111
Doon tayo!

Gabay Sa Pagtuturo Ng Filipino 8 - Module 3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mula sa Filipino 8 curriculum writers (DepEd)

Citation preview

Doon tayo!

Bilang ng Modyul: 3 Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan Bilang ng Sesyon: 7 linggo

Paalala: Ang Gabay ng Guro na ito ay magsisilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8. Naglalaman ito ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at estratehiya na maaring gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa limang araw na panturo sa loob ng 50 minuto bawat sesyon. Iminumungkahi na higit na pagyamanin ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya na nakapaloob dito batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral upang sa gayo’y higit nilang maunawaan ang bawat aralin at gawain sa Modyul 3.

Modyul Para sa Sariling Pagkatuto

I. Panimula at Mga Pokus na TanongPamantayang Pangnilalaman sa Pagtatapos ng Modyul 3:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa estilo, mekanismo, pamamaraang tekniko, at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang popular.

Pamantayan sa Pagganap sa pagtatapos ng Modyul 3:Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagbuo ng kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (social awareness campaign) sa pamamagitan ng alinmang midyum ng multimedia.

Gabay sa Pagtuturo ng Modyul

Pokus na Tanong para sa Modyul 3:Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular?

Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?

Paano nakatutulong ang mga panitikang popular sa pagpapaigiting ng kamalayang panlipunan?

Mahalagang Konsepto para sa Modyul 3:Ang tradisyunal na panitikang Pilipino ay salalayan ng buhay, at ang panitikang popular ay pamamaraan ng pamumuhay.

Bunsod ng pagpapalitang kultural, kapangyarihan ng teknolohiya, at pangangailangan ng pamayanang global, nagkaroon ng transpormasyon ang panitikang Pilipino mula tradisyonal tungo sa pagiging popular

Ang mga mag-aaral ay inaaasahang matututo ng ilang mga pamamaraan sa pagbuo ng mga panitikang popular sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito (nakasaad sa pamantayang pangnilalaman) na kanilang magagamit sa pagbuo ng isang produkto sa katapusan ng kanilang pag-aaral (nakasaad sa pamantayan sa pagganap)

Ang mga mahahalagang tanong ay naglalahad ng mga kaisipang inaasahang masasagot sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito.

Ang mga mahahalagang konseptong nakatala ay ang konseptong nais maikintal sa isipan ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. Ito ang inaasahang magiging sentro ng lahat ng gawain sa modyul.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw NitoMga Aralin sa Yunit

Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

a. Panitikan: Popular na Babasahin

Pahayagan (Tabloid) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli

b. Wika: Antas ng Wika

Pormal Di-pormal Popular (Balbal)

Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

. a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw

a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal

Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong

Panlipunan

a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang:

Aralin 1: Makapagbabahagi ng mga babasahing popular na sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang panahon.

Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito. Ang bawat aralin ay nakatuon sa iba’t ibang aspekto ng kulturang popular (kontemporaryong babasahin, broadcast media at dokumentaryong pampelikula). Bawat paksang nabanggit ay may kaakibat na aralin sa wika na makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga ito.

Aralin 2: Makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling pananaw batay sa pamantayan ng isang mapanagutang mamamahayag.

Aralin 3: Makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo, mekanismo at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula bilang midyum sa pagbabagong panlipunan.

III. Mga Inaasahang Kasanayan:

MODYUL 3 Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pakikinig

Naililipat sa isang grapikong organayser ang mga impormasyong napakinggan (transkoding)

dayagram grap grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto

Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood

Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinion at personal na interpretasyon ng nagsasalita at nakikinig

Napag-iiba ang katotohahan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig /nanonood

Nailalahad ang mga pagkiling (biases, prejudices) at sariling interes ng nagsasalita

Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o

Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga kasanayang inaasahang malilinang sa mga mag-aaral sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito.

diskursong napakinggan/napanood Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang

pahayag, mensahe at tekstoPagsasalita

Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin

Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/pag-aatubili o pasubali

Pag-unawa sa Binasa

Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa:

paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto

Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto

Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng - paksa - tono

- layon - estilo at- gamit ng mga salita

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga nangyayari sa:

sarili pamilya pamayanan lipunan daigdig

Nakapagbibigay ng sariling kuru-kuro at mungkahi tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod:

- HIV and Drug Prevention- Peace Education- Karapatang Pambata at Kanilang

Responsibilidad- Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga

Pilipino

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa:

Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag Napagsasama-sama ang mga magkakasalungat na ideya Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak

na bahagi nito

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto

Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng:- paksa/tema- layon- gamit ng mga salita

Pagsulat

Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya

sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood

Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng

isang dokumentaryong panradyo Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon Nakabubuo ng maayos na balangkas Naibabanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,

organisasyong nagbibigay-kredibilidad sa mga kaisipang ipinapahayag

Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw

Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal

Tatas

Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat

Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat

Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon

Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad

Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon

Pakikitungo sa Wika at Panitikan

Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan

sa pag-aaral ng wika at panitikan

Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may kasiyahan at kasiglahan

Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at panitikan

Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik

Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/pananaliksik

Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik

Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga sanggunian sa aklatan/Internet

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahas nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik

Panonood

Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong Napanood

Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood

IV. Konseptuwal na Balangkas ng Modyul 3 Makikita sa konseptwal na balangkas ang magiging

tuon ng pagtalakay sa kabuuan ng modyul. REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN

Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Populara. Panitikan: Popular na mga Babasahin Pahayagan(tabloid)KomiksMagasinKontemporaryong Daglib. Wika: Antas ng WikaPormalDi-PormalPopular (balbal)

Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipinoa. Panitikan: Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyonb. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal

Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan

a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendozab. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

V. Paunang Pagsusulit (Kalakip 3.1)

VI. Yugto ng Pagkatuto

ALAMIN:

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon, simulan na

natin ang iyong pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular. Naisip mo na ba kung

paano naiba ang mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng panitikan

na iyong natalakay sa mga naunang aralin? Bakit nga ba nagkaroon ng

transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?

Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?

GAWAIN 1: Bugtungan, Dugtungan!

Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng

panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang

maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang

Layon ng gawaing ito na mataya ang dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa nilalaman ng Modyul 3. Ipasagot ang bahaging ito sagutang papel. Gayahin ang format. Maaaring gawing paligsahan sa klase ang pagsagot sa mga bugtong.

SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA PANIMULANG PAGTATAYA

1. A 6. A 11. D 16. C2. C 7. B 12. B 17. B3. C 8. C 13. C 18. B4. C 9. A 14. B 19. B5. D 10. A 15. B 20. A

Ipasagot ang dalawampung aytem (20) na Paunang Pagsusulit. Ipaliwanag ang panuto. Makabubuting magsagawa ng item analysis pagkatapos na maiwasto ang sagutang papel upang mataya kung aling kasanayan ang lilinangin sa mga mag-aaral.

Maaaring hayaang maglahad ang mga mag-aaral na kanilang mga opinyon kaugnay ng mga pagbabago sa larangan ng panitikan sa ating bansa. Maaaring paghambingin ang kalagayan ng panitikan noon at sa kasalukuyan. Tanggapin lamang ang kanilang mga magiging sagot. Hayaang matuklasan nila ang kasagutan sa mga katanungan sa pag-usad ng pagtalakay.

inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik ng

iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.

Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may

ideya ka na sa iba’t ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman, huwag

kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama ang

iyong mga maling akala.

SUSI SA PAGWAWASTO PARA SA GAWAIN 1

1. Pelikula2. Komiks3. Telebisyon4. Internet5. Radyo6. Tabloid7. Magasin

P1.

1 – Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampok!2 – Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan. Tunay na kinagigiliwan ng kabataan!3 – Kuwadradong elektronikong kagamitan.Tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaaliwan!4 – Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-Fb, Twitter o magsaliksik pa.5 – Musika’t balita ay napapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa!6 – Maliit na dyaryong inilalako sadaan; balita, tsismis at iba pa ang laman.7 – Pabalat nito’y may larawan pa ng sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa.

4.

5.

M

B

G

L

T

T

D

7.

2.

3.

6.

Mga Bugtong:

GAWAIN 2: Alin, Alin ang PAGKAKAIBA?

Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit

na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito

sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin ang mga

katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng gawain sa ibaba.

Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng

panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang

paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum na

ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan.

Alam mo ba na...Mayroong iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid

ng impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon.

Matapos masagutan ang crossword puzzle, hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga nalalaman kaugnay ng mga naitalang kasagutan. Maaaring tanungin kung sila ba ay isa sa mga tumatangkilik ng mga ito at kung bakit ang mga ito ay popular sa kasalukuyan.

Maaaring isagawa ang gawaing ito nang papangkat. Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang tradisyunal at popular na uri ng panitikan sa iba’t ibang mga aspektong nabanggit (paksa, wika at paraan o midyum). Maaari rin silang magtanghal o magbahagi ng ilang mga halimbawa ng panitikan noon at sa kasalukuyan.

Tradisyunal na Panitikan

Panitikang Popular

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

Paksang Tinatalakay

Wikang Ginagamit

Paraan/Midyum sa Paghahatid

PAUNLARIN:

Sa bahaging ito ng modyul ay bibigyan natin ng pansin ang iba’t ibang uri ng

panitikang popular at ang iba’t ibang midyum na ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sa

pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa mga aralin, matutuklasan natin ang

kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang popular at ang papel na ginagampanan

ng mga ito sa kamalayang panlipunan ng mamamayan ng isang bansa.

Sa tulong ng mga araling pangwika, pagtalakay sa iba’t ibang pamamaraan sa

pagbuo panitikang popular, pagsasagawa ng mga programang panradyo at maging ng

pelikula, inaasahang magiging bahagi ka rin ng paghahanda ng isang kampanya tungo

sa kamalayang panlipunan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness

campaign through the yse of multimedia).

Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa

pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 3.1 ng modyul na ito - ang mga uri ng

kontemporaryong panitikan.

Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang PopularBilang ng Sesyon: 10

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

Pokus na tanong para sa Aralin 3.1:

Bakit kinawiwilihang basahin ng mga kabataan ang mga popular na babasahin?

Paano nakatutulong ang antas ng wika sa mabisang pagpapahayag?

Mahahalagang Konsepto para sa Aralin 3.1:

Malapit sa karanasan ng kabataan at sumasalamin sa kasalukuyang pangyayari ang nilalaman ng mga popular na babasahin kung kaya’t makatutulong ito upang magkaroon sila ng sariling pagtataya sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang

Popular

a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin (Tekstuwal Analisis)

Pahayagan(tabloid)/broad sheet Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli

b. Wika: Antas ng WikaPormalDi-pormalPopular (balbal)

Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay.

III. Mga Inaasahang Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3.1 Ang mga kasanayang nakatala ay ang mga kasanayang lilinangin sa mga mag-aaral sa araling ito.

ARALIN 3.1

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pakikinig Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong napakinggan (transkoding)

dayagram grap grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto

PagsasalitaNailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobinPag-unawa sa BinasaNakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang

nakapaloob sa teksto

Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng paksa tono layon

IV. Konseptuwal na Balangkas ng Aralin 3.1

V. Panimulang Pagtataya ( para sa Aralin 3.1) (Crossword Puzzle)

Gabay sa Pagsagot:

1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa)

Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa araling ito.

Susi sa Pagwawasto:

KomiksTabloidDagliMagasin

Panitikan: Mga Popular na BabasahinPahayagan

(tabloid/ broad sheet)

KomiksMagasinKontemporaryong

Dagli

Wika: Antas ng Wika

Pormal

Di-pormal (balbal)

Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

Produkto/Pagganap: Literary Folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng barangay.

ARALIN 3.1

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pakikinig Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong napakinggan (transkoding)

dayagram grap grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto

PagsasalitaNailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobinPag-unawa sa BinasaNakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang

nakapaloob sa teksto

Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng paksa tono layon

2. Pahayagan ng masa. (pahalang)3. Kuwentong higit na maiksi sa maikling kuwento. (pahalang)4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)

VI.YUGTO NG PAGKATUTO PARA SA ARALIN 3.1

ALAMIN:

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon

sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng

bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na

mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang

paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin,

nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang

popular.

Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano

naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng

transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang

popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular?

Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga

babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa

pamamagitan nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga babasahing popular

na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa

huling bahagi ng araling ito.

GAWAIN 3.1a : SARBEY-TSEKLIST

Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular sa iyo. Pagkatapos, iayos nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon.

Maaaring magsagawa ang guro ng pananaliksik sa mga kontemporaryong manunulat na nabanggit sa bahaging ito upang maibahagi sa mag-aaral ang buhay at mga naisulat ng mga ito. Makatutulong ang paggamit ng mga social networking site gaya ng Facebook upang madaling makaugnay sa mga manunulat na ito.

Ipasulat ang inaasahang mahahalagang tanong para sa kabuuan ng modyul. Maaaring gamitin ang estratehiyang TOP 10 QUESTION sa bahaging ito. Ipasuri sa mga mag-aaral kung alin sa mga naisulat nilang tanong ang magkakatulad lamang. Sa ganitong paraan, tinuturuan na natin silang magbasa at magsuri at umunawa ng kanilang binabasa nang hindi nila namamalayan. Kinakailangang mapalabas ng guro sa bahaging ito ang inaasahang mahalagang tanong sa kabuuan ng modyul.

Iminumungkahing magpakita ang guro ng mga halimbawang popular na babasahin gaya ng komiks, magasin, tabloid, mga aklat at iba pa upang kongkretong makita ito ng mga mag-aaral.

Makabubuting ipakita rin ang apat na obra (Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo) sa bahaging ito upang makapagsagawa ng paghahambing ang mga mag-aaral sa tradisyunal na panitikan at panitikang popular.

ARALIN 3.1

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pakikinig Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong napakinggan (transkoding)

dayagram grap grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto

PagsasalitaNailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobinPag-unawa sa BinasaNakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang

nakapaloob sa teksto

Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng paksa tono layon

Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format

Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat

Broadsheet___ Inquirer___ Manila Bulletin___ Philippine Star___ Business Mirror___ Manila Times

Tabloid___ Abante___ Taliba___ Pilipino Mirror___ Pilipino Star Ngayon___ Tempo

___ Aliwan ___ Pantastik___ Halakhak___ Pugad Baboy___ Super ___ Manhwa Korean Comics___ Archie___ Marvel___ Japanese Manga___ Captain America

___ Liwayway___ Yes!___ FHM___ Candy___ T3___ Men’s Health___ Metro___ Entrepreneur___ Cosmopolitan___ Good Housekeeping

___ Mga aklat ni Bob Ong___ Florante at Laura___ Noli Me Tangere___ Mga aklat ni Eros Atalia___ Aklat Kalipunan ng mga Tula___ Teksbuk ___ Horror Books___ Antolohiya ng Maikling Kuwento___ Kalipunan ng Dagling Katha___ Bibliya

RANKING ORDER

Pahayagan (tabloid/ broad sheet)

Komiks

Magasin

Mga Aklat

GAWAIN 3.1.b : KAHON NG HINUHA

LEGEND

1 ----------- Pinakapopular sa akin2 ----------- Popular sa akin3 ----------- Di-masyadong popular sa akin4 ----------- Hindi popular sa akin

Sa tingin ko ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Sa palagay ko ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________________________________________________________________________________________________________________________________________Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ipagaya ang format ng sarbey sa gawaing ito. Layunin nito na matuklasan ng guro mula sa kanyang mag-aaral kung ano ang higit na popular na babasahin ang binabasa ng kaniyang mga estudyante. Mula rito, maaaring itanong ng guro ang mahalagang tanong na: “Bakit kinagigiliwang basahin ang mga babasahing popular? Hayaan lamang at tanggapin lahat ang sagot. Pagkatapos, ipagawa ang Gawain 2: Kahon ng Hinuha

Ipasagot ang nasa loob ng Kahon ng Hinuha sa kanilang sagutang papel. Pagkatapos ng aralin, muling balikan ang gawaing ito at ipasagot ang nasa labas na bahagi ng kahon. Kung may mapansing pagkakamali sa mga isinagot ng mag-aaral hayaan mo lamang. Sa pagpapatuloy ng aralin ay hayaan mong siyang makatuklas kung ang pag-unawa ba niya ay wasto o mali.

Ngayo’y naunawaan ko na _____________________________________ ____________________________________________________________

Nabago ang aking paniniwala sa ____________________________ _______________________________________________________ ____________________________________________________________

PAUNLARIN:

Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa!

Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid.

Babasahin 1: PAHAYAGAN (tabloid) (Kalakip 3.1.a)

GAWAIN 3.1.c : LISTING

Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag

1.2.

Ipabigay ang mga inaasahang produkto o pagganap ng mga mag-aaral matapos ang aralin. Ipasulat ito sa pisara at sa kanilang sagutang papel. Gabayan ang mga mag-aaral na ang kanilang magiging produkto ay isang Literary Folio mula sa iba’t-ibang akdang-pampanitikan na kanilang isusulat.

Ilahad na rin sa mga mag-aaral ang pamantayan sa pagmamarka ng inaasahang produkto. Sangguniin sa huling bahagi ng aralin ang rubric.

Ipasulat sa sagutang papel ang bahaging ito. Magkaroon nang maikling talakayan kaugnay ng mga gabay na tanong. Gabayan ang mga mag-aaral na maunawaan ang mahahalagang konsepto sa aralin.

3.4.5.

MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung Bakit kaya higit na binabasa ang tabloid kaysa sa broadsheet?

2.Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya,lalo na ang malaganap na internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan? Babasahin 2: Komiks (Kalakip 3.1.b)

Pamagat ng

kuwento

Kuwadro- naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

Lobo ng usapan- kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan. May iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.

Kahon ng Salaysay-kinasusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo

Magpadala ng makabagong komiks sa mga mag-aaral kung mayroon man sila sa bahay. Mahalagang makapag-print din kahit pabalat lamang ng mga sinaunang komiks upang mapaghambing ng mga ito ang komiks noon at sa kasalukuyan. Maaaring sumangguni sa internet ang mga guro para sa mga larawang pabalat ng mga halimbawang komiks. Higit na mainam kung ang silid-aklatan ng paaralan ay nakapagtabi ng mga komiks. Madaling makikita ng mga mag-aaral kung may pagkakaiba ba ang komiks noon sa kasalukuyan .

Mahalagang maipakita sa mga mag-aaral ang bahaging ito upang maunawaan nila ang mga bahaging bumubuo sa komiks. Nang sa ganoon ay madali silang makagagawa ng sarili nilang komiks sa mga susunod na gawain sa araling ito. Kung may nais pang idagdag mula sa mga bahagi ng komiks na naibigay sa araling ito bilang karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral ay maluwag na tinatanggap ng gabay na ito.

GAWAIN 3.1.d : GUHIT-LIKHANG KUWENTO

Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento.

Mga larawan mula sa

Philippine Online

Chronicles

Pagkatapos na malagyan ng angkop na diyalogo ang mga lobo ng usapan sa komiks, pumili ng tatlong estudyante at ipabasa sa harap ng klase ang bawat istoryang kanilang naisulat. Pagbotohan sa klase kung alin sa tatlo ang may pinakamagandang diyalogong nabuo kaugnay ng ipinakikita sa mga larawan.

Isang araw, ipinakita at ikinuwento ng lola ni Cyrus ang mga sumikat na komiks noon na siya ang isa sa mga dibuhista nito.

MGA GABAY NA TANONG:

1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? 2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon

at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? Babasahin 3: MAGASIN (Kalakip 3.1.c)

Maaaring gamiting estratehiya sa bahaging ito ang Powerpoint Presentation o Movie Maker para maipakita ang ebolusyon ng komiks sa Pilipinas. Maaari rin namang magpakita ng mga larawang pabalat ng komiks na naibigay na takdang-aralin sa unahang bahagi ng gabay na ito. Makatutulong din ang pakikipanayam kay G. Gerry Alanguilan tungkol sa kalagayan ng Komiks bansa. Sangguniin sa Youtube ang link sa ibaba.

http://www.youtube.com/watch?v=tbCXNQu8pI8

Mahalagang may halimbawang magasin na maipakikita ang guro sa mga mag-aaral sa bahaging ito ng talakayan. Maging maingat sa pagpapakita ng mga larawang hindi angkop sa gulang ng mga mag-aaral mula sa ipakikitang mga halimbawang magasin gaya ng FHM at iba pa. Pumili ng isang kapaki-pakinabang na artikulo mula sa magasin na angkop na malaman ng isang Grade 8 na mag-aaral. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral na maraming impormasyon ang makukuha sa pagbabasa ng iba’t ibang magasin.

…wakas

GAWAIN 3.1.e : KONTRA-SALIKSIKPamagat _____________________________________________________________

Mga Natuklasan sa Naunang Binasang Pananaliksik

Mga Natuklasan sa Isinagawang Pananaliksik

MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks at magasin sa isa’t isa?2. Sa iyong tingin, Paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?

Babasahin 4: KONTEMPORARYONG DAGLI (Kalakip 3.1.d)

KONGKLUSYON____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

__

PAALALA: Iwasan ang anumang pag-eendorso ng mga brand ng magasin. Hangad lamang natin sa bahaging ito na mailahad ang mga nilalaman ng bawat magasin at ang resulta ng sarbey na naisagawa upang makapagsagawa ang mag-aaral ng kaniyang KONTRA-SALIKSIK na makikita sa susunod na gawain sa araling ito.

Itanong ang bahaging ito sa mag-aaral. Palitawin sa talakayan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tabloid, komiks at magasin. Muli, kinakailangang masagot ang mahahalagang tanong para sa araling ito upang higit na tumibay ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa aralin.

Maaaring gamitin ang estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip sa pagtalakay sa Kontemporaryong Dagli at Ang Dagli sa Kasalukuyan.. Hatiin ang buong artikulo sa apat o limang bahagi. Bumuo ng mga tanong pagkatapos ng bawat bahagi hanggang sa matapos ang buong artikulo.

Babasahin 5: ANG DAGLI SA KASALUKUYAN (Kalakip 3.1.e)

Babasahin 6: HAHAMAKIN ANG LAHAT ni Abdon M. Balde Jr. (Kalakip 3.1.f)

Babasahin 7: SKYFAKES ni Eros Atalia (Kalakaip 3.1.g)

Mga Gabay na Tanong/Gawain

1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng binasang teksto.

Mga Katangian ng Naunang

Dagling Katha

Layunin ng mga Naunang Dagling Katha

Ipasagot/Ipagawa sa sagutang papel ang mga inihandang tanong at mga gawain na susubok sa kasanayan ng mga mag-aaral. Sundin ang mga format.

Maaaring gawing pangkatang pagsusuri ang pagsagot sa mga gawaing inihanda sa bahaging ito. Bumuo ng sariling pamantayan ang guro para sa pagtataya ng pag-uulat sa bawat pangkat mula sa naging resulta ng pagsusuri ng bawat pangkat sa gawain.

Maaaring sangguniin ang aklat na “100 Kislap” ni Abdon M. Balde upang makapamili pa nang nais na lunsaran. Sa aklat din matatagpuan ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa kontemporaryong dagli.

Sangguniin ang aklat na “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na pinagkuhanan ng Skyfakes. Naglalaman ang aklat ng isandaang dagling katha. Maaaring makapamili ng kuwentong nais ipabasa sa mga mag-aaral.

PAALALA: Maaaring magsagawa ng pananaliksik ang guro tungkol sa ilang kritisismo ni Prof. Rolando Tolentino ng Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa mga dagling katha sa Pilipinas. Maaaring sangguniin ang link sa ibaba:

http://greatrefusal.multiply.com/journal/item/10?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo at gamit ng mga salita.

KONTEMPORARYONG DAGLI

Mga Unang Katawagan

Internasyonal na Pag-aaral na Naisagawa

Tungkol sa Dagli

Lokal na Pag-aaral na

Naisagawa Tungkol sa Dagli

HAHAMAKIN ANG LAHATAbdon M. Balde Jr.

SKYFAKESEROS ATALIA

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Paano Nagkakatulad?

3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan , daigdig.

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Paano Nagkaiba?

Kaisipan:

HAHAMAKIN ANG LAHATAbdon M. Balde Jr.

Kaisipan:

SKYFAKESEROS ATALIA

KARAGDAGANG KAALAMAN: Kung susuriin, higit na matimpi ang paggamit sa wika ng manunulat na si Abdon Balde Jr. kaysa sa manunulat na si Eros Atalia. May kinalaman kaya ang gulang/edad ng mga manunulat na ito sa estilo ng paggamit nila ng mga salita? Si Abdon ay kasalukuyang nasa kalagitnaang sisenta ang edad samantalang si Eros ay nasa kalagitnaan ng trenta ang gulang. Iminumungkahing magsaliksik pa ang guro sa buhay ng dalawang manunulat na ito bago ipabasa ang kanilang mga akda.

4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman, at mga katanungang nasa iyong isipan pa hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin.

3-2-1 CHART

3. Mga Natuklasan

2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman

1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan

5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa sarili at epekto ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami

6.

1. sarili:

2. pamilya:

3. pamayanan:

4. lipunan:

5. daigdig:

1. sarili:

2. pamilya:

3. pamayanan:

4. lipunan:

5. daigdig:

1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili

Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda?

7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang gumamit ng Pormal, Di- Pormal at popular na wika?

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa!

GAWAIN 3.1.f : PAHINA NG PAGKILALA

Babasahin 8: Ang Talangkang Nakaharap Lumakad ni Jayson Alvar Cruz (Kalakip 3.1.h)

GAWAIN 3.1.g : PAHALAGANITI

Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame. Gawin sa papel. Gayahin ang format.

Iminumungkahing ipasadula ang pabula sa mga piling mag-aaral. Kung marunong gumawa ng animation sa computer ang mga mag-aaral, pagawan ito ng sarili nilang interpretasyon gamit ang teknolohiya. Maaari rin namang magpabuo ng komiks mula sa kuwento sa mga mag-aaral na mahusay gumuhit. Kung hindi magagawa ang mga iminumungkahi, maaaring gamitin ang estratehiyang Dugtungang Pagbasa sa bawat talata ng pabula.

Palutangin sa huling bahagi ng pabula ang aral, mensahe at kaisipang nais ibahagi ng akda sa mga mambabasa. Ipasuri na rin ang antas ng wikang ginamit ng manunulat sa akda.

Ipasulat sa sagutang papel o sa pisara ang mga salita o pahayag mula sa akdang binasa ang nagpapakita na pormal ang ginamit na wika ng manunulat. Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na ilipat ang mga pormal na pahayag patungo sa di pormal na antas ng wika.

Halimbawa:

PORMAL: “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka.

DI-PORMAL: “Thanks, Tikang. Tayo ang mag- start ng new generation ng mga talangka. Bad trip kasi ang mga kalahi natin. Isang generation na walang hassle at walang basagan ng trip. Gets mo?” ang sabi ni Mokong Talangka

MGA GABAY NA TANONG:

1.Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. ____________________________________________________________________________________2.Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. ______________________________________________________________________________________________________3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. ____________________________________________________________________________________________________________________________

Alam mo ba…

ANTAS NG WIKA

Ayon sa isang kilalang lingguwista, upang maiwasan ang panghuhusga sa halaga (judgement of value) ng iba’t ibang antas ng wika, nararapat na limitahan lamang ito sa tatlong antas ng wika. Narito ang sumusunod:1. Pormal – wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obdyektib, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.2. Di-Pormal – wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin,daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo naparang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ngmga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mgakaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________________________________________________________Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na _________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad

(pabula)

Inihahandog para sa akdang

Katibayan ng Pagpapahalaga

GAWAIN BLG. 3.1.h : MALIKHAING PAGSULAT

Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at responsableng gamit ng wika (pormal).

Babasahin 9: ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA ni Jayson Alvar Cruz (Kalakip 3.2.i)

BALITA ARTIKULO

KOMIKS KONTEMPORARYONG DAGLI

Ipasadula ang kuwentong ito sa mga piling mag-aaral. Kung mayroong kapasidad ang paaralan sa teknolohiya, maaaring pagawaan ito ng movie clip upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kuwento. Layon ng bahaging ito ng aralin na mapalutang ang iba’t ibang isyung panlipunan gaya ng sumusunod:

HIV and Drug Prevention

Peace Education

Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad

Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino

PAALALA: Iminumungkahing gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa/panonood sa kuwentong ito. Makabubuting magkaroon din ng pahapyaw na pagtalakay sa mga nasabing isyung panlipunan na matatagpuan sa kuwento. Hangga’t maaari’y maimulat ang mga kabataan sa mga isyung ito upang hindi sila maging biktima ng mga ganitong karanasan. Sa pamamagitan ng inihandang mga gawain pagkatapos mabasa ang kuwento, kinakailangang mapatunayan ng mga mag-aaral na may pakialam siya sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Mula sa kuwento, hahalaw siya ng iba’t ibang akda, balita, artikulo, komiks at dagling katha na magiging daan upang masolusyonan ang mga nakikitang suliranin sa kuwento. Gayundin, inaasahan na gagamitin ng mag-aaral ang pormal na wika upang matamo ang responsableng gamit ng wika.

GAWAIN 3.1.i : Kahon ng Hinuha

Muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG LITERARY FOLIO

Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isa-alang alang sa paggawa nito.

1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng pabalat ng aklat at mga kinakailangang larawan.

Halimbawa:

Iminumungkahing ipasulat ang akda sa manila paper kung pangkatan ang gagamiting teknik ng guro. Kung isahan, ipasulat ito sa bond paper. Ang matatapos na produkto sa bahaging ito ay maaaring ilahok sa gagawing Literary Folio ng buong klase.

Sa tingin ko ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Sa palagay ko ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________________________________________________________________________________________________________________________________________Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mataas na Paaralang Neptali A. GonzalesLungsod ng Mandaluyong

KALSADA-PASADA(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyong literary folio. 3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang-pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan.4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit.

Ilipat

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pagkaunawa sa mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan

A. Malikhain

B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap)

C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan)

D. Pormal at responsible ang gamit ng wika

E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas)

IV. PANGWAKAS NA PAGTATAYA:

Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong

sagutang papel.

LEGEND

20 – 25………………………………………………...Napakahusay

15 – 20 ………………………………………………. Mahusay

10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang Husay

5 – 10 ………………………………………………. Di-gaanong mahusay

0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan ng

Literary Folio ng

Aming Barangay

Susi sa Pagwawasto:KomiksDagliSalitang ImpormalSalitang Balbal

___________1. Isang grapikong midyum na ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita.___________3. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw- araw na usapan.___________4. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.

Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast

media. Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon

sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong ang ating napakikinggan at

napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa mahahalagang

kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga katanungan sa

Panimulang Pagtataya para sa Aralin 3.2.. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.

Aralin 3.2: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang PilipioBilang ng Sesyon: ___

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito

a. Panitikan: Komentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyonb. Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala sa Konsepto ng Pananaw/

Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal

III.Mga Inaasahang Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3.1

Aralin 3.2

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-unawa sa Napakinggan

Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood

Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig

Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig/nanonood

Nailalahad ang mga pagkiling (biases,prejudices) at sariling interes ng nagsasalita

Naisasaayos ang mga ideya o impormasyonb mula sa teksto o diskursong napakinggan/napanood

Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag, mensahe at teksto

Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito.

Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain.

Ang mga araling nakatala ang magiging saklaw ng mga magiging pagtalakay at mga gawain sa modyul na ito. Bawat paksa may kaakibat na aralin sa wika na makatutulong sa lalong pagsusuri at pag-unawa sa mga ito.

Pokus na tanong para sa Aralin 3.2:

Paano nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular at kamalayang panlipunan?

Paano nakatutulong ang mga ekspresyong nagpapakilala sa konsepto ng pananaw at kaugnayang lohikal sa mabisang pagpapahayag?

Mahahalagang Konsepto para sa Aralin 3.2:

Ang broadcast media ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan at pagpapalaganap ng kulturang popular ng mga mamamayan ng isang bansa.

Pag-unawa sa Binasa

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa:

Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag Napagsasama-sama ang mga magkakasalungat na ideya Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi

nitoNakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto

Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng:- paksa/tema- layon- gamit ng mga salita

Pagsasalita

Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/pag-aatubili/pasubali

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,opinyon at saloobin

Pagsulat

Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo

Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon

Nakabubuo ng maayos na balangkas Naibabanggit nang wasto ang may akda, personalidad,

organisasyong nagbibigay kredebilidad sa mga kaisipang ipinapahayag

Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw

Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal

Tatas

Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat

Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon

Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad

Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon

Pananaliksik

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/Internet

IV. Konseptuwal na Balangkas ng Aralin 3.2Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago

at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

RADYO TELEBISYON

Panitikan: Komentaryong Panradyo

Wika:Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw

Panitikan:Dokumentaryong Pantelebisyon

Wika:Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal

Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa araling ito.

V. Panimulang Pagtataya (para sa Aralin 3.2)

Ang bahaging ito ang makakapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang mga isinaad na datos upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.

1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili maging sa mga mata.

2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mga mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kanyang paligid.

3. Maaring maghatid ng balita, talakayaan at impormasyon sa bayan man o sa nayon gamit ang mga baterya.

4. Isang bagay na hatid ng midyum ng broadcast media na nakaaaliw sa pandinig.

5. Maaring marinig ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.

Sa panimulang pagtataya sa bawat aralin, susukatin ng guro kung hanggang saan na ang kaalaman ng mag-aaral kaugnay ng paksang tatalakayin.

Inaasahang marami sa mag-aaral ang may sapat ng kaalaman at kakikitaan ng sigla upang alamin pa ang susunod na mga paksa.

Kung may ilan na di ganap ang kahandaan at kaalaman, iminumungkahing maging malikhain ang guro upang maipakilala sa mag-aaral ang mga kakailanganin upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang mga talakayan. Iayon ito sa kanilang pangangailangan.

Susi sa Pagwawasto:

Telebisyon (pahalang)Dokumentaryo (pahalang)Radyo (Pahilis na paitaas)Musika (patayo)Balita (pahalang)

T E L E B I S Y O N M VL M N H I E A Y O A U ME J O S H I D I E T S UL I R A B A L I T A I SE C A C R I S T Y S K AO M A R I C A R R O A KD O K U M E N T A R Y O

VI. YUGTO NG PAGKATUTO

Alamin:

Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media.

GAWAIN 3.2.a : PABORITO KO!

Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinapakinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga kadahilanan kung bakit mo pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.

GAWAIN 3.1.b: Alam Ko ‘Yan!

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo na, nais mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin mo naman ang huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito upang iyong maitala ang mga kaisipang iyong natutuhan.

Paboritong Palabas sa Telebisyon:__________________________________________________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:___________________________________________________________________________________________________

Paboritong programa sa Radyo:

___________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:

______________________________________

_

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

Ano ang ALAM ko na?

Ano ang NAIS kong MALAMAN?

Paano ko ito MATUTUTUHAN?

Ano ang aking NATUTUHAN?

Hikayatin ang iyong mga mag-aaral na ibahagi sa buong klase ang mga bagay na kanila ng nalalaman kaugnay ng radyo at telebisyon. Maaari mo itong gawing interaktibong talakayan. Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng limang (5) minuto upang magtalakayan at magpalitan ng kaalaman. Himukin silang isulat ang kanilang sagot sa mga strips ng cartolina (gawing masmakulay ito para maging kaakit-akit sa mga mag-aaral). Matapos nito, ipadikit sa pisara ang mga cartolina strips ng bawat pangkat. Ang unang pangkat na makapagdikit ng lahat ng kanilang cartolina strips ang unang magtatalakay ng kanilang mga sagot.

Gamit ang cartolina o manila paper kopyahin ang talahanayan at ipakopya sa mga mag-aaral sa kanilang kwaderno. Pasagutan ito nang isahan o individual.alika ag huling hanay (Ano ang aking natutuhan?) sa katapusan ng pagtalakay sa aralin.

Sa gawaing ito, maaring iguhit nang mas malaki ang larawan ng radyo upang maging tampok sa gagawin mong talakayan. Maari ka ring magpakita ng tunay na radyo (nakabatay ito kung mayroon kang magagamit na materyales). Matapos makilala ng mga mag-aaral ang mga bagay na naihahatid ng radyo sa mga tao, hikayatin mo ang mga bata na ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga ito.

Paunlarin

Sa bahaging ito, bigyan muna natin ang pansin ang radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

GAWAIN 3.2.c : RADYORIFIC ANG HATID

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Punan mo ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito.

naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan

nagpalabas ng variety show

nagpapalabas ng teledrama

naghahatid ng musika

naghahatid ng napapanahong balita

nagpapalabas ng pelikula

nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa

nagpapahatid ng mga panawagan

nagpapakinig ng mga awit

nagpapakilala ng produkto

Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular?

Ipaliwanag.

Narito ang ilang mga kasagutan:Paghahatid ng musika – kadalasang nakikinig tayo lalo na

kayong mga kabataan ng musika sa radyo, lalo na nakabatay ito sa tinatawag nating “mood” kaya nga may iba’t ibang uri ng musika na inyong pinapakinggan, gaya ng pop,rnb.rock,hip-hop at mga senti-love songs. (maaring maging daan ito upang ang imahinasyon ng mga mag-aaral ay magsimulang mabuhay at magkaroon kayo ng masayang talakayan

Paghahatid ng balitaPagpapakilala ng mga produktoPagpapahatid ng mga panawaganPaghahatid ng pulso ng bayan

Ang radyo ang nagsisilbing orasan ng marami sa ating mga kababayan lalo na sa mga nayon kaya masasabing ito ay mahalaga din sa pagbibigay-hudyat.

Sa tulong ng KWHL Sheet, alamin ang mga nais pang matutunan at maunawaan ng iyong mag-aaral.

Hikayatin silang nais mong bigyan nila ng tugon ang tanong na sa loob ng kahon. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum ng KWH.

Sagutin lamang ang huling kolum, ang L matapos na mapag-aralan ang araling ito.

Babasahin 1: KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF

INFORMATION BILL (FOI) (Kalakip 3.2.a)

GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon

Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.

GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo

Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

Para sa mga walang Internet sa klase, maaring makinig sa radyo sa anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.

K W H L

Ano ang alam mo na?

Ano ang nais mong

malaman?

Paano mo makikita ang nais

mong maunawaan?

Ano ang iyong natutuhan/

naunawaan?

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5

http://www.interaksyon.com/article/42031/teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi

tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92-3-news-fm-online/

Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng

mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan

Ibigay na takdang-aralin ang pagrerekord o pagbasa nang may damdamin ang iskrip panradyo sa 2 mag-aaral na mahusay sa pagsasalita (maari din naman na ang guro ang mag record ng iskrip) at iparinig ito sa klase. Gawing makatotohanan ang pagbabasa sa iskrip at lagyan ng angkop a damdamin. Maaaring magtago sa likod ng silid aralan ang 2 batang magbabasa ng iskrip. Siguruhin na walang isa man sa mga mag-aaral ang makakikita ng mga tagapakinig.

Maari ring gumamit dito ng Venn Diagram sa paghahambing ng mga positibo at negatibong pananaw.

Halimbawa ng positibong pahayag:

Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.

Halimbawa ng negatibong pahayag:

Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mgatsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!

Ang Komentaryong Panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportinidad sa mga kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay maktutulong ng malaki upang ang mga kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Mga Gabay na Tanong:1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga

komentarista?3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

Babasahin 2: KWENTUHANG MEDYA (Kalakip 3.2.b)

GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon

Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel.

Mga nagpapahayag ng impormasyon

Mga pahayag ng mga personalidad

Sariling pananaw

GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na konsepto ng pananaw. Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media. Hanapin ang mga salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog sa ibaba.

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN:

Magsaliksik ng mga impormasyon Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa

mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

Ang mga link na nasa module ay maari mong hanapin sa internet, upang mapakinggan ng mga mag-aaral ang programang panradyo na may kaugnayan sa talakayan. Isang halimbawa ang “Punto por Punto” ni Anthony Taberna sa DZMM. Kung wala namang koneksiyon ng internet sa inyong paaralan, maaaring gumamit ng radyo at ilagay ang talapihitan ng radyo sa AM.

Ang “Kwentuhang Midya” ay isang uri sulating nagsasaad ng opinyon sa paraang nakikipag-usap sa mga mambabasa o conversational style (Maaaring maghanap ng iba pang sipi na may katulad na format na tumatalakay sa mga isyung higit na napapanahon at may kaugnayan sa mga mag-aaral.)

Bumuo ng limang pangkat, bigyan ng limang minuto bawat grupo upang makapagpalitan ng kuro-kuro kaugnay ng kanilang binasa. Pumili ng isang mag-aaral bawat pangkat upang maging tagapagsalita ng bawat grupo.

Bibigyang-daan ng gawaing ito ang pagtalakay sa araling pangwika.

Maari pang dagdagan ang mga halimbawa ayon sa kinakailangan ng iyong mga mag-aaral. Gamitin ang mga napapanahong isyu upang bumuo ng mga mas makabuluhang halimbawang pangungusap.

Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw.

1. May mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o “point of view”. Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng mga naunang halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular kung saan ang mga bagay na pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.

Mula sa mga gawaing iyong nabigyang tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.

Subukan mo namang makagawa isang bagay na noong una’y inisip mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula sa iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka na.

Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan, ikaw ay inanyayahang maging manunulat ng iskrip ng isang programang panradyo. Ang programa ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang tulad mo na maglahad ng kani-kaniyang opinyon kaugnay ng mga napapanahong isyu. Inaasahang ikaw ay magbabahagi ng opinyon kaugnay ng isa sa mga sumusunod na isyu:

a. Cyber Bullyingb. Child Protection Policyc. Kasalukuyang Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa.

Inaasahang ikaw ay makagagamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw sa paglalahad ng iyong opinyon. Maari kang magsaliksik upang mapalawak ang pagtalakay ng paksang napili.

NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

Maaaring palawikin ang pagtalakay ng panitikang popular sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga impluwensya ng radyo, bilang isang midyum ng broadcast media, sa pagpauso ng ilang mga pahayag (gaya ng Bisyo na ito! at iba pa), paraan ng pagsasalita (Taglish o kaya naman ay ang paghahalo ng mga wikang lalawiganin sa pagsasalita, gaya ng Ay, Ambot! at iba pa), at lalo pang pagpapatanyag ng ilang mga usapin o isyung nagaganap sa kasalukuyan.

Balikan ang mga mga naging kasagutan ng mga mag-aaral sa naunang gawain kaugnay ng KWHL.

Maaaring isagawa ang gawain nang dalawahan. Maaaring ang isang mag-aaral ay maglalahad ng mga positibong pananaw at ang isa naman ay maglalahad ng mga negatibong pahayag kaugnay ng isyung napili. Maaaring ipabasa nang malakas at may damdamin ang iskrip na mabubuo.

KWHL

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.

Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng iyong

pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng broadcast media. Ngayon naman, ating aalamin ang mga mahahalagang kaalaman tungol sa isa bang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media

SAGOT:__________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Bigyan ng pansin dito ang pagkakagamit ng mga mag-aaral sa mga salitang nagpapakilala sa konsepto ng pananaw. Bigyan din ng pansin ang linaw ng paglalahad.

Bigyan ng timbang ang kahalagahan ng paglalahad nang may angkop na emosyon sa pagiging mabisa ng pagpapahayag. Kung ipapabasa ang iskrip sa mga mag-aaral, maari ring makatulong ang mga sound effects o background music sa lalo pang pagpapaganda ng presentasyon.

Pamantayan Napakahusay4

Mahusay3

Umuunlad2

Nagsisimula1

Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon

Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahon mga

impormasyong inilalahad sa

materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Masaklaw, makabuluhan at

napapanahon ang mga impormasyong

inilalahad sa materyal alinsunod

sa paksang itinatampok.

Makabuluhan at napapanahon ang

mga impormasyong inilalahad sa

materyal alinsunod sa paksang

itinatampok ngunit may mga detalyeng

hindi nailahad

May makabuluhan at napapanahong mga

impormasyong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok

ngunit limitado ang mga ito.

Masining at maingat na paggamit ng

wika

Natatangi ang paggamit ng wika nang higit pa sa

inaasahang pamamaraan sa

materyal.

Masining at maingat na nagamit

ang wika sa kabuuang

pagpapahayag sa nabuong materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika

sa karamihan ng pahayag sa nabuong

materyal.

Masining na ginamit ang wika sa karamihan

ng pahayag sa nabuong materyal

ngunit hindi maingat ang paggamit.

Mahusay na aspetong teknikal

Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa

husay ng pagtatagpi-tagpi ng mga elemento nito.

Taglay ang lahat ng kailangang

elemento sa mabisang pagbuo

ng materyal. Naipapamalas ang

kahusayan sa teknikal na pagganap.

Taglay ang mga susing elemento sa

mabisang pagbuo ng materyal at

naipamalas ang angkop na teknikal

na pagganap.

Naipamalas sa materyal ang minimal

na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at

teknikal na pagganap.

at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

GAWAIN 3.2.i: Paborito Kong Palabas!

Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.

GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon

Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang programang pantelebisyon.

PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD

TV PatrolART Angel

Matanglawin

Rated K

Talentadong Pinoy

Teen Gen

i - Witness

XXX

Umagang Kayganda

Weekend Getaway

Maaari itong gawin sa tatlong bahagi, una sabihin sa mga mag-aaral na tukuyin ang mga programang pamilyar sa kanila at isulat ito sa isang buong papel. Ikalawa, matapos nilang makapaglista ng kanilang mga sagot; pangkatin sila ayon sa pagkakatulad ng mga programang kilala nila. Ikatlo, bigyan sila ng tiglilimang minuto upang ipakilala sa buong klase ang mga programang pamilyar sa kanila sa pamamagitan ng maikling paglalarawan tungkol sa programa at sa dahilan kung bakit ito pinanonood.

Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyang impormasyon.

i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong maghatid ng komprehensibo at etratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.

Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon.

Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyonna nagpe-presinta ng iba’t ibang isyung napapanahon, may kaunting panayam at komentaryo.

Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat nang live tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon.

TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong kaganapan o panyayari sa loob at labas ng bansa, may mga ilang panayam din at komentaryo.

XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga mamamayan o maging daan sa pagpapahatid ng tulong.

Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at pagpapakilala sa mga produkto na matatagpuan dito.

Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.

Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay ang kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksena sa pagpapahalagang pangkatauhan o moral values.

GAWAIN 3.2.k: Telembistiga

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa ibaba. Ibigay ang pagkakatulad nila.

GAWAIN 3.2.l : Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa Youtube.

http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related

REPORTER’SNOTEBOOK

KRUSADA REEL TIME

STORYLINEINVESTIGATIVE

DOCUMENTARIES S. O. C. O.

Maaaring itong isagawa nang papangkat. Ipasuri sa mga pangkat ang pagkakatulad ng mga palabas ayon sa layunin nito. Maaari ring hayaang gumanap ang mga mag-aaral bilang mga hosts ng mga napiling palabas at magtanghal ng ilang mga natatandaang episode o eksena mula dito. Bigyang-pansin ang nagiging papel ng mga palabas na ito sa pagsisiwalat ng mga isyung panlipunan, paghahatid nito sa pamahalaan at sa paghahatid ng solusyon sa mga ito.

Ang sanaysay na ito ay isang paglalarawan kaugnay ng kalagayan ng isang liblib o tagong lugar sa Mindoro. Ang mga kakulangan ng lugar na ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at maging ng mga guro. Ang hirap ng buhay sa ilang, ang tiyaga ng isang mag-aaral upang makatapos ng pag-aaral at ang patuloy na pagsisikap ng guro na maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral.

Kung hindi naman makita ang link na nabanggit, maaring kumuha ng mga dokumentaryong palabas na mapapanood ng mga mag-aaral. Tiyakin lamang na kapupulutan ito ng aral at magiging isang mabuting motibasyon sa kanila upang magsikap na makatapos sa kanilang pag-aaral.

Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

Babasahin 3: “Sa Gitna ng Dilim” ni MiL Adonis (Kalakip 3.2.c)

Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain:

Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin

*Kilalanin ang taong kakapanayamin*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm

Things to do before an interview Interview Technique Pre-Interview

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Maaaring gumamit ang guro ng iba pang lunsaran at iba pang mga sites sa pagpapaliwanag sa paksa. Maaari ring magsaliksik ang mga mag-aaral sa internet kung ibibigay ang ito bilang takdang-aralin bago ang pagtalakay.

2. PAKIKIPANAYAM*Maging magalang*Magtanong nang maayos.*Itanong ang lahat na ibig malalam kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.

http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htmInterview TechniqueInterviewing Success

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM*Magpasalamat.*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam

http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htmPost Interview

GAWAIN 3.2.m : TELEHANAYAN NG KASAGUTAN

Gamit ang talaan ng paglalahat, nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay sa telebisyon.

Paksa: Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may

malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?

GAWAIN 3.2.n: Telementaryo

Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng

pagkain.3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________.4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,

_________________________________________.5. Matapos kong mapanood ang dokumentaryo, ___________________.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Naghahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Hayaang buuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag batay sa kanilang naging pagkatuto. Pagkatapos, suriin ang pagkakabuo ng mga pahayag sa tulong ng mga piling salita gaya ng dahil sa, para at iba pa. Ito ay magsisilbing pagpapakilala sa aralin sa wika na tatalakayin sa susunod na bahagi.

Maaaring bumuo ang mga mag-aaral ng mga halimbawang pangungusap batay sa mga napanood na dokumentaryo upang higit pang mapalawak ang mga kaisipang kanilang natutuhan mula sa mga ito.

MGA NAUNA NANG

NALAMAN

MGA NALAMAN AT NATUKLASAN

MGA PATUNAY NG NALAMAN AT NATUKLASAN

KATANGGAP-TANGGAP NA MGA

KONDISYONPAGLALAHAT

Tingnan ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta) kaya/kaya naman natuto siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may hintodahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at resulta)natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may hintonag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)sapagkat/pagkat/kasi/ dahilnag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan)nag-aaral siyang mabuti.

Nag-aaral siyang mabutiupang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.

1. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)nakatapos siya ng kanyang kurso.

Nakatapos siya ng kanyang (resulta + paraan)kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

2. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + bunga)nag-aral kang mabuti,matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)kapag/ sa sandaling/ bastatnag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sa sandaling o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

GAWAIN 3.2.o : Sinematotohanang Kaganapan

Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.

GAWAIN 3.2.p: DokPantele

Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko sa iyo.

Sitwasyon:

Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit ng angkop na wika, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.

NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gamit ng mga salitang nagpapakilala ng ugnayang lohikal sa pagpapahayag ng kaisipan. Maaaring gamitin ang mga larawan na nagpapakita ng mga napapanahong kaganapan, kalamidad, isyu sa pamahalaan at iba pang isyung panlipunan upang maging mulat ang mga mag-aaral sa mga nagaganap sa bansa.

Maaari ring isagawa ang gawain sa pamamagitan ng pagganap o pagtatanghal. Hayaan ang mga mag-aaral na itanghal ang kanilang nabuong dokumentaryo ayon pa rin sa napagkasunduang pamantayan.

PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at telebisyon, at natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Para makatiyak ako, isagawa mong muli ang sumusunod na gawain.

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na gawain upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay.

Bigyang-pansin sa bahaging ito ang pagkakagamit ng mga salitang nagpapakilala ng kaugnayang lohikal sa paglalahad.

Maaaring bigyan din ng pansin ang kaangkupan ng mga eksena sa pagpapaigiting ng kaisipang nais ibahagi sa dokumentaryo at ang angkop na pagganap ng host at ng mga gaganap sa dokumentaryo (kung ito man ay isasagawa sa pamamagitan ng pagtatanghal).

Sa bahaging ito, susuriin ang gampanin ng radyo at telebisyon bilang mga midyum ng broadcast media sa paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon sa madla at pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan.

Pamantayan Napakahusay4

Mahusay3

Umuunlad2

Nagsisimula1

Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon

Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahon mga

impormasyong inilalahad sa

materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Masaklaw, makabuluhan at

napapanahon ang mga impormasyong

inilalahad sa materyal alinsunod

sa paksang itinatampok.

Makabuluhan at napapanahon ang

mga impormasyong inilalahad sa

materyal alinsunod sa paksang

itinatampok ngunit may mga detalyeng

hindi nailahad

May makabuluhan at napapanahong mga

impormasyong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok

ngunit limitado ang mga ito.

Masining at maingat na paggamit ng

wika

Natatangi ang paggamit ng wika nang higit pa sa

inaasahang pamamaraan sa

materyal.

Masining at maingat na nagamit

ang wika sa kabuuang

pagpapahayag sa nabuong materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika

sa karamihan ng pahayag sa nabuong

materyal.

Masining na ginamit ang wika sa karamihan

ng pahayag sa nabuong materyal

ngunit hindi maingat ang paggamit.

Mahusay na aspetong teknikal

Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa

husay ng pagtatagpi-tagpi ng mga elemento nito.

Taglay ang lahat ng kailangang

elemento sa mabisang pagbuo

ng materyal. Naipapamalas ang

kahusayan sa teknikal na pagganap.

Taglay ang mga susing elemento sa

mabisang pagbuo ng materyal at

naipamalas ang angkop na teknikal

na pagganap.

Naipamalas sa materyal ang minimal

na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at

teknikal na pagganap.

Ilipat

Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro.bashin at unawain mo ang sitwasyon sa ibaba.Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak akong matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam kong nabatid mo rin ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon sa na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan.

Kumpletuhin ang pahayag:

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay sapagkat _________________________________________________________________________________________.

BROADCAST MEDIA

RADYO TELEBISYON

MGA ASPEKTO:pagbibigay ng impormasyonpagpapahayag ng mga pananaw at opinyonpagpapabatid ng mga pangunahing suliraninpaglalatag ng mga solusyon sa mga

pangunahing suliraninaksiyong naisagawa/solusyon sa mga

ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko)

Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng mga napapanahong isyu sa ating bansa.

Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.

Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES.

Kung ikaw naman ay makikiisa sa pagbuo ng dokumentaryong pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel 8.

Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?Pulis Pinoy, Mapagkakatiwalaan Pa Ba?Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?Mag-aaral na Pinoy, Responsable Pa Bang Estudyante? Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito..

Maaari itong isagawa nang papangkat. Hayaan ang mga mag-aaral na magsuri sa gampanin ng broadcast media sa mga nakatalang aspekto. Maaaring hatiin ang klase sa lima (5) at hayaan silang magpalitan ng ideya kaugnay ng isa sa mga nakatalang aspekto (mag-atas ng isang aspekto sa bawat pangkat). Pagkatapos, maaaring ibahagi sa klase ang napagkasunduan ng pangkat.

Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa gawaing ito sa kanilang kwaderno. Maaari ring hayaan silang sumulat ng slogan na nagpapaliwanag sa gampanin ng broadcast media sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa.

Hayaang pumili ang mga mag-aaral sa midyum na kanilang gagamitin para sa gawaing ito (komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon) . Maaaring ipa-record (tape recorder kung sa radyo at video recorder naman para sa telebisyon) ang nabuong iskrip o kaya naman ay ipatanghal na lamang sa klase sang-ayon sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Maaaring baguhin o dagdagan ang mga pagpipiliang paksa sang-ayon sa napapanahong isyu. Tiyakin lamang na ito ay argumentatibo o maaaring sang-ayunan o di sang-ayunan upang masanay ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsaliksik at mangatwiran sang-ayon sa panig na nais nilang ipahayag.

Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:

Pinakamahusay4

Mahusay3

Umuunlad2

Nagsisimula1

Nilalaman: Layunin

Ang presentasyon ay may tiyak na layunin o

tema. Ang lahat ng ipinakita rito ay may

tiyak na kaugnayan sa layunin at lubhang

makabuluhan.

Ang presentasyon ay may tiyak na paksa, at may kaugnayan ang mga ipinakita rito sa

paksa.

May tiyak na paksa ang presentasyon ngunit

ilang bahagi lamang ang nagpakita ng kaugnayan

sa paksa.

Di malinaw na naipakita ang paksa at ang

karamihan sa bahagi ay walang malinaw na kaugnayan sa tema.

Nilalaman: Konklusyon

Ginamit ko ang aking natutuhan at mga dati ng kaalaman upang mailahad ang aking pag-unawa sa mga datos na nakalap.

Nakapaghinuha ako ng maayos na konklusyon mula sa mga datos na

nakalap.

Sa tulong ng iba, nakapaghinuha akong

isang magandang konklusyon.

Di naging madali ang paghinuha ko ng

konklusyon.

Katangiang Pang-Multimedia

Gumamit ng mga grapiko, video, tunog, at iba pang multimedia na makatutulong upang higit na maging makabuluhan ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng mga multimedia features.

Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng mga multimedia features.

Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon, ngunit may mga pagkakataong nalalayo sa tema. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng mga multimedia features.

Di- gumamit ng multimedia upang maisagawa ang Presentasyon

Pagiging Malikhain

Maaaring mabago ang bahaging ito ng rubrik na gagamitin sang-ayon sa inaasahang produkto ng mga mag-aaral (kunf recorded o pagtatanghal ang isasagawa).

Pinakamahusay4

Mahusay3

Umuunlad2

Nagsisimula1

Ang presentasyon ay ginamitan ng mga kakaibang likhang sining upang mahikayat ang mga manonood, makadaragdag sa pagpapalabas ng layunin at tema ng paksa.

Ang presentasyon ay ginamitan ng mga kakaibang likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Sinubukang gamitan ng mga kakaibang likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Walang ginamit na mga kakaibang likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Pagtatanghal

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. Naipakita ang kabuluhan ng paksa at tema nito.

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita.

May mga ilang pagkakataong kinabahan habang nagsasalita.

Di-napaghandaan ang pagsasalita at pagganap.

Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain sa Aralin 3.2. Ngayon ay inanyayahan kitang tayahin ang mga natamo mong kaalaman at nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito.

VII. Pangwakas na Pagtataya:

Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang nais isaad dito.

1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kanyang paligid sa pamamagitan ng ____________________.

2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, _____________________.3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay

__________________________________________________.

Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na para sa huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol sa dokumentaryong pampelikula.

Maaaring ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa pagsusulit na ito sa isang buong papel upang matiyak ang kanilang naging pag-unawa sa kabuuan ng aralin.

Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong PanlipunanBilang ng Sesyon: ___

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga ItoAralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong

Panlipunan

a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza

b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

III. Mga Inaasahang Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3.3

Aralin 3.3

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-unawa sa NapakingganNailalahad ang pangunahing punto at mahahalagang impormasyon sa napakinggan

Ang mga pokus na tanong at mahalagang konsepto ang inaasahang magiging sentro ng pagtalakay sa araling ito. Maaaring banggitin ang mga pokus na tanong sa pagsisimula ng pagtalakay upang magsilbi itong direksyon ng pagtalakay at pagsasagawa ng mga gawain. Itanim sa utak ng mga mag-aaral ang mga konseptong ito upang magkaroon din ng direksyon ang kanilang pag-aaral.

Nakatala dito ang mga aralin na tatalakayin sa bahaging ito ng modyul. Nakatala ang aralin sa panitikan at ang awalin sa wika na magiging saklaw ng pagtalakay.

Narito ang mga inaasahang kasanayan ng bawat isang mag-aaral na malilinang sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito. Idiin sa kanila na kailangan itong maisakatuparan.

Pokus na tanong para sa Aralin 3.3:

Paano nakakaambag ang mga pelikula sa pagpapaigting ng kuturang popular at kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa?

Paano nakatutulong ang pagpapahayag komunikatibo sa mabisang pagpapahayag?

Mahahalagang Konsepto para sa Aralin 3.3:

Ang mag-aaral ay nakalilikha ng isang iskrip para sa isang dokumentaryong pampelikula at iba pang uri ng midya gamit ang wika sa pagpapahayag na pangkomunikatibo.

Pag-unawa sa BinasaNasusuri ang mahahalagang impormasyon para sa sariling pagpapakahulugan sa daigdig na kaniyang ginagalawan

Naiisa-isa ang katangian ng ugnayan ng tao sa lipunan na inilalahad sa akda

Nailalahad ang mga patunay, halimbawa at iba’t ibang damdaming ipinahahayag sa akda/tekstong binasa

Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa : sarili kapwa kapaligiran/ lipunan

PagsasalitaNasusuri ang mga uri ng pagpapahayag

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin

TatasNapagtitimbang-timbang kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan o kredibilidad

Pakikitungo sa Wika at PanitikanNaipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin at damdamin gamit ang mga uri ng komunikatibong pagpapahayag

Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Estratehiya sa PananaliksikNailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na datos sa pananaliksik PanonoodNatutukoy ang kontradiksyon sa pelikulang napanood.

IV. Konseptuwal na Balangkas ng Aralin 3.3

V. Panimulang Pagtataya (para sa Aralin 3.3) Panuto: Punan ang mga patlang ng mga titik na bubuo sa salitang tumutukoy sa hinihingi ng bawat bilang.

1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan. D _ _ U _ _ _ T _ _ Y _

2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak. S_ _ D_ _ T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.

3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _

4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay ang batikang Direktor na si B _ _ L L _ N T _ _ E _ D O _ A.

5. Si _ O _ _ _ A _ _ IN ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng Indie Films.

DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

Ang Kaligiran ng Dokumentaryo

Komunikatibong Paggamit ng Pahayag

Katuturan ng Dokumentaryong

Pampelikula

Paglikha ng Sequence Script ng

isang pelikula.

Mga Uri ng Pahayag

Mga Pamantayan sa paglikha ng

“Sequence Script” para sa

Dokumentaryong Pampelikula

Kaligirang Pangkasaysayan

Mga Elemento ng Dokumentaryong

Pampelikula

Makabubuting maipaskil sa loob ng silid ang Konseptuwal na Balangkas na ito upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa pagtalakay ng aralin. Isulat sa manila paper o cartolina. Talakayin ang mga araling nakapaloob sa araling ito. PAALALA: Bigyan ng pangunahing ideya ang mga mag-aaral sa mga paksang nakapaloob dito.

Pasagutan sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtataya upang masukat ng guro ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa aralin.

Susi sa Pagwawasto:

Dokumentaryo 4. Brillante Mendoza

Student Independent Film 5. Coco Martin

Iskrip

Mahusay! Sadyang di maikakaila ang laki ng impluwensiya ng pelikula sa

buhay ng mga Pilipino, at di maitatangging kabilang ka rito sapagkat nasagot mo ng

buong husay ang paunang pagtataya. Ngayon ay ipagpatuloy mo na ang pag-aaral ng

modyul na ito. Natitiyak kong lubos kang masisiyahan at maraming matututunan sa

araling ito. Tayo na!

VI. YUGTO NG PAGKATUTO

ALAMIN

Batid ko na mayroon ka nang kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at

pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular sa ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t

tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging interesado sa

paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay

sa modernong panahon kung saan laganap rin ang mga modernong teknolohiya na

naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahahalagang tanong na dapat mong

sagutin kaugnay ng aralin.

Mga Gabay na Tanong:

1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang

kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at

kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?

2. Bilang isang uri ng midyum, paanong ang isang dokumentaryong pampelikula

ay isang mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong

panlipunan?

Magkasama nating pag-aaralan ang mahahalagang detalye hinggil sa

paksang ito. Sasagutin natin nang buong husay ang bawat katanungan na siya

mong magiging gabay sa iyong pag-aaral. Inaasahan din na iyong maisasagawa ang

Magsisilbi itong gabay ng guro sa kanyang mga mag-aaral at kinakailangang masagot sa iba’t ibang bahagi ng pag-aaral.

Sa pamamagitan nito, naikikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang aspeto at mga kaalaman na dapat matutuhan.

Nagsisimula ang pormal na pag-aaral ng mga mag-aaral sa paksa sa yugtong ito ng pagkatuto. Ang una sa mga ito ay ang Alamin kung saan sinusubok ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral sa aralin.

Bilang eksplorasyon, dapat alamin ng guro kung ano ang lebel ng interes ng mga mag-aaral sa paksang ito ng Dokumentaryong Pampelikula na sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain, aakayin nito kapwa ang guro at mag-aaral sa malalimang pagtalakay.

produktong dapat mong maisakatuparan sa huling bahagi ng iyong pag-aaral.

Ngunit bago natin ituloy ang pag-aaral na ito, bakit hindi mo muna subuking

sagutin ang gabay na tanong.

Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw

para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa

pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel.

Gayahin ang pormat.

GAWAIN 3.3.a : LARAWASYON (Imahinasyon Batay sa Larawan)

Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga kasagutan sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel.

Sagot:_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang gawaing ito ay ang aktuwal na pagsukat sa paunang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga larawan ay mapanunumbalik sa kanilang memorya kung ano ang kanilang naalala kapag ipinakita ang mga larawang ito na hango mula sa mga pelikula (documentary films, independent, indie films at maging ng mga tinatawag nating commercial films).

Inilaan ang 3-2-1 Chart upang makuha ang mga bagay na nagustuhan, mga pananaw at mga mahahalagang aral at kaisipan na nakuha at napulot ng mga mag-aaral.

Mahalagang Paalala:

Ang guro ay dapat na magpakita ng mga makukulay at magagandang larawan upang magkaroon ng natatanging interes ang mga mag-aaral.

Maaaring isagawa sa pamamagitan ng powerpoint presentation. Magpakita ng iba pang kaugnay na larawan na sa palagay mo ay uukit sa kaisipan ng mga mag-aaral.

Http:/www.google.com.phhttp://www.cinemalaya.org/filmwww.starcinema.com.phwww.gmanetwork.com/news/video/shows/investigative documentaries

GAWAIN 3.3.b: IHASIP NATIN (Ihambing at Isaisip)

Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa pahina 7. May

3_____________________________________________________________________________________________________________________Anu-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang

tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit.

______________________________________________________________________________

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang isang tanong na nais mong tanungin sa mga tao sa likod ng mga

pelikula o palabas na ito?______________________________________________________________________________

2

1

Alin sa mga palabas o pelikula na nakalarawan ang iyong kinagigiliwan?

Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag kung bakit.

Sa bahaging ito ay ginamit ang dayagram na magsisilbing patnubay kapwa ng mga guro at mag-aaral upang ipaghambing ang “dokumentaryo” mula sa “pelikula” nang sa ganoon ay makuha ang pananaw ng mag-aaral kung paano nila binibigyang-kahulugan ang isang dokumentaryo mula sa pelikula.

Mahalagang mabatid ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay naiuugnay ng guro ang susunod na aralin kung paano ito nagging isang Dokumentaryong Pampelikula.

Ang gawaing Ihasip, (Ihambing at Isaisip) ay malaking tulong sa mag-aaral na magtutugma sa mas malalim pang pag-aaral kaugnay ng paksa. Ipasagot ito lahat.

napansin ka bang pagkakatulad ng mga ito? Ngayon, subukin mo naman ipangkat ang mga ito sa dalawa (2) sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Batid kong taglay mo na ang sapat na kaalamang pangkaligirang may kinalaman sa mga Dokumentaryo at Pelikula. Ang susunod mong mga hakbang ay ang pagpapaunlad naman ng iyong pag-unawa sa mga kasalukuyang panitikang popular at ito ay ang dokumentaryong pampelikula.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang una mong dapat na maisagawa ay basahin ang buong teksto, ang iskrip ng pelikula. Pagkatapos, maaari mo na itong panoorin bilang halimbawa ng isang dokumentaryong pampelikula. Pinamagatan itong “Manoro” (The Teacher). Ang salitang “manoro” ay nangangahulugang “tagapagturo” o “guro” sa katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta.

Ito ay may kinalaman sa isang batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng kaniyang elementarya sa isang mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at kung paano niya tinuruan ang kaniyang mga kababayan sa kabundukan na bumasa, bumilang at sumulat. Ngunit bago ang lahat, ano nga ba ang Dokumentaryong Pampelikula? Ngunit bago mo ito sagutin, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito. Basahin ang kasunod.

C. PagkakatuladB. PagkakaibaA. Pagkakaiba

PELIKULADOKUMENTARYO

Ang kasunod na proseso o lebel ng pag-aaral kung

saan pinauunlad ang kabatiran at kaalaman ng isang bata sa mas masusing pagkatuto.

Direktang tukuyin sa mga mag-aaral na ang unang gawain ay ang pagbabasa ng akdang pampanitikan. Ngunit mahalagang bigyan muna ng kaligirang kasaysayan at kabatiran ang mga mag-aaral sa kung ano ang akdang pampanitikan na kanilang babasahin at pag-aaralan. Bigyan sila ng ilang ideya at impormasyon tungkol sa akda upang maitanim sa kanilang puso’t isipan ang mahahalagang kaisipan nito habang ito ay patuloy nilang pinag-aaralan bilang gabay sa pagtalakay sa aralin.

Alam mo ba... (Talakayin matapos mabasa ang akda)

Nang pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1992, marami sa mga kapwa katutubo nating Aeta ang napilitang lumikas mula sa kabundukan tungo sa kapatagan sa mababang bahagi ng Pampanga. Nagbigay naman ito ng pagkakataon sa mga batang Aeta na sila ay makapag-aral sa mga paaralan sa bayan na malapit dito. Ang karakter na si Jonalyn sa pelikula bilang isang batang Aeta na nagnanais taglay ang mabuting hangarin na maturuang bumasa at sumulat ang kanyang mga kababayan, lalo na ang mga nakatatanda upang sa unang pagkakataon sa kanilang tanang buhay ay magamit ang karapatang ipinagkaloob sa kanila ang makaboto sa nalalapit na eleksyon sa taong 2004. Maging ang mismong mga sarili niyang magulang ay kinakailangang turuan ni Jonalyn, lalo na ang kanyang ama na kinakailangang makapagtrabaho. Kaya naman, si Jonalyn ay nagtungo sa tahanan ng mga katutubo upang sila’y turuan kung paano sinusulatan ang mga sample ballot bilang siyang pangunahin niyang misyon. Ngunit kasabay ng gawain niyang ito ay nalaman niyang nawawala ang kanyang lolo o Apo (batay sa kanilang katutubong wika) kaya’t kinakailangan nilang hanapin pa ito sa kabundukan. Ngunit hindi ito naging hadlang kay Jonalyn.

(tingnan at basahin ang kalakip: Sinopsis ng Manoro)

Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa

Babasahin 1: MANORO (Ang Guro) (Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon) (Kalakip 3.3.a)

GAWAIN 33.c : HAGDANAW (Hagdan at Pananaw)

Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong upang iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong kaalaman, pagkilala

Gaya ng nabanggit, ito ay mahalagang input na dapat mabatid ng mga mag-aaral Ang mas malawak na depinisyon ng Dokumentaryong Pampelikula, ang mga anyo at uri ng pelikula sa panahong kasalukuyan tulad ng mga Independent at Indie Films.

Higit sa lahat, ang mga mahahalagang kaalaman sa batikang Direktor na si G. Brillante Mendoza na nakilala sa kanyang mga “obra-maestra” na nagwagi ng prestihiyosong parangal mula sa iba’t ibang mga bansa sa daigdig.

Paalala:

Maaari pang magsagawa ng ilang mga pananaliksik ang guro at ang mga mag-aaral kaugnay nito bilang karagdagang kaalaman. Batay sa mga impormasyong napag-alaman tungkol sa direktor, tanungin ang mga mag-aaral kung ano sa palagay nila ang naging motibasyon ni Mendoza sa paglikha ng mga Independent at Documentary Films.

Aktuwal na pagbabasa ng teksto ng mga mag-aaral. Mahalagang malaman nila kung tungkol saan ang kanilang babasahin. Sa pamamagitan nito ay naikikintal sa isipan ng mga bata kung ano ang tunay na layunin kung bakit kailangang basahin ang isang akdang pampantikan.

IPAPANOOD: You Tube (on-line) or DVD “Manoro” Mahalagang bigyang-pakahulugan ang bawat eksena ng dokumentaryong pampelikula.

Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular.

Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino.

Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro)

sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot sa papel.

Mula sa Dokumentaryong Pampelikula na iyong napanood at iskrip na iyong nabasa, batid naming naimulat ang iyong isipan sa tunay na kalagayan ng ating mga katutubo sa mga kabundukan, ang kanilang lagay sa lipunan at ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, ang isang Dokumentaryong Pampelikula na tulad nito ay isang matibay na instrumento upang maipamulat sa bawat isa sa atin ang katotohanan o realidad ng buhay. Ngayon ay higit pa nating palawakin ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan:

Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo?

Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo? Magbigay ng mga mungkahi

Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo at ng bansang Pilipinas?

Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo na nagtataglay ng “kawalang-alam” (illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang mga naisip mong proyekto para sa kanila?

Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon?

Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular? Ipaliwanag.

Pagkatapos na mabasa ang akda, idiin sa mga mag-aaral ang importansya ng pagsusuri ng akdang pampanitikan. TANDAAN:

Dito na pumapasok ang tinatawag nating Six (6) Facets of Understanding, mapapansing ang bawat katanungan ay iniugnay sa Aspekto ng Pagkaunawa ang pagpapaliwanag, perspektibo, aplikasyon, interpretasyon, empatiya o pag-unawa sa damdamin ng iba, at pagkilala sa sarili .

Kinakailangang maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang mga paninidigan at kasagutan. Maaaring gumamit ng ilang kakaibang estratehiya sa pagtatanong tulad ng palabunutan, pagpasa ng bola, o di kaya’y sa pamamagitan ng tugtog ng musika o pag-awit. Maging malikhain bilang isang guro.

Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:

Mga Elemento ng Pelikula:Sequence Iskrip – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang

kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.

Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.

Dito na ngayon pumapasok ang kaalamang teknikal na unang binanggit sa mga gabay na tanong. Ito ay isa sa pinakamahalagang input na dapat matutuhan ng mga mag-aaral dahil malaki ang bahaging ginagampanan nito sa iba pang mga kaugnay na aralin.

PAALALA:

Maaari ring ipasuri sa mga mag-aaral ang pinanood na Dokumentaryong Pampelikula batay sa mga tinalakay na elemento. Kinakailangang maibahagi nila sa klase ang kanilang isinagawang kritiko at pagsusuri tungkol sa aralin.

Pagkatapos maipasuri ang “Manoro” (Ang Guro) bilang Dokumentaryong Pampelikula, maaari pang magpasuri ng ibang mga pelikula o dokumentaryo ang guro upang higit pang mahasa ang kakayahan sa pagsusuring analitikal ng mga mag-aaral.

ALAM MO BA...

Na upang mas mabisa ang pagsusuri ng isang pelikula o anumang genre, maaari mo itong ibatay ayon sa mga Dimensyong Panliteratura? Ito ay ipasuri ayon sa mga sumusunod na aspeto o dimension:

Panlipunan / SosyolohikalPangkaisipan / SikolohikalKalagayang pang-ekonomiyaPansarili / PersonalisasyonPangkasaysayan / Historikal

Muli, bilang input, ang Ugnay-Panitikan ay ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Dokumentaryong Pampelikula. Ang Kaligirang Kasaysayan nito mula noong taong 1900 at ang mga naging katawagan nito sa lipunan sa pagdaan ng panahon. Bigyang-diin kung paano ito naging instrumento para maitaguyod ang mga kamalayan at pagbabagong panlipunan.

Ipabasa ito ng malakas sa mga mag-aaral.Dito ngayon unti-unting nasasagot ang mga ibinigay

na mga Gabay na Tanong. Maaari ring magpakita ng ilang kaugnay na larawan ang guro tungkol sa paksang ito.

Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang “Dokumentaryong Pampelikula” sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Maaga nang taong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento laban sa pulitika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite”ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.

GAWAIN 3.3.d : PATINIKAN SA PANITIKAN

Ngayon naman, muli nating balikan ang iba’t ibang mga eksena mula sa Dokumentaryong Pampelikula na “Manoro” (Ang Guro), Para sa iyo ano kaya ang mga nais bigyang-tuon nito? Isulat ang sagot sa papel.

Iba pang mga Elemento:Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at

paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging ito ng “Patinikan sa Panitikan”. Kinakailangang mabigyang-diin sa mga mag-aaral kung paano nila binibigyang-kahulugan ang bawat eksena mula sa dokumentaryo at ang mga pahiwatig nito.

Mula sa gawaing iyong isinagawa, nabatid natin na upang maging nakasisiya at epektibo ang isang Dokumentaryong Pampelikula, mahalagang isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang screenplay ng isang obra-maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan nito sa emosyon, lalim at kakintalan at ang magiging implikasyon ng isang dokumentaryo sa mga manonood nito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula

Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.

Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.

High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.

Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. 7. Birds Eye-View – Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na

nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa himpapawid.8. Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.

Isa pang mahalagang input may kinalaman sa estilo, mga teknik at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula na may malaking epekto sa kabuuang mensahe ng isang pelikula.

Ang guro ay maaaring magpakita ng mga aktuwal na larawan mula sa mga pahayagan, magasins, internet o mga video clippings ng mga pelikula upang ipakita ang mga anggulong ito batay sa pagkakalarawan nito.

Iuugnay nito ang susunod na gawain.

GAWAIN 3.3.e : KUHA KO, HULA MO

Matapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera at ang kahalagahan nito sa pelikula, ngayon ay pagmasdan mo ang kasunod na mga larawan ng mga aktuwal na kuha ng kamera sa pelikulang iyong napanood. Isulat kung anong uri ito ng camera shot at ipaliwanag ang nais nitong ipahiwatig.

Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig: ____________________________________________________________________

Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig: ____________________________________________________________________

Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig: ____________________________________________________________________

Ang gawaing ito ay pagtukoy sa mga uri ng camera shots & angles, ang mga pahiwatig nito ay mahalagang matalakay upang mabigyang-diin maging ang mga simbolismo na ginamit at pinalitaw sa pelikula.

Talakayin ang mahahalagang eksena sa pelikula. Dapat na mga mag-aaral ang magpahayag nto.

MAHALAGANG IMPORMASYON: (Ibahagi sa mga mag-aaral)

Sa pamamagitan ng Cinema Verite, terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan, naisakatuparan at naging matagumpay ang pagsasagawa ng dokumentaryo at naipakita nito ang tunay na kalagayan ng mga Aeta. Ang pagiging simple at totoong mga pangyayari at aktuwal na pag-arte ng mga tauhan at maging ang lokasyon o lugar ay pawang mga elemento na nagbibigay kulay at tekstura sa buong pelikula. Ang mahabang paglalakbay at paglalakad ng mag-ama sa mga baku-bako, maalikabok at masukal na landas ay isang senaryo na nagpapakita ng mabagal na pag-unlad at modernisasyon ng ilang mga lugar na napag-iiwanan at napababayaan sa bansa. Gayundin, ang tinatawag na functional literacy o pagkatuto na nagagamit at angkop sa pamumuhay ay binigyang-diin. Bagamat ito ay ipinakita sa sandaling panahon lamang dahil sa eleksyon, ang pinaka-pokus pa rin ay ang pagbibigay at pagkakaloob ng karapatan sa mga katutubo na makaboto sa unang pagkakataon.

(tingnan ang kalakip: Sinopsis ng Manoro)

http://www.google.com.ph/images

Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang

Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag.Sa

pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa

paraan ng kaniyang mga pananalita.

Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon

sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo

nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod

na pangungusap.

a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin:1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)

2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-aalinlangan)

3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.” (pagtanggi)

4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)

5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat)

Uri ng Kuha: _______________________

Nais ipahiwatig: ____________________________________________________________________

Ang Ugnay-Wika ay pagtalakay sa bahaging Gramatika ng isang aralin. Bigyang-diin ang wastong paggamit at pag-uugnay-ugnay ng mga Komunikatibong Pahayag.

Gayundin, ang kahalagahan nito sa pagpapahayag ng mga saloobin, pananaw at bawat damdamin mula sa akda at lalo na sa tunay na buhay.

b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama

1. Pagbibigay-babala “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala)“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”

2. Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”

3. Di-pagpayag“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

GAWAIN 3.3.F: PAHAYAG KO, TUGON MO

Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood.

Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin

ang iyong kasagutan mula sa kahon. Isulat sa papel ang mga sagot.

Pagtanggi Pagsang-ayon Pagbibigay-babala Panghihinayang Panghihikayat Pagsalungat

“Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!”

1. ______________________________

“Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa

pagboto.”

Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang ginagalawan.

GAWAIN 3.3.g : Pahayag Ko, Interpretasyon Mo

Ngayon naman ay basahin mo ang sanaysay na ito. Sa pamamagitan nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na paksang pangwika. Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pag-alam ng mga kaisipan, saloobin, paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito mula sa Sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang kahulugan ng bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. Sundin ang pormat.

Babasahin 2: PINTIG, LIGALIG at DAIGDIG (Kalakip 3.3.2)

2. ______________________________“Sa ginagawa nilang iyan,

inaagawan nila ng tahananang mga ibon.”

3. ______________________________

“Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito

makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.”

4. ______________________________“Ang sampagitang ito ay para sa mga

ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito.”

5. ______________________________

“ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian natin.”

6. ______________________________

Pahayag: _____________________________Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________

Pahayag: _____________________________Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________

Pahayag: ______________________________Paliwanag/Interpretasyon: ___________________________

Pahayag: ______________________________Paliwanag/Interpretasyon:___________________________

GAWAIN 3.3.h : KATUTUBO – Kapatid, Kapamilya’t Kapuso

Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga

kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na

komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Mula sa mga nauna nating pinag-aralan, natutuhan mo ang mahahalagang bagay tungkol sa Dokumentaryong Pampelikula. Kabilang na rito ang pagsusuri sa nilalaman nito at kung ano ang panlipunang kahalagahan nito lalo na sa panahong kasalukuyan sa katulad mong isang kabataan. Gayundin ang mahahalagang elemento at iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng camera.

Ngunit tandaan, na ang isang pinakamahalagang elemento ng Dokumentaryong Pampelikula ay ang “iskrip” kung saan nakapaloob ang mga diyalogo o mga pananalitang namumutawi sa bibig ng mga artistang gumaganap. Sa pananaw ng isang script writer at ng direktor, ang mga diyalogong ito ay may mas malalim na pagpapakahulugan, sapagkat mula sa mga ito ay makukuha mo ang mga nakapaloob na mensahe upang magsilbi itong kamalayan upang buksan ang isipan ng bawat isa hinggil sa mga isyung panlipunan.

GAWAIN 3.3.i : INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo)

Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano

mo ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng aplikasyon ang mga mag-aaral sa kanilang pinag-aaralan. Idiin ang kahalagahan ng Komunikatibong Pagpapahayag at kung paano ito nagagamit sa tunay na buhay at sa lahat ng mga transaksyon kaugnay nito.

Sa bahaging ito, mas lalo pang palalimin ng guro ang pagtalakay at pagpapa-unawa sa mga mag-aaral ng mga bisang pandamdamin, pansarili at pang-kapaligiran ng mga mag-aaral at kung bakit iniuugnay ito sa lipunang ginagalawan.

Hayaan ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang pakahulugan sa mga pahayag. Pagkatapos nito, hayaan silang ipaliwanag kung bakit nila naisip ang ganitong pagpapakahulugan. Maaari itong isagawa nang papangkat. Maaari pa ring dagdagan ang mga pahayag na nakatala.

MAHALAGANG KAALAMAN PARA SA GURO:

Dapat nating mabatid na ang mga kapwa natin

katutubong mga Aeta ay mga Pilipino rin. Sa matagal na

panahon sila ay inakalang nabibilang sa mga taong hindi

sibilisado. Lahat ng mga pribilehiyo at benepisyo ng

pangkaraniwang mamamayan ay dapat lamang na kanila ring

tinatamasa. Kaya sa halip na sila ay ipagtabuyan, dapat lamang

na sila’y pahalagahan, pangalagaan at mahalin. Ito ang

mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood.

Nang gabing yaon ay nagdiwang ang tribu at inihanda

ang nahuling baboy-ramo. Sumayaw at humiyaw ayon sa

kanilang tradisyon at kinagawian. Sa pagdiriwang na yaon,

tinanong ng isang Aeta ang lolo ni Jonalyn kung bakit hindi siya

bomoto. Ang kanyang matapang, may prinsipyo at may

paninindigang kasagutan ay nagpakita at nagpadama sa kanya

na sa loob ng maraming dekada sila ay nakaranas ng

deskriminasyon, pagtratong minorya at pagtatangi, sa winika

nitong “dahil hindi ito makapagpapabawas at makapagpapababa

ng aking pagkatao.”

sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot

Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa epektibong komunikasyon ang

pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muli mong balikan ang ilang dayalogo

sa dokumentaryong pinanood na sa palagay mo ay tumanim sa iyong isipan, bigyan

ito ng pagpapakahulugan.

GAWAIN 3.3.j : PELSKRIP (Pelikula at Iskrip)

Sa iyong mga naunang gawain ay nalaman mo ang uri ng mga pahayag na

mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na nakatutulong upang magkaroon

“Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababaat makababawas ng aking pagkatao”

“Apo NamalyriKami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo

Makapangyarihang IsaKami ngayo’y nangagtipon

Dito sa aming tanimanKayo lamang ang makatutulong sa

amin”

“Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan,

narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng

aplikasyon.”

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Sa bahaging ito, maaaring ipasok ng guro ang iba pang mga pelikula, maging ito man ay independent film, short film, video advocacy at iba pang anyo nito. Tiyakin lamang na akma at angkop sa edad ng mga mag-aaral ang mga eksenang ipakikita.

Bigyang-pansin kung paano nagagamit ang mga Komunikatibong Pahayag sa mga nabanggit na genre.

ng mas malalim na pagpapakahulugan ang mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman

ay subukin mo ang iyong kakayahan sa bagay na ito.

Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na “Ang Babae sa

Septic Tank” sa direksiyon ni Marlon Rivera , isang pelikulang nagkamit ng maraming

parangal na ang pangunahing tema ay suliraning panlipunan. Subukin mong bumuo

ng mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pahayag na

ating tinalakay sa mga naunang aralin. Gawin sa papel.

www.starcinema.com.ph/

GAWAIN 3.3.k : DOKYUFIL (Pelikula at Dokumentaryong Filipino – Epekto Sa Iyo)

Ang mga pelikulang katulad ng “Babae sa Septic Tank” at “Manoro” (Ang Guro)

ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan.

Kaya’t ang matataas na uri ng mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa larangan at

industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng

kultura at panitikang popular sa ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi

naimumulat nito ang ating kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging

________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________

implikasyon o epekto nito sa iyo bilang mag-aaral.

Muli, ipahayag at ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng

dokumentaryong “Manoro” (Ang Guro) batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa

papel. Gayahin ang pormat.

GAWAIN 3.3.l : AKO MISMO, KIKILOS AKO!

Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, panahon naman para maipahayag kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan bilang isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

“AKO MISMO, BATANG LIDER”

MANORO (Ang Guro)Dokumentaryong Pampelikula

IMPLIKASYONKaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI LIPUNANPAMILYA

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Pinakamahalaga na naiuugnay ang akdang pampanitikan sa panahong kasalukuyan at sa tunay na buhay. Ang Implikasyon nito sa Sarili, Pamilya at Lipunan.

Itanim sa isip ng mga bata na ang mga akdang pampanitikan tulad ng “Manoro” (Ang Guro) ay isang midyum sa hinahangad na pagbabago.

Matapos na matalakay ang akda, bigyang-diin na mahalagang naikakapit ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at buhay ang akdang pampanitikan.Nangangailangan ang pagkilos matapos itong matutuhan.

Dapat na mapalabas ng guro ang pagiging isang lider ng kabutihan at adbokasiya sa pamayanang ginagalawan upang magamit niya ang lahat ng natutuhan.

Mula sa mga ito ay iyong mahihinuha ang kahalagahan ng media o anumang uri ng midyum sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at ikaw bilang isang natatanging kabataan na nagtatalay ng matibay na personalidad sa pagharap mo sa marami pang hamon na darating sa iyong buhay. Kaugnay nito bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong mga natutuhan sa araling ito. Sundin ang pormat.

Ilipat

GAWAIN 12: Iskripkoto

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng isang iskrip para sa isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang iba’t ibang uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago iyon, dapat mong malaman na bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong simulan sa pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang halimbawa, (halaw sa “Manoro”, Ang Guro) basahin, pag-aralan at unawain mo itong mabuti.

Ang Aking Repleksyion … ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (“SEQUENCE SCRIPT “)

Eksena Bilang at Tagpuan

Kuha at Anggulo ng Kamera

Mga Detalye/ Paglalarawan at Kaisipan ng Eksena

Mga Tauhan at Iba pang Datos na Kinakailangan

Eksena / Sequence 1:School Grounds (Graduation Day)

Establishing Shot sa “school grounds”

Medium Shot sa mga taong nakapaligid (iba’t ibang senaryo)

Close-Up Shot na ipakikita ang ilang eksena ni Jonalyn (pangunahing tauhan)

Magbubukas ang eksena sa “school grounds” sa araw ng graduation. Hindi magkamayaw ang mga tao. Masayang-masaya ang lahat at lubos ang pananabik. Ngunit kasabay nito ay ang pag-iyak ng mga bata’t sanggol. Maririnig ang ilang mga usapan.

Karamihan ng mga tao sa isang tipikal na “Graduation Day” (iba’t ibang eksena)Isa sa mga unang makikita ang pangunahing tauhan (Jonalyn Ablong) kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya (matatapos nang masaya ang graduation)

Ipaunawa sa mga mag-aaral ang paglikha ng isang Sequence Script. Idiin sa kanila na lubha nila itong kinakailangan sa pagbuo ng iba pa nilang mga kaugnay na proyekto lalo na sa huling bahagi ng aralin. Magpakita ng iba pang mga halimbawa kung kinakailangan. Mahalaga rin na patiuna itong naunawaan at napag-aralan ng guro. Maaari ring magbigay ng iba pang mga sitwasyon at pagawain ang mga mag-aaral ng kanilang sariling likhang sequence script.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pag-aaral ang paglilipat ng kaalaman sa mga mag-aaral at ang aktuwal nitong aplikasyon sa kanilang sarili at sa kanilang pamumiuhay. Batay sa ibinigay na direksyon, bigyang-laya ang mga mag-aaral na lumikha ng kanilang sariling iskrip na itatanghal sa klase na siyang magsisilbi ring pagsasanay nila para sa lalo pang mapanghamong gawain sa huling bahagi ng pag-aaral batay sa modyul na ito.

VII. PANGWAKAS NA PAGTATAYA: Isulat ang wastong sagot sa patlang.

1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay “scene setting”.

______________________

2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang

pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa

masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. ________________

Eksena / Sequence 2:

Sa isang Jeep na patungong Resettlement Area ng mga Katutubo

Long Shot sa isang Jeep na papunta sa Resettlement Area ng mga Katutubo

(tinatahak ang mababato at maalikabok na mga daanan)

Medium Shot sa mga nagsisipagtawanang katutubo tungo sa Close-Up Shot sa nagsasalitang si Jonalyn (pangunahing tauhan)

Ipakikita ang andar ng isang jeep sa mabato at maalikabok na daanan, may ilang batang lalaki na nakasakay sa itaas ng jeep

Masayang nagtatawanan ang mga katutubo tungkol sa katatapos na Graduation hanggang sa pagdating sa kanilang lugar

Mga ilang batang katutubo na gumradweyt, mga ina, sanggol at iba pang mga batang sumama sa graduation at tampok ang pangunahing tauhan na si Jonalyn Ablong

Ipasagot ang pangwakas na pagtataya bilang pagsubok sa kanilang mga natutuhan sa araling ito ng Dokumentaryong Pampelikula.Susi sa Pagwawasto:Establishing / Long ShotDisenyong PamproduksyonCinema TruthCinema VeriteIndependent / Indie Films

3. May katuturang “pelikula totoo” at katangian ng isang dokumentaryong

pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.

____________________

4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at

pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject. Naging

pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan.

________________________

5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat

pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan.

_________________________________

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyunal na uri tungo sa mga panitikang popular.

Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag:

Tradisyunalna

Anyo ngPanitikan

Panitikang Popular

Lenggwahe/Wika

Makabagong Teknolohiya

Mga Suliranin at Kalagayang Panlipunan

Prinsipyo at mga Paniniwala

Ang bahaging ito ang magsisilbing sintesis ng kabuuan ng modyul. Ang mga magiging kasagutan ng mga mag-aaral sa bahaging ito ang sasagot sa mga mahahalagang tanong na nakatala sa simula ng modyul. Inaasahang maipaliliwanag nila ang pagbabago ng tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa panitikang popular. Maaari itong isagawa nang papangkat. Iatas sa bawat pangkat ang isa sa apat (4) na salik na nakatala.

Maaaring isulat ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa gawain sa kanilang kwaderno. Maaari ring magpasulat ng isang slogan kaugnay ng paksang nakasaad. Ito ang magsisilbing paglalahat o sintesis ng kanilang pag-aaral ng modyul.

ILIPAT

Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na tinalakay sa bawat aralin ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT bilang malaking bahagi ng Kulturang Popular tungo sa mga Panitikang Popular na umiiral sa kasalukuyan. Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral. Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon:

Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang midyum na iyong natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ka rin namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari mo ring i-post sa internet ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong

Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon.

Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan ang tradisyunal ay _______________________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa popular dahil sa __________________________. Nakatutulong ang panitikang popular upang ____________________. Bilang isa sa mga kabataan, sisikapin kong ______________________.

Bigyang-pansin sa bahaging ito ang gampanin ng internet bilang midyum kung saan maaaring naibabahagi sa marami ang mga iba’t ibang uri ng panitikang popular. Maaaring ipa-post sa mga mag-aaral sa internet (YouTube, Facebook o Twitter) ang matatapos nilang gawain sa bahaging ito. Sa loob ng kahon ay detalyado ang presentasyon ng produkto ayon sa GRASPS. Kinakailangang ipaunawa ito sa mga mag-aaral upang sila ay magabayan sa isasagawang pinal na produkto.

baranggay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.

Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mga mahahalagang plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto.

Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena sequence script at iskrip na pandayalogo:

1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.

2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging malikhain.

3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga dayalogo. Gamitin ang iba’t ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.

4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng mga dayalogo. Dapat na magkakaugnay ang bawat dayalogo at eksena ng isang mabisang iskrip.

Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong campaign material:

Orihinalidad at Pagkamalikhain - 40 %

Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena - 20 %

Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 10 %

Epektibong Gamit ng Wika - 20 %

Aplikasyong Teknikal - 10 % _______

100 %

Kaugnay nito, narito ang mga batayan at mga kraytirya sa pagmamarka ng inyong isasagawang proyekto:

Maaaring pumili ang mga mag-aaral kung print media (KOMIKS) o video clip (Dokumentaryong Pantelebisyon o Pampelikula) ang kanilang isasagawa.

Hayaang sumulat muna ang mga mag-aaral ng iskrip na kanilang gagamitin upang mahasa rin ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Kung komiks ang bubuuin, hayaan muna silang magplano sa magiging takbo ng mga pangyayari at mga usapan/dayalogo.

Tandaan: Dapat na maisaalang-alang ang mga mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng iskrip upang mas maging epektibo ang gawa ng mga mag-aaral at naaayon sa mga mahahalagang pamantayan.

Maaari pang pagbutihin ang mga pamantayan ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral ayon sa hinihingi ng sitwasyon kung paano pa higit na magiging mas maayos at maganda ang isasagawang produkto ng mga mag-aaral.

MGA PAMANTAYAN

Kapugay-pugay4

Magaling3

Umuunlad2

Nagsisimula1 MARKA

Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon

Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahonmga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Masaklaw, makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad

May makabuluhan at napapanahong mga impormasyong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito.

Masining at maingat na paggamit ng wika

Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraan sa materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapahayag sa nabuong materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal.

Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi maingat ang paggamit.

Mahusay na aspetong teknikal

Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpi-tagpi ng mga elemento nito.

Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal. Naipapamalas ang kahusayan sa teknikal na pagganap.

Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas ang angkop na teknikal na pagganap.

Naipamalas sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at teknikal na pagganap.

Pagkapraktikal ng rekomendasyon

Ang mga inilahad na rekomendasyon ay nagmumungkahi ng kaisipang pangmatagalan sa kamalayan ng madla

Malinaw at kapaki-pakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomendasyon.

Makabuluhan ang karamihan sa inilahad na rekomendasyon.

May mga rekomendasyong inilahad ngunit mabuway ang mga inimumungkahing kaisipan.

KABUUANG MARKA

Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing iniatang sa iyo bilang isang mag-aaral, binabati kita! Isang matagumpay na pag-aaral para sa iyo! Tunay na isa kang masipag at matalinong mag-aaral!

Susi sa Pagwawasto:BACCDADDBDACBACBADAD

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (Kalakip 3.2)