22

Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Tags:

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02
Page 2: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

A. Saligang-Batas ng Biak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

B. 1935 – Pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika (Seksyon 3, Art.XIV)

C. 1936 – inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Page 3: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02
Page 4: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02
Page 5: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

D. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

E. Abril 1, 1940 - Paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Page 6: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Manuel L. QuezonAma ng Wikang Pambansa

Page 7: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Surian ng Wikang Pambansa

• Layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Page 8: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

F. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

G. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Page 9: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Ramon Magsaysay

Page 10: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

H. Set. 23, 1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto.

I. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Page 11: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

J. Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalan sa Pilipino.

K. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Page 12: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Kawanihan ng Rentas Internas

Page 13: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02
Page 14: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

L. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-75.

M. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Page 15: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong

Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y

nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Page 16: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Pebrero 2, 1987

Artikulo XIV - Wika • Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Page 17: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

• Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Page 18: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

• Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

• Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

Page 19: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

• Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Page 20: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

TALASANGGUNIAN

Gonzales, Lydia F. & Ramos, Jesus Fer.(1980). Pambansang Kamalayan sa Wika at

Edukasyon, U.P., Diliman, Quezon City

Page 21: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

Naniniwala ba kayo na mas higit na dapat paunlarin

at gamitin nang wasto ang wikang Filipino

kaysa sa wikang Ingles o wika ng ibang bansa?

Page 22: Batas Ng Wikang Pambansa 1278757459 Phpapp02

“Wika ang dungawan ng kultura ng lipunang pinag-ugatan at gumagamit

nito.”

Bumuo ng isang kaisipan / pahayag tungkol sa kahalagahan ng wika gamit ang mga salita na nasa ibaba.

wika komunikasyon sagisag instrumento tunog pag-unlad bansa pag-iisip kultura damdamin indibidwal kaalaman