16
Compilatio ns ng mga Aralin sa Filipino Nicole Xyril T. Gasmin G8-Beige Mrs. Lajara

Compilations Ng Mga

Embed Size (px)

DESCRIPTION

compilations

Citation preview

Compilations ng mga Aralin saFilipino

Nicole Xyril T. GasminG8-BeigeMrs. Lajara

Aralin 1 : Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

A. Panitikan: Mga Popular na Babasahin

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan- Pahayagan (Tabloid)- Magasin- Komiks

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan naang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasinay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.

Tabloid

Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng printmedia ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyangblog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang PagsusuriWilliam Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura, o di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang naman sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama ang mga diyaryo na wala sa merkado na kaya lang nakakapagpatuloy ay dahil sa pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin sa broadsheet at mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo. Mapapansing marami sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang nagtatampok ng mga istoryang tungkol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ng kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila ang libido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga tabloid dahil sa ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut tabloid na sagad sa kalaswaan!Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipan ng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang indibidwal o kahit institusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa ring tabloid. Siyempre, kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng alternatibong pamamahayag.

Magasin

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago paman ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito aytalaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilandin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nangmagpasukan ang ibat ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.

1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilangmapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagigingang mapag-usapan ng kalalakihan ang maramingbagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walangpag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo ritoay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkolsa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura, ataliwan. 3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina.Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upanggawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabutingmaybahay.

4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalamannito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sabansa.

5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, atmga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ngkabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na masnakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol samga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ngmaraming kalalakihan.

8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito angmga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Itorin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalagang mga gadget.9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong may negosyo o naismagtayo ng negosyo

Komiks

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglamanang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng tekstoupang higit na makaapekto nang may lalim. Bagamat palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ngsining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan angmga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman, at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga manlilikha ng komiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.

Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula rito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at hitsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nio, at iba pa. Pagkatapos ng Batas Militar muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa ibat ibang anyo ng paglilibang.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, world-class ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.

B. Wika

Mga Antas ng Wika Ang mga nabanggit na anyo ng kontemporaryong panitikan ay gumagamit ng ibat ibang antas ng wika. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan, at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal, at balbal. Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang balbal 1.Pormal Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-arawaraw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal. 2.Di-Pormal Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na ako at mo. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung itoy hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.

3.Balbal - o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

Kontemporaryong Dagli

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Espaol dahilhindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulatAyon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang Ang Dagling Tagalog: 1903-1936 ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagananekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).

Aralin 2 : Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

A. Panitikan

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang ibat ibang konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.

naghahatid ng mga talakayan / pulso ng bay nagpapalabas ng variety nagpapalabas ng teledrama naghahatid ng musika naghahatid ng napapanahong balita nagpapalabas ng pelikula nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa nagpapahatid ng mga panawagan nakikinig ng mga awit nagpapakilala ng isang produkto

Komentaryong Panradyo

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Dokumentaryong Panradyo

Ito ay isang paglalahad ng mga impormasyon patungkol sa isang bagay na pinaguusapan na isinalalarawan sa pamamagitan ng telibisyon,ang mga dokumentaryo ay may iba't ibang uri ng tema na naayon at napapanahon na maaaring makapagbigay sagot sa katanungan ng nakararami.Ang Dokumentaryong Pantelebisyon ay Ipinapalabas Sa TV Upang Malinawan Ang Pag Iisip Ng Mga Tao.MGA HALIMBAWA :FrontrowIWitnessReal Time

Aralin 3 : Dokumentaryong PampelikulaMidyum sa Pagbabago

Mga Elemento ng Pelikula

a.Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isangkuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ngkuwento.

b.Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita samanonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastongtimpla ng ilaw at lente ng kamera.

c.Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood.

Iba pang mga Elementoa. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo atpaglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito aynaihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ngpalabas.

b. Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan nglugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining napaglalahad ng biswal na pagkukuwento.

c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paanopatatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

d.Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ngmga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay mulingsinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi nanararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ngpelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Establishing / Long Shot Sa ibang termino ay tinatawag nascene- setting. Mula sa malayo ay kinukunan ang buongsenaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magigingtakbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

2. Medium Shot Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mulabaywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryongmay diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

3. Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagaylamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ayang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isangpapel.

4. Extreme-Close Up Ang pinakamataas na lebel ng close-upshot. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halipna sa buong mukha.

5. High Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya anganggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sailalim.

6. Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya anganggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.

7. Birds Eye-View Maaari ring maging isang aerial shot naanggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin aynasa ibabang bahagi.

Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin 1. Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo. (pagtanggap)2. Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala? (pag-aalinlangan)3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mgapananalitang yaon. (pagtanggi)4. Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.(pagsang-ayon)5. Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.(pagsalungat)

b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita atipinadarama

1. Pagbibigay-babalaMag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad. (pagbibigay-babala)Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.2. PanghihinayangSayang, tama sana ang aking kasagutan.Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyariyaon.3. Hindi Pagpayag Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin. Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais nyong isagawa.