12
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Pangalan : ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________ Ikalawang Markahan - Modyul 1: Karapatan ko, Igalang mo Tungkulin mo, Gawin mo. Edukasyon sa Pagpapakatao

eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

  • Upload
    others

  • View
    32

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Pangalan : ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Ikalawang Markahan - Modyul 1:

Karapatan ko, Igalang mo

Tungkulin mo, Gawin mo.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Page 2: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

1

“With great power comes great responsibility”

Isang tanyag na linya mula sa pelikulang Spiderman na pinagbibidahan ni Tobey Maguire bilang “Peter Parker”. Ano nga ba ang mensaheng nais ipabatid ng linyang ito? Simple lang, ang ibig sabihin nito

ay kapag ika’y may kapangyarihan, mayroon din itong mabigat na resposibilidad. Bagay lamang na dapat mong isipin nang mabuti bago

tanggapin o gampanan ang kapangyarihan na ito. Gayundin, kapag ikaw ay napagkalooban ng mga karapatan, ito ay may kaakibat na resposibilidad o

tungkulin

Sa modyul na ito, pag-aaralan at pag-iisipan mo ang mga karapatan at ang kaakibat na mga tungkulin nito. Mahalagang maunawaan ang mga

ito upang malaman mo ang mga dapat ipaglaban at mga obligasyong iyong gagampanan.

Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, inaasahan na maisasagawa

mo ang sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto

5.1 Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-

5.1)

5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa

pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

Sa nagdaang modyul, nalaman mo na may mga taong kusang-loob na

nag-oorganisa ng kanilang sarili upang tugunan ang pangangailangan ng

ibang tao na tinatawag ng lipunang sibil. Ang pangunahing layunin ng mga

organisasyon o mga samahang ito ay bigyang pansin ang mga suliranin ng

mga tao na hindi nabibigyang-pansin ng mga kinauukulan.

ALAMIN

BALIKAN

Page 3: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

2

Gawain 1: Pagtugon sa iba

Panuto: Isulat sa mga hugis ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang

kanilang mga adbokasiya na tumutugon sa pangangailangan ng ibang

tao.

Gawain 1: Ano ang mga itinuturing ninyong karapatan?

Ang tao ay tulad ng isang binhi. Mula sa pagiging binhi magkakaroon

ng ugat at may sisibol na mga munting dahon. Sa bawat pagsibol ng mga dahong ito, ipinahihiwatig na may buhay at karapatan ito sa mundong

ginagalawan.

Panuto: Isulat ang iyong itituturing na karapatan sa mga dahon.

TUKLASIN

LIPUNANG SIBIL ADBOKASIYA

Page 4: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

3

Sagutin:

1. Sa iyong mga naitala, alin para sa iyo ang pinakamahalaga? Pangatwiranan.

2. Naging madali ba para iyo ang pagtukoy sa iyong mga karapatan? Bakit? 3. Paano nakatutulong ang mga karapatang ito upang maabot mo ang

iyong kaganapan bilang tao?

Gawain 2: Tuparin at gawin mo

Panuto: Ang bawat tao ay may kani-kaniyang mga tungkulin na

dapat gampanan sa araw-araw na pamumuhay. Itala sa talahanayan ang

mga tungkuling dapat mong tuparin sa sarili, pamilya,

baranggay/lipunan/bansa.

Mga Kategorya Mga Tungkulin

1. Sarili

2. Pamilya

3. Baranggay/lipunan/bansa

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita ito?

Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan? An

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral Ang karapatan ay ang kapangyarihan moral na gawin, hawakan,

pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng

tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa

SURIIN

Page 5: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

4

karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin

ng pagsisi.

Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan aty pakikibangan ng tao

lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa

karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang

mga tungkulin.

Ang tungkulin ay ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi

gawin (o iwasan) ang isang gawain. Moral ang obligasyong ito dahil ito ay

nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Tulad ng karapatan ang suheto

ng tungkulin ay tao lamang kaya kailangang tuparin ang mga tungkulin

dahil ito ay nararapat at nakabubuti.

Moral na gawain ang pagtupad sa tungkulin dahil ang moral ang

siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan (Dy, 2013). Samakatuwid,

ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa

buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

Mga uri ng karapatan (Inalienable rights) ayon kay Santo Tomas de Aquino

at ag mga kaakibat na tungkulin sa bawat karapatan.

URI NG KARAPATAN KAAKIBAT NA TUNGKULIN

1. Karapatan sa buhay

Ito ang pinakamataas sa

antas ng mga karapatan dahil

kung wala ito, hindi

mapakikinabangan ng tao ang

ibang karapatan.

Tungkulin ng bawat tao na

pangalagaan ang kaniyang

kalusugan at ang kaniyang sarili sa

panganib ng katawan at kaluluwa.

halimbawa: Umiwas sa mga isport na

mapanganib na maaaring

humantong sa kamatayan tulad ng

car racing, wrestling o boxing.

2. Karapatan sa pribadong ari-

arian

Hindi maaalis sa tao ang

karapatang ito dahil

kailangan niya ang mga ari-

arian upang mabuhay nang

maayos at makapagtrabaho

nang prodbo at nakikibahagi

sa lipunan.

May tungkulin ang tao na

pangalagaan at palaguin ang

anumang ari-arian niya at gamitin

ito upang tulungan ang kapuwa at

paunlarin ang pamayanan.

3. Karapatang magpakasal

May karapatan ang taong

bumuo ng pamilya sa

May tungkulin ang tao na

pangalagaan ang pamilya at gabayan

ang mga anak upang maging

Page 6: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

5

pamamagitan ng kasal. mabuting tao ang mga ito. Kasama

na rito ang pagiging magandang

halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa

eskandalo na magiging sanhi sa

pagsira ng pangalan ng pamilya.

4. Karapatang pumunta sa ibang

lugar

Kasama sa karapatang ito ang

karapatang lumipat o tumira

sa ibang lugar na may

oportunidad tulad ng trabaho

o komportableng buhay o

ligtas sa anumang panganib.

May tungkulin ang tao na

igalang ang mga pribadong

boundary. Kaakibat ng karapatang

ito ang tungkulin na kilalanin ang

limitasyon ng sariling kalayaan at

pribadong espasyo ng kapuwa.

5. Karapatang sumamba o

ipahayag ang pananampalataya

May karapatan ang bawat tao

na piliin ang relihiyon na

makatutulong sa kaniya

upang mapaunlad ang

kaniyang pagkatao at

pakikipag-ugnayan sa Diyos

at kapuwa.

May tungkulin ang tao na igalang

ang relihiyon ang relihiyon o paraan

ng pagsamba ng iba. Kahit

magkakaiba ang mga relihiyon, may

pagkakapareho rin ang mga ito –

ang pagsamba sa iisang nilalang

nahigit na makapangyarihan sa tao

(Diyos).

6. Karapatang magtrabaho o

maghanapbuhay

May obligasyon ang lipunan

o pamahalaan na magbigay

ng trabaho o disenteng

hanapbuhay sa mga

mamamayan upang

mapakinabangan nila ang

kanilang karapatang

mabuhay.

May tungkulin ang bawat isa na

magpunyagi sa trabaho o

hanapbuhay at magpakita ng

kahusayan sa anumang gawain.

Mahalaga ang katapatan ng mga

empleyado sa kanilang trabaho – ibig

sabihin, nakapokus sa gawain at

hindi pinalilipas ang oras nang

walang ginagawa.

Page 7: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

6

Gawain 1: Mga napunang paglabag sa karapatan ng tao

Panuto: Punan ang talahanayan ng mga paglabag sa karapatan na iyong

napuna o naobserbahan sa lipunang iyong ginagalawan.

Karapatan Mga uri ng paglabag na napuna

1. Karapatan sa buhay

2. Karapatan sa pribadong ari-arian

3. Karapatang magpakasal

4. Karapatang pumunta sa ibang

lugar

5. Karapatang sumamba o pumili ng relihiyon

6. Karapatang magtrabaho o

maghanapbuhay

Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit may mga panahon na hindi naigagalang ang karapatan

ng tao? 2. Bilang indibidwal, paano mo ipapakita ang paggalang sa karapatan

ng iyong kapuwa? 3. Sa iyong mga napuna, ano ang iyong pwedeng gawin upang hindi

magpatuloy ang ganitong sitwasyon?

Gawain 2: Manood at matuto

Panoorin ang docufilm (documentary film) na “Karapatang Pantao: Batayan ng makataong pag-unlad at Kinabukasan” (https://www.youtube.com/watch?tvv=rRCy4YQWXv8).

PAGYAMANIN

Page 8: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

7

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang mga natatandaang mahalagang konsepto pagkatapos mapanood ito.

Mga tanong:

1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga karapatang pantao? 2. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay ng mga karapatang

pantao? Mabigay ng halimbawa

Panuto: Isulat ang mga mahalagang konseptong iyong natutunan sa aralin

sa mga concept web sa ibaba.

Isabuhay Mo!

Panuto: Gunitain ang mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo naigalang

ang karapatan ng iyong kapwa at ang hakbang na iyong ginawa upang

ituwid ang iyong pagkakamali.

Sitwasyon Kapwa (Halimbawa:

Magulang, kapatid at

iba pa)

Mga hakbang na

ginawa upang ituwid

ang pagkakamali

ISAISIP

ISAGAWA

Karapa

tan

Tungkulin

Page 9: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

8

TAYAHHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.

Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?

A. Karapatan C. Kalayaan

B. Isip At Kilos-loob D. Dignidad

2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi

ibig sabihin

nito?

A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa

kanya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.

B. Hindi nito maapektuhan ang buhay pamayanan

C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang

kapuwa na igalang ito.

D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makgagawa

ng moral na kilos.

3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang

isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip

B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral

C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay pamayanan

D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad sa

mga tungkulin

4. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa

buhay?

A. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain

B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang

biktima ng pang-aabuso

C. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing

D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Jospeh Weljinski sa Peru para sa

mga batang kalye

5. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ____________.

A. Obligasyong Moral C. Karapatang Moral B. Likas na Batas Moral D. Moralidad

Page 10: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

9

6. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral? A. Pagsuot ng uniporme

B. pagsuot ng Identification Card (ID) C. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras

D. Lahat ng mga nabanggit

7. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga kriminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?

A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima. B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.

C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.

D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa

Kanyang kalooban. 8. Ang mang-aawit na si Aiza Siguerra ay kinasal sa Amerika sa kaparehang

kasarian. Sinasang-ayunan mo ba ang naging pasya ni Aisa na pakasalan ang kapwa niya babae?

A. Opo, dahil kapwa naman sila nagmamahalan. B. Hindi, dahil hindi sila nagpakasal sa simbahan.

C. Opo, dahil malaya ang tao na gumawa ng pasiya kung sino ang pakakasalan.

D. Hindi, alam ng bawat isa na ang pagpapakasal ay para sa lalaki at

babae lamang.

9. Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.

A. Terorismo C. Pagpatay sa sanggol B. Iligal na pagmimina D. Diskriminasyong pangkasarian

10. Ang pamilya ni Ferdie ay nagmamay-ari ng malaking lupain sa probinsiya ngunit isang araw sapilitan silang pinaalis ng mga armadong

mga tao na nais kamkamin ang kanilang lupain. Anong karapatan ang nilabag sa sitwasyon?

A. Karapatan sa buhay C. Karapatan sa pribadong ari-arian B. Karapatang sumamba D. Karapatang magpakasal

11. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain

Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib

Maging mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud

Pag-iwas sa eskandalo A. Karapatan sa buhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar

B. Karapatang magpakasal D. Karapatang maghanapbuhay

Page 11: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

10

12. Sa karapatang sumamba at pumili ng relihiyon, paano nasasabing tayo

ay magkakapareho kahit iba-iba ang ating relihiyon?

A. Sa kadahilanang lahat tayo ay tao

B. Sa kadahilanang iisa lang ating ating sinasamba

C. Sa kadahilanang tayo ay kawangis ng Diyos

D. Sa kadahilanang tayo ay may dignidad

13. Sa karapatang magtrabaho at maghanapbuhay, ano ang tungkuling

inaasahan sa iyo?

A. Tungkuling pumunta sa trabaho araw-araw

B. Tungkuling mamuhay ng mapayapa kasama ang katrabaho

C. Tungkuling magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng

kahusayan

D. Wala sa nabanggit

14. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin kapag nakapunta ka sa

ibang lugar/bansa?

A. Mamamaasyal buong araw upang mag-enjoy

B. Igagalang ang batas at pribadong boundary

C. Mamimili ng mga souvenirs upang may maipasalubong

D. Makikipagkaibigan sa mga banyaga

15. Sa karapatang magpakasal, ano ang pangunahing tungkulin ng mga

magulang?

A. Magparami ng anak

B. Ibigay ang lahat ng layaw ng anak

C. Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak

D. Wala sa nabanggit

Page 12: eal of artnership Edukasyon sa Pagpapakatao€¦ · 5.1) 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

11

SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa

Mag-aaral, DepEd-BL, Muling Limbag 2017,pp 79 – 92

TAYAHIN

1.D

2.B

3.A

4.C

5.A

6.D

7.D

8.D

9.B

10. C

11. B

12. B

13. C

14. B

15. C

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jonathan Gilbert E. Cruz

SST-II, Basilan NHS, Isabela City Division

Editor: Aimee A. Torrevillas,SST-III

Tagasuri: April Joy I. Delos Reyes, SST-I

Tagaguhit:

Tagalapat: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator