12
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 10 Filipino 10 Unang Markahan – Modyul 8 Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay MARIETTA R. ENGCOL A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

  • Upload
    others

  • View
    57

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

10 Filipino 10

Unang Markahan – Modyul 8

Mga Piling Pang-ugnay

sa Pagsasalaysay

MARIETTA R. ENGCOL

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

Filipino – Ikasampung Baitang

Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: dipolog.city @ deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marietta R. Engcol

Editor: Lelit B. Banga

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagaguhit:

Tagalapat: Chithrill S. Maquiling

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

1

Alamin

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) A. Panitikan: Ang Tusong Katiwala (Pabulang Naganap sa Syria)

B. Gramatika at Retorika: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

(Pagsisimula, Pagpapadaloy Ng Pangyayari, Pagwawakas) C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Pamantayan sa Pagkatuto:

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

*Napahahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan at nakatutulong ang

mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito.

*Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,

pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas). F10WG-Ib-c-58

Subukin

GAWAIN A PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala

ang kaniyang ari-arian _________ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. A. kaya’t

B. saka

C. upang D. pati

2. ____________ katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

A. Upang B. Dahil sa

C. Saka D. Kaya

3. ____________ tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. A. Unang

B. Pagkatapos C. Saka

D. Pati

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga

akdang pamapanitikan.

Ang mga mag-aaral ay nakabuo ng kritikal na pagsusuri sa mga

isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang

Mediterranean.

Page 4: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

2

4. ____________ si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. A. Sa dakong huli

B. Unang C. Sa madaling sabi

D. Saka

Ano ang angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin upang mabuo ang mga

sumusunod na pangungusap.

5. Siya ang kinikilalang pinakahusay makisama sa kanilang lugar, _________, karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.

A. tiyak B. tuloy

C. dahil sa D. kung gayon

6. Makapagpanggap kayong mga mabubuting tao ngunit sa __________ ay lalabas

din ang katotohanan dahil alam ng Diyos and nilalaman ng inyong mga puso. Ano

ang angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap. A. saka

B. bunga C. dakong huli

D. pagkatapos

7. Sinabi ng katiwala sa mga may utang sa kanyang amo na bawasan ang halaga ng kanilang mga utang __________ laking tuwa ang kanilang nadarama.

A. kaya naman

B. bunga C. saka

D. pati

8. Nag-isip ang katiwala at __________ ay ipinatawag ang mga taong may utang sa kanyang amo.

A. tuloy

B. pagkatapos C. gayon din

D. bunga

9. Alam ng katiwala na mawawalan na siya ng trabaho __________ nag-isip siya ng paraan na maging kaibigan ang mga nagkautang sa kanyang amo.

A. kung kaya B. gayon din

C. pagkatapos

D. dakong huli

10. May nagsumbong sa amo na umabuso at __________ nilustay ang kanyang ari-arian ng kanyang katiwala.

A. pati B. saka

C. bunga D. gayon din

Page 5: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

3

Aralin

Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Balikan

Panuto: Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong pananaw

tungkol sa napapanahong Isyung Pandaigdig na nakasulat sa

kahon.

ayon sa sa palagay ko sa kabilang dako

batay sa sa ganang akin sa kabilang dako

sang-ayon sa sa tingin ko samantala

Pananaw: _____________ Pananaw: _____________ Pananaw: ____________

_______________________ _______________________ _______________________

_______________________ _______________________ _______________________

_______________________ _______________________ _______________________

KAHIRAPAN EDUKASYON CHILD LABOR

Page 6: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

4

Tuklasin

Basahin ang akda pagkatapos ay sagutan ang mga tanong na nakahanda sa

ibaba.

ANG TUSONG KATIWALA (Lukas 16:1-15)

Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kanyang alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian.

2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinatanong, “Ano ba itong naririnig ko

tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin

ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis

man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan. 5) Isa-isa niyang tinawag ang may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang

una,’magkano ang utang mo sa aking amo? 6) Sumagot ito, ‘Isang tapayang langis po.’ Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin

mong limampu, sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano

ang utang mo? Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po. ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang, sabi niya. Isulat mo, walumpu. 8) Pinuri ng amo ang tusong

katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga

bagay ng mundong ito. 9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin

ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang

hanggan. 10) Ang mapagkatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkatiwalaan din sa

malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino

ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo. 13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon

sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa

Diyos at sa kayamanan. 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus

sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga ito, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong

mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Pag-unawa sa Akda

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. 1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga

taong may obligasyon sa kaniyang amo? 3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng

katiwala para sa iyong negosyo? 4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa

kasalukuyan? Patunayan ang sagot. 5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong

nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?

Page 7: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

5

Suriin

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

• Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang

pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa

Banal na Kasulatan.

• Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.

• Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may

sangkap ng misteryo.

• Ang pang-ugnay o panandang pandiskurso ay ginagamit sa

pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga

pangyayari. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang,

sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

• Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan

at bunga, paraan at layunin, Paraan at resulta maging sa

pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay

sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa

paglalahad ng bunga at resulta. Ginagamit ang pang-ugnay na kaya,

kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

Page 8: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

6

Pagyamanin

Isalaysay ang Nangyari

Gamit ang story frame, isalaysay ang mahalagang pangyayaring nagaganap sa parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Sikaping makagamit ng angkop na piling

pang-ugnay sa pagsasalaysay tulad ng unang, sunod, saka, sumunod na araw, sa dakong huli.

STORY FRAME

Isaisip

Kopyahin ang tsart sa kuwaderno at isulat ang mga pangyayari na maaaring iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.

PANGYAYARI SA PARABULA PANGYAYARI SA SARILING KARANASAN

KUWADRO 1

PAGSISIMULA

KUWADRO 2

PAGPAPADALOY NG

PANGYAYARI

KUWADRO 3

PAGWAWAKAS

Page 9: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

7

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang kuwento o pangyayari. Gumamit ng angkop na mga

pang-ugnay sa pagsasalaysay.

Mga Paksang Pagpipilian:

Rubrik

Mga Kriyterya 2 3 4 5

Organisasyon

Hindi maayos ang

organisasyon ng mga ideya

May lohikal na

organisasyon ngunit hindi

masyadong

mabisa

Maayos ang

organisasyon, pagkabuo ng

pangungusap

Mahusay ang

pagkakasunod-sunod ng mga

ideya sa kabuuan

ng pangungusap

Paggamit ng

wika at

mekaniks

Kailangang baguhin dahil

halos lahat ng

pangungusap ay may mali sa

grammar,baybay

at gamit ng bantas

Mga kahinaan dahil maraming

mali sa

grammar,baybay at gamit ng bantas

Mahusay dahil kakaunti lamang

ang mali sa

grammar, baybay at gamit ng

bantas

Napakahusay dahil walang mali

sa grammar,

baybay at gamit ng bantas may

mayamang

bokabularyo

Pagkakasulat

Mahirap basahin dahil sa hindi

maayos at malinis

na pagkakasulat

May kahirapang unawain ang

pagkakasulat at

ng pangungusap

Malinis ngunit hindi lahat ay

maayos ang

pagkakasulat at ang mga

pangungusap

Malinis at maayos ang pagkakasulat

ng pangu-ngusap

EDUKASYON PAMILYA

PAG-IBIG

Page 10: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

8

Tayahin:

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala

ang kaniyang ari-arian _________ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. A. kaya’t

B. saka

C. upang D. pati

2. ____________ katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

A. Upang B. Dahil sa

C. Saka D. Kaya

3. ____________ tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. A. Unang

B. Pagkatapos C. Saka

D. Pati

4. ____________ si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. A. Sa dakong huli

B. Unang

C. Sa madaling sabi D. Saka

Ano ang angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin upang mabuo ang mga

sumusunod na pangungusap.

5. Siya ang kinikilalang pinakahusay makisama sa kanilang lugar, _________,

karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.

A. tiyak

B. tuloy C. dahil sa

D. kung gayon

6. Makapagpanggap kayong mga mabubuting tao ngunit sa __________ ay lalabas din ang katotohanan dahil alam ng Diyos and nilalaman ng inyong mga puso. Ano

ang angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap. A. saka

B. bunga

C. dakong huli D. pagkatapos

Page 11: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

9

7. Sinabi ng katiwala sa mga may utang sa kanyang amo na bawasan ang halaga

ng kanilang mga utang __________ laking tuwa ang kanilang nadarama. A. kaya naman

B. bunga C. saka

D. pati

8. Nag-isip ang katiwala at __________ ay ipinatawag ang mga taong may utang sa

kanyang amo. A. tuloy

B. pagkatapos C. gayon din

D. bunga

9. Alam ng katiwala na mawawalan na siya ng trabaho __________ nag-isip siya ng

paraan na maging kaibigan ang mga nagkautang sa kanyang amo. A. kung kaya

B. gayon din C. pagkatapos

D. dakong huli

10. May nagsumbong sa amo na umabuso at __________ nilustay ang kanyang ari-arian ng kanyang katiwala.

A. pati

B. saka C. bunga

D. gayon din

Karagdagang Gawain

Sumulat nang maayos na paliwanag tungkol sa alinman sa mga paksa. Gumamit

ng mga pang-ugnay sa puntong pinag-uusapan o paksa. Pumili ng isa. Ang rubrik

sa Isagawa ang gagamitin para sa pagmamarka.

CHILD LABOR TUMAAS

ANG BILANG

PROGRAMANG K TO 12

INILUNSAD

EPEKTO NG

PAGBABAGO NG KLIMA

BULLYING ACT SA PAARALAN PINATUPAD

TEENAGE MARRIAGE

PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA

KOMUNIKASYON

Page 12: Filipino 10 · 2020. 11. 4. · Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Mga Piling Pang-ugnay sa

10

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral

SUBUKIN:

TAYAHIN: