41
25 Bible Study Lessons Page 1 - 1 PAGHAHANAP AT PAGSUNOD KAY HESUKRISTO 25 Bible Study Lessons Compiled by Ate Nessie For Cell Groups

Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

  • Upload
    nessie

  • View
    7.298

  • Download
    28

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

25 Bible Study Lessons *ATE NESSIE*

Page 1 - 1

PAGHAHANAP AT

PAGSUNOD KAY

HESUKRISTO

25 Bible Study Lessons

Compiled by

Ate Nessie For Cell Groups

Page 2: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

25 Bible Study Lessons *ATE NESSIE*

Page 1 - 2

CONTENTS Introduction

A Word to the Bible Study Leaders

PAGHAHANAP AT PAGSUNOD KAY HESUKRISTO

Lesson Reference Title

SINO SI JESUCRISTO?

1 Marcos 2:1-12 Ang Apat na Magkakaibigan

2 Juan 1:1-18 Si Hesus Ang Salita ng Buhay

3 Colosas 1:15-23 Si Cristo – Ang Pangulo ng

Lahat ng Bagay

4 Lucas 9:18-26 Kayo Naman Ano ang Sabi

Ninyo Kung Sino Ako?

PAGHAHANAP KAY HESUS

5 John 3:1-16 Ipinanganak Na Muli

6 Lucas 15:11-24 Ang Pagbabalik ng

Manghihimagsik

7 Lucas 19:1-10 Isang Mandarayang Maniningil

Ng Buwis na Nagbago

8 Juan 4:5-26 Ang Tubig Ng Buhay

9 Efeso 2:1-10 Ang Dakilang Kaloob ng Diyos

10 Isaias 53:1-12 Ang Masaklap na Kabayaran ng

Kasalanan

11 Mateo 7:13-23 Paghahanap sa Tunay na Daan

12 Mga Gawa 3:11-26 Pinapapanumbalik ng Diyos ang

Mga Tao sa pamamagitan ni

Jesucristo

13 Mga Gawa 10:30-48 Natagpuan ng Lalaking May

Takot sa Diyos ang Tagapagligtas

PAGSUNOD KAY JESUS

14 Gawa 2: 41-47 Paglalagay ng mga Pundasyon

15 Juan 15:1-11 Ang Pamumunga

16 Colosas 1:1-14 Ang Panalangin ni Pablo para sa

Mga Bagong Kristiyano

17 Marcos 4:1-9 Ang Buod ng mga Pangyayari

18 1 Pedro 1:3-9 Ang Bagong Buhay

19 Lucas 14:25-33 Mga Hadlang sa Pagiging Tunay

Na Tagasunod

20 Lucas 11:1-13 Bakit Hindi Sinasagot Ang Mga

Dalangin Ko?

21 Mateo 4:1-10 Ang Pakikipaglaban Araw-Araw

22 Hebreo 12:1-14 Ang Pagdidisiplina ng Ama

23 Kawikaan 3:1-12 Mga Gabay sa Pamumuhay

Na Maka-Diyos

24 1 Juan 1:1-2:2 Pamumuhay sa Liwanag

25 Colosas 3:1-17 Ang Bagong Lipunan ng Diyos

MGA DAHONG DAGDAG

01 Ang Pagkasi At Ang Awtoridad ng Banal na Kasulatan

02 Ang Pagpapaliwanag ng Daan ng Kaligtasan

03 Pagkatuto at Pamumuhay ng Buhay-Kristiyano

MAHAHALAGANG BALANGKAS

01 Mga Pag-aaral sa Biblia para sa pagtuturo ng Ebanghelyo

02 Pangunahing Doktrina

03 Ang Pamumuhay-Kristiyano

Page 3: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

25 Bible Study Lessons *ATE NESSIE*

Page 1 - 3

A WORD TO THE BIBLE STUDY LEADERS

1. Principles of Bible Study:

The outlines contained in this study guide are intended for

use in a small group discussion setting. It uses the inductive

Bible study method as follows:

· Observation: A careful look at what the Bible actually says.

We ask questions like who, what, where, when, how, etc.

· Interpretation: After observing the passage carefully, we try

to understand what it means. We ask questions like, “Why did

he say that?”; or “What is the significance of this action?” etc.

· Application: Having understood what the Bible says and what

it means, we should learn how to apply it to our lives. Unless

we let the Word of God affect our attitudes and our daily lives,

all our efforts will have been wasted!

2. Your Use of the Guide:

As a wise leader you should regard the guide as a servant,

not a master. First, make the study your own, hearing God

speak to you and your situation. Then prepare with the group in

mind. The questions should never be used mechanically, but

flexibly. They are intended to stimulate thoughtful, personal

investigation of the Bible. You should feel free to adapt the

questions to the group‟s level and needs. Reword them to suit

your personality, using your own dialect if possible.

3. How to Lead the Bible Study:

(Adapted from Neighborhood Bible Studies by M. Kunz

and C. Schell)

a. Have the Bible portion read silently by the group. Then

have it read aloud by paragraphs. The reading aloud should

be done by paragraphs, or thought units, and not verse by

verse. Then discuss the questions regarding the paragraph.

It is not necessary for everyone to read aloud, or for each

person to read an equal amount.

b. Good Bible study leaders are not lecturers or preachers.

They are more like shepherds who guide their flocks to

green pastures to feed for themselves. So don‟t talk too

much as a leader. The discussions should move back and

forth between members.

c. Encourage everyone to contribute to the discussion. Ask

questions like, “What do the rest of you think? “ or “Is

there anything else that can be added/?”

d One of your basic responsibilities as leader is to watch that

this discussion is based on the text. If it is based on

subjective opinion only, you could refer members beck to

the Bible by asking, “Where did you find that in our

passage? “

e. Don‟t be afraid of pauses or periods of silence. People need

time to think through the meaning of the passage. Rephrase

your questions if the pause is too long. Perhaps they do not

understand what you are asking.

f. Watch quiet and shy members who, through their facial

expression or by the way they sit, express that they have

something to say. Give them a nod or call their name to

encourage them to speak.

Page 4: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

25 Bible Study Lessons *ATE NESSIE*

Page 1 - 4

g. Discourage monopoly of the discussion by one or two

talkative members by specifically directing the questions to

other members of the group.

h. Throughout the study seek to maintain an atmosphere of

love and openness, expectancy to learn from God, and

humility to learn from each other. At the end it is good to

give a short, clear conclusion, summarizing the message of

the passage and its relevance to the group.

4. Prayer Throughout:

Do not presume upon God‟s help, even though it is true that

He is more eager than we that we understand His Word. Prayer

opens up our lives to Him personally and directly. Prayer for

our friends helps to bring divine wisdom in how to relate and

communicate Jesus Christ to them.

Page 5: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 1: Ang Apat na Matatapat Na Kaibigan SINO SI JESUCRISTO?

Page 1 - 1

Lesson 1:

ANG APAT NA MATATAPAT

NA KAIBIGAN Marcos 2:1-12

Pangunahing Paksa: Ang pagkakilala kay Jesucristo na

Siyang umaaring-ganap sa atin.

Panimula:

a) Basahin muna ang bahaging pinag-aaralan. Isipin

mong naroon ka! Pagkatapos ay umuwi ka upang

magbalita sa isang kaibigan. Paano ninyo ilalarawan

ang nangyari?

b) Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: Hilingin

ninyo sa Pangkat na magbahagi ng ilang katotohanan

tungkol kay Jesus. Paano tayo nakakaalam?

Nakakatiyak ba tayo?

Ang Tagpo:

1. Sinu-sino ang iba‟t ibang pangkat ng mga tao rito

(2,3,4,6)?

2. Paano ninyo ilalarawan ang iba‟t-iba nilang saloobin at

hangarin? Ano ang inyong saloobin kay Jesus?

3. Kung pisikal na naririto si Jesus (naririto Siya sa

Espiritu) ano ang pinakananais ninyong gawin Niya

para sa inyo?

Ang Apat na Kaibigan:

1. Ano ang natututuhan natin tungkol sa apat na lalaki (3-

5)?

2. Bakit kaya ganoon na lamang ang pananalig nila kay

Jesus?

3. Ano ang katibayan ng kanilang pananalig?

4. Paano natin maipakikita ang ating pananalig kay Jesus?

Si Jesus:

1. Anong pang-akit mayroon si Jesus sa mga tao (v2)?

Bakit?

2. Ano ang unang ginawa ni Jesus sa lalaking may sakit

(v5)? Bakit?

3. Ano ang iminumungkahi nito na dapat nating unahin

kaugnay ng ating mga pangangailangan?

4. Sa anu-anong paraan tayo nakakatulad ng lalaking

lumpo? (Isipin ninyo ang inyong mga pangangailangan

at kawalan ng kakayahan).

5. Bakit nakapukaw ng pagtutol ang pagpapatawad ni

Jesus sa lalaki (v7)?

6. (Tingnan ang v9) Alin sa palagay ninyo ang “lalong

madaling sabihin”?

7. Ano ang pinatunayan ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili

sa pamamagitan ng pagpapagaling sa lalaking lumpo

(v10)?

8. Ano ang natututuhan natin tungkol sa kaalaman ni Jesus

tungkol sa atin (v5, 8)?

Pagwawakas:

Pag-usapan ang bisa ng pakikipagtagpong ito kay Jesus sa iba‟t

ibang taong kasangkot: sa karamihan, sa mga eskriba, sa apat

na magkakaibigan, sa lumpo. Anong bagong kaalaman ang

natutuhan ninyo tungkol kay Jesus sa pag-aaral na ito? Tingnan

uli ang v5, 8, 10 at 11.

Page 6: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 2: Si Jesus Ang Salita Ng Buhay SINO SI JESUCRISTO?

Page 2 - 1

Lesson 2:

SI JESUS ANG SALITA

NG BUHAY Juan 1:1-18

Pangunahing Paksa: Upang kilalanin si Jesucristo bilang Diyos Anak at

Tagapamagitan natin para makilala natin ang Diyos Ama.

Panimula:

Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: Ano ang

pagkakaunawa mo sa kaugnayan ni Jesus sa Diyos Ama?

Ano ang batayan mo ng iyong pananalig?

Ang Salita ng Diyos (v1-5)

1. Sino/Ano ang Salita (1)?

2. Bakit si Jesucristo ay tinawag na ang Salita? Ano ang

sinasabi nito sa atin tungkol sa Kanyang kalikasan at

layunin?

3. Anu-anong tatlong mahahalagang katotohanan tungkol

sa Kanya ang nakikikta sa v1,2? Paano maiuugnay ito

sa sagot ninyo sa panimulang tanong?

4. Anon ang natutuhan ninyo tungkol kay Jesucristo

kaugnay ng Paglalang (v3)? At kaugnay ng Buhay

(v4)?

5. Ano ang palagay ninyo ang ibig sabihin ng “ang buhay

ay siyang ilaw ng sangkatauhan” (v4). Tingan din ang

Juan 8:12.

Ang Patotoo ni Juan (v6-8)

1. Sino ang Juang ito? Anong klase syang tao (v6)?

2. Bakit sinugo ng Diyos si Juan (v7,8) tingnan din ang

v21-23)?

3. Sa paanong mga paraan natin matutularan ang

halimbawa ni Juan (v7)?

Ang Gawain ni Cristo (v9-13)

1. Bakit naparito si Jesus sa sanlibutan (v9)?

2. Anong nangyari noong dumating Siya (v10,11)?

3. Anong nangyari doon sa mga “tumanggap” sa Kanya

(v12, 13)

4. Ano ang ibig sabihin ng pagiging anak ng Diyos (v12)?

Tingnan din ang Juan 3:5-6

5. Paano natin Siya “matatanggap”? Tingnan ang Efeso

3:17 at Pahayag 3:20.

Ang Pagiging Kamangha-mangha ni Jesus (v14-18)

1. Ano ang ibig sabihin ng “naging tao ang Salita” v14?

2. Paano nakita ang Kanyang kaluwalhatian (v14)?

3. Ano ang dinala ni Jesus sa atin (v16,17)

4. Ano ang kaibahan ng pag-ibig sa kautusan sa ating

kaugnayan sa Diyos? (Sa kautusan, ang unang-unang

hinihingi ng Diyos sa atin ay ang ating pagsunod – saka

lang Niya tayo pagpapalain. Sa pag-ibig – lumalapit

Siya sa ating mga makasalanan – at binibigyan Niya

tayo ng kakayahang sumunod)

Pagwawakas:

Ibahagi sa iba ang mga bagong bagay na natutuhan mo tungkol

kay Jesus sa pa-aaral na ito.

Page 7: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 3: Si Cristo – Ang Pangulo Ng Lahat Ng Bagay SINO SI JESUCRISTO?

Page 3 - 1

Lesson 3:

SI CRISTO – ANG PANGULO

NG LAHAT NG BAGAY Colosas 1:15-22

Pangunahing Paksa: Upang ipakita ang kadakilaan ni Cristo, na Siyang

karapatdapat na pag-ukulan natin ng ating buong

pagsamba.

Panimula:

Isipin ninyo ang ilan sa mga makapangyarihang lalaki sa

ating kapanahunan: Ang Pangulo ng Estados Unidos, ang

mga namumuno sa Rusya, Tsina at ang mga nangunguna sa

ating sariling bansa. Paano sila maihahambing sa

kapangyarihan at impluwensya ng karpinterong

ipinanganak sa Nasaret may 2,000 taon na ang nakalilipas?

Sa mahalagang bahaging ito, makikita natin si Jesus sa

Kanyang apat na pakikipag-ugnay.

Si Jesus – at ang Diyos Ama (v15, 19)

1. Ano ang kaugnayan ni Jesus sa Diyos (v15)?

2. Ano ang mahalagang kalikasan ni Jesus kung Siya ang

larawan ng Diyos? Tingnan din ang v19, kapitulo 2:9 at

Juan 10:30.

3. Gaanong katangian ng Diyos ang nahayag kay Jesus

(v19)?

Pansinin : Ginagamit ng ilang sekta ang talatang 15

upang ipakitang si Jesus ay bahagi ng nilikha, kayat

hindi tunay na Diyos, NGUNIT

(a) Sinasabi ng talatang ito na Siya ang panganay, ang

unang ipinanganak (hindi Siya nilalang);

(b) Ipinakikita ng 1:19 at 2:9 na Siya‟y Diyos;

(c) Ipinakikita ng talatang 16 na Siya ang lumikha ng

lahat.

(d) Totoo ngang sa Kanyang pagkakatawang-tao ay

nakisama Siya sa mga nilalang at inihandog Niya

ang Kanyang sarili para sa pagtubos ng

sangkatauhan. Sa ganito, Siya‟y naging panganay

ng lahat ng nilalang. Tingnan din ang mga Bilang

3:13.

4. Kung Diyos si Cristo – ano ang dapat nating maging

pagtanggap sa Kanya?

Si Jesus – at ang Nilikha (v16,17)

1. Anu-anong bahagi ng Nilikha ang ginawa sa

pamamagitan Niya at para sa Kanya? Tingnan din ang

Juan 1:13.

2. Ano ang kahalagahan ng “mga bahagi” ng nilikha na

binanggit (v16)?

3. Ano ang kahulugan ng ang lahat ng bagay ay nilikha

a) Sa pamamagitan Niya;

b) Para sa Kaniya (v16)?

4. Ano ang kasalukuyang kaugnayan ni Cristo sa Nilikha

(v17)? Tingnan din ang Hebreo 1:3.

5. Ano ang nagiging impluwensiya ng mga katotohanang

ito (lalo na ang “b” sa itaas) sa ating saloobin tungkol

sa kalikasan – sa ating pagpapahalaga sa kagandahan

nito; sa ating paggamit ng mga kayamanan nito; at sa

ating pananagutan dito?

Si Jesus – at ang Iglesya (v18)

1. Ano ang “katawan”? Ano ang kaugnayan si Jesus sa

Iglesya (v18)?

2. Ano ang nagiging impluwensya nito sa saloobin natin

Page 8: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 3: Si Cristo – Ang Pangulo Ng Lahat Ng Bagay SINO SI JESUCRISTO?

Page 3 - 2

sa ating kapuwa mananampalataya? Tingnan din ang

Mateo 23:8-12.

3. Paano naging “unang nabuhay na muli” si Cristo? Ano

ang ibig sabihin nito doon sa mga kabilang sa Kanyang

Iglesya?

Si Jesus – at ang Sanlibutan (v20-22)

1. Ano ang dakilang layunin ng pagparito ni Cristo sa

sanlibutan (v20)?

2. Paano Niya ito ginawa (v20)?

3. Ano ang kalagayan ng mga taong hindi pa ligtas (v21)?

4. Ano ang nais ng Diyos para sa atin ngayon (v22)?

Pagwawakas:

Ikaw ba‟y “kaaway” (v21) o “kaibigan” ng Diyos (v22)? Ano

ang dapat nating maging pagtanggap sa “pinakadakila sa

lahat”?

Page 9: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 4: Kayo Naman, Ano Ang Sabi Ninyo Tungkol Sa Akin! SINO SI JESUCRISTO?

Page 4 - 1

Lesson 4:

KAYO NAMAN, ANO ANG SABI

NINYO KUNG SINO AKO? Lucas 9:18-26

Pangunahing Paksa: Upang ipahayag na si Jesus ang Cristo – ang Panginoon at

Tagapagligtas ng sangkatauhan.

Panimula: Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: ipagpalagay

mong isa kang Judio noong panahon ni Jesus; nabalitaan

mo ang Kanyang mga himala at pagpapagaling; nakinig ka

sa Kanyang mga pagtuturo. Ano ang iisipin mo tungkol sa

Kanya? Ano ang palagay mo tungkol sa Kanya ngayon?

Bakit?

Si Jesus ang Cristo (v18-22)

1. Ang mga tao noong panahon ni Jesus ay nag-iisip kung

sino Siya. Ano ang sabi nila tungkol sa Kanya (v19)?

2. Bakit ganito ang sinabi nila?

a. Pansinin: (a) Pinapugutan ni Herodes ng ulo si

Juan Bautista. May mga nagsasabing muli

siyang mabubuhay.

b. Sa huling bahagi ng Matandang Tipan,

hinulaang si Elias ay muling mabubuhay

(Malakias 4:5)

3. Inulit ni Jesus ang tanong sa Kanyang mga alagad

(v20). Bakit napakahalaga noon? (Tingnan ang Juan

8:24 at 14:6).

4. Ano sa palagay mo ang naghanda kay Pedro para

maibigay ang tamang sagot (v20)? Tingnan ang nauuna

at sumusunod na talata, v16, 17, gayon din ang Mateo

14:28-33 at Mateo 16:17.

5. Ano ang kahulugan ng “Cristo”? (Ang ibig sabihin nito

ay “ang pinahiran” o ang tanging sugo at kinatawan ng

Diyos).

6. Bakit ipinag-utos sa kanila ni Jesus na huwag nila itong

ipagsabi kahit na kanino (v21)?

Pansinin: Ang hinihintay ng mga Judio ay isang Cristo

o Mesias na pulitiko na magiging hari nila at

magsasauli sa bansa sa kapangyarihan.

7. Ano ang pagkakaunawa ni Jesus mismo sa Kanyang

kahihinatnan (v22)?

8. Paano Niya nalaman ang mga bagay na ito? Tingnan

ang Lucas 24:44-46.

9. Ano ang pinatunayan sa atin tungkol kay Jesus ng

pagkakatupad ng hula?

Ang Pagsunod Kay Cristo (v23-26)

1. Narito ang hamon sa pagsunod. Kanino ito sinasabi

(v23)?

2. Ano ang ibig sabihin ng “limutin” ang sarili (v23)?

Anu-ano ang bahagi ng pamumuhay ninyo

nasusumpungang mahirap ito gawin?

3. Ano ang ibig sabihin ng “pasanin ang (iyong) krus

araw-araw”? Anu-anong mga pangyayari ang maari

nating kaharapin na natutukso tayong “lumusot” sa

halip na maging tapat kay Cristo?

4. Kung tunay na sumusunod tayo sa Kanya, ano ang may

pagkakatiwala nating maaasahan sa Kanya (v24)?

Tingnan ang Juan 14:21 at 23.

5. Ano ang tunay na kahulugan ng “magligtas” o

“mawawalan” ang iyong buhay (v24)?

6. Ano kung gayon ang higit na mahalaga: ang lahat ng

Page 10: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 4: Kayo Naman, Ano Ang Sabi Ninyo Tungkol Sa Akin! SINO SI JESUCRISTO?

Page 4 - 2

kayamanan at kapangyarihan sa mundo o ang

kaligtasan ng ating mga kaluluwa? Paano natin

maipakikita ang katotohanang ito sa ating mga

pamumuhay (v25)?

7. Paano tayo natutuksong “ikahiya si Cristo at ang

Kanyang Salita” (v26)?

8. Ano ang makatutulong sa atin upang huwag tayong

mahiya (v26)? Tingnan din ang Mga Gawa 4:31.

Pagwawakas:

(Para sa sariling pagbubulay-bulay) Si Jesucristo – ang

Dakilang Lalaki? O Tagapagligtas at Panginoon ng aking

buhay?

Page 11: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 5: Ipinanganak na Muli Paghahanap Kay Hesus

Page 5 - 1

Lesson 5:

“IPINANGANAK NA MULI!” John 3:1-16

Pangunahing Paksa: Upang ipakitang kailangan natin ang

Bagong Buhay upang makapunta tayo sa langit.

Panimula:

Ang salitang “ipinanganak na muli” ay pangkaraniwan ng

ginagamit sa mga kalipunan ng mga mananampalataya ngayon.

Ano ang kahulugan nito para sa iyo?

DISCUSSION

Si Jesus at si Nicodemo (1,2)

1. Anong klaseng tao si Nicodemo (v1)?

Pansinin: Ang mga pariseo ay “mahihigpit” na mga

Judio, “napaka relihiyoso” , malaki ang malasakit na

mapanatili at maipatupad ang lahat ng kaliit-liitang

bahagi ng kautusan.

2. Bakit kaya gabi nang pumunta siya kay Jesus (v2)?

3. Bakit kaya maraming tao ngayon ang nahihiya at ayaw

pang mag-aral ng Biblia at lumapit kay Hesus?

4. Ano ang palagay ni Nicodemo tungkol kay Hesus (v2)?

Tama ba siya?

Si Hesus at ang Kaharian (3-10)

1. Ano ang kahariang binabanggit ni Hesus? (tingnan ang

Mateo 6:10).

Pansinin: Yaong mga napasasakop kay Cristo, ang

Hari, ay papasok sa kaharian ngayon. Sa kasalukuyan,

“hindi pa ito nahahayag”, balang araw, ito‟y

mabubunyag.

2. Ano ang kinakailangan upang tayo‟y pagharian ng

Diyos (vv 3, 5)?

3. Ano ang ibig sabihin ng “ipinanganak na muli” o

“ipinanganak mula sa itaas”? (tingnan ang v6).

Pansinin: Tayo‟y may buhay sa laman, ngunit sa likas,

tao‟y patay sa espiritu – tingnan ang Juan 5:24.

4. Ano ang kinakailangan natin upang makatanggap tayo

ng bagong espiritwal na kapanganakan ito (v5)?

5. Ano ang kahulugan ng “ipinanganak sa tubig”?

Tingnan ang Efeso 5:26 at ihambing ang 1 Pedro 1:23.

Pansinin: Ang bautismo ay larawan o simbolo lamang

ng pagsisi at pagtanggap ng kapatawaran.

6. Paano tayo “ipinapanganak sa Espiritu” at nagiging

mga anak ng Diyos? Tingnan ang Juan 1:12. Pansinin:

Ihambing ang Roma 8:9-11 para sa mas buong

paliwanag. Ang “Espiritu ng Diyos”, at ang “Espiritu

ni Cristo” ay ginagamit na magkasingkahulugan sa mga

talatang ito.

7. Si Nicodemo ay “guro ng Israel” (v10) at dapat na

nakaalam nang ilan sa mga bagay na ito. Tingnan ang

Ezekiel 36:25-27.

Si Jesus at ang Krus (vv14-16)

1. Dapat na linisin ang tao sa kasalanan, ang Espiritu ng

Diyos ay dapat na pumasok sa kanya upang bigyan siya

ng bagong buhay. Ano ang kailangan bago ito

mangyari (vv14, 15)?

2. Ano ang espiritwal na kahalagahan (at inilalarawan ni

Cristo sa krus) ng ginawa ni Moises (v14). Tingnan

ang mga Bilang 21:6-9.

3. Paano ipinahayag sa atin ang pag-ibig ng Diyos sa mga

makasalanan? (v16)

Page 12: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 5: Ipinanganak na Muli Paghahanap Kay Hesus

Page 5 - 2

4. Ano ang bunga ng hindi pananampalataya kay Cristo

(v16)?

5. Ano ang tunay na “pagsampalataya” (v15, 16 at

ihambing ang Juan 1:12)?

6. Ano ang ibig sabihin ng tunay na “pagtanggap” kay

Cristo (Juan 1:12,13)?

PAGWAWAKAS

Maari kang “ipanganak na muli”, papasok ka sa Kaharian ng

Diyos at tatanggap ng Buhay na Walang Hanggan ngayon,

kung magsisis ka sa iyong kasalanan, na umaasa at nagtitiwala

kay Jesus bilang iyong Tagapasan ng kasalanan at

Tagapagligtas. Tanggapin mo Siya ngayon, “ipinananganak ka

ng Espiritu” sa pagsuusuko mo nang buong-buo kay Cristo,

ang karapat-dapat mong maging Hari at Panginoon.

Page 13: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 6: Ang Pagbabalik ng Manghihimagsik PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 6 - 1

Lesson 6:

ANG PAGBABALIK NG

MANGHIHIMAGSIK Lukas 15:11-24

Pangunahing Paksa: Masayang tinatanggap ng Diyos Ama

ang makasalanang nagsisisi at nagbabalik-loob ng buong puso

sa Kanya.

Panimula:

Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan: Magkwento ka!

May isang binatang lumuwas sa Maynila upang mag-aral sa

Kolehiyo. Pinadadalhan sya ng perang kailangan niya ng

kanyang mga magulang; ngunit napasama siya sa masamang

barkada. Nilustay niya ang pera at hindi siya nakatapos ng

pag-aaral. Hindi na siya sumulat man lamang sa kanila. Ano

ang mararamdaman ng kanyang mga magulang? Ano ang

dapat niyang gawin kung nais niyang umuwi sa kanyang mga

magulang? Ngayon, basahin ninyo ang bahaging pinag-aaralan

natin. Bakit ito ikinuwento ni Hesus?

DISCUSSION

A. Ang Ama at ang Anak

1. Bakit kaya gusto ng anak na umalis sa kanila?

2. Ano ang dala niya (v12, 13)?

3. Ano ang naging saloobin niya sa kanyang ama?

4. Ano ang naging damdamin ng Ama noong umalis siya?

Dapat kayang pinigil siya ng kanyang Ama sa pag-alis?

5. Paano niya inubos ang kanyang mana (v13)?

B. Ang mga Alibughang Anak Ngayon!

1. Paano tayo makakatulad ng alibughang anak?

Pansinin: “Relihiyoso” man tayo – sa kaibuturan ng ating

mga puso, gusto nating tayo ang masunod sa ating buhay,

mamuhay ng ayon sa gusto natin, bigyan ng kasiyahan ang

ating mga sarili, maging malaya.

2. Ano ang ibinigay ng Diyos sa atin? Paano tayo nakakatulad

ng anak sa ating paggamit ng lahat ng mabubuting kaloob ng

Diyos sa atin?

3. Ano kaya ang damdamin ng Diyos sa ating inaasal?

4. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kasalanan?

Ano ang pinakamasamang kasalanan? (Tingnan ang Mateo

22:36, 37)

5. Mula sa halimbawa nitong anak na ito (vv14-16), ano ang

maasahan nating mangyari kung magsikap tayong mamuhay

nang “Malaya” at walang pakundangan sa Diyos?

Pagsisisi at Kapatawaran

1. Ano ang nagbunsod sa anak upang magbalik sa ama

(v16,17)?

2. Ano ang inamin niya tungkol sa kanya (v18,19)?

3. Ano ang saloobin ng ama sa anak niya (v20)? Ano ang

ginawa niya (v20, 22)?

4. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa Daan ng

Kaligtasan?

5. Ano ang dapat nating gawin kung gayon upang

tanggapin tayo ng Diyos Ama?

Page 14: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 6: Ang Pagbabalik ng Manghihimagsik PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 6 - 2

Pagsasauli at Pagpapala

1. Anu-ano ang mga apat na bagay na inihanda ng Ama

para sa anak (v22, 23)?

Balabal – larawan ng paglilinis at bagong buhay

(tingnan ang Isaias 61:10).

Singsing – tulad ng singsing pagkasal; simbolo ng

walang hanggang pag-ibig at pagkakaisa.

Sapatos – simbolo ng anak ng tahanan – mga alipin ay

nakatapak.

Handaan – simbolo ng nanauling pagsasama at

pagpapala.

2. Ano ang kahulugan at kahalagahang espiritwal ng v24?

PAGWAWAKAS

Hamunin mo ang mga miyembro ng pangkat, kung handa na ,

na magbalik sa Ama nang may buong-pusong pagsisisi at

pagpapasakop. Na magbago tayo ng “landas” tanggapin si

Cristo (tingnan ang Juan 1:12) at sumunod tayo sa Kanya.

Page 15: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 7: Isang Magdarayang Maniningil ng Buwis Na Nagbago PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 7 - 1

Lesson 7

ISANG MAGDARAYANG

MANININGIL NG BUWIS NA

NAGBAGO Lucas 19:1-10

Pangunahing Paksa:

Upang ipakita kung ano ang tunay na pagsisisi, at kung paano

ito nagbubunga ng kaligtasan.

Panimula:

Bago basahin ang bahaging pag-aaralan, talakayin ang ibig

sabihin ng “magsisi”?

TALAKAYAN

A. Dumating Si Hesus Sa Bayan

1. Sinu-sino ang mga taong binabanggit sa kasaysayang ito?

( 1-3)?

2. Anong klaseng tao si Zaqueo (2, 3)?

Pansinin: Bantog ang mga maniningil ng buwis sa kanilang

pandaraya at kinapopootan sila dahil sa kanilang

pakikipagsabuwatan sa mga mananakop na sundalong

Romano. Tingnan ang talatang 7.

3. Ano ang ambisyon ni Zaqueo sa buhay (v2)?

4. Ano ang inyong pangunahing ambisyon o naisin sa buhay?

5. Anong mabuting bagay ang nakikita kay Zaqueo (v3)?

6. Bakit kaya gustong gusto niyang Makita si Hesus?

7. Kung makakatagpo mo si Hesus ngayon, ano ang hihilingin

mong gawin Niya para sa iyo?

8. Anu-anong bagay ang nakapagpahirap kay Zaqueo para

Makita niya si Hesus (vv3, 7)?

8. Ano-anong mga hadlang sa tunay na pagsunod kay Hesus

ang maari nating asahang maranasan ngayon?

B. ANG PAGTATAGPO

1. Ano ang madalas na saloobin ng tao sa mga “makasalanan”

at kinasusuklaman (7)? Paano ito maihahambing sa

saloobin ni Hesus (vv 5, 10)?

2. Paano kaya nalaman ni Hesus ang mga bagay-bagay

tungkol kay Zaqueo – maging ang kanyang pangalan (v5)?

Ano ang sinasabi nito tungkol kay Hesus at sa iyo?

3. Ano ang naging epekto kay Zaqueo ng pakikipagkitang ito

kay Hesus (v8)?

4. Ano ang ibinigay ni Zaqueo bilang katibayan ng kanyang

pagbabagong loob (v8)? (o pagbabago ng puso)?

5. Ano ang sinasabi nito sa ating tungkol sa tunay na pagsisisi?

Isipin: Anu-anong mga pagbabago ang hinihingi ni Hesus

sa inyong buhay?

C. ANG KALIGTASAN

1. Ano ang naging bunga ng pakikipagkita ni Zaqueo kay

Hesus (vv 9, 10)?

2. Ano ang ibig sabihin ng “kaligtasan”?

3. Paano kung gayon ipinakikita ng kasaysayang ito kung

paano naliligtas ang isang tao?

PAGWAWAKAS

Nagsisi ka na ba ng tunay? Naisuko mo na bang tunay ang

lahat kay Cristo upang mailigtas ka Niya?

Page 16: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 8: Ang Tubig Ng Buhay PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 8 - 1

Lesson 8:

ANG TUBIG NG BUHAY Juan 4: 5-26

PANGUNAHING PAKSA:

Si Jesucristo lamang ang nakapagbibigay ng tunay at walang

hanggang kasiyahan sa Buhay.

Panimula:

Ito ay kasaysayan ng isang babaing pumunta sa balon upang

umigib.

Talakayin: Anu-ano ang ilan sa mga bagay na pinakananasa

(kinauuhawan) natin sa buhay?

TALAKAYIN:

A. Nakatagpo ni Hesus ang Isang Babaing Nangangailan

(vv 5-9)

1. May inihahandog na Buhay na Walang Hanggan si Hesus !

(v14) Ano ang napapansin ninyo tungkol sa pakikipag-usap

Niya sa babaing ito (v7)?

2. Ano ang nakapagtataka sa Kanyang pakikipag-usap?

2.1 Tingnan ang talatang 9.

2.2 Ang isang Judio ay hindi nakikipag-usap sa isang babae

sa labas ng kanyang tahanan.

2.3 Narito ang Banal na Anak ng Diyos na nakikipag-usap

sa isang makasalanan!

3. Ano kung gayon ang natutunan natin tungkol kay Hesus?

(Tingnan ang Juan 3:17).

B. Naghahandog si Hesus ng Tubig na Buhay (v 10-15)

1. Maaaring umigib ng tubig ang babae sa balon para sa

kanyang pangangailangan, ngunit may higit na mahalagang

bagay na inaalok si Hesus, ano iyon (v10)?

2. Ano ang “Buhay na Walang Hanggan”? (Tingnan ang Juan

10:27 at 17:3).

3. Ano ang pagkakaiba ng tubig sa balon at ng tubig na

inihahandog ni Hesus (vv 13, 14)?

4. Ano sa palagay mo ang kailangan upang bigyang kasiyahan

ang “pagkauhaw” na iyon sa puso ng tao?

C. Nais ni Hesus ang Isang Malinis na Lalagyan (v15-18)

1. Nagkaroon na ng interes ang babae ngunit iniba ni Hesus

ang paksa. Bakit?

2. Anong kalagayan niya sa buhay ang nabunyag (v17, 18)?

3. Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa nalalaman ni Hesus

sa ating mga buhay?

4. Ano ang kinakailangan para magkaroon ng kaugnayan sa

Banal na Diyos ang isang tao? Tingnan ang v24 at Mga

Gawa 3:19.

5. Anu-ano ang mga kasalanan sa ating buhay na dapat na

mabunyag at isuko kay Hesus ?

D. Nais ng Ama ng mga Tunay na Mananamba (v19-24)

1. Bakit kaya sa bahaging ito ay nagtanong ng tungkol sa isang

katanungang pang teolohiya ang babae (v20)?

2. Sa anu-anong paraan natin iniiwasang harapin ang

kasalanan sa ating buhay?

3. Ano ang sinasasabi sa atin ni Hesus tungkol sa tunay na

pagsamba (v21-24)?

4. Kung hindi natatagpuan ang Diyos sa mga tanging “Banal

na lugar” – saan natin Siya mausumpungan (v21, 24 at

14:23)?

Page 17: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 8: Ang Tubig Ng Buhay PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 8 - 2

5. Paano tayo nakasasamba “sa katotohanan” (v18, tinang din

ang Juan 14:6).

6. Paano tayo makasasamba “sa Espiritu” (tingnan ang Juan

3:3-6).

E. Si Hesus ang Kristo (v25, 26)

1. Ano ang ibig sabihin ng “Kristo” o “Mesias”?

2. Ano ang gagawin Niya (v25)?

3. Sino Siya (v26)?

PAGWAWAKAS

Mayroon ka bang Buhay na Walang Hanggan? Ano ang

sinasabi sa atin ng kasaysayang ito tungkol sa paraan ng

pagkakaroon ng Buhay na Walang Hanggan? Tingnan ang 1

Juan 5:11-13.

Page 18: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 9: Ang Dakilang Kaloob Ng Diyos PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 9 - 1

Lesson 9:

ANG DAKILANG KALOOB

NG DIYOS Efeso 2:1-10

Pangunahing Paksa: Inililigtas ng Diyos ang mga makasalanan

dahil sa Kanyang pag-ibig at biyaya, at hindi dahil sa anumang

kabutihan o “mabubuting gawa” ng tao.

Panimula:

Talakayin: Anu-ano ang ilan sa mga sinisikap gawin ng tao

upang makapasok sa langit? Mabisa ba ang mga ito?

DISCUSSION

A. Ang Likas ng Tao

1. Ano ang kalagayan ng tao bilang makasalanan (1)?

2. Sa paanong paraan siya “patay”?

3. Sa anu-anong paraan natin makikita ang espiritwal na

pagkamatay sa pamumuhay ng mga tao ngayon?

4. Ano-ano ang tatlong klase ng kasalanan sa ating mga buhay

(v2, 3)?

5. Ano ang kahulugan ng : (a) “sanlibutan” , (b) “ prinsipe ng

kadiliman” , (c) “pita ng laman” (v2, 3)?

6. Paano nakikita sa ating mga buhay ang mga kasalanang ito?

7. Ano ang bunga ng pagpapatuloy sa ganitong makasalanang

kalagayan (3)?

B. Ang Likas ng Tao

1. Paano inilalarawan ang Diyos sa mga talatang ito (v4, 7)?

2. Paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa

atin?

3. Anu-ano ang magagandang bagay na gagawin ng Diyos

para sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo (v5,6)?

C. Ang Daan ng Kaligtasan (v8,9)

1. Paano tayo tatanggap ng “kagandahang-loob” (isang hindi

karapat-dapat na awa) ng Diyos?

2. Ano ang “pananampalataya”?

3. Ano ang bunga ng pagtanggap ng “kagandahang-loob” sa

pamamagitanng pananampalataya (v8)?

4. Ano ang binibigyang-diin ni Pablo rito tungkol sa daan ng

kaligtasan (v8,9)?

5. Ang pananampalataya ba lamang ang kailangan para

maligtas? (Tingnan ang Mga Gawa 2:37, 38 at 3:19).

D. Ang mga Bunga ng Kaligtasan (10)

1. Ano ang layunin sa paglalang sa atin?

2. Anu-anong mabubuting gawa ang dapat nating gawin?

3. Sino ang dapat bigyan ng papuri sa lahat ng ating

mabubuting gawa?

4. Ano kung gayon ang bahagi ng mabubuting gawa (a) sa

kaligtasan; (b) sa pamumuhay-Kristiyano?

PANGWAWAKAS

Nakita mo ba ang iyong sarili sa pag-aaral na ito – isang

makasalanan? Gumagawa ka ba para maligtas o dahil ligtas ka

na?

Page 19: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 10: Ang Masaklap na Kabayaran ng Kasalanan PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 10 - 1

Lesson 10:

ANG MASAKLAP NA KABAYARAN

NG KASALANAN Isaias 53:1-12

Pangunahing Paksa: Upang ipakitang ang kamatayan ni Cristo

sa krus ang ganap at tanging kabayaran sa kasalanan.

Panimula:

Pag naiisip mo ang krus ni Cristo – ano ang ibig sabihin nito sa

iyo? Saang bahagi ng Biblia mo inaasahang makikita ang

ganap na paglalarawan ng kahulugan ng krus? Balingan natin

ang Isaias 53, na sinulat noong mga 700 taong B.C! Tingnan

kung paano tunay na naganap ang hulang ito sa buhay at

pagkamatay ni Cristo?

DISCUSSION

A. Itinakwil si Cristo (1-3)

1. Kung mayroon kang isang malaki at magandang asyenda,

at naghimagsik ang mga magsasaka at sinira ito – ano ang

magiging damdamin mo? Ngunit ito ang ginagawa natin sa

magandang mundong ito ng Diyos – ano ang ginawa Niya?

2. Ilan sa palagay mo ang nakaalam at nananampalataya sa

magandang balitang ito (1)?

3. Bakit iyon “tuyong lupa” (2)? Pansinin: Noong hindi pa

dumarating si Juan Bautista, walang propeta sa Israel sa

loob ng 400 na taon.

4. Ano ang naging pagtanggap ng mga tao sa pagdating ni

Hesus (3)? Tingnan ang Juan 1:11?

5. Ano ang pagtanggap ng maraming tao ngayon? Isipin ninyo

ang gobyerno, negosyo, mga paaralan, mga tahanan.

Tunay bang Panginoon at Hari si Hesus sa mga ito … at sa

iyong buhay?

B. Si Kristo ang Ating Kahalili at Handog (v4-9)?

1. Ano ang tanging sapat na pambayad sa kasalanan (5)?

Tingnan ang Roma 6:23 at Hebreo 10:11, 12?

2. Ano kung gayon ang maaaring gawin ng tao para

mabayaran ang kanyang mga kasalanan?

3. Ano ang kalagayan ng tao ayon sa pagkakalarawan dito (4-

6)?

4. Paano binayaran ang ating kasalanan? Pansining mabuti

kung ano ang nangyari kay Kristo para sa atin (4-8, lalo na ang

6).

5. Ano ang kahalagahan ng Kordero (7)? Tingnan ang Juan

1:29 at ang Exodo 2:5-13.

6. Paano natupad ang hula sa (9)? Tingnan ang Mateo 27:38

at 57-60.

C. Ang Pagtatagumpay ni Kristo (10-12)

1. Ang masamang tao (at tayo rin) ang may pananagutan sa

pagkamatay ni Kristo – ngunit kaninong layunin ang natupad

sa pagkamatay na iyon (10)? Tingnan ang Mga Gawa 4:27,28

at Marcos 10:45.

2. Nagtiis si Kristo ng matinding hirap sa krus – ngunit ano

ang kanyang “pagdurusa” (11)? Tingnan ang Lucas 22:42-46

at Mateo 27:46).

3. Ano ang bunga ng pagdurusa na iyon (11)?

4. Paano kung gayon inaaring matuwid ng Banal na Diyos ang

mga taong makasalanan (10, 11)?

CONCLUSION

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa mga talatang 5,6 at 11.

Page 20: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 11: Paghahanap Sa Tunay Na Daan PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 11 - 1

Lesson 11:

PAGHAHANAP NG

TUNAY NA DAAN Mateo 7:13-23

Pangunahing Paksa: Mga taimtim na babala tungkol sa

kaligtasan.

Panimula: Ang buhay ay isang paglalakbay. Saan? Ano ang

ating hantungan? Maaari ba nating malaman nang tiyak? Ano

ang papatnubay sa atin?

DISCUSSION

A. Ang Dalawang Daan (13,14)

1. Anu-ano ang dalawang “daan” na binabanggit ni Hesus?

2. Ano ang pagkakaiba ng mga ito: (a) sa pasimula? (b) sa

pagpapatuloy ng paglalakbay (c) sa pagwawakas (d) sa

bilang ng taong nakakatagpo sa mga ito?

3. Ano ang “pintuan” patungo sa buhay? Tingnan ang Juan

10:9

4. Sa anong paraan “makitid” ang daan? Tingnan ang lucas 9:

23-26.

B. Mga Babala Tungkol sa mga Bulaang Guro (15-20)

1. Anu-anong mga palatandaan ang ibinigay sa atin upang

makilala natin ang mga pagkakaiba ng mga bulaang guro sa

mga tunay na guro?

2. Ano ang ibig sabihin ng “masamang bunga” at ng

“mabuting bunga”? Tingnan ang Mateo 6:2, 5, 16 at Galacia

5:22,23.

3. Ano ang nangyayari doon sa mga hindi namumunga ng

mabuti (19)?

C. Mga Babala sa mga Patungo sa Kapahamakan (21-23)

1. Ano ang sinasabi sa atin ni Hesus tungkol sa ilang

tumatawag sa Kanya ng “Panginoon”(v21)?

2. Sinu-sino ang amg taong iyon ngayon?

3. Ano ang pinagkatiwalaan nilang makapagliligtas sa

kanila.

4. Ano ang nais Makita ni Hesus sa atin kung talagang

Siya ang “Panginoon” ng ating buhay?

5. Narito (v22) ang isang naiibang grupo. “Pagdating ng

huling Araw” (“Araw ng Paghuhukom”) anu-ano ang

mga gawang sasabihin nilang ginawa nila?

6. Ano ang sasabihin ni Hesus sa kanila? Bakit babagsak

ang Kanyang hatol sa mga gumawa ng mga

“kababalaghan” sa Kanyang pangalan? (Isipin: Ano

ang pinagkakatiwalaan ng mga ito sa kanilang

ikaliligtas? (Tingnan ang Efeso 2:8.9)

7. Ano sa palagay mo ang pinanggagalingan ng

kapangyarihan sa paggawa ng ganitong mga

“kababalaghan”? (Tingnan ang Mateo 24:24)

CONCLUSION

Inuutusan tayong pumasok sa “makipot na pintuan”.

Tingnan uli ang Juan 10:9 at 27,28. Gayon din, tingnan ang

Juan 1:12.

Page 21: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 12: Pinapanumbalik Ng Diyos Ang Mga Tao Sa Pamamagitan Ni Hesus__ PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 12- 1

Lesson 12:

PINAPANUMBALIK NG DIYOS

ANG MGA TAO SA

PAMAMAGITAN NI HESUS Mga Gawa 3:11-26

Pangunahing Paksa: Ang ebanghelyo ang mabuting balita

tungkol kay Hesukristo. Dinadala Niya ang mga pagpapala ng

Diyos sa tao upang magkaroon tayo ng kapatawaran ng

kasalanan at ng bagong buhay.

Panimula: Walang salapi, impluwensya o anunsiyo ang mga

alagad. Anu-ano kaya ang dahilan ng kanilang kamangha-

manghang tagumpay – sa harap ng mahigpit na pagsalungat ng

kalaban?

DISCUSSION

A. Paglapit Upang Makinig ng Ebanghelyo

1. Naganap ang isang kagilagilalas na pagpapagaling (6-8).

Ano ang bunga nito (v11)?

2. Ano ang pangunahing paksa ng pangangaral ni Pedro (13-

16)?

3. Anu-ano ang tatlong makapangyarihang katuwirang ibinigay

ni Pedro sa pagsampalataya kay Hesus bilang Anak ng

Diyos at Tagapagligtas (v15,16 at 18, 20-24).

B. Ang Problema ng Tao sa Kasalanan

1. Ano ang kasalanan ng mga Hudyo na buong tapang na

ibinunyag ni Pedro (13-15)?

2. Bakit ipinapatay ng Hudio si Hesus?

3. Hindi natin “pinapatay” si Hesus ngayon, ngunit “itinakwil”

naman natin Siya at tinatanggihan sa ating mga buhay. Sa anu-

anong paraan? Talakayin: Ano ang bahagi ni Hesus sa ating

mga iniisip, gawa, tahanan, negosyo, at iba pa? Ihambing ang

Mga Gawa 2:42 para sa mga tunay na dapat maging

pangunahin sa buhay ng mga mananampalataya.

C. Ang Pangangailangang Magsisi

1. Ano ang panawagan ni Pedro sa kanyang mga tagapakinig

(v19)?

2. Anu-ano ang mga bagay na dapat nilang pagsisihan

(v14,15,19 &26).

3. Anu-anong mga saloobin kay Hesus, kawalan ng

pananampalataya at kasamaan ang dapat nating pagsisihan?

4. Ano sa palagay mo ang “pinakamasamang kasalanan?

Tingnan ang Mateo 22:36-38 – ang lahat ay nagkasala.

5. Ano ang tunay na pagsisisi?

D. Ang mga Bunga ng Pagsisisi at Pananampalataya

1. Ano ang pangako ni Pedro doon sa mga tunay na nagsisi

(v19)?

2. Anu-ano pa ang iba nating pananagutan bilang mga

tagasunod ni Kristo (22)?

3. Ano ang tapat na babala sa mga hindi nakikinig kay Hesus

(23)?

4. Anu-ano ang ilan sa mga “pagpapala” ng mga tagasunod ni

Hesus (v19, 25, 26)?

5. Anu-anong mga praktikal na patotoo tungkol sa mga

pagpapala ng Diyos ang maibabahagi mo?

CONCLUSION

Manguna sa isang panalangin ng pagisisi at pagtatalaga ng

sarili kay Kristo para sa mga kumikilalang kailangan nilang

gawin ang mahalagang hakbang na ito.

Page 22: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 13: Natagpuan Ng Lalaking May Takot Sa Diyos Ang Tagapagligtas PAGHAHANAP KAY HESUS

Page 13 - 1

Lesson 13:

NATAGPUAN NG LALAKING MAY

TAKOT SA DIYOS ANG

TAGAPAGLIGTAS Mga Gawa 10:30-48

Pangunahing Paksa: Nasusumpungan Siya ng mga tunay na

naghahanap sa Kanya.

Panimula: Bago basahin ang bahaging pinag-aaralan, basahin

ang Mga Gawa 10:1,2. Ayon sa mga talatang ito, sa palagay

mo kaya‟y “ayos” ang kaugnayan ni Cornelio sa Diyos (siya

kaya‟y pinatawad at ligtas na)? Kung hindi pa, ano pa ang

maari niyang gawin para makatiyak siya ng kaligtasan?

Talakayin.

Pagkatapos: Tingnan ang Mga Gawa 11:13,14. Ano ang

sagot ng Diyos sa dalawang katanungan sa itaas?

DISCUSSION

A. Si Cornelio

1. Anong klaseng tao si Cornelio (2, 22).

2. May nakilala ka bang mga tao sa inyong iglesya o bayan na

ganito?

3. Bakit ang isang mabuti at may takot sa Diyos na katulad ng

taong ito‟y hindi pa sapat sa Diyos?

4. Ano ang tugon ng Diyos kay Cornelio (31-33)

5. Bakit sinugo ng Diyos si Pedro?

B. Ang Tagapagligtas

1. Ipinapalagay pa rin ni pedro na mas mababa ang uri ng mga

Hentil kaysa mga Hudyo at hindi sila maaring maligtas (28,

45). Ano ngayon ang nalaman niya (v34,35)?

2. Ano ang sinasabi ni Pedro tungkol kay Hesus (36, 40, 42)?

Talakayin ang kahalagahan ng mga katotohanang ito.

3. Ano ang sinasabi ni Pedro tungkol sa ebanghelyo (36, 38,

43)?

4. Ayon kay Pedro, paano tayo makatatanggap ng

kapatawaran sa ating kasalanan (43)?

5. Ano ang ibig sabihin ng “mananalig” kay Hesus (43)?

Tingnan din ang Juan 1:12.

C. Ang Kaligtasan

1. Ano ang nangyari kay Cornelio at sa kanyang mga kaibigan

noong marinig nila ang ebanghelyo (44,46)? Pansinin ang

kahalagahan ng “pakikinig sa Salita”?

2. Higit sa lahat ano ang tinanggap nila (43, 47)?

3. Ano ang mga sumunod na pangyayari noong maligtas si

Cornelio at ang kanyang mga kaibigan (46-48)? Pansinin

ang kahalagahan ng “pagsubaybay” na siyang ibig sabihin

ng pananatili ni Pedro nang ilang araw pa.

CONCLUSION

Tanungin ang pangkat:

Sigurado ka bang tinanggap mo na ang kapatawaran ng iyong

kasalanan?

Sigurado ka bang tinanggap mo na ang kaloob ng Banal na

Espiritu?

Page 23: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 14: PAGLALAGAY NG PUNDASYON____________________________________________________Pagsunod Kay Jesus

Page 14 - 1

Lesson 14:

PAGLALAGAY NG MGA

PUNDASYON Mga Gawa 2:41-17

Pangunahing Paksa: Mga pangunahing hakbang para sa mga

bagong mananampalataya.

Panimula:

Talakayin: Ano ang kailangan natin upang tayo‟y lumago at maging

malakas na mga mananampalataya?

O, hilingin sa ilan na magbahagi: “Ano ang nakatulong nang malaki

sa akin noong ako‟y naging manananampalataya?”

DISCUSSION

A. Ang Bautismo

Pansinin: napakalawak ng paksang ito kaya hindi maaaring talakayin

nang buo sa pag-aaral na ito ang Biblia. Iwasan ang pagtatalo)

1. Bakit binabautismuhan ang mga bagong mananampalataya

(41)? Tingnan ang Mateo 28:19?

2. Anu-anong dalawang mahahalagang katotohanan ang

itinuturo at ipinakikita sa bautismo? A) Tingnan ang Mga

Gawa 22:16 at ang Efeso 5:26; B) Tingnan ang Roma 6:3,4

B. Ang Pag-aaral ng Biblia

1. Anu-ano ang apat na pangunahing gawain na bumubuo ng

saligan sa paglago ng mananampalataya (42)?

2. Ano ang saloobin ng mga unang mananampalataya tungkol sa

mga bagay na ito?

3. Ano ang magiging kahulugan para sa atin ng matapat na

pagsasagawa ng apat na bagay na ito?

4. Paano tyao makatatanggap ng mga “turo ng mga apostol”

ngayon?

Pagkakabahagi sa mga Kamananampalataya

1. Pagkatapos ng “pag-aaral ng Bibliya, ano ang kasunod na

dapat unahin ng isang bagong mananampalataya?

2. Paano tayo “magkakaroon ng pagsasama-sama” – ano ano

ang mga bagay na dapat maging bhagi ng pagsasama-

samang Kristiyano?

3. Ano-anong mga tanda ng pagsasama-sama at pagkakaisa ang

nakikita sa (44-47)? Paano ito naisasagawa sa atin?

C. Ang Banal Na Hapunan

(Tulad ng bautismo, ito‟y napakalawak na paksa na maari lamang

banggitin sandali sa pag-aaral na ito ng Bibliya ngayon).

1. Ang “pagpipira-piraso na tinapay” ang paraan ng Bagong

Tipan sa pagtukoy sa Huling Hapunan (Mateo 26:26-28,

tingnan ang 1 Corinto 11:23-26) Bakit isa ito sa

mahahalagang sangkap sa ating pamumuhay Kristiyano?

Tingnan ang 1 Corinto 10:16, 17.

D. Ang Panalangin

Paano tayo matututong manalangin? - magbahagi ng mga praktikal

na karanasan at mungkahi.

Anu-ano ang mga dapat unahin sa ating pananalangin? Tingnan ang

Mateo 6:9,10.

E. Ang Bunga

Kung sinusunod natin ang huwarang binabanggit sa itaas bilang

saligan ng pamumuhay-Kristiyano, anu-anong mga bunga ang

maasahan natin?

PAGWAWAKAS

Sa iyong pansariling pamumuhay, o iglesyang pampurok, alin sa

mga bahaging nabanggit ang mahina? Ano ang binabalak mong

gawin tungkol doon?

Page 24: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 15: Ang Pamumunga____________________________________________________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 15 - 1

Lesson 15:

ANG PAMUMUNGA Juan 15:1-11

Pangunahing Paksa: Ang lihim ng tunay at mabisang

pamumuhay-Kristiyano ay ang ating pakikipag-isa kay Kristo.

Panimula:

Talakayin: Ano ang pinakamahalagang likas ng pagiging isang

Kristiyano? Ano ang lihin ng mabisang pamumuhay-

Kristiyano?

DISCUSSION

A. SI CRISTO ANG TUNAY NA PUNO NG UBAS(1,2)

1. Bakit inilarawan ni Cristo ang sarili Niya bilang “Tunay na

Puno ng Ubas”? (Tingnan ang Isaias 5:1-7. Ang Puno ng

Ubas ay simbolo ng Israel, ngunit ang bansa‟y nabigong

mamunga !

2. Anu-ano ang dalawang uri ng sanga (2)?

3. Ano ang hinahanap ng Ama (2)?

4. Ano ang ginagawa Niya sa mga sangang hindi namumunga

(2)?

5. Ano ang ginagawa Niya sa mga sangang namumunga (2)?

6. Ano ang layunin ng “pinuputulan at nililinis” ang mga

sanga (2)?

B. SI CRISTO AT ANG KANYANG MGA SANGA (3-5)

1. Anu-ano ang mga sanga ng “Tunay na Puno ng Ubas” (5).

2. Paano tayo nagiging karapat-dapat na maging mga sanga ng

Punong Ubas (3)?

3. Ano ang inaasahan sa mga sanga (2,4,5,8)?

4. Ano ang bungang inaasahan ng Diyos sa ating mga buhay

(16) at Galacia 5:22,23)?

4. Paano tayo “nililinis” anong karanasan ang maibabahagi

natin (tingnan ang Hebreo 12:5,6).

5. Saan nanggagaling ang buhay ng sanga (4)?

6. Anong dakilang katotohanan ang sinasabi sa atin tungkol sa

pamumuhay-Kristiyano?

7. ano ang dakilang katotohanan ang sinasabi sa atin tungkol

sa pamumuhay-Kristiyano?

8. Ano ang dapat gawin ng mga sanga para makapamunga

nang sagana (5)?

9. Ano ang ibig sabihin ng “mananatili” kay Cristo? Paano

natin ito magagawa?

D. MGA IBA PANG PASUBALI SA PANANATILI AT

PAMUMUNGA (7-11)?

1. Anu-anong mga lihin sa pamumunga ang nakikita sa (7)?

2. Ano ang magiging bunga ng pamumunga (8)?

3. Ano ang natututuhan natin tungkol sa pagmamahal ni Cristo

sa atin (9)?

4. Paano tayo maaring “manatili” sa Kanyang pag-ibig (10)?

Tingnan ang (3) at 1 Juan 4:13.

Ano ang ninanais ni Cristo para sa atin (11)?

PAGWAWAKAS

Ano ang natutunan mo tungkol sa mabisang pamumuhay-

Kristiyano? Nakakakita ka ba ng mga dahilan ng anumang

pagkabigo o kakulangan ng bisa sa iyong pamumuhay-

Kristiyano?

Page 25: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 16: Ang Panalangin ni Pablo Para sa Mga Bagong Mananampalataya__ ___________________________Pagsunod Kay Jesus

Page 16 - 1

Lesson 16:

ANG PANALANGIN NI PABLO

PARA SA MGA BAGONG

KRISTIYANO Colosas 1:1-14

Pangunahing Paksa: Ang Bagong Buhay ng

Mananampalataya kay Cristo. (Pansinin: napakaraming

mahahalagang katotohanan dito kaya ang maaaring

mangailangan ang bahaging ito ng higit pa sa isang klase upang

mapag-aralan itong mabuti.)

Panimula

Bago basahin ang bahaging pinag-aralan, magbahaginan: Anu-

ano ang ilan sa mga salitang gagamitin mo sa paglalarawan ng

isang Kristiyano? Anu-anong mga pag-uugali ang dapat

Makita sa mga mananampalataya?

DISCUSSION

A. Ang Larawan ng Isang Mananampalataya (2,7)

1. Anong paglalarawan ni Pablo sa isang mananampalataya

(2)?

2. Sa anong paraan tayo naging “mga hinirang ng Diyos”?

Ang mga tunay na Kristiyano, bagama‟t hindi pa mga sakdal,

ay tumugon na sa tawag ni Cristo na iwan ang “sanlibutan” at

sumunod sa Kanya.)

3. Paano tayo magiging mga “tapat na mga kapatid”? Ano

ngayon ang napapaloob sa ating pakikipag-ugnayan sa ating

mga kapwa mananampalataya?

4. Ano ang ibig sabihin ng pagiging “na kay Cristo”? Paano

natin ito maipakikita sa ating mga pamumuhay?

Ano pa ang mga pag-uugali ng isang mananampalataya na

nakikita kay Epafras (7)? Paano nakikita sa atin ang mga

bagay na ito?

B. ANG MANANAMPALATAYA AT ANG KANYANG

BAGONG PAMUMUHAY (3-6)

1. Ano ang matututuhan natin sa mga panalangin ni Pablo

(3,9)?

2. Anu-ano ang tatlong mabubuting kaugaliang

ipinagpapasalamat ni Pablo (4,5)? Tingnan din ang 1

Cor 13:13.

3. Paano maipakikita sa ating mga pamumuhay ang

mabubuting kaugaliang ito?

4. Paano inilalarawan ni Pablo ang Ebanghelyo (5,6)? Ano ang

sinasabi nito sa atin tungkol sa kung paano natin dapat

pagsikapang ikalat ang Mabuting Balita?

C. Ang Mananampalataya at ang Bago Niyang Tungkulin

(9-11).

1. Anu-ano ang mga bagay na idinadalangin ni Pablo?

2. Ang mga ito ba ang pangunahin sa atin?

3. Paano tayo “pupuspusin ng kaalamang kaloob ng Espiritu

(9)”?

4. Ano ang balak mong gawin para maging karapat-dapat at

kalugod-lugod sa Panginoon” ang iyong buhay (10)?

5. Paano tayo “sasagana sa mabuting gawa, at lalawak ang

pakakilala sa Diyos” (10)?

6. Paano tayo nagkakaroon ng kapangyarihan ng Diyos sa

ating mga buhay (1) at tingnan ang Mga Gawa 1:8?

7. Ano ang magiging bunga ng kapangyarihan ng Diyos sa

ating mga buhay (1)?

Page 26: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 16: Ang Panalangin ni Pablo Para sa Mga Bagong Mananampalataya _____________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 16 - 2

8. Sa anong mga pangyayari natin kailangan ang katatagan at

pagtitiyaga (11)?

D. Ang Mananampalataya at ang Kanyang Bagong Katayuan

(12-14).

1. anu-ano ang limang bagay na nangyari sa atin noong tayo‟y

naging mga mananampalataya (12-14)?

2. Paano tayo “minarapat.. na ibilang.. sa mga hinirang na

magmamana ng kaharian ng kaliwanagan” (12)? Tingnan

din ang 1 cor 1:30.

3. Ano ang dati nating kalagayan noong tayo‟y iniligtas (13)?

4. Anu-anong mga pagbabago sa ating mga buhay ang dapat

na maging bunga ng ganitong paglipat ng kalagayan at ng

pagkakaroon ng bagong Panginoon?

PAGWAWAKAS

Magbahagi: Ano ang sinasabi sa iyo ng araling ito tungkol sa

mga bahagi na kailangang baguhin sa iyong buhay?

Page 27: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 17: Ang Buod ng Mga Pangyayari________________________________________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 17 - 1

Lesson 17:

ANG BUOD NG MGA PANGYAYARI Marcos 4:1-9

Pangunahing Paksa: Humahanap si Cristo ng mga tagasunod

na mamumunga dahil sa sila‟y masunurin at may matapat na

kalooban.

Panimula

Bago basahin ang bahaging pag-aaralan: Maaring nakaririnig

tayo ng maraming sermon, at nakaugalian na nating magbasa

ng Biblia, ngunit hindi gaanong nagbabago ang ating mga

buhay. Anong dahilan ang maibibigay mo rito?

DISCUSSION

A. ANG MABUTING BINHI (3,4)

1. Sino ang magsasaka sa kasaysayang ito?

2. Ano ang binhing inihahasik niya (14)?

3. Ano ang magagawa sa atin ng Salita ng Diyos? Tingnan ang

2 Tim 3:15-17.

4. Ano ang kinakatawan ng iba‟t ibang klaseng lupa rito?

B. ANG DAAN – MATIGAS NA LUPA (4)

1. Bakit hindi nag-uugat ang binhi sa lupang ito?

2. Sa palagay ninyo, anong klaseng mga tao ang kinakatawan

dito?

3. Anong dahilan at maraming taong nakaririnig ng Salita ang

nagwawalang bahala o kumukontra rito?

4. Ano ang kinakatawan ng mga ibon (15)?

5.. Sa paanong paraan sinisikap ni Satanas na hadlangan ang

mga tao sa tunay na pagtanggap ng Salita?

5. Mayroon bang mga pagkakataong ipinagwawalang bahala

natin ang sinasabi sa atin ng Salita?

C. Ang Mabatong Lupa (5, 6)

1. Anong problema sa lupang ito?

2. Anong klaseng pagtanggap sa Salita ng Diyos ang

inilalalarawan dito : a) sa pasimula ; b) pagkaraan ng

sandaling panahon?

3. Ano ang dahilan at ang unang pagtanggap sa ebanghelyo ay

hindi nagiging mabunga(17)

4. Mayroon ka pa bang naiisip na ibang “bato” na

nakahahadlang sa paglago ng manampalataya?

5. Ano ang tamang pagtanggap sa ganitong mga hadlang?

ANG MADAWAG NA LUPA (7)

1. Ano ang problema sa lupang ito?

2. Anu-anong mga hadlang sa paglago ng

mananampalataya ang inilalarawan ditto (18,19)

3. Narito ang mga bagay sa ating buhay na umaagaw ng

ating panahon lakas at interes. Anu-anong bagay sa

iyong buhay ang humahadlang sa iyong tunay na

pagsunod at paglilingkod kay Jesuristo?

4. Anu- ano ang dapat nating unahin sa buhay

Kristiyano(tingnan ang Mateo 6:33)? Talakayin ang

dapat unahin sa kabila ng marami nating Gawain araw-

araw.

Page 28: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 17: Ang Buod ng Mga Pangyayari ______ ______________________________________Pagsunod Kay Jesus

Page 17 - 2

ANG MATABANG LUPA

1. Anu-ano ang ginagawa ng mga taong ang mga

kalooban ay matabang lupa(20)

2. Sa anu-anong paraan nagkakaroon ng bisa ang Salita ng

Diyos sa iyong buhay?

3. Anong nangyayari sa matabang lupang hindi

inaalagaan?

4. Ano kung gayon ang dapat nating gawin upang maging

matabang lupa at magpatuloy na gayon

PAGWAWAKAS

Ano ang inaaasahang maging bunga natin? (Galacia 5:22,23/

Juan 15:16 at Mateo 28:19,20)

Ispin: ano ang nagiging bunga ko? Marami ba? O kakaunti?

Page 29: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 18: Ang Bagong Buhay___ ____________________________________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 18 - 1

Lesson 18:

ANG BAGONG BUHAY! 1 Pedro 1: 3-9

Pangunahing Paksa: Ang ating mga bagong pagpapala kay

Cristo!

Panimula

Talakayin: Ano – anong mga bagong karanasan ang dumating

sa iyong buhay mula noong naging mananampalataya ka?

Tinutukoy ni Pedro lalo na ang mga dakilang katangian ng mga

mananampalataya.

DISCUSSION

A. ISANG BAGONG PAG-ASA ( 3, 4 )

1. Ano ang bunga ng ating pagiging “isinilang sa isang

panibagong buhay” (3)?

2. Ano ang kahulugan ng “pag-asa” sa biblia. Tingnan ang

Hebreo 11:1 at Efeso 1:18 – ito ay ang pagtitiwala na may

katiyakan na mangyayari ang inaasahan natin.

3. Ano ang batayan ng pag-asang ito? (3) Bakit?

4. Anong pagkakaiba ng pag-asang ito sa ibang pag-asa ng tao

(4)?

5. Isipin: Ano ang pagkakaibang nagagawa sa ating mga

buhay kung ang ating pag-asa ay talagang nakapako kay Cristo

at sa buhay na walang hanggan?

B. ISANG BAGONG PANANAMPALATAYA ( 5-7 )

1. Kung minsan, natatakot tayong hindi sapat ang ating

kalakasan at kabutihan upang magpatuloy sa pagsunod

kay Jesus. Ano ang nagpapanatili at nag-iingat sa

atin(5)? Tingnan ang Hebreo 13:5-6.

2. Paano natin maaangkin ang kapangyarihan ng Diyos?

(Tiyakin mong ang katiyakan mo ay ang kapangyarihan

ng Diyos, hindi ang iyong pananampalataya!)

3. Ano ang dapat nating asahang mangyayari sa atin(6)?

Tingnan ang Juan 16:33; Mga Gawa 14:22.

4. Ano ang layunin ng mga pagsubok at kahirapang

nararanasan natin bilang mga mananampalataya(7)?

5.. Ano ang magiging bunga ng isang pananampalatayang

“pinararaan sa pagsubok” ( 7, tingnan din ang 9)?

6. Isipin: Ano ang pagkakaibang nagagawa sa ating mga

buhay kung malakas ang ating panampalataya?

C. ISANG BAGONG PAG-IBIG (8)

1. Ano ang pambihirang katangian ng pag-ibig Kristiyano?

2. Bakit mahal natin si Cristo? Tingnan ang 1 Juan 4:9, 10, 19.

3. Ano ang bunga ng Kaniyang pag-ibig sa atin? ( Mayroon ka

ba ng kagalakang ito?)

4. Isipin: Ano ang pagkakaibang nagagawa sa ating mga buhay

at sa mga bagay na dapat nating unahin kung tunay na

mahal natin si Jesus?

PAGWAWAKAS

Anu – ano ang mga tiyakang bagay na gagawin mo sa isang

lingo bilang katunayan ng iyong pag-asa, pananampalataya at

pag-ibig?

Page 30: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 19: Mga Hadlang Sa Pagiging Tunay Na Tagasunod_____________ ___________________________ _ Pagsunod Kay Jesus

Page 19 - 1

Lesson 19:

MGA HADLANG SA PAGIGING

TUNAY NA TAGASUNOD Lucas 14:25-33

Pangunahing Paksa:

Pagtuklas ng mga pangunahing”suliranin” na humahadlang

sa atin sa pagsunod nang buong puso kay Cristo

Panimula

Bago basahin ang bahaging pag-aaralan, talakayin: Anu-ano

ang ilan sa mga bagay na nagpapahirap at pumipigil sa atin

para makasunod kay Cristo?

1. Tungkol sa ano ang bahaging ito? ( tingnan ang mga

talatang 26, 27, 33 “Hindi maaaring maging alagad

ko..)

2. Ano ang alagad?

DISCUSSION

A. ANG SULIRANIN NG PAGKAKAROON NG

DALAWANG PINAHAHALAGAHAN: SI JESUS AT

ANG ATING MGA KAMAG-ANAK ( 26 )

1. Ano ang maaaring ibig sabihin ni Jesus noong sabihin

Niyang,”ang sinumang hindi napopoot sa kanyang ama…”

( tingnan ang “footnote” mula sa wikang Griego sa ibaba ng

Mabuting Balita Biblia.)

2. Sino ang pangunahingdapat nating pag-ukulan ng pag-ibig,

katapatan at pagsunod? Tingnan ang Mateo 22:36-38.

3. Pag-isipan at pag-usapan ang ilang mga halimbawa ng mga

kalagayang isinasagawa natin na kung saan ang pag-ibig at

pagsunod kay Cristo ay kasalungat ng pagbibigay lugod sa

ating mga mahal sa buhay.

B. ANG SULIRANIN TUNGKOL SA MGA PANGARAP

AT MGA HANGARIN: SI JESUS AT ANG ATING

SARILI ( 27 )

1. Ano ang ibig sabihin ng “magpasan ng sariling

krus”?(Hindi ang mga karaniwang pagsubok at mga

suliranin sa buhay kundi ang mga tanging pagsubok at

kahirapang dumarating sa atin sa pagsunod natin kay

Cristo. Tingnan ang Lucas 9:23-26)

2. Anong mga bahagi sa sarili nating naisin, pagpapahalaga at

pagbibigay-kasiyahan sa sarili ang humahadlang sa atin

sa ating pagsunod?

Magbahagi ng ilang pansariling karanasan na kung saan

ang pagsunod kay Cristo ay nakapagbago sa iyong

buhay!

C. ANG KATUMBAS NG PAGSUNOD ( 28-32)

1. Binigyan tayo ni Cristo ng dalawang halimbawa: ang

pagsunod sa Kaniya(bagamat may malalaking

gantimpala, ngayon at sa buhay na walang hanggan) ay

malaki ang kabayaran!

2. Saan itinutulad ni Cristo ang buhay-Kristiyano(28)?

3. Ano ang nakikita mong “kabayaran” ng pagkakaroon ng

isang mabisang pamumuhay-Kristiyano?

4. Ang buhay Kristiyano ay itinutulad din sa……(31)?

5. Anu-ano ang ilan sa mga katangian at kabayaran ng

pakikipaglaban ng Kristiyano?

Page 31: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 19: Mga Hadlang Sa Pagiging Tunay Na Tagasunod_____________ _____________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 19 - 2

D. ANG SULIRANIN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA

MATERYAL: SI JESUS AT ANG ATING MGA

PAG-AARI (33)

1. Ano ang ibig sabihin ng “tatalikdan” ang lahat ng ari-

arian natin? ( Tingnan ang Colosas 3:1-3.)

2. Anu-ano ang ilan sa mga material na bagay na

pinakananais mo sa buhay?

3. Paano nakakahadlang ang ganitong mga “bagay” sa

ating pagsunod?

PAGWAWAKAS:

Basahin ang Filipos 3:8. Ibahagi mo ang iyong

pangunahing problema sa pagsunod kay Jesus. Paano

nakatulong ang pag-aaral na ito? Magdalanginan

kayo sa inyong ikapagiging mabuting tagasunod.

Page 32: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 20: Bakit Hindi Sinasagot Ang Mga Dalangin Ko________________ ___________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 20 - 1

Lesson 20:

BAKIT HINDI SINASAGOT ANG

MGA DALANGIN KO Lucas 11: 1-13

Pangunahing Paksa: Mabisang Panalangin

Panimula

Anu-ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang ating mga

panalangin ay hindi laging sinasagot? Anu-ano ang ilan sa

iyong mga suliranin sa pananalangin? Gusto rin ng mga alagad

ni Jesus noon ang tulong.

Ito ang sinabi Niya sa kanila.

DISCUSSION

A. MGA DAPAT UNAHIN SA PANANALANGIN(2-4)

1. Sinu-sino ang mga may karapatang tumawag ng “Ama” sa

Diyos? Tingnan ang Juan 1:12.

2. Ano-ano ang mga bagay na pangunahin sa ating

pananalangin (2)Tingnan din ang Mateo 6:9,10. Pansinin ang

mga bagay na bumubuo sa unang kalahating bahagi ng

dalanging ito.

3. Ano ang ibig nating sabihin pag nananalangin tayo ng

“magsimula na sana ang Iyong paghahari”? (2)

4. Anu-anong pansariling pangangailangan ang ipinahahayag

sa panalanging ito?

5. Ano ang ating kalagayan kung hindi tayo nagpapatawad sa

iba? Tingnan ang Mateo 6:15.

B. IDALANGIN ANG IBA (5,6)

1. Ano ang pangangailangan ng lalaking dumating galing sa

paglalakbay? ( tawagin mo siyang „B‟) (6)

2. Ano ang tugon ng lalaking dinatnan niya sa bahay?(

tawagin mo siyang „A‟) Bakit ganito ang sagot niya?

3. Anu-ano ang ilan sa mga pangangailangan ng mga taong

nasa paligid natin?

4. Ano ang tugon natin sa kanilang mga pangangailangan?

5. Sapat ba ang ating malasakit sa kanila?

6. Ano ang kalagayan ng lalaking si „A‟(6)?

7. Ano ang kaugnayan nito sa ating sariling kalagayan sa

harap ng malaking pangangailangan ng iba?

8. Ano ang lunas sa pangangailangan ni „A‟ (5)?

9. Paano natin ito magagamit sa pananalangin? Sino ang

ating Kaibigan?

C. MGA PROBLEMA SA PANANALANGIN (7,8)

1. Ano ang tugon ng kaibigan ni „A‟? (tawagin mo siyang „K‟)

2. Ano ang dapat gawin ni „A‟ upang makuha niya ang gusto

niya kay „K‟? Bakit hindi siya nagsasawa? (Pansining

nabigo siyang gamitin ang kanilang pagkakaibigan –

ngunit nagpatuloy siyang kumakatok dahil sa dalawang

mahalagang kadahilanan!)

3. Ang Diyos Ama ay tulad ni „K‟. Ano kung gayon ang aralin

sa pananalangin na itinuturo sa atin ni Jesus?

4. Anu-ano kung gayon ang dalawang dahilan kung bakit kung

minsan ay ipinagpapaliban ng Diyos ang pagsagot sa

ating mga dalangin? ( upang subukin kung, tulad ni „A‟

(i) talagang may malasakit tayo sa mga

pangangailangan ng mga taong idinadalangin

natin(mayroon ka ba?) (ii) talagang nananalig tayong

kaya at ibibigay ng Diyos ang sagot sa ating dalangin.)

Page 33: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 20: Bakit Hindi Sinasagot Ang Mga Dalangin Ko _____________ _____________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 20 - 2

D. MGA PANGAKO SA PANANALANGIN ( 9-13) 1. Anu-anong mga pampasigla sa pananalangin ( at matatapat

na pangako ng Diyos ) ang masusumpungan ditto

(9,10)?

2. Anong uri ng pagtitiwala sa ating Diyos Ama ang dapat na

matagpuan sa atin (11-13)?

3. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang kahilingan sa

pananalangin na maari nating ipahayag (13)?

PAGWAWAKAS :

Anu-anong mga pagbabago sa iyong buhay pananalangin ang

makikita bilang bunga ng pag-aaral na ito?

Page 34: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 21: Ang Pakikipaglaban Araw – Araw__________________________ _________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 21 - 1

Lesson 21:

ANG PAKIKIPAGLABAN ARAW -

ARAW Mateo 4:1-10

Pangunahing Paksa:Pagkilala at pagdaig sa tukso

Panimula

Talakayin: Ano ang ginagawa mo para madaig ang tukso?

Nagtatagumpay ka ba tuwina?

Ano sa palagay mo ang dahilan at nabibigo ka?

DISCUSSION

A. NAIS NG DIYOS NA MAGTAGUMPAY TAYO

1. Basahin ang Roma 6:12-14 at 1 Corinto 10:13, Ano ang

sinasabi sa atin ng huling talata tungkol sa pagdaig sa

tukso?

2. Anu-anong tatlong paraan ng tukso ang nakikita mo sa

bahaging pinag-aaralan? Mateo 4:1-10, tingnan din ang 1

Juan 2:16

B. MGA PANUNUKSO SA KATAWANG LUPA( 2-4)

1. Ano ang unang sinabi ng diyablo kay Jesus?

2. Anong prinsipyo ng tukso ang nakikita rito? ( Laging

sinisikap ni satanas na maghasik ng pag-aalinlangan sa

ating mga isip at hamunin ang katotohanan ng Salita ng

Diyos.)

3. Anong bahagi ng likas ni Jesus ang pinupuntirya ng

tuksong ito? Bakit napakabigat ng tuksong ito sa

panahong ito(2)?

4. Anu-ano pa ang ibang mga tuksong dumarating sa ating

katawang lupa. ( Ang ibig sabihin ng “katawang lupa”

ay ang bahagi nating nagugutom at nagnanais kumain,

matulog, makipagtalik, lumasap ng ginhawa, at iba pa.)

5. Ano ang ginawa ni Jesus upang mapaglabanan ang tukso?

Tingnan din ang mga Awit 119:9, 11.

6. Ano sa palagay mo ang tamang tugon sa panunukso ng

katawang lupa? Tingnan ang 2 Timoteo 2:22 at Roma

13:11.

7. Sinabi ni Jesus: Mahina ang katawang lupa. Paano tayo

magkakaroon ng kapangyarihan upang madaig ang mga

tukso ng katawang lupa? Tingnan ang Roma 8:13.

C. MGA PANUNUKSO NG “SANLIBUTAN”( 5-7 )

1. Naiintindihan mo ba kung paano itong pangalawang

tuksong ito ay kaugnay ng pagiging makamundo(

nagsisikap na mang akit ng mga tao sa pamamagitan ng

pagpapasikat?)

2. Anu-ano pa ang ibang bagay na makamundo at mga

saloobin ang nakatutukso sa atin?( salapi, mga ari-arian,

tagumpay, katanyagan, kultura, palakasan, at iba pa.

Maaaring ang ilan sa mga bagay na ito mismo ay

mabubuti, ngunit maaaring maging hadlang sa buong

pusong pagsunod kay Cristo.)

3. Paano ginagamit at ginagamit ng mali ni satanas ang Banal

na Kasulatan upang palakasin ang tukso?( Maingat na

ihambing ang talatang 6 sa mga Awit 91:11, 12 ).

4. Paano ito nagiging babala sa atin?

5. Basahin ang Galacia 6:14 at Roma 12:2. Ano ang sinasabi

sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagdaig sa mga

tukso ng sanlibutan?

Page 35: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 21: Ang Pakikipaglaban Araw – Araw _____________ _______________________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 21 - 2

D. MGA PANUNUKSO NG DIYABLO (8-10 )

( Lahat ng tukso ay mula sa diyablo. Ang bahaging ito ay

tumutukoy sa tuwiran, sa halip na di-tuwirang

panunukso.)

1. Ano ang pangwakas na “pagsalakay” ng diyablo (8,9)?

2. Sa paanong paraan tayo natutuksong humanap ng sarili

nating ikatatanyag at ikapupuri?

3. Ano ang ugat ng ganitong kasalanan?

4. Sa paaanong paraan tayo nakararanas ng “tuwirang”

panunukso ni satanas? ( pagsuway, pag-aalinlanagn,

pagkawala ng pag-asa, pagkatakot, at iba pa.)

5. Ano ang ginagawa ni Jesus sa panunuksong ito?( 10 )

6. Basahin ang 1 Pedro 5:6-9( tingnan ang Santiago 4:7) at

ang Lucas 10:19. Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang

ito tungkol sa pagdaig sa mga tukso ni satanas?

PAGWAWAKAS:

Naiintindihan mo na ba kung ano ang tamang tugon sa iba‟t

ibang tukso sa iyong buhay?

Page 36: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 22: Ang Pagdidisiplina Ng Ama_______________________________ _________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 22 - 1

Lesson 22:

ANG PAGDIDISIPLINA NG AMA Hebreo 12: 1-14

Pangunahing Paksa:Bilang isang mabuti at

mapagmahal na Ama, dinidisiplina ng Diyos ang

Kanyang mga anak upang sila ay maging mga

banal.

Panimula

Binigyan tayo ng manunulat (sa kapitulo11) ng maraming

halimbawa ng mga bayani ng pananampalataya.Ngayon, ang

mga bayaning ito ay nanonood sa atin habang tayo‟y

tumatakbo sa karera ng pananampalataya. Mahabang takbuhin

ito. Anu-ano ang mga katangiang kailangan ng isang

mananakbo para sa nasabing paligsahan?

DISCUSSION

A. ANG PAGTAKBO SA KARERA NG

PANANAMPALATAYA ( 1-4 )

1. Anu-ano ang mga tagubiling ibinigay sa atin para sa

pagtakbo sa karera ng pananampalataya (1,2)?

2. Anu-ano ang ilan sa mga “balakid na pumipigil sa atin” na

nakahahadlang sa atin sa pagtakbo sa karera ng

pananampalataya(1).

3. Sa (1) nagsasalita ang manunulat tungkol sa kasalanan. Sa

kapitulo 11- ano sa palagay nyo ang kasalanang ito?

Tingnan ang Hebreo 3:12.

4. Sa paanong paraan humahadlang sa atin ang kawalan ng

pananampalataya sa pag-unlad sa pamumuhay Kristiyano?

5. Ano ang lunas sa kawalan ng pananampalataya(2)?

6. Anu-anong panganib ang dapat nating pag-ingatan (3)?

7. Paano nakatutulong sa atin ang mga halimbawa ni Cristo

( 3,4 )?

B. ANG MGA AMA AT ANG MGA ANAK ( 5-11 )

1. Ano ang dapat nating asahan mula sa ating Amang nasa

langit (5)? Sa paanong mga paraan nararanasan mo ang

pagdidisiplina ng Panginoon?

2. Anu-ano ang dalawang maling ugali o pagtangap na dapat

nating iwasan pag dinidisiplina tayo(5)?

3. Ano ang nakakatulong sa atin sa pagtangap ng disiplina

(6,7)?

4. May mga pagkakataon na ba sa iyong buhay na dinisiplina

ka ng Diyos? May nalalaman ka bang bahagi ng iyong

buhay na nangangailangan ng pagwawasto at

pagdidisiplina?

5. Sa anong mga paraan ang pagdidisiplina ng ating Ama sa

laman ay A) katulad B) di-katulad ng pagdidisiplina

ng Panginoon (9,10)

6. Ano ang layunin ng disiplina ng Diyos(10)? Anu-ano ang

ang ilan sa mga praktikal na katunayan ng kabanalan?

Tingnan ang Colosas 3:12-15.

7. Ano ang bunga ng ganitong pagdidisiplina(11)?

C. PANGWAKAS NA PAALALA (12-14)

1. Sa anong paraan tayo mahihina at lampa kung minsan(12)?

2. Anu-ano ang dalawang mahahalagang bagay na dapat

nating pagsumikapan(14)? Anu-ano ang ilan sa mga

hakbang na madaling isagawa na maari nating gawin

para makamit ito?

D. PAGWAWAKAS

Nakikita mo ba ang ilang paraan ng pagdidsiplina sa iyo ng

Diyos ngayon? Paano ka natutulungan ng pag-aaral na

ito na makatugon ka ng tama sa Kanyang

pagdididsiplina?

Page 37: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 23: Mga Gabay Sa Pamumuhay Na Maka-Diyos__________________ _________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 23 - 1

Lesson 23:

MGA GABAY SA PAMUMUHAY NA

MAKA-DIYOS Mga Kawikaan 3:1-12

Pangunahing Paksa: Ilang matatalino at mapagmahal na

patnubay mula sa ating Ama.

Panimula

Kung mangingibang bayan ang isa mong anak na lalaki-

anu-ano ang ilan sa mga bagay na gusto mong sabihinsa

kanya? Heto ang mga tagubilin ng ating Ama!

Ano ang napapansin mong kasunod ng bawat tagubilin?

( Isang Pangako)

DISCUSSION

1. Ano ang una at pinakamahalagang bagay na dapat

nating gawin bilang mga anak ng Diyos (1)? a. Anu-anong mga hakbang ang dapat nating

gawin para maalis ang ating pagkamalilimutin?

b. Anong klaseng pagsunod ang hinihingi ng

Diyos(1)?

c. Ano ang pangakong ibinibigay doon sa mga

sumusunod(2)?

d. Anong pagpapala ang naranasan mo sa iyong

buhay bunga ng pagsunod?

e. Anong klaseng kabutihan ang maaasahan natin

bilang mga anak ng Diyos(2)? Tingnan ang

Mateo 6:33 at ang Juan 10:10.

2. Anu-ano ang mga sumusunod na tagubilin sa atin (3)?

a. Paano natin maisasagawa ang mga ito?

b. Ano ang ibig sabihin ng “ikuwintas sa iyong

leeg at itanim sa isipan”(3)?

c. Ano ang pangako ng Diyos sa mga gumagawa

nito(4)? Tingnan ang Lucas 2:52.

3. Ano ang ibig sabihin ng “Kay Yahweh ka magtiwala”

(5)?

a. Sa paanong paraan tayo natutuksong magtiwala

sa mga bagay o tao?

b. Ano ang mali sa ating sariling pang-unawa(5)?

Tingnan ang Isaias 55:8,9.

c. Sa anu-anong pangyayari tayo nabibigong “Siya

ay sangguniin sa lahat nating mga balak”(6)?

d. Ano ang pangako ng Diyos sa mga

sumasanguni sa Kanya sa lahat ng balak

nila(6)?

4. Anu-anong problema ang sumisipot pag “ipinangahas

natin ang ating nalalaman” (7)?

a. Ano ang pangako ng Diyos sa mga “natatakot sa

Diyos at lumalayo sa kalikuan” (7,8)?

b. Sa papaanong paraan nagbubunga ng

pagkakasakit ang kasalanan? Mayroon bang

matibay na kaugnayan ang dalawa”(1,2,7 at 8)?

5. Anu-ano ang ating mga “kayamanan” at mga

“pinakamainam na ani”(9)?

a. Paano natin “hinahandugan ang Panginoon”(9)?

b. Ano ang saloobin at ginagawa ng Kristiyano

tungkol sa mga kayamanan at mga kinikita?

Tingnan ang 1 Timoteo 6:8-10 at 1 Corinto

16:2.

c. Ano ang pangako ng Diyos sa matapat na

nagbibigay (10)? Tingnan ang 2 Corinto 9:6-8.

Page 38: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 23: Mga Gabay Sa Pamumuhay Na Maka-Diyos _____________ _____________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 23 - 2

6. Ano ang dapat nating asahan bilang mga anak ng ating

Ama sa langit (11)?

a. Paano natin nararanasan ang disiplina ng Diyos?

b. Ano ang tamang saloobin sa disiplina ng

Diyos(11)?

c. Ano ang nakatutulong sa atin sa pagtangap ng

disiplina (12)?

d. Bakit tayo dinidisiplina ng Diyos(12)?

PAGWAWAKAS

Narito ang tagubilin ng ating Ama! Isipin mo kung saan ka

kailangang gumawa ng pagbabago sa iyong buhay bilang tugon

mo sa araling ito.

Page 39: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 24: Pamumuhay Sa Liwanag_________________________________ ___________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 24 - 1

Lesson 24:

PAMUMUHAY SA LIWANAG 1 Juan 1:1-10 – 1 Juan 2:1-2

Pangunahing Paksa: Paano magkakaroon ng pakikisama sa

Ama at sa sambahayan!

Panimula: Sa palagay mo, anong karanasang nagpapatuloy

ang pinakabuod ng Kristiyano.

DISCUSSION

A. ANG MABUTING BALITA ( 1-4 )

1. Ano ang ibig sabihin ni Juan sa “Salita na nagbibigay-

buhay” (1)?

2. Ano ang sinasabi ni Juan sa atin tungkol kay Jesus (1)?

Tingnan ang Juan 1:1, 4.

3. Ano ang nakita ni Juan kay Jesus at ngayon ay nais niyang

ibahagi sa atin (2)?

4. Paano “nahayag ang buhay “ sa atin (2)? Tingnan ang Juan

17:3.

5. Ano kung gayon ang magandang layunin at bunga ng

ebanghelyo (3,4 )?

6. Ano kung gayon ang kaibahan ng Kristiyanismo sa

“relihiyon”?

B. PAGKILALA SA TUNAY NA DIYOS AT

PAGKAKAROON NG PAKIKISAMA (5-7)

1. Ano ang natututuhan natin tungkol sa Diyos sa

paglalarawang” ang Diyos ay Ilaw”(5)?

2. Ano ang humahadlang sa atin upang magkaroon tayo ng

pakikisama sa dalisay at banal na Diyos (6)?

3. Ano ang ibig sabihin ng” namumuhay sa kadiliman”(6)?

4. Paano inilalarawan ni Juan yaong mga nagsasabing sila‟y

Kristiyano, ngunit patuloy na nagkakasala(6)?

5. Ano ang ibig sabihin ng “namumuhay sa liwanag”(7)?

Tingnan ang 2:6 at Juan 8:12; Efeso 5:3-14.

6. Ano ang bunga ng pamumuhay sa “liwanag”(7)?

C. PAGTRATO SA KASALANAN (8 – 2:2) 1. Sa palagay mo ba ang isang tunay na Kristiyano ay hindi

na nagkakasala kailanman(8)?

2. Ano ang dapat nating gawin kung nagkasala tayo(9)? (ang

ibig sabihin ng “ipahayag” ay “makiayon” sa sa Diyos-

huwag magdahilan: “opo, nagkasala ako.”)

3. Kanino natin dapat ipahayag an gating mga kasalanan?

Tingnan ang Mga Awit 32:5, Mateo 5;23,24; Santiago

5:16.

4. Paano maaaring maging makatarungan ang Diyos at

magpatawad ng ating mga kasalanan, hindi ba dapat na

ang isang makatarungang Hukom ay magparusa sa atin

dahil sa ating mga kasalanan (9)? Tingnan ang kapitulo

2:1-2.

5. Ano ang ipinangangako ng Diyos na gagawin Niya bilang

karagdagan sa pagpapatawad ng ating kasalanan(9)?

6. Ano ang layunin ng Diyos para sa Kanyang mga anak

( 2:1a, Tingnan ang 1 Corinto 10:13)?

7. Ano ang inilaan ng Diyos para sa Kanyang mga

anak(2:1b,2, tingnan ang 1:7?

D. PAGWAWAKAS

Talakayin: Anu-anong madadaling isagawang mga

hakbang ng “pamumuhay sa liwanag” ang gagawin mo

upang tumibay ang iyong pakikisama sa ibang mga

mananampalataya?

Page 40: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 25: Ang Bagong Lipunan Ng Diyos____________________________ _________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 25 - 1

Lesson 25:

ANG BAGONG LIPUNAN NG DIYOS Colosas 3:1-17

Pangunahing Paksa: Paano ipamumuhay ang”bagong buhay”

na pinasok natin sa pamamagitan ni Jesucristo

Panimula: Anu-anong bagay ang nabago sa iyong buhay mula

noong maging mananampalataya ka? Anu-anong bagay ang

hindi pa nababago ngunit dapat na mabago?

DISCUSSION

A. ANG ATING BAGONG BUHAY AT

PATUTUNGUHAN (1-4)

1. Ano ang nangyari noong naging mananampalataya tayo(1)?

Tingnan din ang Roma 6:3-5.

2. Ano ang ibig sabihin ng “namatay na kayo” at “binuhay

kayong muli, kasama ni Cristo”?

3. Yamang tayo‟y “binuhay na…muli, kasama ni Cristo”, ano

ang dapat nating isaisip(2)?

4. Ano ang inasahan natin(4)?

B. PAG-AALIS NG ATING “DATING PAGKATAO”

(5-9) 1. Anu-ano ang mga bagay na hindi na dapat makita sa buhay

ng isang mananampalataya (5,8,9)?

2. May nakikita ka bang mga bagay dito na hindi pa naaalis

sa iyong buhay?

3. Bakit tinawag ni Pablong “pagsamba sa diyus-diyusan”

ang pag-iimbot(5)

4. Anu-anong dahilan ang ibinigay ni Pablo sa pagwawakas

ng sa lahat ng uri ng makasalanang Gawain(6,9b)?

5. Paano natin ipinapako ang “ dati nating pagkatao”?

Tingnan ang Roma 6:6-8. ( Halimbawa: Maaaring mag-

asal “bata” ang isang may edad na ngunit hindi siya

dapat magkagayon, at hindi siya kailangang

magkagayon. Ang totoo-siya‟y may edad na. Gayon

din, wala na sa atin ang “dati nating pagkatao”(9b,10)

ngunit maaari pa ring mamuhay bilang isang

makasalanan!)

C. PAGBIBIHIS NG BAGONG BUHAY (10-14) 1. Ano ang sumusunod sa “paghuhubad ng dating

pagkatao”(9b, 10)?

2. Kailan ito nangyari? Tingnan ang 2 Corinto 5:17 at Roma

13:14.

3. Paano inilalarawan ni Pablo ang mga mananampalataya

ngayon(12a)?

4. Anu-ano ang mga ugali ng “bagong pagkatao” ( 12-14)

5. Alin sa mga ito ang para sa iyo‟y mahirap gawin? Bakit?

6. Anong matibay na dahilan ang dapat na tumulong sa atin

upang maluwag sa loob na makapagpatawad sa

iba(13)?

7. Paano tayo “mag-iibigan”(14)? Tingnan ang Roma 5:5.

D. PAGPAPANATILI SA BAGONG BUHAY(14-17)

1. Anu-anong bagay ang maaaring magwasak sa ating “ganap

na pagkakaisa” bilang mga mananampalataya at sa

ating pagsasama-sama(14)?

2. Paano natin mapananatili o mapananauli ang “ganap na

pagkakaisang” iyon(15,16a)?

3. Ano ang maitutulong ng “kapayapaang kaloob ni Cristo”

kapag naghari sa ating puso(15,16)?

4. Ano ang ibig sabihin ng “gawin ninyong lahat sa Pangalan

ng Panginoong Jesus”(17)

Page 41: Bible Study Lessons : Paghahanap at Pagsunod

Lesson 25: Ang Bagong Lipunan Ng Diyos _________________________ ___________________________ Pagsunod Kay Jesus

Page 25 - 2

5. Ano ang susi sa ikabubuti ng pamumuhay-espiritwal ang

tatlong beses na sinabi ni Pablo sa mga talatang

ito(15,16,17)?

E. PAGWAWAKAS

Ano ang natuklasan mo sa bahaging ito na isang bagay na

dapat ipagpasalamat?

Saglit kang manalangin ngayon at ipagpasalamat mo sa

Diyos ang mga bagay na ito.