BARANGAY BALUGOHIN ATIMONAN, na ibinigay sa akin ... kumuha ng kakailanganin sa pagtatayo ng kanilang sariling bahay sa gubat. ... Muli naging malungkot at mapanglaw ang naging pag

  • View
    256

  • Download
    26

Embed Size (px)

Text of BARANGAY BALUGOHIN ATIMONAN, na ibinigay sa akin ... kumuha ng kakailanganin sa pagtatayo ng...

  • BARANGAY BALUGOHIN

    ATIMONAN, QUEZON

  • SOCIO-ECONOMIC PROFILE

    BARANGAY BALUGOHIN

  • Prepared by:

    ARNEL M. ALCANTARA

    Municipal Planning & Development Coordinator

    CECILIA T. DE TORRES Assistant Municipal Planning & Development Coordinator

    MAY MODELO-SORNITO Project Development Officer II

    2015 December

  • Republika ng Pilipinas BARANGAY NG BALUGOHIN

    Bayan ng Atimonan Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

    MENSAHE

    Sa aking mga kabarangay, isang taos pusong pasasalamat po ang aking

    ipinaaabot sa inyong malaking pagtitiwala na ibinigay sa akin at sa bumubuo ng

    Sangguniang Barangay na inyong iniluklok. Ang pagtitiwalang ito ang aking

    magiging inspirasyon, gabay at lakas ng loob upang lalo kong pagbutihin ang

    paglilingkod sa ating barangay at sa lahat ng mamamayan ng barangay na ito.

    Hangad ng pamunuang ito na mapaglingkuran at maiangat ang antas ng

    pamumuhay ng mamamayan, mapangalagaan ang kanilang kalusugan at

    maipagpatuloy ang katahimikan at kaayusan ng ating Barangay.

    Aming dalangin naway maisakatuparan ang isang magandang layunin at

    adhikain tungo sa isang matatag, malusog, mapayapa at maulad na barangay

    sa patnubay at gabay ng ating Poong Maykapal.

    Muli, maraming salamat po at Mabuhay tayong lahat!

    Lubos na sumasainyo,

    FRANCISCO FRANKLIN V. SABAS Punong Barangay

  • Republika ng Pilipinas BAYAN NG ATIMONAN Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNUMBAYAN

    MENSAHE

    Mahalaga ang kamulatan ng mamamayan sa mga impormasyon ukol sa

    bawat barangay ng Atimonan. Ang magbigay ng konkreto at angkop na mga

    datos ang layunin ng Socio-Economic Profile ng mga Barangay. Ito rin ang

    magsisilbing matibay na batayan upang mabalangkas ng Pamahalaang Bayan

    ang mga programang pangkaunlaran na ang mamamayan ang higit na

    makikinabang.

    Ang ating mamamayan ang salamin ng kaunlaran ng bayan kaya ang

    progreso ng apatnaput dalawang barangay ay pinapahalagahan ng Lokal na

    Pamahalaan ng Atimonan. Ang Socio-economic Profile ang testimonya na patuloy

    ang pag-unlad ng ating bayan.

    Sama-samang magsimula, Walang Maiiwan sa pag-unlad ng ATIMONAN!

    JOEL M. VERGAO

    Punumbayan

  • KATANGIAN AT INTERPRETASYON SA OPISYAL NA LOGO NG BARANGAY

    Ang opisyal na sagisag (logo) ay binubuo ng dalawang hugis bilog, isa(1) sa loob at isa (1)

    sa labas at isang bilog sa gitna. Ang espasyo sa gitna ng dalawang (2) hugis bilog ay

    nakasulat ang mga sumusunod:

    BARANGAY BALUGOHIN pangalan ng barangay at nakalagay sa itaas na bahagi

    ng parisukat.

    ATIMONAN, QUEZON pangalan ng bayan at probinsyang nakaksakop sa

    barangay sa ibabang bahagi ng hugis parisukat.

    Ang gitnang bahagi nasa loob ng hugis bilog ang mga sumasagisag sa

    pagkakakilanlan ng barangay ay ang mga sumusunod:

    BULUBUNDOKIN na naglalarawan na ang lugar na ito ay paahon at palusong. Ito

    rin ang makikitang tanawin habang binabagtas ang kalsada patungo sa barangay

    na ito.

    SASAHAN, PALAYAN, AT PUNO NG NIYOG ay sumisimbolo sa pangunahing

    pinagkukunan ng hanapbuhay ng karamihan sa mga tagarito.

    NIYOG na sumisimbolo sa pinagkakakitaan at pangunahing pinagkukunan ng

    ikabubuhay ng mga mamamayan sa barangay.

    ILOG MAULAWIN na karugtog ng Maling River ay punong puno ng kwento at

    nagsisilbing daanan ng mga taga rito noong panahon na wala pang kalsada sa

    barangay sa pamamagitan ng Bangka at balsa upang makarating sa kabilang

    nayon o di kayay patungong bayan.

  • VISION

    Hindi batayan o balakid ang lugar at antas ng

    pamumuhay sa isang pamayanan upang makamtan ang

    kaunlaran at tagumpay; bagkus nasa pagkakaisa,

    pakikipagtulungan, dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.

    At higit sa lahat, matibay na pananalig sa Diyos ang

    mabisang sandata upang makamtan ang mithiin, layunin

    at adhikain tungo sa isang matatag at maunlad na

    barangay.

    MISSION

    Maibigay ang mataas na antas ng pamumuhay ng

    barangay, mapangalagaan ang kanilang kalusugan, at

    maipagpatuloy ang kapayapaan, kaayusan at

    katahimikan n gaming pamayanan sa tulong at suporta

    ng pamahalaan at n gaming nasasakupan.

  • 1. HISTORICAL BACKGROUND

    KASAYSAYAN NG BARANGAY BALUGOHIN

    Humigit kumulang may isang daang taon na ang nakalilipas ang Barangay na ito ay walang

    pangalan. Sapul noong panahon ng Kastila sa Pilipinas ang mga baryo na kung tawagin ay Barangay

    sa kasalukuyan, ang Barangay Balugohin ay isa na sa tatlumput walong barangay na nasasakupan

    ng bayan ng Atimonan na nagsimula sa makasaysayang alamat ni Ate Monang. Sapagkat ang

    adhikain na mga Kastila dito sa Pilipinas ay palawakin ang Kriatianismo, kung kayat naitatag ang

    nayon ng Balugohin na iniugnay sa isang sagisag ng Birhen ng Del Carmen. Dito sa pook na ito ay

    may mag-asawang naninirahan at sila ay may isang anak na ang palayaw ay Gohing.

    Si Gohing ay isang babaeng habang nagdadalaga ay lalong tumitingkad ang kagandahan.

    Siyay masunurin, maunawain at mapagmahal. Ang mga kasing panahon ni Gohing ay nakaugalian

    siyang tawaging Gohin.

    Sa ikalabing pitong kaarawan ni Gohin ay marami sa kabinataang kasing panahon niya

    ang talaga namang nag-aagawang makuha ang kanyang pag-ibig. Pagkaraan ng maikling panahon

    ay sinagot ng dalaga ang isang makisig na binata na handa na sa pagdadala ng pamilya at pagpasok

    sa buhay na may asawa. Hindi nagtagal at ang dalawa ay ikinasal sa simbahan.

    Sa ikalabing walong tag-araw ni Gohin ang kanyang kabiyak ay binawian ng buhay.

    Hanggang doon na lamang ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang mahal sa buhay.

    Sa pagdaan ng panahon ang kagandahan ni Gohin ay hindi kumukupas, lalo pa itong pinatingkad

    ng kanyang ika-dalawampung pagsibol at muli siyang nakisama sa tawag ng pag-ibig. Isang makisig

    na lalaki na kung tawagin ay anak ni Marte ang muling naghandog ng pag-ibig.

    Isa isang nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon at ang dalawa ay ikinasal.

    Maligayang nagsama ang dalawang magsing-irog. Isang araw ay nagpaalam ang kabiyak upang

    kumuha ng kakailanganin sa pagtatayo ng kanilang sariling bahay sa gubat. Subalit hindi pa halos

    nakalilipas ang iasang oras ay ibinalita sa kanya na ang kanyang kabiyak ay natuklaw ng ahas. Muli

    ay naging malungkot ang maaliwalas na langit kay Gohin. Sa kanyang pag-iisa ay sari-saring

    alalahanin ang nagbabalik sa kanyang gunita at sumasagi sa kanyang isipan ang pagsubok kung

    hanggang saan ang kanyang kakayahan. Siya ay nagpupunta sa simbahan at doon niya inihihingi

    ng katugunan sa Poong Lumikha kung ano ang nararapat niyang gawin.

    Mula noon, tuwing linggo ay nakagawian na ni Gohin ang magsimba at matahimik na

    dumalangin. Sa kanyang pagdarasal ay may nakakapansin pala sa kanyang kagandahan na isang

    guardiya sibil. Kaya sa tuwing nagsisimba si Gohin, siya ay laging sinasabayan at inaakbayan ng

    Opisyal. Hindi napagalabanan ni Gohin ang tawag ng pag-ibig at siya ay muling nakipagkasundo at

    sa pagbilog ng buwan ay muli siyang nagpakasal sa simbahan.

    Dumating ang araw ng kanilang kasal ngunit sa di inasahang pangyayari ang Opisyal ay

    namatay. Muli naging malungkot at mapanglaw ang naging pag-iisa ni Gohin. Lumaganap ang balita

    sa buong barangay na si Gohin ay balo na naman kayat siya ay binansagang BALUGOHIN.

  • 2. PHYSICAL CHARACTERISTICS Barangay Balugohin is one of inner barangays of Atimonan, located at about 1.5 kilometers away from the towns poblacion . It is 0.07 kilometers away from the Maharlika Highway, bounded on the North by Brgy. Caridad Ibaba, on the south by Brgy. Tagbakin, on the east by Caridad Ibaba and Zone III Poblacion. It has a total land area of 215.5524 hectares per record of Municipal Assessors Office composed of four puroks Purok I Ibaba, Purok II Centro, Purok III Maulawin and Purok IV Ilaya. Topography of the barangay is mostly mountainous and plain. Almost 99% Of land is agricultural. Definitive data were specified below:

    2.1 Location

    Distance from Poblacion : 1.5 km

    Distance from National

    Highway

    : 0.07km

    Boundaries: - North : Barangay Caridad Ibaba

    - South : Barangay Tagbakin

    - East : Barangay Caridad Ibaba - Zone III

    - West : Barangay Sokol

    Name of Sitios or Puroks: : Purok I Ibaba

    : Purok II Centro

    : Purok III Maulawin

    : Purok IV Ilaya

    :

    :

    :

    z

    2.2 Total Land Area : 215.5524 hectares

    2.3 Topography

    Land Form:

    Type 0-25% 26-60% 61-75% 76-100%

    Mountainous /

    Plain /

    Valley

    Plateau /

    Hilly /

    Others (specify)

    Bodies of Water

    Type Traversed Sitios Length (m)

    Rivers Boton Maulawin 3750

    Lakes

    Sea

    Creek

    Sulsugin Ilaya Maulawin

    107

    Falls Taloo Falls

    Others (specify) Makababalo tide land 2.80

  • 2.4 Soil Type

    Type Area in hectares

    Clay Loam Sandy Clay Loam Sandy Loam Others (specify) TOTAL