40
1 5 Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT Activity Sheets (1st Quarter) Department of Education June 2016

Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

1

5

Edukasyon

Pantahanan at Pangkabuhayan

ICT

Activity Sheets

(1st Quarter)

Department of Education June 2016

Page 2: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

2

GAWAIN 1: PAGGAWA NG “ONLINE MARKET SURVEY” PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natutukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan (products and services) sa tahanan at pamayanan Spotting opportunities for products and services

ILALAANG ORAS : 60 minuto CG COMP.: EPP-Oa-1

Gumawa ng Online Market Survey gamit ang Google Form Mga hakbang: 1. Subukang sagutan ang Class Market Survey na ito sa Google Form

http://goo.gl/forms/Ijoiw5tyOZ. Ito ay halimbawa ng output na gagawin ng

inyong grupo.

2. Subukan nating gumawa ng sariling Online Market Survey. Sundan ang link na ito

ng Google website: http://www.google.com

3. Mag-sign in o mag-sign up kung wala pang account sa website na ito.

Page 3: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

3

4. Para sa pag-create ng account, i-fill out ang form na ito at sundan lamang ang instruction:

5. Kung mayroon ng account, mag-sign in na upang simulang gawin ang online

form.

6. I-click ang Google Apps button sa kanang bahagi sa itaas ng browser window.

I-click ang Drive.

Page 4: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

4

7. I-click ang New button na makikita sa kaliwang bahagi ng window.

TANDAAN NATIN

Ang google forms ay isa sa mga online tools na bahagi ng google drive. Ang tool na ito ay makatutulong sa paggawa ng online survey, pagsusulit, pagkalap at paglalagom ng mga impormasyon.

8. I-click ang “Option 1” at simulan na ang pag-pasok ang tanong na nais mo para sa survey.

9. I-format ang Questionnaire

gamit ang “Color Palette”

Mamili ng uri ng questionnaire kung multiple choice, short answer, checkboxes, etc.

Sa dropdown menu, hanapin ang Google Form.

Page 5: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

5

10. Ipamahagi ang link o ipadala ang Google Survey Form na ito sa e-mail ng

inyong mga mag-aaral.

Gawing batayan ang mga katanungan sa Class Markey Survey na ito:

Panuto: Gamit ang form na ito, magkaroon ng pagsisiyasat sa loob ng silid-aralan, upang malaman kung ano anong mga negosyo ang maaaring pagkakitaan sa paaralan. Maaari ring isagawa ang pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag-aaral at pagtaas ng kanilang mga kamay. Matapos pagsamahin ang mga naging resulta ng pagsisiyasat mula sa iba pang mga klase, talakayin ang mga mungkahi para sa produkto at serbisyong maaaring pagkakitaan sa paaralan bilang inyong “market.”

A. Ilan sa klase ang: Lalaki________ Babae_______

B. Ilan sa klase ang may edad na 10________, 11________, 12_______, 13__________, 14________, 15________, 16+__________?

C. Bilang ng miyembro ng pamilya (kasama ang sarili)? 2__________, 3_________, 4___________, 5_________, 6__________, 7_________, 8+___________

D. Tumutulong ka ba sa trabaho ng inyong magulang?

Oo_________ Hindi__________

E. Bilang ng mga mag-aaral na libangan ang mga sumusunod? Pagbabasa_______, Pakikinig ng musika_______, Paglalaro ng kahit anong sports_______, Panunuod ng TV________, Pakikipag-usap sa telepono o cellphone________, Pagsasayaw________, Pamamasyal Pagkukumpuni ng sirang gamit_______, Pananahi_______, Pagluluto_______, Pag-eehersisyo________, Pagdidisenyo_______, Pagpinta o pagguhit_______, Pag-aalaga ng bata_______, Pagsusulat ng kuwento_______ (Maaaring dagdagan pa ang mga pagpipiliang ito)

F. Ano anong mga produkto o serbisyo ang nais mong mabili sa paaralan na kasalukuyan hindi pa neibebenta rito?

Page 6: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

6

Karagdagang Gawain

Batay sa mga nakalap na impormasyon, ilista ang mga produkto o serbisyo na sa tingin ninyo ay magiging patok o mabenta sa paaralan.

Talakayin din ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng mga ito.

Magsaliksik pa ng mga produkto o serbisyo na matatagpuan sa inyong pamayanan.

Halaw sa mananaliksik na isinagawa, ilista at ipaliwanag ang iba pang mga produkto at serbisyo na matatagpuan sa inyong pamayanan.

Page 7: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

7

GAWAIN 2: PAGSALI SA DISCUSSION GROUP AT CHAT PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nakasasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng pamamaraan

ILALAANG ORAS : 20 minuto CG: EPP5IE-0c-8

Makilahok sa Online Forum Discussion Mga hakbang:

1. Mag-register sa website na http://grade5kto12ntot.createaforum.com/ upang

makalahok sa online forum.

2. I-click ang General Discussion at i-click and “EPP-ICT and Entrepreneruship”.

3. Ang mga miyembro ng bawat grupo ay sasagutin ang katanungan para sa

talakayan: “Paano tayo magiging responsableng netizen?”

4. I-click ang reply button upang makalahok sa talakayan.

Paggawa ng Discussion Thread Gamit ang Online Forum Mga hakbang: 1. Gamit ang inyong computer at Internet, mag-search ng iba ang website kung

saan maaaring makagawa ng online forum discussion.

2. Magregister sa forum website na napili at magsimula ng discussion thread.

Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration.

Page 8: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

8

GAWAIN 3: PAGGAMIT NG ADVANCED FEATURE NG SEARCH ENGINES PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng impormasyon

ILALAANG ORAS : CG

30 minutes EPP5IE-0d-10

Pag-access ng Advanced Feature ng Google

1. Buksan ang inyong web browser (Google Chrome).

2. I-click ang Settings sa ilalim at piliin ang Advanced Search -o- i-type sa address

bar ang sumusunod na URL address:

https://www.google.com/advanced_search.

3. Magbubukas ang Advanced Search Form.

4. Simulang i-fill up ang search form textboxes ng mga key words na gagamitin sa

pagsasaliksik.

5. Subuking i-search ang mga sumusunod na files sa Google:

File Name File Type Language

1. How to Create a Discussion Forum?

Web Page or Video

Filipino

2. Writing A Business Proposal PowerPoint English

3. Effects of Light, Heat, Sound, and Electricity on People

PDF English

6. Subukan din mag-advanced searching gamit ang Internet Explorer o Mozilla

Firefox.

Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration.

Page 9: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

9

GAWAIN 4: PAGGAWA NG INCOME STATEMENT GAMIT ANG ELECTRONIC SPREADSHEET

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos.

ILALAANG ORAS : CG

50 minutes EPP5IE-0f-16

Mga Hakbang:

1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet (MS Excel).

2. I-type ang sumusunod na mga datos:

3. Kuwentahin kung magkano ang kabuohang gastusin at netong kita gamit ang

formula at basic function.

4. Sa pagkuha ng kabuohang gastusin, i-click ang cell C4, i-click ang AutoSum

button sa Home tab ng ribbon at i-select ang cell C5 hanggang cell C14. I-press

ang Enter button sa keyboard.

5. Sa pagkuha naman ng netong kita, i-click ang cell C15, i-type ang = (equal

sign), i-click ang cell C3 at i-press ang - (minus sign o dash) at i-click ang

gastusin.

6. I-press ang enter sa keyboard. Ngayon ay nakuwenta mo na ang kabuohang

gastusin at netong kita gamit ang electronic spreadsheet.

Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration.

Page 10: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

10

GAWAIN 5: PAGDISENYO NG ADVERTISEMENT POSTER PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nagagamit ang desktop publishing tool sa paggawa ng flyer, brochure, banner o poster na may kasamang nalalagom na datos

ILALAANG ORAS : CG

60 minutes EPP5IE-Oj-21

Ang desktop publishing tool ay ginagamit upang makalikha ng newsletters, brochures, flyers, advertisement poster at libro. Ang MS Publisher at Adobe InDesign ang ilan sa mga kilalang desktop publishing tool. Isa ang poster na maaaring magawa gamit ang tool na ito. Ito ang ilang patnubay sa paggawa nito.

Pag-isipang mabuti ang magiging disenyo ng iyong poster. Maaari mo itong i-

plano muna gamit ang papel at lapis.

Kung nangangailangan ng mga larawan ay tiyaking nakahanda na ang mga ito.

Hangga’t maaari ay kumuha o gumuhit ng sariling mga larawan. Kung talagang

kailangang i-download ang isang clip art o photo na natagpuan sa internet,

siguraduhin lamang na ito ay walang copyright protection o nakapagpaalam sa

may-ari nito bago gamitin.

Maaaring gumamit ng mga hugis, clipart, borders at wordart upang mas lalong

mapaganda pa ang poster.

Magsama rin ng mga aktuwal na larawan ng produkto o serbisyo upang lubos na

mahikayat ang mga mamimili.

Magsimula tayo sa paggawa ng poster gamit ang MS Publisher.

Mga hakbang:

1. Buksan ang MS Publisher na mayroon sa inyong computer.

Ang mga ito ang pwedeng pamilian. I-click ang advertisements.

Piliin ang size na gusto mo sa mga built-in templates na nasa ibaba.

Page 11: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

11

2. Magbubukas ang document window at maaari mo nang simulan ang paglikha ng

iyong advertisement poster.

3. Sa insert bar, i-click ang Pictures. 4. Pwede rin baguhin ang larawan, magdagdag ng text, wordart, table at iba pang

impormasyon ayon sa naisin. Ang mga hakbang sa pagsasagawa nito ay halos pareho lamang sa hakbang 3 sa itaas. Bilang isang mag-aaral, mag-explore pa at marami kang madidiskubre upang lalo pang mapaganda ang output.

4. I-save ang ginawang poster at i-print ito sa papel o sa tarpaulin upang aktuwal na magamit sa negosyo.

Ito ang mga standard toolbars o menu bars na maaaring gamitin sa paggawa. I-click ang mga ito ayon sa gagawin at mga idagdag na disenyo at impormasyon upang makahikayat ang poster na gagawin.

Ito naman ang template na gawaan ng mga disenyo o lagayan ng mga impormasyon.

Piliin ang nais na larawan.

I-click ang insert.

Ganito ang hitsura pagka-click ng insert. Pwede rin i-resize ang larawan ayon sa nais.

Page 12: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

12

Karagdagang Gawain:

Gumawa ng poster tulad ng nasa ibaba. Maaari din gumawa ng iba pang dokumento gamit ang desktop publishing tool tulad ng certificate, business card, label etc. upang mahasa sa paggamit ng tool na ito.

Ibahagi ang natutunang kasanayan sa buong klase sa pamamagitan ng demonstration.

Page 13: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

13

GAWAIN 6: PAGLIKHA NG MGA KNOWLEDGE PRODUCTS PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nagagamit ang mga basic features ng slide presentation tools sa pagbuo ng anunsiyo na may kasamang teksto, diagram, table, tsart, photo o drawing.

ILALAANG ORAS : 1 Oras at 30 minuto HAKBANGIN: I. Talakayin ang mga Elemento at Prinsipyo ng Desenyo.

II. Gumawa ng “Visuals” sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang kung paano gamitin ang mga Processing Tools sa Powerpoint.

CG: EPP5IE-0j-22

I. ELEMENTO AT PRINSIPYO NG DESENSYO (sa table, teksto/talata, poster design o diagram)

Anu mang “visuals” o biswal ay naglalayong makipag-usap sa sinumang nagbabasa o nakakakita nito kung kaya’t mahalaga ang tinatawag na “visual ease”. Dapat ang isang biswal ay nagbibigay din ng kasiyahan ng mata na hindi mag-iiwan ng pagka kulang sa pakiramdam ng isang mambabasa o taga tingin. Marahil ay dati nang napag-aralan ang mga elemento (line, shape, direction, texture, hue, tone) at prinsipyo (balance, harmony, contrast, unity, pattern) ng desenyo. Para makagawa ng isang biswal na masarap tingnan o basahin, narito ang mga iilan sa mahahalagang paalala bago tayo pumunta sa Hakbangin II.

Talaan o “Table”

1. Magandang gumamit ng kulay upang bigyang buhay ang isang talaan. Sa paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang gawin ito. Kadalasan na ginagamit ang ibang kulay ay ang table heading.

2. Tipirin ang espasyo para sa kolum ngunit huwag sa paraang napuputol na ang isang salita sa dalawa.

3. Pantayin ang espasyo sa taas at baba, sa kaliwa at sa kanan ng bawat cell na may mga lamang teksto.

4. Gumamit ng huwag lalampas sa apat (4) na font style, kasama na ang italics.

5. Para sa mga talaan na pang isang pahina, gumamit ng maiikling pangungusap sa bawat cell.

6. Iwasang nagkakaroon ng “river” ang iyong mga teksto sa cell. Ang river ay ang malaking espasyo sa pagitan ng dalawang salita dahil ang teksto ay “full justified” para maganda sa paningin.

7. Iwasang mag-iwan ng iisang salita sa dulo ng mga pangungusap na nasa loob ng cell.

8. Dahan-dahan sa paggamit ng “weight” at kulay ng mga “border” sa isang talaan, lalong-lalo na kung ito’y nasa loob ng isa pang talaan.

Page 14: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

14

Poster o Drawing

1. Maganda pagsama-samahin o pag-parisin ang mga font style na hindi pareho ngunit magkasundo sa mata. Dahil ang poster ay nagnanais kumuha ng pansin, maganda ipag-pares ang malapad at manipis na font style, serif at sans-serif, at ibang kulay gaya ng mga nasa ibaba.

2. Mag-iwan ng tinatawag na “white space” sa isang biswal. Huwag ipagsiksikan o paghalu-haluin ang mga teksto at “images”. Mahihirapan mag pokus ang mata sa dapat na binabasa, dito nawawala ang intensyon ng poster na itawid ang mensaheng nais niyang iparating sa kanyang mambabasa.

3. Unawain na ang bawat poster ay dapat may “coherence”, “rhythm” at “proportion” upang ito’y maalala at nag-iiwan ng kapunuan sa mambabasa tungkol sa mga impormasyong gusto niya malaman – buo at hindi kulang.

Teksto

1. Magandang gumamit ng teksto na hindi lalampas ng apat (4), kasama na ang italics.

2. Gumamit ng teksto na madaling basahin.

3. Maaaring gumamit ng contrast sa mga teksto ngunit gawin itong dahan-dahan upang hindi masakit sa mata.

4. Walang mahigpit na pamantayan sa paggamit ng mga teksto ngunit, maganda rin na unawain natin kung kelan dapat gamitin ang italics, sans serif at serif:

Italics ginagamit kung gusto bigyan diin ang pangungusap. Ang italics ay pinasusunod nya ang mata na dahan-dahanin ang pagbabasa at tuloy mas naiintindihan ng mambabasa. Hindi ito dapat gamitin ng walang mahalagang dahilan.

Serif ginagamit kung ang teksto ay 1-2 pahina ginagamit pang headline o title ginagamit sa screen kaysa sa print

San

Serif

ginagamit kung ang teksto ay lampas 2 pahina ginagamit sa body text ginagamit sa print kaysa sa screen

Page 15: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

15

II. PROCESSING TOOLS SA POWERPOINT

1. I-click ang icon na para sa Powerpoint 2007. Ang hitsura ay gaya ng nasa ibaba. Makikita ang mga standard toolbars na clickable depende sa gagawin.

“Slide” ang tawag sa puting papel. Makikita dito ang dalawang kahon na “click to add title” and isa. Maaaring i-click ang mga ito upang mailagay ang title na nais. Maaari din itong i-delete. Kung paano, dalhin ang cursor sa gilid ng kahon hanggang makita ang icon na , pagkatapos ay i-click ang “delete” upang mawala ang kahon.

Gagawin natin ang mga sumusunod:

1. Table

2. Tsart

3. Text

4. Diagram

5. Paglagay ng Photo o Drawing

Page 16: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

16

A. TABLE

1. I-click ang “Insert” ”Table”. Mapapansin na habang naka “hover” ang mouse dito, makikitang sumusunod din ito kung ilang rows at columns ang posible gawin ng powerpoint.

TANDAAN NATIN:

Maaaring ibalik sa dati ang gawa sa pamamagitan ng pag-“Undo” sa

pamamagitan ng pag-click ng icon na o keyboard shortcut na

CTRL+Z. Para ma-“Redo” i-click ang o keyboard shortcut na CTRL+Y.

2. Maaaring bawasan ang column kung nais. Dalhin ang cursor sa column na gustong tanggalin. I-click hold at i-drag sa katabing column na gusto ring tanggalin. Click “delete”.

Cell Columns

Rows

Page 17: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

17

3. I-click “Layout” “Delete” “Delete Columns”

4. Ganito ang dapat nyang hitsura pagkatapos. Para naman madagdagan ang column, i-click ang “Layout” “Insert Right”. Maaari itong gawin sa “Insert Left”, ganun din sa pagdagdag ng “Rows”. Maganda i-explore ang mga tools upang makita ang gamit ng mga ito.

5. I-click ang mga cell upang malagyan ng datos.

6. I-highlight ang buong table at i-click ang “Layout” at i-click ang “Center”

Page 18: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

18

B. TSART

1. I-click ang “Insert” ”Chart”. Mamili ng nais na uri ng tsart kung, bar, pie, line at marami pang iba. Halimbawa ay “Column” chart. I-click ito at ang “OK”.

2. Pag-click ng “OK” dagliang may lalabas na Excel sheet. Para mabigyan ng biswal na itsura ang mga datos, ipasok ang mga numero sa table ng Excel. Pagkatapos nito ay makikita sa tsart ang nabuong “Column Chart” hango sa mga numerong ipinasok.

3. Pagkatapos ipasok ang mga datos sa excel, i-click ang “enter/return” key.

4. Ganito ang dapat nyang kalalabasan.

Page 19: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

19

C. TEXT

1. Dalawa ang paggawa ng text sa Powerpoint.

Una, sa pamamagitan ng “Word Art” na kalimitan ay para lamang sa Title o Heading.

Pangalawa, sa pamamagitan ng text box na bumubuo ng “body” ng text, kung kaya’t madalas itong gamitin.

2. I-click ang text box, i-click hold at gumuhit ng parisukat.

3. Pag-release sa hold, makikitang mayroong box na broken line at maaari ng mag-type.

4. Pag naipasok na ang text sa loob ng text box, i-click minsan pa sa broken line upang maging full straight line.

TANDAAN NATIN:

Mga simbolo makakatulong ay ang . Ito ay nakikita pag nakatapat ito sa isa sa mga white dots ng text box o shape. Gamit ito pang re-size. Isa pa ang , na nakikita pag naka-“hover” ang mouse sa text box, objects at shape. Pag click sa mga ito, nagpapahiwatig sya na “operational” ang mga ito at pwede galawin at ma-delete.

Page 20: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

20

5. Maaaring baguhin ang kulay at font style/point. I-click at drag ang text na gusto baguhin.

6. Pangalawa, sa pamamagitan ng text box na bumubuo ng “body” ng text, kung kaya’t madalas gamitin.

Sa “preset ng Font” i-click ang mga gustong baguhin.

1. Font style 2. Bold/unbold 3. Shadow/unshadow 4. Font color

D. DIAGRAM

1. Pumunta sa “Insert” “Smart Art”. Mamili ng diagram na nais gaya ng cycle, matrix, pyramid at iba pa.

Bilang halimbawa, pumili tayo ng “Cycle” Diagram. Pumili ulit ng uri ng cycle diagram sa mga “presets” at i-click ang OK.

Page 21: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

21

2. Maaring magbawas ng isang bola. I-click lamang ito at “DELETE”. Maaari ding baguhin ang kulay ng mga bola, lagyan ng text at iba pa. Para sa kulay ng loob at guhit ng bola pumunta sa “HOME” ng standard toolbars at mamili sa “Shape Fill” at “Shape Outline”. I-click lamang ang loob ng bola upang ma-type ang text na nais ilagay.

TANDAAN NATIN:

Lahat ng bagay na gustong baguhin sa loob ng slide ay kailangan munang i-click ito para alam ng powerpoint kung sino ang gusto niyang baguhin, ilipat o burahin.

E. PHOTO AT DRAWING

1. Para maglagay ng photo o drawing sa powerpoint ay sa pamamagitan ng standard toolbox na INSERT. May mga “preset” ang mga ito - “Picture”, “Clip Art”, “Photo Album” at “Shapes”.

2. Para magpasok ng photo o drawing sa slide, i-click ang “picture” at lalabas ang file directory ng computer. Hanapin ang file na gusto, i-click ito at ang “Insert”.

I-click lamang ang isa sa nais na “presets”. Ang laman ng folders ng picture at photo album ay depende sa laman ng iyong dineposito o inipong mga “images”. Ang clip art at shapes ay sadyang kasama na sa powerpoint.

Page 22: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

22

3. Para sa shapes, i-click ang “Insert” at mamili ng shape na nais. Halimbawa ay ang “arrow”.

Pansinin ang mga sumusunod na dots sa paligid ng Arrow.

1 green dot – pang rotate 1 yellow dot sa arrow head –

pang resize ng arrow head 1 yellow dot sa arrow body –

pang resize ng arrow body 4 yellow dots – kung gustong

i-resize ng pare-pareho ang buong arrow

4 square dots – kung gustong i-resize ang buong arrow ng palapad lamang o pahaba lamang

Paglaruan ang mga ito. Gawin sa ibang shapes.

Resize

Ang mga images sa powerpoint ay “manipulable”. Subukan ang iba pang tools gaya ng brightness, contrast, picture shape, border, at arrange. Ito lahat ay nasa “Home” standard toolbars.

Adjust arrow head

Adjust arrow body

Rotate

Page 23: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

23

4. Subukan ang mga sumusunod:

a) Paano mag “Group” o “Ungroup”

Sa standard toolbars pumunta sa “Insert” pagkatapos ay “Shapes”. Mamili doon ng nais, para sa gawaing ito pipiliin natin ang “Cloud”, “Arrow” at “Smiley”. Gaya ng paggawa ng text na tinalakay kanina, i- click ang shape na gusto, habang naka clickhold, gumuhit ng kwadrado upang lumabas ang cloud. Gawin ulit para sa arrow at smiley.

Habang naka click-hold ang mouse, gumuhit ng kwad-rado sa paligid ng apat na “Shapes”. Ganito dapat ang kanyang kalalabasan.

Sa standard toolbars, pumunta sa “Group” gaya ng nakikita sa taas at i-click ang “Group”. (Narito rin ang “Ungroup”).

Magsasama-sama na ang 3 shapes mula ngayon. Mahalaga ang group kung nais mong hindi magalaw ang mga una mo nang ginawa o kung nais mong sabay sabay sila ayusin, baguhin o lipatin.

Maaari ring mag-GROUP o UNGROUP sa isa pang paraan. Sa standard toolbars, pumunta sa “Home”, pagkatapos ay sa “Arrange”, gaya ng nasa screenshot sa ibaba.

Page 24: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

24

b) Paano mag “Layering” sa Powerpoint.

Upang halimbawa, gawin nating sa ibabaw ang “Arrow” at sa likod ang “Cloud”. Para malinaw ang pagkaka-iba, baguhin natin ang kulay ng Arrow.

Para mailagay ang Arrow sa harap, pumunta sa “Home”, pagkatapos ay i-click ang “Arrange” gaya ng nasa taas at i-click ang “Bring to Front”.

Ganito ang dapat nyang kalalabasan.

Para mabago ang kulay ng mga objects, 2 ang paraan:

1. “Home” “Shape Fill” ; 2. “Format” “Shape Fill”

Page 25: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

25

KARAGDAGANG GAWAIN:

1. Gawin ang nasa ibaba gamit ang napag-aralan.

2. Gumawa ng isang Promo Poster ayon sa nais mong tema.

Sa araw ng

Halalan,

Page 26: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

26

GAWAIN 7: LIGTAS AT RESPONSABLENG GAMIT NG ICT PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa Chat at Discussion Forum

Nakasasali sa Discussion Forum at Chat sa ligtas at responsableng pamamaraan

ILALAANG ORAS: 45 minuto CG: EPP5IE-0c-8; 0g-17; 0g-18

CCHHAATT

Ang Chat ay isang “online communication” ng mga tao sa internet. Maari itong sa pagitan ng dalawang tao, o nang grupo na pinamahalaan ng isang moderator. Para sa Gawaing ito, pag-uusapan natin ang panuntunan sa FB Messenger at sa Chatroom.

A. FB Messenger:

1. Bumati muna bago simulan ang chat.

- Bilang respeto sa kausap, kailangan bumati muna ang isang “sender” sa “receiver”. Makiramdam kung ang receiver ay abala.

2. Makiayon sa lenguahe o istilo ng pananalita ng kausap.

- Makibagay sa kausap ayon sa kanyang lenguahe o istilo upang magkaintindihan.

3. Huwag gumamit ng “caps lock”

- Ang “caps lock” sa internet ay nagpapahiwatig ng inis o galit. Ang paggamit nito ay maaaring maka insulto sa kausap.

4. Maging maunawain - mapag-pasensya kung hindi ito nakakasagot agad.

5. Magpugay bago tapusin ang pag-uusap

- Pormal na tapusin ang pag-uusap, upang hindi manghula ang kausap kung nasaan ka na.

B. Chatroom:

Sa bawat Chatroom, mayroong panuntunan na kailangang sundin ng sinumang gusto sumali. Ang mga sumusunod ay ang “general rules” na kung alam mo ang mga ito, magiging maganda ang magiging karanasan sa pagsali ng chatroom.

1. Gumamit ng naaayong “avatar” at “handle”

- Ang paggamit ng angkop na avatar at handle ay makatutulong sa personalidad mo sa chatroom. Sa paggamit ng “fancy” o kakaibang avatar at handle, maaaring magbigay ito ng pagkalito at duda sa iyong pagkatao.

2. Hanapin ang chatroom na nababagay sa iyo

- Iba-iba ang isyu at personalidad ng bawat chatroom. Upang hindi maging iba sa kanila, humanap ng chatroom na naaayon sa iyong intensyon.

3. Magpakilala ka - Simulan ang pagsali sa pamamagitan ng

Page 27: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

27

pagpapakilala. Kadalasan na kailangan sabihin ay ang edad, kasarian at lugar. Hindi dapat magbigay ng anu pa mang personal na impormasyon na maaaring maging banta sa iyong seguridad.

4. Gumamit ng tamang font.

- Gumamit ng font na madaling basahin at kulay na hindi masakit sa mata. Ganon di sa font size.

5. Tumugon sa loob ng 20 segundos

- Iwasang nakabitin ang kausap. Ibigay ang tuwirang sagot sa itinatanong upang maging tuloy-tuloy at maayos ang pag-uusap.

6. Maging maayos sa pananalita

- Kumausap gaya ng gusto mong pag-kausap sa iyo.

7. Magsalita ng maganda at kanais-nais.

- Huwag gumamit ng mga salita ng diskriminasyon, pag-abuso, bulgar, bastos, insulto at kahalayan.

8. Bigyang ang kausap ng pagkakataong makasagot

- Huwag mag “machine gun message”. Hayaan ang kausap makasagot muna bago mo sundan ang huli mong chat. Maging mapag-pasensya at bigyan ng “benefit of doubt” ang kausap. Huwag mapang-husga.

9. Iwasan ang “canned text”

- Kung maaari, huwag gamitin ang mga “canned text” maliban kung ang ibig mong sabihin ay 100% din gaya ng sinasabi ng canned text. Ang canned text ay kalimitan ginagamit sa customer service at hindi sa mas personal na pakikipag-usap.

DISCUSSION FORUM:

Ang “Discussion Forum” ay isang diskusyon na online ng mga tao sa pamamagitan ng pag po-post ang kanilang mga sagot, tanong sa isang isyu o paksa.

1. Makiayon sa lugar

- Iba-iba ang lugar sa “cyberspace”. Dahil ang Discussion Forum ay mas pormal na pag-uusap kaysa sa Chat, makiramdam at magbasa muna kung ano ang pinag-uusapan bago sumali sa forum. Ang sabi nga ay “lurk before you leap”.

Iwasan o huwag sumali sa mga forum na may malisya o kabastusan. Huwag masyadong maniniwala sa mga kausap dahil hindi ito lubos na kakilala.

2. Magpakilala ka - Gumamit ng naaayon na avatar at handle. Ang pagpapakilala ng iyong propesyon at karanasan ay isang tulong sa malawak at magandang diskurso.

Page 28: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

28

3. Ingatan ang mga personal na impormasyon

- Alalahaning maaaring makuha ng kausap ang tunay na adres mo kahit hindi mo ito ibigay. Magandang sumali sa forum na mayroong kakila gaya ng mga malalapit na kaibigan o kapamilya.

4. Huwag mag-“caps lock”

- Ang “caps lock” ay maaaring mapakahulugang nagagalit o sumisigaw.

5. Ayusin ang spelling at grammar

- Sa internet, ang bawat salita mo ay ikaw, kaya mahalagang maayos at organisado ang iyong diskurso. Bago i-submit ang sagot o tanong sa forum, i-check ang spelling at grammar.

6. Mabuting pagtanggap sa kausap at usapan.

- Kung ang kausap ay hindi pabor o sang-ayon sa sinasabi mo, huwag itong pagtawanan o maliitin. Kapag ang ka-chat naman ay may sinasabing hindi kanais-nais, huwag nang sagutin at mas mabuting isara na lang ang forum. Iwasan ang “bashing”. Maging handa rin sa mga maaaring negatibong pagtanggap nila sa iyong mga pahayag.

7. Ugaliing mag-check bago mag comment

- I-check ang “recent comments” bago gumawa ng reaksyon sa “older comments”. Maaaring naayos na ito habang wala ka sa forum.

8. Lengwahe

- Huwag gumamit ng text lingo o slang, lalong lalo na kung pormal at “educational” ang forum na sinasalihan mo.

9. Sumali sa diskusyon

- I-share ang iyong kaalaman o “expertise” upang lumawak at lumalim ang kaalaman ng bawat isa sa forum.

10. Gawing positibo ang mga sagot

- Sa pagtugon o pag-hayag gawin itong positibo at nakabubuo sa layunin ng diskusyon.

11. Gawing kumpleto at may saysay ang sagot

- Pag nais sumagot sa forum, sagutin ito ng tama na may pinagbabasehang ebidensiya, research o mga akda ng skolar. Huwag manghula. Layunin ng diskusyon ay magtulungan upang bigyan liwanag at kasagutan ang isang paksa. Ito ay makatutulong din sa pagtipid ng oras at bandwidth ng bawat isa.

12. I-summarize ang sagot na mahahaba

- Kung sa palagay mo ay makakalagap ka ng maraming sagot sa tanong mo, ihiling mo ang pagsagot gamit ang iyong email. I-summarize mo ang lahat ng sagot sa email at i-post ito sa forum upang sa ganon maraming makinabang sa bagong kaalaman na ito.

13. Iwasan ang “me too” at “I agree”

- Makakatulong ang comment kung may sinasabing dagdag kaalaman. Ang “me too” at “I agree” ay nakahahaba lamang sa thread.

14. Alalay sa paggamit ng - Dahil walang mukha at boses ang forum, mag-

Page 29: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

29

katatawanan o “humor” ingat sa pagpost ng katatawanan, maaaring hindi ito maiintindihan at manapat magbigay ng maling kahulugan.

15. Huwag mag-“flooding” - Sa gawaing ito, nauubos ang oras na dapat sana ay para sa mas may kapakinabangan ng Forum.

16. Huwag mag-“spam” - Ang Forum ay para sa magandang layunin ng marami at hindi para sa komersyo ng iisang tao. Nakakasayang ito ng puwang na dapat sana ay para sa gusto mag-post ng mas kinakailangang komento o sagot sa paksa.

17. Huwag patulan ang “troll” at “flaming”

- Nakakadagdag lamang ito sa “traffic” sa forum. Bukod doon, ito’y maaaring mauwi sa banta, gulo o away sa forum.

MGA RESPONSIBILIDAD:

Minsan ay nag s-share tayo ng files sa chat at forum, magiging mas responsable tayo kung mayroon tayong kamalayan sa mga sumusunod:

Copyright – ang karapatan ng isang awtor na siya lamang ang maaaring gumamit o bumago ng kanyang ginawa

Copyleft – ang pagbibigay karapatan ng isang awtor sa iba upang magamit o baguhin ng mga ito sa kondisyong ipasa sa iba pa ito upang magamit at mabago din ng iba

Creative commons – isang ahensya na nagpapagamit ng mga file sa publiko na mayroong kaunting limitasyon sa paggamit nito

Size ng File – ang bigat ng file ay kailangang hindi labis para makatawid sa dapat patutunguhan

PARAAN SA PAGSALI SA DISCUSSION FORUM:

Upang halimbawa pupuntahan natin ang isang Forum na istorya.net

MMaaggiinngg mmaappaaggppaattaawwaadd ssaa iinntteerrnneett.. IIwwaassaanngg mmaaggiinngg

eemmoossyyoonnaall.. PPiilliiiinn nngg mmaabbuuttii aanngg mmggaa bbaaggaayy nnaa ddaappaatt ssaagguuttiinn

aatt hhiinnddii.. HHuuwwaagg ddiinn mmaaiinniittiinn aanngg uulloo,, kkuunngg aanngg iikkaaww aayy ggaanniittoo,,

mmaarraahhiill aayy hhiinnddii ppaarraa ssaa iiyyoo aanngg ssoocciiaall mmeeddiiaa..

Page 30: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

30

1. Pumunta sa Website ng Istorya.net at mag sign up.

2. I-fill out ang mga hinihinging impormasyon.

3. Lalabas na mga tanong upang mapatunayan na ikaw ay hindi robot. Sagutin lamang ng tama at i-click ang VERIFY.

4. I-click ang mga button na “agree to rules” at “complete registration” sa baba ng webpage na iyon.

Page 31: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

31

Ito ang susunod na message.

5. Hintayin sa iyong email ang response ng Istorya.net at i-click ang link na nakapaloob sa email na iyon. Mahalaga ito upang ma-activate ang iyong account upang maari ka nang makasali sa Istorya.net.

6. Pagna-click mo na ang LINK na nasa loob ng email message mo ay ibabalik ka nito sa homepage ng istorya .net at maaari ka nang mag sign-in. Pagka-sign in, siguraduhing nasa tab ka ng FORUM.

7. Mamili sa mga topics (naka blue na headers) na gustong salihan. Upang halimbawa sa Gawaing ito pinili natin ang Life and Leisure.

Page 32: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

32

PARAAN SA PAGSALI SA CHAT:

Marami ang mapagpipilian na sites ng Chat. Ang madalas ay ang Facebook Messenger, Yahoo Messenger, ICQ at marami pang iba. Maging matalino at maingat sa pagpili at pagsali sa Chat, marami sa mga ito ay hindi pang bata. Tandaan, karamihan ng sumasali sa Chat ay hindi nagsasabi ng totoo. Kaya magandang ka chat na lamang ang pamilya at kaibigan sa Facebook at Yahoo.

Ito ang isang halimbawa ng webpage ng chat site na chatango.com.

i-click kung nais makapasok sa Topic

i-click kung gusto mag-post. Ngunit dahil ikaw ay baguhan may lalabas munang “Forum Rules” at kailangan mong mag-agree para maka-post

Pag-click ng agree sa “Forum Rules” ay ito ang lalabas. Maaari ka ng mag-post. Alalahanin, magpakilala ka muna. Congratulations!

Page 33: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

33

KARAGDAGANG GAWAIN:

Base sa iyong napag-aralan, magbigay at isulat ang iyong opinion sa espasyo sa kanan, kung ano ang mga mali sa kaliwang kahon.

“Mga talunan dyan, mga langaw, istorbo lang kayo, pa-rally rally pa kayo. Mabuti pa, mamundok na lang kayo!”

Isa kang Teacher at ang Handle mo ay “Maam GaGa” at ang Avatar mo ay

Mag-click sa loob ng box para maka reply.

Page 34: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

34

TALAHULUGAN:

Avatar - imahen ng sumasali sa online communication

Bashing - pamumuna ng tao, lugar o kaganapan na walang katanggap-tanggap na basehan

Benefit of Doubt

- pag-desisyon na paniwalaan kahit na walang katiyakan, o pag-bigay konsiderasyon sa duda kaysa sa pag-akusa

Caps Lock - pag-sulat ng lahat ng mga titik ng grupo ng salita o pangungusap sa CAPITAL LETTERS

Cyberspace - koleksyon ng mga network at pag-uugnay ng mga ito para sa komunikasyon

Expertise - kadalubhasaan

Flaming - pag-post ng mga insulto na nagmula lamang sa argumento at tuloy nawawala na sa merito ng pinag-uusapan

Flooding - paulit-ulit na pag-post ng parehong mensahe na tuloy nakaaapekto sa “real time” ng diskurso

Handle - palayaw ng sumasali sa online communication

Machine Gun Message

- sunod-sunod na buhos ng mga post ng iisang tao na hindi nakasasagot ang iba o hindi pagbigay puwang sa iba upang sila ay makasagot

“BAKIT ANG TAGAL MONG SUMAGOT, BORING NAMAN!”

“Y nman lyk dat? Wa ko feel. Wer na ba? Send mo ulit, now n!”

Page 35: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

35

Online Communication

- usapan ng mga tao sa internet kasama ang email at lahat ng uri ng pag-uusap (live at hindi live)

Sign in - pagpasok ng myembro

Sign up - pagpasok ng baguhan o magiging myembro

Spamming - paulit-ulit na pag-post ng mensaheng hindi hinahanap/hindi hinihingi/hindi kailangan ng mga tao sa forum

Thread - grupo ng mga pag-uusap sa isang forum na patungkol o malapit sa iisang paksa

Troll - taong nag-popost ng mensahe sa chat o forum para lamang guluhin o tumbahin ang diskusyon

Page 36: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

36

GAWAIN 8: PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG IMPORMASYONG GAMIT ANG ICT

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na pinanggalingan nito

Nakakapag-bookmark ng mga website Naisasaayos ang mga bookmarks

ILALAANG ORAS: 60 minuto CG: EPP5IE -0d-12; 0e-13; 0e-14

Sa dami ng impormasyong makukuha sa internet, mahalaga maging mapanuri sa mga ito. Hindi lahat ay tama at may katotohanan. Kailangang i-filter natin ang mga ito at bigyan ng pagkakataong mapatunayan. Ang mga sumusunod ay madalas na batayan upang malaman ng isang netizen kung katiwa-tiwala ang source ng impormasyon.

1. I-check ang domain o URL address

May mga “conventions” ang URL address ng mga pinang-gagalingan ng mga

impormasyon. Ang mga ito ay pamilyar sa netizen, pag mayroong domain na hindi pamilyar na kakaiba at may mga karakters na karaniwan ay hindi dapat, malamang ito ay ka duda-duda.

2. Paano mo napuntahan ang webpage na iyon

Ito ba ay nirekomenda ng iyong titser. Galing ba ito sa isang katiwa-

tiwalang website. Mas maganda kung nakita mo ang impormasyon sa pamamagitan ng mga search engine gaya ng Google, Yahoo, Bing, MSN, Ask, AOL atbp.

3. Tingnan ang may-akda o “Author” ng impormasyon.

Ang Author ba ay miembro o kasapi ng mga lehitimo at katiwa-tiwalang

asosyon tungkol sa kanyang sinusulat. Mayroon ba siyang adres na maaaring konsultahan o sulatan para sa iyong mga tanong. Sinasabi ba niya ang kanyang mga “credentials”?

4. Pagkasabay sa panaho ng impormasyon.

Napapanahon ba ang mga impormasyong ito. Kelan ito nagawa at

nagawan ng pagbabago. Ang mga links ba nito ay napapanahon din.

Page 37: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

37

5. Katumpakan at kawalang kinikilingan ng impormasyon. Ang impormasyon ba ay base sa statistics o datos para suportahan ang mga

sinasabi nito. Ito ba ay katunayan, opinyon o propaganda. Mayroon ba itong ini-endorso o ina-anunsyo para sa motibo ng may-akda. Patas ba ang pagpapakilala ng kanyang mga sinasabi.

6. Laman ng pinang-gagalingan ng impormasyon.

Na-lilink ba ito sa ibang site. Madali ba itong uriratin para mapag-aralan

ang kanyang mga pinakikita o sinasabi. Gumagana ba ang kanyang mga link.

Pag-bookmark ng Website:

Ang bookmark ay napakahalagang katangian ng isang search engine na makikita sa window ng halimbawa ay Google, gaya ng nasa baba. Ang bookmark ay parang minahan ng piling-pili mo na mga gawa, datos, presentasyon at marami pang iba.

Pag mayroong impormasyon na gusto mong balik-balikan, magandang i-bookmark ito. Sa URL bar hanapin ang STAR sign at i-click ito.

Lagyan ng title na gusto mo ang website na iyon at pangalanan ang folder para madali itong makita tuwing nais mo itong balikan. I-click ang DONE.

Page 38: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

38

Para buksan o balikan ang bookmark, i-click ang icon na may tatlong maikling horizontal lines para mag-dropdown ang mga commands. Pumunta sa bookmark, at puntahan ang folder. Maaari ka gumawa ng folder ayon sa iyong pangangailangan.

Page 39: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

39

Ito ang rubric na maaring gamiting gabay sa paggawa ng mga produkto/proyekto ng mga mag-aaral. Maari ring magbigay ng panibagong rubric ang guro.

ANTAS

KA T EGOR Y A

Nakaaangat Marunong Umuunlad Nagsisimula

Pa

gka

-orih

ina

l

Nakalikha kami ng napaka-orihinal na produktong

nagpapakita ng aming mga kakaiba at malikhaing

ideya

Nakalikha kami ng

orihinal na produkto na nagpapakita

ng aming sariling ideya

Nakalikha kami ng

bahagyang orihinal na

produkto na nagpapakita

ng aming sariling ideya

Ginawa namin ang produkto mula sa

halimbawa o sa gawa ng

iba

Ka

kaya

ha

ng T

eknik

al

Ang aming gawa ay

nagpapakita ng aming

kagalingan sa paggamit ng teknikal na

kakayahan na kailangan sa paggawa ng

produkto

Ang aming gawa ay

nagpapakita na kaya naming

gamitin ang aming

teknikal na kakayahan

na kailangan sa paggawa ng produkto

Ang aming gawa ay

nagpapakita na kaya naming

pagbutihin pa ang aming teknikal na kakayahan

na kailangan sa paggawa ng produkto

Ang aming gawa ay

nagpapakita na kailangan

namin ng tulong upang magamit ang teknikal na kakayahan

na kailangan sa paggawa ng produkto

Page 40: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT · paggamit ng kulay gawin itong “monochromatic” (pag-iiba sa bigat ng iisang kulay) maliban kung mayroon kang matinding dahilan upang

40

ANTAS

Nakaaangat Marunong Umuunlad Nagsisimula

K A T E G O R Y A

Pa

kik

ipa

g-u

gn

ayan s

a

mg

a M

an

on

oo

d

Malinaw naming

naiparating ang mensahe dahil sa aming

pagpili ng kulay, laki,

salita, at iba pang detalye

Naiparating namin ang mensahe dahil sa aming

pagpili ng kulay, laki,

salita, at iba pang

detalye

Bahagyang naiparating namin ang mensahe dahil sa

aming pagpili ng kulay,

laki, salita, at iba pang detalye

Ang aming pagpili ng

kulay, laki,salita, at

iba pang detalye ay nakasa-

sagabal sa pagpaparati

ng ng mensahe

Pa

kik

ipa

gtu

lun

ga

n s

a Ib

a

Nagtutulungan kami nang

husto upang magplano, gumawa, at

magbahagi ng aming

produkto. Nagsikap kami

sa kanya-kanyang parte at tinulungan ang iba sa

lahat ng oras

Nagtutulungan kami upang

magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Nagsikap kami sa kanya-

kanyang parte at

tinulungan ang iba ng madalas

Medyo nagtutulunga

n upang magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Nagsikap kami sa kanya-

kanyang parte at

tinulungan ang iba

paminsan-minsan

Hindi kami nagtutulungan upang magplano, gumawa, at magbahagi ng aming produkto. Gumawa kami ng

kanya-kanya