Click here to load reader

Domestic Helper: · PDF fileSi Elena ay panganay sa pitong magkakapatid. Ang ama niya ay isang magsasaka at ang kanyang ina naman ay walang permanenteng trabaho, minsan ay namamasukan

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Domestic Helper: · PDF fileSi Elena ay panganay sa pitong magkakapatid. Ang ama niya ay isang...

  • MGA NILALAMAN:

    • KAPAKANAN AT KALUSUGAN • PAGTITIWALA • SUWELDO • KONTRATA

    • TNT

    EUROPA Ang Buhay Domestic Helper:

  • Ang Buhay Domestic Helper (EuropA)

    Manunulat: Andrea Bianca Gamboa de Vera, at Raya Pauline Symaco Joson mula sa De La Salle University-Manila

    Layout and Design: Andrea Bianca Gamboa de Vera, Raya Pauline Symaco Joson, at Gianina Santiago

    Mga Imahe: Joselito Bulaclac

    para sa: MIGRANTE INTERNATIONAL

    pAALALA: Ang mga storya dito ay maaaring base sa totoong buhay kaya’t kinakailangan na palitan ang panggalan ng mga tauhan.

  • 1

    KApAKAnAn At KALusugAn

    BUMALIK SA MGA NILALAMAN

  • BUMALIK SA MGA NILALAMAN

    2

    Leksyon: Nararapat lamang na gawin ang iyong lubos na makakaya sa iyong trabaho, na ibagay ang iyong 100% o higit pa sa lahat. Ngunit huwag mong kakalimutan na ang iyong kapakanan at lagay ng kalusugan ay mas mahalaga pa rin. Kung wala ang dalwang ito, mababale wala din ang naisin mong mapabuti ang iyong pamilya at makatulong sa kanila.

    KAPAKANAN At KALUSUGAN Si Elena ay panganay sa pitong magkakapatid. Ang ama niya ay isang magsasaka at ang kanyang ina naman ay walang permanenteng trabaho, minsan ay namamasukan lamang. Namulat na siya sa kahirapan at high school lamang ang kanyang natapos. Ito ang nagtulak sa kanyang tumungo ng Maynila at subukan ang kanyang kapalaran doon.

    Itay, ito lamang ang tanging paraan para hindi mahinto sa pag-aaral ang mga bata kong kapatid at magaya sa akin.

    Nanibago si Elena sa itsura ng Maynila, ibang-iba ika nga niya. Ngayon lamang kasi siya nakalabas ng prbinsya sa kakapusan sa pera. Nakita siya ng isang lalaki, at agad na nilapitan.

    Nang dumating sa Europa ay pinagtrabaho siya agad, hindi uso sa kanyang pinasukan ang pahinga at day-off. Talagang naabuso ang kanyang kalusugan sa pagtratrabaho ng sobra. At dahil minadali at hindi masyadong pinag-isipan ang kanyang pag-alis walang kaalam alam si Elena na mali na pala ang pagtrato sa kanya ng kanyang amo. Sa pag-iisip na kumita at tumulong, pati ang sarili niyang kapakanan ay nakalimutan niya na.

    Gusto mo ba iangat ang buhay ng pamilya mo?

    Siyempre naman po, kahit ano at kahit saan pa handa ako.

    Agarang tinaggap ni Elena ang inalok na trabaho ng lalaking kanyang bago pa lamang nakilala. Pagkatapos nito ay nakaalis na rin siya agd patungo sa Europa.

    Unti-unti na nanghihina ang katawan ko. Pero kakayanin ko para sa pamilya ko.

    Ang panghihina ng katawan ni Elena ay nagbunga ng pagkagalit at pagkainis ng kanyang amo sa kanya hanggang sa nagalit ito ng tuluyan at sinisante siya ng maaga bago pa man matapos ang kontrata niya.

    You are fired!

    Nang siya ay tinanggal sa trabaho, wala na siyang iba pang mapasukan dahil hindi na kaya ng kanyang katawan. Dahil dito umuwi siya ng Pilipinas.

    Buti nalang inay natulungan tayo ng Migrante kung wala sila hindi ako makakuwi at hindi tayo mahkikita muli.

  • 3

    BUMALIK SA MGA NILALAMAN

    pAgtItIwALA

  • BUMALIK SA MGA NILALAMAN

    4

    Leksyon: Talamak ang kaso ng misteryosong pagkawala at pagkamatay ng mga Pilipinong DH sa Europa. Mag-ingat at kilalanin mabuti ang mga taong pakikisamahan at kakaibiganin. Huwag basta basta magtitiwala sa mga taong hindi naman masyado pang kilala.

    PAGtItIwALA Si Eva ay isang Domestic sa Italya, masasabing marami na siyang karansan sa buhay migrante dahil nagtrabaho na siya sa Taiwan at Singapore.

    Sa tinagal tagal niya sa trabaho, mayroon na rin siyang kaunting naipon kaya naman masasabi na maginhawa na ang kanyang buhay pati na rin ang pamilya niya sa Pilipinas.

    Tumungo si Eva sa Italya dahil mas maganda ang buhay at mas malaki din ang suweldo dito.

    Sa haba ng panahon kong nagtratrabaho maigi na lumipat ako dito. Iba ang pamumuhay, mas maginhawa para sa akin.

    Sa araw ng linggo, nag-ikot si Eva para mamili ng ipapadala sa kanyang pamilya at kamag-anak sa Pilipinas. Madalas ay kasama niya ang kanyang mga Pilipinong kaibigan, kumakain at nagkkwentuhan. Sa araw na iyon, mayroon si Eva na nakilalalang isang Italyano na nagustuhan naman niya ang ugali, mukhang mabait at magalang sa babae. Pagkalipas lamang ng isang buwan ay niyaya na siya magpakasal ng lalaki.

    Mahal ko siya, kahit apat na buwan palang kaming magkakilala, nararamdaman kong tunay siya. Hindi niya ako lolokohin. Pumayag na akong magpakasal sa kanya.

    Sa una ay malaki ang pagtutol ng kanyang pamilya sa pagpapakasal niya sa Italyanong si Emilio. Makalipas ang tatlong taon ay nagbunga na ang kanilang pagsasama ng isang batang lalaki. Masayang masaya si Eva dahil nakabiuo siya ng isang maganda at maayos na pamilya. Ngunit lingid sa knanyang kaalaman ay may mga bisyo at masamang pag-uugali na itinatago si Emilio sa kanya.

    Sinubukan ni Eva na pagsabihan at kausapin ang asawa ukol sa bisyo niya ngunit binugbog niya ito ng walang awa. Hanggang sa magpaulit ulit na ito.

    Kamusta na kaya si Ate Eva? Matagal na rin tayong walang contact sa kanya ah!

    Lumipas ang ilang linggo na walang nakakita at nakarinig mula kay Eva, dahil sa masyang pagpapakita ng pamilya nito tuwing lumalabas sila at may pagtitipon, walang nag-akala na mayroon na palang masamang nangyari kay Eva.

    Nagulat na lamang ang buong komunidad na kanilang tinitirahan ng matagpuang patay at nakalibing si Eva sa loob mismo ng kanilang bahay. Humingi ng tulong sa Migrante ang kanyang pamilya sa Pilipinas upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Eva at makulong ang asawang si Emilio.

    Pagkatapos ng isang buwan na walang nakakakita kay Eva, nagsimula nang magduda ang kanyang mga kaibigan at nagsagawa ng masugid na imbestigayson ang pulisya.

  • 5

    suwELDo

    BUMALIK SA MGA NILALAMAN

  • BUMALIK SA MGA NILALAMAN

    Leksyon: Bilang empleyado, ikaw ay may pipirmahang “Employment Contract” bago magsimula ang trabaho. Nakasaad dito kung tuwing kailan dapat ibigay at matanggap ang suweldo mo at ang iba mo pang mga karapatan bilang Domestic o House Helper. Huwag papayag na malamangan o tratuhin ng hindi patas.

    6

    SUwELDO Walang kaalam-alam si Ana sa pangingibang bansa noong nagdesisyon itong magapply bilang isang domestic helper sa Italy.

    Ang tanging hangarin niya ay makatulong sa kanyang pamilya sapagkat kulang na kulang ang suweldo ng asawa na conduktor lamang ng bus sa Maynila.

    Makalipas ang ilang linggo, lumipad si Ana sa Milan para magtrabaho sa bahay ng isang magasawang Italyano.

    Naging mabait ang magasawa kay Ana, kahit minsan hindi ito naging malupit sakanya. Ngunit noong dumating na ang kabuwanan ng suweldo, nagpaliwanag ito na hindi muna nila mabibigay ang pera dahil kahit sila, gipit din.

    Wala na lamang magawa ito kung hindi pumayag sa hiling ng amo kahit kailangan na niyang magpadala ng pera sa Pilipinas.

    Ana, we promise to pay you next month.

    It’s okay, I understand.

    Naku po, paano ko ipapaliwanag kay Dennis na kailangan muna niya umutang muli para sa pambayad ng renta sa bahay?

    Nagsimula ng magtaka si Ana noong pagkalipas ng tatlong buwan wala pa rin itong natatanggap na katiting sa kanyang suweldo. Panay ang pangako ng magasawa na babayaran ito sa susunod na buwan ngunit palaging hindi natutupad.

    Dahil hindi naliwanagan mabuti tungkol sa kanyang mga karapatan at termino ng kontrata, patuloy ang pagtrabaho ni Ana sa ilalim ng mga amo kahit na panay utos na ito sakanya.

    Ana, kailangan nilang ibigay ang iyong suweldo. Hindi tama yan, nagtratrabaho ka pero wala kang nakukuha? Hihingi ako ng tulong sa isang organisasyon na nakilala ko dito. Paniguardo matutulungan tayo ni Gary.

    Hindi na mapakali si Ana dahil ang dami pa nilang kailangang bayaran sa Pilipinas kaya’t tinawagan na niya ang kanyang asawa para ipaliwanag ang sitwasyon.

    Mabilis na rumesponde ang Migrante International sa kaso ni Ana kaya’t makalipas lamang ng dalawang buwan naresolba na agad ito. Kinailangang bayaran ng magasawa si Ana ng suweldo na katumbas ng ilang buwan nitong pagtratrabaho.

    At sa huli, sinigurado ng Migrante na hindi na muli makakuha ng Pilipinong domestic helper ang magasawa.

  • 7

    KontrAtA

    BUMALIK SA MGA NILALAMAN

  • BUMALIK SA MGA NILALAMAN

    Leksyon: Ang bawat “Employment Contract” ay sakop ang proteksyon at kapakanan ng dalawang panig: ang amo o employer at ang domestic helper o employado. Kung sakaling ikaw ay nakararanas ng pananakit at pang-aabuso, ang kontrata ay iyong sandata upang legal na makaalis at maproteksyunan laban sa mga ito. Hindi dahilan ang petsa na nakalagay para ikaw ay pigilan, maaari itong ihinto sa oras na ang amo ay lumabag sa isa sa mga probisyon nito.

    8

    KONtRAtA Si Rose ay nagtratrabaho bilang clerk sa isang malaking Department Store sa Maynila noong tinamaan ng malubhang sakit ang kanyang anak. Dahil dito, kinailangan niyang humanap ng panibagong trabaho sa ibang bansa.

    Anak, huwag ka magalala kakayod si Nanay para may pambili sa mga gamot mo. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka lamang.

    Nagapply agad si Rose sa isang recruitment agency sa Malate at sa kinabutihang palad, nahanapan agad nila ito ng trabaho bilang domestic helper sa Netherlands.

    Ipinaliwang ng tauhan ng ahensya kay Rose na kailangan lamang niyang pumirma ng kontrata pagkatapos makaka