Asenjo_KINARAY-A_AGRIKULTURA na pinanggalingan ng epikong Hinilawod. Para naman kay Leoncio P.Deriada, ang tinuturing na Ama ng Kontemporaryong Panitikan sa Kanlurang Visayas, ang

  • View
    329

  • Download
    20

Embed Size (px)

Text of Asenjo_KINARAY-A_AGRIKULTURA na pinanggalingan ng epikong Hinilawod. Para naman kay Leoncio...

  • 1 [Asenjo, G.

    Binasa sa Ambagan 2011 ng Komisyon ng Wikang Filipino, Filipinas Translation Institute, at University of the Philippines-Diliman, Sept.14-16, 2011, UP-Diliman, Quezon City

    Ang Bug-at kang Lamigas kag Bugas1 (Ang Bigat ng Lamigas at Bigas)

    Genevieve L. Asenjo, PhD. Dept. ng Literatura

    De La Salle University-Manila http://balaysugidanun.com

    Lupa kag dagat sa pinggan, ito ang paglalarawan sa Antique ng makata nitong si Milagros Geremia-Lachica. Pokus ng ambag mula sa Kinaray-a ang 20 na salitang pang-agrikultura. Maliban sa pagbibigay ng kahulugan at pagsasalaysay sa/ng kultural na aspeto ng salita, tatangkain din ang pagma-mapa ng pagkakatulad at pagkakaugnay-ugnay sa iba pang malalapit na wika sa Visayas, partikular sa Hiligaynon at Cebuano. Isa itong panimulang paghahanda para sa binabalak na Diksyunaryong Kultural sa Agrikultura sa Kinaray-a.

    no ang kaugnayan ng pagkawala ng wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtaas ng presyo ng bilihin? Kung ang kakulangan sa pagkain, at kung

    gayon gutom, ay isang pambansa at global na isyu, ano ang kaugnayan, kahulugan, kabuluhan ng pag-aaral ng/sa wika at kulturang pang-agrikultura sa pagtatanong tungkol sa gahum? Hal. Sa relasyon ng sentro at gilid, ng historikal at kontemporar-yo, ng teknolohiyang pang-agrikultural at industriyal, ng pagsasadula ng isang ritwal sa pagtatanim o pag-aani at pag-upload nito sa social networking site tulad ng Facebook at YouTube? Ilan ito sa mga tanong na dumating sa akin, at patuloy kong binubuno, nang napag-pasyahan kong balikan ang lupa, partikular ang pagsasaka, bilang sabdyek ng pagkukuwento. Higit kaysa nostalgia, isa itong sikolohikal at emosyonal na pagma-mapa ng isang espasyong konseptwal na hitik sa metaporikal na ekstensyon na maaaring maging sangkap sa posibilidad halimbawa ng pagsulpot-buo ng bagong pantao-panlipunang organisasyon, o kultural na komunidad, o pangyayari.2 Nag-aambag ang papel ng 20 salita sa Kinaray-a na nakapalibot sa lupa at pagsasaka. Gayunman, wala akong ilusyon na ang pag-aambag na ito ay makasalba sa atin sa pagkalimot at pagpabaya sa lupa at pagsasaka, at kung gayon, makasalba rin sa atin sa napipintong gutom at lalo pang paghihirap.

    Galing ang mga salitang ito sa barangay na aking kinalakhan. Ang Barasanan sa bayan

    A

  • 2 [Asenjo, G.

    ng Dao, ngayoy Tobias Fornier, na klasipikado sa ika-4 na uri (ibig sabihin: mahirap,

    mahina ang income) ng munisipalidad sa probinsya ng Antique sa rehiyong Kanlurang

    Visayas. Pitong kilometro ang layo ng Barasanan sa bayan. Nasa bulubundukin itong

    bahagi, malapit sa kabundukan ng Iloilo, saan may high-way na tinatahak ng mga

    sasakyan patungong Antique, patungong Caticlan (hal.ng mga bus patungong Manila)

    palibot sa buong isla ng Panay. Nasa Sur na bahagi ng probinsya ang Tobias Fornier,

    pangalawa sa dulong bayan, ang Anini-y. Sa 2008 Agricultural Commodity Profile ng

    probinsya3, may 2974 na hektarya ang Tobias Fornier. 516 dito ang may irigasyon at

    2458 ang pagsasaka na umaasa sa ulan.

    Maliban sa palay, nagpoprodyus din ang probinsya ng mais, saging, manga, tubo, at kape. Binubuo ang Antique ng 18 na munisipalidad. Kaharap ng probinsya ang Palawan, ang Mindoro, ang Manila. Binabaybay ng mga bayan nito ang dalampasigan mula

  • 3 [Asenjo, G.

    Norte hanggang Sur. Sa kabila ng kabundukan nito, ang ilang bahagi ng Iloilo, ang buong Capiz, gayundin ang Aklan. Kaya inilalarawan ang Antique ng makata nitong si Milagros Geremia-Lachica na lugar saan sa pinggan ni Nonoy/liwan magakitaay/ang lupa kag baybay.(sa pinggan ni Nonoy/muling magtatagpo/ang lupa at dagat.). 4 Sinasabi na kabilang sa wikang Austronesian/Malayo-Polynesian ang Kinaray-a. Sa pag-aaral ni Alex De Los Santos na Mga panuytoy sa pagsulat kang Kinaray-a,5 naitala niya ang apat na banyagang iskolar na nag-aral ng Kinaray-a. Aniya, may papel na Kinaray-a Pronouns at Resumptive pronouns and topicality in Kinaray-a ang isang Julia Bernd para sa kanyang masters sa lingwistiks sa Standford University. Nakapagsulat naman ng maiksing balangkas ng gramatika sa Kinaray-a si Ishiyama Nobuo ng University of Tokyo ayon sa sugidanun o kuwento na Amo kag Bao (Ang Matsing at Pawikan). Habang si Amy Leuchtman-Sexton naman ng Rice University nakapagbigay ng kolokyum na Negation in Kinaray-a gayundin si Xiuhong Zhang sa kanyang The Causative in Kinaray.a Nabanggit din ni de los Santos si Jason Lobel, na nakapaglimbag ng aklat sa Bikol at noong 1996 nakipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng email tungkol sa pag-aaral nito sa mga wika sa Gitnang Bisayas. Ani pa ni De los Santos, naniniwala si Lobel na magkapamilya ang mga wikang Kinaray-a, Hiligaynon, Cebuano, Romblonanon, Masbateo at Waray-Waray. Nito namang Pebrero, nakipag-ugnayan sa akin, sa amin, si Mariane Medina Umali, isang Bikolana na postgraduate student sa Discipline of Media, School of Humanities & Social Sciences sa University of Adelaide sa Australia. Pinapag-aralan niya papaano ang internet at iba pang kaugnay na medya ginagamit para sa kultural produksyon ng mga rehiyunal na grupo. Isinama niya ang Kinaray-a dahil nakalagay ito sa listahan ng National Commission for Culture and the Arts at National Statistics Office (NSO) bilang isang pangkat-etnolingwistiko. Bago maging politically-correct na termino ang Kinaray-a bilang pantukoy sa wika sa probinsya ng Antique at sa maraming probinsya sa Iloilo, kilala rin ito sa Karay-a, na pantukoy rin, una sa lahat, sa tao o sa tagapagsalita. Tinawag rin ito ng isa sa mga manunulat ng rehiyon, si Santiago Mulato, na Hiniraya. Ani Mulato, mula ito sa salitang iraya na tumutukoy sa mataas na lugar na pinanggagalingan ng tubig.6

  • 4 [Asenjo, G.

    Ito ang kabundukan ng Panay na humahati sa mga probinsya ng Antique, Aklan, Capiz, at Iloilo saan naroon ang Bundok Madya-as at Baloy, saan naroon ang grupo ng katutubong pinangangalanan ng mga antropologo na Panay-Bukidnon o Sulodnon na pinanggalingan ng epikong Hinilawod. Para naman kay Leoncio P.Deriada, ang tinuturing na Ama ng Kontemporaryong Panitikan sa Kanlurang Visayas, ang Kinaray-a ang inang-wika ng Hiligaynon, ang lengua franca ng Panay at Negros Occidental. Kung pagbabasehan ang lapit ng tunog at mga salita sa Kinaray-a sa salita ng mga Ati o Ita ng Panay, partikular ng Antique, maituturing nga na isang matandang wika ang Kinaray-a, dahil tinuturing din natin na isa ang mga Ati sa ating mga katutubo. At may engrandeng naratibo ang Antique kaugnay sa/ang mga Ati. Ito ang kuwento ng pagdaong ng sampung datu ng Borneo sa Panay, partikular sa Malandog, Hamtic, sa Antique, at ang pakipagpalit dito ng pinuno ng Ati na si Marikudo sa bulawan na salakot at nakasangyad sa lupa na kuwintas para sa kanyang asawa na si Maniwantiwan. Mababasa ito, naibantala sa mga akda nina R. Morales Maza sa kanyang libro na The Augustinians in Panay (1987), sa Maragtas (1907) ni Pedro Monteclaro, at Barter in Panay (1961, 1984) ni Ricaredo Demetillo. Patuloy ang reproduks-yon ng naratibong ito sa spectacle ng mga taunang festival tulad ng Ati-Atihan ng Kalibo, Dinagyang ng Iloilo, at Binirayan ng Antique. Kahit pa marginal na presensya, kung hindi man talagang invisible, ang mga Ati sa mga okasyong ito, na alam nating nananatiling illiterate ang karamihan at lalo pang na-e-etsa-puwera sa panahon ng globalisasyon. Malinaw na isang mahalagang faktor sa kahirapan ng Antique ang geyograpikal na lokasyon at posisyon nito sa mapa ng rehiyon, kaugnay sa iba pang probinsya. Kaya kahit na may engrandeng naratibo ito, may inferiority complex, may victim mentality ang Kinaray-a dahil sa kasaysayan nito ng persekusyon at opresyon katulad ng mga katutubo nitong Ati. Sa kasaysayan halimbawa ng rehiyon nitong ika-20 na siglo, sa pag-unlad ng Iloilo bunga ng pagkaroon nito ng daungan at hacienda, at ng kalaunan ng Negros Occidental, nakilala ang Karay-a o Kinaray-a bilang lengguwahe ng mga sacada, ang mga trabahador sa hacienda. Kaya kaakibat ng kasaysayan ng kahirapan ng Antique ang kasaysayan ng pagkasagigilid ng Karay-a o Kinaray-a.

  • 5 [Asenjo, G.

    Mahihirap ang Kinaray-a kaya nakipagsapalaran din noong 60s-70s sa Mindanao, ang Lupang Pangako, kaya ang teorya na isa ito sa mga pangyayari sa kasayaysan ng bansa na nagpapaliwanag din ng pagkakalapit ng Kinaray-a, Hiligaynon, at Cebuano lalo na sa mga bahaging Butuan, Cagayan de Oro, Davao at Cotabato; maliban sa geyograpikal na lapit ng mga ito. Mahihirap ang Kinaray-a kaya ang pakikipagsapalaran din nito sa ibat ibang sulok ng mundo. Kaya global din ang Kinaray-a, lumalampas sa kabundukan at karagatan ng rehiyon. Isang patunay rito ang pamamayagpag ng OKM (Original Kinaray-a Music) sa www.kinaray-a.com. Sa papel ko noong 2005 na Antique, Banwa nga Hamili: Ang Antique sa Diskurso ng mga Musikerong Antiqueo,7naimapa ko na rin ang artikulasyon-manipestas-yon-salin ng lupa at kahirapan, lupa=kahirapan mula sa mga tradisyonal na anyo ng panitikan ng rehiyon tulad ng komposo at banggianay (balagtasan) hanggang sa mga kontemporaryong antolohiya sa Kinaray-a na Ani (1991), Mantala (1997), Dag-on (1995), at Salatan (1998). Hanggang sa OKM na ito. Kaya ang hamon din ng papel na iyon sa pagbubukas ng mga bagong espasyo at pagdidiskurso ng/ sa lupa at kahirapan lalo na kung isa itong pagpapatuloy/pagtatanghal ng pagiging bayang hamili o minamahal/pinakakatangi/nakahihigit nito ang romantisasyon -dahil sa maragtas nito ng pagdaong ng sampung datu mula Borneo at lugar ng unang Malayan settlement sa Panay. Mabilis ang pagsalita sa Kinaray-a. Sagana ito sa r, na nagiging l sa Hiligaynon. Hal. ang wara nagiging wala. Sa museo sa Ilocos, naintindihan ko ang mga salitang nakadikit sa mga artifacts ng mga gamit sa pagsasaka at pangingisda. Nang maka-pakinig ako sa misa sa Bikol, naintindihan ko ito, g