37
Diyos na Mapagmahal, bilang tanda ng pag-ibig mo sa amin, pinadala mo ang iyong Anak na si Hesus. Isugo mo ang Espiritu Santo upang ang aming puso laging mag-alab para sa iyo upang kami ay maging masunurin sa iyong kalooban at tanggapin ito ng may pakumbabaan at kasiyahan sa amin puso. Mag-alab nawa ang aming puso para sa aming pamayanan nang maging tunay na alagad kami ng iyong Anak na nabubuklod ng pag-ibig, pag-asa at pananampalataya. Mag-alab nawa ang aming puso para sa mga kapatid naming naghihirap, may sakit, at pinabayaan ng kanilang mahal sa buhay upang kanilang madama ang iyong pag-ibig sa pamamagitan ng pagtulong at pag-aaruga sa kanila. Mag-alab nawa sa aming puso para sa aming pamilya ng kami ay maging instrumento mo ng pagkakaisa, kabanalan at kapayapaan sa mundo. Alay namin sa iyo, O Diyos na pinagmumulan ng pag-ibig ang puso na kulang sa pag-ibig. Punuan mo ito ng iyong pagpapala at turuan kaming magmahal tulad ng pagmamahal mo sa amin... hanggang kamatayan. Ang puso namin ay gawing tulad ng puso ng iyong Anak na si Hesus na:

Diyos na Mapagmahal

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Diyos na Mapagmahal

Diyos na Mapagmahal, bilang tanda ng pag-ibig mo sa amin, pinadala mo ang iyong Anak na si Hesus. Isugo mo ang Espiritu Santo upang ang aming puso laging mag-alab para sa iyo upang kami ay maging masunurin sa iyong kalooban at tanggapin ito ng may pakumbabaan at kasiyahan sa amin puso.

Mag-alab nawa ang aming puso para sa aming pamayanan nang maging tunay na alagad kami ng iyong Anak na nabubuklod ng pag-ibig, pag-asa at pananampalataya.

Mag-alab nawa ang aming puso para sa mga kapatid naming naghihirap, may sakit, at pinabayaan ng kanilang mahal sa buhay upang kanilang madama ang iyong pag-ibig sa pamamagitan ng pagtulong at pag-aaruga sa kanila.

Mag-alab nawa sa aming puso para sa aming pamilya ng kami ay maging instrumento mo ng pagkakaisa, kabanalan at kapayapaan sa mundo.

Alay namin sa iyo, O Diyos na pinagmumulan ng pag-ibig ang puso na kulang sa pag-ibig. Punuan mo ito ng iyong pagpapala at turuan kaming magmahal tulad ng pagmamahal mo sa amin... hanggang kamatayan.

Ang puso namin ay gawing tulad ng puso ng iyong Anak na si Hesus na: tunay na nagmamahal, maamo, mahinahon, mapagkumbaba at masunurin. Puso nag-aalab sa pag-ibig sa sanlibutan at nag-aalis ng mga kasalanan, maawa ka sa amin at turuan kaming magmahal. Amen.

O, Yahweh na aming Ama

Page 2: Diyos na Mapagmahal

Sa amin ay maawa ka

Sa kalul’wang gulanit na

Dahil sa pagkakasala.

Pandinig mo, huwag takpan

Sa aming pananambitan—

Bagkus Inyo pong Idungaw

Ang habag na Balintataw.

O, Yahweh, aming dalangin

Nawa’y Inyong ulinigin

‘Pagkat labis ang panimdim

Sa bayang tinubuan namin.

Kawalan ng katarungan

Dalita at kahapisan

Pawiin mo, Amang Banal

Purihin ang Iyong Ngalan…

Aming pagsamo’t paglilong

Dinggin mo, o aming Poon

Sumapit po nawa ngayon

Ang Iyong Habag at Tulong.

Aming amang mahabagin

Huwag mong sisiphayuin

Ang Bayan mong ginigiliw

O, Yahweh, kami ay dinggin!

Page 3: Diyos na Mapagmahal

Mababasa natin sa Lucas 11:3 ang mga salita na may kaunting pag-kakaiba kaysa sa naroroon sa Mateo, at ang pagkakaiba'y ito, "Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain.¹" Ngayo'y gusto kong tingnan ang mga salitang ito, ngunit parang walang masyadong masasabi ang isang tao tungkol dito. Ang tanging kailangang sabihin ninyo lamang ay parang isa itong panalangin kung saan tayo'y humihingi sa Diyos na bigyan tayo ng kung ano ang ating kailangan - ang ating pagkain sa araw-araw - at parang wala nang masyadong maipaliliwanag pa rito.

Marami na tayong nakitang mahahalagang aral noong nakaraan. Nakita natin nang nakaraang linggo ang mahalagang mensahe na ibinigay sa atin ng Panginoon doon sa: "Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa." Mapapansin ninyo na hindi ako masyadong nag-ukol ng maraming oras sa nakalipas na linggo para liwanagin ang mga salitang "Dumating nawa ang kaharian mo." Ang simpleng dahilan ay ilan sa inyo na medyo matagal na rito'y maaalala na sa isa sa mga nauna kong mga mensahe, naipaliwanag ko ang mga salita ng Panginoong Jesus kung saan sinabi Niya na "Magsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit." [Mateo 3:2 & 4:17b] Muli't muli nating babalikan ang kahulugan ng kaharian dahil sa mga talinhaga ng Panginoon ay palagi Niyang binabanggit ang tungkol sa kaharian.

Kaya, sa ating pagpapatuloy, ating matatagpuan na ang kaharian ay isang sentrong bahagi sa mga turo ng Panginoon. Ang isa sa mga kahulugan ng kaharian ay nandito mismo sa mga salita ng panalanging ito. Ano ang ibig sabihin ng, "Dumating nawa ang kaharian mo"? Nangangahulugan ito na "Masunod nawa ang kalooban Mo sa lupa nang gayundin sa langit." Ang kahulugan ay naipaliwanag na mismo roon. Nakita rin natin noong nakaraang linggo kung ano ang kahulugan niyon, na ito'y ang pagkakaisa ng ating kalooban sa Diyos kapag ating hinihiling sa Diyos mula sa ating sariling pagpipili, mula sa ating sariling hangarin - siyempre sa pamamagitan ng paggawa ng Diyos sa ating mga puso, subalit sa ating sariling pagpipili na rin - na ang Kanyang kalooban ay masu-sunod sa ating mga buhay, gayundin naman sa sanlibutan, at nang sa ganitong paraan, sumasaating kaluluwa ang kalangitan at naitatatag ang kaharian ng Diyos sa ating mga buhay.

May isa pang punto na kailangan kong banggitin: na ang hilingin na "dumating nawa ang kaharian ng Diyos" ay nangangahulugang sa ating pananalangin ngayon ay ating ipinagdarasal na, "Pumarito ka Panginoong Jesus!" [Apocalipsis 22:20] Ang kaharian ng Diyos ay maitatatag sa lupa kapag muling pumarito si Jesus. Kaya, kapag tayo ay nananalangin ng "Dumating nawa ang kaharian mo", kailangang alam din natin na ating ipinagdarasal sa panalanging iyon na "Panginoong Jesus, pumarito Ka." Sa katunayan, iyon ang madalas na idinadalangin sa Sinaunang Simbahan [Early Church]. Mata-tagpuan natin ang mga katagang ito sa dulo ng 1

Page 4: Diyos na Mapagmahal

Corinto, "Maranatha." [16:22] Ibig sabihin, "aking Panginoon, pumarito Ka" o "ang Panginoon ay paparito." Ang bawat tunay na Cristiano ay naghahangad sa pagparito ni Jesus. Ang puntong iyon ay naipali-wanag na rin natin noong nakaraan.

Ngunit sa pagdating natin sa bersikulong ito ngayon, ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Ano pa ang masasabi natin na higit pa sa mga salitang nasa panalanging ito, na hinihiling natin sa Diyos na tustusin Niya ang pang-araw-araw na mga pangangailangan natin? At pagkatapos, ano pa ang maipaliliwanag doon? Makikita natin sa ilang saglit pa na mayroong malaking kayamanan dito, tulad sa lahat ng mga turo ng Panginoon.

Kailangan kong sabihin na kung minsan, habang pinag-aaralan ko ang turo ng Panginoon at inihahandang ipaliwanag ito, maibabahagi ko sa inyo na ako'y halos nakararamdam ng kabiguan. Ano ang ibig kong sabihin ng may kabiguan? Ang ibig kong sabihin, mayroong napakalaking yaman dito. Habang mas lalo ko itong pinag-aaralan, lalo kong nasasabi na, "Paano ko mabibigyang katarungan ang pag-papaliwanag sa turo ng Panginoon?" Napakalaki ng mga yaman sa mga turo ng Panginoon na ako'y nakararamdam ng pagkapuspos at 'di ko alam kung mabibigyang katarungan ko ang pagpapaliwanag nito. Subalit sa biyaya ng Panginoon, walang alinlangang susubukan ko ito.

Ano Bang Hinihiling Natin sa Bahaging Ito ng Panalangin ng Panginoon?Ano ba ang kahulugan ng mga salitang "Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw"? [Mateo 6:11] Ano ba ang talagang kahulugan nito? Ano ba ang talagang sinasabi nito sa atin? Anong panalangin ba ang ipinapanalangin dito? Ang mga salita bang "Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw" ay nangangahulugang ipinapanalangin at hinihiling natin sa Diyos na magpadala ng tinapay mula sa langit? Sa pagsasabi ba natin ng "Bigyan mo kami," nangangahulugan ba iyon na biglaan na lang iaabot ng Diyos ang Kanyang kamay mula sa langit at iaabot ang isang piraso ng tinapay sa atin? Medyo literal pakinggan, subalit kung gusto ninyong maging tunay na literal, ito lang ang nararapat, 'di ba? Ang "Bigyan mo kami" ay nangangahulugang habang iniaabot ko ang aking kamay rito, [sinasabi kong], "Bigyan mo ako ng aking tinapay." Kataka-taka! Ang mga Cristiano'y gustung-gustong maging literal, pero pagdating sa puntong ito, wala ni isa ang ibig na maging literal.

O kaya, pangalawa, ano ang panalangin, kung gusto nating higit na tiyakan dito, kapag tayo'y pumapailalim sa panalangin? Ngayo'y maraming mga Cristiano, sila'y nananalangin, ngunit hindi sila sigurado kung ano ang kanilang ipinapanalangin. Kung kayo ay nakapalangin ng isang bagay, siguraduhing alam ninyo kung ano ang naipanalangin ninyo; kung hindi, paano ninyo malalaman na kung kayo'y may nakamtan, na iyon ay isang sagot sa inyong panalangin? Ni hindi ninyo nga alam kung ano ang inyong ipinalangin, paano ninyo malalaman kung ano ang kasagutan?

Alam ninyo, madalas akong manghamon ng tao. Ang ating Diyos ay isang Diyos na buhay. Kapag kayo'y nanalangin ng may katiyakang kahilingan, kumuha kayo ng listahan at isulat ninyo ang inyong panalangin, ang araw at petsa kung kailan kayo nagdasal ng panalanging iyon, at ilagay ninyo sa isa pang hanay ang araw at petsa kung kailan ito sinagot. Ngayon, totoong-totoo ang Diyos, buhay-na-buhay ang Diyos, kaya aking hinahamon ang sinumang Cristiano na gawin ito, at tingnan para sa inyong sarili kung paanong sinasagot ng Diyos ang inyong panalangin.

Page 5: Diyos na Mapagmahal

Ang dahilan kung bakit gusto kong gawin ninyo ito ay upang makita ninyo na kung sinasabi natin na sinasagot ng Diyos ang panalangin, iyon mismo ang nararanasan natin. Bakit hindi kayo kumuha ng talaan at isulat ninyo iyon? Hindi takot ang Diyos sa hamon. Bakit tayo kailangang matakot?

Alam ninyo, kapag binabalikan ko ang aking mga nakaraan kung saan sa biyaya ng Panginoon, hinayaan Niya akong mabuhay, kamangha-mangha kong nakikita kung paano palaging sinasagot ng Diyos ang mga panalangin nang higit pa sa anumang hinihingi at iniisip natin. Ngunit kung hindi man lang kayo humingi, paano ninyo malalaman na sinagot na Niya kayo? At kung mga maliliit na bagay lamang ang inyong hiningi, dapat isulat din ninyo ang mga iyon, upang magkaroon kayo ng lakas ng loob na humingi pa ng mas malalaking bagay habang kayo ay nagpapatuloy.

Iyon ang nakasanayang gawin ni George Muller. Nakasanayan niyang ilista ang kanyang panalangin at ang sagot ng Diyos sa kanyang panalangin. O anong makapangyarihang tao ng Diyos ito! Hindi kataka-taka na nasabi niya na sa buong buhay niya, naka-panalangin siya ng hindi kukulang sa 50,000 na may tiyak-na-hinihiling na panalangin at tumanggap siya ng 50,000 na tiyak na kasagutan. Iyon ang kung paano ninyo makikilala ang inyong Diyos. Alinman sa: ang Diyos ay tunay, o hindi Siya karapat-dapat na paniwalaan. Ganito lang kasimple iyon. At kaya, tayo, kapag ating nakilala na ang Diyos, isulat natin ang ating tiyak na kahilingan.

Kailangan kong sabihin, siyempre, sa mga di-Cristiano, na hindi pa kayo karapat-dapat na humingi sa ilang mga panalangin. Hindi Siya ang inyong Ama. Ang panalangin ay nagsisimula sa, "Ama naming nasa langit". [Mateo 6:9] Kailangan munang maging Ama ninyo Siya. Dapat kayong maipanganak na muli at sa gayon Siya'y magiging Ama na ninyo. At makapa-panalangin na kayo at makatatanggap na kayo bilang isang anak mula sa Kanya. Bago iyon, kailangan munang magsimula kayo sa mga panalangin ng pagsisisi, na nawa'y baguhin ng Diyos ang inyong buhay. Ngunit iyon ay isang bagay na napakagandang simulan. Manalangin muna: sa ganito't sa ganoong araw ay ipinalangin kong, "Panginoon, baguhin Mo ang aking buhay." Isulat ninyo roon kung kailan ninyo nakamtan ang kasagutan, kung kailan binago ng Diyos ang buhay ninyo. Iyon ang pinakamabuting bagay, ang unang bagay para magsimula.

Kaya, siguraduhin na kapag kayo'y nananalangin, alam ninyo kung ano ang inyong ipinapanalangin. At kapag nakapagdasal na tayo ng isang panalangin, kailangang alam natin kung ano ang ating hinihiling. Ngayon, kapag pinag-aaralan natin ang Panalangin ng Panginoon, ano ba ang ating ipinapanalangin? Naipanalangin ba natin kung gayon na, "Bigyan Mo ako ngayon ng aking pang-araw-araw na pagkain"? Ngunit araw-araw ay nakukuha ninyo na ang inyong pang-araw-araw na pagkain! Paano ninyo malalaman kung sinagot na nga Niya ito o hindi? Pwede ninyong sabihin na sinasagot naman kayo sa lahat ng oras. Kumain na kayo ng pananghalian ngayon, 'di ba? Hayan! Sinagot na ng Diyos ang inyong panalangin. Ang problema nga lang ay maging ang di-Cristiano ay kumain din ng kanyang pananghalian. Pwede ninyong sabihin sa kanya na, "Hindi Siya Ama mo", subalit nagkaroon pa rin siya ng panang-halian. Bueno, sasabihin ninyong, "Ang Diyos ay mabait kahit sa mga di-nananampalataya." Okey, pwede ninyong unawain ito sa ganoong paraan. Ayos lang naman sa akin iyon. Ngunit ang tanong ay kung iyon ba ang itinuturo ng Panginoon dito.

Page 6: Diyos na Mapagmahal

Ang panalanging ito ba'y marahil ganito ang kahulugan, na ibig sabihin ng "Bigyan Mo ako ngayon ng aking pang-araw-araw na pagkain" ay "Panginoon, tulungan Mo akong makahanap ng traba-ho"? O, "Tulungan Mo akong manatiling may trabaho kung nakahanap na ako nito"? Dahil, kung tutuusin, ang trabaho ninyo ang siyang pinagkukunan ng inyong pagkain. Iyon ang inyong "mangkok ng kanin" [rice bowl]. Kapag nawalan kayo ng trabaho, nawalan na rin kayo ng inyong pagkain. Kaya, marahil ang kahulugan ng panalanging ito ay, "Panginoon, tulungan Mo akong mapanatili ang aking trabaho." Kung ganito ang kaso, bakit hindi ninyo na lang sabihin na, "Panginoon, tulungan Mo akong mapanatili ang aking trabaho"? Bakit kailangan ninyo pang magpaliguy-ligoy sa inyong panalangin? Maging tuwiran na lang kayo. Sabihin ninyo kung ano ang inyong ibig sabihin.

Iyon ba ang kahulugan o may iba pang kahulugan ito? Marahil may ilan tayong mga pangangailangan at ipinapanalangin natin na sana ipagkaloob ng Diyos sa atin ang isang tao na magtutustos sa ating mga pangangailangan, ibig sabihin, ang Diyos ang Siyang magtu-tustos sa pamamagitan ng pagkilos Niya sa ibang tao na gagamitin Niya para tustusan ang ating mga pangangailangan. Parang posible rin iyon. Marahil ay hindi iaabot ng Diyos mula sa langit ang isang pirasong tinapay upang ibigay sa atin, ngunit maaaring magpakilos Siya ng sinuman upang tayo'y bigyan ng isang pirasong tinapay. Siguro iyon ang ibig sabihin nito.

O, ang kahulugan kaya kung bakit dapat tayong mana-langin ng "Bigyan mo kami ng aming pang-araw-araw na pagkain" ay nangangahulugang, "Panginoon, ipag-kaloob Mo sana na ang aming mga pananim ay hindi mabigo"? Dahil, kung tutuusin, kung ang mga pana-nim ay nabigo - kung may tagtuyot o bagyo o kahit na anong makasisira sa pananim - kung gayon, saan tayo kukuha ng ating pagkain? Marahil iyon ang kahulugan niyon. Ngunit kung iyon nga ang kahulugan niyon, hindi ba dapat na tiyakan nating ipanalangin na, "Panginoon, pangalagaan Mo ang aming mga pana-nim", at ganitong katiyak ang pagsabi?

O, ang panalanging ito ba'y isang tamad na pamamaraan ng pag-iisa na lamang ng lahat ng hinihiling, para hindi lang kayo magsabi ng napakaraming bagay sa Diyos? "Diyos, bigyan Mo ako ng trabaho. At Panginoon, pangalagaan Mo ang mga pananim. At Panginoon, pakitingnan na hindi ako mapapaalis sa aking trabaho." Malaking katipiran ito sa Diyos na ang lahat ng punto ay sinasabi natin minsanan na lang sa isang pangungusap: "Bigyan Mo ako ng aking pang-araw-araw na pagkain." Ang ating pakikipag-usap sa Diyos ay pwedeng higit na maikli na lamang. Hindi na ninyo kailangan pang magsabi ng maraming bagay. Pwede ninyong sabihin ang lahat ng inyong gustong sabihin sa Diyos sa isang pangungusap. Marahil tinuturuan tayo ni Panginoong Jesus na iklian na lang ang ating panalangin.

Kung hindi, ano pa ang posibleng maging kahulugan nito? Sadyang nakawiwili ito. Tinalakay ko ito kasama ang isang tao, at tinanong ko siya, "Ano sa palagay mo ang kahulugan ng panalanging ito?" Nakaaaliw ang mga mungkahing lumalabas, "Bueno, ang kahulugan ay ito; ang kahulugan ay iyon." "Marahil ang ibig sabihin nito ay hindi babagsak ang kalusugan." Hindi ba kapag bumagsak ang inyong kalusugan, kahit na hindi kayo mapatalsik sa trabaho, kahit na makahanap kayo ng trabaho ngunit bagsak naman ang inyong kalusugan, hindi rin kayo makapagtatrabaho? At nangangahulugan iyon na hindi ninyo rin makakamtan ang pang-araw-araw ninyong pagkain. Marahil ay ganito ang kahulugan niyon. Ganoon din ba ang kahulugan niyon? Bueno, kung iyon nga ang kaso, muli, ang tanong ko ay: Bakit hindi ninyo ito ipinalangin

Page 7: Diyos na Mapagmahal

nang maliwanag na, "Pangi-noon, mahina ang kalusugan ko. Pakiusap na ibalik Mo ang aking kalusugan" o "Pangalagaan Mo ang aking kalusugan"? Kailangan ba nating sabihing, "Bigyan Mo ako ng aking pang-araw-araw na pagkain" kung saan ang ibig naman nating sabihin ay "Pangalagaan Mo ang aking kalusugan"?

Ngunit, karagdagan sa lahat ng ito, marahil kailangan nating manalangin na kasama na ang lahat [ng maiisip nating kailangang ipagdasal]. Kung ito nga ang lahat ng kahulugan sa pagbibigay sa atin ng pagkain sa araw-araw, siguro kailangan nating manalangin ng "Panginoon, idinadalangin namin na ang pagawaan [factory] ay hindi malulugi, na ang ekonomiya ng Canada ay hindi babagsak." Ang lahat ng ito ay kasama roon. Bakit hindi tayo manalangin para sa lahat ng ito? Ang ating pang-araw-araw na pagkain ay nakasala-lay sa maraming bagay. Lalung-lalo na, hindi sana mag-aklas [strike] ang mga panadero, at gayon din ang mga taong may kina-laman sa pagkain. Kung hindi, magkakaroon din tayo ng problema. Iyon lamang ba ang lahat ng gustong sabihin ni Jesus sa atin?

Pagkatapos ng lahat ng mapagpipiliang ito, ano ba ang totoong pinag-uusapan sa panalanging ito? Ngayon ay nakikita ninyo na maaaring madalas tayong manalangin para sa isang bagay, [subalit] hindi man lang natin alam ang ipinapanalangin natin. Ano ba ang naipanalangin ninyo? O, tulad ng aking naimungkahi na sa inyo, posible ba na ang panalanging ito ay isang pinasimpleng pahayag ng lahat ng pinagsama-samang mga bagay na iyon, upang ang ating panalangin sa Diyos ay mapaikli at matapos natin ito sa isang pangungusap lang? Ano sa palagay ninyo ngayon ang kahulugan ng panalanging ito? O kayo ba'y lubos na naguguluhan na sa ngayon kung ano ang nilalaman ng panalanging ito? Ngunit, makikita pa rin natin sa mga pook-sambahan na madalas manalangin ang mga tao ng panalanging ito. Alam kaya nila ang kahulugan nito? Nakapag-tanong-tanong na ako sa mga Cristiano at napag-alaman ko na hindi nila alam kung ano ang kahulugan nito. Papaano ito nangyari?

Higit pa siyempre roon, tayo ay magkakaroon ng karagdagang mga problema kung iyon nga ang kahulugan niyon. Kung ang lahat ng ito ay nangangahulugang kaya ng Diyos ang magbigay sa atin ng pang-araw-araw na pagkain, ang pagkain na kailangan ninyo ngayon, ano kaya ang mangyayari kung sa bahay ninyo, makikita ninyo sa taguan ninyo ng pagkain, puno ng pagkain sa loob? May 'corn flakes', tinapay at karne. At meron kayong malaking 'freezer.' Ano ang pakahulugan ninyo sa pagkain para sa araw na ito? [today's bread]. Marami kayong naka-imbak doon na sapat sa susunod na tatlong buwan. At kaya, mara-hil kapag nananalangin kayo ng "Ang Panalanging Itinuro ng Panginoon," ang pinakamainam na bagay ay huwag na ninyong isali ang pangungusap na iyon, dahil hindi lang kayo mayroong sapat para sa araw na ito, kundi para sa susunod pang ilang araw. Ang pinakamainam ay hintayin ninyo munang maubos sila, o 'di kaya'y maghintay kayo ng isa o dalawang araw bago maubusan, at doon ninyo sabihing, "Panginoon, nanga-ngailangan na ako ngayon. Pagkalooban Mo ako ng aking pagkain."

O maaari siguro nating sabihin na, "Ah! Marahil ang panalanging ito'y para lamang doon sa mga nabubuhay sa pamamagitan ng pana-nampalataya [live by faith]." Iyon marahil ang kalutasan. Marahil ang ibig sabihin nito'y, "Panginoon, dahil ako'y nabubuhay sa pananampalataya, kaya't kailangan kong umasa araw-araw sa Iyong ibibigay sa akin." Kung ganito ang kaso, siyempre, mas tamang pakinggan iyon, kaya lang, ang tanging mga taong may-karapatang magdasal ng

Page 8: Diyos na Mapagmahal

panalanging iyon ay ang mga taong nabubuhay sa pananampalataya. Kung hindi kayo nabubuhay sa pananampalataya, hindi kayo dapat manalangin ng panalanging iyon.

Ngayon, ano ba sa atin ang kahulungan ng 'nabubuhay sa pana-nampalataya'? Marahil ay kailangan kong ipaliwanag ito sa mga kabataang Cristianong naririto. Ang 'nabubuhay sa pananam-palataya' ay yaong mga taong humayo para maglingkod sa Diyos nang walang nakatakdang suweldo. Wala silang takdang kinikita. Buong-buo silang umaasa lamang sa Diyos para sa kanilang mga kinakailangan at sa kanilang panustos [supply]. Ito ang mga taong nabubuhay sa pananampalataya. Kapag nagsasabi ako ng tungkol sa nabubuhay sa pananampalataya, ako ay nagsasabi mula sa aking sariling karanasan. Tunay na sa napakaraming taon, ako'y nabuhay sa pananampalataya, iyon ay pagsasabing ako'y tangi at ganap na umaasa sa Diyos na tustusin ang aking mga pangangailangan.

Ngunit ito ba ang tinutukoy ni Jesus dito? Kung gayon, makikita natin na ang panalanging ito ay para lamang sa mga nabubuhay sa pananampalataya at ang lahat ng ibang Cristiano na abala sa kani-lang mga ibang propesyon ay tunay na hindi pwedeng manalangin ng panalanging ito. At kung iyon ay totoo sa nata-tanging petisyon na ito, marahil ito ay totoo sa mga nalalabi pang kahilingan sa panalanging ito. O dapat ba na ang ibang mga Cristiano, kapag sila'y nananalangin, ay ipapanalangin nila ang lahat ng ibang bagay at lalaktawan na lang ang isang ito?

Sa pagsasabi ng tungkol sa nabubuhay sa pananampalataya, may pinakanatatangi akong karanasan sa aking buhay. At gusto kong sabihin sa inyo na, siyempre, hindi ko pinili ang mabuhay sa pana-nampalataya. Ako'y inilagay ng Diyos sa isang kalagayan kung saan wala na akong mapagpipilian pa kundi ang mabuhay sa pananam-palataya. Hindi ako ang naglagay sa aking sarili roon. Sa maraming taon, palagi akong nalagay sa kalagayang kung saan ako'y lubos na walang mapagpipi-lian, kundi ang mabuhay sa ganitong paraan.

Halimbawa, noong ako'y tu-mira sa Inglatera, bilang isang dayuhan, hindi ako pinapayagang magtrabaho kahit na anong mangyari. Sa sandaling ako'y humingi ng pahintulot na magtrabaho, ako'y mapapalayas sa bansa. Hindi ko na maipagpapatuloy pa ang aking pag-aaral, ang aking pagsasanay. Sa gayon ako'y nalagay sa isang kalagayan kung saan ako'y umaasa lamang sa Diyos para sa aking panustos.

At doon masasabi kong muli sa inyo, na kapag isinulat ninyo ang inyong mga kahilingan sa panalangin [prayer requests], hayaan ninyong sabihin ko sa inyo, tiyak na ipagkakaloob ng Diyos ang ating mga pisikal at materyal na pangangailangan. Walang alin-langan na ito'y gagawin Niya. Sa katunayan, ito ang punto na ating makikita sa susunod na mga pag-aaral sa kabanatang ito [Mateo 6] kung saan sinasabi Niya ang tungkol sa hindi pagkabalisa sa ating pagkain at inumin, na ang Diyos ang Siyang magtutustos sa lahat ng bagay na ito. Subalit ito ba ang punto ng panalanging ito?

Lahat ng mga Kahilingan sa 'Ang Panalangin ng Panginoon' ay May Kaugnayan sa KaligtasanAno kaya ang ating kasagutan dito? Kapag pinag-aaralan natin ito, kailangan kong ituon ang inyong pansin sa kaayusan, sa kabuuang ayos ng 'Ang Panalangin ng Panginoon' para maintidihan ninyo kung ano ang ating ipinapanalangin at kung saan patungkol ang mga ito.

Page 9: Diyos na Mapagmahal

Ngayo'y pansinin ninyo ang ayos ng 'Ang Panalangin ng Panginoon' sa Sermon sa Bundok. Makikita ninyo na may pitong kahilingan doon. Maganda ang ayos nito. Ito'y nagsisimula sa "Ama naming nasa langit," at kasunod na nito ang pitong kahilingan. Ang bilang na pito'y isang ganap [perfect] na numero sa Biblia. Kung bibilangin ninyo ito ng pababa, makikita ninyong eksaktong pito ang bilang nito. At kaya makikita natin na ang panalanging ito na, "Bigyan Mo kami... ng aming pagkain sa araw-araw," ay pang-apat sa pito. Ang pang-apat siyempre ay ang gitna. May tigtatatlo sa mag-kabila ng pang-apat. Sa gitna mismo ng pitong kahilingan, makikita natin ang pang-apat, "Bigyan Mo kami...aming pagkain sa araw-araw."

Kapag titingnan ninyo ngayon ang iba pang anim, mapapansin ninyo kaagad na bawat isa sa kanila ay patungkol sa iisang bagay lamang. Ano iyon? Ito ay patungkol sa paksa ng kaligtasan, sa pagliligtas ng Diyos, sa pagliligtas ng Diyos sa atin, bawat isa sa kanila, tulad ng ating napag-aralan na. Nakita natin kung ano ang kahulugan ng "...sambahin nawa ang pangalan mo." Nakita natin ang "Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo... sa lupa." Nakita natin ang lahat ng kahilingang ito. Siyempre, ang "Dumating nawa ang kaharian mo" at ang "Masunod nawa ang kalooban mo" ay dalawang kahilingan, ngunit kapwa sila patungkol sa kaligtasang dala ng Diyos sa atin.

Habang tinitingnan natin ang mga kahilingan pagkatapos nito, "...patawarin mo kami sa aming mga utang"o "patawarin mo kami sa aming mga kasalanan," at "...huwag mo kaming dalhin sa tukso", "iligtas mo kami sa masama", ang huling kahilingan, [matatanto natin na] bawat isa sa mga ito ay may kinalaman sa kaligtasan. Kapag nakita ninyo ito, kapag nakita ninyo ang magandang ayos ng 'Ang Panalangin ng Panginoon,' umpisa ninyong mapapansin agad na ang nasa gitna ay patungkol din sa kaligtasan at hindi lamang sa pagbibigay ng ating pang-araw-araw na pagkain. Ito'y kinakai-langang patungkol sa kaligtasan.

Bigyan Mo Kami ng Pagkain Para sa KinabukasanAng sentrong punto na dapat maunawaan sa siping ito ay ang unawain ang kahulugan ng pagkain [sa saling-Tagalog] o 'bread' [sa Ingles] o tinapay: "Bigyan Mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw". "Give us this day our daily bread²" ang pagkakasalin nito [sa Ingles]. Sa puntong ito, kailangan kong ituro sa inyo na ang pagkasalin sa salitang 'araw-araw', 'daily',  ay galing sa 'Authorized Version' at hindi ito sa alinmang paraan ang mas gustong pag-unawa. Kung titingnan ninyo ang inyong 'Revised Standard Version' [RSV], makikita ninyo sa maliliit na mga salita sa talababa: "our bread for the morrow³", "pagkain namin sa kinabukasanª."

Ngayo'y kawili-wili iyon. Ano ang kahulugan niyon? Ngayo'y hindi na ako pupunta sa teknikal na mga detalye nito; napakahirap na ipaliwanag ang teknikal na mga detalyeng ito, lalung-lalo na kapag wala kayong kaalaman sa orihinal na Kasulatan. Sapat na lang sabihin natin na ang tunay na sinabi rito'y hindi naman tungkol sa pang-araw-araw na pagkain, [na] sa ngayon ay nakasanayang sabi-hin sa Ingles. Iyon ang dahilan kung bakit napakahirap nang bagu-hin ang panalanging naging tradisyon na. Kaya, ang kahulugan ay inilagay sa gilid, "pagkain... sa kinabukasan". Bahagi ng problema ay hindi mauunawaan ng maraming tao kung ano ang pagkain sa kinabukasan, kahit na iyon ang tamang paraan ng pag-unawa nito.

Ngayon, ating isipin saglit kung ano ang eksaktong kahulugan nito? Ano ba ang kahulugan natin sa "pagkain... sa kinabukasan"? Ano ang pakahulugan natin sa pagsasabing "Bigyan mo kami

Page 10: Diyos na Mapagmahal

ngayon ng pagkain sa kinabukasan"? Ito'y napakahalaga dahil ang "pagkain... sa kinabukasan", tulad nang makikita rito, ay imposibleng maisalin sa Ingles dahil iyon, sa katunayan, ay isang pang-uri [adjective]. Ang "para sa kinabukasan" ay isang pang-uri at ang "pang-araw-araw" ay isang pang-uri. Kaya dito natin makikita na walang pang-uri sa salitang Ingles na maisasaling 'tomorrowly.' Marahil ganito dapat ang sabihin [sa Ingles, "Tomorrowly bread give us today" na masasaling], "Ang 'pangbukas' na pagkain ibigay Mo sa amin sa araw na ito." Napakahirap ilagay ito ng ganoon. Kailangan ninyong mag-imbento ng isang salita upang maisalin ito.

Ngunit, kahit hindi na tayo dadako sa lahat ng mga detalyeng ito, ano mismo ang kahulugan ng lahat ng ito? Sa napakasimpleng paraan, ito'y ganito: Ang tinapay, isang napakapangkaraniwang larawan sa turo ng Panginoong Jesus, at sa katunayan, sa Biblia, ay tumutukoy mismo kay Jesus bilang ang Buhay na Salita. Hindi ko inaalis ang posibilidad na tinutukoy nito ang pang-araw-araw na tinapay, ngunit hindi lamang ito tungkol sa pisikal na tinapay, sa pisikal na pagkain. Kundi, sa buong nilalaman ng panalanging ito, na may kinalaman sa kaligtasan, ang panalangin ay para sa pang-espirituwal na tinapay o pagkain, ang tinapay o pagkain sa kina-bukasan.

Ano ba ang ibig sabihin ng 'kinabukasan' [tomorrow]? Napaka-simple nito. Kung alam ninyo ang Biblia, walang problema rito. Sa Biblia, ang 'ngayon' ay ang pangkasalukuyang panahon; ang 'bukas' ay ang panghinaharap na panahon, ang bagong araw ng kaligtasan. Kapag binabasa ninyo ang Biblia, halimbawa sa Hebreo Kapitulo 4, ibinibigay mismo nito ang larawang iyon, "Ngayon," - habang ngayon pa lang - "...huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso." [b.7b] Ano ba ang ibig sabihin ng 'ngayon' [today]? Ang 'ngayon' ay nangangahulugang ito ang pangkasalukuyang panahon. Ito ang araw ng kaligtasan. Hindi ito nangangahulugan lamang ng 'ang araw na ito.' Ang 'ngayon' ay nangangahulugang ang kasa-lukuyang panahon ng kaligtasan. Ang Hebreo Kapitulo 4 ay napaka-halaga sa pang-unawa nito, ngunit hindi naman pambihira sa Biblia na matagpuan mismo ang ganitong uri ng pagpapahayag, ang pag-gamit ng 'ngayon' bilang pangkasalukuyang panahon.

At sa gayon, sa Hebreo 4:7 sinasabi na, "Ngayon ...huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso", upang ano ang mangyayari? Upang kayo'y makapasok sa sununod na araw! Aling araw? Ang bagong araw! Aling araw? Ang 'Sabbath'! Ang araw ng pamama-hinga! Dahil "may natitira pang isang (araw)", ang sabi ng manu-nulat ng Sulat sa mga Hebreo, "para tayo'y makapasok sa bagong araw, ang Sabbath ng Diyos." ["Kaya't may natitira pang isang pamamahingang Sabbath para sa bayan ng Diyos." Hebreo 4:9] Ang lahat ng ito'y parang magulo para sa ilan, subalit napakadali nitong maunawaan. Ang Sabbath ay araw ng pamamahinga, kung saan wala roong kaguluhan, kung saan wala roong paghihirap, kung saan ang bigat ng kasalanan ay mawawala na. Iyon ang larawan ng Sabbath, ang araw ng pamamahinga, pamamahinga mula sa mga pasanin at mga gulo at mga alalahanin at mga pagpapahirap ng kasalanan. Tayo'y papasok sa kapahingahan sa Diyos. Tinatalakay ng buong kapitulo ng Hebreo 4 ito. Kaya, tayo'y magsisi ngayon upang tayo'y makapasok bukas, sa bagong bukas na iyon.

Ang lahat ng ito ay dapat na napakadali upang ating masundan. Ang Biblia ay nangungusap sa mga salitang naglalarawan, ngunit hindi dapat na ang mga ito'y mahirap unawain, na ngayo'y ating hinihiling sa Diyos na bigyan tayo ng pagkain sa kinabukasan. Ang pagkain sa kinabukasan ay ang tinapay ng 'Sabbath', ang tinapay na ibibigay ng Diyos sa atin sa 'Sabbath,' sa Hapunan ng

Page 11: Diyos na Mapagmahal

Tagapagligtas [Messianic feast] sa kaharian ng Diyos. "Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Diyos", ating mababasa sa Lucas 14:15. Kaya nakikita natin dito na ang larawan ay palinaw na nang palinaw sa atin.

Ngunit higit pa rito, siyempre, ang buong paliwanag sa mga salitang ito ay matatagpuan sa Juan Kapitulo 6, [sa kung saan] kahanga-hanga at napakagandang ipinahayag na: "Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit." [b.50] "Ako ang tinapay ng buhay." [b.48] "Kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailanman". [b.51] "Ang sinumang kumain sa Akin ay hindi na mamamatay." Siya ang espirituwal na pagkain na kailangan nating kainin. Siya ang tinapay ng kaligtasan. Siya ang tinapay ng buhay. Ang pisikal na tinapay at pisikal na pagkain ay mahalaga, subalit kung may anumang tinapay na kailangan nating ipanalangin, wala nang mas mahalaga pang tinapay na hihigit pa sa tinapay ng buhay. Iyon ang tinapay na tinutukoy ni Jesus.

Nakawiwili kung papaanong laging umaandar ang ating isipan sa mas mababang antas kaysa kay Jesus. Sinabi ni Jesus, "Gibain ninyo ang templong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw." [Juan 2:19]  Ang akala nila, "Ah, tungkol sa templo ang sinasabi Niya." Hindi! Ang Kanyang tinutukoy ay Siya mismo, ang Kanyang katawan, ang Kanyang pisikal na katawan. Ang nasa isip nila ay: "Tingnan ninyo, sinabi Niyang, 'Gibain ninyo ang templong ito...'." Laging umaandar ang ating isipan sa mas mababang antas; hindi natin maunawaan kung tungkol sa ano ang Kanyang sinasabi. At nang sabihin Niya ang tungkol sa tinapay, sinabi nilang, "Ah, ang tinutukoy Niya [ay tungkol sa pisiskal na tinapay].

Sa isa pang pagkakataon, Kanyang sinabi, "Mag-ingat... (sa) lebadura ng mga Fariseo," [hal. Mateo 16:6] at kanilang sinabi, "Ah, nakalimutan nating dalhin ang ating tinapay." Ang mga disipulo ay laging nag-iisip sa mas mababang antas. Hindi nila kai-lanman nauunawaan ang mas mataas na antas na Kanyang tinu-tukoy. Siya'y nangungusap ng tungkol sa pagkain sa kinabukasan. Kanyang ipinaliwanag kung anong uri ng pagkain ang Kanyang tinutukoy. Ngunit hindi ko kayo masisisi na ang salin ay nagsasabi lamang ng "pagkain sa araw-araw" at kaya medyo naligaw kayo roon.

Ngunit gayunpaman, kahit wala ang ganoong pagsasalin, mapa-pansin ninyo ang pinaka-ayos ng panalangin, ang Panalangin ng Panginoon. Kung inyong pinag-aralan ito nang maingat, mapa-pansin ninyo agad na ang kabuuan ng panalanging ito ay tungkol sa kaligtasan, at kaya, itong sentrong kahilingan ay di-maaaring naiba. Hindi lamang ito walang pagkakaiba, bilang sentrong kahilingan, ang pwersa ng pangaral ay siguradong may kinalaman sa kaligtasan. Tunay nga, makikita natin na hindi tayo nabigo sa ating pagsusuri nito, sa kaayusan man nito o sa paggamit nito ng mga salita o sa pagpapalabas man nito ng kahulugan. Sa bawat bagay, makikita natin na, sa katunayan, iyon ang kaso. Kaya, simula na nating naiintindihan ang kahulugan. Ang panalangin ay: "Bigyan mo kami ng pagkain pangkinabukasan," ng yaong bagong Sabbath, ang tinapay sa kaharian ng Diyos ngayon. Ngayon, paano kayo makapapanalangin nang ganito? Ito'y hindi naman mahirap! Ang yaman nito para sa mga mananaliksik ay halos hindi maisalarawan. [Napakayaman nito!]

Manna - Isang Larawan ng Pagkaroon ng Pangkinabukasang Pagkain NgayonAlam ninyo, sa Exodo 16:22, mababasa natin ang isang bagay na di-pangkaraniwan. Ang manna

Page 12: Diyos na Mapagmahal

na bumaba galing sa langit, na ipinakain sa mga Israelita sa ilang [wilderness], na isang milagro mismo, ay halos di-maisalarawan sa kababalaghan nito. Tinipon nila ito ng anim na araw, ngunit paano ang ikapitong araw? Ano ang kanilang kakainin sa ikapitong araw? Dahil ang ikapitong araw ay Sabbath, hindi sila pinapayagang magtrabaho. Kaya ano ang kakainin nila sa araw ng Sabbath? Walang problema! Ang Diyos ang Siyang nagtustos ng tinapay, ng pagkain, para sa araw ng Sabbath sa ika-anim na araw. Sinumang nanggaling sa 'Sunday school' ay dapat alam ito.

Ang ginawa ng Diyos ay isang bagay na kamangha-mangha. Tinustusan Niya ngayon ang pagkain para sa kinabukasan, kaya mayroon silang pagkain na para sa araw ng Sabbath sa ika-anim na araw. Ngayo'y nau-unawaan na ninyo ang pagkain pangkinabukasan. Napakadaling unawain ito. Ang pagkain sa araw ng Sabbath ay naitustos na sa ika-anim na araw. Iyon lamang ang araw na pwede kayong makakuha ng pagkain para sa dalawang araw sa isang araw. Walang ibang araw na pwede kayong makakuha ng pagkain para sa dalawang araw. Kung subukan ninyong itago ito, ito'y mapapanis. Ang manna ay hindi pwedeng itago. Gayunman ang Diyos ay laging gumagawa sa kaparaanang tanging sa ika-anim na araw lamang sila makakukuha ng pagkain para sa kinabukasan. Pwede silang magkaroon ng pangdalawang araw na pagkain sa natatanging araw na iyon. Nagkakaroon sila ng pagkain para sa Sabbath sa araw na iyon.

Iyon ay kahanga-hanga, 'di ba, lalo na kapag naunawaan natin kung ano ang ibig sabihin ng Sabbath, tulad ng ating nakita, ang kalayaan sa pagpasan ng mabibigat na dalahin, dalahin mula sa mga mabibigat na kasalanan. Ang araw ng Sabbath ay araw ng kapa-hingahan, kapahingahan mula sa kasalanan. Ngayon ang kabuuang kahulugan ay simulang nagiging malinaw na sa atin. Mas lalo pa nating nakikita ang ilaw ng kagandahan sa turo ng Panginoon. Ang lahat ay simulang nagiging malinaw. At ito'y napakalikas sa turo ni Jesus, kapag alam ninyo ang Kanyang turo, na ginagawa nito mismo iyon, ang ibuod ang napakaraming yaman sa saklaw ng kakaunting salita. Ito'y tunay na likas sa Kanyang turo. Hindi Siya kailanman nagsasabi ng mga pangkaraniwan, ng walang halaga, o ng ordinar-yong pananalita. Simpleng kapansin-pansin ito. Siya'y laging nagsa-sabi ng isang bagay na may malawak na kalaliman. Hindi natin kai-langang lumikha pa ng lalim. Nandoon na iyon habang ito'y inyong sinasaliksik. Iyon ang dahilan kung bakit ngayon ay nauunawaan na natin ang kakaibang pangungusap na nagsasabing "Bigyan mo kami ngayon ng pagkain para sa kinabukasan." Ngayo'y nauunawaan na natin kung ano ang ibig sabihin nito.

Maiba ako, siyempre kailangan kong ipaalam sa inyo na ang saling ito na, "Bigyan mo kami ngayon ng pagkain para sa kinabukasan o para sa hinaharap," ay hindi ko sariling palagay o opinyon. Hindi ko ito gawa-gawa lamang, baka sakaling may sinuman sa ninyo ang mag-isip nang ganito. Una sa lahat, makikita ninyo ito sa gilid ng RSV. Ngunit siyempre, ang karamihan sa mga dalubhasa at pantas ay lubusang nakauunawa na ito ang tama, bagama't hindi nila lubusang maunawaan kung ano ang kahulugan kung minsan sa ilang mga kaso. Pero kailangan ninyo ring purihin sila sa kanilang katapatan, na tinatanggap nila na ito'y tama, kahit na kung minsan ay hindi nila lubusang naunawaan kung ano ang kahulugan ng tinapay para sa kinabukasan. Kinikilala ng ilan sa kanila ito bilang isang tinapay para sa hinaharap at nauunawaan nila na ito'y tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Iyon ay nauunawaan nila.

Page 13: Diyos na Mapagmahal

Tayo ang Israel ng Diyos Ngayon, Na Pansamantalang  Naninira-han sa IlangTayo ngayon ay magpatuloy, sa wakas, upang makita ang ilan sa yaman ng lahat ng kahulugang naririto. Na si Jesus ang tinapay na buhay, gaya ng kababanggit ko pa lang, ay buong ipinaliwanag sa atin sa Juan Kapitulo 6 sa sariling turo ni Jesus. At ating susubukang sundan ang ilan sa mga yamang ito. Ito'y isang naglalarawang salita, siyempre, ngunit kailangan nating itanong: Ano ba ang tinutukoy ng kakaibang larawan na ito? Malinaw na ang isang tao ay hindi isang pirasong tinapay na pwede ninyong kainin. Ito'y isang larawan na ang layunin ay maghatid ng mahalagang espirituwal na katotohanan sa atin, ngunit ano nga ang katotohanang iyon na nakalaang ihatid sa atin? At malinaw rin na ang larawang ito'y naghahatid sa atin ng isang bagay na walang ibang larawan ang makapaghahatid; kung hindi'y ibang larawan ang maaring magamit.

Halimbawa, masasabi natin na si Jesus ay ang ating pinakamatalik na kaibigan. Iyon ay isang larawan din at isang napakatotoong larawan, ngunit hindi nito ibinabatid ang mahalagang elemento na ibinabatid ng larawan ng tinapay. Sa anong paraan sila nagkakaiba? Halimbawa'y sa paraang ito. Una sa lahat, napansin natin na sa paggamit ng tinapay na galing sa langit, ang tinapay para sa kinabukasan, agad nating nakikita na ang larawan ay iniuugnay tayo sa mga Israelita sa ilang, at iyon ay may napakahalagang mga sangkap ng katuruan para sa atin. Ano kung gayon ang mga yaman ng pagkukumpara ng larawang ito sa manna ng Lumang Tipan? Marami, na saglit ko lang ipahihiwatig.

Tayo'y tulad ng tao ng Israel sa ilang. Tayo, bilang mga Cristiano, ay nasa parehong kalagayan, [at] isinasalarawan nila. Sila'y isang uri natin, gaya ng sinasabi ni Pablo sa 1 Corinto 10. [bb.6&11] Ang mga bagay na iyon ay isinulat para sa atin, para sa ating kapakanan. Ang buong Lumang Tipan ay isinulat hindi lamang para basahin natin bilang isang kwento, kundi upang tayo'y turuan ng mga mahahalagang espirituwal na aral ngayon. Ano ang ating matu-tutunan?

Una, halimbawa, na tayo ang Israel ng Diyos ngayon. Tayo ang tao ng Diyos. Gaya ng sinasabi ni Pedro sa 1 Pedro, "...kayo'y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari". [1 Pedro 2:9] Pinili tayo ng Diyos palabas sa sanlibutang ito, palabas sa Ehipto, at tayo'y ginagabayan Niya tungo sa lupang pangako. Tayo ngayon ay dumaraan sa ilang ng sanlibutang ito. Ang yaman ng larawang iyon ay isa na muli't muling ginagamit ng maraming mangangaral. Kaya tayo ay nailigtas palabas sa Ehipto - palabas sa sanlibutan - at tayo'y naglalakbay sa ilang.

Pangalawa, nakikita natin ang aral na tayo'y naninirahang pansamantala sa ilang. At sa ating paninirahang pansamantala, iyon ay, sa ating paglalakbay sa ilang ng sanlibutang ito, tulad ng mga Israelita, tayo'y kailangang nakadepende sa pagkaing mula sa langit para espirituwal na mapanatiling buhay [survive]. Hindi kayo espirituwal na mapapanatiling buhay sa ilang ng sanlibutang ito nang walang natatanggap na tinapay mula sa langit araw-araw. Hindi kayo espirituwal na mabubuhay. Hindi kayo mananatiling buhay, tulad ng mga Israelita.

Alam ninyo, ito'y isang milagro! Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, ito'y isang milagro kung paano nanatiling buhay ang mga Israelita sa ilang. Naka-daan na ako sa Ilang ng Sin [minsa'y Zin]. Nakita ko ang uri ng mga tanawin sa ilang na iyon. Ako'y naglakbay mula Jerusalem hanggang sa Eilat, na dumaraan sa mismong ilang na iyon, na bahagi ng ilang sa kung saan naglakbay ang mga Israleita ng 40 taon, at ito'y isang nakasisindak na ilang. Makikita ninyo

Page 14: Diyos na Mapagmahal

habang kayo'y tumitingin sa ilang na iyon, na lubos na walang anumang makakain doon. Tumingin kayo sa paligid ng ilang na iyon, at kung kayo'y naroon, kayo'y mamamangha kung papaano kayo mananatiling buhay. Kamangha-mangha na mayroong higit sa isang milyong tao ang naglakbay, namuhay ng 40 taon sa disyertong iyon, sa kung saan walang anumang bagay ang tumutubo, maliban sa ilan-ilang mga ligaw na palumpong [wild bushes].

Paano ninyo pakakainin ang mahigit sa isang milyong tao? Nasabi sa atin na nang lumabas sila mula sa Ehipto, mayroong 600,000 na lalaki. Ngayo'y isama pa ninyo ang mga babae't mga bata, at magkakaroon kayo ng bilang na mahigit sa isang milyon; maging higit pa sa isa't-kalahating milyong tao, sa katunayan. Paano ninyo eksaktong mapapakain ang isa't-kalahating milyong tao sa ilang na ganoon? Subukan ninyong gawin ito minsan, kung isang araw ay pahihintulutan ng Diyos na tumayo kayo sa ilang na iyon, at tanungin ninyo ang inyong sarili. Nang tingnan ko ang ilang na iyon, tunay na pumasok sa aking isipan na, "Panginoon, paanong nabuhay ang mga taong ito sa ilang ng 40 taon?" Paano ninyo pakakainin ang maraming tao? Marahil ang dalawa o tatlong tao'y maaari pang pangasiwaan sa ilang kaparaanan, ngunit ang isa't-kalahating milyong tao sa ganitong klase ng ilang? Paano kayo mabubuhay?

Kaya't kung sinuman sa inyo na hindi naniniwala sa Exodo, o hindi naniniwala na nagpadala ang Diyos ng manna mula sa langit, kung gayon ay hihilingin ko sa inyo na sagutin ang katanungan, na lutasin ang problema: Paanong nabuhay sa ilang ng 40 taon ang isa't-kalahating milyong tao? Ano ang kanilang ikinabuhay? Paano sila nabuhay? Matatagpuan ninyo na wala nang iba pang paraan para maunawaan ito, kundi ang pagkakagawa ng Diyos ng isang di-kapani-paniwalang milagro, at iyon, siyempre, ang tinapay na galing sa langit, ang manna na bumaba mula sa langit. Kung ito'y inyong tatanggihan, wala na kayong paliwanag pa kung paano sila nabuhay sa ilang na iyon.

Sa gayon, tayo'y nasa parehong kalagayan ngayon. Tayo'y naninirahan sa ilang ng sanlibutang ito, ang espirituwal na ilang. Paano tayo mabubuhay maliban sa kung ang Diyos ay laging tumutustos sa atin ng espirituwal na pagkain na dapat mayroon tayo kay Cristo? Hindi tayo mananatiling buhay nang wala ito. Ito ang dahilan na ang ilang Cristiano'y nanghihina at ang iba nama'y espirituwal na nagkakasakit at ang iba nama'y namamatay. Hindi ko tatalakayin pa kung sila'y mga tunay o di-tunay na Cristiano, at ibang tulad pa nito. Hindi tayo tutungo sa doktrinang iyon sa ngayon. Sapat nang sabihin na sila nga'y namamatay. Sino ang makatatanggi na maraming mga tinatawag na Cristiano ang namamatay, ang tumitigil na sa pagiging mga Cristiano, na tumatalikod sa Panginoon? Wala akong pakialam kung anong doktrina ang inyong pinanghahawakan, subalit walang sinumang naging pastol sa gaano mang kahabang panahon ang mabibigong makaalam ng maraming ganoong kaso. Hindi tayo mananatiling buhay kung wala ang espirituwal na tinapay na galing sa langit. Gaya ng makikita natin, hindi ito isang katanungan ng minsanang pagkain ng espirituwal na tinapay na iyon. Upang manatiling buhay, kailangan ninyong patuloy na dumepende sa tinapay na iyon, sa pagkaing iyon, para magbigay-lakas sa inyo.

Ang "Tinapay Para sa Kinabukasan Ngayon" ay Nagpapahiwatig na Tayo'y Nasa 'Ika-anim na Araw' ng Kasaysayan ng TaoMakikita rin natin ang kagandahan ng turo ng Panginoon dito sa: "Tinapay para sa kinabukasan ngayon." Nakita natin na nangyayari lamang iyon sa ika-anim na araw, na nagsasabi sa atin ng

Page 15: Diyos na Mapagmahal

isa pang katotohanan na sinasabi sa atin sa Biblia, na ngayon tayo'y nasa ika-anim na araw ng kasaysayan ng tao. Sinasabi ng Biblia sa atin na tayo'y nasa mga huling araw na. Bago ang Sabbath, bago dumating ang Kanyang kaharian, ang Kanyang kalooban ay magaganap dito sa lupa nang gayundin sa langit. Ang Kanyang kalooban ay masusunod sa lupa, tandaan ninyo ito. Ang kaligtasan ay hindi mabilis na tatangay sa atin tungo sa kaharian ng Diyos. Haharapin ng Diyos ang sanlibutang ito. Hindi pa Siya tapos sa sanlibutang ito.

May mga taong nagtanong sa akin, "Kung ang Diyos ay Diyos, bakit hindi Niya inaalala ang mga problema ng sanlibutang ito? Napaka-simple kong sinagot na, "Siya'y nag-aalala sa mga problema ng sanlibutang ito. Hinaharap [at nilulutas] Niya ang mga problema ng sanlibutang ito sa pinakaugat nito, at ito'y ang kasalanan." Ano ang ginagawa ninyo tungkol sa mga problema ng sanlibutang ito. Bueno, may ginagawang ilang bagay ang Diyos tungkol sa mga problema ng sanlibutang ito. Ginagawa Niya ang isang bagay na kailangang gawin. Ang pinakaugat ng problema ng sanlibutang ito ay ang kasalanan at hinaharap ng Diyos ang problemang iyon. Anong ibig ninyong sabihin na wala Siyang ginagawang anumang bagay? Palagi Siyang mayroong ginagawa. Siya'y humaharap sa pinaka-ugat ng problema.

Walang sinumang tao pa ang nakagagawa niyon. Wala pang pama-halaan ang nakagagawa niyon. Hinaharap ng Diyos ang sanlibutang ito at hindi pa Siya tapos sa mga problema ng sanlibutang ito, dahil ang Kanyang kaharian ay itatatag muna sa sanlibutan. Ang Kanyang kalooban ay magaganap sa lupa, at hindi lamang basta-basta ito masusunod sa lupa, kundi masusunod ito nang gaya ng sa langit. Gayon ito magaganap. Iyon ang kaluwalhatian ng Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ay hindi isang pagtakas. Hindi nito tinatakasan ang mga problema ng sanlibutang ito. Hinaharap nito ang mga problema ng buong-buo at ng tapatan at hinaharap nito ang mga problemang iyon sa pinakapraktikal na paraan at sa tanging paraan na sila'y mahaha-rap nang tama. At tayo'y makapapasok, sa pamamagitan ng biyaya, sa araw na iyon na ang kasalanan at ang paghihirap ay titigil.

Sa huli, ating nakikita rin na ngayon pa lang ay mararanasan na natin ang kapangyarihan ng kahariang darating. Mismong sinasabi iyon sa Hebreo Kapitulo 6. Ang tinapay para sa kinabukasan ay makakamit natin ngayon. Iyon ang punto. Mararanasan na natin ang mga kapangyarihan ng darating na panahon ngayon. Iyon ang katuruan sa Biblia. Ang walang-hanggang buhay ay hindi isang bagay na magkakaroon lamang tayo kapag namatay na tayo. Ang walang-hanggang buhay ay isang bagay na mayroon na tayo ngayon. Mayroon na tayo ngayon ng tinapay para sa kinabukasan. O, purihin ang Diyos para rito! Mayroon na ba kayo ng tinapay na iyon?

Ang turo sa Kasulatan ay napakaganda't napakapraktikal, at ito'y humaharap sa pinaka-ugat ng mga bagay-bagay. Hindi ito isang bagay na pinapangarap lamang o di-kayang abutin [isang Ingles na kasabihan: "pie in the sky"]. Hindi ito isang kasabihang, "Bueno, magkakaroon tayo nito bukas, ngunit hindi pa natin makakamit ito ngayon." Ang Diyos ay gumagawa sa kabaliktarang paraan. Hindi lamang natin makakamtan ito bukas; kundi ang tinapay sa kina-bukasan ay makakamit na natin ngayon. Hindi lang ang tinapay sa araw na ito, hindi lang ang tinapay para sa ika-anim na araw, ang sa ika-pitong araw na tinapay ay makakamtan na rin natin ngayon. Iyon ang napakagandang turo. Papaano natin malalaman na totoo ito? Subukan ninyo! Danasin ninyo! Panghawakan ninyo ito't tingnan kung totoo nga ito. Kainin ninyo ang tinapay na

Page 16: Diyos na Mapagmahal

iyon at tingnan kung mabibigyan nga nito kayo ng buhay. Iyon ang simple, tuwiran, at makapangyarihang hamon ng Salita ng Diyos.

Ang Ating Espirituwal ng Buhay ay Nakadepende Kay Jesus, Ang Tinapay ng BuhayIkalawa, ang larawan ng tinapay ay nagtuturo sa atin sa iba pang bagay. Una, nakita natin na itinuro nito sa atin ang mga yaman ng Lumang Tipan gaya ng pagtutukoy nito sa atin bilang mga espirituwal na tagapagmana ng Lumang Tipan. Ngunit ikalawa'y ipinakikita nito sa atin ang larawan, na wala nang ibang larawan ang makapagbibigay-kasiyahan, kahit ang larawan pa ng isang kaibigan. At ito'y ito: na ang ating buhay ay nakadepende sa tinapay. Ito'y nakadepende sa pagkain. Ngayon, mabuti kung mayroon kayong isang kaibigan, ngunit maaari kayong mabuhay nang walang kaibigan. Mabuti ang magkaroon ng isang kaibigan, ngunit hindi kayo mamamatay kahit wala kayong kaibigan. Subalit kayo'y mamamatay kung wala kayong pagkain. At nakikita na ninyo kung bakit ginamit ni Jesus ang larawan ng tinapay: "Ako ang tinapay. Hindi lamang Ako kaibigan ninyo. Mainam kung mayroon kayong kaibigan, pero makakaya naman ninyong mabuhay kahit wala kayong kaibigan. Pero Ako ang Tinapay ng Buhay. Kung wala Ako, hindi kayo mabubuhay." Iyon ang larawan na ipinahihiwatig.

Ang buhay natin ay nakaasa sa tinapay o pagkain para sa ikabubuhay nito. Pinananatili nito ang ating buhay sa pagbibigay sa atin ng lakas na kinakailangan natin upang manatiling buhay. Kaya, gaya ng ang buhay natin ay lubos na nakaasa sa pagkain - hindi tayo mabubuhay ng walang pagkain - kaya hindi tayo makaliligtas nang wala si Jesus. Ito'y isang katanungan ng buhay at kamatayan, hindi isang katanungan ng pagkakaroon o pagkawala ng isa pang kaibigan. Kahit napakagandang maging isang kaibigan si Jesus, ngunit maaari pa rin kayong manatiling buhay kahit na mabawasan ng isang kaibigan, ngunit hindi nang walang pagkain. Iyon ang larawang nakalaang ipahiwatig sa atin.

Hindi Tayo Kailanman Tumitigil sa Pagdepende kay Jesus Para sa BuhayAt pangtatlo'y ito: itinuturo nito sa atin na hindi lamang importante ito sa ating buhay, kundi hindi ito kailanman tumitigil na maging mahalaga sa atin sa buhay. May ilang mga bagay ang napakahalaga sa ating buhay, siguro'y isang uri ng gamot na kailangan ninyo sa isang takdang panahon, subalit sa oras na gumaling na kayo, hindi na ninyo ito kailangan pa. Ngayon, maraming tao ang nagtratrato kay Jesus na para ba Siyang isang uri ng gamot na nagpapagaling lamang ng kanilang sakit, at kapag sila'y magaling na, [sasabihin nilang], "Sige, ba-bye Jesus." Maaari kayong mamaalam sa doktor. Ang ibig kong sabihin, kapag gumaling na kayo, hindi na ninyo kailangan pa ang doktor. Tulad nang sinasabi ni Jesus, "Kapag kayo'y may sakit, kailangan ninyo ng doktor. Kapag kayo'y magaling na, hindi na ninyo siya kailangan pa." Ngunit hindi kayo tumitigil sa pangangailangan ng tinapay. Maaaring hindi na ninyo kailangan ang gamot, ngunit hindi kayo tumitigil sa panganga-ilangan ng tinapay.

Kaya hindi lamang mahalaga sa atin si Jesus sa buhay. Ang pangatlong punto rito'y makikita natin na hindi Siya kailanman tumitigil na maging mahalaga sa atin. Hindi tayo kailanman mabu-buhay nang hiwalay kay Jesus. Hindi tayo magkakaroon kailanman ng buhay na walang hanggan nang hiwalay kay Jesus. Ang buhay na walang hanggan ay hindi isang bagay na kinuha natin kay Jesus, pagkatapos ay hindi na natin Siya kailangan pa, dahil ngayo'y [masasabi nating], "Mayroon na akong buhay na walang hanggan."

Page 17: Diyos na Mapagmahal

Nakapagtataka na sinasabi ng ilang tao sa akin, "Paano magka-karoon ang isang tao ng buhay na walang hanggan at pagkatapos ay walain ito, dahil ang buhay na walang hanggan ay kinakailangang maging buhay na walang hanggan." Mahal kong kaibigan, napakahina ng inyong pangangatwiran. Ang pangangatwirang iyon ay kapani-paniwala lamang sa isang pinakamababaw na antas lamang, "Paano ninyo mawawala ito, dahil kapag winala ninyo ito, hindi na ito buhay na walang hanggan?" Ang punto ay: Siya na nagbigay sa inyo ng buhay na walang hanggan ay maaaring bawiin ito sa inyo. Hindi ito isang katanungan na ang buhay na walang hanggan ay isang bagay na maaaring mayroon kayo nang hiwalay sa Diyos. Mayroon lamang kayong buhay na walang hanggan kay Jesus! Tandaan ninyo iyon.

Maaari ninyong ilagay iyon sa isang larawang tulad nito: kung si Jesus ay inilalarawan bilang daong [ark], tulad ng daong ni Noe, na isang bahagi ng dakilang kahulugan ng pagiging 'na kay Cristo', hanggang nasa loob kayo ng daong, kayo'y ligtas; palagi kayong ligtas. Basta't manatili kayo sa daong, kayo'y palagi at magpakailanmang ligtas. Ngunit sa sandaling humakbang kayong palabas ng daong na iyon, hindi na kayo ligtas dahil hindi kayo magkakaroon ng kaligtasan na hiwalay sa daong na iyon. Hindi kayo magkakabuhay nang hiwalay sa daong na iyon. Hanggang nananatili kayo kay Cristo, palagi kayong mayroong buhay na walang hanggan. Ngunit kapag humakbang kayong palayo kay Cristo, kayo'y nalalagay sa problema.

Kailangan ninyong maunawaan, kung gayon, na hindi ninyo maaaring isipin na isang araw, binigyan kayo ni Jesus ng buhay na walang hanggan, at kaya, dahil mayroon na kayo nito, kaya inyong sasabihing, "Bye-bye, Jesus. Salamat sa magandang regalo. Hindi na Kita kailangan ngayon. Mayroon na akong buhay na walang hanggan." Naku, aking kaibigan! Iyon ba ang ipinapalagay ninyo sa buhay na walang hanggan, na maaari kayong magkaroon ng buhay na walang hanggan na para baga ito'y isang bagay na magkakaroon kayo nang hiwalay kay Jesus? Mali!

Matuto ng aral dito. Tayo'y palagi at walang hanggan na - at pinasasalamatan ko ang Diyos para rito - tayo'y walang hanggan na kakailanganin si Jesus. Hindi kailanman darating ang araw na masasabi kong, "Ako'y nasa langit na't hindi ko na kailangan si Jesus dahil, tingnan ninyo, ako'y ligtas na ngayon." Nakikita kong ginagawa iyon ng mga Cristiano ngayon. Iniisip nilang, "Ligtas na ako. Hindi ko na kailangan si Jesus." Kaya iniligtas kayo ni Jesus para mawalan Siya ng trabaho. At kaya, pwede na tayong magkaroon ng buhay ngayon, at magagawa na ninyo kung ano ang gusto ninyo. Mga kaibigan ko, huwag ninyong lolokohin ang inyong mga sarili. Ang Diyos ay hindi makukutya at ang Diyos ay hindi hangal. "...ang kahangalan ng Diyos ay higit na matalino kaysa mga tao," ang sinasabi ni Pablo. [1 Corinto 1:25] Ito ang katotohanang dapat lagi nating maunawaan.

Hindi kayo bigla na lang nakakuha ng isang "self-generating generator" - ibig sabihin, isang bagay na nakalilikha-ng-sariling kapangyarihan - na hiwalay kay Cristo upang magawa ninyong mapanatiling buhay ang inyong sarili, at hindi na ninyo kailangan ang Diyos, minsang naligtas kayo, minsang nasa na langit kayo, o kahit na ngayon. Kailanma'y hindi kayo magkakaroon ng walang-hanggang buhay na hiwalay kay Jesus. Palagi nating kailangang umasa sa Kanya. Ako'y natutuwa ukol dito dahil mahal ko si Jesus. Hindi ko gustong mawalay sa Kanya. Hindi ko gustong magkaroon ng walang-hanggang buhay na hiwalay kay Jesus. Iyon ay walang-hanggang pananatili, hindi walang-hanggang buhay, at may malaking kaibahan sa pagitan ng buhay at

Page 18: Diyos na Mapagmahal

pananatili. Hindi ninyo kailangang maging doktor para malaman iyon. May mga tao sa ospital na buhay pa rin, oo, ngunit hanggang doon lang. Hindi iyon buhay. Sila'y nananatili sa kalagayang ito. Ang buhay ay higit pa sa pananatili. Hindi ko gusto ang anumang walang-hanggang buhay. Hindi ko gusto ang walang-hanggang buhay na hiwalay kay Jesus.

May isang tao roon - nakikita ninyo siya sa mga balita araw-araw - inaantay niya na bitayin siya. Kung ang buhay ay napakahalaga, heto ang isang tao na nagsasabing, "Gusto ko nang mamatay. Barilin na ninyo ako, please! Pwede bang bigyan ninyo ako ng pabor at barilin na ako." At ang kanyang ina ay pilit na namamagitan para sa kanya, nagsasabing, "Hindi! Huwag ninyo siyang hayaang mabaril." At ano ang kanyang sinabi sa kanyang ina? Narinig ko sa balita kahapon [na] sinabi niya sa kanyang ina, "Umalis ka sa aking buhay!" Gusto na niyang mamatay. Sabi niya, "Iwanan mo akong mag-isa. Hayaan mo na lamang akong mamatay." Hindi niya gusto ang buhay.

Sasabihin ko rin ang tulad nito. Nauunawaan ko siya nang husto. Hindi ko gusto ang buhay kung ito'y hiwalay kay Jesus. Walang halaga ang mabuhay nang ganito. Walang punto ang sabihing, "Mabubuhay ako nang magpakailanman." Iyan ay magiging isang malaking kasawiang-palad. Sasabihin ninyo sa lalaking ito na gusto nang mamatay, "Alam mo, kapag naging Cristiano ka, magkakaroon ka ng walang-hanggang buhay!" Sasabihn niyang, "Hay naku! Sinusubukan ko ngang mamatay ngayon at sinasabi ninyo sa aking mabubuhay ako magpakailanma! Iyan ang huling bagay na nanaisin ko." Hindi! Hindi! Ang walang-hanggang buhay ay isang katangian ng buhay kay Jesus. Ito'y hindi isang anumang uri ng buhay kundi ang buhay ni Jesus na ibinigay Niya sa atin. Ito'y ang buhay Niya na ibinigay sa akin. Iyon ang simpleng kaibahan.

Alam natin ang mismong nararamdaman dito. Minsa'y tinitingnan natin ang buhay ng isang tao, at inyong sinasabi na, "Ang kanyang buhay ay napakabuti. Sana may ganoong buhay ako." O siguro'y may mahina kayong kalusugan at kapag nakakita kayo ng isang malusog na tao, sasabihin ninyong, "Sana mayroon ako ng kalu-sugan niya." Mauunawaan natin iyon. Tayo'y may buhay ni Jesus na napapasasa-atin. At kaya, ang pangatlong punto na nakikita natin dito'y ito: Hindi tayo kailanman humihinto sa pagdedepende kay Jesus sa buhay na iyon. Si Jesus magpakailanman! Tayo'y magpakai-lanmang makikisama sa napakagandang Jesus na ito.

Kailangan Nating Tanggapin ang Tinapay na Ito Kung Pakikinabangan Natin ItoKaya ating nakikita ang napakalaking yaman na naririto, ngunit may mas marami pang mga aral na makukuha natin sa tinapay na ito. Ang larawan dito'y tinapay - ang manna na bumaba galing sa langit. Bumaba ito sa ilang. Hindi ito pumunta sa kanilang mga bibig. Kung gusto ninyong kumain, ang tinapay ng Diyos na iyan ay hindi ipapasak sa inyong lalamunan. Tandaan ninyo iyon. Hindi kukunin ng Diyos ang tinapay na ito't isisiksik sa inyong lalamunan. Hindi! Hindi Siya gagawa ng ganitong bagay. Kailangang kunin ninyo ito, kung makikinabang kayo rito. Hindi itutulak ng tinapay ang kanyang sarili sa inyo. Kailangang kunin ninyo ito.

Nakita natin na sa parehong paraan din, na hindi kailanman ipinagpipilitan ni Jesus ang Kanyang sarili sa mga tao. Sa katu-nayan, ito'y lubos na kabaligtaran. Ilang tao ang natagpuang ito'y napakalaking palaisipan. Matatandaan ninyo na sa daan ng Emaus, may dalawang disipulong nag-uusap at si Jesus ay naglalakad kasama nila. [Lucas 24:13] Ano ang nangyari? Nang nakarating na sila roon, sinabi nilang, "Tumuloy Ka't makisalo sa amin sa hapunan." At sinabi

Page 19: Diyos na Mapagmahal

Niyang, "Hindi, okey lang. Salamat. Ako'y tutuloy na." Ngunit sinabi nilang, "Pero, pakiusap na dumito Ka muna." At sa huli'y pinilit nila Siyang magpaiwan at Siya'y nagpaiwan na rin. Sila'y nagtataka tungkol dito. Ano ang naka-pagtataka? Napakalikas kay Jesus iyon. Sa mga ebanghelyo, ni minsan ay hindi Niya ipinagpilitan ang Kanyang sarili sa sinuman. Hindi Niya kailanman isinisiksik ang Kanyang sarili sa lalamunan ng sinumang tao. Hindi kailanman! Sa katunayan, sinasabi roon na tutuloy na lamang Siya sa paglalakad. Hindi ninyo gusto? Hindi ninyo Siya gustong imbitahin? Siya'y magpapatuloy na lang. Hindi Niya ipagpipilitan ang Kanyang sarili sa inyo. Lubhang kataka-taka!

Anong isang sariwang kaibahan mula sa ilang tinatawag na 'personal' na mga manggagawa na tinakot ang lahat mula sa akin at sa maraming tao na rin. "Maniwala ka kay Jesus. Bilisan mo! Heto ang Biblia. Nakabasa ka na ba ng Biblia? Ikaw ay isang makasala-nan. Maupo ka." Sesermonan ka nila at pupunuin ng Biblia. Ipag-pipilitan ang Ebanghelyo sa inyo: "Buksan mo ang iyong bibig, sige, lamunin mo ito. Lumuhod ka ngayon kasama ko at ikumpisal ang iyong mga kasalanan." Ay naku! May ilang tao ang naging Cristiano para lang maitaboy ang mga ebanghelistang ito. Mas maaga ninyo silang maitaboy, mas mabuti!

Pero hindi ko kailanman nakita si Jesus na gumagawa ng anumang bagay na gaya nito. Napapalapit Niya ang mga tao sa Kanya. Hindi Niya sila sinusunggaban sa kuwelyo at idinidikdik ang kanilang mga mukha sa Ebanghelyo. Hindi kailanman! Napapalapit Niya sila! "At ako, kapag ako'y itinaas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay papalapitin ko sa aking sarili." [Juan 12:32] At natatagpuan ninyo na ang kapangya-rihan ni Cristong makapagpalapit ng mga tao sa Kanya ay napaka-nakapagtataka, napaka-nakabibighani. Ang espirituwal na kapangyarihan ay basta na lamang nakapagpapalapit sa inyo. Mas marami kayong nalalaman tungkol kay Jesus, mas lalo kayong napapalapit Niya. Hindi Niya idinidikdik ang inyong mukha sa Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ay lubhang mabuti para ipagdikdikan lamang ng inyong mukha.

Kaya nakikita natin na hindi gagawa si Jesus ng anumang uri ng [pangkaka-utang ng loob]. Ang kagandahang-asal sa Silangan ay ganoon kung minsan, na napipilitan silang sabihin na, "Maaari ka bang tumuloy para makisalo sa aming kumain?" at umaasa na sasabihin ninyong 'hindi.' "Sigurado ka bang hindi mo gustong pumasok? O, 'di ka pwedeng pumasok? Sayang. Siguro sa ibang panahon! Sa ibang panahon!" Kaya, ginawa ni Jesus na magmukha itong aalis na Siya. Gusto Niyang siguraduhin na ang kanilang pag-iimbita sa Kanya na pumasok ay hindi lang dahil sa ito'y naka-gawian na, dahil sa ito'y kaugalian na, na normal na kagandahang-loob ng mga taga-Silangan. Kaya ginawa Niya na parang aalis na Siya. Papasok lamang Siya kapag gusto ninyo na talaga Siyang pumasok; sa gayon lang Siya papasok. Napakalayong mangyari na ipagpipilitan Niya ang Kanyang sarili sa mga tao. Ito'y napaka-ganda. Si Jesus ay napaka-katakataka. Kung hindi ninyo Siya gusto, kayo ang siyang mawawalan. Kayo ang siyang talo.

Kung Paano Natin Tinatanggap si Jesus ang Siyang MahalagaPupunta tayo sa ikalimang punto. Gaya ng tinapay, kailangan natin Siyang tanggapin, kung makikinabang tayo. At ito ay hindi lang ang tanggapin Siya! Hindi lang ito ang tanggapin si Jesus, kundi mahalaga ang kung paano ninyo Siya tatanggapin. Sinasabi ni Jesus na hindi lang ang makarinig kayo ang mahalaga, kundi ang kung paano kayo nakikinig. Mayroong malaking kaibahan sa pagitan ng dalawang tao na nakikinig. Ang isa'y nakikinig; ang isa nama'y nakikinig sa isang ganap na naiibang paraan. Iyan ay kung bakit sinasabi kong may isang taong nakikinig

Page 20: Diyos na Mapagmahal

sa parehong Ebanghelyo at naging isang espirituwal na unano; ang isa pang tao'y naging isang espirituwal na higante. Nakikinig sila sa iisang Ebanghelyo; bina-basa nila ang iisang Biblia; nagdarasal sila sa iisang Panginoon; at ang isa'y naging dakilang tao ng Diyos samantalang ang isa nama'y naging isang espirituwal na unano. Nasaan ang kaibahan? Ito'y sa kung papaano sila nakikinig. Sinasabi ni Jesus, "...mag-ingat kayo kung paano kayo nakikinig". [Lucas 8:18] Ang parehong binhi ay ihinasik; ang isa'y nagbunga ng wala, ang isa pa'y namunga ng isang-daang porsiyento. Parehong binhi, magkaibang lupa - kung paano kayo nakikinig, kung paano kayo tumatanggap!

Sa gayon, gaya ng tinapay, ito'y hindi lang isang katanungan ng pagtanggap nito. Lahat ng lupa ay tumanggap ng parehong binhi, ngunit tinanggap nila ito sa iba't-ibang paraan. At gayon, nalaman natin na ang tinapay, kung ito'y pakikinabangan ko, hindi ko lamang tinatanggap ang tinapay na iyon, at nagsasabi ng 'salamat.' Kailangan kong kainin ito kung makikinabang ako. Kailangang ipasok ko ito sa kailaliman ng aking pagkatao. Dapat itong pumasok tungo sa sentro ng aking pagkatao.

Nakapagtataka! Inilagay ng Diyos ang tiyan sa sentro ng aking katawan. Mabuti na hindi ito nasa aking leeg o sa baba ng aking paa, na para bang sangay ito o anumang tulad niyon. Ito'y mismong nasa pinakagitna ng aking pagkatao. Kahit na wala akong alam sa ana-tomiya [ang ayos ng mga bahagi ng katawan ng isang hayop o halaman], alam ko naman kung nasaan ang aking tiyan. Alam ko na ito'y naririto mismo sa gitna ko. Kapag ako'y nakararamdam ng gutom, nararamdaman ko ito rito. Hindi ang aking kamay o ang aking balikat ang nakararamdam ng gutom. Ito'y ang aking tiyan, ang pinakasentro ng pagkatao ko. Napaka-nakapagtataka ito, 'di ba?

At sa gayon, sa katulad na paraan, hindi kayo makikinabang kay Jesus kung tatanggapin ninyo lang Siya sa inyong isipan na para bang sinasabi na, "Tikman mo lang ng kaunti sa iyong bibig. Masarap ba ang lasa nito?" "Ito'y okey. Natikman ko na ito." May mga taong nagsasabing, "Naging isang Cristiano ako." Sa katuna-yan, natikman lang nila ito. Ito'y isang katanungan ng pagkain, ang pagpapasok sa Kanya sa ilalim ng inyong pagkatao, sa pinakaloob-looban ng pagkatao ninyo, at sa gayon ninyo Siya mapakikina-bangan.

At kaya, naitanong din natin ito. Tinanggap ninyo si Jesus; tinanggap ninyo ba Siya sa pinakaloob-loobang bahagi ng inyong kaluluwa, ng inyong pagkatao? Iyon ang mahalaga. Siya ba'y nasa gitna ng inyong pagkatao, o Siya ba'y nasa pali-paligid lamang ng inyong buhay? Maraming mga Cristiano ang tumanggap kay Jesus bilang kanilang palamuti, bilang tsapa nila, [na para bang sina-sabing], "Naririto! Tingnan ninyo, ako'y isang mabuting Cristiano. Nakita ba ninyo ang aking tsapa? Ako'y isang mabuting Cristiano dahil ginagawa ko ang lahat ng mga panglabas na mga bagay." Ngunit hanggang hindi Siya nasa gitna ng inyong pagkatao, sa sentro ng inyong buhay, hindi kayo makikinabang sa Kanya. O, nakikita natin ang kagandahan ng larawan ng Salita ng Diyos. Walang nasasayang! Walang nawawala! Lahat ng bagay ay may punto at gaano kahalaga ang puntong iyon.

Si Jesus ang Tinapay na Mula sa Langit, 'Biniyak' at Ibinigay Para Ipakain sa MaramiMula sa punto ng pananaw ng Panginoong Jesus, makikita rin natin ang katotohanang nakita rito sa tinapay para sa kinabukasan, ang manna, ang tinapay na mula sa langit. Si Jesus ang tinapay na mula sa langit. Siya'y galing sa itaas. Siya'y mula sa itaas. Si Jesus ay hindi ordinaryong tao.

Page 21: Diyos na Mapagmahal

Siya'y tao, pero hindi Siya ordinaryong tao. Siya'y Diyos na naihayag sa laman. Laging tandaan iyan. Sa gayon, pwedeng mapakain ng isang buhay na iyon ang gaanumang kara-ming buhay. Iyon ang kung bakit may isang nagtanong, "Paanong ang isang tao ay namatay para sa sanlibutan?" Simple! Ang tanong na dapat ninyong itanong ay kung sino ang taong iyon. At ang taong iyon ay ang Diyos na naihayag sa laman.

Hindi ninyo kailangang maging isang matematiko para malaman na ang walang-hangganang numero ay matatakpan ang anumang numero na makakaya ninyong banggitin. Ang isang kamatayang iyon ay mapakiki-nabangan ng ilanmang bilang na kamatayan dahil ang kamatayang iyon ay walang hangganan. Iyon ang Diyos na naihayag sa laman. Nagmula Siya sa itaas. At kaya, gaanuman karaming bilang ang isulat ninyo at gaanuman karaming mga sero ang isulat ninyo, isulat ninyo man mula sa isang dulo ng sanlibutan tungo sa isa pa, gaanu-man karaming mga tao ang nabuhay sa sanlibutang ito, hindi ito kailanman makararating sa walang hangganan. Ang kamatayan ni Cristo ay may kapakinabangan sa lahat ng sangkatauhan. Ang tinapay ay hindi lang isang ordinaryong tinapay; ito'y nagmula sa itaas.

Ngunit, gaya rin ng tinapay, para tayo ay mapakain, kailangan itong pipirasu-pirasuhin. Ang ibig kong sabihin, hindi ako pwedeng kumuha ng buong tinapay at lunukin ito. Hindi ko makakain ang tinapay hanggang hindi ito hinahati-hati o kinakagat ng pira-piraso. Kailangan munang mapagpira-piraso ito bago ito mapakain sa akin. Sa katulad na paraan, si Jesus ay pinira-piraso [broken] sa krus upang mapakain ang sanlibutan. "Ito ang aking katawan", ang sinasabi ng Panginoon sa Komunyon, "na pinira-piraso para sa inyo". Ibinigay Niya ang Kanyang sarili para mapakain tayo. Ang Kanyang buhay ay pinira-piraso para sa atin, para tayo ay mapakain. Ang larawan at ang yaman ng katuruang ito ay halos di-mauubos, ngunit ang ating oras ay halos mauubos na.

Humingi Ka Na Ba't Tumanggap ng Tinapay na Ito?Kaya, kailangan na nating magwakas at magbuod nang madalian rito. Nakita natin, kung gayon, ang yaman at kagandahan ng larawang ito, pero kailangan pa nating magtanong ng dalawang bagay. Una, para sa mga di-Cristiano, kailangan nating itanong ito, "Nakatanggap na ba kayo ng Tinapay na ito?" Hindi ako naki-kipagkuwentuhan sa inyo rito. Ako'y nangungusap tungkol sa isang bagay na mahalaga sa inyong buhay, at mahalaga magpakailanman. Kung sa araw na ito'y napakinggan ninyo ang mensaheng ito ng Salita ni Jesus at napagtanto na maaari kayong humiling sa Kanya para sa tinapay na ito, "Bigyan Mo kami ng tinapay na ito," kung hindi gustong ibigay ito ng Diyos, walang kabuluhan na humiling kayo. Ang buong punto ng panalangin ay dahil sa Siya'y nakahandang magbigay, maaari kayong humiling. Kung sinabi ng Diyos, "Hinding-hindi Ko kayo bibigyan ng tinapay magpakailanman," kung gayon ay walang kabuluhan para kay Jesus na sabihin sa inyong humingi kayo. Maaari kayong magkaroon ng tinapay na iyon, sa kundisyon na humingi kayo. Pero ngayong araw na ito, kung kayo ay hindi isang Cristiano, napalampas ninyo ang pagkakataon na ito sa hindi paghingi ng tinapay na iyon.

At nakita rin natin, sa pangwakas, na para sa Cristiano, kailangang siguraduhin natin ito: Ito'y hindi isang katanungan na minsan ay naging Cristiano kayo maraming taon na ang nakalipas, o ngayon, kayo'y naging Cristiano at ang pangangailangan ninyo kay Jesus ay halos mawala na. Tandaan ito: ito'y hindi lang katanungan ng minsanang pagkain, pero ang patuloy na pagkain sa tinapay na iyon. Dito'y gusto kong madaliang idiin ito.

Page 22: Diyos na Mapagmahal

Ang pinagtatakahan ko ay kung bakit ang ilang mga Cristiano'y may ganoong kahinang gana na kumain ng espirituwal na pagkain? Bakit kaya ang ibang mga Cristiano'y may sadyang mahinang gana sa mga espirituwal na bagay? Gusto kong suriin ito. Bakit kaya ang ilang mga Cristiano'y mayroong halos walang katapusang pagkagutom sa pagkain, pero ang iba nama'y parang nagpapatatangay lang sa agos bilang mga karaniwang-Cristiano sa buong buhay nila?

Ang aking panalangin ay hindi ang magkaroon tayo ng isang malaking iglesya sa darating na mga taon. Ang aking panalangin ay ang magkaroon tayo rito ng isang may-kalidad na iglesya. Eh, ano kung may isang libong taong nagsisiksikan dito, ngunit lahat naman sila'y mga pangkaraniwang Cristiano lamang? Pero kung kahit kakaunti tayo, magkaganito man - kung gustuhin ito ng Diyos, hindi ito mahalaga; nasa Kanya ang pagpapalago - tayo ngayon ay isang maliit na iglesya lamang, pero hindi ito ang mahalaga, basta't puro tayo may-kalidad. Ako'y nababagabag na magka-roon ng mga karaniwang mga Cristiano, iyon ay, mga Cristianong walang espirituwal na init, na hindi espirituwal na lumalago, na habang panaho'y nananatiling nakahinto ang kanilang paglago. Mga espirituwal na sanggol!

Mga Dahilan ng Mahinang Espirituwal na GanaBakit may kay-hinang espirituwal na gana tayo, at kung kaya, mahina ang ating paglago? Ano ang dahilan sa mahinang espiri-tuwal na gana? Nangangahulugan ito na may mahinang kalusugan. Ito ang tiyak na dahilan. Kung ang inyong kalusugan ay mahina, ang inyong gana sa pagkain ay mahina rin. Mayroong ugnayan doon. Maaaring kayo ay espirituwal na may-sakit. At kayo ay espirituwal na may-sakit kung may natitira pang kasalanan sa inyong buhay. May itinatago ba kayong kasalanan sa inyong buhay? Kaawaan sana kayo ng Diyos dahil pinapatay ninyo ang inyong sarili! Ang espiri-tuwal na kanser na iyan ay sisira sa inyo. Ang lahat-lahat ng tungkol sa kasalanan ay parang kanser. Hindi man kayo nakararamdam ng sakit sa oras na ito, pero ito'y siguradong nakamamatay pa rin. Siguraduhin ninyong ito'y mailabas na sa inyong sistema.

O ito ba'y dahil kayo ay hindi pa ganap na nakapagtalaga [committed] kay Cristo? Kayo ba'y bahaging-nakatalagang Cristiano lamang? At ang iglesya ay puno niyon! Sa gayon sana'y tulungan kayo ng Diyos na malaman na ang pagiging Cristiano'y isang ganap na pagiging pag-aari ng Diyos at kumpletong Kanya. Ito ay isang katanungan ng ganap na pagtatalaga. Ang Diyos ay hindi naki-kitungo ng baha-bahagi lamang sa sinuman. At kung gusto nating maging seryoso sa Diyos, hindi tayo makikitungo sa Kanya ng baha-bahagya lamang. Alinman sa dalawa: lahat o wala.

Ang pangalawang bagay na nakikita natin ay ang isang kakulangan sa serbisyo. May napakaraming mga Cristiano na walang ginagawa. Sila'y naghihintay lamang na may gawin para sa kanila. Wala silang ginagawa. Ang ganitong uri ng mga Cristiano ay hindi lumalago. Ang paggawa ng isang bagay ay parang espirituwal na ehersisyo [exercise]. Para magkaroon ng mabuting gana, kailangang magkaroon kayo ng exercise. Ang mga taong kagaya namin na nakaupo't nagtratrabaho sa mesa sa lahat ng oras, wala kaming mabuting gana. Nagkakaroon lamang ako ng mabuting gana kung ako ay tumatakbo o naglalakad o anupamang exercise. Kung ako ay magtatrabaho sa aking mesa buong araw, hindi man lang ako nakararamdam ng gutom. May paggalaw dapat. At may napakaraming Cristiano ang walang ginagawa. Sila'y palaging

Page 23: Diyos na Mapagmahal

naghihintay na may gumawa ng isang bagay para sa kanila. Ni hindi nila iniisip ang, "Ano kaya ang magagawa ko para sa Panginoon?"

Ito'y mismong nagpapaalala sa akin ng Juan 4:32-34 kung saan sinabi ni Jesus, "Ako'y may pagkain na hindi ninyo nalalaman." Naalala ba ninyo na pagkatapos Niyang makipag-usap sa babaing Samaritana at dinalhan Siya ng pagkain ng mga disipulo, na hindi Niya gustong kainin ito. Sabi nila, "Bakit? May kinain Ka na bang iba? May ibang nagdala na ba sa Iyo ng pagkain? Sinabi Niyang, "Ako'y may pagkain na hindi ninyo man lang nalalaman." "Anong pagkain?" "Ang pagkain ko ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin". Tayo'y napapakain sa ating pagseserbisyo sa Diyos. Sa patuloy na paglilingkod natin sa Kanya tayo napapakain. Iyon ang ating pagkain. Kailangan nating maging aktibo. Napakaraming Cristiano ang walang ginagawa. Hindi sila lumalago kailanman. Hindi sila gumagalaw kailanman. Kahit mayroon kayong nakapa-kaunting lakas, gamitin ninyo ang kakaunting lakas na iyan at ito'y lalago. Maging matapat kayo sa maliliit na mga bagay at magkakaroon kayo ng malalaking mga bagay na rin.

At siyempre, ang pagkaing iyon na nakikita nating kailangan nating kainin din ay ang Salita ng Diyos. Ang isang bagay na magagawa ninyo ay ang magpatuloy sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Magpatuloy sa pag-aaral ng Salita ng Diyos! Magsimula kayo roon at matatagpuan ninyo na may napakaraming yaman roon na gusto ninyong ibahagi sa ibang tao. "Tingnan, alam mo ba kung ano ang nalaman ko sa Salita ng Diyos sa araw na ito? Hayaan mong ibahagi ko iyon sa iyo." Iyan ang isang bagay na maaari ninyong simulan sa paninilbihan. Hindi ko ibig sabihin na kailangan ninyong pumunta't tumayo sa kalye at mangaral doon. May napakaraming paraan na may magagawa para sa Diyos, kung gagamitin ninyo lang ang inyong espirituwal at pangkaisipang kakayahan. Binigyan tayo ng Diyos ng utak para makapag-isip, hindi ang itulog lamang iyon. Gamitin ang utak na iyan para mag-isip.

Ang pagiging Cristiano'y hindi nangangahulugang tumigil na kayong magkaroon ng anumang pagkukusa. Sa kabaligtaran, ginagawa nga nitong parang umaapaw pa tayo sa isang espirituwal na kalakasan. Pinapagod nito ang kapangyarihan ng ating kaisipan sa hangganan ng pag-iisip, "Paano ko mapagsisilbihan ang Diyos nang mas epektibo?" Ang pagiging isang Cristiano ay hindi ang maging bobo at hangal. Magpagayunman, kung minsan kapag tumitingin kayo sa mga Cristiano, magtataka kayo kung ganoon nga kaya ito. Hindi! Kailangan nating magbanat-buto - magtrabaho - sa paninilbihan sa Diyos, at sa gayon ninyo mauunawaan kung ano ang sinasabi ni Jesus na, "Ang pagkain ko ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin". Sa paggawa ninyo ng kaloobang iyon, iyon ang nagpapakain sa inyo. Pinapakain kayo ng Diyos habang nagtatrabaho kayo.

At panghuli, siyempre, ang gana ay hindi lang nagmumula sa mabuting kalusugan at sa pagkaroon ng exercise, kundi sa pagkakatikim na rin na ang pagkain na ito'y mabuti. Kung minsa'y hindi kayo nakararamdam ng pagka-gutom, pero may nagluto ng isang masarap na pagkain o anupaman para sa inyo, tinikman ninyo ito't sinabing, "Mmm, masarap ito," at inubos ninyo ito. Ang masarap na pagkaing iyon ang pumukaw sa inyong gana. Sa katulad na paraan, napakaraming mga Cristiano ang hindi pa nakatitikim at nakakikita na ang Panginoon ay mabuti. Sa Awit 34:8 sinasabing, "Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti!²" Pansinin ang kahalagahan ng mga salitang iyon sa ating sipi. Tikman... ang Panginoon! Paano

Page 24: Diyos na Mapagmahal

ninyong makikita na Siya'y mabuti? Tikman ninyo, pagkatapos ay makikita ninyo na ang Panginoon ay mabuti. Doon ay mayroon tayong mga salitang naglalarawan.

Naririto ngayon ang isang mansanas. Kung ilalagay ko ang mansanas na ito rito at tatanungin ninyo ako, "Matamis ba ang mansanas na ito?" Ano ang maimumungkahi kong gawin ninyo? Dalhin ninyo ito sa laboratoryo, putulin ito't kumuha ng isang piraso, ilagay ito sa mga kemikal at tingnan kung gaano karaming asukal ang nariyan sa loob? Bueno, may isang mas simpleng paraan ng paggawa niyon. Magagawa ninyo iyon bilang isang pangkaisipang pagsasanay o kunin ninyo ang mansanas at kagatin ito. "Umm, ito'y matamis. Oo, ito'y mabuti. Ito'y mabuting kainin."

Sa parehong paraan, iyon ang paraan para malaman natin ito. "...tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti!" Paano ninyo malalaman na ang Diyos ay ang buhay na Diyos? Paano ninyo malalaman na Siya'y mabuti? Mauupo na lang ba kayo riyan at pag-aaralan Siya sa pamamagitan ng binoculars o sa pamamagitan ng mikroskopyo o sa pamamagitan ng ano? Hindi! Ang paraan para malaman na ang Diyos ang buhay na Diyos, na malaman na Siya'y mabuti, ay ang maranasan Siya. Iyon ang kahulugan ng 'tikman.' Kumagat kayo; tumingin kayo; tingnan na makakain ninyo ang Buhay na Tinapay na ito at tingnan na Siya'y mabuti. May mga pagkain na makakain ninyo, pero hindi masarap ang lasa nito. Pero ang pagkaing ito'y mabuti. Si Jesus ay ang Buhay na Tinapay at anong sarap ng tinapay na ito! Oras na para tikman ito't tingnan ninyo. At kapag natikman na ninyo ito, kayo'y magkakagana na.

Nakakikita kayo ng ilang mga Cristiano na napakainit para kay Jesus - ano ang nangyayari sa kanila? Bakit sila nag-aapoy at kayo'y hindi nag-aapoy? Ito ba'y dahil nagkaroon sila ng panaginip? Hindi, ito'y dahil natikman nila't nakita na ang Panginoon ay mabuti. Iyon ang dahilan. Mas lalo ninyo itong tinitikman, mas lalo ninyong nalalaman na Siya'y mabuti. At kaya, tikman ang tinapay na ito na maaari ninyong makamtan at tingnan. O, ang inyong gana'y darating! Danasin kung ano ang magagawa sa inyo ni Jesus! Kaya, lahat tayong naririto ngayon, tanggapin natin Siya sa kaloob-looban ng ating pagkatao, upang mula sa Kanya'y makakuha tayo ng buhay at lakas, upang ating matikman at maranasan para sa ating sarili kung gaano kabuti ang Diyos.

Tapos ng mensahe.