18
7 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Ako Ngayon

Edukasyon sa Pagpapakatao · 2020. 8. 14. · ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang Pito ng Alternative

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7

    Edukasyon

    sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1:

    Ako Ngayon

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Mga Manunulat: Lilian J. Castillo

    Editor: Loida S. Pigon

    Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla

    Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana

    Tagalapat: Khristine S. Lacsamana

    Tagapamahala: Benjamin D. Paragas

    Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina

    Susana M. Bautista

    Cynthia Eleanor G. Manalo

    Mariflor B. Musa

    Melbert S. Broqueza

    Danilo C. Padilla

    Annabelle M. Marmol

    Domingo L. Mendoza, JR.

    Elmer P. Concepcion

    Loida S. Pigon

    Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ako Ngayon Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

    karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: [email protected]

    mailto:[email protected]

  • 7

    Edukasyon

    sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1:

    Ako Ngayon

  • ii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-

    Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling

    pinamagatang Ako Ngayon!

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

    edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

    gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

    itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

    panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

    mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

    bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

    mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

    pangangailangan at kalagayan.

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

    mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

    at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

    sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

    gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

    modyul.

  • iii

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative

    Delivery Mode (ADM) Modyul ukol na pinamagatang Ako Ngayon!

    Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

    Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

    magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

    ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

    kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

    nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

    nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

    Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

    Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

    dapat mong matutuhan sa modyul.

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

    ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

    modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

    tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

    ang bahaging ito ng modyul.

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

    upang matulungan kang maiugnay ang

    kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

    ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

    ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

    suliranin, gawain o isang sitwasyon.

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

    pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

    matulungan kang maunawaan ang bagong

    konsepto at mga kasanayan.

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa

    malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

    iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

    paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

    mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

    pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

    Alamin

    Subukin

    Balikan

    Tuklasin

    Suriin

    Pagyamanin

  • iv

    Naglalaman ito ng mga katanungan o

    pupunan ang patlang ng pangungusap o

    talata upang maproseso kung anong

    natutuhan mo mula sa aralin.

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

    sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

    o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

    realidad ng buhay.

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o

    masukat ang antas ng pagkatuto sa

    pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

    panibagong gawain upang pagyamanin ang

    iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

    aralin.

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

    ng mga gawain sa modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

    paglikha o paglinang ng modyul na ito.

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

    marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

    sa pagsagot sa mga pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

    sa pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

    sagutin lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

    huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

    rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

    man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

    iyong isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

    makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

    kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

    Isaisip

    Isagawa

    Tayahin

    Karagdagang

    Gawain

    Susi sa Pagwawasto

  • 1

    Aralin

    1

    Ako Ngayon

    Alamin

    Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata o minsan sinasabi na dalaga

    o binata ka na .Ikaw ay nasa yugto ng buhay na tinatawag na panahon ng unti-

    unting pagbabago (transition period) o paglipat sa isang yugto patungo sa susunod.

    Ang panahon ng pagdadalag/pagbibinata (adolescence).

    Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na

    kaalamann, kakayahan at pag-unawa:

    1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa

    kasalukuyan sa kasalukuyan sa aspetong:

    a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature

    relations) sa mga kasing edad (pakikipagkaibigan)

    b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan

    c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang

    pamamahala sa mga ito

    d. Pagnanais at paagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/

    sa lipunan

    e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

    (EsP7PS-Ia-1.1)

    2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng

    pagdadalaga/pagbibinata. ( EsP7PS-Ia-1.2 )

  • 2

    Sa buhay ng isang kabataan na may

    malaking hinaharap na suliranin

    Sa mga pagbabagong nagaganap bilang

    nadadalaga at nagbibinata at at

    tamang pakikipag- ugnayan sa kasing-

    edad

    Sa mga pagbabaagong nagaganap bilang

    nagdadalaga/nagbibina ta sa katawan na

    aangkupan ng kalinisan

    Subukin

    Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa

    bawat bilang ang letrang A kung pangkaisipan, B kung panlipunan , C kung

    pandamdamin at D kung Moral. Ilagay ang napiling sagot sa papel sagutan.

    1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan

    ka ng iyong tatay.

    2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.

    3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga

    kapatid.

    4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting

    suliranin.

    5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.

    6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat .

    7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.

    8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na

    sa panahon ng kalamidad at sakuna.

    9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.

    10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.

    11. May paghanga ka na sa isang tao.

    12. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay

    pantay na pagtingin.

    13. Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.

    14. Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.

    15. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang

    Balikan

    Gawain 1. Pusuan!

    Panuto: Mula sa mga sinagutan na tanong sa subukin, ano ang binigyan pansin o

    tinutukoy ng bawat bilang? Piliin ang sagot sa mga kahon sa ibaba at lagyan ito ng

    hugis puso sa tapat nito. ( ♥ ). Ilagay ang sagot sa inyong “journal notebook”.

  • 3

    PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO

    Nilalaman – 10 puntos

    Pagkamalikhain ng Gawa – 5 puntos

    Kabuuan = 15 puntos

    Pamantayan sa Paggawa

    Orihinalidad – 5 puntos

    Nilalaman – 5 puntos ( nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at 3 o higit = 5 puntos)

    Pagkamalikhain – 5 puntos

    Kabuuan = 15 puntos

    Gawain 2. Alalahanin ang Nakaraan

    Panuto: Kung natatandaan mo pa nang tinalakay noong nasa Baitang 6 ka, ang

    aralin tungkol sa pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan (EsP6Plla-c-30) at

    ang tungkol sa pagbibigay ng sariling opinion, ideya o pananaw bilang bahagi ng

    iyong kalayaan. (EsP6PPPlllla-c-34)

    Ano-ano ang iyong natandaang aral mula sa mga ito? Magbigay ng isa sa

    bawat aralin na nasabi. Isulat ang sagot sa inyong “journal notebook”.

    Tuklasin

    Gawain 3. Pagbabago Noon at Ngayon

    Panuto: Tignan natin ang pagbabago na maaring mangyari o nangyayari na sa iyo

    sa ngayon. Gawin ito sa iyong “journal notebook”. Ilagay sa loob ng kahon ang

    pagkakaiba ng iyong ginagawa kung paano ka makipaglaro sa iyong mga kaibigan o

    kalaro.

    A. Noong nasa 8 o 9 na taong gulang

    ka pa lamang B. Ngayong nasa sekondarya ka na

  • 4

    Gawain 4. Nagaganap o Di-nagaganap

    Panuto: Ngayon ikaw ay nasa baitang 7 na, suriin ang bawat pangungusap kung ang

    mga ito ay nararanasan o nangyayari na sa iyo sa ngayon. Isulat sa bawat bilang

    ang salita na NAGAGANAP kung ito ay nararanasan mo na o nangyayari na sa iyo

    at DI-NAGAGANAP kung hindi mo ito nararanasan o hindi nangyayari sa iyo. Ilagay

    ang sagot sa papel sagutan.

    1. Mas nais mo ang tahimik na paligid o walang kasamang maliit na kapatid na

    nag-iingay.

    2. Lagi kang tumutingin sa harap ng salamin upang tiyakin na ayos ang iyong

    kasuotan.

    3. Ayaw mong magpa-iwan sa iyong nanay kapag nasa paaralan ka.

    4. Nararamdaman mo na parang pinaghihigpitan ka ng iyong magulang kapag

    sinasaway ka sa iyong gawain.

    5. Iniiwasan mo na ang magalaro sa harap ng bahay o sa kalsada.

    6. Mas nais mo pa rin ang mga larong pambata.

    7. Nagkakaroon ka na ng mga kaibigan sa paaralan o sa inyong barangay.

    8. May napapansin ka ng pagbabago sa iyong katawan.

    9. May pag-aalala ka na sa kapakanan ng iyong kapwa.

    10. Ang nais mo lagi ay kumain at maglaro lamang.

    11. Nagkakaroon ka nang paghanga sa ibang kasarian.

    12. Nagiging bahagi ka na rin ng mga pagpapasya sa mga usapin sa inyong

    pamilya.

    13. Nahihilig ka na sa pagbabasa.

    14. Nakikipag-agawan ka pa rin ng gamit o pagkain sa iyong mga kapatid o

    kalaro.

    Suriin

    Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng

    masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan

    na at kayang kaya mo yan!

    Tayong mga tao ay may apat (4) na aspeto;

    1. Pangkaisipan - na may kaugnayan kung paano mag-isip, makatanda, o

    makapagplano sa buhay,

    2. Panlipunan - na binibigyan pansin nito ay kung paano ang tao makisalamuha

    o makitungo mula sa mga kasama sa bahay hanggang sa mga kaibigan sa

    labas o sa mga taong nakakassalubong araw araw,

    3. Pandamdamin- tumatalakay sa kung ano ang nararamdaman ng tao maging

    mabuti man ito o maganda (masaya, nagagalit, nag-aalala, atibapa) at

    4. Moral –pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano ang mabuti o ang

    masama, ito ay ang kilos ng tao na gumawa ng mabuti o ng masama sa kapwa.

  • 5

    Narito ang mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga

    Pagbibinata sa Iba’t ibang aspeto:

    • Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at

    pakikipagtalakayan

    • Mas nakapagmememorya

    • Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto

    • Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng

    sariling pag-iisip

    • Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap

    • Nahihilig sa pagbabasa

    • Nangangailangan na maramdamang may halaga sa

    mundo at may pinaniniwalaan

    • Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang

    mga magulang

    • Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw

    magpakita ng pagtingin o pagmamahal

    • Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang

    magulang; nagiging rebelde

    • Dumadalang ang pangangailangang makasama ang

    pamilya

    • Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan

    ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa

    katulad na kasarian

    • Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na

    kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki.

    • Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga

    nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang

    mga ikinagagalit

    • Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,

    marka sa klase, at pangangatawan

    • Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga

    tinedyer

    • Nagiging mapag-isa sa tahanan

    • Madalas malalim ang iniisip

    • Alam kung ano ang tama at mali

    • Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng

    pasiya o desisyon

    • Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa

    • Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa

    • Hindi magsisinungaling

  • 6

    PAMANTAYAN SA PAGGAWA

    Nilalaman – 10 puntos

    Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos

    Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos

    Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang

    pinagtularan)

    KABUUAN = 25 Puntos

    Pagyamanin

    Gawain 5. Pagpapaunlad ng Pakikipag-kapwa

    Panuto: Magbigay ng tig-tatlong (3) paraan na magagawa mo upang higit na

    mapapaunlad ang iyong pakikipag-ugnayan. Ilagay ang iyong sagot sa “journal

    notebook”.

    a. Sa Pamilya

    (magulang at mga kapatid)

    b. Sa iyong mga kaibigan na kaseng-

    edad

    (sa paaralan/ kamag-aral)

  • 7

    Lagyan ng iyong larawan

    o gumuhit ng larawan

    (kung ikaw ay

    nagdadalaga ang iguguhit

    ay babae, kung ikaw ay

    nagbibinata ang iguguhit

    ay lalaki naman)

    Isaisip

    Gawain 6. Dugtungan

    Panuto: Dugtungan ng tamang sagot ang mga pangungusap upang mabuo ang

    wastong diwa na nais ipahayag. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

    1. Ngayong nagdadalaga/nagbibinata ka na ay ganap mong maunawaan ang

    mga pagbabagong nagaganap at langkapan ng .

    2. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, gamitin ang

    pagpaplano ng iyong buhay.

    para sa tamang

    3. Magkaroon ng wastong mula sa mga kasama sa bahay hanggan

    sa mga taong nasa iyong paligid.

    4. Pamahalaaan ng tama ang iyong .

    5. Magkaroon ng pagtitimbang kung ano ang tama o mali, ang mabuti at ang

    masama para sa wastong at .

    Isagawa

    Gawain 7. Pagninilay sa Sarili

    Panuto: Sumulat ng isang pagninilay sa sarili sa tulong ng tanong na iyong

    sasagutin. Gawin ito sa iyong “journal notebook”. Maging malikhain sa paggawa nito.

    1. paglalarawan ng mga bagay na natuklasan mo sa iyong sarili.

    Halimbawa, pagtanggi sa di mabuting gawain ng iyong kaibigan o barkada,

    paano ito makatutulong sa iyo sa paghahanda sa susunod na yugto ng

    buhay.

  • 8

    PAMANTAYAN SA PAGGAWA

    Nilalaman – 10 puntos

    Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos

    Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos

    Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang

    pinagtularan)

    KABUUAN = 25 Puntos

    2. Kahalagahan ng pamamahala sa pag-unlad ng iyong pagkatao bilang

    paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

    Tayahin

    Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa

    bawat bilang sa iyong papel sagutan ang letrang A kung pangkaisipan, B kung

    panlipunan, C kung pandamdamin at D kung Moral. Isulat ang sagot sa papel

    maging handa sa pagpapasa nito.

    1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka

    ng iyong tatay.

    2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.

    3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga

    kapatid.

    4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting

    suliranin.

    5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.

  • 9

    6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat .

    7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.

    8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na

    sa panahon ng kalamidad at sakuna.

    9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.

    10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.

    11. May paghanga ka na sa isang tao.

    12. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay

    pantay na pagtingin.

    13. Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.

    14. Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.

    15. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang.

  • 10

    PAMANTAYAN SA PAGGAWA

    Nilalaman 15 puntos

    Orihinalidad 5 puntos

    Pagkamalikhain 5 puntos

    Kalinisan at Kaayusan Ng Gawa 5 puntos

    KABUUAN = 30 Puntos

    O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain? Kung oo, magpunta ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga Gawain sa modyul na ito.

    Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

    Karagdagang Gawain

    Gawain 8. Pangangalaga Sa Sarili

    Panuto: Punan ang bawat bahagi ng bilog. Mga angkop kong gagawing pangangalaga

    sa sarili ngayong ako ay nagdadalaga/nagbibinata. Gawin sa “journal notebook” ito.

  • 11

    Sanggunian

    Hurlock, E. Developmental Psychology: A Life-Span Approach. New York:

    McGrawHill Book Company. 1982

    Rodriguez, Marilyn. 7 Steps to creating healthy relationship .

    http://www.charmingarticles.com/children/article4261.htm. Hinango

    noong Mayo 9, 2010

    What Are the Developmental Tasks Facing Adolescents? http://www.

    education.com/reference/article/Ref_Adolescence/. Hinango noong Mayo 8,

    2010

    Helping Teenagers Prepare for the World of Work.

    http://alis.alberta.ca/ep/eps/tips/tips.html?EK=142 hinango noong Mayo 10, 201

    Self-Confidence and Self-Worth; Needing the Approval Of Others

    http://www.takeyour-power.com/1.htm sinipi noong Mayo 10, 2010

    Edukasyonsa Pagpapakatao –Grade 7 Learner’s Material ;Unang Markahan; pahina

    12 -13

    http://www.charmingarticles.com/children/article4261.htmhttp://www/http://alis.alberta.ca/ep/eps/tips/tips.html?EK=142http://www.takeyour-power.com/1.htm

  • Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

    Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

    Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

    Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

    Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

    Email Address: [email protected] * [email protected]

    mailto:[email protected]:[email protected]