Code ng Pagkilos at Etika sa Negosyo - NAVEX Global's ... · PDF filepinapahintulutang paglalahad ng impormasyon ng Kumpanya sa pamamagitan ng mga chat room ... Kabilang ang halimbawa

  • Upload
    vocong

  • View
    349

  • Download
    92

Embed Size (px)

Citation preview

  • Code ng Pagkilos at Etika sa Negosyo

    Global Compliance Office

  • Manulife Financial Code ng Pagkilos at Etika sa Negosyo

    Binago noong Pebrero 2014

    2

  • Talaan ng Mga Nilalaman PANGKALAHATANG-IDEYA ................................................................................................... 5 I- Bakit Mahalaga ang Etika ........................................................................................................ 7

    Paano kung may lumabag sa Code na ito?.................................................................................. 8 Saan hihingi ng tulong ................................................................................................................ 8 Saan hihingi ng tulong - Pag-uulat ng Mga Reklamo/Alalahanin sa Accounting at Pag-audit .............................................................................................................. 9 Maikling pagsusulit sa etika...................................................................................................... 10

    II- Mabuhay sa Mga Pagpapahalaga ng Manulife Financial .................................................. 11 Professionalism (PAGIGING PROPESYUNAL) .................................................................... 11 Tunay na halaga sa ating mga customer ................................................................................... 11 Integridad .................................................................................................................................. 11 Subok na tatag ng negosyo ....................................................................................................... 11 Pinipiling employer ................................................................................................................... 11

    III- Etika sa Lugar na Pinagtatrabahuhan .............................................................................. 12 Gantimpalaan ang mahusay na pagganap at kakayahan ........................................................... 12 Irespeto ang iba ......................................................................................................................... 12 Panatilihing ligtas ang iyong lugar na pinagtatrabahuhan ........................................................ 12 Panatilihin ang seguridad ng iyong lugar na pinagtatrabahuhan .............................................. 12 Palaging kumilos sa propesyunal na paraan ............................................................................. 13

    IV- Etika sa Iyong Mga Ugnayan sa Negosyo .......................................................................... 14 PROTEKTAHAN AT PAGANDAHIN ANG REPUTASYON NG KUMPANYA ............... 14 Tratuhin ang iba nang tapat at patas ......................................................................................... 14 Sumunod sa mga lokal na batas ................................................................................................ 15 Mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa pamahalaan at pulitika ................................................ 15 Magbahagi ng impormasyon sa mga grupo ng industriya AT IBA PA sa responsableng paraan ................................................................................................................. 16 Iparating ang mga tanong ng media sa mga departamento ng komunikasyon ......................... 17 Pumili ng mga supplier sa patas na paraan ............................................................................... 17

    V- Mga Salungatan ng Interes ................................................................................................... 18 Makipagtransaksyon sa mga supplier at iba pang mga counterparty nang walang personal na interes ........................................................................................................ 18 Ipinagbabawal ang panunuhol at mga kickback ....................................................................... 19 Mag-ingat pagdating sa mga regalo .......................................................................................... 19 Mag-ingat pagdating sa mga personal na benepisyo ................................................................ 20 Sundin ang patakaran ng kumpanya tungkol sa pagtanggap ng mga kamag-anak sa trabaho .............................................................................................................. 20 Mamuhunan sa etikal na paraan ................................................................................................ 20 Ang pagtatrabaho para sa mga kakumpitensya ay maaring makasama sa kumpanya .............. 22

    3

  • Mag-ingat sa pagtanggap ng mga panlabas na posisyon .......................................................... 22 Protektahan ang Mga Oportunidad ng Kumpanya.................................................................... 22 Protektahan ang pangalan REPUTASYON at mga asset ng Kumpanya ................................. 22

    VI - Paghawak sa Impormasyon ............................................................................................... 24 Protektahan ang Personal at kumpidensyal na impormasyon ................................................... 24 Sundin ang mga kinakailangan sa paglalahad .......................................................................... 25 Irespeto ang mga naka-copyright na materyal .......................................................................... 25 Magpanatili ng mga kumpleto at tumpak na talaan .................................................................. 25 GUMAMIT NG MGA SYSTEM AT SERBISYO NG KOMUNIKASYON PARA SA NEGOSYO .............................................................................................................. 26

    VII- Etika at ang Batas ............................................................................................................... 28 Alamin at sundin ang batas ....................................................................................................... 28 Pangasiwaan ang mga asset sa tamang paraan ......................................................................... 28 Tukuyin at iulat ang panloloko at pagnanakaw ........................................................................ 28 PAG-UULAT NG ANUMANG ILEGAL O HINDI ETIKAL NA PAGKILOS .................... 29

    VIII- Isang Pinal na Pahayag .................................................................................................... 30 Iba pang mga patakaran ............................................................................................................ 30

    Certification sa Code ng Pagkilos at Etika sa Negosyo at Pahayag sa Paglalahad ng Salungatan ng Interes................................................................................. 33

    4

  • PANGKALAHATANG-IDEYA Binibigyang-diin ng Code ng Pagkilos at Etika sa Negosyo ng Manulife Financial (ang Code) ang pagtuon ng Kumpanya sa etikal na pagkilos at ang nakagawian nitong pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas at pag-iwas sa mga potensyal o aktwal na salungatan ng interes. Dapat ay maging lubos tayong pamilyar sa mga probisyon nito at kumilos alinsunod sa iniaatas at diwa ng Code. Dahil matagal nang nakatuon ang Manulife sa pinakamatataas na pamantayan ng pagkilos sa negosyo, mayroon itong hindi matatawarang reputasyon pagdating sa integridad at pagiging tapat. Ang reputasyong ito ay isa sa ating pinakamahahalagang asset at dapat natin itong protektahan. Ginawa ang Code upang makapagbigay ng gabay na batay sa prinsipyo para sa ating pang-araw-araw na pagkilos sa trabaho. Hindi ito ginawa upang ipunin ang lahat ng panuntunan, kasama na ang lahat ng patakaran ng Manulife policies na namamahala sa ating pagkilos, bagama't may isinamang mga partikular na probisyon upang makatulong na maglarawan ng ilang partikular na prinsipyo o kung saan kailangan upang matugunan ang mga karaniwang pangangailangan sa pamamahala. Para sa mga layunin ng Code na ito, ang ibig sabihin ng Kumpanya ay ang Manulife Financial Corporation at ang mga subsidiary at kinokontrol na affiliate nito. Nakaayos ang Code sa walong pangunahing seksyon:

    I. Bakit Mahalaga ang Etika Ipinapaliwanag ng seksyong ito ang layunin ng Code, kung saan ito gagamitin at ang paraan ng pangangasiwa ng mga partikular na tanong at alalahanin sa ilalim ng Code, kasama na ang mga iyon na nauugnay sa mga usapin sa accounting at pag-audit.

    II. Pagsunod sa Mga Pagpapahalaga ng Manulife Financial Inililista ng seksyong ito ang mga pangkumpanyang pagpapahalaga ng Manulife. Dahil ginagabayan ng mga pagpapahalagang ito ang bawat aspeto ng mga pagpapatakbo ng Kumpanya, obligasyon ng bawat indibidwal na saklaw ng Code na ito na maging pamilyar sa, at bantayan, ang pagpapatupad ng Code sa ating mga pang-araw-araw na pagpapatakbo.

    III. Etika sa Lugar na Pinagtatrabahuhan Ipinapaliwanag ang mga prinsipyo ng pagiging patas, pagiging propesyunal at kaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan sa seksyong ito.

    IV. Etika sa Iyong Mga Ugnayan sa Negosyo Ang mahahalagang isyu na tinatalakay sa seksyong ito ay kinabibilangan ng pagiging patas at katapatan sa ating mga pakikipag-ugnayan sa mga customer, pagsunod sa mga naaangkop na batas at mga espesyal na alalahaning maaaring magmula sa pagbibigay ng mga regalo o iba pang mamahaling bagay sa mga opisyal ng pamahalaan. Dagdag pa rito, tinatalakay din ang mga isyu sa lobbying at pagpopondo ng kampanya, ilang partikular na alalahanin sa antitrust at ang paraan ng pangangasiwa sa mga tanong ng media.

    5

  • V. Mga Salungatan ng Interes Ang isa sa mga pangunahing isyu na tinatalakay sa Code ay kung paano maiwasan ang mga salungatan ng interes. Tinatalakay ng seksyong ito ang mga salungatang maaaring magmula sa iba't ibang