16
GUIDEBOOK PARA SA PAGHADLANG SA PINSALA NG TOKAI LINDOL PREPEKTURA NG SHIZUOKA タガログ語

タガログ語 GUIDEBOOK PARA SA PAGHADLANG SA PINSALA NG …€¦ · at hubog ng lupa Ang mga hangganang ito ay lumilikha rin ng lindol at mga pangyayaring may kinalaman sa Bulkan

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

GUIDEBOOK PARA SA PAGHADLANG SA PINSALA NG TOKAI LINDOL

PREPEKTURA NG SHIZUOKA

タガログ語

1. ANO ANG TOKAI LINDOL? 1) Ang Teoriya ng Tokai Lindol ............................................................................................................. 1

2) Pulit-ulit na malalaking lindol

3) Taas ng Seismic intensity .................................................................................................................... 3

2. MAHUHULAANG PINSALA NG LINDOL.............................................................. 4

1) Oras para sa Pagbabalik sa dati ng mga Mahahalagang Kagamitan

2) Tsunami

3. KUNG MAY IMPORMASYON NA NAHULAAN NA MAY DARATING NA TOKAI LINDOL, AT KUNG MAY OPISYAL NA BABALA ................................. 6

1) Paghula ng lindol

2) Pagpapahayag ng impormasyon na may relasyon sa paghula ng lindol ............................................. 7

3) Pagbabalita ng pahayag ng babala (Keikai Sengen)

4. KUNG INIHAYAG ANG IMPORMASYON NG PAALALA SA TOKAI LINDOL. KUNG INIHAYAG ANG OPISYAL NA BABALA............................................................. 8

1) Ang kalagayan ng lipunan

2) Ano ang dapat nating gawin?

5. KAPAG BIGLANG MANGYARI ANG LINDOL ..................................................10

6. ANG MGA DAPAT IPUNING EMERGENCY SUPPLIES AT BAGAY...11

1) Lista ng emergency supply

2) Lista ng mga bagay na iipunin

3) Mas mabuti kung mayroon ng mga bagay na ito................................................................................12

7. GUMAWA NG LISTA NG MGA GAGAWIN NG BAWAT ISA AT MAPA SAPAGADLANG SA SAKUN ................................................................................................... 12

8. PAGHADLANG SA PAGBAGSAK NG MGA KAGAMITAN ......................13

9. HAKBANG PARA SA PAGHADLANG SA SUNOG ..........................................13

10. SUMALI TAOY SA GAWAIN NG PAGHADLANG SA SAKUNA ...............14

11. SAMAHAN NG PAGHADLANG SA SAKUNA NG KOMUNIDAD ..........14

NILALAMAN

1

1) Ang Teoriya ng Tokai Lindol

2) PAULIT ULIT NA MALALAKING LINDOL

ANO ANG TOKAI LINDOL?

Plates Located Near Japan Noong Agosto 1976, ipinakilala ang Teoriya ng Tokai Lindol. Isinaad sa Teoriyang ito na hindi nakakagulat na mangyari ang malakas na lindol bukas sa Lugar ng Tokai na nakapokus sa Shizuoka. At ito ay napakalaking suliranin ng Lipunan. Nang maipakilala ang Teoriyang ito, ang Prepektura ng Shizuoka ay nagsimulang magsagawa ng mga hakbang na panlaban sa Tokai Lindol. Ang ibabaw ng mundo ay gawa sa dose-dosenang makakapal na “plate” na nakalapag na parang jigzaw puzzle.Ang mga plate na ito ay hindi nakapirmi kaya’t umiikot ang mga ito sa ibabaw ng mundo. Depende sa galaw ng patong ng mundo sa ilalim ng mga ito (na ang tawag ay mantle), ang mga plates na ito ay gumagalaw ng mga 10 sentimetro sa 1 taon. Ipinapalagay na ang mga plates ay nagbabanggaan at dumudulas sa ilalim ng bawat isa. At sa mga hangganan ng bawat plate, may nalilikhang malalaking bundok at hubog ng lupa Ang mga hangganang ito ay lumilikha rin ng lindol at mga pangyayaring may kinalaman sa Bulkan.

Paulit ulit na nangyayari ang lindol sa Baybay-dagat ng Pasipiko ng Kapuluan ng Bansang Hapon naang dahil sa pagdulas ng mga plates sa ilalim ng bawat isa. Sa karagatan na umaabot mula sa Lugar ng Tokai hanggang Shikoku, paulit na may nangyayaring lindol sa halos parehong lugar na nasa halos pareho ring magnitude, mga isang beses sa loob ng 100 o 150 taon. Pagkaraan ng Ansei-Tokai Lindol noong 1854, may mga nangyaring lindol sa Kanluran ng lugar ng Tokai. Noong Tonankai Lindol noong 1944 at Nankai Lindol noong 1946 may lumabas na napakalakas na lindol. Wala pang inaasahang mangyaring lindol nang pansamantala. Mula rin noong 1854, wala pang nangyaring lindol sa loob ng Dagat ng Suruga at Omaezaki ng baybay dagat ng Prepektura ng Shizuoka. Pinaniniwalaan na may lumalaking lakas ng lindol sa lugar na ito. Nang dahil sa wala pang naoobserbahang pangyayaring may kinalaman sa lindol, inaasahan na may mangyayaring napakalakas na lindol sa Shizuoka sa darating na panahon.

2

Taon1500

Taon1600

Taon1700

Taon1800

Taon1900

Taon2000

1605 M7.9

1498 M8.4

1854 M8.4

walangpangyayaring

lindol

Ang epicenter ng Tokai Lindol

Ang epicenter ng lindol saParteng Kanluranng Kanagawa

1605 M7.9

1703 M8.2

1923 M7.9

1633 M7.0

1782 M7.0

1853 M6.71854 M8.4

1946 M8.0 1944 M7.9

1707 M8.4

107 taon

102 taon

147 taon

90 taon

Tokai Lindol

Tonankai LindolNankai Lindol

Ang mga nangyaring Lindol sa baybay dagat ng Pasipiko at tinayang epicenters nito.

3) Taas ng Seismic intensity

3

ANG MAGNITUDE (Kalakihan) AT SEISMIC INTENSITY (Kalakasan)

Taas

0

Ano ang mararamdaman natin

1

2

3

4

Mahinang5

Malakasna 5

Mahinang6

Malakasna 6

7

Hindi makakaramdam ng pagyuga ang mga tao

May mga ilang tao na nasa loob ng bahay ang makakaramdam ng kaunting pagyuga.

Maaaring nakakatakot ito, at ang ibang tao ay mag-iisip ng kanilang kaligtasan, magigising ang mga natutulog.

Halos lahat ng mga tao na nasa loob ng bahay ay makakaramdam ng pagyuga, at maaaring matakot.

Nasa kapangyariyan ng pagyuga ang mga tao.Imposibleng mapamahalaan ang sariling galaw.

Imposibleng tumayo. Gagapang ang mga tao upang gumalaw.

Mahihirapang manatiling nakatayo.

Talagang mararamdaman ang pagkatakot. Karamihan ng mga tao ay mahihirapang gumalaw.

Karamihan ng mga tao ay mag-iisip ng kanilang kaligtasan. Mahihirapan ang iba sa paggalaw.

Karamihan ng mga tao na nasa loob ng bahay ay makakaramdam ng pagyuga,at maaaring magising ang mga natutulog.

Ang magnitude ang kumakatawan sa kabuuan ng lakas at laki ng lindol. Ang seismic intensity naman ang kumakatawan sa laki at uga na nangyari sa tiyak na lugar. Para maunawaan ang kaibahan ng dalawang salitang ito, isipin ang tungkol sa bumbilya. Ang dami ng liwanag na ibinibigay ng 40 watt o 100 watt na bumbilya ay ang magnitude. Subalit kahit anumang uri ng bumbilya mayroon, dumidilim ang paligid kung lumalayo sa bumbilya (dahil sa kaunti lamang na enerhiya ang lumalabas), at lumiliwanag ang paligid kung lumalapit sa bumbilya (dahil sa mas maraming enerhiya ang dumarating saiyo. Ang liwanag na tumatama sa bawat lugar ay katumbas sa seismic intensity ng lindol.

Nasusukat ang seismic intensity sa pamamagitan ng seismic detector. Angsumusunod ay ang chart ng pagpapaliwanag tungkol sa kung anong uri ang mga bagay na maaaring mangyari sa bawat taas ng seismic intensity.

1 Linggo

Koryente – mga 6-12 arawTelepono – mga 12 araw

Tubig, City gas

1 buwan

Pagbuti ng kalagayan

1) Oras para sa Pagbabalik sa dati ng mga Mahahalagang Kagamitan

2) Tsunami

3.8m

4.8m

5.4m

6.0m

9.3m

3.2m

3.1m

3.0m

1.9m 3.5m

3.6m

5.7m

5.2m 5.0m

Hamanakokiga Fukude

Matsuzaki

Mera

Shimoda

Toi

Ito

Atami

Numazu

Uchiura

. Pinakamataas na alon

. Oras ng unang alon na dumating sa dalampasigan

Tagonoura

Yaizu

Shimizu

Omaezaki wala pa sa 5 minutos

10 minutos

15 minutos

20 minutos

25 minutos

30 minutos

35 minutos

4

LUGAR NA NAHULAANG MAGKAKAROON NG PINSALA SA TOKAI LINDOL (AYON SA MEETING NG CENTRAL DISASTER PREVENTION)

Mahuhulaang Pinsala ng Tokai Lindol

Lindol

Nahulaan na ang Tokai Lindol na nasa magnitude 8 ay magreresulta sa seismic intensity na 6 hanggang 7 sa maraming lugar. Kabilang na rito ang inayos na lupa (reclaimed land), at mga lugar ding mahihina ang pondasyon. Depende sa lugar, nahulaan din na maaaring dumaluhong ang soil liquefaction at “Tsunami”. Nahulaan din na mga 5,900 katao ang mamamatay sa lindol, 19,000 katao ang magdurusa sa malalang sugat. Mga 190,000 ang nahulaang magdadanas ng malubhang pinsala.

Magkaraan ng Kobe Lindol noong 1995, umabot sa 7 araw ang pagbabalik sa dati ng koryente, 15 araw para sa pagbalik ng serbisyo ng telepono, at mga 3 buwan para sa pagbalik sa dati ng gas at tubig sa Lungsod.

Oras ng unang alon ng tsunami na dumating sa lupa at ang pinakamataas na alonSa mga local na komunidad may mga impormasyon tungkol sa may panganib na lugar na nahulaang magkakaroon ng tsunami at pagguho ng lupa. May mga komunidad ding gumawa ng “hazard map”, mapa ito ng mga may panganib na lugar.

5

Paalala: Paulit-ulit na dumadaluhong ang tsunami sa dalampasigan. Ang unang alon ay hindi laging pinakamalaki. Dahilan sa kinakailangan ang paalala, huwag tumigil sa dalampasigan nang matagal kapag nagkaroon ng lindol.

Kung may paalala na mag-ingat sa tsunami(ang alon ay mababa sa 1 metro ang taas)

Kung may pahayag na babala

Kung malapit ka sa dagat at nakaramdam ng pagyuga: (kahit na mahina lamang na pag-uga na medyo matagal)

Kung may babala na may darating na tsunami(tsunami- ang alon ay 2 metro higit ang taasmalaking tsunami-ang alon ay 3metro higit ang taas)

Kung may biglang mangyaring lindol, sa ilang minuto susunod din ang tsunami.

Wala nang oras para maghintay ng payo o utos na lumisan. Pumunta kaagadsa mataas na lugar.

Bago mangyari ito, magsanay ng paglisan sa gamit, at alaman ang daan papuntang lugar na paglilisanan at kung gaano kahaba ang oras ang paglakad sa paglisan.(Para makasigurado, isatotoo ang paglakad patungo sa lugar na paglilisanan.)

KUNG MAY LINDOL MAY TSUNAMI. LUMISAN KAAGADKUNG MAY LINDOL MAY TSUNAMI. LUMISAN KAAGAD

Pupunta kaagad sa mataas nalugar o sa evacuation building

Kung nasa lugar na malapit satabing dagat, pumunta kaagadsa mataas na lugar

Kung nasa itinakdang lugar napaglilisanan, lumisan kaagad.

6

1) Paghula ng Lindol

ANG POSIBILIDAD NG BIGLANG PAGDATING NG LINDOL Taon taon paunlad nang paunlad ang teknolohiya para sa paghula ng Lindol. Subalit sa kasalukuyan may posibilidad na mangyari ang Tokai lindol nang biglaan at walang pagpapaalala.

May natuklasang pagbabago sa data ng galaw lindol.

Malaki ang posibilidad ng pangunahing lindol

Pagbrodkast ng Impromasyong ng Pagmanman ng Lindol

Pagbrodkast ng Impormasyon ng Paalala sa LIndol

Telebisyon . Radyo

KUNG MAY IMPORMASYON NA NAHULAAN NA MAY DARATING NATOKAI LINDOL, AT KUNG MAY OPISYAL NA BABALA

 Karaniwan, napakahirap mahulaan ang lindol. Itinayo ang napakalaking network ng kagamitan sa pagmasid at paghula para mamanmanan ang lindol na may magnitude na 8 sa ilalim ng tubig. Pinag-iisipan kung may posibilidad na mahulaan bago mangyari ang Tokai Lindol.  Ang mga detector na sumusukat ng kibal ng lupa at mga kagamitan para sa pagmanman ay magmomonitor sa loob ng 24 oras sa isang araw para magbigay ng hula kung Tokai Lindol, kapag may natuklasan na may pagbabago sa minamanmanang data, sinisiyasat kaagad ang nasabing pagbabago para malaman kung may kinalaman ito sa Tokai Lindol.

Pagbalita ng Impormasyon ng Paalala sa Tokai Lindol

(Pagbuo ng komite ng magsasagawa ng desisyon)

Pagbalita ng Impormasyon ng Pagmanman ng Tokai Lindol

PAGHAHANDASA PINSALA

7

2) Pagpapahayag ng Impormasyon na may relasyon sa Paghula ng Lindol

3) PAGBABALITA NG PAHAYAG NG BABALA (Keikai Sengen)

May kinatatakutang mangyari ang Tokai Lindol

PRIMER MINISTRO

Pagbabalita ng Pahayag ngpaalala

Sasakyan para sa public information Wireless speaker

PAGBABALITA NG IMPORMASYON NGPAGKAKAHULA NG TOKAI LINDOL

SISIMULAN KAAGAD ANGSISIMULAN KAAGAD ANGHAKBANG SA PAGHADLANGHAKBANG SA PAGHADLANG

SA PINSALASA PINSALA

SISIMULAN KAAGAD ANGHAKBANG SA PAGHADLANG

SA PINSALAPAGBABALITA NGPAGBABALITA NG

PAHAYAG NG PAALALAPAHAYAG NG PAALALAPAGBABALITA NG

PAHAYAG NG PAALALAPAGBABALITA NG

PAHAYAG NG PAALALA

 Bago ang pagpahayag ng paalala pinag-iisipan na ipaliwanag ang pagbabago sa minamanmanang data.. paghahatian sa mga sumusunod na kategoriya ang mga impormasyon na nagbibigay ng palatandaan na malaki ang posibilidad ng pangunahing Tokai lindol.

Kapag may dumagdag na di pangkaraniwang namanmanang data na nagpapakitang malakas na posibilidad mangyari ang Tokai lindol, ang Primer Ministro ng Japan ay makakatanggap ng ulat galing sa pinuno ng Meteorolohikal na Ahensiya ng Japan, at magbabalita ng Pahayag ng babala saklaw ang mga lugar na malakas ang hakbang para sa paghadlang ng pinsala sa lindol kabilang na ang Prepektura ng Shizuoka. Sa panahong ito, ang Meteorolohikal na Ahensiya ay sabay na magbabalita ng Impormasyon sa pagkakahula ng Tokai lindol

 Ang pagbabalita ng Impormasyon ng Paalala sa Tokai lindol at Pahayag ng babala ay ibobrodkast sa radio at TV. At ang impormasyong ito ay ipapaalam din sa mga tao sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan na may loudspeaker at wireless speaker. At ipinapaalala rin na maririnig ang tunog ng sirena kapag may balita ng Pahayag ng babala.

Impormasyon ng Pagmamanman ng Tokai Lindol (Kansoku Joho)Ibabalita ito kung may lumabas na hindi karaniwang data ng pagmamanmanman na hind mapagpasiyahan kung ito ay pangunahing lindol.(Ibabalita rin kung sa panahong iyon ay wala nang katatakutang mangyari ang Tokai lindol o kung mapapasiyahan kung ang data ay walang diretsong relasyon sa Tokai lindol.

Impormasyon ng Paalala ng Tokai lindol (Chui joho) Ibabalita ito kung nakikita na may malaking posibilidad na may mangyaring pangunahing Tokai lindol. Kapag narinig ito, sisimulan ang paghahanda para sa lindol.(Kasama na nitong pagbabalita bubuuin ang komite ng tagapagsagawa ng kapasiyahan).

Impormasyon ng Pagkakahula ng Tokai lindol (Yochi Joho) Ibabalita ito kung may pagkatakot na mangyari ang Tokai lindol. Ipapahayag din ang pagpapaalala.(Ibabalita din kapag na kansela ang impormasyon ng paalala o imparmasyon ng pagkakahula),

Mahalagang makuha ang tamang impormasyonMag-ingat sa sabi-sabi lamang.

Tawagan muna ang paaralan

1) Ang kalagayan ng Lipunan

2) ANO ANG DAPAT NATING GAWIN?

Pahayag ng Impormasyon ng Paalala Pahayag ng Impormasyon ng Opisyal na babala

Koryente, Gas, Tubig

Serbisyo ng telepono

Serbisyo ng Bus

Tren

Daan at Highways

DepartmentStores

ConvenienceStores

Banko

Pagamutan

Paaralan atKindergarten

Mayroon kagaya ng dati. Mag-ipon ng tubig na maiinom

Mayroon ngunit tipirin ang paggamit

May operasyon kagaya ng dati. Ngunit kung marami ang gagamit,Malaki ang posibilidad na mag overload ang linya.

Hihinto ang bus sa pinakamalapit na ligtas na lugar.

Hihinto ang tren sa sa pinakamalapit naligtas na istasyon ng tren.

Para magkaroon ng siguradong daan para sa evacuation, hihigpitan ang pag-gamit ng highway. Hinaan ang bilis ng pagmaneho ng sasakyan

Isasarado. Ngunit maaaring bukas kung ang gusali ay may resistensiya sa lindol.

May mga store na bukas kung may katibayan na may resistensiya sa lindol.

Magsasara.May mga ATM na patuloy na bukas

Ihihinto ang pagtanggap ng outpatient.patuloy na tatanggapin ang pasyenteng emergency

Sasarhan ang paaralan at kindergarten.(Mananatili ang ibang guro sa paaralan.)

May operasyon kagaya ng dati. Ngunit kung marami ang gagamit,Maaaring mag overload ang linya

May operasyon kagaya ng dati.

May operasyon kagaya ng dati.

Bukas kagaya ng dati

May mga lugar o floors na isasarado

Bukas kagaya ng dati

Bukas kagaya ng dati

Hihigpitan ang pagtanggap ng outpatient. Patuloy na tatanggapin ang pasyenteng emergency

Para sa kaligtasan ng mga bata, pauuwiin sila o susunduin ng magulang. Maagang pauuwiin ang mga batang nasa paaralan ng disabled.

Sunduin ang anak sa paaralan (Balita ng paalala)

8

Siguraduhin ang impormasyon sa radio o telebisyon

KUNG INIHAYAG ANG IMPORMASYON PAALALA PARA SA TOKAI LINDOL KUNG INIHAYAG ANG OPISYAL NA BABALA.

Kung inihayag ang impormasyon ng paalala sa Tokai lindol at kung inihayag ang opisyal na babala, mahalagang malaman kung ano ang mangyayari sa mga bagay sa paligid para magawa natin ang karapat dapat na gagawin.

Tingnan muli ang bahay o apartment (Balita ng paalala)

. Lisanin kaagad ang mapanganib na lugar sa nahulaang tsunami at pagguho ng lupa

. Sa lahat nang iba pang lugar, maghanda ng ligtas na lugar na mapupuntahan sa labas o loob ng bahay kapag mangyari ang lindol.

. Kung maaari huwag gumamit ng gas

. Kung gagamit ng gas. manatili sa malapit nito at manmanang mabuti.

. Isarado ang pangunahing seradura ng gas. At isarado ang tanke ng propane.. Bunutin ang plug ng mga kagamitang di koryenteng hindi kailangan sa mga outlet. Kung aalis ng bahay, patayin ang breaker, ilagay sa ligtas na lugar ang mga bagay na masusunog.

9

Lisanin kaagad ang lugar na itinakdang mapanganib (Pahayang ng babala)

Gumawa ng hakbang sa paghadlang ng sunog (Pahayang ng babala)

. Antimanong pagpasiyahan ang mga responsibilidad ng bawat miyembro ng pamilya at sundin ang inyong plano. Siguraduhing walang bagay na nakalagay sa mataas na lugar. Tingnan kung nakakabit nang mabuti ang mga kagamitan at platera.. Huwag kalilimutang siguraduhin ang pasukan at labasan.

. Tingnan ang listahan sa booklet na ito at siguraduhin ang inyong supply.

Disaster Emergency Dengon Dial 171

Ang panahon na magagamit ang serbisyong ito. Kapag nangyari ang lindol na may seismic intensity na mahina o malakas sa 6. Kapag may sakuna liban sa lindol na ang naging resulta ay ang pagiging overload ng mga linya ng telepono. Maaaring matesting ang serbisyong ito sa unang araw ng buwan liban sa Enero 1.

. Limitado lamang sa 30 segundo o mababa ang bawat mensahe.

. Maaari ring magamit ang serbisyong ito sa mga mobile phone. (Maaaring hindi ito magamit sa ibang mobile service provider.)

Telehone number sa bahay ng NTT

Karagdagang impormasyon sa paggamit.

Tingnan muli ang emergency supply(Balita ng paalala)

Pagkaraan ng sakuna, maaaring gamitin ang Disaster Emergency Dengon Dial 171ng NTT para alamin ang kaligtasan ng magulang o pamilya. Ang mga impormasyon na nirerekord ng mga biktima ng sakuna tungkol sa kanilang kaligtasan ay maaaring malaman sa pamamagitan ng Disaster EmergencyDengon Dial 171 na isinakatuparan sa buong bansa

Paraan ng pagrekord ng mensahe at playback - Ang haba ng pagrekord ay limitado lamang sa 30 segundo

Sa pagrekord Pagrekord

Maririnig ang mensaheSa pagplayback

. Mag-ingat sa mga sabi-sabi lamang. Kumuha ngbago at tamang impormasyon.

. Bawasan ang paggamit ng telepono kung maaari.Para sa impormasyon ng kaligtasan ng ibang tao,gamitin ang 171, ang serbisyo para sa mensahe

sa oras ng emergency.

. Kapag umalis sa bahay, maglagay ng palatandaan o sumulat ng mensahe para malaman ng ibang tao ang kaligtasan ng inyong pamilya o kung saan kayo pupunta.

. Huwag kalimutang ikandado ang pinto.

10

. Ang malakas na pagyuga ay magpapatuloy nang mga 1 minuto. Huwag magpanik, tumakbo palabas. Huminahon lamang.. Kapag ang pangunahing lindol ay huminto, ang pinaka prayoridad ay ang seguraduhin ang inyong kaligtasan.. Patuloy na magakakaroon ng aftershock pagkaraan ng pangunahing lindol.. Kung may maliliit na sugat, gamutin ito sa bahay.

. Huwag maglagay ng bagay sa malapit sa apoy.

. Kahit na magkaroon ng sunog, patayin ito nang nahinahon. Seguraduhin na ligtas ang pinagmulan ng sunog.. Kapag nagkaroon ng sunog sa inyong kapitbahay Tawagin ang ibang kapitbahay at hingin ang Kanilang tulong para patayin ang sunog.

. Ang mga supply ng relief ay maaasahang daratingPagkaraan ng ilang araw pagkaraan ng lindol.mararamdaman natin sa panahong ito kung gaanotayo nagdedepende sa araw-araw na kaginhawahan.Sa panahong ito mamumuhay tayo na gagamitinang mga supply at pagkain para sa emergency.

. Ang lugar para sa evacuation ay para sa pamumuhay ng lahat. Sundin ang patakaran, at makipagtulungan.. Tulungan ang mga taong may kapansanan sa katawan o nasugatan.

KAPAG BIGLANG MANGYARI ANG LINDOL

Kahit na natutulog kayo… Para sa pamilya na may sanggol…

11

1) Lista ng Emergency Supply (Halimbawa)

. portable na radyo . flashlight . ekstrang bateriya . helmet/hood na pamprotekta . rasyon sa emergency(3- araw na supply)

. inuming tubig

. lighter/posporo . tissue/toilet paper . kutsilyo/abrelata . kutsara/chopsticks/tasa

. underwear/medyas . gamot pang-emergency /first aid kit

. pera (kabilang na ang coins at papel)

. tuwalya . guwantes

.panulat/notepads . gamit sa ulan/ payong

. kumot/sleeping bags

. plastik na supot

. backpack . tampons/ sanitary pads

. inuming tubig

mga 9 litro bawat tao

. rasyon . damit

akmang damit sa kapanahunan

. gas stove na lutuan (at gas canisters)

. lubid

plastic sheet (magagamit na shelter sa ulan)

. tape

. maliit na portable toilet

7 araw na supply kabilang ang 3- araw na supply na makakain agad.

2) Lista ng mga bagay na iipunin (Halimbawa)

Ilagay ang flashlight, radio, sapatos o tsinelas sa malapit sa higaan (maaaring masugatan kayo kung walang sapin ang paa)

Mag-ipon ng gatas, didi, baby food,kutsara, diapers, sterile cotton, babycarrier, tuwalya, kumot sa bata, gauze o panyo.

ANG MGA DAPAT IPUNING EMERGENCY SUPPLIES AT BAGAY Maghanda ng mga kinakailangang emergency supplies sa pagsaalang-alang ng kalagayan ng inyong pamilya. “Gumawa ng listahan ng Emergency Supply ng Pamilya” at tingnan lagi ito. Ilagay ang mga supply sa bag at itago ito sa lugar na madaling makuha. Ihiwalay ang mga supply sa mga bagay na mahuhuling kukunin.

- Ilagay ang emergency supplies sa bag at ilagay ito sa lugar na madaling makuha.

12

3) Mas mabuti kung mayroon ng mga bagay na ito:. Wet tissue . Plastik wrap . Mask . Whistle . Kairo . Jack

. Tent . Motorsiklo/ Bisekleta

. Kopya ng health insurance certificate/Drivers’ license

. Ekstrang salamin sa mata  

. Ekstrang postiso

Mga Gawain ng bawat miyembro ng pamilya

Gumawa ng mapa ng pasilidad para sa paghahanda sa sakuna ng inyong komunidad.

Lugar ng pag-iipunan ng pamilya

Lugar na maaaring kinaroroonan sa karaniwang araw

Lugar napaglilisananPangalan

Nilalaman Pangalan Nilalaman Pangalan Nilalaman Pangalan Nilalaman Pangalan

Siguraduhin Ang impormasyon saTV/ radyo

Patayinang apoy

Sarahanang gas

Ilipat sa ligtas na lugar ang mapanganibna bagay

Dikitan ng tape ang Kristal nabintana

Ihanda anglabasan atpasukan

Ihanda ang fire extenguisher atbalde

MaghandaNg maiinomNa tubig

Bunutin angchord sa outlet

Alisin ang mgabagay sa Itaas ngaparadorSiguraduhinghindi babag-sak ang mgakagamitan

Siguraduhin angEmergencysuppliesIsulat ang mensahe ng hindi makakauwi agad na miyembro ng pamilya

Alagaan ang bataat matanda

(Noong Hanshin Awaji Lindol Ang mga bagay na kinailangan habang nasa Evacuation center)

(Halimbawa)

Gumawa ng lista ng mga gagawin ng bawat isa at mapa sa paghadlang sa sakuna

13

• Maghanda lagi ng fire extinguisher. At unawain ang paggamit nitoMagagamit din ang powdered fire extinguisher depende sa bagay na

 pinagmulan ng sunog, Ilagay ang fire extinguisher o lalagyan ng fire extinguisher sa lugar na makikita at makukuha agad.• Laging maghanda ng mga baldeng maylamang tubig.• Huwag maglagay ng mga bagay na madaling masunog sa ibabaw o tabi ng mga kagamitang gamit ang apoy.• Gumawa ng paraan para hindi bumagsak ang tanke ng gas o lalagyan ng gas (kerosene)• Kailangang alamin ng lahat ng miyembro ng pamilya ang paraan ng operasyon ng saradora ng linya ng gas o circuit breaker ng koryente.

PAGHADLANG SA PAGBAGSAK NG MGA KAGAMITAN

HAKBANG PARA SA PAGHADLANG SA SUNOG

Kapag may Lindol, may mga nasusugatan o namamatay na mga tao nang dahil sa pagbagsak ng mga muwebles sa bahay, mga bagay na nahulog mula sa itaas ng istante o aparador at nabasag na salamin.

Para sa pag-iingat sa nasaad na maaaring mangyari, gawin ang mga hakbang para sa kaligtasan.Dagdag pa, ang paraan para hindi gumalaw ang mga muwebles kapag may lindol, kailangang

ipako o itali ito sa dingding. Para sa mga nangungupahan ng apartment, ipaalam ang pagpako o pagtali ng mga muwebles sa may-ari ng apartment.

1) Ilagay sa ligtas na lugar ang mga muwebles sa bahay. Huwag maglagay ng muwebles sa tulugan. Ilagay ang mga muwebles sa hindi laging ginagamit lugar ng mga miyembro ng pamilya. Planuhin natin kung saan dapat ilagay ang mga muwebles para sa mababang posibilidad na masugatan o mamatay ang mga kasamahan natin. Dagdag pa, upang mahadlangan na may masugatan o may mamatay, huwag maglagay ng mabibigat na bagay sa itaas ng istante.

2) Paghadlang para hindi bumagsak ang muwebles sa bahay. Upang hindi bumagsak ang mga muwebles sa bahay kagaya ng istante, aparador, at mga kagamitang di koryente kagaya ng refrigerator, telebisyon at iba, ipako o itali natin ang mga ito sa dingding.

3) Dikitan ng film na pangprotekta para hindi kumalat ang basag na kristal Dikitan ng film na pangprotekta ang mga salamin para hindi kumalat ang mga basag na kristal sa loob ng bahay kagaya ng salaming bintana, salaming platera at iba pa.

4) Huwag maglagay ng mga bagay sa koridor at sa labasan. Maghanda ng daanan sa pagtakas kung sakali mang may sakuna, kaya huwag maglagay ng bagay sa koridor o labasan, makaka-istorbo sa pagtakas ang mga bagay na bumagsak sa daanan, at maaaring hindi makalisan kaagad.

Pag-isipan natin lagi na kung sakali mang magkaroon ng sunog, siguraduhin natin kung saan ang pagmumulan ng sunog sa loob ng bahay, at pag-usapan ng lahat ang mga paraan para mahadlangan ang sunog. Madaling mapigil ang panguhing sunog kapag nakahanda lagi. Sumali tayo sa mga pagsasanay ng hakbang sa pag-iingat sa sakuna sa ating lugar, makipagtulungan sa mga kapitbahay pag-isipan nating mabuti ang mga hakbang sa pagpigil ng sunog.

Paaralan

14

. Ika-1 ng Julyo ~ika-10 ng Hulyo, panahon ng pagtaguyod sa pag-iingat sa tsunami ..... Pagsasanay sa paglisan kapag may tsunami sa mga lugar na malapit sa dagat.

. Ika-30 ng Agosto~ika-5 ng Setyembre- lingo ng pag-iingat sa sakuna ..... Ika-1 ng Setyembre “Araw ng pag-iingat sa sakuna”Pagsasanay sa pangkalahatang pag-iingat sa sakuna.

. Ika-15 ng Enero~ika-21 ng Enero - lingo ng pag-iingat sa sakuna at pagboboluntaryo ..... ika-17 ng Enero “ Araw ng pag-iingat sa sakuna at pagboboluntaryo

. Unang Linggo ng Disyembre Araw ng Pg-iingat sa Sakuna ng Komunidad ..... Pagsasanay ng Pag-iingat sa sakuna, na pinag-isipan kung biglaang dumating ang napakalakas na lindol.

. Nobyembre- Buwan ng Pagpapatatag ng Pag-iingat sa Sakuna kung may Lindol ..... Isasagawa ang mga Panayam o Pagtatanghal tungkol sa Pag-iingat sa Sakuna sa bawat lugar ng Prepektura.

• Sumali ang lahat ng miyembro ng pamilya sa pagsasanay sa pag-iingat sa sakuna.

Bago ang sakuna

Siguraduhin ang kaligtasan 

Ikalat ang kaalaman sa Pag-iigat sa Sakuna

Pagsasanay para sa Pag-iingat sa Sakuna

Pagkaraan ng SakunaPangunahing pagpatay ng sunogPagtulong/ Rescue

First aid/ Pagdala ng Pasyente Pagkolekta at Pagbrodkast ng Ng ImpormasyonPamamahala ng paglisanPamamahahala ng evacuation Shelter

Pang-araw-araw na Gawain / Mga Gawain kung may sakuna

• Kapag mangyari ang napakalaking kapinsalaan, sumali tayo sa mga gawain ng pagpatay ng sunog at pagbigay ng pangunahing lunas sa mga nasugatan.

• May mga iba’t ibang taong gumagawa para sa pag-iingat sa sakuna sa ating komunidad.Kung sakali mang may mangyaring sakuna, magkaisa tayo at magtulungan sa pag-iingat sa sakuna.Mga Boluntaryong Fire fighter corps

Pag-iingat sa sakuna Boluntaryo

Pag-papaunlad ng hakbang sapag-iingat sa sakuna sa lugarna naka sentro sa Samahan ng

Negosyo

Pamahalaan(Prepektura, Munisipal)

SUMALI TAYO SA GAWAIN NG PAG-IINGAT SA SAKUNA SA ATING LUGAR

SAMAHAN NG PAG-IINGAT SA SAKUNA NG KOMUNIDAD

 Tayo mismo ang makakapag-alaga ng ating buhay. Tayo mismong nakatira sa komunidad ang makakapag-alaga ng buhay natin. Ang bawat isa sa atin ang pangunahing miyembro ng samahan ng pag-iingat sa sakuna.

Para makaligtas kayo at ang inyong pamilyasa malaking sakuna kagaya ng Tokai Lindol, mahalagang isagawa ang iba’t ibang paghahanda bago dumating ang sakuna. Subalit, may limitasyon ang pagsasagawa ng pamilya lamang. Kinakailangang isagawa ang mga aktibidad para sa pag-iingat sa sakuna sa organisandong paraan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kapitbahay. Sa situwasyon ng emergency hindi maiiwasang humingi ng tulong sa iba. Ang samahan ng Pag-iingat sa Sakuna ng Komunidad ay binibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtulungan sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa pag-iingat sa sakuna.