9
ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI 1 GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI PANGASINAN STATE UNIVERSITY Sta. Maria Campus Sta. Maria, Pangasinan Telefax: (075) 574-2534

GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

1

GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI

NG KABUTING DAYAMI

PANGASINAN STATE UNIVERSITYSta. Maria Campus

Sta. Maria, PangasinanTelefax: (075) 574-2534

Page 2: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

2

PANIMULA

Ang Volvariella o straw mushroom ay tinatawag ding kabuting dayami o kabuting saging – isang uri ng kabute na pinatutubo sa mga “cultivating beds” o kama na gawa sa dahon ng saging o dayami. Bukod sa dayami, ang kabuting ito ay itinatanim din sa bakuran sa pinaghalong dahon ng saging at halamang tubig o water hyacinth. Ang Volvariella mushroom ay maari ng anihin sa loob lamang ng dalawang linggo pagkatapos itanim ang binhi. Ang pagtatanim ng volvariella ay hindi nangangailangan ng malaking kapital ngunit nangangailangan ng mapagkukunan ng patubuan o “substrates”. Mapagkukunan ito ng karagdagang kita ng magsasaka dahil puwede ng bumalik ang nagastos pagkatapos ng 2 linggo. Maaring gamitin ang mga lupa ng palayan kung hindi panahon ng taniman para sa produksiyon ng kabuting volvariella. Lahat ng teknologiya tungkol sa pagtatanim at pagaani ng kabute ay napatunayang epektibo base sa karanasan at mahabang panahon na pananaliksik sa PSU-Mushroom Research and Development Center (PSU-MRDC).

Ano ang mga Benepisyong Pangkalusugan ang makukuha sa Kabuting Dayami?

1. May makukuhang protina dito na umaabot sa 20 hanggang 50%.

2. Kung ikukumpara sa karne, isda o itlog, mas mababa ang protina ng kabute. Ngunit kapantay ng kabute ang protinang nakukuha sa mais at gatas ng kalabaw. Mas marami ang

Page 3: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

3

bitamina A ng kabute kung ihahambing sa repolyo, carrots, kamatis, saging at mansanas.

3. Mataas ang ascorbic acid ng kabute maliban sa isang uri nito na volvariella o straw mushroom.

4. Mayroon ding mga minerals tulad ng potassium at calcium at mga bitaminang B,C at D na makukuha sa kabute.5. Pinaniniwalaan ding nagbibigay ng resistansiya ang kabute laban sa sakit tulad ng tumor at kanser.6. Ang halos lahat ng kabute ay walang cholesterol at mababa ang calories.

Ano ang Makukuha sa Pagpapalago ng Kabuti?

1. Ang malaking potensiyal sa agribusiness at ang pagiging masustansiya ng kabute sa protina.

2. Makakatipid dahil sa mahal na halaga ng karne at itlog na mainam ding pinagkukunan ng protina.

3. Ang pagpapalaki ng kabute ay hindi nangangailangan ng malaking lugar o espasyo kaysa sa pagaalaga ng gulay.

4. Mapapalaki ang kabute sa maliit at bakanteng lupa sa likod bahay o sa isang pinabayaan na lugar o di ginagamit na silid sa ilalim ng bahay.

5. Makapagalaga ng kabute na maliit na puhunan lamang ang kailangan para sa gastos sa materyales sa pagtatanim o binhi.

6. Makapamimili rin ng palakihing uri ng kabute na gusto ninyo: iyong magkakasya ang badget at puhunan o yung uring hiyang sa iyong lugar.

Ano ang Volvariella o Kabuting Dayami?

• Ito ay tinatawag ding kabuting dayami o kabuting saging – isang uri ng kabute na pinatutubo sa mga cultivating beds o kama na gawa sa dahon ng saging at dayami

• Mas popular sa mga rural areas o sa kanayunan.

Page 4: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

4

• Bukod sa dayami, ang kabuting Volvariella ay itinatanim din sa bakuran sa pinaghalong dahon ng saging at halamang tubig o water hyacinth.

• Kumpara sa pleurotus na matagal lumaki, ang volvariella mushroom ay maari ng anihin sa loob lamang ng 2 linggo.

Ano Ang Mga Kailangang Gamitin sa Pagtatanim ng Kabuting Dayami?

1. Pagtatanimang dayami o tuyong dahon ng saging (Bagong kuha)

2. Magandang binhi o “mushroom spawn” 3. Plastik o pinagdugtong na mga lumang sako 5. Panali na biniyak na kawayan o plastic straw 6. Rigador 7. Dram o batya na pagbababaran ng “bedding materials/ substrates”

Ano Ang Mga Kailangang Malaman sa Paggawa ng Kamang Tatamnan ng Kabuting Dayami?

1. Ang unang bagay na dapat asikasuhin ay ang lugar na pagtatayuan ng kama.

2. Maaring sementuhan o hindi, ngunit mas madaling linisin ang paligid kung semento.

3. Huwag magtayo sa lugar na direktang tatamaan ng sikat ng araw.

4. Kailangang may lilim ng puno para maiwasan ang sobrang pagkakabilad sa araw o biglang pag-ulan.

5.Gumawa ng kama na may 3 baitang. magastos nga ito ngunit makatitipid naman kayo sa lugar.

6. Kung itinatayo ang kama ay sa mismong semento, maglagay ng pundasyon na karaniwang ginagamit ay

dalawang kawayan o kahoy.7. Siguraduhin ninyong ang dayami ay malinis at tuyong-

tuyo.

Page 5: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

5

8. Hangga’t maari gumamit ng dayami/tuyong dahon ng saging na bagong ani dahil kung bulok na, may dala na itong masamang organismo tulad ng coprinus spores o mga weed mushroom. Ang mga ito ay karaniwang nasa hangin at nakakasagabal sa produksiyon ng kabute.

Anu ang mga Hakbang sa Paggawa ng mga Kamang Tatamnan ng Kabuting Dayami?

1. Ayusin ang dayami o dahon ng saging na tuyo at ibungkos ang mga ito.

2. Tagain ang magkabilang dulo. Kailangang 1 ½ piye o 18 pulgada ang sukat ng bawat bungkos at 4 na pulgada naman ang dayametro. Ang lapad ng kama ay katumbas din ng haba nito.

3. Ang nabuong sukat ng kama ay 2 metrong haba at 1 ½ piye ang lapad. Kung dahon ng saging ang gagamitin,

kumuha tinilad na kawayan at itali rin sa bungkos tulad ng ginawa ninyo sa dayami. Gupitin ang sobrang dulo ng dahon ng saging.

4. Pagkatapos, magdamag na ibabad ang lahat ng bungkos sa 2 o 3 dram ng malinis na tubig.

5. Kinabukasan, patuluin ang mga bungkos ng ilang minuto bago pagpatung-patungin sa lupa o sa ginawang kama.

6. Ayusin ang bungkos nang tabi-tabi at siksik, kahanay sa lapad ng kama.

7. Matapos ilatag ang unang suson, magbudbod ng spawn ng volvariella sa buong tagiliran sa ibabaw.

8. Ilagay ang natitirang bungkos sa ibabaw at ilagay muli ang spawn sa susong ito tulad ng ginawa ninyo sa una. Kailangang planuhin

9. Gupitin ang tagiliran ng kama lalung lalo na yung mga sobrang dahon na lumalabas sa tabi. Kapag pantay ang mga tabi, mas madali ang pag-aani at hindi siksik ang mga kabute sa malalim na bahagi ng tagiliran. Kung hindi kaagad makikita ang mga kabute, mabubulok lamang sa loob ng

Page 6: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

6

kama ang mga ito.10.May 4 hanggang 5 na suson ng dayami at dahon ng saging

ang pagpatung-patungin sa panahon ng tag-init. Lima hanggang 6 na suson naman pag panahon ng tag-ulan.

11. Pagkatapos, takluban ang kama ng plastik o sako para hindi matuyo ang kama.

12. Pagkaraan ng 2 hanggang 3 araw, pakiramdaman ang ibabaw ng kama o di kaya’y itaas ang nakasaklob na

plastik o sako at pakiramdaman ang temperatura sa loob. Kung mainit, luwagan ang pagkabalot sa kama dahil maaring mamatay ang semelya sa init.

13. Hindi lamang nakokontrol ng plastik ang pananatiling basa ng loob kundi pati na ang temparaturang kailangan ng spawn sa paglaki.

14. Ang temperaturang kailangan mapanatili ay 350C hanggang 380C. Paglampas ng 38 centigrade, lalaki na ang coprinus o weed mushroom.

15. Sa loob ng isang linggo, bisitahin paminsan-minsan ang loob ng kamang taniman para sa temperatura at insektong nakapasok.

16. Sa ika-10 araw matapos itanim ang spawn, makakakita na kayo ng pinheads o maliliit na kabute na lumalabas. Kung malamig ang panahon, makakakita lamang ng resulta pagkatapos ng 2 linggo.

17. Maghintay pa ng 2 hanggang 3 araw at ang kabute ay nasa egg stage na siya namang pinakamagandang panahon para mag-ani. Pagkaraan ng 3 hanggang 4 na araw ng pag- aani, pagpahingahin ang cultivating bads ng 1 linggo.

18. Simulan uli ang pag-ani sa susunod na 1 o 2 linggo pa. Bubunga ang mga kabute ng isang buwan.

19. Ang pinakamababang ani na makukuha ay 3 kilo o katumbas ng P 360.00 samantala ang pinakamataas naman

ay 4 na kilo sa isang buwang pagtatanim sa kama.

Page 7: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

7

1 Kama = 3 hanggang 4 na kilo

Magkano ang Gastos at Kita sa Pagtatanim ng Kabuting Dayami na ang isang kama ay 2 metro ang haba at 1 1/2

piye ang lapad, 4 pulgada ang lapad ng bigkis, 1 ½ ang haba ng bigkis?

Partikular Halaga (P)

A. Halaga ng Gamit 5 bag na binhi (P20/bag) P100.00 6 pirasong plastik (P5.00/piraso) 30.00 100 bigkis na ginikan/dahon ng saging (P.50/bigkis) 50.00 P 180.00 B. Paggawa Pagbababad, pagkakama, pagtatanim at pagtatakip 50.00 Pag-aani at pagbebenta 20.00 P 70.00 Kabuuang Gastos P 250.00K. Kita pagkatapos ng 3 linggo Ani sa isang kama - 4 kilo sa P120.00 P 480.00 10% iaawas para sa masisira 48.00 Kabuuang kita 432.00 Kita pagkatapos iawas ang lahat ng gastos P 182.00

Page 8: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

8

References

Della C.G. Gabay sa pagtatanim ng kabuting Dayami. Pangasinan State University, Sta. Maria, Pangasinan.

Anon. 1998. Grower’s business is ‘mushrooming.’ Small Farm Digest. Winter. p. 3.

Anon. 2003. Small Farms Research News. Spring. p. 3.Arnold, Ralph. 1996. Grow fungi without the sterile trappings? Mushroom the Journal. Summer. p. 35.

Beauséjour, Terri Marie. 1999. Mushrooms in the garden. Mushroom the Journal. Fall. p. 17–19.

Cooner, Deanna. 2001. Mushroom farming. AgVentures. June-July p. 14–15.

Edwards, Richard. 2000. The missing link? Mushrooms in permaculture. Permaculture Magazine. No. 25. p. 37–39.

Garland, Franklin. 1996. Truffle Cultivation in North America. Garland Gourmet Mushrooms and Truffles, Inc., Hillsborough, NC. 41 p.

Garland Gourmet Mushrooms and Truffles, Inc.3020 Ode Turner Rd.Hillsborough, NC 27278919-732-3041919-732-6037 FAXE-mail: [email protected]

Green, Judy. 1988. Doing your own market research. Farming Alternatives. Cornell University Resource Sheet #6. November. 6 p.

Hall, Ian R., G. Brown, and J. Byars. 1994. The Black Truffle. Rural Industries Research and Development Corporation. New Zealand. 107 p.

Hardscrabble Enterprises, Inc. P.O. Box 1124Franklin, WV 26807304-358-2921E-mail: [email protected]: Paul Goland

Page 9: GABAY SA PAGTATAnIm AT PAG-AANI NG KABUTING

ANG PAGTATANIM AT PAG-AANI NG KABUTING DAYAMI

9

Park, Kwnag-ho. 2001. Nutritional Value of a Variety of Mushrooms. January. 5 p.

Litchfield, Ken. 2002. In your yard: More than grass, shrubs and trees. Mushroom the Journal. Summer. p. 20–23.

Ludmer-Gliebe, Susan. 1997. Sheep are essential to French truffle production. November. p. 4–5.

Naegely, Stella K. 2000. Is there money in mushrooms? American Vegetable Grower. February. p. 40–43.

Oei, Peter. 1991. Manual on Mushroom Cultivation. TOOL Foundation, Amsterdam. p. 49–50. (A new edition of this book is now available; see Resources.)

Persimmon Hill Berry FarmRR 1 Box 220Lampe, MO 65681417-779-5443

Royse, D.J. (ed.). 1996. Mushroom Biology and Mushroom Products: Proceedings of the Second International Conference, University Park, PA, June 9-12, 1996. Penn State, State Park, PA. 581 p.

Royse, Daniel J., and Lee C. Schisler. 1980. Interdisciplinary Science Reviews. Vol. 5, No. 4. p. 324–331.

Stamets, Paul. 2000–2001. A novel approach to farm waste management. Mushroom the Journal. Winter. p. 22. Or see at www.fungi.com/mycotech/farmwaste.html.

Stamets, Paul. 1994. Permaculture with a mycological twist. The Permaculture Activist. May. p. 8–10.

Stamets, Paul, and Jeff Chilton. 1983. The Mushroom Cultivator. Agarikon Press, Oympia, WA. 415 p.