25
Sistema ng Proteksyon at Pagtataguyod sa California Libreng Tawag (800) 776-5746 Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estudyanteng may mga Kapansanan Pebrero 2016, Lat #5512.08

Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Sistema ng Proteksyon at Pagtataguyod sa CaliforniaLibreng Tawag (800) 776-5746

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estudyanteng

may mga KapansananPebrero 2016, Lat #5512.08

Mga Madalas na Katanungan

Ang pang-aapi ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa mga estudyanteng may mga kapansanan, na madalas ay patamaan ng pang-aapi. Tinatalakay ng paglalathalang ito ang mga mga legal na obligasyon ng distrito ng paaralan sa ilalim ng batas Pederal at ng California upang matugunan at maiwasan ang pang-aapi at panliligalig sa kapansanan ng mga estudyanteng may mga kapansanan. Tinutukoy din ng paglalathalang ito ang mga posibleng estratehiya upang matugunan ang pang-aapi sa pamamagitan ng prosesong Isinariling Plano ng Edukasyon (IEP, Individualized Education Plan) at ibang mga pamamaraan.

1) Ano ang pang-aapi?

Ang pang-aapi ay kumbinasyon ng hindi balanseng kapangyarihan, layuning magsanhi ng pinsala, at pag-uulit. 1 Nangyayari ang pang-aapi sa maraming paraan:

- Pang-aapi sa salita: panunuya, panunukso, pagtawag ng pangalan, at pagbabanta;

- Pang-aaping pisikal: pamamalo, paninisod, pananadyak, pandudura, at panunulak;

- Pang-aaping panlipunan: pagkakalat ng usap-usapin, pagmamanipula ng panlipunang mga relasyon, panghihingi ng pera o ari-arian, o pananakot; at

1 http://www.stopbullying.gov/ “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 2: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

- Pang-aapi sa elektronikong paraan: elektronikong mga gawain kabilang ang paggamit ng pagtetext, mga website ng social media tulad ng Facebook o YouTube, at email upang ipahiya ang mga patamaan.

Itinakda ng batas ng California ang pang-aapi bilang “anumang malubha o laganap na pisikal o berbal na mga kilos o pag-uugali” na ginawa ng (mga) estudyante tungo sa (mga) estudyante. 2 Maaaring kasama sa mga kilos o pag-uugali ng pang-aapi ang nakasulat na komunikasyon, mga gawaing elektroniko, sekswal na panliligalig, karahasang sanhi ng galit, panliligalig, mga banta, at pananakot. 3 Para maging pang-aapi ang isang kilos, ang mga kilos na ito ay magiging sanhi ng, o maaaring makatwirang mahuhulaan na magreresulta sa:

- Takot sa pisikal na pinsala o pinsala sa ari-arian- Nakapipinsalang epekto sa pisikal o mental na kalusugan- Pagpigil sa pang-akademiyang pagganap- Paghadlang sa pakikilahok sa at pakinabang mula sa mga gawain,

serbisyo at pribilehiyo 4 sa paaralan.

2) Ano ang panliligalig sa kapansanan?

Isinaad ng Opisina ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education Office of Civil Rights) na ang panliligalig sa kapansanan ay isang pag-uugali na naglilikha ng mapoot na kapaligiran na naghahadlang sa mga taong may mga kapansanan na makilahok sa o makinabang mula sa mga gawain o serbisyo 5 ng paaralan. Ang panliligalig ay maaaring pisikal o berbal na pang-aabuso at pananakot. Di gaya ng pang-aapi, maaaring kasama sa panliligalig sa kapansanan ang pag-uugali na hindi nakatungo sa partikular na patamaan, hindi nauudyok ng layuning magsanhi ng pinsala, at nagsasangkot ng magkakahiwalay na insidente. 6

2 Kodigo ng Edukasyon ng California (California Education Code) mga Sek. 32261(f), 48900(r)(1) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”3 Kodigo ng Edukasyon ng California mga Sek. 48900(r)(1), 48900.2, 48900.3, 48900.4. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”4 Kodigo ng Edukason ng California mga Sek. 32261(f), 48900(r)(1). “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”5 http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201010.pdf “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”6 http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201010.pdf “ Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

2

Page 3: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Gayunpaman, ang pang-aapi ay maaaring maging panliligalig sa kapansanan kung ang pang-aapi ay batay sa kapansanan at/o pinapatamaan ang mga taong may mga kapansanan. Ang panliligalig sa kapansanan ay maaaring gawin ng mga estudyante at kaedaran, at pati ng mga empleyado ng paaralan, gaya ng mga guro at tagapangasiwa. 7

3) Anong mga batas ang namamahala sa pang-aapi at panliligalig sa kapansanan sa paaralan?

Mga batas sa pang-aapi, panliligalig sa kapansanan, at laban sa diskriminasyon

Sa ilalim ng pederal na batas, ipinagbabawal ng Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973 (Rehabilitation Act of 1973) at ng Batas sa mga Amerikanong may mga Kapansanan ng 1990 (Americans with Disabilities Act of 1990) ang diskriminisyon batay sa kapansanan ng mga distrito ng paaralan na tumatanggap ng mga pederal na pondo at ng mga entidad ng pamahalaan. Ang pang-aapi at panliligalig sa kapansanan ay maaaring isang anyo ng diskriminasyon batay sa kapansanan. Isinaad ng Opisina ng mga Karapatang Sibil ng Kagawarang ng Edukasyon ng Estados Unidos na ang panliligalig sa kapansanan ay isang anyo ng diskriminasyon na lumalabag sa Seksyong 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973 at Titulo II ng Batas sa mga Amerikanong may mga Kapansanan. 8

Ipinagbabawal din ng batas ng California ang diskriminasyon batay sa kapansanan sa mga paaralan. 9 Lahat ng mag-aaral ay may karapatang ganap na lumahok sa pamamaraang pang-edukasyon, malaya sa diskriminasyon at panliligalig. Ang mga pampublikong paaralan ng California ay may malinaw na obligasyon na labanan ang kapootang panlahi, pagkiling batay sa kasarian, at ibang pang mga anyo ng pagkiling, at responsibilidad na magbigay ng pantay na pagkakataon sa edukasyon. Ang panliligalig sa bakuran ng paaralan tungo sa isang indibidwal batay sa personal na mga katangian o katayuan ay naglilikha ng mapoot na kapaligiran at inilalagay sa panganib ang pantay na pagkakataon sa edukasyon na ginarantiya ng Saligang-Batas ng California (California

7 http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/docs/disabharassltr.html “ Bumalik sa Pangunahing Dokumento”8 http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/docs/disabharassltr.html “ Bumalik sa Pangunahing Dokumento”9 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 220. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

3

Page 4: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Constitution) at ng Saligang-Batas 10 ng Estado Unidos (United States Constitution).

Ang isang paaralan ay may abiso ng panliligalig kung alam ng isang responsableng empleyado, gaya ng isang guro o tagapangasiwa, ang tungkol sa pag-uugaling nanliligalig o may alam tungkol dito kung sila ay makatwirang kumilos. Ang mga distrito ng paaralan ay may obligasyon na tugunan ang alam nilang panliligalig na nagdidiskrimina, o makatwirang dapat alam ito. 11

Pang-aapi at mga Batas sa Edukasyon para sa mga Indibidwal na may mga Kapansanan

Dagdag pa rito, sa ilalim ng Batas sa Edukasyon para sa mga Indibidwal na may mga Kapansanan (IDEA, Individuals with Disabilities Education Act), may responsibilidad ang mga distrito ng paaralan na magbigay ng libre at angkop na edukasyon (FAPE, free and appropriate public education) sa mga estudyanteng may mga kapansanan na karapat-dapat para sa espesyal na edukasyon. Isinaad ng Opisina ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos na ang panliligalig sa kapansanan ay maaaring pababain ang kakayahan ng mga estudyanteng may mga kapansanan na makinabang mula sa pampublikong edukasyon at magkait sa kanila ng kanilang karapatan sa FAPE. 12

4) Ano ang mga responsibilidad ng distrito ng paaralan kaugnay sa pagtugon sa pang-aapi at panliligalig sa kapansanan sa paaralan?

Mapoot na kapaligiran ng pag-aaral

Ang mga distrito ng paaralan ay maaaring lumabag sa pederal na batas kung ang panliligalig sa kaedaran ay batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, o kapansanan ay sapat na malubha na naglilikha ito

10 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 201(a)-(c). “ Bumalik sa Pangunahing Dokumento”11 Tingnan ang talababa 9, http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201010.pdf “ Bumalik sa Pangunahing Dokumento”12 http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/docs/disabharassltr.html “ Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

4

Page 5: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

ng mapoot na kapaligiran at ang panliligalig na ito ay hinikayat, pinahintulutan, hindi inaksyunan nang wasto, o pinabayaan ng mga empleyado 13 ng paaralan. Ipinahayag ng ilang korte na ang malubha at laganap na panliligalig batay sa kapansanan ay maaaring maglikha ng isang mapoot na kapaligiran ng pag-aaral na lumalabag sa Batas sa mga Amerikanong may mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) at Seksyon 504 ng Batas 14 sa Rehabilitasyon. Lumilikha ng mapoot na kapaligiran ang panliligalig kung ang pag-uugali ay sapat na malubha, laganap, o nagpapatuloy kung saan ito ay nakagagambala o pumipigil sa kakayahan ng isang estudyante na makilahok sa o makinabang mula sa mga serbisyo, gawain, o pagkakataon na inaalok ng paaralan.

Disiplina

Sa ilalim ng batas ng California, maaaring pahintuin o patalsikin ang mga estudyante kung sila ay lumalahok sa pang-aapi. Kasama dito ang cyberbullying. 15

Maaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro ng paaralan na ang estudyante ay kusang lumahok sa panliligalig, pagbabanta o pananakot "na sapat na malubha o laganap upang ang aktwal at makatwirang inaasahang epekto ng makabuluhang paggambala sa gawaing klase, paglikha ng malaking kaguluhan, at panghimasok sa mga karapatan ng kahit alin sa mga empleyado ng paaralan o mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglikha ng nakakatakot o mapoot na kapaligiran 16 ng pag-aaral.”

13 34 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon (C.F.R., Code of Federal Regulations) mga bahagi 100, 104, at 106. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”14 Tingnan, Guckenberger v. Boston University, 957 F. Supp. 306, 314 (D. Mass. 1997); Pell v. the Trustees of Columbia University, 1998 U.S. Dist. Lexis 407, 56 (S.D.N.Y. 1998, Southern District of New York); at Rick C. v. Lodi School District, 32, Ulat sa Batas sa Edukasyon para sa mga Indibidwal na May mga Kapansanan (Individuals with Disabilities Education Law Report), 232. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”15 Kodigo ng Edukasyong ng California Sek. 48900. ”Bumalik sa Pangunahing Dokumento” 16 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 48900.4. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

5

Page 6: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Patakaran laban sa pang-aapi

Inaatasan ng batas ng California ang mga distrito ng paaralan na magpatibay ng mga patakaran na nagbabawal sa diskriminasyon, panliligalig, pananakot, at pang-aapi sa paaralan. 17 Dapat magpatibay din ang distrito ng paaralan ng proseso ng pagdaing para sa pagtanggap at pag-imbestiga ng mga pagdaing sa diskriminasyon, panliligalig, pananakot, at pang-aapi. 18 Dapat magtatag ang distrito ng paaralan ng haba ng oras sa pag-imbestiga at paglutas ng mga pagdaing. 19 Ibinibigay din dapat ng patakaran ang proseso ng pag-apela, kung sakaling hindi sang-ayon ang mga magulang sa pasya ng distrito ng paaralan sa isang pagdaing. 20

Kailangang siguruhin ng mga distrito na ang mga taong nagsusumbong ng diskriminasyon, panliligalig, pananakot, at pang-aapi sa paaralan ay protektado mula sa pagganti at ang kanilang pagkakakilanlan ay napapanatiling kumpidensyal, kung naaangkop. 21 Inaatasan din ang mga distrito na isama sa kanilang pamamaraan sa pagdaing na ang kawani ng paaralan ay gumawa ng agarang mga hakbang upang mamagitan, kung nasaksihan nila ang isang kilos ng diskriminasyon, panliligalig, pananakot, o pang-aapi, kung ito ay ligtas na gawin. 22

Maaari kang humiling ng kopya ng patakaran at proseso ng pagdaing ng iyong distrito ng paaralan sa diskriminasyon, panliligalig, pananakot at pang-aapi; ang impormasyong ito ay dapat na makukuha sa iyong distrito ng paaralan. Kung ang iyong pangunahing wika ay hindi Ingles, ang impormasyong ito ay dapat na isinalin sa iyong pangunahing wika. 23

17 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(a) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”18 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(b) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”19 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(b)(2) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”20 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(b)(3) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”21 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(f) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”22 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(b)(1) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”23 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 234.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

6

Page 7: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Prayoridad sa Paglipat sa Distrito

Ang magulang ng isang estudyante na inaapi ay maaaring humiling ng paglipat 24 sa distrito. Isinasaad ng batas ng California na ang estudyante ay bigyan ng prayoridad sa paglipat sa distrito, o natatanging konsiderasyon sa pagbuo ng isang kasunduan 25 sa pagdalo sa distrtio. Ipinagkaloob ang prayoridad at natatanging konsiderasyon kung napag-alaman ng kawani sa distritong pinanggalingan, o kawani sa distrito kung saan ang paglipat ay hiniling, na ang estudyante ay inapi sa distritong 26 pinanggalingan.

5) Paano malalaman ng mga magulang kung ang kanilang anak ay inaapi?

Pagmasdan ang bata at anumang mga pagbabago sa ugali, kalooban, o hitsura tulad ng:

- Mga pagbabago sa mga kaugalian sa pagkain at pagtulog- Pagbaba ng mga grado at pang-akademiyang pagganap- Pag-iwas sa paaralan, pagbubulakbol, pagkahuli sa pagpasok,

pagkapagod o kung hindi man ay pagpapahayag ng pagkamuhi sa paaralan

- Ebidensya ng pisikal na mga pagtatalo o pinsala, tulad ng mga sugat, pasa, o punit na damit.

- Pagkalumbay, pagkabalisa, kalungkutan, o mababang pagpapahalaga sa sarili.

Minsan ang mga estudyanteng may mga kapansanan ay hindi alam na sila ay inaapi, kaya mahalaga para sa mga magulang na kausapin ang kanilang mga anak, tanungin sila tungkol sa kanilang mga relasyon sa kanilang mga kaedaran.

24 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 46600(b) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”25 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 46600(b) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”26 Kodigo ng Edukasyon ng California Sek. 46600(b) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

7

Page 8: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

6) Paano magagamit ng mga magulang ang pamamaraang IEP upang matugunan ang pang-aapi?

Kung ang mga magulang ay naghihinala o alam na ang kanilang anak na may kapansanan ay may mga isyu ng pang-aapi sa paaralan, dapat ipagbigay-alam nila kaagad sa paaralan. Maaari ring humiling ang mga magulang ng pagpupulong ng IEP. Ang pagpupulong ng IEP ay magandang pagkakataon upang makipag-usap sa mga kawani ng paaralan tungkol sa mga alalahanin kaugnay sa pang-aapi.

Kung ang mga magulang ay naniniwalang ang pang-aapi ay maaaring makaapekto sa emosyunal at sosyal na kalagayan at/o pang-akademiyang pagganap ng kanilang anak, maaari rin silang gumawa ng isang nakasulat na kahilingan para sa pagtatasa ng mental at emosyunal na kalagayan ng kanilang anak. Ang pagtatasa ay maaaring makatulong sa mga magulang at sa pangkat ng IEP sa pagtukoy sa angkop na mga serbisyo upang matugunan ang epekto ng pang-aapi sa kanilang anak at ng kanyang pag-aaral.

Sa pagpupulong ng IEP, mahalaga na bigyang-diin na ang pang-aapi o panliligalig sa kapansanan ay nakaaapekto sa kakayahan ng kanilang anak na makinabang mula sa kanyang pag-aaral, at kinakailangang matugunan ang pang-aapi sa IEP upang ang kanilang anak ay makatanggap ng FAPE.

Maraming mga layunin, kaluwagan, at serbisyo na maaaring isama sa IEP ng kanilang anak upang matugunan ang pang-aapi. Narito ang ilang halimbawa ng mga layunin at pamamagitan ng IEP na maaaring tumugon sa mga isyu ng pang-aapi:

Pagtatag ng mga kasanayang panlipunan. Matututo ang isang estudyante tungkol sa angkop na sosyal na pakikipag-ugnayan, at matututong tukuyin ang hindi angkop na mga sosyal na pakikipag-ugnayan at ugaling nang-aapi. Minsan hindi alam ng mga estudyanteng inaapi na hindi angkop na mang-api ng ibang estudyante o agresibo ang pagganti nila sa pang-aapi.

Pagbuo ng positibong mga relasyong interpersonal. Ang mga estudyanteng may kakayahan na bumuo ng positibong relasyon at pagkakaibigan ay mas may kompiyansa at mas mahusay sa pagtugon sa pang-aapi o ugaling nanliligalig.

8

Page 9: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Pagbuo ng mga kasanayang nagtatanggol sa sarili. Maaaring matuto ang mga bata ng angkop na mga tugon sa pang-aapi, kasama ang paano at kailan magbibigay-alam sa mga angkop na mga nakatatanda, magsabi ng “Tigil,” o lumayo o umiwas sa mga sitwasyong nakababahala.

Pangangasiwa at paghihiwalay mula sa mga nang-aapi. Maaaring magbigay ang IEP ng mga kaluwagan upang ang estudyante masubaybayan o masundan ng isang kawani ng paaralan, ihiwalay mula sa mga nang-aapi, o pahintulutan ang estudyante na umiwas sa mga nakababahala o matitinding sitwasyon o kapaligiran (halimbawa, mga pasilyo o sa likod ng bus). Gayunpaman, mag-ingat na ang mga pamamagitan na ito ay hindi “nagpaparusa” sa bata, maglagay sa kanila sa isang labis na mahigpit na kapaligiran, o mag-alis sa kanila ng mga pagkakataon para sa positibong pakikipag-ugnayan sa mga kaedaran.

Pagpapayo o iba pang nakatutulong na mga serbisyo. Maaaring ito ay pagpapayo sa pamamagitan ng isang sikologo ng paaralan o impormal na pagbisita sa isang guro, taga-pamatnubay, o punong-guro na maaaring puntahan ng estudyante kung sila ay inaapi o niligalig.

Pagpapayo at pagsasanay ng magulang. Maaaring makatulong ang pagpapayo ng mga magulang sa pag-intindi sa mga natatanging pangangailangan ng kanilang anak, at tulungan silang makamit ang mga kasanayang magpapahintulot sa kanila na suportahan ang pagpapatupad ng IEP ng kanilang anak.

Pagtuturo sa mga kawani ng paaralan at/o kaedaran. Maaaring turuan ang mga kawani ng paaralan tungkol sa patakaran ng paaralan sa pang-aapi at proseso ng pagdaing at pagsumbong. Kung angkop, maaaring turuan ang kawani na higit pang maintindihan at makiramdam sa kapansanan ng estudyante.

Ang listahang ito ay hindi komprehensibo. Katulad ng anumang aspeto ng isang IEP, ang mga layunin, kaluwagan, at serbisyo ay dapat idisenyo para sa natatanging pangangailangan ng bata.

9

Page 10: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

7) Anong mga pamamaraan ang magagamit sa pagkuha ng tulong kung nabigo ang distrito ng paaralan na protektahan ang isang estudyante na may kapansanan mula sa pang-aapi?

Kung hindi sumunod ang distrito ng paaralan sa mga batas sa espesyal na edukasyon o mga pamamaraan o hindi ipinatupad ang napagkasunduan sa IEP ng bata, maaaring magsampa ng reklamo sa pagsunod sa lokal na ahensiya ng edukasyon. Ang form ay nakalista bilang Magkakatulad na mga Pamamaraan sa Pagdaing (Uniform Complaint Procedures). Ang website ay http://www.cde.ca.gov/re/cp/uc/ at http://www.cde.ca.gov/re/di/eo/complaint.asp.

Dagdag pa, kung mayroong hindi pagsang-ayon sa distrito ng paaralan tungkol sa kung ano ang dapat nasa IEP ng bata, maaaring humiling ang mga magulang ng pagdinig sa pantay na pamamaraan.

Maaari ring magsampa ang mga magulang ng pagdaing sa Opisina ng mga Karapatang Sibil (OCR, Office of Civil Rights) ng Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos (U.S. Department of Education) kaugnay sa mga paratang ng diskriminasyon sa edukasyon batay sa kapansanan na maaaring bumubuo ng isang paglabag sa Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon.

Maaari kang makahanap ng karagdagang impormasyon kaugnay sa pantay na pamamaran at pamamaraan ng pagdaing sa paglalathala ng Mga Karapatan at Responsibilidad sa Espesyal na Edukasyon (Special Education Rights and Responsibilities), na makukuha online sa: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/504001SERR.htm

10

Page 11: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

[Petsa]

Para: [Pangalan ng Punong-guro ng Paaralan]

[Pangalan ng Paaralan]

[Address ng Paaralan]

Mula: [Pangalan ng Magulang]

[Tirahan]

Tungkol: [Pangalan ng estudyante]

Baitang [Lebel ng Baitang]

ANK: [Araw ng Kapanganakan ng Estudyante]

Minamahal na [Punong-guro ng Paaralan]:

Sumusulat ako sa inyo upang ipagbigay-alam sa inyo na ang aking anak, [pangalan ng estudyante], ay inaapi at nililigalig sa paaralan. Ang aking anak ay isang estudyanteng may kapansanan. Ang aking anak ay mayroong sumusunod na kapansanan: [tukuyin ang kapansanan]. Naniniwala ako na ang panliligalig na ito ay batay sa kanyang kapansanan.

Siya ay nililigalig ni [(mga) pangalan ng nanliligalig]. Nangyari ito noong [petsa o tinatayang tagal ng panahon], kung saan [ilarawan ang (mga) insidente nang detalyado hangga’t maaari].

Noong nangyari ito nasaksihan ito ni(na) [pangalan ng (mga) saksi] at [kanilang tugon]. Kinausap ng aking anak si(na) [pangalan ng mga kawani ng paaralan] tungkol sa (mga) insidente noong [petsa o tinatayang tagal ng panahon]. Ang kanilang tugon ay [ilarawan ang tugon ng mga kawani]. Napag-alaman ko ang (mga) insidente noong [ilarawan kung paano ka naabisuhan].

11

Page 12: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Naapektuhan ng pang-aapi at panliligalig sa kapansanan na ito ang kakayahan ng aking anak na makapag-aral at nagresulta sa mga sumusunod na negatibong mga epekto: [Ilarawan ang mga epekto, kasama ang pisikal/emosyunal na mga pinsala o epekto, pangangailangan para sa medikal/sikolohikal na pagpapagamot, at epekto sa pagdalo, pakikilahok, at pagganap sa pang-akademiya o pampaaralan na gawain].

Gaya ng inyong pagkakaalam, ang aking anak ay isang estudyanteng may kapansanan, na may Isinariling Plano ng Edukasyon (IEP, Individualized Eduction Plan)/Planong 504 [pumili, kung angkop]. Pinoprotektahan ng pederal at pang-estadong batas ang mga karapatan ng mga estudyanteng may mga kapansanan upang maging malaya sa pang-aapi at panliligalig batay sa kapansanan, na humahadlang sa o nagkakait sa pagkakataon upang makilahok sa o makinabang mula sa pag-aaral. Dagdag pa, inaatasan ng batas ng California ang mga Distrito ng Paaralan na magpatibay ng mga patakaran na nagbabawal sa diskriminasyon, panliligalig at pang-aapi, lumikha ng proseso ng pagdaing upang tumanggap at mag-imbestiga ng mga pagdaing sa diskriminasyon, panliligalig at pang-aapi, at ipagamit sa mga magulang at estudyante ang patakarang ito.

Hinihiling ko na makatanggap ng isang kopya ng patakaran ng Distrito sa diskriminasyon at panliligalig. Hinihiling ko na inyong imbestigahan ang isyung ito at lutasin ito sa lalong madaling panahon. Mangyaring ipagbigay-alam sa akin sa isang sulat, ang mga resulta ng inyong imbestigasyon, at kung anong mga hakbang ang inyong gagawin upang matugunan ang problemang ito, at upang masiguro na hindi ito mangyayari sa hinaharap.

Hinihiling ko rin ang isang pagpupulong ng IEP/Planong 504 [pumili ng isa, kung angkop] na maganap sa lalong madaling panahon upang pag-usapan ang posibleng mga kaluwagan, serbisyo, at/o suporta upang matugunan ang isyung ito.

Salamat sa inyong agarang atensyon sa bagay na ito.

12

Page 13: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

[Pirma ng Magulang]

[Petsa]

13

Page 14: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

[Petsa]

Para: California Department of EducationSharon Felix-Rochon, DirectorOffice of Equal Opportunity1430 N Street, Suite 4206Sacramento, CA 95814

Mula: [Pangalan ng Magulang][Tirahan ng Magulang]

Minamahal na Ginoo o Ginang,

Sumusulat ako upang magsampa ng pagdaing laban sa [pangalan ng distrito ng paaralan] dahil pakiramdam ko na ang aking anak, [pangalan ng estudyante] ay hindi makatwirang nadiskrimina batay sa kanyang kapansanan.

Si [pangalan ng estudyante] ay nasa [lebel ng baitang] sa [pangalan ng paaralan]. Siya ay isang estudyanteng may kapansanan; siya ay may [tukuyin ang kapansanan]. Siya ay may IEP/Planong 504 [pumili, kung angkop].

Si [pangalan ng estudyante] ay inapi at niligalig sa paaralan dahil sa kanyang kapansanan. Nangyari ito noong [petsa o tinatayang tagal ng panahon], kung saan [ilarawan ang (mga) insidente nang detalyado hangga’t maaari].

Noong nangyari ito, narinig o nakita ito ni(na) [pangalan ng (mga) saksi] at [kanilang tugon]. Kinausap ng aking anak si(na) [pangalan ng mga kawani ng paaralan] tungkol sa mga insidenteng ito noong [petsa o tinatayang tagal ng panahon] at ang kanilang tugon ay [ilarawan ang tugon ng mga kawani ng paaralan]. Napag-alaman ko ang insidenteng ito nang [ilarawan kung paano ka naabisuhan].

Naniniwala ako na ang pag-uugaling nanliligalig na ito ay batay sa kapansanan dahil [ilarawan ang relasyon sa pagitan ng panliligalig at ng kapansanan ng estudyante].

Ang panliligalig sa kapansanan na ito ay naglikha ng mapoot na kapaligiran ng pag-aaral na humahadlang sa kakayahan ng aking anak na makapag-aral at nagresulta sa mga sumusunod na negatibong mga epekto: [Ilarawan ang mga epekto, kasama ng pisikal/emosyunal na mga pinsala o

14

Page 15: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

epekto, pangangailangan para sa medikal/sikolohikal na pagpapagamot, at epekto sa pagdalo, pakikilahok, at pagganap na pang-akademiya at/o pampaaralan].

Noong [petsa nang ipinadala mo ang sulat sa distrito ng paaralan], nagsampa ako ng nakasulat na pagdaing sa distrito ng paaralan at hiniling ko na imbestigahan at lutasin nila ang isyu sa lalong madaling panahon. Bilang tugon, ang distrito ng paaralan ay [ilarawan ang tugon ng distrito ng paaralan]. Naniniwala ako na nabigo sila sa kanilang obligasyon na protektahan ang aking anak mula sa diskriminasyon at panliligalig batay sa kapansanan dahil, [ilarawan bakit ang kanilang tugon ay hindi sapat sa pagtugon sa panliligalig sa kapansanan].

Pinoprotektahan ng Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon ng 1973 (Rehabilitation Act of 1973), Titulo II ng Batas ng mga Amerikanong may mga Kapansanan ng 1990 (Americans with Disabilities Act of 1990), at mga seksyon 200, 201, 220, 234, at 234.1 ng Kodigo ng Edukasyon ng California (California Education Code) ang mga karapatan ng mga estudyanteng may mga kapansanan na maging malaya mula sa diskriminasyon at panliligalig batay sa kapansanan, na humahadlang sa o nagkakait sa pagkakataon na makilahok sa o makinabang mula sa pag-aaral. Dagdag pa, sa ilalim ng Batas sa Edukasyon (IDEA, Individuals with Disabilities Eduation Act) para sa mga Indibidwal na may Kapansanan, ang panliligalig sa kapansanan ay maaaring magresulta sa pagkabigo ng distrito ng paaralan na magbigay ng Libre at Angkop na Pampublikong Edukasyon (FAPE, Free and Appropriate Education).

Upang malutas ang pagdaing na ito, hinihiling ko ang sumusunod na mga solusyon: [ipahiwatig kung ano ang gusto mong gawin ng distrito ng paaralan bilang resulta ng iyong pagdaing, tulad ng pagpapayo para sa estudyante, mga serbisyong nauukol sa kabayaran, pagsasanay sa diskriminasyon at panliligalig sa kapansanan para sa mga kawani/estudyante, mga pagbabago sa mga patakaran ng distrito ng paaralan, atbp.].

Nakalakip dito ang [tukuyin ang anumang kaugnay na mga dokumento/ebidensya, kasama ang mga sulat at ibang pang pakikipag-ugnayan, mga pasya, atbp.].

Mangyaring magkipag-ugnayan sa akin tungkol sa pagdaing na ito. Salamat sa inyong agarang atensyon sa bagay na ito.

15

Page 16: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Matapat,

[Pirma]

[Petsa]

16

Page 17: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

[Petsa]

Para: San Francisco OfficeOffice for Civil RightsU.S. Department of Education50 Beale Street, Suite 7200San Francisco, CA 94105-1813

Mula: [Pangalan ng Magulang][Tirahan ng Magulang]

Minamahal na Ginoo o Ginang,

Sumusulat ako upang magsampa ng pagdaing laban sa [pangalan ng distrito ng paaralan] dahil pakiramdam ko na ang aking anak, [pangalan ng estudyante] ay hindi makatwirang nadiskrimina batay sa kanyang kapansanan.

Si [pangalan ng estudyante] ay nasa [lebel ng baitang] sa [pangalan ng paaralan]. Siya ay isang estudyanteng may kapansanan; siya ay may [tukuyin ang kapansanan]. Siya ay may IEP/Planong 504 [pumili, kung angkop].

Si [pangalan ng estudyante] ay inapi at niligalig sa paaralan dahil sa kanyang kapansanan. Nangyari ito noong [petsa o tinatayang tagal ng panahon], kung saan [ilarawan ang (mga) insidente nang detalyado hangga’t maaari].

Noong nangyari ito, narinig o nakita ito ni(na) [pangalan ng (mga) saksi] at [kanilang tugon]. Kinausap ng aking anak si(na) [pangalan ng mga kawani ng paaralan] tungkol sa mga insidenteng ito noong [petsa o tinatayang tagal ng panahon] at ang kanilang tugon ay [ilarawan ang tugon ng mga kawani ng paaralan]. Napag-alaman ko ang insidenteng ito nang [ilarawan kung paano ka naabihushan].

Naniniwala ako na ang pag-uugaling nanliligalig na ito ay batay sa kapansanan dahil [ilarawan ang relasyon sa pagitan ng panliligalig at ng kapansanan ng estudyante].

Ang panliligalig sa kapansanan na ito ay naglikha ng mapoot na kapaligiran ng pag-aaral na humahadlang sa kakayahan ng aking anak na makapag-aral at nagresulta sa mga sumusunod na negatibong mga epekto:

17

Page 18: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

[Ilarawan ang mga epekto, kasama ng pisikal/emosyunal na mga pinsala o epekto, pangangailangan para sa medikal/sikolohikal na pagpapagamot, at epekto sa pagdalo, pakikilahok, at pagganap na pang-akademiya at/o pampaaralan].

Noong [petsa nang pinadala mo ang sulat sa distrito ng paaralan], nagsampa ako ng nakasulat na pagdaing sa distrito ng paaralan at hiniling ko na imbestigahan at lutasin nila ang isyu sa lalong madaling panahon. Bilang tugon, ang distrito ng paaralan ay [ilarawan ang tugon ng distrito ng paaralan]. Naniniwala ako na nabigo sila sa kanilang obligasyon na protektahan ang aking anak mula sa diskriminasyon at panliligalig batay sa kapansanan dahil, [ilarawan bakit ang kanilang tugon ay hindi sapat sa pagtugon sa panliligalig sa kapansanan].

Pinoprotektahan ng Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon ng 1973 (Rehabilitation Act of 1973), Titulo III ng Batas ng mga Amerikanong may mga Kapansanan ng 1990 (Americans with Disabilities Act of 1990), ang mga karapatan ng mga estudyanteng may mga kapansanan na maging malaya mula sa diskriminasyon at panliligalig batay sa kapansanan, na humahadlang sa o nagkakait sa pagkakataon na makilahok sa o makinabang mula sa pag-aaral. Dagdag pa, sa ilalim ng Batas sa Edukasyon (IDEA, Individuals with Disabilities Eduation Act) para sa mga Indibidwal na may Kapansanan, ang panliligalig sa kapansanan ay maaaring magresulta sa pagkabigo ng distrito ng paaralan na magbigay ng Libre at Angkop na Pampublikong Edukasyon (FAPE, Free and Appropriate Education).

Upang malutas ang pagdaing na ito, hinihiling ko ang sumusunod na mga solusyon: [ipahiwatig kung ano ang gusto mong gawing ng distrito ng paaralan bilang resulta ng iyong pagdaing, tulad ng pagpapayo para sa estudyante, mga serbisyong nauukol sa kabayaran, kasanayan sa diskriminasyon at panliligalig sa kapansanan para sa mga kawani/estudyante, mga pagbabago sa mga patakaran ng distrito ng paaralan, atbp.].

Nakalakip dito ang [tukuyin ang anumang kaugnay na mga dokumento/ebidensya, kasama ang mga sulat at ibang pang pakikipag-ugnayan, mga pasya, atbp.].

Mangyaring magkipag-ugnayan sa akin tungkol sa pagdaing na ito. Salamat sa inyong agarang atensyon sa bagay na ito.

18

Page 19: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Matapat,

[Pirma]

[Petsa]

19

Page 20: Bullying & Disability Harassment of Students with … · Web viewMaaaring pahintuin o irekomenda para sa pagpapatalsik ang isang estudyante kung mapag-alaman ng tagapamanihala o punong-guro

Pang-aapi & Panliligalig sa Kapansanan ng mga Estyudyanteng may mga Kapansanan

Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng iba-ibang mga pinagkukunana, para sa kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html.

20