Bantay Goiter

  • View
    143

  • Download
    15

Embed Size (px)

Text of Bantay Goiter

Bantay Goiter o Bosyo: Alaga sa Isip at PusoWhat is an Endocrinologist?In the Philippines, an Endocrinologist is an adult medicine SPECIALIST/ internist or pediatrician who completed TWO additional years of INTENSIVE studying and training about diseases that are caused by abnormal glands and hormone action (ex. diabetes, goiter, etc) in a hospital accredited or recognized by the PSEM for endocrine training.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa goiter, maaring tumawag sa:

Unit 1701, 17/F, Medical Plaza Ortigas San Miguel Avenue, Ortigas Center, Pasig Tel. No. 6336420, Fax No. 6373162 Email: sec@endo-society.org.ph. website: www.emdo-society.org.ph

PSEM Secretariat

Handog ng Philippine Society of Endocrinology and MetabolismBilang paggunita sa Goiter Awareness Week

Bantay Goiter o Bosyo: Alaga sa Isip at Puso(Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng Philippine Society of Endocrinology and Metabolism (PSEM))

ANO BA ANG GOITER? Ang goiter ay ang salitang ginagamit patungkol sa paglaki ng thyroid gland. Sa ating bansa, ang goiter ay kilala din sa tawag na bosyo. Ang thyroid gland ay ang organong mahahanap sa gitnang bahagi ng leeg na nasa ilalim ng thyroid cartilage o Adams apple. ANO ANG KAHALAGAHAN NG THYROID GLAND? Ang thyroid gland ay mahalaga dahil sa ito ang gumagawa ng mga sangkap na kung tawagin ay thyroid hormones. Ang mga thyroid hormones na ito ay ang T3 at T4. Ang mga ito ang nagpapanatili ng tamang tibok ng ating puso, presyon ng dugo (blood pressure), kolesterol sa dugo at temperatura ng ating katawan. Ito rin ang nagdudulot ng maayos na pagkilos ng ating bituka, pag-iisip, bato (kidneys), at maging ng mga obaryo at matres sa mga kababaihan. BAKIT NAGKAKAROON NG GOITER? Ang isang tao ay maaring magkaroon ng goiter kung ito ay nasa kanyang lahi. Subalit hindi lahat ng may lahi ay nagkakaroon ng goiter. May mga kondisyon na nakakadagdag sa paglaki ng thyroid tulad ng stress, paninigarilyo, impeksyon at kapaligiran. Ang iba pang maaaring makapagdulot ng goiter maliban sa lahi ay ang kakulangan ng iodine sa pagkain, mga gamot na nakapagpapataas o baba ng antas ng iodine sa dugo, mga sakit at

kapansanan ng iba pang mga glandula sa katawan at utak. MAIIWASAN BA ANG PAGKAKAROON NG GOITER? Ang mga kadahilanan sa pagkakaroon ng goiter ay iba-iba gaya nang nabanggit. Hindi lahat ng goiter ay pare-pareho. Subalit isa sa mga dahilan ng goiter na maaring maiwasan ay ang kakulangan sa iodine sa katawan. Ang iodine ay ang sangkap sa pagkain na nakukuha ng marami sa mga halamang dagat (sea weeds) at mga isdang nahuhuli sa dagat. Ang karamihan sa mga asin na ipinagbibili sa mga palengke ay mayroon na rin iodine (iodized salt). Kung sapat ang dami ng iodine sa pagkain ay maaring maiwasan ang pagkakaroon ng iodine-deficiency goiter o kilala rin sa tawag na endemic goiter. PAANO MALALAMAN KUNG IKAW AY MAY GOITER? Maaring malaman ng isang tao kung siya ay may goiter gamit lamang ang simpleng kagamitan. Naririto ang mga pamamaraan: 1. Kumuha ng isang baso ng tubig. 2. Humarap sa isang salamin na kita ang leeg. 3.Dahan-dahang inumin ang tubig habang tinitingnan ang leeg sa salamin. 4.Tingnan kung may bukol sa gitna ng leeg na gumagalaw pataas at pababa habang lumulunok ng tubig. Sa isang normal na tao, ang nakikita lamang na gumagalaw ay

ang thyroid cartilage o Adams apple. Kapag mayroon pang ibang bukol na gumagalaw, ito ay maaaring goiter. ANU-ANO ANG MGA NARARAMDAMAN NG ISANG MAY GOITER? May ibat ibang uri ng goiter depende sa dami ng thyroid hormones na ginagawa nito. Kapag sobrang dami ang thyroid hormones, ito ay tinatawag na hyperthyroid o toxic goiter. Ito ay nagdudulot ng sobrang pagkapayat, pagkabog ng dibdib, mabilis na pagkapagod, mainit na pakiramdam at sobrang pagpapawis. Kapag sobrang kaunti naman ang thyroid hormones, ito ay tinatawag na hypothyroid. Ang mga sintomas nito ay ang pagdagdag ng timbang, pagbagal ng kilos at pag-iisip, panghihina ng katawan, pagiging ginawin at pagtitibi. Subalit kung sapat lamang ang dami ng thyroid hormones, maaaring walang maramdaman ang isang taong may goiter maliban sa bukol sa leeg. ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG MAYROONG GOITER? Kung batay sa iyong obserbasyon ay mayroon kang goiter, pumunta agad sa inyong doctor o endocrinologist na siyang magsasabi sa iyo ng mga nararapat na gawin upang mapatunayan kung ikaw nga ay may goiter at kung anong uri ito. Sa ganitong paraan, ikaw ay mabibigyan ng tamang payo.