8
bagsak ng presyo ng kopra. Lalong kumitid ang dati nang mababang produksyon sa agrikultura dahil sa pagdagsa ng imported na bigas at iba pang mga produkto, at pagliit ng demand sa eksport. Sa pambansang kabisera, mil- yun-milyong naninirahan ang pine- perwisyo ng lubhang pagkabulok ng mga pampublikong imprastruktura at yutilidad. Pumutok ang krisis sa tubig nang nasagad ang limitado at sira-sirang pasilidad na ilang deka- dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. Sinundan ito ng paglala ng problema ng transportasyon nang masira ang sistema ng tren sa kalagayang masisikip na ang daan at sobra-sobra na ang mga priba- dong sasakyan sa mga lansangan. Pinatampok ng krisis na ito ang matinding pagsisiksikan sa mga EDITORYAL Simula pa lamang ng taon, ipi- natupad ng rehimen ang dagdag na buwis sa mga produktong pet- rolyo. Tumaas nang abereyds na P1/litro ang presyo ng gasolina, diesel at gas. Dahil dito, at sa nauna nang ipinataw na mga bu- wis, nananatiling mataas ang mga presyo ng pagkain at iba pang ba- tayang bilihin sa buong taon. Wa- lang silbi ang ipinagmayabang ng rehimen na bumagal na ang tantos ng implasyon. Sa kanayunan, patuloy na su- masadsad ang krisis sa agrikultura at sumasahol ang kabuhayan ng masang magsasaka. Tumama ang tagtuyot na sumira sa mga pala- yan at maisan. Umabot sa P8 bilyon ang halaga ng mga produk- tong napinsala na umapekto sa may 250 libong magsasaka sa buong bansa. Labis na pagkalugi ang dinaranas ng mga magsasaka nang bumagsak ang presyo ng pa- lay sa gitna ng taon dulot ng pag- sasabatas ng liberalisasyon ng bi- gas. Walang kaparis din ang pag- W alang lubay na pahirap ang idinulot ng rehimen ni Rodrigo Du- terte nitong 2019. Sunud-sunod ang hambalos ng mga pahirap at anti-mamamayang patakaran nito sa kabuhayan at kagalingan ng mamamayang Pilipino. Pinasahol nito ang dati nang masisidhing suliranin ng disempleyo at kawalan ng mapagkakakitaan at seguridad sa trabaho, maba- bang sahod, kawalan ng lupa at dislokasyon, mataas na presyo ng bilihin at serbisyong panlipunan, pagkabulok ng mga pampublikong yutilidad at pag- kawasak ng kapaligiran. "Pag-ibayuhin...," sundan sa pahina 2

Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

bagsak ng presyo ng kopra. Lalongkumitid ang dati nang mababangproduksyon sa agrikultura dahil sapagdagsa ng imported na bigas atiba pang mga produkto, at pagliitng demand sa eksport.

Sa pambansang kabisera, mil-yun-milyong naninirahan ang pine-perwisyo ng lubhang pagkabulok ngmga pampublikong imprastrukturaat yutilidad. Pumutok ang krisis satubig nang nasagad ang limitado atsira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadongkumpanya. Sinundan ito ng paglalang problema ng transportasyonnang masira ang sistema ng tren sakalagayang masisikip na ang daanat sobra-sobra na ang mga priba-dong sasakyan sa mga lansangan.Pinatampok ng krisis na ito angmatinding pagsisiksikan sa mga

Tomo L Blg. 24

Disyembre 21, 2019

www.cpp.ph

EDITORYAL

Simula pa lamang ng taon, ipi-natupad ng rehimen ang dagdagna buwis sa mga produktong pet-rolyo. Tumaas nang abereyds naP1/litro ang presyo ng gasolina,diesel at gas. Dahil dito, at sanauna nang ipinataw na mga bu-wis, nananatiling mataas ang mgapresyo ng pagkain at iba pang ba-tayang bilihin sa buong taon. Wa-lang silbi ang ipinagmayabang ngrehimen na bumagal na ang tantosng implasyon.

Sa kanayunan, patuloy na su-

masadsad ang krisis sa agrikulturaat sumasahol ang kabuhayan ngmasang magsasaka. Tumama angtagtuyot na sumira sa mga pala-yan at maisan. Umabot sa P8bilyon ang halaga ng mga produk-tong napinsala na umapekto samay 250 libong magsasaka sabuong bansa. Labis na pagkalugiang dinaranas ng mga magsasakanang bumagsak ang presyo ng pa-lay sa gitna ng taon dulot ng pag-sasabatas ng liberalisasyon ng bi-gas. Walang kaparis din ang pag-

Pag-ibayuhin ang demokratikongpakikibaka sa 2020

Walang lubay na pahirap ang idinulot ng rehimen ni Rodrigo Du-terte nitong 2019. Sunud-sunod ang hambalos ng mga pahirap atanti-mamamayang patakaran nito sa kabuhayan at kagalingan ng

mamamayang Pilipino. Pinasahol nito ang dati nang masisidhing suliranin ngdisempleyo at kawalan ng mapagkakakitaan at seguridad sa trabaho, maba-bang sahod, kawalan ng lupa at dislokasyon, mataas na presyo ng bilihin atserbisyong panlipunan, pagkabulok ng mga pampublikong yutilidad at pag-kawasak ng kapaligiran.

"Pag-ibayuhin...," sundan sa pahina 2

Page 2: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

Disyembre 21 , 2019 ANG BAYAN2

rasya ng reaksyunaryong esta-do—mula sa Malacañang ay itinuonsa kampanya ng pagsupil atkontrainsurhensya.

Minaniobra ng pangkatin ni Du-terte ang eleksyong midterm noongMayo para lalong lumpuhin ang pu-litikal na oposisyon at pagkaitan ngdati nang makipot na espasyo angmga progresibong partido sa kong-reso.

Sa ilalim ng pasismo ni Duterte,unti-unting inaagnas ang mga bur-ges liberal na gayak ng huwad nademokratikong gubyerno. Walangpuknat ang atake sa mga karapatanat kalayaan ng mamamayan, sa an-yo ng kampanyang Red-tagging,pagmamanman at pag-iligalisa samga demokratikong pwersang ma-ka-masa. Umarangkada ang walangpakundangang pamamaslang, par-tikular sa isla ng Negros, sa prubin-sya ng Bukidnon, Sorsogon, Masba-te at iba pa. Sunud-sunod at mara-mihan ang mga pag-aresto, pagsa-sampa ng gawa-gawang kaso atmatagalang pagkukulong. Hindi ba-baba sa 600 na ang mga bilanggongpulitikal. Liban sa masang anakpa-

Tomo L Blg. 23 | Disyembre 7, 2019

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

"Pag-ibayuhin...," mula sa pahina 1

Editoryal: Pag-ibayuhin ang demokratikongpakikibaka sa 2020 1

Nakaw ng mga Marcos, ipinababalik 3

Mga Ampatuan, hinatulang nagkasala 3

Ang kilusan sa panahon ng kalamidad 4

Krisis sa karapatang-tao 5

Planong kampo sa Marawi, kinundena 5

OceanaGold, muling binigo 6

Mag-ama, pinatay sa ComVal 7

Trump, isinakdal 7

Krisis sa galunggong 8

"Pag-ibayuhin...," sundan sa pahina 3

syudad na idinulot ng tuluy-tuloy nadislokasyon at kawalan ng hanap-buhay sa kanayunan.

Sa gitna ng lahat nang ito, wa-lang inatupag si Duterte kundimagmaniobra para masolo at ma-palawig ang kapangyarihan ng es-tado at tiyakin ang maksimum napakinabang ng kanyang pamilya atmga kaalyado. Batbat ng mga ano-malya at kaso ng korapsyon angiba’t ibang ahensya ng gubyerno napinamumunuan ng kanyang mgatauhan. Sumingaw ang pangungu-rakot ng mga upisyal ng militar atpulis, ang kanilang marurumingoperasyon sa huwad na "gerakontra-droga" at ang kanilang mgakuneksyon sa malalaking kriminal nasindikato.

Ipinataw ni Duterte ang defacto martial law sa buong bansanoong Disyembre 2018 sa pama-magitan ng Executive Order 70.Itinatag ngayong taon ang masak-law na makinarya nito sa anyo ngNational Task Force na sistemati-kong nagreorganisa sa istrukturang pamamahala. Ang buong buruk-

wis, tinarget ni Duterte ang kaba-taan, propesyunal, kagawad ngmidya, mga taong simbahan at mgaupisyal ng lokal na pamahalaan nanagpamalas ng paglaban sa kan-yang rehimen.

Ipinatupad ni Duterte ang sus-tenido at pokus na mga operasyongkombat sa mga prubinsya at eryana target na ibenta o igawad sadayuhang korporasyon at pinabo-rang mga burgesya kumprador. Pi-nalaki niya ang reaksyunaryong ar-madong hukbo at itinayo angdaan-daang detatsment militar pa-ra pagkaitan ng potensyal at aktwalna baseng masa ang BHB. Gumamitsiya ng modernong mga armas atgamit-militar na nagwaldas ng mil-yun-milyong pampublikong pondosa tangkang sindakin ang mama-mayan sa kanayunan at mga yunitng BHB.

Sa gitna ng walang patid napang-aatake, nanatiling matatagang mga demokratikong pwersa sapaglaban sa rehimen. Nitong taon,nagkaroon ng mga pagkilos sa loobng mga eskwelahan, pabrika, saharap ng mga upisina ng mgaahensya ng estado at sa sentronglunsod para ipamalas ang kanilangpagtutol sa pasismo, pagtatraydor,pagnanakaw at pagpapahirap ngnaghaharing rehimen. Naninindi-gan ang mga patriyotikong pwersalaban sa dayong pangangamkam sayaman at rekurso ng bansa sa ka-ragatan at kalupaan. Nilalabananang mga mapandambong at ma-pangwasak na mga proyektongdam, at iba pang imprastrukturangsumisira sa kabuhayan ng masa.Kumilos ang mga magsasaka,manggagawa, kabataan, guro,drayber at iba pang sektor paraigiit ang kanilang demokratiko atmakatarungang mga kahilingan.Naisampa ang mga kaso sa loob atlabas ng bansa para papanagutinsi Duterte at kanyang mga kasa-pakat.

Tuluy-tuloy ang pagpupursigesa kanayunan para igpawan angmatitinding bigwas ng kaaway.

Page 3: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2019 3

Pamilyang Ampatuan, hinatulang nagkasala

Habambuhay na pagkakakulong ang hatol sa magkapatid na DatuAndal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan sa kaso ng Maguindanao

Massacre. Ito ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na desi-syon ay inilabas noong Disyembre 19, mahigit isang dekada matapos angkrimen.

Hinatulan din ng habambuhayna pagkakakulong sina Datu AnwarSajid Ampatuan, Datu Anwar Jr. atDatu Anwar, Sr. Bukod sa pamil-yang Ampatuan, 23 pa ang hinatu-lan ng habambuhay na pagkakaku-long, habang ang 15 na hinatulangkasapakat sa krimen ay makukulongng anim hanggang 10 taon.

Sa hatol ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, napatunayang maysala angpamilyang Ampatuan sa brutal namasaker ng 57 katao noong Nob-yembre 23, 2009 sa Ampatuan, Ma-guindanao. Mayorya sa mga biktimaay mga mamamahayag.

Inutusan din ng korte ang mgapangunahing akusado na magbayad

ng danyos sa kaanak ng mga mina-saker na tinatayang aabot sa P20milyon kada biktima.

Pangamba ng mga pamilya, ba-gamat nahatulan na ang panguna-hing utak sa krimen, malaya pa rinang 80 suspek sa masaker. Hinihi-nalang pinoprotektahan sila ng mgaAmpatuan.

Para sa mga grupo ng mama-mahayag, itinuturing nilang ta-gumpay ang hatol ng korte at na-ngakong ipagpapatuloy ang kani-lang panawagan para sa pagwa-wakas sa kultura ng inhustisya sabansa. Binigyang pugay din nilaang tapang at determinasyon ngmga kaanak, mga abogado at saksi

na nanindigan laban sa pamilyangAmpatuan.

Ang Ampatuan Masaker angpinakamalalang kaso ng karahasanlaban sa mga mamamahayag sakasaysayan. Malaon nang kontro-lado ng iilang makakapangyari-hang angkan ang rehiyon ngARMM, tulad ng pamilyang Ampa-tuan.

Ipinawalang-saysay naman ngkorte ang kaso para sa danyos ngpamilya ng mamamahayag na siReynaldo Momay, ika-58 biktima ngmasaker. Hanggang sa kasalukuyanay bigong makita ang katawan nitoo maging ang kanyang kinaroroo-nan bagamat nakita ang ilang per-sonal na gamit nito sa krimen. Sa-mantala, magpapatuloy naman angpamilya ni Momay sa paghahanapsa labi ng ama at panawagan parasa hustisya.

Nakaw ng mga Marcos, ipinababalik

NAGLABAS ANG SANDIGANBAYAN (korteng lumilitis sa mga kaso labansa mga pampublikong upisyal) ng desisyon noong Disyembre 19 na

nagsasaad na kinakailangang ibalik ng pamilya ng dating diktador na si Fer-dinand Marcos ang hindi bababa sa 146 na mamahaling obrang sining na ili-gal nitong kinamkam.

Ilan sa mga ito ay obra ng tan-yag na mga pintor na sina Picassoat Van Gogh. Sa kabuuan, ang mgaobra ay nagkakahalaga ng $24.3milyon (o P1.2 bilyon sa palitang$1=P50.) Anang desisyon, imposib-leng mabili ng mga Marcos ang mgaobra gamit ang kanilang sarilingyaman sapagkat napakalayo ng ha-laga ng mga ito sa kabuuang sina-hod ng lahat ng mga pampublikongupisyal na kaanak ni Marcos na$304,372 o P1.5 milyon lamang.

Pinagbawalan ng korte ang mgaMarcos na ibenta ang mga obra atinutusang tukuyin ang lokasyon ngmga ito. Para sa mga naibenta na,obligado ang mga Marcos na ipaki-ta ang likidasyon o kwentahan ngmga transaksyon at bayaran ang

mga ito.Sa kabilang banda, ibinasura ng

Sandiganbayan ang apat na kasolaban sa mga Marcos nitong taon.Kabilang dito ang Civil Case No.002, isa sa mga pangunahing kasolaban sa pamilya. Ang kasong ito aynaglalayong mabawi ang P200-bilyong halaga ng mga deposito sabangko, mga lupain at pag-aari,kapital sa negosyo sa ibang bansa,alahas, obrang sining at malu-luhong kagamitan na pawang mulasa pagnanakaw ng pamilya ngdating diktador.

Ang ilan pa sa mga ibinasura ngkorte ay ang mga kasong naismabawi ang P102 bilyon, P1 bilyonat mahigit P267 milyon mula samga Marcos.

"Pag-ibayuhin...," mula sa pahina 2

Nananatiling nag-aalab ang diwang pagtatanggol ng nakamit nangmga tagumpay sa ilang dekada naring mga pakikibaka para sa lupa,dagdag-sahod, makatwirang pre-syo sa pagbili ng mga produktongpang-agrikultura at at iba pa.

Sa darating na taon, dapatlalupang magpakatatag para masepektibo at malawakang labananang mga pahirap na pakana niDuterte. Dapat sentruhan ang pi-nakasaligang mga usaping pang-ekonomya at pangkabuhayan nanakaapekto sa nakararaming ma-mamayan. Dapat buklurin angmasa at pakilusin sila upang sa-ma-samang lutasin ang kanilangmga suliranin at labanan ang mgapang-aapi at pagsasamantala.Palawakin ang mga demokrati-kong organisasyon para magingdaluyan ng makatarungang mgakahilingan habang pinalalakasang paglaban sa tiraniya ng rehi-men.

Page 4: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

Disyembre 21 , 2019 ANG BAYAN4

Ang rebolusyonaryong kilusansa panahon ng kalamidad

Isa ang Southern Tagalog (ST) sa matinding sinalanta ng nagdaang bag-yong "Tisoy" noong huling bahagi ng Nobyembre hanggang nitong Disye-

mbre. Bilang pagtugon sa mga nabiktima, nagsagawa ng mga operasyong re-lief at rehabilitasyon ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa re-hiyon.

Sa panahon ng mga kalamidadat sakuna, pinakabulnerable angmasang magsasaka at anakpawis sakanayunan. Kadalasang nakatirikang kanilang mga bahay at komuni-dad malapit sa mga bundok, tabing-ilog at malalayong bukirin. Sa pana-hon ng sakuna, hindi sila inaabot ngkagyat na tulong at serbisyo, at pi-nakamatindi ay ang kawalang-tugonmula sa reaksyunaryong gubyerno.

Tungkulin ng rebolusyonaryongkilusan

Tinutugunan ng BHB at buongrebolusyonaryong kilusan ang pa-ngangailangan ng masa sa kanayu-nan sa panahon ng mga kalamidad.Sa pamamagitan ng mga organo ngkapangyarihang pampulitika at gub-yernong bayan sa antas baryohanggang distrito, pinakikilos anglahat ng maaaring makatulong sapangangalap ng pagkain, tubig, ga-mot at materyal mula sa mga kaal-yado at kaibigan.

Binubuo ang mga kaukulang ko-mite at brigada ng mga boluntir pa-ra sa mga kagyat na tulong, rehabi-litasyon at pagkukumpuni ng mganasirang kabahayan ng masa. Ga-yundin ang mga tim para sa pag-aa-sikaso ng mga nasirang pananim atpagsasaayos ng mga ito. Pinakikilosdin ang mga komite sa kalusuganpara tugunan ang mga pangangai-

langang medikal at mga operasyongmedikal.

Bago pa man ang mga sakuna,inihahanda na ang masa sa pagha-rap sa anumang kalamidad at pag-tugon dito. Tinuturuan ang taum-baryo ng mga dapat na gawin paramaagang makapaghanda at makai-was sa mga trahedya.

Isang halimbawa ang pag-iikotng mga kinatawan ng gubyernongbayan para palikasin sa mas ligtasna lugar ang taumbaryo. Mayroongmga tim na tutulong sa mga pamilyasa paglikas at maging sa pagha-handa ng kanilang bahay. Gayundin,sa abot ng makakaya ay ang pag-a-sikaso sa mga bukirin at alaganghayop ng mga magsasaka.

Kabilang din sa mga hakbanginng gubyernong bayan ang pagbubuong mga komite para sa kalamidad,komite sa pangangalap ng tulong atdonasyon, ng mabilisang pagtugon,komite sa rehabilitasyon at iba pa.

Posibleng magdeklara ng mgalokal na tigil-putukan ang mga yunitng BHB para bigyan-daan ang ibangmga tulong mula sa mga sibil na or-ganisasyon. Naglalabas din ng mgapahayag ng panawagan at pagsu-porta sa nasalanta ang mga yunitng hukbo sa antas larangan, magingang Pambansang Komand sa Ope-rasyon ng BHB at ang Partido Ko-munista ng Pilipinas.

Sa kabilang banda, isinasagawaito ng rebolusyonaryong kilusanhabang nananatiling mapagbantaysa posibleng pag-atake ng mgamersenaryo at pasistang tropa ngmilitar at pulis.

Pagtugon ng BHB-ST pagkataposng bagyong "Tisoy"

Sa Mindoro, kung saan mara-ming bayan ang binaha at mara-ming bahay at taniman ang nawa-sak dahil sa malakas na hangin,kagyat na kumilos ang Lucio deGuzman Command at mga rebolu-syonaryong organisasyong masa.Nangalap ang BHB at mga organi-sasyon ng pagkain, malinis na tubigat damit para sa mga biktima.

Inabot ng mga operasyong re-lief ng Pulang hukbo ang pitong ba-yan kabilang ang Bulalacao at Ban-sud sa Oriental Mindoro at limangbayan sa Occidental Mindoro. SaQuezon, naglunsad ng mga opera-syong relief ang mga yunit ng Apo-lonio Mendoza Command sa 22 ba-yan at ilang bahagi ng lunsod ngLucena.

Ang mga makinaryang ito angsiyang nangangalap ng pondo atnakikipag-usap sa mga lokal nareaksyunaryong pamahalaan upangtugunan ang pangangailangan ngmga biktima ng mga bagyo. Tumu-long din ang Pulang hukbo sa pag-sasaayos ng mga bahay at tanimanng mga masa sa mga apektadongerya.

halaw sa Kalatas, Disyembre 2019

Page 5: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2019 5

nagbibitbit ng panawagan ng ma-mamayan at mga isyung pambayan.

Sa datos ng Karapatan, may ti-natayang 2,370 na tagapagtaguyodng karapatang-tao ang sinampahanng gawa-gawang kaso ng rehimenmula 2016 hanggang 2019, pinaka-mataas sa loob ng mahigit isangdekada. Bukod dito, may 293 nangbiktima ng pampulitikang pama-maslang, dagdag sa may 20,000nasawi sa ilalim ng "gera kontra-droga" ni Duterte. Hindi bababa sa540 ang mga bilanggong pulitikal.

Paglaban para sa karapatang-taoPinangunahan ng Karapatan at

mga tagapataguyod ng karapatang-tao at kapayapaan ang protesta saMaynila noong Disyembre 10, Pan-daigdigang Araw ng Karapatang-tao. Nagsimula ang martsa mula Li-wasang Bonifacio tungong Mendio-la, Maynila. Giit ng mga progresi-

Gamit ang Executive Order 70at Memorandum Order 32, lansa-kang nanalasa sa mamamayan angmga pwersa ng estado sa buongbansa, laluna sa mga rehiyon ngMindanao, at mga bayan sa Negros,Samar at Bicol. Ginamit ng AFP atPNP ang estilong-Tokhang sa mgapinapaslang na magsasaka at lider-masa, nagpapakalat ng disimpor-masyon at nakalalasong propagan-da sa mga paaralan, komunidad atsocial media. Kamakailan, nagpa-hayag si Sec. Delfin Lorenzana namaaari na umanong tanggalin angbatas militar sa Mindanao kapalitang pag-amyenda sa Human Secu-rity Act.

Ayon kay Tinay Palabay, pang-kalahatang kalihim ng Karapatan,sa halip na tugunan ang kanilangpagkukulang, mas abala ang rehi-meng Duterte sa pamamamaslangat pagpapatahimik sa sinumang

Krisis sa karapatang-tao

Pamamaslang, iligal na pag-aaresto, tortyur, Red-tagging—ilan lamang itosa mga kaso ng matinding paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehi-

meng Duterte. Sa ilalim ng batas militar sa Mindanao, walang pakundanganang paghahasik ng teror ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mgaparamilitar, gayundin ang PNP at mga death squad.

Sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang tao

bong grupo, may krisis sa karapa-tang-tao sa bansa.

Bago magtipon sa Liwasang Bo-nifacio, dumalo sa isang misa saSta. Cruz Church, Maynila ang mgakapamilya, tagasuporta ng mgabiktima ng paglabag sa karapatang-tao, kabilang na ang mga biktima ng"gera kontra-droga" ni Duterte.

Libu-libo ang nakiisa sa protes-ta, panawagan nila ang hustisya atmakatarungan at pangmatagalangkapayapaan. Kabilang sa programasa Mendiola ang pagsunog ng effigyna kanilang tinawag na "Halimaw saCauldron."

Sa Cagayan Valley, kinundenang Karapatan ang Joint CampaignPlan Kapanatagan at EO 70 ni Du-terte, anila, ang mga patakarangito ang nagbigay laya sa rehimen atmga alipures nito na magpataw ngde facto batas militar sa bansa.Nagkaroon din ng katulad na pro-testa sa Baguio City.

Sa Pangasinan, nagtipon angmga taong-simbahan sa AglipayCentral Theological Seminary saUrdaneta City. Sa kanilang misa, bi-

Planong pagtatayo ng kampo-militar sa Marawi, kinundena

Mariing kinundena ng Suara Bangsamoro ang planong pagtatayo ngbagong kampong militar sa Marawi City. Para sa grupo, ang planong

ito ay panibagong paglabag sa karapatan ng mamamayang Moro, matapospulbusin ng rehimeng Duterte ang syudad.

Sa kanilang pahayag noongDisyembre 17, binigyan ng grupo ngdiin na hindi hihilom sa dinanas ngmamamayang Maranao na pasakitang itatayong kampo. Lalo lamangnitong patitindihin ang kanilanggalit laban sa tiranikong gubyernona pumaslang sa libu-libongsibilyan, yumurak sa kanilang reli-hiyon at kultura at nagpalayas samamamayan ng Marawi.

Sa halip na tugunan ang hinaingng mamamayang Moro, nagpahayag

pa si Sec. Delfin Lorenzana na mag-padala na lamang ng mga imbesti-gador upang malaman ang 'tunay'na damdamin ng residente. Kungmapatunayan na tutol sila, magha-hanap na lamang umano sila ngibang lugar sa loob ng Marawi.

Samantala, nanawagan namanang Sandugo Movement of Moroand Indigenous Peoples for SelfDetermination na imbestigahan angmga kaso ng paglabag sa karap-atang-tao ng mga pwersa ng estado

mula nang maipatupad ang batasmilitar sa Mindanao. Ito ay mataposna ianunsyo ni Duterte na wala naumano itong plano na palawigin paang batas militar sa isla. Nakatak-dong matapos ito sa Disyembre 31,2019.

Sa tala ng mga grupo ng karap-atang-tao, mula nang maipataw angbatas militar, nadagdagan ng 162ang bilang ng ekstrahudisyal na pa-mamaslang, 704 kaso ng gawa-gawang kaso, 284 kaso ng arbi-traryong detensyon at pag-aresto,mahigit isang libong biktima ngpambobomba at sapilitang pagbak-wit ng mahigit kalahating milyonkatao.

"Krisis...," sundan sa pahina 5

Page 6: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

Disyembre 21 , 2019 ANG BAYAN6

ng rehimen. Naglunsad din ng koor-dinadong noise-barrage sa buong isla,kaisa ang mga simbahan sa Negros nanananawagan ng hustisya at pagwa-wakas ng pamamaslang sa isla. Nag-karoon din ng pagkilos sa DumagueteCity. Bago nito, naglunsad ng peacecaravan ang Philippine EcumenicalPeace Platform-Panay patungongBacolod City.

Sa Panay, pinangunahan ngPromotion of Church People's Res-ponse at BAYAN-Panay ang pro-testa ng mahigit 2,000 katao saSunburst Park, Iloilo. Nagkaroondin ng hiwalay na programa saAntique, Capiz at Aklan.

Sa kabila ng pandarahas ngpwersa ng PNP, daan-daang mag-sasaka at mag-aaral mula sa iba'tibang bayan ng Northern Samar angnagtipon sa Freedom Park, Catar-man. Nagsagawa rin ng katulad na

nigyang diin nila ang pagtatanggolsa buhay, kabuhayan at karapatan.Samantala, pinangunahan naman ngBayan-Camarines Sur ang paggunitasa ika-71 taon ng PandaigdigangAraw ng Karapatang Tao. Tampok saprograma ang panawagan para tu-gunan ang pangangailangan ng bik-tima ng bagyong Tisoy at hustisya sapagsalanta ng apat na taong tiraniyaat diktadura ni Duterte sa mama-mayang Bicolano. Nagkaroon din ngkatulad na programa sa Sorsogon,Masbate at Legazpi.

Sa Negros, lumahok ang 2,000 saprotesta sa Bacolod Public Plaza. Si-nunog dito ang isang effigy na nag-hahalintulad kay Duterte sa isangdemonyong Santa Klaus, bitbit anglistahan ng search warrant para samga ligal at progresibong organisa-syon na target ngayon ng crackdown

Ang mga datos na ito ay hango sa mga ulat ng Ang Bayan's (AB) hinggilsa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao na isinagawa ng mga ahenteng reaksyunaryong estado mula Enero hanggang Disyembre 21, 2019.

Basahin ang kabuuang taunang ulat ng AB hinggil sa sitwasyon ngkarapatang-tao (Dumadaluhong na terorismo ng estado sa ilalim ni Duterte)sa www.cpp.ph.

OceanaGold, muling binigo

ng mga residente

NANINDIGAN ANG MGA residenteng Didipio at ang lokal napamahalaan ng Nueva Vizcaya napigilan ang tangkang pagbalik saoperasyon ng OceanaGold Philippi-nes, Incorporated sa kabila ngkautusan ng Department of Interi-or and Local Government na alisinang kanilang mga tsekpoynt at ba-rikada.

Noong Disyembre 16, hinarangng Samahang Pangkarapatan ngKatutubong Magsasaka at Mangga-gawa Inc. ang trak ng OceanaGoldna maghahatid sana ng gasolinapara paganahing muli ang minahan.Nagsilbi namang gwardya ng trakng kumpanya ang tropa ng 21stManeuver Company ng RegionalMobile Force Battalion.

Ikalawang pagtatangka na itong OceanaGold na magpasok ngmateryales sa minahan. NoongOktubre 10, sinubukan ding puma-sok ng isa sa mga kontraktor ngkumpanya subalit pinigilan ng ma-mamayan.

protesta sa Tacloban City.Tinawag naman ng Karapatan-

SMR na "Biyaheng Du30 PasistaExpress" ang bitbit nilang effigy nasimbolo ng pagsagasa ng rehimensa karapatang-tao, partikular ngmga taga-Mindanao gamit angkanyang mga instrumento ng pa-sismo at paggamit ng mga bataslaban sa mamamayan. Kabilang satampok na kaso sa prubinsya angpagdukot sa dating upisyal ngKarapatan na si Honey May Suazo,pagsasampa ng gawa-gawang ka-so, pagpapasara ng mga paaralangLumad, pamamaslang at sapilitangpagpapasurender sa mga sibilyanat lider masa. Isinagawa ang pro-testa sa Freedom Park, Davao City.Nagkaroon din ng katulad na pro-testa sa Tandag City, Surigao delSur at Butuan City, Agusan delNorte.

"Krisis...," mula sa pahina 4

Page 7: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2019 7

Mag-amang magsasaka, pinataysa Compostela Valley

Walang-awang pinatay ng mga ahente ng estado ang mag-amang sinaPaterno Caso Sr., 71, at kanyang anak na si Dino, 35, noong Disye-

mbre 12 sa Laak, Compostela Valley. Hinarang ang mag-ama ng tatlong ar-madong lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa Barangay Kapatagan ban-dang alas-5 ng umaga. Kasama ng mga biktima ang dalawa pang lalaking ka-patid ni Dino na noo'y papunta sa kanilang sakahan.

Nagtangkang tumakas ang apatngunit inabutan ng mga salarin angmay-edad nang si Paterno at angmay kapansanan na si Dino. Nangbalikan ng mga nakaligtas na kapa-tid ang lugar kasama ang mga upi-syal ng barangay, natagpuan angmga bangkay ng mag-ama na maymga tama ng bala at may palatan-daan ng pagpapahirap.

Nakita naman ang mga motor-siklo ng mga salarin sa kampo ngmga sundalo malapit sa lugar. AngCompostela Valley ay saklaw ngoperasyon ng 1001st IBde sa ilalimni Col. John Oberio.

Panununog. Mga tauhan din niCol. Oberio ang nasa likod ng panu-nunog sa istasyon ng radyong 99.9RP-FM sa Mawab, Compostela Val-ley noong gabi ng Disyembre 11.Dumating bandang alas-6 ang da-lawang lalaking sakay ng motorsikloat sinilaban ang gusaling kinalalag-yan ng mga kasangkapang pam-brodkas. Kabilang dito ang radiotransmitter, automatic voltage re-gulator at mga kawad ng kuryente.Tinatayang aabot sa P1 milyon angsinira ng mga salarin.

Ayon sa National Union ofJournalists of the Philippines, bagoang panununog, tinangkang patayinang tagapamahala ng istasyon na siPat Lucero noong Oktube 11.

Sa Samar, binuntutan ng mganakasibilyang sundalo si FrenchieCumpio ng Eastern Vista, isang al-ternatibong pahayagan, noong Di-syembre 13.

Iligal na pag-aresto. Matapostaniman ng baril at pasabog, iligal nainaresto ng mga sundalo ng 86th IBsi Jan-Jan Cerios, 19, isang magsa-saka sa Isabela. Inaresto siya nangwalang mandamyento sa Sityo Bi-

Trump, isinakdal ng mababang kapulungan ng US

ISINAKDAL (impeach) NG US House of Representatives si US Pres. Do-nald Trump nitong Disyembre 19 dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan.Matapos ang ilang linggong imbestigasyon, bumoto ang mayorya ngmga kinatawan pabor sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnayng pag-udyok niya sa Ukraine na imbestigahan ang kanyang posiblengmakatunggali sa eleksyong 2020 na si dating Vice Pres. Joe Biden ngDemocratic Party.

Kinasuhan din si Trump ng obstruction of justice dahil sa direk-tang pag-utos niya sa mga upisyal ng kanyang pamahalaan na huwaglumahok sa imbestigasyon ng kongreso hinggil sa impeachment.

Isasampa at didinggin ang kaso laban kay Trump sa US Senate.Para mapatalsik si Trump, kinakailangang bumoto ang dalawang-kat-lo (2/3) ng mga senador laban sa kanya. Inaasahang hindi uusad saUS Senate ang kaso laban kay Trump dahil dominado ito ng mga Re-publican na kapartido ni Trump (53 sa 100 Senador ay Republican, 45ang Democrat, at dalawang independent).

Si Trump na ang ikatlong presidente ng US na na-impeach saHouse of Representatives.

nalla, Barangay San Carlos, Echa-gue noong Disyembre 15 at dala-wang araw na inilihim ng 86th IB.Nang ipinrisinta sa publiko noongDisyembre 17, pinalabas ng militarna myembro siya ng BHB at ikinu-long sa Echague Municipal PoliceStation.

Sa Negros Oriental, iligal dinginaresto ng mga sundalo ng 94th IBat PNP-Negros Oriental si Joven Pa-sibo noong Disyembre 15, alas-6 ngumaga sa Sityo Cambawgon, Guihul-ngan City. Dinala siya sa GuihulnganPolice Station at pinagbantaang hin-di palalayain kung hindi "susuren-der" ang kanyang ama na isang ak-tibong lider magsasaka.

Iligal ding inaresto ng PNPSpecial Action Force (SAF) at 63rdIB ang magsasakang si ChristopherMabag sa kanyang bahay sa SityoBagti, Barangay Mabini, Basey, Sa-

mar noong Disyembre 10. Tulad ngibang kaso, tinaniman din ng ebi-densyang mga baril at pasabog angbahay ng biktima.

Dahil sa takot sa operasyongmilitar, napilitang lumikas ang lahatng mga residente ng sityo tungongsentro ng barangay noong Disye-mbre 10. Mula pa noong Nobyembre3 nililigalig na ng 63rd IB at SAFang komunidad.

Lumikas din ang mga residenteng Sityo Dumasilag, Barangay Sta.Filomena, Quezon, Bukidnon noongDisyembre 2 dahil sa pagbabantang kumander ng 88th IB na si Lt.Col. Franklin Fabic na bobombahinnila ang komunidad kung hindi su-surender ang mga residente bilangmga myembro at tagasuporta ngBHB.

Dumulog sa lokal na pamahala-an ang mga biktima ngunit tinang-gihan sila ni Gob. Jose Maria Zubiri.Hindi bababa sa 113 residente, ka-bilang ang 35 bata, ang pansaman-talang nakikituloy sa simbahan ngIglesia Filipina Independiente sasentrong bayan ng Kitaotao.

Page 8: Communist Party of the Philippines · 2020-02-19 · sira-sirang pasilidad na ilang deka-dang pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya. ... luhong kagamitan na pawang mula sa pagnanakaw

Disyembre 21 , 2019 ANG BAYAN8

Krisis sa galunggong,isinasangkalan para sa liberalisasyon

Muling isinangkalan ng rehimeng US-Duterte ang kakulangan sa suplay nggalunggong at kaalinsabay na pagsirit ng presyo nito para itulak ang to-

dong liberalisasyon sa pag-aangkat ng nasabing produkto.Ang galunggong ay itinuturing

na isa sa mga batayang pagkain ngmga Pilipino dahil sa murang presyonito. Tinagurian itong isda ng mahi-rap. Noong ikalawang linggo ng Di-syembre, tumaas nang higit tripleang presyo nito mula sa abrereydsna P100/kilo tungong P300/kilo(P380/kilo sa Metro Manila). Ito aydahil umano bumagsak ang dami nghuli ng galunggong dulot ng bagyongTisoy noong unang linggo ng Disye-mbre. Pero bago pa nito, may pagliitna ng huling galunggong bunsod ngsobrang pangingisda ng malalakinglokal at dayuhang pangisdang ko-mersyal. Mula sa 300,000 metrikotonelada o MT noong 2008, bumag-sak ang kabuuang produksyon nggalunggong tungong 170,000 MTnoong 2018.

Imbis na ipagbawal ang mapan-dambong na operasyon ng mga pa-ngisdang komersyal, nagpatupad angrehimen ng kontra-mahirap na tat-long-buwan na "fishing ban" (o pag-babawal sa pangingisda) sa Palawanna gumipit sa maliliit na mangingis-da. Ang nasabing prubinsya ang pi-nagmumulan ng 90% ng suplay nggalunggong ng Metro Manila. Sa ka-bila ng pagbabawal, nagpatuloy angmalawakang operasyon ng mga pa-ngisdang komersyal sa mga bahaging dagat na tinakdang bawal pa-ngisdaan.

Sinadya ng rehimen na higitpang pasidhiin ang krisis na ito parabigyan-katwiran ang pagtanggal samga restriksyon sa pag-aangkat nggalunggong. Pangunahing aangkatinito mula sa China at Vietnam.

Pakanang neoliberalAng pakanang ito ay bahagi ng

neoliberal na mga repormang patu-loy na ipinapataw ng World TradeOrganization (WTO) sa Pilipinas sa

bisa ng Agreement on Agriculture(AOA). Layunin ng mga repormangito na wasakin ang kakayanan ngbansa sa lokal na produksyon ng mgaproduktong agrikultural, kabilangang galunggong. Inilusot ito pagka-tapos ng pagsasabatas ng liberali-sasyon sa pag-aangkat ng bigas. La-yunin umano nito na pababain angpresyo ng galunggong sa lokal napamilihan.

Subalit gaya ng nangyari sa pa-ngako ng rehimen nang ipatupad nitoang todong pag-aangkat ng bigas,tiyak na walang ibang idudulot angpakanang ito kundi ang pagpatay salokal na industriya ng galunggong.Ang pagbaha ng inangkat na ga-lunggong sa lokal na pamilihan aytiyak na magreresulta sa pagkaluging lokal na mga mangingisda at ka-launa'y pagsirit ng presyo nito. Ma-tatandaang una nang inamyendahanng rehimen ang Fisheries Admi-nistrative Order 195 noong ikatlongkwarto ng 2018 matapos na pumalosa P200/kilo ang presyo ng galung-gong. Pinahintulutan nito ang pag-aangkat ng 45,000 MT maliliit na is-da, kabilang ang galunggong. MulaSetyembre hanggang Disyembre2018, nag-angkat ang bansa ng hindibababa sa 17,000 MT galunggong.

Ngayon pa lamang ay iniinda nang mga mangingisda ang pambaba-rat sa kanila ng mga negosyante.Bagamat napakalaki ng itinaas ngpresyo ng galunggong sa lokal napamilihan, nananatiling P50/kilo angabereyds na presyo nito kapag bini-bili sa kanila ng mga komersyante.Dagdag dito, pasan-pasan din ngmga mangingisda ang kawalan ngsapat na kagamitang pangisda.Imbis na maglaan ng sapat na sub-sidyo para sa subsektor, higit pangbinabaon ng reaksyunaryong estadoang mga mangingisda sa kahirapansa pamamagitan ng mga pautang namay napakataas na interes.

Sa harap ng pananalasa ng pa-kanang ito sa kanilang kabuhayan,nanawagan ang Pamalakaya sa pub-liko na iboykot ang imported na mgagalunggong na binansagan nitong"fishona non-grata" (isdang hinditanggap). Binatikos din ng NationalFederation of Peasant Women(Amihan) ang walang kahabag-ha-bag na pahayag ni Sen. Cynthia Vil-lar, tagapangulo ng Komite sa Agri-kultura ng Senado, na "kumain nalang ng gulay kung hindi kayang bu-mili ng isda." Anila, "imbis na tugu-nan ang umano'y kakulangan sasuplay ng galunggong at pagsirit ngpresyo nito, inuna pa ni Villar namaglabas ng iresponsableng paha-yag."