24
1 FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan - Modyul 3 Aralin 3: Ang Pagsulat ng Talumpati 12

FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

  • Upload
    others

  • View
    283

  • Download
    24

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

1

FILIPINO sa

PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan - Modyul 3

Aralin 3: Ang Pagsulat ng Talumpati

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

2

Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson 3: Istilo at Teknikal na Pangangailangan ng Akademikong Sulatin Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Printed in the Philippines by: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255 - 6405

E-mail Addres: [email protected]

Development Team of the Module

Writers: Eugenia M. Solon

Editor: Lorna P. Almirante

Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas

Moderator: Mrivic M. Yballe

Illustrator: Andre Angel O. Erasmo

Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo

Management Team:

Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent

Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Superintendent

Dr. Mary Ann P. Flores Chief CID

Mr. Isaiash T. Wagas Education Program Supervisor – LRMDS

Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

3

Panimula

Ang kasanayan sa pagsulat ay hindi basta-basta matatamo sa isang upuan

lamang lalo na sa mga akademikong pagsulat. Ang bawat disiplina ay may kanya-

kanyang pamamaraan at pangangailangan na tumutugon sa kursong kinuha. Ang

proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito

ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtatalakay, pagbabasa, pgpaplano, pagsulat,

pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang proseso na

paulit-ulit na gawain, pagkatapos ay ang pagsulat muli hanggang sa mabuo ang

sulatin.

Ang pagsulat ay dumadaan ng maraming proseso kung kaya nagsisilbing

hapon ito sa isang mag-aaral na kagaya mo. May mga mag-aaral na nahihirapan sa

gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan at hindi nakahiligan maaaring ang

katuwirang ito ay palagay lamang. Pero ang totoo, magagawa natin ang pagsulat

nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang

gawain na dala lamang ng pangangailangan.

Tunghayan sa modyul na ito, matotohan mo ang mga hakbang sa pagbubuo

nang maayos na akademikong sulatin. Taglay din sa modyul na ito ang istilo at

teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin upang masubok talaga ang

iyong kakayahan sa pagsulat. Sa paglalayag ng buong modyul, ang tanging

kahilingan ay pakatandaan ang mga mahahalagang kaalaman. Magsanay nang

magsanay sa pagsulat. I- aplay sa aktuwal ang mga natotohan bilang isang sangkap

ng pakikipagtagisan sa malawak na kompetisyon sa mundo.

Halina’t buksan ang mga dahon ng pahina! Diwa at isip i-pokus mo na

upang tumpak na proseso at istilo iyong mabuslo.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

4

SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!

Panimulang Pagtataya

I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng

tamang sagot.

1. Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng

pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

a. Pag-eedit

b. Pagrebisa

c. Bago Sumulat

d. Pagsulat ng Burador

2. Ang pakikibahagi ng buong sulatin sa mga target ng mambabasa.

a. Pag-eedit

b. Pagrerebisa

c. Paglalathala

d. Pagsulat ng Burador

3. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang

isusulat.

a. Pag-eedit

b. Pagrerebisa

c. Bago Sumulat

d. Pagsulat ng Burador

4. Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang

ang maaaring pagkakamali.

a. Pag-eedit

b. Pagrebisa

c. Bago Sumulat

d. Pagsulat ng Burador

5. Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang pagtugon sa sagot sa mga

payo at pagwawsto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

a. Pag-eedit

b. Pagrebisa

c. Paglalathala

d. Bago Sumulat

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

5

6. Istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat na inilalahad at

sinusuri ang mga datos bilang isang tagamasid na hindi pinaiiral ang

pansariling damdamin.

a. Maingat na Pagplano

b. Pag-aankop sa Mambabasa

c. Pagkamalayunin sa Pagsulat

d. Kaanyuang nakatawag-pansin

7. Mahalaga ang unang impresyon kaya dapat na matupad ang mga

pangunahing pangangailangan.

a. Payak na Pananalita

b. Maingat na Pagplano

c. Pag-aangkop sa Mambabasa

d. Kaanyuang Nakatawag pansin

8. Ang ulat ay dapat naaayon sa pangangailangan ng mambabasa, sa

kanyang layunin at kung paano niya magagamit ang ulat.

a. Maingat na Pagplano

b. Kaanyuang Nakawatag pansin

c. Pag-aangkop sa Mambabasa

d. Pagkamalayunin sa Pagsulat

9. Gumamit ng mga karaniwan at pamilyar na salita.

a. Payak na Pananalita

b. Maingat na Pagplano

c. Pag-aangkop sa Layunin

d. Kaanyuang Nakatawag pansin

10. Umiikot sa pangkalahatang ideya, nagpapatuloy ang daloy ng diwa

buhat sa simula hanggang sa dulo ng sulatin.

a. Payak na Pananalita

b. Pag-aangkop sa Layunin

c. Maingat na Pagplano

d. Kaisahan, Kaugnayan at Diin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

6

Modyul 3: Istilo at Teknikal na Pangangailangan ng

Akademikong Sulatin

Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin CS_FA11/12PU-0d-f-93

Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:

a. naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin

b. nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng

akademikong sulatin

c. nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin CS_FA11/12PU-0d-f-92

d. nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa

pangangailangan

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

7

Panimulang-Gawain:

Maalaala Mo Kaya! EMoji ng Karungan!

Panuto:

Gawain Blg. 1: Pumili ng angkop na emoji na sumisimbolo sa iyong

natutuhan sa nakaraang talakayan. Magbigay ng maikling paliwanag at isulat sa loob

ng kahon.

Wow! Sa emoji pa lang tuwang-tuwa na ako sa inyo. Kitang-kita na may

nakuha pala kayong kaalaman sa ating unang talakayan. Pero bakit may emojing

nalilito? Siguro may kaunting kalaboan, ganoon pa man ang mga kalituhang iyon

ay mawawala ‘yan kung subaybayan pa natin ang mga susunod na paglayag.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

8

Tuklasin:

Tanong Mo, Sipatin Ko!

Ayusin ayon sa wastong pagkasunod-sunod ang mga katanungan sa ibaba.

Ilagay sa klino ang wastong pagkasunod-sunod.

Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

Paano ko mapagbuti ang aking teksto?

Sino ang babasa ng aking tekso? Para kanino ito?

Ano ang aking layunin sa pagsulat?

Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko

sa aking paksa?

Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap?

Ano-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito?

Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng

aking paksa?

Sige nga, i- wasto natin kung nakuha ba ang tamang pagkasunod-sunod.

Saan ba natin magagamit ang mga katanungang nakalista sa itaas? Ano ba

ang mga ito? Bakit kailangan ang mga ito? Tumpak! Sa larangan ng pagsulat may

sinusunod tayong mga hakbang o proseso upang makabuo tayo ng akademikong

sulatin. Oo nga’t marunong tayong sumulat pero ang tanong taglay ba nito ang

tamang proseso? Kakitaan ba ang mga ito ng mga istilo at teknikal na pamamaraan?

Iyon ang ating pag-aaralan sa modyul na ito. Halina’t sabayan ninyo ako!

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

9

Tampok na Aralin:

Mahalagang masagot ng isang manunulat ang mga tanong na nasa unahan

bago siya magsimula ng sumulat. Makatutulong ito upang paghandaan ang mga

posibleng suliranin na magaganap sa proseso ng pagsulat at kung paano

magagawan ng solusyon ang mga ito. Ang proseso ng pagsulat ay hindi komplikado.

Nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat at hindi rin ito nakapokus sa akto ng

pagsulat.

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blangkong papel

patungo sa isang kompletong sulatin. Kaya lang magkaroon tayo ng suliranin kung

paano at saan kukuha ng mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga

pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating

isusulat.

Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa

dapat isusulat. Dapat isasaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang

pagkokolekta ng mga impormasyon kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat

tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa mambabasa.

Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang

blangkong papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip.

Ito ang karaniwang masusumpungan ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan.

Ang isang manunulat ay maaaring makuha ng paksa sa:

(a) iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal;

(b) midya-radyo, elebisyon, internet;

(c) mga pelikula o dokumentaryo;

(d) mga sining biswal;

(e) mga panaginip o alaala;

(f) diskusyon at palitang-kuro;

(g) pagsasatao at pagsasadula;

(h) pananaliksik;

(i) interes ng sarili o ng kaklase.

Ang Pagkuha ng Paksa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

10

Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsulat ayon kina Pinnel, Gay

Su, at Irene C. Fountas:

1. Bago Sumulat (Pre-writing) – isang estretihiya tungo sa pormal na pagsulat.

2. Pagsulat ng Burador (Drafting)- ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na

hindi isinaalang-alang ang maaaring pagkakamali. Bahagi ito ng pre-writing kung

saan ipinahahayag ng sumulat ang kanyang mga saloobin at mga kaisipan

tungkol sa paksang isinusulat. Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin

ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang

ginagawang paglalahad.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

11

3. Pagrebisa- ito’y pagbababago ng muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa

mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

4. Pag-eedit- Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura

ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. Sa

bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at

pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

12

5. Paglalathala- ay ang pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na

mambabasa.

Mga Bahagi ng Teksto

1. Panimula o Introduksyon Bakit kailangan ang maganda at kaakit-akit na panimula? Ito ay

upang:

- Makuha ang atensyon ng mambabasa

- Iintroduys ang paksa

- Ipakita ang kahalagahan ng paksa

- Ipresenta ang tesis statement o pahayag tesis

- I-forecast ang ma pangunahing ideya

Bigyang buhay ang sulatin,

kailangan makita ang dahilan

kung bakit kailangan niyang

basahin ang buong teksto.

Sa Panimula:

Maaaring gumamit ng

katanungan

Gumamit ng makatawag-

pansin pahayag, gumamit ng

dayalogo, gumamit ng

analohiya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

13

2. Panggitna o Nilalaman

Ito ang pinakamahalagang bahagi ng teksto. Dito ipinaliliwanag

ang lahat-lahat ng tungkol sa paksa. May tatlong hakbang para magawa

ang nilalaman ng teksto:

Mga halimbawang transisyon na ginagamit sa umusunod:

bilang halimbawa

bilang pagpapakita

SA PAGBABAGO NG PANAHON UPANG MAGTULAD O MAGHAMBING

- samantala

- kasunod nito

- sa malapit na panahon

- sa wakas

- katulad nito

- kagaya nito, kawangis

- animo’y, kapara

UPANG MAGPAKITA NG CONTRAST UPANG MAGPAKITA NG DAHILAN O EPEKTO

- subalit - magkagayon man

- sa kabilang banda

- ngunit

- sa kadahilanan nito

- dahil dito

- pagkaraa’y samakatuwid

SA PAGBABAGO NG PANAHON UPANG MAGTULAD O MAGHAMBING

- kasunod nito, higit pa

- dagdag pa rito

- at - saka

- bukod pa rito at iba pa

- sa wakas

- sa madaling salita

- kung gayon

- bilang pagbubuod - bilang pagtatapos

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

14

3. Wakas o Konklusyon

Kung papaanong isinulat ang panimula ay maaari ring gawin sa

pangwakas. Ang tuwirang sinabi o sinipi ay isang di malilimutang pahayag.

Ang pagtatanong ay magsisilbing transisyon mula sa katawan ng sulatin,

patungo sa konklusyon.

Ang wakas ay nagsusuma sa nilalaman at nag-iwan ng impresyon

sa mambabasa.

Malinaw na sa iyo ngayon ang mga hakbang o proseso sa

pagbubuo ng akademikong sulatin. Kung susundin lamang ang mga

nasabing hakbang

tiyak na ang kinalabasan nito ay talagang organisado at sistematiko.

Ngunit ang tanong nagpapakita ba ang mga nabuong sulatin ang teknikal

na pangangailangan nito? Ating alamin sa susunod na talakayan. Sige

lusong lang para limbas ng panulat ay mas lalong kikinis.

Mahalagang Kaalaman:

Ang kasanayan sa pagsulat ay higit na matutunan sa

pamamagitan ng matinding pagsasanay. Kasabay ng pag-aaral nito ang

mga istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. Ang

mga sumusunod ay ang mga batayang simuain sa pagsulat ng Ulat at

Teknik sa Paglalahad:

1. Maingat na Pagplano- Nangangailangan ang pagplano ng maingat na pag-

iisip at pag-aaral. Bilang isang prosesong pangkaisipan, kailangan sa gawaing

pagsulat ang maseselang gawain sa isipan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

15

2. Pag-aangkop sa mambabasa – Ang ulat ay dapat iangkop sa

pangangailangan ng mambabasa sa kanyang mga layunin sa pagbasa ng ulat

at kung paano niya magagamit ang ulat.

3. Payak na pananalita at istilo - Dapat na maging payak ang mga salitang

gagamitin sa ulat. Iwasan ang paggamit ng mga salitang paminsan-minsan

lamang marinig o mabasa. Gumamit ng mga kaaniwan o pamilyar na salita.

4. Kaisahan, kaugnayan at diin – umiikot sa isang pangkalahatang ideya at

tuloy-tuloy ang daloy ng diwa buhat sa simula hanggang dulong bahagi

5. Kaanyuang nakatatawag pansin - Dapat na nakakatawag- pansin ang isang

ulat. Mahalaga ang unang impresyon kaya dapat na matupad ang mga

pangunahing pangangailanan.

6. Pagkamalayunin sa pagsulat – Nagiging makalayunin ang pagsulat ng ulat

sa pamamagitan ng paglalahad at pagsusuri ng mga datos bilang isang

tagamasid na hindi pinaiiral ang pansariling damdamin.

Masubok na ang husay at galing mo sa mundo ng panulat ngayong

alam mo na ang mga hakbang o proseso kung paano buuin ang teksto. Maaari

mo ng i-aplay ang mga kaalamang taglay!

Pagnilayan:

Pagsunod-sunorin!

Iayos ayon sa wastong pagkasunod-sunod ang bawat pahayag upang

mabuo ang tamang hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin. Lagyan ng bilang

1-5. Isulat. Isulat sa patlang ang sagot.

____ Handa na si Fe sa buuing teksto, binabalangkas muna niya ang mga ideya.

____ Ang nabuong sulatin ay inilagay niya sa portfolio bilang kompaylisyon sa

kanyang mga sinulat.

____ Binasa niyang muli ang nabuong teksto at pinakinis pang lalo ito sa

pamamagitan ng pag-aayos sa istruktura at pagdagdag ng malamang ideya.

____ Nagsaliksik at sumangguni ng mga ilang resorses upang makakuha ng

maraming ideya sa pagsisimula ng teksto.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

16

____Inayos niya muli ang teksto alinsunod sa mga suhestiyon ng tagasuri o ng

kanyang guro.

Ipaliwanag Mo Nga!

Isulat sa nakalaang patlang ang nabuong paliwanag.

1. Ano-ano ang mga dapat gawin bago sumulat ng teksto? Bakit kailangan ang

mga ito?

2. Sa paanong paraan maaakit mo ang mga mambabasa sa tekstong iyong

susulatin?

3. Paano maipapakita sa kabuuan ng teksto na ang iyong sinulat ay may

kaisahan, kaugnayan at diin?

Madali lang di ba? Ibig sabihin nito na ang maayos na mga sulatin ay

sumusunod sa tamang proseso. Palibhasa’y marunong ka ng sumulat ay sapat ng

kaalaman iyon! Naku! hindi po, dahil ang isang mahusay at organisadong mga

sulatin ay may sinusunod na tamang pormat at teknik.

Ayos ba? Dagdagan pa natin ang suhay ng iyong pagkatoto.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

17

Subukin ang Natutuhan:

Tuklas Dunong!

Balikan natin ang panimulang pagtataya na ibinigay ko sa inyo sa

unahan. Tingnan natin kung umangat na ba iskor mo!

I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng

tamang sagot.

1. Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng

pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

a. Pag-eedit

b. Pagrebisa

c. Bago Sumulat

d. Pagsulat ng Burador

2. Ang pakikibahagi ng buong sulatin sa mga target ng mambabasa.

a. Pag-eedit

b. Pagrerebisa

c. Paglalathala

d. Pagsulat ng Burador

3. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang

isusulat.

a. Pag-eedit

b. Pagrerebisa

c. Bago Sumulat

d. Pagsulat ng Burador

4. Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang

ang maaaring pagkakamali.

a. Pag-eedit

b. Pagrebisa

c. Bago Sumulat

d. Pagsulat ng Burador

5. Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang pagtugon sa sagot sa mga

payo at pagwawsto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

a. Pag-eedit

b. Pagrebisa

c. Paglalathala

d. Bago Sumulat

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

18

6. Istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat na inilalahad at

sinusuri ang mga datos bilang isang tagamasid na hindi pinaiiral ang

pansariling damdamin.

a. Maingat na Pagplano

b. Pag-aankop sa Mambabasa

c. Pagkamalayunin sa Pagsulat

d. Kaanyuang nakatawag-pansin

7. Mahalaga ang unang impresyon kaya dapat na matupad ang mga

pangunahing pangangailangan.

a. Payak na Pananalita

b. b. Maingat na Pagplano

c. Pag-aangkop sa Mambabasa

d. Kaanyuang Nakatawag pansin

8. Ang ulat ay dapat naaayon sa pangangailangan ng mambabasa, sa

kanyang layunin at kung paano niya magagamit ang ulat.

a. Maingat na Pagplano

b. Kaanyuang Nakawatag pansin

c. Pag-aangkop sa Mambabasa

d. Pagkamalayunin sa Pagsulat

9. Gumamit ng mga karaniwan at pamilyar na salita.

a. Payak na Pananalita

b. Maingat na Pagplano

c. Pag-aangkop sa Layunin

d. Kaanyuang Nakatawag pansin

10. Umiikot sa pangkalahatang ideya, nagpapatuloy ang daloy ng diwa

buhat sa simula hanggang sa dulo ng sulatin

a. Payak na Pananalita

b. Payak na Pananalita

c. Maingat na Pagplano

d. Kaisahan, Kaugnayan at Diin

Napakahusay! Nasagot mo lahat. Ngayon pasukin mo na ang

mundo ng pagsulat i-aplay sa aktuwal ang mga kaalamang taglay.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

19

Suri-lapat

Isulat sa journal

. Pumili ng isang pinakamasayang pangyayari sa iyong buhay ngayong taon.

. Sumulat ng maikling sanaysay hinggil dito. Sundin ang tinalakay na proseso

ng pagsulat at mga bahagi ng isang teksto.

Tayahin:

Kaya Ko ‘To

Paksa: Pagsulat ng Komposisyon

Panuto:

1. Sumulat ng komposisyon tungkol sa napapanahong paksa o isyu.

2. Gamitin ang natutuhang hakbang at paraan sa pagsulat ng

introduksiyon, gitna/ katawan at wakas / konklusyon.

3. Gumawa ng sariling pamagat.

4. Maglagay ng saytasyon bilang patunay sa pagkamakatotohanan.

Palawakin ang Kaalaman:

Kaya Ko ‘To

- Sumulat ng maikling komposisyon na umiikot sa paksa” Ang

Mundo sa Gitna ng Pandemya”

- Sundin ang mga paraan ng pagsisimula, ang pagtatalakay sa

nilalaman at ang paraan ng pagwawakas.

- Isulat sa journal

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

20

Rubrik sa Pagsulat ng Komposisyon

Kategorya Higit na Inaasahan

(5)

Nakamit ang Inaasahan

(4)

Bahagyang Nakamit ang Inaasahan

(3)

Hindi Nakamit ang

Inaasahan (2)

Walang Napatuna

yan

(1)

Iskor

Introduksyon

Nakapanghihikayat ang

introduksyon. Malinaw na

nakalahad ang pangunahing

paksa.

Nakalahad sa

introduksyon ang

pangunahing paksa.

Nakalahad sa sa

introduksyon ang

pangunahing paksa

subalit hindi sapat ang paliwanag

Hindi malinaw

ang introduksyon at ang pangunahing paksa.

Hindi nakita

sa ginawan

g sanaysa

y

Diskusyon Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag.

Bawat talata may sapat na detalye

May kakulangan sa detlye

Hindi nadebelop ang pangunahing ideya

*

Organisasyon ng mga ideya

Lohikal at mahusay na pagkasunod-sunod ng mga ideya.

Naipakita and debelopment ng mga talata.

Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit hindi ganap

Walang patunay na organisado ang pagkakalahad

*

Konklusyon

Nakapanghahamonn ang konklusyon.

Naipapakita ang pangkalahatang palagay

Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang palagay

May kakulangan at walang pokus ang konklusyon

*

Mekaniks Walang pagkakamali sa bantas at estruktura

Halos walang pagkakamali sa bantas at estruktura

Maraming pagkakamali sa estruktura

Napakarami at magulo

*

Kabuuan

Katangi-tangi na ang galing mo! Ang bagwis ng linte ng iyong sandata

sa pagsulat ay pamaimbulog na ng tuluyan. Sa mga sumusunod na

pakikipagtagisan, iyo ng mahimay-himay ang iba’t ibang anyo ng pagsulat ng

mga akademikong sulatin. Matutuhan mo ang pormat at teknik sa bawat anyo

kung paano buuin kaya kapit lang kaibigan nawa’y huwag magsawang tuklasin

ang bagong kaalaman. Kaya gaod lang!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

21

Mga Susing Sagot:

Panimulang Pagtataya

1.A

2.C

3.C

4.D

5.B

6.C

7.D

8.C

9.A

10.D

Tuklasin:

Abaniko ng Kaalaman!

-Iba – iba ang sagot

Tuklas Dunong:

1. A

2.C

3.C

4.D

5.B

6.C

7.D

8.C

9.A

10.D

Panimulang- Gawain

Maalaala Mo Kaya!

Iba- iba ang sagot

Tanong Mo, Sipatin Ko!

Ayusin ayon sa wastong pagkasunod-sunod ang mga katanungan sa ibaba at ilagay sa klino ang wastong

pagkasunod-sunod:

1.Ano ang aking layunin sa pagsulat?

2.Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

3.Saan at paano ako makakakuha ng datos kaugnay sa aking paksa?

4.Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap?

5.Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

6.Paano ko mapagbuti ang aking teksto?

7.Ano-ano ang dapat ko pang gawin para sa layuning ito?

8.Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

22

Pagnilayan:

Pagsunod-sunorin:

_2__Handa na si Fe sa buuing teksto, binabalangkas muna niya ang

mga ideya.

__5_ Ang nabuong sulatin ay inilagay niya sa portfolio bilang

kompaylisyon sa kanyang mga sinulat.

__3_ Binasa niya ang nabuong teksto at pinakinis pang lalo ito sa pamama-

gitan ng pag-aayos sa istruktura at pagdagdag ng malamang ideya.

___1_ Nagsaliksik siya at sumangguni ng mga ilang resorses upang maka-

kuha ng maraming ideya sa pagsisimula ng teksto.

___4_ Inayos niyang muli ang teksto alinsunod sa mga suhestyon ng mga

tagasuri o ng kanyang guro.

Ipaliwanag Mo!

Iba-iba ang sagot.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

23

Talasanggunian

Arrogante, Jose A. (1994). Filipino pangkolehiyo. Manila: National Bookstore Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). Malkhaing pagsulat. Quezon City. Great Books Trading.

Belvez, Paz M., Prisilla P. Iliscupidez, Rosalina R. Roberto, NerizzaF. Fanuncio, Norbert F. Pleno, at Samson S. Atienza. (2003). Sining ng komunikasyon pangkolehyo. Manila: Rex Book Store. https://www.academia.edu. Filipino Jocson, Magdalena O., Patrocinio V. Villafuerte, at Cid V. Alcaraz. (2005). Pagbasa At Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc. Montera, Godfrey G., at Avita A. Perez. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: Alps Publications.

Montera, Godfrey G., t Avita A. Perez, at Maria Fe E. Gannaban. (2011). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Alps Publications. Montera, Godfrey G. Avita A. Perez, Rogelio L. Gawahan, Jomar I. Canega, M. M. (2011) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Likha Publications.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...2 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson

24

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education: DepEd-Cebu Province

Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 25-6405

E-mail Address: cebu.province@deped’gov.ph

User
Version 2.0
User
DMWMark