Click here to load reader
View
232
Download
3
Embed Size (px)
BARANGAY ZONE IV - POBLACION
ATIMONAN, QUEZON
SOCIO-ECONOMIC PROFILE
BARANGAY ZONE IV - POBLACION
Prepared by:
ARNEL M. ALCANTARA Municipal Planning & Development Coordinator
CECILIA T. DE TORRES Assistant Municipal Planning & Development Coordinator
MAY MODELO-SORNITO Project Development Officer II
2014 December
Republika ng Pilipinas BARANGAY NG ZONE IV - POBLACION
Bayan ng Atimonan Lalawigan ng Quezon
* * * * *
TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY
MENSAHE
MABUHAY!
Matapat at maayos na paglilingkod po sa inyo. Ang aking adhikain ay makapaglingkod
ng tapat at tunay. Mapanatili ang kaayusan, kalinisan, pagkakaisa at katahimikan sa
pamayanan sa abot ng aking kakayanan. Talaga pong napakahirap ng buhay sa ngayon, dahil
sa pagpatuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline na siyang sanhi ng pagtataasan ng lahat ng uri
ng pangunahing pangangailangan sa isang pamilya, kaya napakahalaga po na ang
pagdedesiplina at pagtutulungan na magmumula sa pamilya, na siyang magbubuklod patungo
sa pakikipag-ugnayan sa pamayanan.
Sapagkat naniniwala po ako na ang pag-unlad na nagmula sa maayos na pamamahala
ng bawat pamilya ay walang dahilan upang hindi mapa-unlad ang isang pamayanan.
Sana po, kung maiisip ng bawat isa na kung iiwasan ang sobrang bisyo, inggitan at mga
di-pagkakaunawaan sa halip ay magtulungan at pag-usapan ang mga suliranin sa pamayanan
kayat walang dahilan upang hindi natin makamit ang minimithing kaunlaran.
Naway lagging sumainyo ang pagpapala ng Poong Maykapal at maghari nawa sa inyong
mga puso ang pagmamahalan at paggalang sa ating kapwa.
Lubos na sumasainyo,
MARCELINO V. PRECIOSO Punong Barangay
Republika ng Pilipinas BAYAN NG ATIMONAN Lalawigan ng Quezon
* * * * *
TANGGAPAN NG PUNUMBAYAN
MENSAHE
Mahalaga ang kamulatan ng mamamayan sa mga impormasyon ukol sa
bawat barangay ng Atimonan. Ang magbigay ng konkreto at angkop na mga
datos ang layunin ng Socio-Economic Profile ng mga Barangay. Ito rin ang
magsisilbing matibay na batayan upang mabalangkas ng Pamahalaang Bayan
ang mga programang pangkaunlaran na ang mamamayan ang higit na
makikinabang.
Ang ating mamamayan ang salamin ng kaunlaran ng bayan kaya ang
progreso ng apatnaput dalawang barangay ay pinapahalagahan ng Lokal na
Pamahalaan ng Atimonan. Ang Socio-economic Profile ang testimonya na patuloy
ang pag-unlad ng ating bayan.
Sama-samang magsimula,
Walang Maiiwan sa pag-unlad ng ATIMONAN!
JOEL M. VERGAO
Punumbayan
VISION
Isang Barangay na maka-Diyos... mapayapa... malinis at may
malusog na mga mamamayan upang makamit ang kaunlaran.
MISSION
Patuloy na palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan, ibayong
pagpapa-unlad sa sector ng kalakalan lalot higit sa pangisdaan
at pagpapahalaga sa Likas na Yaman para sa kapakanan ng
susunod pang henerasyon.
1. HISTORICAL BACKGROUND
KASAYSAYAN NG BARANGAY ZONE IV - POBLACION
Ang Barangay Zone IV ay matatagpuan sa hilagang kanluran ng Poblacion, Atimonan,
Quezon. Ito ay may hangganan tulad ng mga sumusunod: sa hilaga ay Lamon Bay, sa
kanluran ay ilog Maling, sa silangan ay Barangay Zone I at sa timog ay Barangay Zone III.
Ang Barangay Zone IV ay hindi katulad ng ibang mga barangay na ang pangalan ay
kinuha sa mga Santo, pangalan ng mga bayani, mga kahoy, mga alamat at ibat ibang mga
pangyayari kundi ito ay pinangalanan bilang ika-apat na bahagi ng Poblacion.
Noong nakaraang ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Barangay Zone IV ay hindi pa
isang Barangay kundi ito ay isang Purok na tinatag ng mga guro ng mababang paaralan ng
pamahalaan dito sa Atimonan, Quezon na ang tanging layunin ay mapasigla sa mamamayan
ang kahalagahan ng kalinisan at kagandahan ng pamayanan. Ang unang naging Purok Leader
ay ang yumaong G. Marciano Ricardo at ang sumunod ay ang yumaong G. Enrique Veras.
Matapos ang pagpapaganda ng mga purok, ang sumunod ay ang Santa Cruz de Mayo na ang
layunin ay ang paggunita sa Banal na Sata Cruz at isa sa tagapangasiwa o tagapagtatag ay
ang kasalukuyang Board Member Remedios V. Diestro na noong araw ay sa Bagong Bayan,
Barangay Zone IV naninirahan kung kaya ito ay tinawag na Quarta Zona o Zone IV.
Nang ideklara ng dating Pangulong Marcos ang Martial Law o Batas Militar noong
ika-21 ng Setyembre 1972, ang Zona Kuwatro ay ginawang Zone IV na walang karapatan sa
bahagi sa mga buwis ng mga ari-ariang di natitinag na hindi katulad ng mga barangay sa
kanayunan na nasasakop ng R.A 3590 o ang Barrio Charter kaya ang Barangay Poblacion
tulad ng Barangay Zone IV ay hindi kasing tatag ng mga mamumuno sa Barangay sa
kanayunan. Noong 1975, ay nagkaroon ng pagbobotohan o pagpili ng mga mamumuno sa
Barangay sa Poblacion simula sa Kapitan hanggang sa anim na mga kagawad at ito ay sa
pamamagitan ng pagtataasan ng kamay. Bagamat nagkaroon na ng mga namumuno sa
Barangay ay hindi pa rin katulad ng mga karapatan sa mga Barangay sa kanayunan ang
Barangay Zone IV kundi ito ay tinatawag lamang na Barangay Assembly na ang tanging
layunin ng Pangulo ng Bansa ay magkaroon ng Barangay Election Act of 1982, kung kaya ang
Barangay Zone IV ay kasama sa maghahalal ng mamumuno simula sa Kapitan hanggang sa
anim na Kagawad ng Barangay na pinangangasiwaan ng Comelec at diyan nagsimula na
magkaroon ng tunay na karapatan bilang Barangay ang Zone IV at ito rin ang kauna-unahang
inihalal na pamunuan ng Barangay Zone IV at hindi ito binago hanggang sa kasalukuyan.
2. PHYSICAL CHARACTERISTICS
Brgy. Zone IV Poblacion is one of the inner barangays of Atimonan, located within the poblacion. It is 1 kilometer away from National Highway bounded on the north by Lamon Bay, on south by Brgy. Zone III Poblacion, on west by Brgy. Caridad Ibaba, and on th east by Brgy.
Zone I Poblacion.
It has a total land area of 6.8979 hectares per record of Municipal Assessors Office composed of seven sitios or puroks Purok Bagumbayan I, Purok Bagumbayan II, Purok Fishermans Village I, Purok Fishermans Village II, Purok Pagkakaisa, Purok Riverside, Purok Sipag ay Yaman. Topography of the barangay is mostly plain on the coastal side. Definitive data were specified below:
2.1 Location
Distance from Poblacion : Within the Poblacion
Distance from National Highway : 1 km
Boundaries: - North : Lamon Bay
- South : Barangay Zone III- Poblacion
- East : Barangay Zone I Poblacion
- West : Barangay Caridad Ibaba
Name of Sitios or Puroks: : Purok Bagumbayan I
: Purok Bagumbayan II
: Purok Fishermans Village I
: Purok Fishermans Village II
: Purok Pagkakaisa
: Purok Riverside
: Purok Sipag ay Yaman
2.2 Total Land Area : 6.8979 hectares
2.3 Topography
Land Form:
Type 0-25% 26-60% 61-75% 76-100%
Mountainous
Plain /
Valley
Plateau
Hilly
Others (specify)
Bodies of Water
Type Traversed Sitios Length (m)
Rivers
Riverside/ Fishermans Village
267.91m
Lakes
Sea
Fishermans Village L. Guinto Boulevard
282.59m
Creek
Falls
Others (specify)
2.4 Soil Type
Type Area in hectares
Clay
Loam
Sandy
Clay Loam
Sandy Loam
Others (specify)
TOTAL
2.5 Climate
Season From (Month) To (Month)
Dry Season March June
Wet Season July August
2.6 Land Use
Classification Area in
Hectares Percentage to Total Area
Residential 3.1380
Commercial 2.7368
Industrial
Agricultural
Educational
Government 1.0231
Total
3. SOCIO-ECONOMIC SECTOR
RHU Survey of 2014, showed that Brgy. Zone IV had a population of 3,074. There are more
male than female with distribution revealing 71.60% of the total population belong to ages
10 59 years old; 19.09% under 1 year old to 9 year old and 9.30% belonging to 60 years
old and above. This shows that Brgy. Zone IV Poblacion has almost equal in number of
working and dependent population.
School going population (pre-school, elementary, secondary and college) is
computed at 19% of the total population and the most common religion is Roman Catholic.
3.1 DEMOGRAPHY
3.1.1. Population
RHU Survey Year 2007 2008 2009 2010 2011 2012 2013 2014
Total Population 3,402 3,386 3,145 3,083 3,124 3,157 3188 3074
Total No. of Household 759 754 706 697 706 706 760
Source: Based on RHU Survey
3.1.2. Growth Rate : %
3.1.3. Projected Population & Population Density
Year 2011 2012 2013 2014 2015 2016 2017 2018 2019 2020
Projected Population 3,124 3,157 3188 3,344 3,507 3,679 3,8