12
Isang siksikang klasrum sa Batasan National High School sa Quezon City sa pagbubukas ng klase. Pher Pasion Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinas pinoyweekly.org /new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-ang-edukasyon-sa-pilipinas/ by Pher Pasion Kaakibat ng tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon sa mga mamamayan nito ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng edukasyong ito batay sa pangangailangan at mithiin ng bansa. Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na itinulak ng administrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang programang K-to-12 na nagpabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Mula dating sampung taon sa basic education curriculum , dinagdagan ito ng dalawang taon. Sa K-to-12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na taon sa elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12). Pero para sa mga kritiko ng K-to-12, hindi ang nasabing programa ang magpapaunlad sa pangkalahatang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. 1/12

Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

  • Upload
    others

  • View
    37

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

Isang siksikang klasrum sa Batasan National High School sa Quezon City sa pagbubukas ng klase. Pher Pasion

Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon saPilipinas

pinoyweekly.org /new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-ang-edukasyon-sa-pilipinas/

by Pher Pasion

Kaakibat ng tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon sa mgamamamayan nito ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng edukasyong itobatay sa pangangailangan at mithiin ng bansa.

Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na itinulak ngadministrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang programang K-to-12 na nagpabago sasistema ng edukasyon sa bansa. Mula dating sampung taon sa basic education curriculum , dinagdagan ito ngdalawang taon.

Sa K-to-12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na taon sa elementarya (Grade 1 hanggang 6),apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11hanggang 12).

Pero para sa mga kritiko ng K-to-12, hindi ang nasabing programa ang magpapaunlad sa pangkalahatangkalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.

1/12

Page 2: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

Kolonyal na disenyo

Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa daigdig ang hindi pa noon nagpapatupad ng K-to-12 na kurikulum. Isa itongdahilan umano kung bakit mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Hindi daw ito “nakaangkop” sainternasyunal na mga pamantayan kaya kailangang ipatupad ang reporma sa porma ng K-to-12, ayon sa gobyerno.

Malaking hakbang umano ang K-to-12 para maging globally competitive ang edukasyon sa Pilipinas.

Naniniwala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), pambansang alyansa ng mga asosasyon ng mga guro sabansa, na itinutuon ang programang K-to-12 para sa internasyunal na pamantayan at pangangailangan. Pero hindiito ang siyang makakatulong sa edukasyon sa partikular at sa bayan sa pangkalahatan sa kasalukuyan.

Kalidad ng edukasyon ay hindi nangangahulugan nang pagsunod sa pangangailangan ng dayuhan Pher Pasion

Batay umano sa kurikulum na mayroon ang programa, makikita ang mga kurso o subjects na nakatuon sa teknikalna mga kasanayan tulad ng kasanayan sa welding, housekeeping, care giving, pagmamasahe, pananahi, at iba pana pagsasanay na nakatuon sa pagluwal ng semi-skilled na mga manggagawa.

“Pag tinignan mo talaga ang nilalaman ng K-to-12, makikita mo ang katangian ng colonial education para sa mgaestudyante na nakapokus sa pagluwal ng skilled labor lang,” ani Mabel Caboboy, guro sa Manuel Roxas HighSchool sa Quezon City.

Sa panahon na makakapagtapos ang isang mag-aaral sa senior high school, inaasahan na nasa 18-taong gulangna ito – ang legal na edad para makapagtrabaho.

Ibig sabihin, nakahanda na para magtrabaho ang lahat ng makakapagtapos ng senior high school sa loob at labas2/12

Page 3: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

ng bansa. Maagang mapakinabangan ng estado ang kabataan para magtrabaho sa halip na gastusan ng gobyernosa kolehiyo.

Ito ang isa sa malinaw na inamin mismo ng Department of Education (DepEd) na “makatutulong” di umano namakapagtrabaho agad ang mga kabataan pagkatapos nila ng senior high school.

Pero inaasahan na mas magpapalaki ito ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil sa hindi sapat angnalilikhang trabaho ng gobyerno taun-taon.

Sa datos ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, nasa 4.3 milyong Pilipino ang bilang ngunemployed at nasa 6.9 milyon ang underemployed noong 2014.

Sa ganitong balangkas na inaasahang tataas ang bilang ng walang trabaho, mas higit na makakapagdikta ang mgakapitalista o negosyante nang mas mababang sahod, wala o kulang na benepisyo, at sistemang kontraktuwal.

Dahil sa pag-aagawan sa limitadong trabaho, pikit-matang tatanggapin ng isang manggagawang may binubuhay napamilya — kahit ang mga pinakamasahol na kondisyon sa paggawa.

Ito rin ang nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bayan para roon makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ngisang gobyernong walang malikhang trabaho sa kanyang mga mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito saporma ng mga remittances mula sa overseas Filipino workers (OFW) alinsunod sa labor export policy nito.

Ayon sa Ibon, mas marami ang inilabas na manggagawa (4,500) ang gobyerno kada araw kaysa sa naidaragdagnitong bilang na nagkatrabaho (2,800) kada araw sa bansa noong 2014.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2014, umabot sa $26.924 Bilyon ang cash at non-cash remittancessa bansa mula sa $25.351 noong 2013.

Dahil din dito, lubhang mababawasan ang mga papasok ng kolehiyo na magbibigay ng dahilan sa gobyerno nabawasan ang pagpondo sa mga state universities and colleges (SUCs). Magdudulot ito ng mas mataas na matrikulasa kolehiyo sa parehong pribado at publikong unibersidad.

Ganito ang balangkas na layunin ng Roadmap for Public Higher Education o RPHER ng administrasyong Aquino.Isa sa mga layunin nito ang pagbabawas ng badyet sa edukasyon para itulak ang mga ito na maging self-sufficiento umasa sa sarili. Layunin din nitong itransporma ang SUCs para pagkunan ng murang laka- paggawa ngpandaigdigang merkado.

“Sa panahong nagtataas ng matrikula ang SUCs, nagbibigay ito ng higit na dahilan para sa mga private highereducation institutions na magtaas ng matrikula,” ani Sarah Jane Elago, tagapangulo ng National Union of Studentsof the Philippines (NUSP).

Ngayong taon, nasa 313 ang mga pribadong pamantasan ang pinayagan ng Commission on Higher Education(CHED) na magtaas ng matrikula. Halos taun-taon kung payagan ng CHED ang pagtataas ng matrikula. Hindi itoma-regulate mismo ng gobyerno dahil sa Education Act of 1982 na nagbibigay pahintulot dito.

Nasa P60,000 hanggang P80,000 ang tinatayang halaga kada semestre sa kolehiyo sa kasalukuyan.

Maging ang calendar shift sa academic year ay bahagi din ng pagpili na lamang ng mga kursong “marketable” omadaling mabenta sa mga mag-aaral. Sinimulan ito ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na nagtulak sa UP Los Banosna magkaroon ng “marketability assessment” sa kanilang subjects. Sa UP Manila ang pagkakaroon naman ngprogram review na magbibigay daan sa pagra-rationalize at pagre-realign ng kanila umanong limitadong badyetpara sa “competitive subjects”.

Nangangahulugan ito na ang edukasyong nilikha, ang kasanayang natutunan ng mga Pilipino na dapat sana ay

3/12

Page 4: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

pakikinabangan ng bansa, ay mapupunta sa pakinabang ng mga dayuhang bansa base sa pangangailangan ngdayuhan.

“Ang isang curriculum na walang history subjects, walang Filipino subjects, walang panitikan, walang PhilippineGovernment and Constitution, ay magluluwal ng mga estudyanteng may colonial mentality. Sila ay masunurin samga amo, sa dayuhan, walang identidad, walang pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas, kung gayon hindi silamapapakinabangan ng Pilipinas,” ayon kay David Michael San Juan, doktor mula sa De La Salle University-Manilaat tagapagsalita ng Tanggol Wika (isang alyansa na nais panatilihin ang Wikang Filipino sa kolehiyo).

Pher Pasion

Kaya maapektuhan nito ang potensiyal ng bansa para umunlad dahil hindi ito nakaangkla o nakabatay sapangangailangan ng bansa kundi sa dayuhan. Nakabase ito sa pandaigdigang disenyo ng kapitalismo parapagkunan ng murang lakas-paggawa para sa mas malalaking tubo at manatiling pagkukunan ng hilaw namateryales ang Pilipinas, dagdag niya.

Sa ganitong balangkas, walang signipikanteng babaguhin ang K-to-12 sa sitwasyon ng bansa. Bagkus, paiigtinginnito na bansot ang kaisipan ng mga Pilipino at maging ang ekonomiya ng bansa; manatiling nakaasa sa dayuhan

4/12

Page 5: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

imbes na linangin ang sariling potensyal ng Pilipinas.

Binuburang identidad

Katangian ng pagiging makadayuhan ng K-to-12 ang pagbura sa pagiging makabayan ng mga Pilipino. Tulad ito ngginawa ng mga Amerikano nang sakupin nila ang bansa at atakihin ang pagiging makabayan ng mga Pilipino sapagbabawal ng mga makabayang simbolo tulad ng watawat mismo ng Pilipinas.

Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon para likhain ang katangiang pagiging sunud-sunuran at tanggapin angmga mananakop.

Sa kurikulum ng K-to-12, ganito ang katulad na layunin – ang higit pang bawasan ang mga asignaturang nakatuonsa pagbibigay ng makabayang identidad sa mga Pilipino para tanggapin ang mga dayuhang interes at programa.

Inatake ng K-to-12 ang general education curriculum sa bansa para sa layuning ito, ayon kay Jonathan Geronimo,guro mula sa University of Santo Tomas at secretary-general ng ACT-private schools.

“Sa disenyo ng ating Batas Pambansa para sa tertiary education inililinaw ang papel ng general educationcurriculum sa paghubog ng kasanayan ng ating mga mag-aaral. Inililinaw din nito ang paghubog sa kanila bilangmakataong mga mamamayan ng Pilipinas na mag-aambag sa pambansang kaunlaran,” ayon kay Geronimo.

Dagdag pa niya, unang inatake sa bagong general education curriculum ang social sciences at humanities dahil ditonahuhubog ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.

Ayon kay Louie Zabala, guro ng social studies sa FG Calderon High School sa Tondo, Manila, kulang na kulang angkaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Lubha itong nakakabahala dahilmahalaga ito sa isang tao na magkaroon ng identidad.

“Nakakalungkot kapag tinanong mo sa mga mag-aaral kung sino si (Andres) Bonifacio. Ang sagot nila’y siya dawang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa Cavite. Sadyang kulang na kulang ang panahon para sa pagtuturo ngnapakahalagang yugto ng kanilang pagka-Pilipino. (Tapos) babawasan o tatanggalin pa sa K-to-12,” paliwanag niZabala.

Tinatanggal din ng gobyerno maging ang mga asignaturang Wikang Filipino, Philippine Constitution andGovernment, at Philippine Literature sa kolehiyo. Kasalukuyan namang naglabas ang Korte Suprema ng temporaryrestraining order (TRO) sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kolehiyo.

Para kay San Juan, malinaw ang layunin ng pagtatanggal na ito: Palabnawin ang pagiging makabayan ng mgaPilipino.

“Kung walang pagpapahalaga ang isang mamamayan sa kanyang pagiging Pilipino, hindi mo siya aasahangmakakatulong para mapaunlad hindi lamang sa ekonomiya ng bansa kundi maging sa kultural at politikal na aspetonito,” paliwanag ni San Juan.

5/12

Page 6: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

Dalawang klasrum sa Batasan National High School. Ang isa ay may bentilasyon, ang isa ay wala. Pher Pasion

Layunin nito na tanggalin ang kritikal na pag-iisip at magkaroon lang ng sapat na kaalaman para sapangangailangan ng mga negosyante. Magkakaroon ng mga manggagawang hindi tututol sa kontra-manggagawang polisiya ng mababang pasahod, wala o kulang na benepisyo, kontraktuwal, at walang unyon.

Pagbansot ito sa kaalaman at paliitin ang pagtingin sa kakayahan ng Pilipino para manatiling nakaasa sa dayuhan.Sa ganitong balangkas, hindi iisipin ng mga Pilipino na paunlarin ang sariling ekonomiya at linangin ang sarili nitonglikas na yaman.

Kumikitang sistema

Nangangahulugan na dagdag-gastusin ang dagdag na dalawang taon sa K-to-12 para sa mga magulang. Pero parasa pribadong mga paaralan, dagdag na kita o tubo ito para sa kanila.

Dahil sa kakulangan ng badyet para sa sektor ng edukasyon, hindi pa rin natutugunan ng gobyerno ang mgakakulangan sa batayang mga pangangailangan sa edukasyon.

Tinatayang nasa 23,928,335 ang kulang na mga libro at modules, nasa 57,167 guro, nasa 112,942 klasrum, atmaging ng mga paaralan.

Sa ulat mismo ng DepEd sa Kamara, nasa 800,000 hanggang 1.1 milyong mag-aaral sa senior high school angkayang tanggapin ng mga publikong paaralan sa susunod na taon kahit na iaasahan pang lumaki ang bilang ngpapasok sa senior high school sa 1.6 milyon sa taong iyon.

Dahil sa walang pasilidad ang gobyerno para sa mga papasok sa senior high school, sa pribadong mga paaralan6/12

Page 7: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

sila itutulak ng K-to-12 at hindi ito magiging libre.

Katunayan, nasa 60 porsiyento lang sa mga mag-aaral ang kayang tanggapin ng pamublikong mga paaralanngayong taon. Sa pribadong paaralan inaasahang mapupunta ang 40 porsiyento sa kanila. Ang iba, tiyak nadimakakapag-aral o o magiging magdrop-out.

“Kaya nga sa pampublikong mga paaralan dinadala ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil hindi nila kayaang pribadong paaralan. Bakit ipagpipilitan ng gobyerno na ipasok sila sa pribadong mga paaralan? Iba ang antasng gastusin doon, halimbawa sa uniporme, mga libro, projects, at iba pa ay sadyang malayung-malayo sa gastusinsa publikong paaralan,” ayon kay Aries Gupit, tagapagsalita ng League of Filipino Students.

Ayon sa Anakbayan, aabot sa 800,000 hanggang 1.4 milyong kabataan ang magiging drop-out dahil sa K-to-12.

Sa National Capital Region pa lang, siyam sa sampung (o 287 sa 330) paaralan na inaprubahan na magbigay ngsenior high school ay pribadong mga paaralan. Nasa dalawa lamang sa sampung (o 43 sa 247) pampublikonghayskul sa rehiyon ang makakapagbigay ng senior high school. Sa Caloocan, Makati, Parañaque, at San Juan,walang pampublikong hayskul ang magbibigay ng senior high school, ayon sa League of Filipino Students.

Kumilos ang mga mga grupo ng mga magulang na tinaguriang Parents’Movement Against K-12sa harap ng KorteSuprema para labanan ang K-to-12. Pher Pasion

Kasabay ito ng pagpayag ng DepEd sa 1,245 na pribadong paaralan na magtaas ng matrikula mula 1.25 porsiyentohanggang 29 porsiyento ngayong pasukan.

“Hindi papayag ang pribadong mga paaralan na ipagamit ang kanilang mga pasilidad nang libre. Malinaw na may7/12

Page 8: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

bayad ito. Ibig sabihin, hindi ka makakapag-aral na wala kang pera,” ani Benjie Valbuena, tagapangulo ng ACT.

Bilang “solusyon,” voucher system ang pinatutupad ng gobyerno. Tutugunan umano ng gobyerno ang bayarin sapribadong mga paaralan. Pero hindi nito matutugunan ang buong bayarin.

Sa ilalim ng voucher system nasa P16,500 hanggang P22,500 lang ang sasagutin ng gobyerno. Nasa P25,000hanggang P70,000 ang nasa average na matrikula sa pribadong mga paaralan.

Taliwas ito kung sa nakasaad sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ng Pilipinas na dapat libre ang batayang edukasyon atnasisiguro ito ng gobyerno sa kanyang mamamayan.

“At kung saka-sakaling matugunan man ng gobyerno ang buong matrikula ng isang bata, kung sakali lang, sapribado pa rin ito mapupunta. Ang private schools pa rin ang tiyak na panalo rito. Sa halip na naglalaan ng sapat napondo para sa pampublikong mga paaralan dinadala ito ng gobyerno sa pribadong mga paaralan,” ayon kayValbuena.

Maliban pa rito, aabot sa P100,000 hanggang P200,000 ang magiging dagdag-na-gastos ng isang mag-aaral sadagdag na dalawang taon, ayon sa Anakbayan.

Kung gayon, hindi pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa ilalim ng K-to-12, kundi kung paano mapapaigting angnegosyo sa edukasyon mula sa gastusin sa mga paaralan hanggang sa kikitain ng mga nagmamay-ari ng paaralan,ayon sa ACT.

“Mas pinalala pa ito ng katotohanang mismong gobyerno ang siyang nagtutulak sa ganitong sistema sa halip nahatakin ng gobyerno ang mga kabataan sa paaralan,” ayon kay Valbuena.

Tanggalan, kontraktuwalisasyon

Paglikha ng trabaho ang isa sa layunin umano ng programang K-to-12 ayon sa gobyerno. Pero sa pagtahak sadaan ng K-to-12, nasa 100,000 guro at kawani ang inaasahang mawawalan ng trabaho dito lalo’t higit ang mgakontraktuwal.

Wala umanong konsultasyon, partikular sa mga guro, ang naganap bago ipinatupad ang programa, ayon kayGeronimo.

“Binalewala ng gobyerno ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagbuo ng ganito kalalaki na batas, namakakaapekto din sa sektor-paggawa at siyempre sa mga guro. Sa kalakhan ay kalakaran ng edukasyon ngPilipinas,” ayon kay Geronimo.

Inaasahan kasi na maaapektuhan ang mga guro sa kolehiyo dahil magkakaroon ng tigil na enrolment sa unang taonsa kolehiyo. At dahil nakadisenyo din ang K-to-12 para itulak na lang magtrabaho ang magtatapos ng senior highschool, inaasahang bababa ang mga papasok sa kolehiyo.

Gayundin, inaasahang tatanggalin nito ang iba pang asignatura sa kolehiyo. Bagama’t may TRO ang KorteSuprema sa Wikang Filipino, nagpapatuloy pa rin ang laban para dito.

“Wala ring malinaw o kongkretong plano ang gobyerno sa mga mawawalan ng trabaho sa dahil sa K-to-12,” ayonGeronimo.

Pinapangambahan din na gawing porma ng union-busting ang hakbang na pagbabawas ng mga guro sa kolehiyolalo na ang mga organisado at mga miyembro ng unyon.

“Marami sa mga unyon natin ang inaatake dahil sa pagsasagawa nila ng mga forum at mga pagkilos laban sa K to12. Dahil alam nilang gaganansya sila, tutubo sila ng malaki sa K to 12 na ito,” dagdag ni Geronimo.

8/12

Page 9: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

Halimbawa umano nito ang nangyari sa presidente ng unyon ng Adamson University. Tinanggal diumano siya dahilsa nalamang nakikiisa siya sa laban sa K to 12 at aktibong lumalahok sa ACT.

Para naman sa pribadong mga paaralan, hindi ito nangangahulugan ng kasiguraduhan sa trabaho. Tiyak nainaasahang mas iigting ang kontraktuwalisasyon dahil sa negosyong katangian ng mga ito para kumita nang masmalaki.

Dahil sa inaaasahang mamawalan ng trabaho ang mga nasa kolehiyo, itutulak sila ng K to 12 sa senior high schoolo basic education. Pero hindi ito magiging madaling transisyon.

“Kapag nag-apply ka sa senior high school, kinakailangan na mag-re-apply ka. So may reapplication namagaganap. At kung ano ang mga kondisyon ang ipapataw ng senior high school na ito ay walang magagawa angating mga kaguruan kundi tanggapin dahil may mga taong walang estudyante ang kolehiyo,” ayon kay Geronimo,kabilang na dito ang sistema ng kontraktuwalisasyon.

Kakaharapin din ng mga guro sa teriary education ang freeze promotion dahil sa paparating na transisyon ng K-to -12 sa 2016.

“Dahil nga sa programang ito na walang kahandaan at basta na lang sasagasaan ang mga karapatan at prebilehiyong isang karaniwang guro, sa pribado man o publikong sektor ng edukasyon,” ayon kay Gernonimo.

9/12

Page 10: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

Nangalap ng pirma angAlliance of ConcernedTeachers para itigil ang

implementasyon ng K-to-12. Pher Pasion

Hindi totoong handa

Isa sa mga katangian ngK-to-12 ang multi-mediaapproach nito. Ibigsabihin, kakailanganin angmga kagamitan o gadgetsgaya ng projector,computer, at iba pangteknolohiya.

Pero sa kalagayan nanananatiling kulang-kulang maging angbatayang mgapangangailangan sasektor ng edukasyon taun-taon, tila magiging dagdagna problema ang K-to-12.

Ang mga naitalangkakulangan ng ACTngayong pasukan; nasa112,942 na klasrum(59,671 ma klasrum angnakabadyet ang hindinaipatayo ng DepEdnoong 2014), hindi bababasa 23,928,335 natextbooks (12,775,823 angdapat naitapos na noongnakaraang taon), at 57,167 guro.

Gayundin, nasa 4,281paaralan ang walangsuplay ng tubig (16,920water supply project anghindi nagawa ng DepEdnoong 2014) at nasa 10,514 ang walang serbisyon ng kuryente, ayon sa ACT.

Hindi rin umano natupad ang 34,935 na mga equipment sa siyensiya at matematika at 10,383 ICT ( information andcommunications technology) packages noong 2014. Nasa 395 internet connectivity projects ang hindi rinnaipatupad.

Ayon sa ACT, ilan lamang ang mga ito sa bigong matugunan ng DepEd para sa implementasyon ng badyet na

10/12

Page 11: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

ibinigay noong 2014. Hindi lamang ito isyu ng mismanagement, isa umano itong tahasang pagpapabaya saresponsabilidad ng DepEd.

“Kung ang batayang mga pangangailangan na ito ay hindi pa rin matugunan ng gobyerno, paano pa angpangangailangan para sa K-to-12? Paano ang mga nasa malalayong lugar na walang kuryente o, sa malala, walangklasrum? Hindi alamat ang mga nagkaklase sa ilalim ng puno sa Pilipinas. Reyalidad ito hanggang ngayon,” ayonkay Joy Martinez, bise-presidente ng ACT.

Upang maisakatuparan ang layunin ng K-to-12, kakailangang ilaan ang 6-8 porsiyento ng gross domestic product(GDP) ng bansa. Pero nasa dalawang porsiyento lang ng GDP ang kasalukuyang inilalaan ng gobyerno.

Problema pa rin mula noong unang taon (2012) na ipinatupad ang K-to-12 ang modules na gagamitin dapat ng mgaguro sa pagtuturo ng bagong kurikulum.

“Magmula pa lang sa Grade 7 ng K-to-12, kulang na kulang na ang materyales. Darating ang materyales fourthgrading na, ano ang mangyayari sa unang lessons nila?” ani Solita Daz, guro mula sa Raja Soliman Science andTechnology High School.

Hinati ang isang klasrum para pagkasyahin ang mga mag-aaral sa Batasan National High School. Pher Pasion

Dagdag pa ni Daz, dahil sa kulang ang mga modules at libro, ang mga guro ang natutulak na magpa-xerox. Kayanaman maging ang mga mag-aaral, dumudukot sa kanilang sariling mga bulsa.

Maliban pa rito, minadali ang pagsasanay ng mga guro na isasabak sa K-to-12. Ang iba nga, ikinamatay angtrainings na ito, ayon sa ACT.

11/12

Page 12: Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinaspnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/pino... · Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit

“Paanong naging handa kung minamadali? Paanong handa kung kulang-kulang pa rin? Wala pa rin tayong sapat nabadyet? Isinasakripisyo ang kalidad at karapatan sa edukasyon ng henerasyong ito dahil sa pilit na pagpapatupadng K to 12,” ayon kay Valbuena.

Layunin at tungkulin

Tila maganda ang layunin ng K-to-12 para paunlarin ang edukasyon sa Pilipinas. Pero laging maiiwan na tanong saprograma nito, para kanino papaunlarin ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinas?

Ang pagkakaroon ng edukasyon ang inaasahan ng maraming pamilyang Pilipino para makaahon sa kahirapan.Kaya naman isa ito sa pangunahing pinaglalaanang gastusin ng pamilyang Pilipino. Ang makapagtapos angkanilang mga anak at magkaroon ng magandang buhay.

Laging tungkulin ng mga mamamayan na hingin mula sa kanilang gobyerno, hindi lamang ang pagkakaroon ngedukasyon, kundi ang edukasyong tunay na para sa kanila at tunay na para sa bayan.

Batay sa nakikita natin ngayon, hindi ganito ang edukasyong mayroon ang Pilipino sa kasalukuyan.

Please follow and like us:

0

5k0

190

http://pinoyweekly.org/new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-ang-edukasyon-sa-pilipinas/

0

Pher Pasion

Pher Pasion finished his bachelor's degree in journalism at Manuel L. Quezon University. He is also aformer national secretary-general of the College Editors Guild of the Philippines.

12/12