Upload
xhave
View
1.580
Download
0
Embed Size (px)
DRUG ADDICTION
(CANNABIS SATIVA AT METHAMPETHAMINE)
INIHARAP KAY: DR. TRINIDAD LEGASPI
PROPESOR (FILIPINO II)
KOLEHIYO NG EMILIO AGUINALDO LUNGSOD NG DASMARIÑAS
SINUMITE NI: JAIRAH JOY DAVID TRIMILLOS
BS PSYCHOLOGY
03/11/11
Talaan ng nilalaman
Pag aalay
Dedikasyon
Kabanata I
A. Layunin ng pag aaral
B. Paglalahad ng suliranin
C. Sakop at lawak ng pag aaral
D.Pagbibigay katuturan sa mga salitang ginamit sa pag aaral
Kabanata II
A. Mga kaugnay na literatura at pag aaral
Kabanata III
A. Metodolohiya
Kabanata IV
A. Paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos
Kabanata V
A. Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon
Glossary
Bibliography
Appendix A
Appendix B
Talambuhay ng may akda
Pag aalay
Ang may akda ay inaalay ang araling ito sa kanyang butihing guro sa Filipino II na si Dr.
Trinidad Legaspi, sa kanyang mga kamag aral at kaibigan na umaakay sa kanya sa
paggawa ng pagsasaliksik at sa mga contributor para sa pag aaral na ito
Dedikasyon
Ang pag aaral na ito ay unang una, para sa Panginoong diyos. Sa aking mga magulang
na siyang nagtaguyod at nagmamahal sa akin. Sa aking mga kaibigan na laging andyan
kapag aking kinakailangan at para rin sa kabataan, upang malaman nila ang
masasamang epekto ng droga sa ating kalusugan at lipunan.
Kabanata I
- Layunin ng pag aaral
Ang may akda ay may intensyon na ipaalam ang mga impormasyon tungkol sa drug
addiction upang malaman ng mga mambabasa ang mga madalian at matagalang
epekto ng mga ito. Kasama din sa agenda ng pag aaral nito ay ang pagkilala sa mga
droga, malalimang diskusyunan tungkol sa mga sangkap nito sa kabuuan, mga epekto,
kung bakit nakakaadik at sa negatibong perspektibo, ang mga sakit na makukuha sa
paggamit nito.
- Paglalahad ng Suliranin
Ang droga ay isa sa mga problema na matagal nang nilalabanan ng gobyerno ng
Pilipinas. Maituturing na matinding salot sa lipunan ang bawal na gamot nagbubunsod
sa mga gumagamit na gumawa ng hindi maganda. Maikokonekta ang pagtaas ng crime
rate sa Pilipinas ang siyang mataas ding rate ng mga gumagamit ng droga dito sa atin.
Kaya’t ano nga ba ang suliranin?Ito ay ang droga mismo. At sa pamamagitan ng pag
aaral na ito ay makakakuha ang mambabasa ng tamang impormasyon patungkol sa
bawal na gamot, sa paggamit sa kung anong demonyo ang nakapaloob sa mga ito.
- Sakop at lawak ng pag aaral
Dahil sa dami ng bawal na gamot na nagkalat sa mundo, mahihirapang tukuyin at
ipaliwanag sila ng isa isa kumporme sa ibinigay na panahon sa paggawa ng yaong pag
aaral. Kaya’t kainaman na piliin ng may akda ang dalawa sa pinaka kilalang droga sa
Pilipinas. Ang damo o marijuana at ang shabu o methampethamine.Sa pagtalakay sa
dalawang punong drogang nabanggit, ay magagamit sa epektibong paraan ang oras,
panahon, at mga limitadong resources na nasa kamay ng may akda. Epektibong pag
uulat ng tamanag impormasyon ang siyang pupuno sa kaliitan ng sakop ng pag aaral
na ito at sinisguradong katotohanan lamang ang lalamanin ng akda.
- Pagbibigay katuturan sa mga salitang ginamit sa pag aaral
Ang akdang ito ay may matinding pagkiling sa medisina, partikular na rin sa mga bawal
na gamot, kung kaya’t makikita at mababasa ang ilang terminong medical at iba pa’y
terminong balbal dahil kalat ang droga sa Pilipinas at nagkaroon na sila ng pangalan sa
kanto. Maipapaliwanag ng maigi ang mga salitang ginagamit sa akda upang maging
madali ang tuwirang pag intindi ng mambabasa sa mga inuulat na katotohanan sa pag
aaral na ito. Kung may mga salitang hindi pamilyar, nariyan ang talasalitaan upang
magbigay kahulugan sa mga teknikal na termino.
- Kahalagahan ng pag aaral
Maituturing na mandatory ang pagpapaalam sa mga mambabasa ang impormasyon
tungkol sa bawal na gamot nang sa gayon ay maudyukan at mapukaw ang kanilang
isipan sa sensitibong isyu an ito. Ninanais ng may akda na himukin ang mga
mambabasa lalo na ang kabataan na umiwas sa salot na droga upang hindi sila
mapabilang sa mga kaawa awang drug addict na dumedepende sa kani kanilang
masasamang bisyo, at kadalasan ay nakagagawa pa ng bagay na labag sa batas. Ang
mismong paggamit ng droga ay labag sa batas at may pinapataw na kaukulang parusa
para dito. Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, maaaring maiwasan ang mga
negatibong scenario na nabanggit at magiging mabuting parte ang mambabasa ng
kanyang lipunan.
- Mga kaugnay na literatura at pag aaral
http://www.my-health-n-fitness.com/1102/drug-addiction-in-the-philippines/ -
tinatalakay dito ang lumalalang problema ng droga sa Pilipinas at kung anonng
mga hakbangin ang ginagawa ng gobyerno upang puksain ang sigalot na
nabanggit.
http://www.whitehousedrugpolicy.gov/publications/factsht/druguse/#emergency –
isang pag aaral kung saan ipinapakita ang paggamit ng droga at ang pagtaas
nito sa loob ng isang dekada mula 1998 hanggang 2008.
Drugs, Society and Human Behavior – Isang librong naglalaman ng
impormasyon tungkol sa iba’t ibang klase ng droga at ng mga epekto nito.
Kabanata III
- Metodolohiya
Dahilan sa pagiging sensitibo ng isyung ito, may kahirapan ang pagpapasagawa ng
isang survet kung kaya’t gumamit ng interview style ang may akda upang makakuha ng
buong katotohonan mula sa mga taong gumagamit ng droga mismo. Pinalad ang may
akda na makapanayam ang dalawang taong aminadong gumagamit ng droga. Ang isa
ay marijuana at ang isa naman ay methampethamine.Sa kani kanilang pansariling sa
pribadong dahilan, minabuti ng dalawa na hindi ihayag ang kanialng pangalan sa pag
aaral na ito. Nirerespeto ng may akda ang kanilang desisyon at ang kahalagahan ng
kanilang mga tugon at impormasyon ang siyang mas higit na kailangan sa
pagsasaliksik.
Kabanata IV
- Paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos
Nilalaman ng parteng ito ang buong interview sa dalawang taong nagpresenta na
magbigay linaw tungkol sa kanilang addiction sa marijuana at methampethamine:
“Marijuana user”
T: maaari mo bang ipakilala ang iyong sarii?
S: Ako si _______________ isang 2nd year college student sa __________ university
at ako ay edad 20 taong gulang.
T: Ilang taon ka nang gumagamit ng marijuana? Pano ito nagsimula?
S: ahh, medyo may katagalan na rin, nagsimula ako noong ako’y nasa ikalawang taon
sa mataas na paaralan. Siguro ako’y mga edad 14 lamang noon. Nagkayayaan ang
mga kaklase ko na mag inuman doon sa bahay ng isa naming kaklase. Mag isa lamang
siya doon dahi parehong nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang. Lagi kaming
nagpaparty dun pagtapos ng klase o kaya’y magccutting kame. At nung partikular na
inuman namin na iyon, naglabas ang isa kong kaklase ng isang pakete, animo’y isng
teabag, na naglalaman ng kulay brown at berdeng tuyong dahon. Wala pa kong
kamuwang muwang noon at ang bisyo ko pa lamang ay mag inom. Nabanggit na nga
nya sa amin na marijuana iyon. Anim kami bale nag iinom at dalawa pa lamang sa amin
ang gumagamit ng marijuana. Yung may dala at yung may ari ng bahay. Dahil sa bugso
ng aking kabataan, gusto ko rin iyong matikman. Kumuha sila ng palara ng sigarilyo at
tinupi tupi at inayos ito upang maging pipa na siyang paglalagyan ng hihihthitin namin
na marijuana. Ako’y medyo lasing na din noon kaya ako ang unang sumubok. Ibinigay
nila sa akin ang lighter at sinimulan kong sindihan ang isang load ng damo. Dun na
nagsimula ang relasyon namin ni marijuana. Hehehehe.
T: anong mga nararamdaman mo kapag ikaw ay gumagamit nito?
S: nung una kong pagsubok nito, agad akong inubo dahil nga sa ni hindi pa ako
naninigarilyo noon. Pagtapos kong ubuhin, ako’y nagpahinga saglit. Biglang nagbago
ang pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa hangin. At habang nakikita ko ang mga
kaibigan ko sa kanilang ginagawa, ako’y napatawa, di ko makontrol ang pagtawang
iyon. At tumatawa din sila sa akin. Napansin din nila ang kabagalan ng kilos ko. At
noong sinabi na nila sa akin na bumabagal daw ako, ay naramdaman ko rin ito. Para
bang naiiwan ang kaluluwa ko pag ako’y gumagalaw. Napakasarap ng unang
pakiramdam na iyon at wala akong nagawa kundi magrelax sa upuan habang kami’y
tuloy sa pag inom. Maya maya’y nakaramdam ako ng gutom at dumeretso ako sa
kusina. Mayroong kanin ngunit walang ulam, sa kagutuman ko ay isinabaw ko ang patis
sa kanin at laking gulat ko na sobra palang sarap kumain pag ika’y nakagamit. Para
bang walang katapusan ang paglunok ko. Parang di nauubos yung kanin. At
sumasabog yung lasa sa aking bibig. Napansin ko din na sobra sobra ang aking
pagkauhaw sa tubig at muntik ko nang maubos ang isang pitsel nito.
T: gaano kadalas ang paggamit mo ng marijuana?
S: sa ngayon ay talagang kalakasan ko pa. bago ako pumasok ay nagroroll ako ng
isang joint at sumisindi. Pag breeak time sa klase ay sumisindi pa rin ako pati pag
uwian. Bale nakakatatlong joint siguro ako pag may pasok. Pero pag walang pasok at
nandyan ang mga kaibigan ko. Hindi ko na mabilang.
T: may mabuti ba sayong naidudulot ang pag mamarijuana
S: siguro, kasi ako ay relax pag nakakagamit. Para bang lumilinaw ang lahat sa akin.
Pero minsan sumasakit ang aking likod pag napapasobra sa pagsisindi. Napansin ko
din na mahina na ang resistensya ko. At ang pinakamatindi pa nyan ay tingin ko’y
nakakapurol ng utak ang marijuana.Hahahaha. Dahil pumapanget ang performance ko
sa eskwela.
T; may balak ka pa bang tumigil kahit na may nararamdaman ka na? o di kaya’y para
sa kinabukasan mo?
S; ewan ko,siguro, pero sa ngayon tingin ko’y waa pa. masarap e. hehehe. Di ko rin
naman ginustong malulon. Pero wala andito na ko. Nahihirapan ako pag wala. Di ako
makakain ng ayos. Parang lagi akong aligaga at nalulungkot.Wala naman talagang
magandang maidudulot ito.
T: may payo ka ba sa mga batang gustong gumamit ng marijuana?
S: siguro’y cliché na kung sasabihin ko na wag kayong gagamit kaya iibahin ko na lang.
hayaan nyo na kame na lang ang gumamit wag na kayong makigaya. Hahaha.
(namumula ang mga mata at panay ang tawa ni ___________ nang siya’y aming
kapanayamin. Napgpapakita siya ng sintomas na siya’y nakagamit habang sumasagot
sa aming mga katanungan.)
“Meth addict”
T: maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili?
S; ako ay si _______________ 3rd year college sa ____________. Ako ay 23 taong
gulang.
T; ilang taon ka nang gumagamit ng meth?Paano ito nagsimula?
S: 3 taon pa lamang siguro. Naudyukan lang ako ng mga kaibigan ko. Alam mo na,
pakikisama sa kanila. May kaya naman ang pamilya ko kaya suportado ang bisyo.
Hehe.
T; Anong pakiramdam mo kapag ika’y nakakagamit?
S: hmmm…. Ano nga ba… masarap eh.May negatibo at positibo pero lamang ang
positibo.Hehe.Ayun, di ako nagugutom. Gusto ko laging may trip. Minsan nga’y
naiisipan kong gumawa ng bahay pag nakakagamit. Parang ang sipag sipag ko. Hindi
rin ako inaantok.Masarap. Parang may spring ang buong katawan ko. Buhay na buhay
ako.
T: may mabuti bang naidudulot sa iyo ang pagmemeth?
S: wala e. hehe. Minsan nakagagawa pa nga ako ng kung anu anong kagaguhan pag
walang panggamit. Sinasangla ko mga singsing at alahas ng nanay ko para lang
makascore ng 300php, ilang gramo rin yun. Tama na para sa ilang balik. Gusto ko lang
talaga yung pakiramdam. Naiisip ko rin na wala talaga kong mapapala pero yun talaga
e. gagamit at gagamit ka pa din. Kasi ang shabu, lalamunin ka ng buong buo.Kakainin
ka ng sistema. Haha
T: May balak ka pa bang tumigil sa paggamit ng shabu?
S; di ko masasabi. Pag wala na sigurong panggamit. Haha.Mahirap.Mahirap
tigilan.Ayoko ng pakiramdam ng withdrawal. Di ko kaya. Ayoko ng nalolobat. Kaya
ngayon masasbi ko na di ko hawak ang katawan ko. Pinaubaya ko na sa bato.
T; Anong maipapayo mo sa mga taong gustong gumamit ng meth?
S: dami mo rin tanong eh no? ewan ko, siguro kung maiiwasan wag na lang. pero kung
gusto nyong sumaya. Sige lang. heheh.Pakalulong kayo.
(iritable si _____________ nang aming kapanayamin. Isang sintomas ng withdrawal ng
methampethamine)
Batay sa isinagawang interbyu, makikita ang over dependence ng dalawang
kapanayamsa droga. Wala silang kontrol at nahihirapan kapag hindi nakakagamit.
Nakakatakot ang mga pahayag ng mga ito, ang pangunguha ng bagay na hindi iyo para
lamang makagamit, at kung paanong sa batang edad pa lamang ay marami na silang
alam sa droga.
Kabanata V
- Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon
Ang mga datos na nakalap ng may akda ay nagbibigay ng subersibong pananaw sa
isyu ng droga. Kaya’t umabot ito sa konklusyon na ang sigalot ng droga ay kailangang,
kung hindi man mapuksa, ay kontrolin. Mapanganib ang isipan ng taong nakagamit.
Wala silang naidudulot na maganda sa kanilang sarili, pamilya at lipunan. Kailangang
paigitingin ang mga hakbangin ng gobyerno laban sa mga demonyong ito. Magsimula
sa kaliit liitan, sa pamilya. Alagaang mabuti ang mga anak at obserbahan sila. Bigyan
ng tamang impormasyon at itaguyod sila sa isang positibong aura sa pamamahay nang
sa gayon ay lumayo ang isip nila sa bawal na gamot. Sa lipunan, magbigay babala,
magmatyag at labanan ang droga sa inyong, bayan, barangay, at kung saan pa man.
Huwag tangkilikin ang mga salot na drogang ito. Ireport ang mga tulak sa lugar na
siyang nakabibkitima ng murang isip ng kabataan. At higit sa lahat, sa bansa, pag
ibayuhin ang laban kontra droga. Ang mga departamentong naatasang lumaban dito ay
dapat magpakita ng pangil na siynag lulupig sa mga drug lords at pushers na nagkalat
sa buong. Ang kabuuan ng pagsasama ng tatlong aksyon na ito ang tatapos sa
problema ng droga sa Pilipinas. At siyang magpapabuti sa kalagayan ng ating bansa.
Glossary
Hallucinogen – mga sangkap sa droga na siyang nagbibigay ng mali maling
impormasyonsa utak nagbubunga ng pagmamalik mata at kung ano anong pagtinginsa
mga bagay
Barbiturates – isang organic na acid na nagpapamanhid sa katawan at nagpapabagal
sa proseso ng utak.
Downers – Klasipikasyon ng droga na nagpapagal sa persepsyon, sensors at pag iisip
ng isang tao. Kinabibilangan ng marijuana
Uppers – klasipikasyon ng droga kung saan pinabibilis ang mga function ng katawan,
pag iisip, tibok ng puso at paggalaw. Kinabibilangan ng methampethamine.
Withdrawal – mga sintomas kung saan hinahanap ng katawan ang droga at kung wala
nito ay magpapakita ng negatibong epekto tulad ng pagsusuka, paghina ng pagkain,
kalungkutan at pagiging iritable.
Joint – balbal na katawagan sa tuyong dahon ng marijuana na ibinalot sa rolling paper
upang sindihan at hithitin.
1 load – balbal na katawagan sa isang kapirasong kurot ng marijuana na inilalagay sa
pipa.
Weed, shit, ganja, pot, dope, damo – iba’t ibang balbal na katawagan sa marijuana
Speed, ice, crystal, bato, shabu – iba’t ibang balbal na katawagan sa
methampethamine.
Bibliography
http://www.my-health-n-fitness.com/1102/drug-addiction-in-the-philippines/ - Dr. Geddes
Grosset
http://www.whitehousedrugpolicy.gov/publications/factsht/druguse/#emergency –
National Drug Control Policy
Drugs, Society and Human Behavior – Carl Hart, Charles Kirst at Oakley Ray
Paperback: 504 pages
Publisher: McGraw-Hill Humanities/Social Sciences/Languages; 13 edition (October
27, 2008)
Language: English
ISBN-10: 0073380792
ISBN-13: 978-0073380797
Appendix A
Mga Bawal na Gamot: Shabu (Methampetamine)
Ang shabu o methampetamine ay isang bawal na gamot, na ang karaniwang anyo ay
kulay puti na pulbos na maaaring ihalo sa tubig at iturok. Ito'y may preparasyon rin na
maaaring singhutin o langhapin; ito'y tinatawag na "ice". Ang shabu ay isa sa mga
ipinagbabawal na gamot ayon sa Republic Act 9165, at matindi ang parusa sa pag-
gamit, pagbebenta, o pagbili nito. Ang sinumang mahuli na may 50 grams na shabu ay
maaaring paratangan ng habangbuhay na pagkakulong o kamatayan.
Ang shabu ay nakaka-"high" dahil pinapakawalan nito ang Dopamine sa utak ng tao.
Ang Dopamine na syang umaaksyon sa iba't ibang bahagi ng utak at ng katawan ang
siyang dahilan ng "high" o "rush" na tinatawag.
Ano ang mga masamang epekto ng shabu?
Mga pangmadaliang epekto ng shabu:
Pagka-high o pagiging masayang masaya
Salita ng salita
Pag-iinit ng katawan
Pagiging malibog (Hypersexuality)
Kawalan ng ganang kumain
Pagbilis ng paghinga
Kawalan ng pagod
Mga pangmatagalang epekto ng shabu:
Pagka-addict sa shabu
Pagdepende sa shabu
Pagiging bayolente
Pagkalito
Pag-iiba ng personalidad at ugali
Pagkawala sa sarili / Pagkasira ng ulo
Hindi makatulog / Hirap matulog
Pagbawas ng timbang
Pagkadinig o pagkakita ng mga bagay na hindi naririnig/nakikita ng iba
Mga komplikasyon sa utak, puso, at iba pang bahagi ng katawan
Sa madaling salita: Nakakasira ng buhay ang dulo't dulot ng pag-gamit ng shabu.
Bukod dito, maaari ring malason sa shabu na siya ring tinatawag na methampetamine
toxicity. Ito'y nangyayari sa mga nasobrahan ng shabu. Dilat ang mga mata, mataas
ang presyon, hindi regular ang tibok ng puso, pinagpapawisan, nag-iinit at hindi
makatulog ang pasyenteng nalason sa shabu. Ito'y isang emergency at dapat dalhin
kaagad sa ospital.
Ang shabu ay isang delikadong gamot na dapat iwasan ng bawat Pilipino, lalo na ang
mga kabataan na maaaring ma-alok o ma-imbitang subukan ito. Huwag na! Ang shabu
ay nakakasira ng buhay. Isumbong sa pinakamalapit na awtoridad ang sino mang
nagbebenta, bumibili, o gumagamit ng shabu na isang ipinagbabawal at ilegal na gamot
sa Pilipinas.
Appendix B
Hindi Masarap ang Bawal: Mensahe sa Mga Kabataan Ukol sa Bawal na Gamot
Ang pagiging isang binata o teenager ay kinikilala bilang isang panahon kung kalian
dapat magkaroon ng maraming karanasan o “experience”. Sabi nga nila, “Subok lang
ng subok, sabak lang ng sabak!” Ngunit hindi lahat ng bagay ay dapat pang maranasan,
lalo na kung klarong klaro sa karanasan ng lahat na ito ay nakakasama. Isang
halimbawa nito ang pagsubok sa mga bawal na gamot.
Tingnan ang listahan ng mga bawal na gamot ayon sa RA 9165.
Ang bawal na gamot, gaya ng sigarilyo at paglalasing, ay isang peligro sa kalusugan at
kinabukasan ng mga kabataan. Gaya ng maraming patibong ng mundo, ang mga bawal
na gamot, gaya ng shabu at marijuana, ay nag-aalok at nagbibigay ng pansandaliang
kaligayan o “high”. Ngunit, may mabigat na kapalit ito. Ang mga bawal na droga ay may
kakayahang gawing adik ay iyong katawan sa drogang ito – at hanap-hanapin mo tuloy
ang mga droga na ito.
Dahil pakiramdam mo ay “kailangan” mo ang droga, bibili at bibili ka ng mga ito. Dahil
alipin na ang iyong isip at katawan sa droga, maaaring ibenta mo na ang iyong mga
kagamitan, gamitin ang iyong allowance, o nakawan ang iyong mga magulang para
lang sustentuhan ang iyong pagka-alipin sa bawal ng gamot. Ang mga gawaing ito ay
umpisa na sa pagkasira ng iyong buhay.
Ang bawal na gamot ay peligro rin sa iyong kalusugan at kaligtasan. Kapag ikaw ay
“high”, hindi mo kontrolado ang iyong katawan at ito ay nagiging dahilan ng mga
aksidente sa sasakyan. Ang pagbabago sa ugali na hatid ng paggamit (at pagtigil sa
paggamit) ng droga ay maaari ring maging sanhi ng mga bayolenteng ayaw na
maaaring magdulot ng pinsala at sakuna.
Kapag ikaw ay “high”, hindi mo rin mapigilan ang “tawag ng laman” ay maaari kang
gumawa ng mga “high-risk sexual behavior” na siya naman maaaring maging daan para
mahawa ng mga STD gaya ng tulo, Hepatitis B, at HIV/AIDS.
Isa pa, ang hiraman ng mga karayom na ginagamot sa mga drogang tinuturok ay isa
ring posibleng daan para mahawa ng Hepatitis B at HIV/AIDS.
Kung ikaw ay nalululon sa droga, o may kakilala kang biktima ng mga bawal na gamot,
humingi ng tulong at suporta. Tunghayan at Listahan ng mga Himpilan para malaman
kung sino ang maaaring lapitan at kausapin tungkol sa problemang ito.
Appendix C
Narito ang ilan sa mga talaan at percentage sa paggamit ng droga sa ating bansa sa
nakaraang dekada:
Table 1. Trends in the percentage of persons reporting any illicit drug use: 1998 - 2007
Age of respondent and recency of drug use
1998
1999
2000
2001
2002
2003
2004
D
A
T
A
B
R
E
A
K
2005
2006
2007
12–17
Ever31.8%
27.4%
22.8%
20.9%
16.4%
22.1%
21.3%
27.6%
26.9%
28.4%
Past Year
24.3
20.7
14.9
14.1
11.9
16.7
16.4
19.8
18.6
20.8
Past 30 days
16.3
13.2
8.1 7.1 5.7 9.0 9.9 9.8 9.710.8
18–25 Ever 69.
0%62.9%
58.1%
54.9%
50.2%
48.0%
48.1%
52.6%
51.2%
55.6%
Past year
45.5
37.4
29.1
26.1
24.2
26.8
27.4
29.1
27.9
31.9
Past 30 days
38.0
25.3
17.9
15.0
13.6
15.6
16.1
16.4
15.9
18.8
26–34
Ever49.0%
59.5%
61.2%
59.8%
58.2%
53.1%
50.6%
53.2%
50.9%
53.3%
Past year
23.0
26.2
19.1
18.4
14.6
14.6
12.7
13.5
13.4
16.1
Past 30 days
20.8
23.1
14.7
10.9
9.5 8.4 7.0 6.8 7.8 8.8
35 and older
Ever11.8%
18.1%
20.0%
22.5%
26.1%
29.0%
31.8%
35.7%
35.5%
38.4%
Past year
3.9 5.5 5.1 5.2 5.5 5.3 5.5 5.9 5.5 6.3
Past 30 days
2.8 3.9 2.3 3.1 3.0 2.9 3.3 3.4 3.3 3.5
All (ages 12 and other)
Ever31.3%
34.4%
34.0%
34.2%
34.2%
34.8%
35.8%
39.7%
38.9%
41.7%
Past year
17.5
16.3
12.4
11.7
10.3
10.8
10.6
11.5
11.0
12.6
Past 30 days
14.1
12.1
7.7 6.7 5.9 6.1 6.2 6.3 6.3 7.1
Note: Any illicit drug use includes use of marijuana, cocaine, hallucinogens, inhalants, heroin, or nonmedical use of sedatives, tranquilizers, stimulants, or analgesics. Prior to 1979, data were not totaled for overall drug use and instead were published by specific drug type only.
Data Break: Changes made to the design and execution of NHSDA in 1999 make the 1999, 2000, and 2001 data incomparable to previous years. However, the 2005, 2006, and 2007 data are comparable to each other.
Source: National Household Survey on Drug Abuse.
Data for figure 1. Past month drug use by high school seniors, by drug type: 1997 to 2001
Percentage reporting use
Year Marijuana Methampethamine Any drug
1975 27.% 1.9% 30.7%
1976 32.2 2.0 34.2
1977 35.4 2.9 37.6
1978 37.1 3.9 38.9
1979 36.5 5.7 38.9
1980 33.7 5.2 37.2
1981 31.6 5.8 36.9
1982 28.5 5.0 32.5
1983 27.0 4.9 30.5
1984 25.2 5.8 29.2
1985 25.7 6.7 29.7
1986 23.4 6.2 27.1
1987 21.0 4.3 24.7
1988 18.0 3.4 21.3
1989 16.7 2.8 19.7
1990 14.0 1.9 17.2
1991 13.8 1.4 16.4
1992 11.9 1.3 14.4
1993 15.5 1.3 18.3
1994 19.0 1.5 21.9
1995 21.2 1.8 23.8
1996 21.9 2.0 24.6
1997 23.7 2.3 26.2
1998 22.8 2.4 25.6
1999 23.1 2.6 25.9
2000 21.6 2.1 24.9
2001 22.4 2.1 25.7
Source: Monitoring the Future Study.