21
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4.4(Week 8): Dignidad 10

Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 4.4(Week 8):

Dignidad

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

ii

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4.4 (Week 8) : Dignidad Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax : (032) 255-6405

E-mail Address : [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Merly A. Cabrera

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.

Tagaguhit: Merly A. Cabrera

Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

Dr. Ester A. Futalan

Dr. Leah B. Apao

Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS Mr. Isaiash Wagas

EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

iii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa

Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

sa araling Dignidad.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri

ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon

upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral

sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa

kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan

ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan

at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita

ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.

Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

iv

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dignidad.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin

ay ipakikilala sa iyo sa maraming

paraan tulad ng isang kuwento,

awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

v

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

vi

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

vii

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa

modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas

ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim

na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka

bilang mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos

ang konsepto ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay

nagbibigay-daan upang magamit sa iba’t ibang kalagayan ng

pagkatuto.

Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng

bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos

upang sundin ang karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang

pagkakasunud-sunod kung saan mo basahin ang mga ito ay

maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na ginagamit mo

ngayon.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na: Nakagagawa ng

mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na

mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay

na dignidad bilang tao.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Subukin

PAUNANG PAGTATAYA: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang

titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong kwaderno.

1. Lahat ng nilikha ng Panginoon na kawangis niya at bukod-tangi ay may

dignidad. Sino-sino ang mga sumusunod ang mayroong dignidad?

a. lahat ng tao

b. lahat ng nilikha ng Diyos

c. lahat ng nananalig sa Diyos

d. lahat ng naniniwala na sila ay tao

2. Lahat tayo ay may natatanging katangian. Bakit tayo binigyan ng

Maykapal ng natatanging katangian?

a. upang hindi maapi

b. upang makatulong sa iba

c. upang makapag hanap-buhay

d. upang magkaroon ng mga mahal sa buhay

3. Ano ang pinaka bukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos?

a. lahat ng mga tao

b. lahat ng may puso

c. lahat mga may hininga

d. lahat ng mga sumusunod sa mga utos ng maykapal

4. Nang nilikha ng Diyos ang tao, ano ang dalawang mahalagang bagay na

taglay natin kung kaya tayo ay tinatawag na ‘naiiba’?

a. isip at kilos-loob c. kilos-loob at pagmamahal

b. Iisip at pagmamahal d. pagmamahal at kilos-loob

5. Ano ang maaari mong itanong sa iyong sarili upang matuklasan ang iyong

natatanging katangian?

a. “Bakit ako ginawa ng Diyos?”

b. “Anong kakayahan ko ang makapagpapasikat sa akin?”

c. “Ano ang gusto kong ginagawa na maaaring makatulong sa ibang

tao?”

d. “Paano ko magagamit ang aking natatanging katangian upang

magka pera?”

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Aralin

1 Dignidad

Sa nakaraang talakayan napatunayan mo na ang dignidad ng tao ay

nakabatay sa kaniyang pagiging bukod-tangi at sa pagkakawangis niya sa

Diyos. Naunawaan mo rin na maaaring tayo ay magkakaiba subalit pantay-

pantay sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng ating dignidad. Natutunan

mo rin na kaakibat ng paggalang sa iyong dignidad ay mayroon ka ring

karampatang tungkulin na igalang ang dignidad ng iyong kapwa.

Balikan

Magbalik tanaw ka sa nagdaang modyul at isulat ang sagot sa iyong

kwaderno sa pamamagitan ng isang talata.

Ano ba sa iyong personal na palagay ang dignidad?

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Tuklasin

Panuto: Bahasin ang bawat pangungusap sa talahanayan sa ibaba at

kopyahin sa iyong kwaderno. Lagyan ng √ (tsek) ang kahon na kalinya ng

pangungusap kung minsan mo na itong nasabi sa iyong sarili at X (ekis) naman

kung hindi kailanman.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Suriin

Sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi maiiwasang kung minsan ay

makaranas tayo na maramdaman o ituring na mababa ang sarili (insecurity).

Sa tuwing makikita natin ang magagandang post ng ating mga klaklase,

kapitbahay o kahit maging tao sa social media sites kagaya ng facebook,

Instagram, twitter at marami pang iba, hindi natin naiiwasang maikumpara an

ating sarili sa kanila. Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita

sa ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay

napagkakaitan. Hindi ito ang katotohanan. Paano ba natin malalampasan

ang mababang pagtingin sa sarili?

Bago nating pag-usapan kung papaano malalampasan ang mababang

pagtingin sa sarili, tingnan muna natin ang ilang katotohanan tungkol rito ayon

kay Ginang Maricar Reyes-Poon. Ang mababang pagtingin sa sarili (insecurity)

ay:

Lumalabas sa harap ng ating kahinaan.

Sa tuwing may bagay na nahihirapan tayong gawin na nakapadali lang sa

iba, bumababa ang ating pagtingin sa sarili. Noong ako ay kasing-edad mo,

mayroon akong grupo kaibigan. Lahat sila ay marunong sumayaw. Sa tuwing

sasali ako sa praktis ng isang sayaw, nahihirapan talaga akong tandaan ang

steps at gawin ito ng maayos. Kapag tinitinganan ko ang aking mga kaibigan,

mukhang hindi naman sila nahihirapan. Isa o dalawang beses na pagturo lang

ng steps ay alam na agad nila.

Hindi agad-agad maiaalis.

Ito ay isang proseso. Hindi mo agad-agad maiaalis sa sarili mo at sa iba ang

kanilang mababang pagtingin sa sarili dahil lang sinabing;

‘Mahalin mo ang sarili mo.’

‘Be strong. Huwag mong maliitin ang sarili mo’

‘Huwag kang mag-alala, mahal ka ng Diyos’

‘Dapat maging masaya ka kung paano ka ginawa ng Diyos.’

‘Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba’.

Hindi naman mali ang mga ito. Kaya lang, ang mga nasa itaas ay hindi

mga gamot na kapag ibinigay at ininom natin ay mawawala na ang ating

mababang pagtingin sa sarili (insecurity). Ang ating paglaban rito ay patuloy

at araw-araw.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Habang tumatagal ang ating personal na laban sa mababang pagtingin sa

sarili (insecurity) ay mas nagiging madali ito.

Hawak natin sa ating mga kamay mismo ang pagtatagumpay sa ating laban

sa mababang pagtingin sa sarili. Hindi ako, hindi sila, kundi ikaw mismo ang

may kakayahang ipanalo ang laban na ito.

Ngayong mas may alam na tayo sa mababang pagtingin sa sarili (insecurity),

tingnan naman natin ang mga suhestiyon ni Ginang Maricar Reyes-Poon sa

mga maaari nating gawin upang malabanan ito.

Tuklasin ang iyong mga natatanging katangian.

“Mas madaling tanggapin na wala ka ng ibang bagay kung alam mo kung

sino ka. At isang napakahalagang bahagi ng paghahanap kung sino ka ay

alamin kung ano ang iyong natatanging katangian.”

Bawat isa sa atin ay may natatanging katangian mula sa maykapal. May mga

lupon ng katangian na tanging ikaw lamang ang mayroon. Maaaring hindi ito

kasing halata ng iba gaya ng pagkanta, pagsayaw, pag arte o pagsalita sa

harap ng maraming tao, pero tiyak na meron ‘yan. Kailangan mo lang mag-

effort na hanapin sila. Ilan sa mga maaari mong gawin na makatutulong sa

pagtuklas ng iyong natatanging katangian ay ang mga sumusunod:

Tanungin ang mga malalapit na kakilala (kapamilya, malapit na

kaibigan

➢ Kung ano ang nakikita nilang natural na gawin para sa iyo na parang

ang hirap para sa ibang tao.

➢ Tanungin ang sarili, ‘Ano ang gusto kong ginagawa na maaaring

makatulong sa ibang tao?’

Tandaan na ang iyong talento/kakayahan ay hindi ipinagkaloob sa iyo ng

Diyos para lamang kumita at mabuhay ka. Binigyan tayo ng Diyos ng mga

kakayahan upang makatulong sa iba. Lahat tayo ay may mga natatanging

katangian. Kailangan lamang natin itong tuklasin.

Gamitin ang natuklasang katangian upang tumulong sa iba.

Ginawa tayo upang makatulong sa iba, kaya tumulong tayo gamit ang ating

natatanging kakayahang biyaya ng maykapal. Hindi magiging madali para

sa atin na maliitin ang ating sarili kung nakikita natin na tayo ay may

pakinabang o nakatutulong sa iba.

Tanggapin na imposibleng maging magaling sa lahat ng bagay.

Sa mundo, may mga taong maraming alam gawin. Subalit walang tao sa

buong mundo ang kayang gawin ang lahat ng bagay.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Ako ay hindi magaling sa kahit anong uri uri ng art. Mapa disenyo, pag-ayos

ng buhok, pag make-up (lalo na ang pagguhit na kilay), fashion at kahit pag-

aayos ng gamit. Ginagawa ko parin ang best ko pero tanggap ko rin na hindi

ako dinesenyo ng Diyos para sa mga bagay na ito. Kaya sa tuwing may

makakapuna na wala akong kilay, o kung hindi naman kaya ay hindi bagay

ang kombinasyon ng kulay ng mga suot ko, hindi na ito masyadong masakit

para sa akin. Maaaring hindi tayo pareho ng aspekto ng kahinaan, pero

malaking tulong para sa atin ang pagtanggap sa mga bagay na hindi natin

nagagawa nang kasing galing ng iba. Okay lang na hindi tayo magaling sa

ibang bagay.

Ipagbunyi ang iyong pagiging natatangi dahil wala kang katulad at hindi ka

na mauulit sa buong mundo.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang tanong sa iyong kwaderno.

Anong mahalagang bagay ang natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa

halaga ng pagiging bukod-tangi ng iyong kapwa sa kabila ng kanilang

estado at pinagdaraanan sa buhay? Ipaliwanag.

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Isaisip

Panuto : Sagutan ang tanong sa baba sa iyong kwaderno.

1. Ano ang natutunan mo sa modyul na ito?

2. Ano ang natuklasan mo sa sarili ukol dito?

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

\

Isagawa

Gumawa ng angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na

mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kaniyang taglay na

dignidad bilang tao. Magkaroon ng pagninilay matapos mong isagawa ang

iyong plano. Isulat ito sa iyong kwaderno.

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik sa pinakaangkop na sagot sa iyong kwaderno.

1. Lahat ng ginawa ng Diyos na kawangis niya at bukod-tangi ay may

dignidad. Sino-sino ang mga sumusunod ang mayroong dignidad?

a. lahat ng tao

b. lahat ng nilikha ng Diyos

c. lahat ng nananalig sa Diyos

d. lahat ng naniniwala na sila ay tao

2. Lahat tayo ay binigyan ng Maykapal ng natatanging katangian. Bakit tayo

bingyan ng Maykapal ng natatanging katangian?

a. upang hindi maapi

b. upang makatulong sa iba

c. upang makapag hanap-buhay

d. upang magkaroon ng mga mahal sa buhay

3. Ano ang pinaka bukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos?

a. lahat ng mga tao

b. lahat ng may puso

c. lahat mga may hininga

d. lahat ng mga sumusunod sa mga utos ng maykapal

4. Sabihin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama at mali.

Una: Tayo ay nakatatanggap ng labis-labis na biyaya mula sa

panginoon.

Ikalawa: Hindi natin palaging nararamdaman ang mga biyayang ating

natatanggap.

a. parehong mali ang dalawang pangungusap

b. parehong tama ang dalawang pangungusap

c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.

d. Ang unang pangungusap ay mali subalit tama naman ang ikalawa.

5. Bakit tayo nakararamdam ng kakulangan sa ating buhay? Sabihin kung alin

sa mga sumusunod na pangungusap ang tama at mali.

Una: Hindi natin napapansin ang mga biyayang ating natatanggap.

Ikalawa: Wala tayong biyayang natatanggap.

a. parehong mali ang dalawang pangungusap

b. parehong tama ang dalawang pangungusa

c. Ang unang pangungusap ay tama ngunit mali ang ikalawa.

d. Ang unang pangungusap ay mali subalit taman naman ang ikalawa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Karagdagang Gawain

Panuto: Maglista sa iyong kwaderno ng limang mga kilos na iyong ipapanatang isasabuhay upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa

ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.

Gamitin ang rubriks sa ibaba:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Susi sa Pagwawasto

Paunang

Pagtataya

1. b

2. b

3. c

4. a

5. a

Tayahin

1.a

2.b

3.a

4.c

5.c

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Sanggunian

Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa

Pagpapakatao. P.21-41: FEP Printing Corporation, Pasig City.

Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila:Sinag-

tala Publishers, Inc.(1990).

Lee, Patrick. Human Dignity (n.d.) Retrieved January 9, 2010 from

http://www2.franciscan.edu/plee/human_dignity.htm

Poon, M. (2020, March 9). Maricar Reyes-Poon on Insecurity [Video]. Facebook.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ig-4... · 2020. 10. 1. · ii Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark