32
KABANATA 1 Suliranin at Kaligiran Nito Panimula Sa panahon na ang lahat ng tao ay kinikilala na ang kanilang karapatan upang sa lahat ng pagkakataon ay mapangalagaan ang kanilang sarili para sa kanilang ikabubuti. May mangilan-ngilan pa din sa atin ang hindi maiiwasan malagay sa isang tagpo ng buhay natin na hindi tayo matutukso o maaabuso ng iba. Tinatawag itong“bullying” sa ingles. Ang bullying ay seryosong problema sa bahay, sa paaralan at sa komunidad. Maraming mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng bullying. Ang mga nakakaranas ng bullying ay maaring maapektohan ang kanilang pag-aaral maging ang kanilang pisikal, sosyal at emosyunal na pag-unlad. Ang bullying ay hindi lamang problema ng kabataan, sinasaklaw din nito ang lahat ng edad. Sa kabila ng hindi mabilang na programa tungkol sa “anti-bullying” ito’y nananatiling laganap sa lipunan. Ang bullying ay isang uri ng pang-aapi, kung saan ang taong binubully ay inaasar o ipinahihiya sa harap ng maraming tao. Campuses: Hilltop MH del PilarPallocan East Pallocan West Lipa Telephone Numbers :+63 43 723 1446 980 0041 Website:www.ub.edu.ph

Fil 102 - Kabanata 1 - Introduksyon

Embed Size (px)

Citation preview

KABANATA 1

Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Sa panahon na ang lahat ng tao ay kinikilala na ang kanilang karapatan upang sa lahat ng pagkakataon ay mapangalagaan ang kanilang sarili para sa kanilang ikabubuti. May mangilan-ngilan pa din sa atin ang hindi maiiwasan malagay sa isang tagpo ng buhay natin na hindi tayo matutukso o maaabuso ng iba. Tinatawag itongbullying sa ingles.

Ang bullying ay seryosong problema sa bahay, sa paaralan at sa komunidad. Maraming mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng bullying. Ang mga nakakaranas ng bullying ay maaring maapektohan ang kanilang pag-aaral maging ang kanilang pisikal, sosyal at emosyunal na pag-unlad. Ang bullying ay hindi lamang problema ng kabataan, sinasaklaw din nito ang lahat ng edad. Sa kabila ng hindi mabilang na programa tungkol sa anti-bullying itoy nananatiling laganap sa lipunan.

Ang bullying ay isang uri ng pang-aapi, kung saan ang taong binubully ay inaasar o ipinahihiya sa harap ng maraming tao.

Sa bawat buhay ng isang estudyante may pagkakataon makakaranas siya ng pang-aapi. Maaari itong maging pisikal, berbal, sosyal, extortion, o sa internetna pang-aapi.Ang pang-aapi ay isang gawa ng paulit-ulit na agresibo sa pag-uugali upang sadyang saktan ang ibang tao, pisikal o kaisipan. Ito ay ginagawa upang makakuha ang isang indibidwal ng kapangyarihan na makakahigit sa iba.Ayon sa nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kastila noon ay parating nang-aapi sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging alila nila.

Ang bullying ay may tatlong katangian: ito ay intensyunal, ito ay nangyayari higit sa isang beses, at ito ay mayroong kawalan ng timbang ng kapangyarihan sa pagitan ng mga nambubully at binubully. Sa maikling salita, ito ay maypinapanigan. (Kenneth Shore, 2009, p.39).Isa sa mga pinaka karaniwang uri ng bullying ay ang physical bullying ay isang seryosong problema na nakakaapekto hindi lamang sa nambubully at sa biktima nito kundi pati na rin sa ibang estudyanteng nakakasaksi nito. Itoy madalas na nangyayari sa mga kalalakihan, bagaman ang mga babae ay nagiging biktima rin nito. Ang mga nagiging biktima nito ay karaniwang mas mahina ang pangangatawan kumpara sa nambubully.

Ang bullying ay tila isang sakit ng lipunan na kailangang gamutin. Itoy isang realidad ng buhay na hindi maiiwasan lalo na ng mga kabataan. Sa panahon ngayon ito ay mas lumalala at nagiging mas seryoso. Ang biktima nito ay makakaranas ng pagiging balisa, nababang pagtingin sa sarili, depresyon, at kahit pagtitiwakal. Kayat nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013. Sa ilalim ng batas, lahat ng mga elementary at secondary school ay naatasang bumuo ng patakaran upang masugpo ang bullying kung saan lahat ng mga magulang, guro at guardian ay mabibigyan ng kopya nito. Dito mahigpit na ipagbabawal sa anumang uri ng pambu-bully sa loob ng paaralan, mga school-related function at maging sa pamamagitan ng information techonology. Ang sinumang mapapatunayang nambully ay papatawan ng kaukulang parusa habang ang nagsumbong ng pambu-bully ay mananatiling confidential. Tiniyak din sa batas ang proteksyon upang hindi makaganti ang nambubully sa nagsumbong o nabiktima. (Beth Camia, 2013).Sa iba pang aspeto, ang pagtalakay sa usapin na ito ay magbibigay kaliwanagan at mga marapat gawin ng isang tao kapag siya ay nahaharap sa ganitong uri ng problema. Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang at ipaliwanag ang isyu ng bullying sa pananaw ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng University of Batangas.

Susuriin din sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Profyl ng respondent kaugnay ng:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Antas ng pag-aaral

1.4 Uri ng bullying

2. Masuri ang lawak ng bullying sa mataas na paaralan ng University of Batangas.

3. Matiyak ang epektong idinulot ng bullying sa mga mag-aaral ng University of Batangas.

4. Makapagmungkahi ng paraan upang mabawasan ang epekto ng bullying sa mag-aaral ng University of Batangas.Kahalagahan ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay mahalagang maiparating sa mga mambabasa ang mga isyu ng bullying sa pananaw ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Unibersidad ng Batangas. Ang pag-aaral na ito ay maglalaan ng kamalayan tungkol sa mga maaaring maging epekto at maaaring maging solusyon sa bullying.

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, guro, mananaliksik, at sa mga mananaliksik sa hinaharap. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang maging bukas at mamulat ang kanilang isipan sa mga Isyu ng bullying.

Sa mga guro. Makatutulong ito nang malaki upang makapagbigay sila nang mas malawak at mas malalim na kaalaman tungkol sa bullying at makapagbigay ng payo sa mga mag-aaral.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan ng kanilang mga bagong pag-aaral na may kinalaman sa bullying. Ito ay magagamit din na basehan sa pagkukumpara ng mga detalye o sa paghango ng gagawing panibagong pananaliksik.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa Isyu ng bullying sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Unbersidad ng Batangas. Sinasaklaw nito ang Profayl ng respondent kaugnay ng: edad, kasarian at antas ng pag-aaral. Sinasakop din ng pag-aaral na ito na masuri ang lawak ng bullying sa mataas na paaralan ng Unibersidad ng Batangas. Nais ding matiyak ang epektong dulot ng bullying sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Unibersidad ng Batangas. Pinakahuli, binibigyang diin din ng mananaliksik na makapagmungkahi ng paraan upang mabawasan ang epekto ng bullying sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas.

Hindi sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga estudyante ng ibat ibang paaralan ng Batangas. Hindi rin inaalam kung anong dahilan ng pagiging bully ng isang tao. Higit sa lahat hindi inaari ng pag-aaral na ito ang mga maaring opinyon ng mga mambabasa ukol sa Isyu ng Bullying sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas.Depinisyon ng Terminolohiya

Ilang mga mahahalagang salita ang binigyang-kahulugan ng mananaliksik upang higit na maging madali ang pang-unawa ng mga mambabasa at iba pang mananaliksik sa katuturan ng mga talakay.

Balisa. Isang estado ng matinding pangamba o mag-alala madalas na sinamahan ng mga pisikal na sintomas tulad ng matinding damdamin, karaniwan sa mga sakit sa kaisipan o pagkatapos ng isang napaka-nakababahalang karanasan

Agresibo. (http://dictionary.reference.com/browse/anxiety)

Bullying. Paghahari-harianopagmamaton(Ingles:bullying) ay isang uri ngpang-aapiopanunupil, na isa ring uri ngugalingmapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, okoersiyon(sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Paghahari-harian)

Depresyon. Bawat isa sa atin ay nalulungkot sa pana-panahon, pero ang clinical depression ay isang nakapanghihinang sakit na nagtatagal at nakaaabala sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao. (http://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201310/ano-ang-depresyon/)

Intensyonal. Hanay ng mga katangian o mga katangian sa pamamagitan ng kung saan ang referent o referents ng isang naibigay na salita Natutukoy: kaya, ang pagsisikap ng masyupyal ay ang hanay na naglalaman ng mga katangian. (http://www.thefreedictionary.com/intension)Lipunan. Pangkat ng mga taong nabibilang sa ibat ibang uri dahil sa kanilang kalagayan sa buhay at sa kanilang pamatayang pangkabuhayan. (Diksyunaryo ng Wikang Filipino, 1989)

Pananaw. Ang pananaw ay angulo ng pagsasalaysay (Ines Ramos at Mendiola)Realidad. Ito ay ang katotohanan sa mga bagay na makikita sa paligid, lipunan o sa buhay. Mga katotohanan na nagpapakita sa atin ng mga bagay na datapat nating baguhin o ipagpatuloy. Ito ay kumakatawan sa totoong mundo na may masaya at malungkot, may mabuti at masama.KABANATA 2Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga literaturang may kaugnay sa paksa, pagkakahawig at maging ang pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral ng mananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura

Literatura ay isang nakasulat tungkol sa isang tanging paksa o isang bagay. Mahalagang isaalang-alang ang mga kaugnay na literature sa pagbuo ng isang suliranin. Sa pag-aaral na ito, binigyan ng masusing pagtalakay ang mga kaugnay na literatura ng Isyu ng bullying.Ang literatura ay maykakayahang di matatagpuan sa ibang disiplina.. May mahika itong literatura na kamukha n gating buong katawan, pumupukaw ng damdamin, nagbibigay inspirasyon, nagtutuwid ng pananaw at nagdudulot ng bagong karanasa,.(Adato, 2007).

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Arrogante (1991), Isinulat ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo na makatotohanan ang inilahad na pangyayari, base sa mga tunay na naganap noon sa lipunang Pilipino sa ilalim ng pamahalaang kastila.

Itoy nagpapatunay na noong panahon ng kastila ay sadya nang laganap ang bullying sa ating bansa.KABANATA 3Disenyo ng Pananaliksik at Pamamaraan

Tinalakay sa Kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik at Pamamaraang ginamit sa pag- aaral, sabjek, instrumento sa pagkuha ng Datos, paraan ng pagkuha ng datos at kagamitang pang istadistika.Disenyo ng Pananaliksik at Paraan ng pag- aaral

Ang deskriptiv-analitik na pananaliksik ang ginamit ng mananaliksik sa kasalukuyang pag- aaral. Ito ang nakilalang angkop na pamamaraan sa pananaliksik na ito. Lahat ng magkaugnay na datos ay inalisa at iniolarawan gamit ang istadistika.

Ayon kay Best at Kahn (Acero et al.2006),ang pamamaraang deskriptiv ay dinisenyo para makalap ang mga impormasyon na kinakailangan sa kasalukuyang kundisyon o pangyayari. Ang pangunahing dahilan ng paggamit nito ay upang ilarawan ang umiiral na sitwasyon sa kasalukuyan at upang magsiyasat ang mga bagay na di pangkaraniwan.

Ang proseso ng deskriptiv ay hindi lamang sa pagkuha ng datos at opaghahanay nito kundi kailangang magbigay ng interpretasyon ng kahulugan o kahalagahan ng inilalarawan.Respondente sa Pag - aaral

Ang kalahok sa kasalukuyang pag- aaral ay binubuo ng tatlumpu (30) na mag-aaral ng University of Batangas. Mga mag-aaral na nabibilang sa kurso/departmento ng HS, CoEd, CBA, CNM, CoEngg, CAMS, AT CAS ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Ang paraang ginamit sa pagpili ng bilang ng kalahok sa kasalukuyang pag-aaral ay ang purposive sampling.Intrumento ng Pananaliksik

Ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang apat na set ng talatanungan. Ang unang talatanungan ay para sa pagtataya ng Profayl ng Respondente. Ang ikalawang set ay nauukol sa pagtataya ng lawak ng bullying sa mataas na paaralan ng University of Batangas. Ang ikatlong set ay nauukol sa pagtataya ng epekto ng bullying sa mga mag-aaral ng University of Batangas at ang ikaapat na set ay nauukol sa mga paraan upang mabawasan ang epekto ng bullying sa mag-aaral ng University of Batangas.

Paghahanda at paggawa ng Talatanungan. Sa paghahanda n g talatanungan ang mananaliksik ay humingi din ng suhestttyon sa guro na tagapayo ng Filipino 102. Ang bawat aytem na binuo ng manaliksik ay masusing sinuri ang kaangkupan batay sa inilahad na suliranin bago ibinilang sa talatanungan.

Pagpapatibay. Ang unang burador ng talatanungan ay isinangguni sa gurong tagapatnubay para sa mga mungkahi at suhestyon. Ito ang naging batayan sa pagsasagawa ng ikalawang burador ng talatanungan. Muling nirespaso ang papel at sinuri ang bawat aytem. Ang ilan sa mga aytem sa unang burador ay isinaayos at iniwasto batay sa kapasyahan ng gurong tagapatnubay.

Tritment ng mga DatosMatapos maisaayos ang instrumento sa pagkuha ng mga datos, humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga respondente sa pamamahagi ng mga sipi ng talatanungan.Pagkatapos masagutan ang mga talatanungan, sinuri at itinala ang mga sagot sa bawat aytem upang maisagawa ng maayos, ang pagbibigay kahulugan sa mga naipong datos ang mga ito ay isinaayos at binigyan ng kahulugan batay sa maingat na pagsusuri gamit ang ibat ibang instrumentong pang istadistika tulad ng weighted mean at analysis of variance.

Ayon kay Perez (2008), ang weighted mean ay ginamit upang mailarawan ang antas ng pagsasakatuparan ng mga guro sa mga layunin sa pgalilinang ng mga kasanayan at sinunod ang iskalang likert bilang panukat ng sa mga tugon

Batayan sa Pagpapakahulugan

IskorMakabuluhang Pagpapakahulugan

4Lubos na sumasang-ayon (LS)

3Sumasang-ayon (S)

2Bahagyang sumasang-ayon (BS)

2Hindi sumasang-ayon (HS)

KABANATA 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa paglalahad at pag-aanalisa sa mga nakalap na impormasyon sa isyu ng bullying sa pananaw ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas.1. Profyl ng respondente

Talahanayan Blg. 1

Edad

SalikFrequencyBahagdan %Ranggo

11-133103

14-169302

17-1918601

20-220--

Makikita sa Talahanayan Blg. 1 na 18 respondente o 60% ang may edad na 17-19 na nasa unang ranggo. Samantalang 9 respondente o 30% ang may edad na 14-16 na nasa ikalawang ranggo. At 3 respondente o 10% ang may edad na 11-13 na nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas maraming respondente ang may edad na 17-19 at mas kakaunti naman ang 11-13.Talahanayan Blg. 2Kasarian

SalikFrequencyBahagdan %Ranggo

Lalaki6202

Babae24801

Makikita sa Talahanayan Blg. 2 na may 24 respondente o 80% ang babae na nasa unang ranggo at 6 respondente o 20% ang lalaki at nasa ikalawang ranggo. Samakatuwid mas maraming repondente ay babae kaysa lalaki.Talahanayan Blg. 3

Antas ng pag-aaral

SalikFrequencyBahagdan %Ranggo

CAMS413.332

CAS413.332

CBA413.332

CoEngg413.332

CoEd413.332

CNM413.332

HS6201

Makikita sa Talahanayan Blg. 3 na 6 respondente o 20% ang taga Highschool na nasa unang ranggo. Samantalang magkakapantay naman ang bilang ng respondente ng mga sumusunod na departamento: CAMS, CAS, CBA, CoEngg, CoEd, CNM na may 4 respondente at nasa ikalawang ranggo. Samakatuwid mas maraming respondente ang taga Highschool Department.Talahanayan Blg. 4

Mga nakakaranas at hindi nakakaranas ng bullying

SalikFrequencyBahagdan %Ranggo

Oo2273.331

Hindi826.672

Makikita sa Talahanayan Blg. 4 na 22 respondente o 73.33% ang nagsasabing sila ay nakakaranas ng bullying na nasa unang ranggo. At 8 respondente o 26.67% ang nagsasabing sila ay hindi nakakaranas ng bullying na nasa ikalawang ranggo. Samakatuwid mas maraming respondente ang nagsasabing sila ay nakakaranas ng bullying kaysa sa hindi nakakaranas.Talahanayan Blg. 5Uri ng Bullying

SalikFrequencyBahagdan %Ranggo

Cyber Bullying418.183

Physical Bullying 522.732

Verbal Bullying1359.091

Makikita sa Talahanayan Blg. 5 na 13 respondente o 59.09% ang nakakaranas ng Verbal Bullying na nasa unang ranggo. Samantalang 5 respondente o 22.73% ang nakakaranas ng Physical Bullying na nasa ikalawang ranggo. At 4 respondente o 18.18% ang nakakaranas ng Cyber Bullying na nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas maraming respondent ang nakakaranas ng Verbal Bullying at kakaunti naman ang nakakaranas ng Cyber Bullying.

2. Lawak ng bullying sa mataas na paaralan ng University of Batangas

Talahanayan Blg. 6Laganap ang bullying sa University of Batangas

ScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS826.673

S1343.331

BS9302

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 6 na 13 respondente o 43.33% ang sumang-ayon na laganap ang bullying sa University of Batangas na nasa unang ranggo. Samantalang 9 respondente o 30% ang bahagyang sumang-ayon na laganap ang bullying sa University of Batangas na nasa ikalawang ranggo. At 8 respondente o 26.67% ang lubos na sumang-ayon na laganap ang bullying sa University of Batangas na nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas maraming respondente ang sumang-ayon na laganap ang bullying sa University of Batangas at kakaunti naman ang lubos na sumasang-ayon.

Talahanayan Blg. 7

Walang pinipiling edad at kasarian ang bullying

ScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1756.671

S1033.332

BS3103

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 7 na 17 respondente o 56.67% ang lubos

na sumasang-ayon na walang pinipiling edad at kasarian ang bullying na nasa unang ranggo. Samantalang 10 respondente o 33.33% ang sumang-ayon na walang pinipiling edad at kasarian ang bullying na nasa ikalawang ranggo. At 3 respondente o 10% ang bahagyang na sumang-ayon na walang pinipiling edad at kasarian ang bullying na nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas maraming respondente ang lubos na sumang-ayon at kakaunti naman ang bahagyang sumang-ayon na walang pinipiling edad at kasarian ang bullying.3. Epekto ng bullying sa mga mag-aaral ng University of Batangas

Talahanayan Blg. 8

Akademiko

ScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1343.331

S1343.331

BS413.332

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 8 na 13 respondente o 43.33% ang lubos na sumasang-ayon at sumang-ayon na bumababa ang grado at akademik performance sa paaralan ang nasa unang ranggo. Samantalang 4 respondente o 13.33% ang bahagyang-sumang-ayon na bumababa ang grado ng at akademik performance sa paaralan ang nasa ikalawang ranggo. Samakatuwid parehas na nasa unang ranggo ang lubos na sumasang-ayon at sumang-ayon na bumababa ang grado ng at akademik performance sa paaralan at kakaunti naman ang bilang ng bahagyang sumasang-ayon.Talahanayan Blg. 9

SosyalScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1756.671

S1033.332

BS3103

HS0-

Makikita sa Talahanayan Blg. 9 na 17 respondente o 56.67% ang lubos na sumasang-ayon na bumababa ang self-esteem o kumpyansa sa sarili ang nasa unang ranggo. Samantalang 10 respondente o 33.33% ang sumang-ayon na bumababa ang self-esteem o kumpyansa sa sarili ang nasa ikalawang ranggo. Samantalang 3 respondente o 10% ang sumang-ayon na bumababa ang self-esteem o kumpyansa sa sarili ang nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon at mas kakaunti naman ang bahagyang sumasang-ayon na bumababa ang self-esteem o kumpyansa sa sarili Talahanayan Blg. 10

PisikalScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1033.332

S1343.331

BS723.333

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 10 na 13 respondente o 43.33% ang sumang-ayon na nakakaranas ng pananakit pisikal ang isang na-bubully ang nasa unang ranggo.

Samantalang 10 respondente o 33.33% ang lubos na sumasang-ayon na nakakaranas ng pananakit pisikal ang isang na-bubully ang nasa ikalawang ranggo. Samantalang 7 respondente o 23.33% ang bahagyang sumasang-ayon na nakakaranas ng pananakit pisikal ang isang na-bubully ang nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas marami ang nagsasabing sila ay sumang-ayon at mas kakaunti naman ang nagsasabing sila ay bahagyang sumasang-ayon na nakakaranas ng pananakit pisikal ang isang na-bubully.

Talahanayan Blg. 11

EmosyunalScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1653.331

S1446.672

BS0--

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 11 na 16 respondente o 53.33% ang lubos na sumasang-ayon na may malalim na epekto sa gawi at asal ang biktima ng bullying ang nasa unang ranggo. Samantalang 14 respondente o 46.67% ang sumang-ayon na may malalim na epekto sa gawi at asal ang biktima ng bullying ang nasa ikalawang ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon at kakaunti naman ang sumang-ayon na may malalim na epekto sa gawi at asal ang biktima ng bullying.4. Mga paraan upang mabawasan ang epekto ng bullying sa mag-aaral ng University of BatangasTalahanayan Blg. 12

Magkaroon ng batas ukol dito

ScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS2376.671

S723.332

BS0--

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 12 na 23 respondente o 76.67% ang lubos na sumasang-ayon na magkaroon ng batas ukol dito ang nasa unang ranggo. Samantalang 7 respondente o 23.33% ang sumang-ayon na magkaroon ng batas ukol dito ang nasa ikalawang ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon kaysa sumang-ayon na magkaroon ng batas ukol dito.Talahanayan Blg. 13

Maging vigilant at mapagmatyag ang paaralan

ScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1446.671

S12402

BS413.333

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 13 na 14 respondente o 46.67% ang lubos na sumasang-ayon na maging vigilant at mapagmatyag ang paaralan na nasa unang ranggo. Samantalang 12 respondente o 40% ang sumang-ayon na maging vigilant at mapagmatyag ang paaralan ang nasa ikalawang ranggo. Samantalang 4 respondente o 13.33% ang sumang-ayon na maging vigilant at mapagmatyag ang paaralan ang nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon at mas kakaunti naman ang sumang-ayon na maging vigilant at mapagmatyag ang paaralan 4.3 Magkaroon ng tamag pagtalakay ukol sa bullyingTalahanayan Blg. 14

Paaralan

ScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS2066.671

S723.332

BS3103

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 14 na 20 respondente o 66.67% ang lubos na sumasang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa paaralan na nasa unang ranggo. Samantalang 7 respondente o 23.33% ang sumang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa paaralan na nasa ikalawang ranggo. Samantalang 3 respondente o 10% ang sumang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa paaralan na nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon at mas kakaunti ang sumang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa paaralan.Talahanayan Blg. 15

PamilyaScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS2273.331

S723.332

BS13.333

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 15 na 22 respondente o 73.33% ang lubos na sumasang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa pamilya ang nasa unang ranggo. Samantalang 7 respondente o 23.33% ang sumang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa pamilya ang nasa ikalawang ranggo. Samantalang 1 respondente o 3.33% ang sumang-ayon na bahagyang sumasang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa pamilya ang nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon at mas kakaunti naman ang sumang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa pamilya.

Talahanayan Blg. 16

KomunidadScaleFrequencyBahagdan %Ranggo

LS1963.331

S826.672

BS3103

HS0--

Makikita sa Talahanayan Blg. 16 na 19 respondente o 63.33% ang lubos na sumasang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa komunidad ang nasa unang ranggo. Samantalang 8 respondente o 26.67% ang sumang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa komunidad ang nasa ikalawang ranggo. Samantalang 3 respondente o 10% ang sumang-ayon na bahagyang sumasang-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa komunidad ang nasa ikatlong ranggo. Samakatuwid mas marami ang lubos na sumasang-ayon at mas kakaunti naman sumag-ayon na magkaroon ng tamang pagtalakay ukol sa bullying sa komunidad.

KABANATA 5

Buod, Kongklusyon at RekomendasyonInilahad sa kabanatang ito ang buod ng mga natuklasan, ang kongklusyon na hinango mula sa bunga o resulta ng pananaliksik. Kasama rin sa kabanatang ito ang kinalabasan ng mga rekomendasyong inaakalang naaangkop upang gamiting batayan sa mga susunod na gawaing- pananaliksik.Lagom ng Pag-aaral

Tinangkang alamin sa pananaliksik na ito ang mga Isyu ng bullying sa mga mag-aaral ng University of Batangas. Upang mabigyang katuparan ang isinasagawang pag- aaral na ito, ang mga sumusunod na apat na mga katanungan ay sinagot:1. Profyl ng respondent kaugnay ng:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Antas ng pag-aaral

1.4 Uri ng bullying

2. Masuri ang lawak ng bullying sa mataas na paaralan ng University of Batangas.

3. Matiyak ang epektong idinulot ng bullying sa mga mag-aaral ng University of Batangas.

4. Makapagmungkahi ng paraan upang mabawasan ang epekto ng bullying sa mag-aaral ng University of Batangas.Ginamit sa pananaliksik na ito ang pamamaraang deskriptiv-analitik, gamit ang frekwensi at bahagdan. Ginamit din ang purposive sampling sa pagpili ng mga respondente. Ilan sa mga estudyante sa ibat- ibang kurso sa University of Batangas.

Sa kabuuan may tatlumpu (30) ang mga nagging respondent; 6 na mag- aaral mula sa High School Department, 4 CoEngg, 4 CBA, 4 CAS, 4 CAMS, 4 CNM, AT 4 CoEd .Kongklusyon

Batay sa resulta ng pag - aaral, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon:1. Sa profyl ng respondente marami ang may edad na 17-19, sa kasarian mas marami ang babae, sa antas ng pag-aaral marami ang HS at sa mga nakakaranas ng bullying mas marami ang nagsasabi ng oo.2. Sa pag lawak ng bullying sa University of Batangas marami ang nagsasabing sila ay sumasang-ayon na laganap at walang pinipiling edad at kasarian ang bullyiong.

3. Ang epekto ng bullying sa mga mag-aaral ng University of batangas sa akademiko, sosyal at emosyunal ay mas marami ang lubos na sumasang-ayon, samantalang ang pisikal naman ay mas marami ang sumang ayon lamang.4. Sa pag mumungkahi ng solusyon na magkaroon ng batas, maging vigilant at magkaroon ng tamang pagtalakay sa paaralan, pamilya at komunidad ay marami ang nagsabing na sila ay lubos na sumasang-ayon dito.

Rekomendasyon

Batay sa kinbalabasan ng pag- aaral at sa kongklusyong ibinigay, inirerekomenda ng mananaliksik ang sumusunod para sa:

MAG-AARAL AT GURO1. Kailangang maging bukas at mamulat ang kanilang isipan sa mga Isyu ng bullying, gamit ang profyl ng respondente na naglalaman ng edad, kasarian, kurso at uri ng bullying.2. Kailangan makapagbigay ang mga guro ng mas malawak at mas malalim na kaalaman tungkol sa paglawak ng bullying at makapagbigay ng payo sa mga mag-aaral. At para sa mga mag-aaral, kailangang mag-ingat sa pag laganap ng bullying sa University of Batangas.

3. Kailangan malaman ng mga guro at mag-aaral ang epekto ng bullying upang mabatid nila ang masamang maidudulot ng bullying.4. Nararapat na magkaroon ng batas at tamang pag talakay ukol sa bullying sa pamilya, sa mga pampubliko at pampribadong paaralan at kamunidad.

Campuses: Hilltop (MH del Pilar(Pallocan East (Pallocan West (Lipa

Telephone Numbers :+63 43 723 1446 (980 0041

Website:www.ub.edu.ph