Buwan Ng Wika 2013-2014

Embed Size (px)

Citation preview

Republic of the Philippines

Department of Education

Region IV - A CALABARZON

Division of Batangas City

Batangas City New District

Pallocan East Elementary School

Batangas City

ULAT SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

Ano nga ba ang Wikang Pambansa? Naisip nyo ba kung gaano ito kalahaga sa atin. Ang Wikang Pambansa ay mahalaga sa kadahilanang ito ang wikang sumasailalim sa ating pagka-Pilipino. Kung wala tayong Wikang Pambansa ay hindi tayo makikilala sa ibat-ibang panig ng mundo dahil ang wika ang siyang kaluluwa ng isang bansa.At bilang pakikiisa sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31, na may temang Wika Natin ang Daang Matuwid, ang Paaralang Elementarya ng Pallocan Silangan ay nagsagawa ng mga lingguhang gawain batay sa pangkalahatang tema ng pagdiriwang.

Agosto 1-7 Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at KapayapaanTinalakay sa bawat baitang sa pangunguna ng mga guro kung paano maisasapuso ang Pambansang Awit. Nagbahagi rin ang ilang mag-aaral ng kanilang mga karanasan gamit ang wikang Filipino sa pagtatamo ng katarungan at kapayapaan

Agosto 8-14 Ang Wika Natin ay Laban sa KatiwalianAng ikalawang linggo ng pagdiriwang ay nagganyak sa mga mag-aaral at guro upang maisapuso ang Panunumpa sa Watawat. Isinagawa rin ang patimpalak sa tagisan ng galing sa pagsulat ng islogan at sanaysay hinggil sa paksang patungkol sa paglaban sa katiwalian.

Agosto 15-21 Ang Wika Natin ay Sandata sa KahirapanSa ikatlong linggo ay pinagtuunan ng pansin ang pagsasapuso ng Diwa ng Kalayaan. Nagdaos rin ng patimpalak sa pagguhit ng poster at nagkaroon ng isang timpalak sa talumpatian ayon sa paksa. Masiglang nakilahok ang mga mag-aaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.

Agosto 22-28 Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo at Sustenidong KaunlaranPara naman sa ikaapat na linggo, tinalakay sa bawat baitang ang kultura at mga tradisyong Pilipino na nagpapalutang at nagpapatanyag ng ating lahi. Ganundin ang pagtatala ng mga salitang Batangueo na nagpapakilala ng kultura ng ating lungsod.

Agosto 29-31 Ang Wika Natin ay Wika ng Pangangalaga ng KapaligiranAt sa huling linggo isinapuso ang Diwa ng Pagmamahal sa Panginoon at Kapaligiran. Nagtanghal din ang paaralan ng maikling palatuntunan para sa Buwan ng Wika.

Ang mga bata mula kindergarten hanggang ikaanim na baitang ay naghanda ng kani-kanilang bilang. Nagpakitang- gilas ang mga mag-aaral sa pagtula, pag-awit, akrostik at sabayang pagbigkas. Nang araw ding iyon ay kinilala ang mga batang nagwagi sa pagsulat ng sanaysay at islogan, pagguhit ng poster at timpalak sa talumpatian. Isang mensahe naman ang ibinigay ng aming butihing pangulong guro, Gng. Mylene A. Collera sa mga mag-aaral. Binigyan diin niya na pahalagahan ang wika, sapagkat dahil sa wika nagkaroon ng unawaan at kapayapaan sa ating mundo. Ganundin, ang pagbubukas sa isipan ng mga mag-aaral na pasalamatan si Manuel L. Quezon dahil siya ang nagsulong na gumamit na lang ng isang wika ang ating bansa ng sa gayon ay mapadali ang pagkakaintindihan ng bawat mamamayang Pilipino.Naging matagumpay ang palatutunan sa pagkakaisa ng mga namumuno sa paaralan, mga mag-aaral at mga magulang na dumalo sa pagdiriwang.

Inilahad ni:

REYLEN A. MADERAZO

Nilagdaan:

MYLENE A. COLLERA Pangulong-guro

Gng. Mylene A. Collera, Pangulong Guro sa PEES habang nagbibigay mensahe sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng wika sa sambayanang Pilipino.

AMEN . Isang panalangin mula kay Julliene Mae A. Candava, mag-aaral sa ikaanim na baitang.

HANDA. Mga mag-aaral sa PEES habang inaawit ang Lupang Hinirang sa pagkukumpas ni Gng. Maricel E. Manalo, guro sa ikaapat na baitang.

GALING. Ipinakikita ng magkapatid ang kanilang talento sa pag-awit ng Mga Kababayan Ko habang ipiagdiriwang ang Buwan ng Wika.

SALAMAT PO. Tinatanggap ng mga bata ang kanilang sertipiko sa pagkakapanalo sa pagsulat ng sanaysay, islogan at pagguhit ng poster.

PAKITANG GILAS. Ang mga mag-aaral sa ikaapat at ikaanim na baitang habang tumutula.

WIKA. Mga mag-aaral sa unang baitang habang isinasagawa ang kanilang akrostik.

AKO AY PILIPINO. Isang sabayang pag-awit ang ipinamamalas ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang.