7
EPEKTO NG KALAMIDAD SA EKONOMIYA NG PILIPINAS Agrikultura Kung mayroon man na unang maapektuhan ng anumang kalamidad na darating sa Pilipinas, siguradong apektado agad ang sektor ng agrikultura lalo na kapag may dumarating na mga bagyo. Sa nagdaang bagyo na Ondoy at Pepeng na lamang, kitang-kita natin kung paano naapektuhan ang sektor na ito. Sa nakaraang pagdaan ng bagyong Ondoy at Pepeng, umabot ng halos Php 12 bilyon ang naging pagkasira ng mga pananim. Halos 500,000 ektarya ang pinagsamang nasalanta ng nagdaang dalawang bagyo sa sector ng agrikultura. At upang mas higit natin na makita ang pinsalang naidulot ng mga nagdaang bagyo nitong 2009, narito ng isang graph na nagpapakita ng mga bagyo na may naidulot na malaking pinsala sa iba’t ibang bahagi ng bansa: HALAGA NG NAPINSALA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA DULOT NG BAGYO, 2009 BAGYO PETSA LUGAR NA NASALANTA HALAGA NG NASIRA Auring January 5 – 7 Region X CARAGA Region Php 23,000,000* Dante May 1 – 3 Bicol Region Php 625,709,464 Emong May 6 – 9 Northern and Central Luzon Php 980,212,432 Jolina July 30 – August 2 Western Visayas Php 24,585,000 Kiko August 4 – 7 Central Luzon (Zambales) Region I and II Php 135,497,002 Maring September 8 – 10 Central and Southern Luzon Php 236,687,714 Ondoy September 23 – Central Luzon Php 6,766,046,143

Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Epekto ng mga bagyo sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2009.

Citation preview

Page 1: Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

EPEKTO NG KALAMIDAD SA EKONOMIYA NG PILIPINAS

Agrikultura

Kung mayroon man na unang maapektuhan ng anumang kalamidad na darating sa Pilipinas, siguradong apektado agad ang sektor ng agrikultura lalo na kapag may dumarating na mga bagyo. Sa nagdaang bagyo na Ondoy at Pepeng na lamang, kitang-kita natin kung paano naapektuhan ang sektor na ito.

Sa nakaraang pagdaan ng bagyong Ondoy at Pepeng, umabot ng halos Php 12 bilyon ang naging pagkasira ng mga pananim. Halos 500,000 ektarya ang pinagsamang nasalanta ng nagdaang dalawang bagyo sa sector ng agrikultura.

At upang mas higit natin na makita ang pinsalang naidulot ng mga nagdaang bagyo nitong 2009, narito ng isang graph na nagpapakita ng mga bagyo na may naidulot na malaking pinsala sa iba’t ibang bahagi ng bansa:

HALAGA NG NAPINSALA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA DULOT NG BAGYO, 2009

BAGYO PETSA LUGAR NA NASALANTA HALAGA NG NASIRA

Auring January 5 – 7Region X

CARAGA RegionPhp 23,000,000*

Dante May 1 – 3 Bicol Region Php 625,709,464

Emong May 6 – 9Northern andCentral Luzon

Php 980,212,432

Jolina July 30 – August 2 Western Visayas Php 24,585,000

Kiko August 4 – 7Central Luzon (Zambales)

Region I and IIPhp 135,497,002

Maring September 8 – 10Central and

Southern LuzonPhp 236,687,714

Ondoy September 23 – 28

Central LuzonMetro Manila

Southern LuzonSeveral Towns in Mindanao

Php 6,766,046,143

Pepeng October 1 – 11

Northern LuzonCentral LuzonMetro Manila

Southern Luzon

Php 5,106,746,713

TOTAL Php 13,898,484,468*pinaghalong sira sa agrikultura at imprastraktura

Kabilang na sa mga halagang nabanggit ang pinsalang naidulot iba’t ibang bagay na may kaugnayan sa agrikultura gaya ng irrigasyon at mga farm-to-market roads.

Page 2: Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

Dahil sa labis na pagkawasak, mahigit sa 1 milyong metriko tonelada ng mga pananim gaya ng bigas at mais. Marami rin sistemang pang-irrigasyon ang napinsala dahil sa bagyo. Hindi pa kasama dito ang bilang ng mga nasirang palaisdaan at mga namatay na alagang hayop gaya ng manok, baboy at baka.

Matapos ang anumang kalamidad, kagyat na problema ang suplay ng pagkain dahil sa naging malawakang pagkawasak sa sector ng agrikultura. Kasunod din agad nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na nagbubunsod ng malawang tag-gutom lalo’t higit sa mga mahihirap na ‘di kakayanin ang pagtataas ng presyo.

Edukasyon

Sa nakaraang bagyong Ondoy at Pepeng pa lamang, halos 3,000 mga paaralan ang nasira sa buong Pilipinas. Nakadagdag pa ito sa mahigit 27,000 nang kakulangan ng mga classroom sa bansa.

Kung isasama naman ang lahat ng nasira ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng gaya ng mga nasirang libro, computers, instructional materials at iba pa, aabot sa halos Php 1.5 bilyon ang halaga ng mga nasira.

Dahil din sa mga nagdaang kalamidad, nasuspinde ng ilang araw ang mga klase na nagbunsod upang maghabol sa mga sana’y nakatakdang pag-aaralan at magdagdag ng mga araw ng klase.

Nagbabalik man ang mga klase pagkatapos ng mga kalamidad, marami ang hindi pa rin makapasok dahil sa nasira na ang kanilang gamit sa eskwela o di kaya’y lubog pa din sa tubig baha ang kanilang paaralan.

Madalas na kahit tapos na ang kalamidad, ang mga paaralan ang ginagamit na evacuation centers ng mga nasalanta kaya’t hindi ito magamit ng mga estudyante para sa kanilang mga klase.

Dahil na rin sa pagkawasak ng mga silid-aralan tuwing may kalamidad, napipilitan ang ilan na magklase sa labas gaya nang sa ilalim ng puno o ‘di kaya’y hindi na lamang talaga ibalik muna ang klase at hintayin na maisa-ayos muna ang mga nasirang silid-aralan.

Labis na naapektuhan ang kalidad ng edukasyon o pagtuturo dahil sa nagiging paputol-putol ang araw ng mga klase dahil sa pagsususpinde nito. Hindi maayos na nakakapag-aral ang mga estudyante dahil sa nasirang mga kagamitan sa eskwela.

Transportasyon at Komunikasyon

Dahil sa matinding pagkawasak ng mga kalsada o matinding pagbabaha, nahihirapan ang mga mamamayan na makapglakbay. Halimbawa na lamang nito ay mga landslides na nakakasagabal sa malayang paglalakbay ng kalakal o di kaya’y byahe ng mga sasakyan. Apektado din nito ang pagsasagawa ng mga relief operations at rescue lalo na sa mga nabibiktima ng kalamidad.

Madalas din na nasisira ang mga linya ng komunikasyon (telepono man o cellphone) dahil na rin sa mga kalamidad. Ilang panahon din ang kakailanganin upang kumpunihin ang mga ito upang magamit muli.

Madalas din na nagdudulot ng mga aksidente lalo na sa karagatan kapag may mga kalamidad. May ilan na rin na matitinding sakuna sa dagat ang nasaksihan ng Pilipinas kagaya na lamang ng nangyari kamakailan sa paglubong MV Princess of the Stars sa kasagsagan ng bagyong Frank

Page 3: Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

na kung saan higit 700 katao ang namatay. Nauna rito ang higit sa 4,000 namatay sa paglubog ng MV Dona Paz noong 1987 na itinuturing na pinakamatinding sakunang naganap sa karagatan sa buong mundo.

Kabuhayan at Livelihood

Dahil sa ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa, unang-una na apektado dito ay ang mga magsasaka na napinsala ang mga taniman lalo na ng mga bagyo. Higit na mas matindi ang kanilang nagiging pinsala lalo na kapag kakatanim pa lamang nila o di kaya’y malapit na itong anihin. Kasama na rin dito ang mga may-ari ng palaisdaan na nasisira at mga mangingisda na hindi makapa-laot dahil sa sama ng panahon.

Marami din na mga negosyo ang naapektuhan. Dahil sa sama ng panahon, maraming mga opisina at kumpanya ang nagsusupinde ng pasok dahilan para matigil at maapektuhan ang kanilang operasyon.

Ang mga manggagawa na arawan ang sweldo ay higit na apektado dito dahil sa kung hindi sila makakapasok ay wala silang kita para sa araw na iyon.

Ang mga maliliit na negosyo rin ay lubos na naapektuhan lalo na kung nasira ang kanilang mga ari-arian na karamiha’y utang pa at di pa nababayaran.

Natitigil din ang kalakalan lalo na sa mga lugar na lubhang nasalanta ng kalamidad. Aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang makabangon ang isang lugar lalo na sa aspetong ito.

Sa nagdaang bagyo lamang, tinataya na nabawasan ng 0.043% ang paglago ng ating ekonomiya dahil sa matinding pinsala na idinulot nito sa maraming lugar lalo na sa Luzon.

Imprastraktura

Una na naapektuhan pag may kalamidad ay ang mga kalsada. Tuwing may malakas na paglindol, inaasahan na agad ang pagbibitak-bitak ng mga kalsada. Tuwing may bagyo naman, inaasahan na ang matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan na nakakasira din ng mga kalsada.

Ang mga tulay din na nagdurugtong ng mga kalsada ay labis na naapektuhan tuwing may kalamidad. Marami ang nasisira o bumabagsak lalo na mga malalakas na lindol at pagragasa ng tubig baha dahil sa ulan na dala ng mga mapaminsalang bagyo.

Page 4: Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

Isama pa natin dito ang mga nawawasak na bahay, eskwelahan at mga linya ng kuryente at tubig kapag may mga kalamidad.

At makikita natin sa graph sa ibaba kung gaano naging mapaminsala ang mga nagdaang bagyo nitong 2009 sa ating mga imprastraktura:

HALAGA NG NAPINSALA SA IMPRASTRAKTURA DULOT NG BAGYO, 2009

BAGYO PETSA LUGAR NA NASALANTA HALAGA NG NASIRA

Auring January 5 – 7Region X

CARAGA RegionPhp 23,000,000*

Dante May 1 – 3 Bicol Region Php 597,121,800

Emong May 6 – 9Northern andCentral Luzon

Php 413,056,443

Jolina July 30 – August 2 Western Visayas Php 106,750,000

Kiko August 4 – 7Central Luzon (Zambales)

Region I and IIPhp 728,049,700

Maring September 8 – 10Central and

Southern LuzonPhp 68,203,714

Ondoy September 23 – 28

Central LuzonMetro Manila

Southern LuzonSeveral Towns in Mindanao

Php 4,391,462,577

Pepeng October 1 – 11

Northern LuzonCentral LuzonMetro Manila

Southern Luzon

Php 14,516,879,535

TOTAL Php 20,844,523,769*pinaghalong sira sa agrikultura at imprastraktura

Ang pinsala sa imprastraktura, kasama sa agrikultura, ay ang pumipilay sa normal na takbo ng ekonomiya ng Pilipinas. Dumaragdag pa ito sa mga problema na datihan nang nandyan gaya ng mga lubak-lubak na kalsada, kawalan ng suplay ng kuryente’t tubig at kawalan ng daan na magdurugtong sa mga malalayong lugar sa bayan.

Mga Pinagkunan ng Impormasyon at Larawan:

National Disaster Coordination Council – http://www.ndcc.gov.ph Wikipedia – http://www.wikipedia.org/ Google Images - http://images.google.com.ph/

Page 5: Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

Ipinasa ni: Romeo P. Balansag Jr.

Ipinasa Kay: Ma’am Lhet Pingot