyong mapaliit ang listahan ng mga Tagapagkaloob ng Solar, humingi ng alok/tawad o pagpepresyo.• Tandaan na ang pinakamainam para sa inyo ay hindi kinakailangan ang pinakamurang alok/tawad.

Ang masyadong mababa na alok/tawad ay maaaring nagpapahiwatig na nagtitipid sa ilang bagay ang Tagapagkaloob ng Solar.

Huwag mag-atubiling magtanong sa mga Tagapagkaloob ng Solar nang deretsahan. Ang isang kwalipikadong kumpanya ay masisiyahang sagutin ang lahat ng ito. Isang listahan ng mga halimbawang tanong ay nasa susunod na pahina.K

UM

UH

A N

G

MG

A B

IDM

AG

HA

NA

P N

G

TAG

APA

GK

ALO

OB

PALI

ITIN

AN

G P

AG

PIPI

LIA

N3

Page 10: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 10 ng 23

Mabuting kandidato ba sa solar ang aking bubong? Bakit?

Kailangan bang palitan ang bubong ko bago magkabit ng mga solar panel?• Kung oo, magkano aabutin iyon, sino gagawa, ano ang numero ng lisensya nila, at may garantiya

ba para sa bubong?Bakit ninyo pinili ang partikular na disenyo at laki na ito para sa sistemang solar na inirerekumenda ninyo sa akin?

• Tandaan na ang isang sistema na sinukat para masaklawan ang lahat ng mga pangangailangan ninyo sa kuryente ay hindi siyang laging pinakamabuting pamuhunanan. Pangkaraniwan, ang isang sistema ay sinusukat sa humigit-kumulang sa 80-85 porsyento ng inyong paggamit ng kuryente noong nakaraang taon.

Ano ang mga hakbang na isasagawa ninyo para tiyakin na walang tulo ang bubong ninyo?

Humigit-kumulang magkano ang magiging halaga ng pagtanggal at muling pagkakabit ng mga panel kung kailangan kong palitan ang bubong ko sa hinaharap, kabilang ang mga bayarin sa inspeksyon?

Ano ang numero ng lisensya ng kontraktor ng inyong kumpanya mula sa Contract State License Board (CSLB)? Ano ang numero ng lisensya ng kontraktor ng Nagkakabit?Isa-subcontract ninyo ba sa iba pang kumpanya ang pagkabit ng sistemang solar? Kung oo, ano ang kanilang numero ng lisensya ng kontraktor mula sa CSLB?

Gaano katagal na kayo sa negosyo at ilang sistema na ang nakabit ninyo?

Makapagbibigay ba kayo sa akin ng 3 masasangguning mamimili na matatawagan o mabibisita? Ang mga mamimili na ito ay dapat nakabitan ng solar nang hindi bababa sa isang taon ang nakalipas.

? Mga Itatanong sa Tagapagkaloob ng Solar Bago Kayo Pumirma ng Kontrata

KARANASAN NG KUMPANYA

May mga garantiya ba para sa mga panel at inverter?• Kung oo, gaano katagal ang mga ito at sino ang kokontakin para palitan ang mga piyesang ito?• Kung nasira ang kagamitan tulad ng inverter pagkatapos ng panahon ng garantiya, magkano

aabutin ang pagpapalit?

May mga garantiya ba para sa labor/construction?

Kasama ba sa kontrata ang mga pagkukumpuni at pagpapanatili? Kung oo, sino ang dapat kong kontakin para sa mga pagkukumpuni?

Masusubaybayan ko ba ang pagganap ng sistema sa sandaling makabit ito? Kung oo, paano?

Nagkakaloob ba ang tagapagkaloob ng solar ng minimum na ginagarantiyang kuryente (pangkaraniwan sa mga lease at power purchase agreement)?

• Kung oo, paano ako mababayaran kung hindi gumagawa ang sistema ng kasingdaming kuryente tulad ng ipinangako sa kontrata?

DISENYO AT BUBONG

MGA GARANTIYA AT PAGGANAP NG SISTEMANG SOLAR

Page 11: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 11 ng 23

Kailan ninyo iminumungkahing simulan at tapusin ang pagkakabit ng solar sa bubong ko?

Pagkatapos ng pagkakabit, humigit-kumulang gaano katagal aabutin bago maipadala sa akin ng aking tagapagkaloob ng kuryente ang nakasulat na pag-apruba para i-on ang sistema ko?

Anong mga sitwasyon ang magpapahintulot sa akin na makawala mula sa kontrata?

Mas mahihirapan ba akong ibenta o i-refinance ang aking bahay kapag may sistemang solar?

Para sa mga pag-upa, power purchase agreement (PPAs), at PACE financed na mga sistema:• Ano ang mangyayari kung hindi gusto ng bibili ng bahay ang sistemang solar o hindi siya

kwalipikadong ipagpatuloy ang lease ko, PPA, o PACE financed na sistema?• May mga bayarin ba kung kailangan kong tapusin ang kontrata nang maaga para ibenta bahay ko?• May mga bayarin ba para sa paglilipat ng lease, PPA, o PACE financing sa bagong may-ari ng

bahay?

Gusto mo bang malaman ang mga dapat itanong tungkol sa pag-utang o pagpopondo?Magpatuloy sa pagbabasa dahil ang mga ito ay nasa mga sumusunod na bahagi!

Mayroon bang patakaran sa pagseseguro (insurance policy) na kasama ang sistemang solar, o kailangan ko bang kumuha ng karagdagang seguro para sa may-ari ng bahay? Tandaan na ito ay lalong mahalaga kung nakatira kayo sa mga lugar na madaling kapitan ng sunog.Ano ang mga obligasyon ko sa kontrata kung hindi na gumana ang aking sistemang solar dahil sa sakuna tulad ng lindol o sunog?Sino ang may karapatang mag-angkin ng mga benepisyo sa kapaligiran ng kuryenteng ginawa ng system ko? (Tingnan ang “Makakuha ng Environmental Credit para sa Ginawa Mong Hakbang Para sa Kapaligiran” sa pahina 18).

Mag-ingat sa tagapagkaloob ng solar na nagsasabi sa inyo na libre ang solar – hindi ito totoo. Tingnan ang pahina 2 para sa higit na impormasyon sa mga hindi makatotohanang pahayag.

Ipaliwanag sa akin kung bakit ang pagtatantya sa natitipid sa bayarin ng kuryente ay hindi garantiya.

Bagaman patuloy kong babayaran ang aking mga bayarin sa kuryente matapos maging solar,makakatanggap ako ng mga solar bill credit sa aking bayarin sa kuryente. Paano ito gumagana?

May opsyon ba na bayaran ang aking bayarin sa kuryente nang buwanan sa halip na taunan, para mas pantay ang mga halaga sa buong taon? Paano ako mag-sign up?

Anong singil ng kuryente ang inirerekumenda ninyo para magpalit ako sa solar, at bakit?

Gaano katagal ako sa singil na iyon, at paano ko makukumpara o mababago ang mga singil sa website ng aking tagapagkaloob ng kuryente?Nag-aalok ba ang tagapagkaloob ng kuryente ko ng espesyal na mga singil para sa mga mamimili ng solar?

NOVEMBER

14

MGA PAGTATANTYA NG NATITIPID SA KURYENTE (tingnan ang pahina 17)

MGA EPEKTO SA PAGBEBENTA NG BAHAY MO SA HINAHARAP

TIMELINE (tingnan ang pahina 8)

Page 12: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 12 ng 23

HAKBANG 4: Ikumpara ang Inyong mga Mapapagpiliiang Pagpopondo

Pagbili (Cash o Utang)

PACEna

pagpopondoLease

Power Purchase

Agreement (PPA)

Pinaka-karaniwang Pagpipilian

sa Solar Pagpopondo

Mabilis na Pagkumparang Pinansyal

Pagbili gamit ang Cash o Pautang

• Karaniwan na mas malaking balik sa puhunan.

• Kung inutang mo ito, maliit o walang mga babayaran nang deretsahan.

• Maaaring tumaas ang halaga ng bahay.

• Maaari kang direktang makatanggap ng mga kredito at bawas sa buwis. Sumangguni ng propesyonal sa buwis para malaman kung kwalipikado kayo.

• Karaniwan na responsible ka sa mga pagkukumpuni at pagpapanatili. Maaaring kabilang dito ang pagkontak sa iba’t ibang manufacturer, na maaaring magsara sa panahon ng 10- 20 taong buhay ng piyesa.

• Ang ilang mga pautang para sa solar ay maaaring maglagay ng prenda sa inyong ari-arian. Sa mga ganitong kaso, kung hindi ka magbayad, maaaring magresulta ito sa pagreremata o gawing mas mahirap ibenta ang inyong bahay o magpanibago ang inyong pagpopondo

PROS CONS

4

Page 13: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 13 ng 23

BUM

ILI

PACE na pagpopondo

• Kaunti o walang mga deretsahang gastos.

• Maaaring mas mahaba ang nakalaang panahon ng pagbabayad kaysa sa tipikal na utang para sa pagpapaganda ng bahay, na maaaring mas kanais-nais.

• Maaari kayong direktang makatanggap ng mga kredito at pagbawas sa buwis. Sumangguni sa isang propesyonal ng buwis para malaman kung kwalipikado kayo.

• Ang pagpopondo ng PACE ay nagreresulta sa unang pagkauna na karapatan para kumuha at magharang sa inyong ari-arian. Maaaring kailanganin sa inyo ng bangko na bayaran ang pagtatasa ng PACE bago mag-panibago ng pagpopondo.

• Kung hindi ninyo matupad ang mga pagbabayaran sa PACE, maaari itong magresulta sa pagreremata o pagiging mas mahirap ibenta ang inyong bahay o magpanibago ng pagpopondo ng pagkakasangla.

• Kayo ang karaniwang mananagot para sa mga pagkukumpuni at pagpapanatili. Maaaring kabilang dito ang pakikipag-alam ng iba’t ibang tagagawa, na maaaring magsara sa panaho ng 10-20 taong buhay ng piyesa.

Lease and PPA

• Kaunti o walang deretsahang gastos.

• Ang Tagapagkaloob ng Solar ang mananagot sa lahat ng pagsusubaybay, pagpapanatili, at pagkukumpuni.

• Madalas na ginagarantiya ang pinakamaliit na dami ng enerhiyang magagawa.

• Maaaring maging mas kumplikado ang pagbebenta ng bahay kapag may nabiling sistema. Karaniwan sa mga pagpipilian ang: dapat sumang-ayon ang bagong may-ari na ipagpatuloy ang pag-upa/kasunduan, patuloy kayong magbabayad, o bayaran ninyo nang buo ang pag-upa/kasunduan, na maaaring umabot ng libu-libong dolyar.

• Ang Tagapagkaloob ng Solar ay maaaring magsara sa loob ng panahon ng kontrata.

PROS CONS

Maaari kang bumili ng sistemang solar mula sa Tagapagkaloob o Manufacturer ng solar sapamamagitan ng utang o cash. Sa paraang ito, ikaw ang nagmamay-ari ng kinabit na sistema. Kabilang sa mga uri ng pautang ang:

• Mga pagkautang na may seguridad: kailangan dito ang isang pagmamay-ari na magiging panggarantiya o collateral para sa pautang -kadalasang ang panggarantiya o collateral ay ang sistemang solar.

• Mga pagkautang na walang seguridad: hindi nito kailangan ang anumang collateral, tulad ng credit card.

Kadalasang mas ginugusto ang unsecured loan dahil karaniwang mas mababa ang interes nito.

Marami sa mga Tagapagkaloob ng Solar ay may kasosyong tagapagpautang na nag-aalok ng mgapautang para sa solar, pero kailangan mo pa ring ikumpara sa mga bangko at credit union. Ikumparaang mga alok para tiyakin na makatuwirang interes ang inaalok sa inyo.

Masusing Pag-aaral ng Pagbili (gamit ang cash o pautang)

Page 14: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 14 ng 23

Kung nagkabit ka at nagmamay-ari ng sistemang solar pagdating ng katapusan ng 2019, may 30 porsyentong pampederal na credit sa buwis na maaari (na tinutukoy ding “ITC”). Bababa sa 26 na porsyento ang mga pampederal na credit sa buwis para sa mga system na ikakabit sa 2020, 22 porsyento para sa mga sistema na ikakabit sa 2021, at 0 porsyento para sa mga sistema na ikakabit pagkatapos ng 2021. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa ITC o kung maaaring ibawas sa buwis ang pag-utang, kumausap ng isang Certified Public Accountant (CPA) para sa payo sa buwis.

Maliban kung bumili ka ng plan para sa pagpapanatili o may kasamang ganito ang sistema mo, ikaw ang mananagutan para sa anumang mga pagpapanatili at pagkukumpuni. Itabi ang mga garantiya ng kagamitan, lalo na ang para sa inverter, na maaaring kailangang palitan sa lalong madaling panahon kaysa sa ibang kagamitan. Kung ibebenta mo na ang bahay mo, humanap ng mga ahente at appraiser ng real estate na may karanasan na magbenta ng mga bahay na may solar. Maaari mong isama ang sistema sa pagbenta ng bahay tulad ng anumang pangunahing kagamitan sa bahay.

BUM

ILI

Ang PACE ay isang opyson ng pagpopondo na maaari sa ilang lugar sa California. Sa isang PACE na pagpopondo na kaayusan, ang Tagapangasiwa ng Programa ng PACE ang magpopondo ng mga paunang gastos ng sistemang solar, na babayaran mo sa pamamagitan ng pagtatasa sa inyong bayarin sa buwis ng ari-arian. Sa PACE na pagpopondo, ikaw ang nagmamay-ari ng sistemang solar.

Ang tagal ng PACE financing ay para sa nakatakdang panahon, karaniwang mga 10-30 taon, at ito ay nakakabit sa inyong bahay. Kung binenta mo ang bahay bago mo pa nabayaran nang buo ang pagtatasa ng PACE, maaaring kailanganin sa inyo ng bibili na bayaran ang pagtatasa, na siyang natitira sa balanse, at maaaring abutin ng libu-libong dolyar. Ang ilang mga tagapagpautang batay sa pagkasangla (mortgage lender) ay hindi magpapautang sa mga bumibili para bumili ng ari-arian na may prenda ng PACE maliban kung bayad na ang buong pagtatasa.

Hindi tulad ng mga Lease at Power Purchase Agreement na kailangan ng buwanang pagbabayad, ang mga pagtatasa ng PACE ay karaniwang nakatakda ng isa o dalawang beses kada taon, sa mas malalaking halaga, kasama ng inyong mga buwis sa ari-arian. Batay sa natatanging kaayusan na ito, mahalagang maunawaan kung magkano ang magiging utang mo at kailan, para makapagtabi ka ng sapat na pera sa buong taon para sa halagang iyon.

Kung nakasangla ang bahay mo at karaniwan mong binabayaran ang inyong buwis sa pamamagitan ng

PAC

E

(Pro

pe

rty

Ass

ess

ed

Cle

an

Ene

rgy)

Ano ang kabuuang halaga ng pautang sa buong panahon ng kontrata?

Magkano ang babayaran ko agad, magkano sa buong panahon, at gaano katagal?

Ano ang rate ng interes? Ano ang aking annual percentage rate (“APR”)?

Sino ang magiging kaugnayan ko para sa mga tanong tungkol sa pagbabayad ng aking utang?Mas magiging mahirap ba na ibenta o i-refinance ang bahay ko kung may utang ako para sa solar? Kailangan ko bang bayaran nang buo ang aking utang? Sino ang kokontakin ko?

Mga Dapat Itanong sa Tagapagpautang Tungkol sa Pagbili ng Sistemang Solar gamit ang Pautang:?

?

?

?

?

?

Masusing Pag-aaral ng PACE (Property Assessed Clean Energy)

Page 15: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 15 ng 23

eskrow o impound account, maaaring taasan ng kumpanya ng pagsasangla ang halaga na binabayaranmo kada buwan para masaklawan ang idinagdag sa inyong bayarin ng buwis sa ari-arian. Talakayin kung paano maaapektuhan ng PACE ang iyong buwanang pagbayad sa pagsangla bago ka pumirma ngkasunduan.

Dapat mong malaman na kung nabigo ka sa inyong mga pagbabayad sa PACE na kasama sa mga buwis o pagsangla mo sa ari-arian, maaaring maremata ang bahay mo.PA

CE

(itin

ulo

y)

Ano ang kabuuang halaga ng pag-finance sa buong panahon ng kontrata?

Magkano ang magiging utang ko para sa PACE financing kapag nagbayad ako ng aking pagkakasangla o mga buwis sa ari-arian?

Ilang beses sa isang taon ko dapat bayaran ang pagbabayad sa PACE?

Ano ang mangyayari kung gusto kong ibenta o i-refinance ang bahay ko? Magiging mas mahirap bang magbenta o mag-refinance kung may PACE? May anumang dapat ba akong gawin sa kumpanya ng pagsangla?

Ano ang mga multa sa pagkabigong magbayad ng pagtatasa sa oras?

Sino ang dapat kong kontakin kung may mga problema ako sa pagbabayad ng aking PACE?

Mga Dapat Itanong sa Tagapangasiwa ng Programa ng PACE Tungkol sa Sistema na Pinondohan ng PACE:?

?

?

?

?

?

?

Sa isang Lease, ang Tagapagkaloob ng Solar ang nagmamay-ari ng sistema sa inyong ari-arian at“ipinapaupa” ito sa inyo sa itinakdang panahon. Ikakabit ng Tagapagkaloob ng Solar ang sistemangsolar sa inyong bahay, at magsasagawa ka ng nakatakdang oras na buwanang pagbabayad kapalit ng lahatng nagagawang kuryente ng sistema. Ang karaniwang tagal ng kontrata ng lease ay 20-25 taon.

Sa isang Power Purchase Agreement (PPA), ang Tagapagkaloob ng Solar ang nagmamay-ari ng system sa inyong ari-arian at binebenta sa iyo ang kuryenteng nagagawa nito. Ang mga PPA ay katulad ng mga Lease, maliban lang na sa halip na magsasagawa ka ng nakapirming buwanang pagbabayad para sa sistema, karaniwan mong binabayaran ang lahat ng kuryente na nagagawa ng sistemang solar (nakapirming rate na per-kilowatt-hour). Nakasaad sa kontrata ang singil ng kilowatthour na babayaran mo sa unang taon at kada taon pagkalipas noon. Ang singil na ito ay mas mababa sa pangkalahatan sa inyong kasalukuyang singil ng kuryente. Ang karaniwang tagal ng kontrata ng PPA ay 20-25 taon.

• Kung binenta mo ang inyong bahay bago matapos ang Lease o kontrata sa PPA, kailangan mong bayaran ang Tagapagkaloob ng Solar sa natitirang halaga ng Lease o PPA o ilipat ang kontrata sa bagong may-ari ng bahay. Tiyaking nauunawaan mo ang mga partikular na tuntunin ng kontrata, dahil ang pagbabayad ng buong Lease o PPA ay maaaring abutin ng libu-libong dolyar.

• Ang mga pagbabayad para sa mga Lease o PPA ay tipikal na madadagdagan ng partikular na halaga kada taon batay sa “escalation clause” o “escalator.” Ang mga escalator ay karaniwang nasa hanay ng 1 hanggang 3 porsyento na patong sa singil na binayaran mo noong nakaraang taon. Maging maingat sa pagpasok sa isang kontrata na may escalator na mas mataas dito.

• Maaaring may iba’t ibang paraan para maayos ang mga Lease at PPA, tulad ng pagbayad ng higit pa sa umpisa para mabawasan ang inyong mga buwanang pagbabayad.

LEA

SE A

ND

PO

WER

PU

RCH

ASE

AG

REEM

ENT

Masusing Pag-aaral ng Lease at PPA (Power Purchase Agreement)

Page 16: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 16 ng 23

Ano ang kabuuang halaga ng sistemang solar o enerhiyang solar sa buong panahon ng kontrata?

Magkano ang aking babayaran sa umpisa, magkano sa paglipas ng panahon, at gaano katagal?

Madadagdagan ba ang aking babayaran paglipas ng panahon? Gaano kalaki ang itataas, at gaano kadalas?May opsyon ba na mag-down payment para mabawasan ang babayaran ko kada buwan (para sa Lease) o kilowatt-hour rate (para sa PPA)?

Ano ang mangyayari kung nais kong tapusin nang maaga ang Lease o PPA?

Kung maaga kong tatapusin ang kasunduan, magbabayad ba ako ng balloon payment at/o singil para sa maagang pagtatapos ng kontrata? Kung oo, magkano ang magiging utang ko?

Magiging mas mahirap bang ibenta o i-refinance ang aking bahay kapag may Lease o PPA?

Mga Dapat Itanong sa isang Tagapagpautang o Tagapagkaloob ng Solar Tungkol sa Lease o PPA?

?

?

?

?

?

?

?

HAKBANG 5: Alamin ang Tungkol sa Matitipid sa Bayarin ng Kuryente

Ang pagtatantya sa matitipid sa bayarin ng kuryente ay isang paghula batay sa kaalaman tungkol sa magkano ang matitipid mo kapag may pambubong na solar. Narito ang ilang dahilan kung bakit maaari na mas mababa ang matitipid mo kaysa sa pagtatantya:

Bago ka pumirma ng kontrata, tanungin ang sarili: kung maging mas mababa ang natitipid kaysa sa tinantiyang matitipid kada buwan o kada taon, may katuturan pa rin ba sa akin ang pagkuha ng pambubong na solar?

Hindi Naggagarantiya ng Katipiran ang mga Pagtatantya ng Matitipid sa Bayarin ng Kuryente

Ang mga pagtatantya sa matitipid sa kuryente ay batay sa ilang di siguradong salik, tulad ng inyong paggamit ng enerhiya sa hinaharap. Halimbawa, kung lumalaki ang inyong pamilya, bibili ka ng de-kuryentengsasakyan, o tataas ang paggamit mo ng aircon sa tag-init, tataas din ang paggamit mo ng enerhiya kasabay ng inyong bayarin sa kuryente.

Ang mga halaga at singil ng kuryente ay maaaring magbagopaglipas ng panahon. Maaaringkailanganin kayo ng tagapagkaloob mo ng kuryente na magbago ng singil sa susunod, na siyang magpapabago ng halagang matitipid mo.

Kung ibebenta mo ang inyong bahay, maaaring magkaroon kayo ng karagdagang mga gastusin. Halimbawa, kung hindi nais ng bumibili na ipagpatuloy ang Lease o Power Purchase Agreement, maaaringkailanganin mong bayaran ang buong kontrata, na maaaring abutin ng libu-libong dolyar.

5

Page 17: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 17 ng 23

PAANO MAGKAKAROON NG KATIPIRAN SA BAYARIN NG KURYENTEMay espesyal na kaayusan sa iyong tagapagkaloob ng kuryente na tinatawag na Net Energy Metering (NEM). Pinahihintulutan ka ng NEM na makakuha ng pinansyal na credit sa inyong bayarin sa kuryente kapag ang inyong sistemang solar ay nagpadala ng kuryente pabalik sa grid pagkatapos na matustusan ang mga pangangailangan sa kuryente ng inyong bahay. Kadalasan, ang credit na ito ay tinatayang katumbas ng retail na halaga ng enerhiya. Nangangahulugan ito na ibabawas sa inyong bayarin ang humigit-kumulang sa parehong halaga na sisingilin dapat sa inyo ng tagapagkaloob ng kuryente para sa kuryente noong panahong iyon.

Dahil hindi laging sumisinag ang araw, ang mga mamimili ng solar ay umaasa rin sa kuryente mula sa kanilang tagapagkaloob ng kuryente. Pagkatapos maikonekta sa grid ang iyong sistemang solar, ang inyong buwanang bayarin sa kuryente ang magbubuod ng gaano karaming kuryente ang kinuha o “nagamit” mo mula sa inyong tagapagkaloob ng kuryente, at kung gaano karaming kuryente ang ipinadala o “na-export” ng iyong sistemang solar sa grid.

Kung mas marami ang kinuha mo mo kaysa sa ipinadala mo sa grid sa anumang buwan, may makikita kang pangkalahatang singil sa inyong bayarin. Kung mas marami ang ipinadala mo kaysa sa kinuha mo, may makikita kang pangkalahatang credit o pagbawas. Karaniwan, maaaring gamitin ang mga credit sa bill sa susunod na buwan, at ang mga singil sa paggamit ng kuryente ay hindi kailangang bayaran hanggang sa katapusan ng 12-buwan na siklo. Tandaan na maraming mga tagapagkaloob ng kuryente ang humihiling sa mga mamimili ng solar na magbayad ng minimum kada buwan tulad ng iba pang pinakamaliit. Ang minimum bayarin na ito ay maaaring magbago paglipas ng panahon.

Ang mga mamimili ng solar ng PG&E, SCE, at SDG&E ay kailangang umayon sa time-of-use (TOU) na singil. Ang TOUna singil ay maniningil ng iba-ibang presyo para sa kuryente depende sa oras. Karaniwang mas mataas ang mga presyo sapagitan ng 4 n.h. at 9 n.g., na tinatawag na “peak” hours, at mas mababa sa ibang oras at sa gabi sa panahon ng “off peak” hours.

Karaniwan, sa katapusan ng 12-buwan, makakatanggap ka ng Bayarin na Pang-areglo, na tinatawag ding “True Up” bill, na isinasaad ang lahat ng mga credit (pagbawas) at mga singil. Bagaman mapapababa ng pagiging solar ang inyong mga gastusin sa kuryente, nagkakautang pa rin ang karamihan sa mga mamimili sa tagapagkaloob ng kuryente sa katapusan ng 12 buwan. Tingnan ang litrato sa ibaba na nagpapakita ng halimbawa ng bayarin ng kuryente sa buong 12-buwang siklo para sa isang mamimili na may solar.

Ang ilang mga tagapagkaloob ng kuryente ay nagbibigaysa inyo ng pagpili ng pagbayad ng bayarin kadabuwan sa halip na kada taon. Kung pinili mo ang buwan, mas magiging pantay ang pagkakahati-hati ng iyong mga babayaran sa buong 12 buwan, at hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa maaaring napakalaking bayarin na darating isang beses kada taon. Linawin sa inyong Tagapagkaloob ng Solar kung nais mo ang buwanang opsyon, at i-double-check sa inyong tagapagkaloob ng kuryente na pinili ang tamang pagpipilian.

Bagaman madalang, kung mas marami ang ipinadalamong kuryente kaysa sa kinuha mo sa buong 12 buwan,ikaw ay karaniwang karapat-dapat na mabayaran ng "net surplus compensation," na humigit-kumulang sa 2 hanggang 3 sentimo kada kilowatt-hour. Dahil mas mababa ang singil na ito kaysa sa retail rate, sa

NEM at ang Inyong Bayarin sa Kuryente

Pang-12 Buwan na Bayarin ng Pang-areglo

$

$600

$400

$200

$10 $10 $10 $10 $10 $10 $10 $10 $10 $10 $10

$560

Ito ay isang halimbawa ng Bayarin ng Pang-areglo (Settlement), o “True Up,” na Bill ng Kuryente. Maaari itong lumabas sa magkaibang buwan para sa inyo.

Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis

HALIMBAWA NG BABAYARAN, O (“TRUE UP”) BILL NG KURYENTE

Page 18: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 18 ng 23

Pagkuha ng Credit sa Kalikasan para sa Pagpunta sa Green

Kung ang isang sistema ng tirahang solar ay gumagawa ng kuryente, ang sistema ay karapat-dapat na makatanggap ng Renewable Energy

Certificates, o "RECs," na mga sertipiko na kumakatawan sa nababago na enerhiya na nalilikha. Kung bumili ka ng isang solar na sistema,

nagmamay-ari ka ng mga karapatan sa mga REC na ito at maaaring gawin ang paghahabol na gumagawa ka ng malinis na enerhiya at maiwasan ang paglabas ng mga gas ng greenhouse sa pamamagitan ng pagpunta ng solar. Gayunpaman, kung nagpasok ka ng Lease o PPA, maaaring sabihin ng kontrata na ang Solar Provider o may ibang nagmamay-ari ng mga REC. Kung hindi ka nagmamay-ari ng mga REC, maaari silang ibenta nang walang inyong kaalaman sa iba pang mga mamimili na gumagamit ng mga ito upang gumawa

ng mga kahilingan sa kapaligiran o sumunod sa mga kinakailangang malinis na enerhiya. At sa pagpopondo ng PACE, ang isang lokal na

hurisdiksyon ay maaaring pagmamay-ari ng mga REC. Kung ang pagmamay-ari ng mga REC ay mahalaga sa inyo, tanungin ang inyong

solar tagapagkaloob kung sino ang magmamay-ari ng mga REC, at suriin ang pinong kasulatan ng kontrata.

Pinagsasama ang Solar sa Imbakan

Kapag nagkabit ka ng battery storage sa inyong sistemang solar, maaari mong i-imbak ang labis na kuryenteng nagagawa ng mga panel mo para gamitin sa gabi kapag bumaba na ang araw. Ang software na kasama ng battery storage ay awtomatikong tumutukoy kung dapat i-imbak ang labis na enerhiya o i-export ito sa grid para mamaximize ang matitipid sa gastos. A n g battery storage ay makakapagbigay din ng limitadong back-up na kuryente.

Ang Self-Generation Incentive Program (SGIP) na pinondohan ng estado ay nagbibigay ng mga insentibong pinansyal para maglagay ng storage. Tingnan ang www.cpuc.ca.gov/sgip para sa mga detalye ng progrmaang SGIP.

pangkalahatan, hindi mas makabubuti sa inyong pinansyal na kapakanan ang magkabit ng sistemang solar na gumagawa ng mas maraming enerhiya kaysa sa inyong magagamit sa loob ng isang taon.

Sa kasalukuyan, ang mga mamimili ng PG&E, SCE, at SDG&E ay ginagarantiyahan ng NEM sa loob ng 20 taon mula sa oras na gumana ang kanilang sistemang solar. Ang inyong singil ng kuryente, gayunpaman, ay napapasailalim sa pagbabago. Pumunta sa www.cpuc.ca.gov/electricrates para sa higit pang detalye kung paano kinakalkula ang mga singil ng kuryente.

Pang-12 Buwan na Bayarin ng Pang-areglo (ipinagpatuloy)

Page 19: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 19 ng 23

HAKBANG 6: Maingat na basahin ang lahat ng papeles

ANG DOKUMENTO NG PAGSISIWALAT TUNGKOL SA SISTEMA NG SOLAR NA ENERHIYA

Ang isang-pahinang dokumentong ito mula sa Contractors State License Board ay nagpapakita sa inyo ng kabuuang halaga para sa iminumungkahing sistema ng solar na enerhiya. Ito ay may impormasyon din tungkol sa inyong tatlong-araw na karapatan na kanselahin ang kontrata. Kinakailangang punan ng Tagapagkaloob ng Solar ang dokumentong ito. Maaari itong ilagay bilang cover page sa kontrata. Tingnan ang blangkong bersyon sa www.cslb.ca.gov/contractors/SolarSheet.aspx.

KONTRATA

• Ang kontrata para sa solar ay isang dokumento na may bisang legal sa pagitan mo at ng Tagapagkaloob ng Solar. Basahin ito nang mabuti.

• Tiyakin na lahat ng ipinangako sa inyo ay nakasulat sa kontrata. Halimbawa, maraming mga sagot sa mga tanong sa pahina 10 at 11 ng gabay na ito ay dapat nabanggit sa kontrata.

• Ayon sa batas, dapat kabilang ng anumang kontrata sa pagkakabit ng solar ang:• Impormasyon ng kontraktor, kabilang ang business address at mga numero ng lisensya• Paglalarawan ng proyekto, kabilang ang kagamitang ikinabit at materyales na ginamit• Presyo ng kontrata, kasama ang finance charge at/o down payment kung naaangkop• Tinatayang petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng panahon ng kontrata• Abiso sa 3-araw na karapatang kanselahin ang kontrata (may mga limitadong eksepsyon)

• Tanungin ang Tagapagkaloob ng Solar kung anong mga sitwasyon ang magpapahintulot sa inyong makakawala mula sa kontrata. Halimbawa, kung natuklasan ng Tagapagkaloob ng Solar sa panahon ng pagbisita sa site na ang inyong bubong ay nalililiman sa paraang hindi inaasahan, maaaring makansela nito ang kontrata.

MGA KINAKAILANGANG PAPELES PARA SA PINANSYAL

• Kung ikaw ay bumibili ng system gamit ang pautang, papapirmahin ka sa isang hiwalay na kasunduan sa financing. Magbibigay sa inyo ang Tagapagpautang ng hiwalay na kasunduan.

• Kung ikaw ay bumibili ng sistema na may PACE na pagpopondo, dapat mong pirmahan ang: (1) Aplikasyon sa Financing at, (2) Kasunduan sa pagopondo.

• Bago ka pumirma ng Aplikasyon sa Pagpopondo, basahin ito nang mabuti para tiyakin na lahat ng impormasyon ay tama, kabilang ang inyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, kita mo, at halaga ng sistema ng solar na enerhiya.

• Ang hiwalay na Kasunduan sa Pagpopondo ay maaaring ibigay ng Tagapagkaloob ng Solar, tagapangasiwa ng PACE, o isang institusyon na nagpopondo.

• Tiyakin na lahat ng ipinangako sa inyo ay nakasulat sa anumang mga kasunduang pinansyal. Halimbawa, maraming mga sagot sa tanong sa pahina 14 -16 ng gabay na ito ang dapat nabanggit sa kontrata.

6

Page 20: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 20 ng 23

MGA KARAGDAGANG MAPAGKUKUNAN

Pacific Gas and Electric (PG&E)

Southern California Edison (SCE)

San Diego Gas & Electric (SDG&E)

**Kung may iba pang tagapagkaloob ng kuryente na magbibigay sa inyo ng kuryente, tawagan sila o tingnan ang kanilang website para sa mga detalye tungkol sa kanilang mga programang solar.**

• PG&E Solar Customer Service: 1-877-743-4112• PG&E Clean Energy: www.pge.com/en_US/residential/solar-and-vehicles/

options/option-overview/how-to-get-started/how-to-get-started.page

• SCE Solar Phone Number: 866-600-6290• SCE Solar Power at Home: www.sce.com/residential/generat-

ing-your-own-power/solar-power

• SDG&E Solar Phone Number: 1-800-411-SDGE• SDG&E Get Started with Solar: https://www.sdge.com/residential/solar/

getting-started-with-solar

Mga Programang Solar Para sa mga Mababa ang Kita

• SASH and DAC-SASH Program: 866-921-4696 and www.gridalternatives.org/qualify• Community Solar Green Tariff Program and DAC Green Tariff Program: www.

cpuc.ca.gov/SolarInDACs

**Kung hindi ka mamimili ng PG&E, SCE, o SDG&E, makipag-ugnayan ka sa inyong tagapagkaloob ng kuryente para sa mga mapagpipilian sa solar para mababa ang kita.**

Contractors State License Board (CSLB)

• CSLB 24-Hour Licensing and Consumer Information: 800-321-CSLB (2752)• Beripikahin ang Lisensya ng Kontraktor o Pagpaparehistro ng Ahente ng

Pagpapaganda ng Bahay: http://www.cslb.ca.gov/OnlineServices/CheckLicenseII/CheckLicense.aspx

• CSLB Solar Smart: www.cslb.ca.gov/Consumers/Solar_Smart• CSLB Solar Energy System Disclosure Document: www.cslb.ca.gov/contractors/

SolarSheet.aspx

Mga Programang Solar ng Tagapagkaloob ng Kuryente

i

nangangahulugang available sa video format

Page 21: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 21 ng 23

Department of Business of Oversight (DBO)

• Pagberipika ng Lisensya ng Tagapangasiwa ng PACE: https://docqnet.dbo.ca.gov/licensesearch

• Paghain ng Reklamo laban sa Tagapagkaloob ng PACE: www.dbo.ca.gov/Consumers/consumer_services.asp

• PG&E How to Read Solar Bill: www.pge.com/en_US/residential/solar-and-vehicles/green-energy-incentives/solar-and-renewable-metering-and-billing/how-to-read-your-bill/how-to-read-your-bill.page

• SCE Understanding Your Bill: www.sce.com/residential/generating-your-own-power/net-energy-metering/Understanding-Your-Bill

• SDG&E Understanding Your NEM Statement: www.sdge.com/residential/savings-center/solar-power-renewable-energy/net-energy-metering/billing-information/understanding-your-nem-statement

• CPUC NEM Overview: www.cpuc.ca.gov/General.aspx?id=3800

• CESA Homeowner’s Guide to Solar Financing: search here - https://cesa.org/resource-library

• CESA Una Guía Práctica de Financiación Solar Para Dueños de Casa (En Español): https://cesa.org/resource-library/resource/una-guia-practica-de-financiacion-solar-para-duenos-de-casa

• CESA/George Washington University Rooftop Solar Financing 101: https://cesa.org/projects/sustainable-solar/videos

• Solar Energy Industries Association (SEIA) Residential Consumer Guide to Solar Power: https://www.seia.org/research-resources/residential-consumer-guide-solar-power

• Interstate Renewable Energy Council (IREC) Be Solar Smart Consumer Checklist: https://irecusa.org/consumer-protection/consumer-checklist

• CESA/George Washington University Choosing a Solar Installer: https://cesa.org/projects/sustainable-solar/videos

Solar Bills and Net Energy Metering (NEM)

Mga Gabay sa Pag-finance ng Solar

Iba Pang mga Gabay sa Solar

MGA KARAGDAGANG MAPAGKUKUNAN (ipinagpatuloy)

i

nangangahulugang available sa video format

Page 22: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 22 ng 23

HAKBANG 7: Checklist "Bago Ka Pumirma"

Tandaan, huwag magmadali at huwag mapilitang pumirma ng kontrata. Kung sa tingin mo kailangan mo ng higit pang oras na pag-isipan ang inyong desisyon o kailangan pang magsaliksik, huwag pumirma ng anuman bago nagawa ito.

Tingnan kung kwalipikado ka sa programang solar para sa mababa ang kita, na maymahusay na proteksyon para sa mga mamimili. Tingnan ang pahina 6

Pag-isipang gawing mas matipid sa enerhiya ang inyong bahay bago mag-solar.Maaaring makatipid ito sa inyo ng pera. Tingnan ang pahina 5.

Kumuha ng kahit na 3 bid para sa solar sa inyong bahay. Tingnan ang pahina 9.

Tiyakin na ang lisensya ng Tagapagkaloob ng Solar ay pangkasalukuyan at may bisa saContractors State License Board. Tingnan ang pahina 4.

Humiling ng 3 masasangguning mamimili mula sa Tagapagkaloob ng Solar at tawagan o bisitahin sila.

Tanungin ang Tagapagkaloob ng Solar ng tungkol sa kontrata na nasa pahina 4, 10, at 11 upang nauunawaan mo ang mga tuntunin ng kontrata para sa solar.

Kung ipapa-finance mo ang inyong sistema, tanungin ang tagapagpautang, Tagapagkaloob ng Solar, ang Tagapangasiwa ng Programang PACE tungkol sa pinansyal na nasa pahina 14 , 15 o 16, para nauunawaan mo ang mga tuntunin ng iyong kaayusan sa pagpi-finance.

Basahin ang mahalagang impormasyon tungkol sa pagtatantya sa matitipid sa bayarin ng kuryente sa pahina 16 at 17.

Maingat na basahin ang lahat ng dokumento na pinapapirmahan sa iyo ng Tagapagkaloob ng Solar. Kadalasang kabilang dito ang: 1) Dokumento ng Pagsisiwalat tungkol sa Sistema ng Solar na Enerhiya, 2) Kontrata, at 3) Mga Kailangang Papeles para sa Pinansyal. Tingnan ang pahina 19.

Unawain kung ano ang mangyayari pagkatapos mong pumirma ng kontrata para sa solar. Tingnan ang pahina 8.

Magtabi ng mga kopya ng lahat ng dokumentong pinirmahan mo. Makakatulong ang impormasyon kung ibebenta mo ang inyong bahay, kailangang palitan ang bubong, o magkaroon ng anumang mga isyu sa pagkukumpuni o pagpapanatili.

Bago ka pumirma ng anumang mga dokumento, tiyaking nakumpleto mo ang mga ito!

7

Page 23: GABAY SA PROTEKSYON NG MAMIMILI NG SOLAR...Bukod dito, kung mas gugustuhin ninyong basahin ang gabay sa mamimili na ito sa Espanyol, Chinese, Korean, Vietnamese, o Tagalog, dapat bigyan

Ang gabay na ito ay makikita sa website ng gobyerno na ito: www.cpuc.ca.gov/solarguide pahina 23 ng 23

HAKBANG 8: Pirmahan ang Gabay na Ito

Ang unang 4 na pahina ng Gabay sa Proteksyon ng Mamimili ng Solar sa California ay naglalaman ngmahalagang impormasyon sa mga di totoong pahayag na pag-iingatan at ang inyong mga karapatan.

Inirerekumenda ng California Public Utilities Commission na maglaan ka ng 48 oras para basahin at unawainang buong gabay na ito bago ka pumirma sa ibaba.

**Huwag mapiitang basahin ang buong dokumento habang naghihintay ang ahente.Hilingin sa kanilang bumalik sa ibang araw para mabigyan ka ng oras na basahin ito.**

Naka-print na Pangalan ng Mamimili Basang Lagda ng Mamimili Petsa

*Ang tagapagkaloob ng solar ay binigyang kahulugan ng California Public Utilities Commissioner Decision (D.) 18-09-044 bilang isang entity na nagbebenta, kontraktor, nagkakabit, o nagpopondo na pumapasok sa kontrata para sa isang power purchase agreement, lease, o biniling sistemang solar. Inaatas ng Pacific Gas and Electric Company (PG&E), Southern California Edison (SCE), at San Diego Gas & Electric (SDG&E) sa mga tagapagkaloob ng solar na mag-upload ng pirmadong kopya ng pahinang ito na may pirma sa kanilang mga interconnection portal bago ikabit sa grid ng kuryente ang mga mamimili na pantahanan na nasa mga bahay para sa isahang pamilya. Hindi nalalapat ang rekisitong ito sa paggawa ng bagong bahay, mga gusali ng pang-maramihang pamilya, o mga solar thermal na sistema.

Pangalan ng Kinatawan / Pamagat ng Kompanya

Lagda ng Kinatawan ng Kumpanya Petsa

Nabasa mo ba ang kahit na unang 4 na pahina ng gabay na ito?

Pangalan ng Kumpanya Email ng Kumpanya Telepono ng Kumpanya

MAMIMILI

Binasa ko at nilagyan ng aking inital ang unang 4 na pahina ng Gabay sa Proteksyon ng Mamimili ng Solar sa California. Binigyan ako ng Tagapagkaloob ng Solar ng oras para basahin ang buong 23- pahinang gabay.

Binigyan ako ng tagapagkaloob ng solar ng pagkakataon na basahin ang gabay na ito sa Español, 中文, 한국어, Tiếng Việt, o Tagalog.

Hindi pa ako pumapasok sa isang kontrata para sa solar sa tagapagkaloob ng solar na nakapirma sa ibaba.

TAGAPAGKALOOB NG SOLAR*

Nilagyan ng mamimili ng kanyang initials ang unang 4 na pahina ng gabay na ito.

Pumirma ang mamimili sa itaas bago pumasok sa kontrata para sa pagbili, lease, power purchase agreement, o PACE financing ng sistemang solar o enerhiyang solar sa kumpanyang nakapangalan sa ibaba.

8

Setyembre 2019