28
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 1: Paghahating Heograpikal ng Asya 7

Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

  • Upload
    others

  • View
    32

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

Araling Panlipunan

Unang Markahan - Modyul 1:

Paghahating Heograpikal ng Asya

7

Page 2: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Paghahating Heograpikal ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]. ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Kristine S. Delfin / Jellyann M. Panganiban

Gilbert L. Sayo

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/

Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: Aileen C. Clemente / Gilbert L. Sayo

Tagalapat: Mary Kristine S. Delfin / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

iii

7

Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 1

Paghahating Heograpikal ng Asya

Page 4: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghahating Heograpikal ng Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:

Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang

Asya at Hilaga/Gitnang Asya.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Leksyon 1 - Ang Konsepto ng Asya

Leksyon 2 - Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya

Leksyon 3 - Mga Rehiyon at Bansa sa Asya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kahulugan ng konsepto ng Asya;

2. nasusuri ang batayan ginamit sa paghahating heograpikal ng Asya;

3. nakagagamit ng mapa sa pagtukoy ng mga rehiyon at bansa sa Asya; at

4. naipamamalas ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng pisikal na

dibisyon sa pamamagitan ng positibong pagtugon sa mga pangyayari sa Asya.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang

maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. May mga rubric sa huling bahagi ng modyul na ito para sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

2

Subukin

Panuto: Basahin at isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong agham ang pag-aaral ukol sa paglalarawan sa ibabaw ng daigdig?

A. Heograpiya C. Kultura

B. Kasaysayan D. Sibika

2. Sa anong rehiyon nabibilang ang Tsina na pinakamalaking bansa sa Asya?

A. Hilagang Asya C. Timog Asya

B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy na paglalarawan at

paghahambing ng sukat at laki ng Asya sa ibang kontinente ng mundo?

A. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa at Antartica

B. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog America

C. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa nang apat na beses ng

laki nito

D. katumbas nito ang ikatlong (1/3) na bahagi ng kabuuang lupain sa mundo

4. Ano ang batayan ng Eurocentric view na paghahating heograpikal ng Asya?

A. ayon sa nakapalibot na mga katubigan

B. distansya mula sa kontinente ng Europa

C. pagkakahawig ng mga kultura ng mga bansa

D. lokasyon ng mga bansa sa latitud at longhitud

5. Anong bansa ang hindi kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?

A. Indonesia C. South Korea

B. Pilipinas D. Vietnam

6. Anong rehiyon sa Asya ang tinaguriang Farther India o Little China?

A. Hilagang Asya C. Timog Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

7. Ilang bahagdan ng kabuuang lupain sa mundo ang saklaw ng buong sukat ng

Asya?

A. 1/3 C. 1/4

B. 1/8 D. 1/2

8. Ano ang kahulugan ng salitang Asu sa mga Asyano?

A. hilaga C. silangan

B. kanluran D. timog

9. Ano ang kasalukuyang ang kabuuang bilang ng pagkakahati ng rehiyon sa Asya

batay sa Asyanong pananaw?

A. 3 C. 5

B. 4 D. 6

Page 9: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

3

10. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo?

A. kapatagan C. kontinente

B. kapuluan D. rehiyon

11. Ilang sub-regions ang pagkakahati ng Timog-Silangang Asya?

A. 2 C. 4

B. 3 D. 5

12. Ilan ang kontinente ng mundo?

A. 4 C .6

B. 5 D. 7

13. Anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang India?

A. Hilagang Asya C. Timog Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

14. Sa anong rehiyon nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR?

A. Hilagang Asya C. Silangang Asya

B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

15. Ilang bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?

A. 48 C. 50

B. 49 D. 51

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 10: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

4

Aralin

1 Paghahating Heograpikal ng

Asya

Ang Pilipinas ay bahagi ng daigdig, ang mundong ating

tirahan. Sa bahaging ito, ating tatalakayin ang kontinente na

kinabibilangan ng ating bansa, partikular ang mga rehiyon at

iba pang mga bansang bumubuo rito sa Asya.

.

Balikan

Pag-aralan ang mapa ng daigdig sa ibaba. Matutukoy mo ba mula rito ang

bansang Pilipinas? Sa anong direksyon matatagpuan ang Pilipinas? Ano anong mga

bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?

Halina’t ating tuklasin ang mga kaalaman na tiyak magbibigay sayo ng

malalim na pang-unawa sa ating kontinente.

Mapa ng Daigdig

Page 11: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

5

Sagutin ang mga tanong.

1. Ilang kontinente mayroon ang daigdig?

2. Sa anong kontinente nabibilang ang Pilipinas?

Kung ang iyong naging tugon sa unang tanong ay pito (7) at sa ikalawa ay

Asya, ay binabati kita sapagkat iyong natutunan ang pangunahing kaalaman

tungkol sa ating bansa sa nagdaang aralin!

Tuklasin

Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa bagong

leksyon. Tuklasin ang konsepto ng Asya, mga batayan ng paghahating

heograpikal ng Asya at mga rehiyon at bansa sa Asya. Halina at

gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Simulan mo ito

sa pagsasagot ng gawaing magpapakilala sa bagong leksyon.

Magbugtungan tayo!

Panuto: Subukin mong sagutin ang mga bugtong sa ibaba sa

pamamagitan ng pagpuno ng tamang letra sa mga clues o pahiwatig katabi nito.

1. _ _ L _ P _ N _ S

2. _ A N _ _

Tinaguriang akong “Perlas ng Silangan”,

Hitik sa yaman, kabayanihan at kasaysayan

Nasyon ako kung tawagin sa ibang salita,

Isa ang Pilipinas sa mga halimbawa.

Page 12: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

6

3. _ E _ I Y _ N

4. K _ _ T _ N _ _ T _

5. _ S Y _

Kung ang ibinigay mo na kasagutan sa bugtong ay ang mga sumusunod:

Pilipinas, bansa, rehiyon, kontinente at Asya, ay muli kitang binabati sapagkat ang

mga ito ang magbibigay ng paunang kaalaman sa iyo kung ano ang mga tatalakayin

sa araling ito.

Bilang panimula ng aralin. Bumuo ka ng isang pangungusap gamit ang

dalawa o higit pang kasagutan mula sa bugtong. Isulat mo ito sa loob ng kahon.

Ang ating bansa ay kabahagi ng mas malawak na kalupaan, ito ay

Ang kontinente ng Asya, katulad din ng Pilipinas, ay napapangkat sa mga

rehiyon. Sa kabila ng dibisyong ito na nagdulot ng kaibahan sa kultura at

paniniwala, ay binibigyang pagpapahalaga pa rin dapat ng mamamayan ng bawat

bansa ang pagiging kabahagi ng Asya, ang pagiging Asyano. Katulad ito ng

pagpapahalaga na ibinibigay ng bawat isa sa kanyang sariling bansa.

Sa susunod na bahagi ay tatalakayin ang Asya bilang isang kontinente, ang

mga rehiyon at bansang kabilang dito.

Suriin

Handa ka na bang suriin ang mga kaalaman hinggil sa konsepto ng

Asya. Alam mo ba ang lawak na sakop ng Asya? Ano ang tiyak na lokasyon

na kinalalagyan ng kontinente ng Asya? Saan nagmula ang salitang Asya?

Halina at iyong tuklasin ang kasagutan sa mga katanungang ito

Sa mga kontinente ako ang pinakamalaki,

Sa laki at lawak nangunguna pati.

Nasa bilang tatlo ang probinsya ng Bulacan,

Pagsama-samahin mo ang mga lalawigan.

Ako’y nahahati sa bilang na pito,

Pinakamalaking masa ng lupain sa mundo.

Page 13: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

7

ANG KONSEPTO NG ASYA

Heograpiya ang agham na nag-aaral tungkol paglalarawan sa ibabaw ng

mundo, ang pagkakahati nito sa mga kontinente at bansa, ang klima, behetasyon

(vegetation), likas na yaman, at maging ang mamamayan.

Kontinente ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa mundo.

Mayroong pitong kontinente ang mundo kung saan ang Asya ang pinakamalaki. Ang

Africa, North America, South America, Antarctica, Europe at Australia ang anim na

iba pang kontinente na sumasakop sa dalawang katlo (2/3) ng kalupaan ng mundo.

Pag-aralan mo ang mapa at ang Talahanayan 1.

Mapa ng Asya

Talahanayan 1: Ang Konsepto ng Asya

Fast Facts Tungkol sa Asya

Kabuuang sukat 44,486,104 kilometro kuwadrado

Saklaw ng lupain sa mundo (1/3) ng kabuuang kalupaan ng daigdig

Lokasyon mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitud

at mula sa 11° hanggang 175° Silangang

longhitud

Bilang ng mga bansa 49

Pinagmulan ng pangalan mula sa salitang Aegean na “asu” na

nangangahulugang “lugar na sinisikatan ng

araw” o bukang-liwayway o silangan

kilala bilang “Ashiya” sa wikang Tsino at

“Ajiya” sa wikang Hapones

Page 14: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

8

Ang Europa naman ay nagmula sa salitang Aegean na “ereb” na ibig sabihin

ay “lugar kung saan lumulubog ang araw” o “kanluran”. Nakilala ang Asya bilang

silangan sapagkat nasa gawing silangan ito ng kontinente ng Europa.

Sagutin ang tanong.

1. Bakit tinawag na Asya ang kontinente ng Asya ayon sa iyong pagkaunawa?

______________________________________________________________________________

BATAYAN NG PAGHAHATING HEOGRAPIKAL NG ASYA

Ang kontinente ng Asya ay nahahati sa mga rehiyon. Mayroong dalawang

batayan ng paghahating heograpikal ng Asya. Ang una ay Eurocentric View o

Kanluraning Pananaw na ginamit noong unang panahon ng mga Griyego at Romano,

at ang Asiancentric View o Silanganing Pananaw na ginagamit sa pagpapangkat ng

mga bansa sa Asya sa kasalukuyan. Paghambingin mo ang mga impormasyon sa

Talahanayan 2.

Talahanayan 2. Batayan ng Paghahating Heograpikal ng Asya

Pananaw Batayan ng Paghahating Heograpikal Mga Rehiyon

Eurocentric

View

(Kanluraning

Pananaw)

Nakabatay sa distansya ng mga bansa

mula sa kontinente ng Europa. Pinag-

aralan ang Asya gamit ang konseptong

Europeo

Near East o Malapit na Silangan ang

itinawag sa mga bansang malapit sa

Europa

Ang mga bansang Arabo naman ang

tinawag na Middle East o Gitnang

Silangan

Tinawag na Far East o Malayong

Silangan ang mga natuklasan ng mga

Europeo sa napakalayong lupain sa

Silangan tulad ng India, Tsina, Hapon,

at iba pang lupain sa Pasipiko

Nahahati sa tatlong (3)

rehiyong heograpikal

- Malapit na Silangan

(Near East)

- Gitnang Silangan

(Middle East)

- Malayong Silangan

(Far East)

Asiancentric

View

(Silanganing

Pananaw)

Ang paghahati sa Asya ay binatay sa

heograpikal at kultural na sona kung

saan isinaalang-alang ang pisikal,

historikal, at kultural sa paghahati nito

Itinataguyod ng pananaw na ito ang

ating pagkakakilanlan bilang Asyano

Nahahati sa limang (5)

sonang heograpikal

- Hilagang Asya

- Timog Asya

- Kanlurang Asya

- Silangang Asya

- Timog-Silangang Asya

Maging sa pagkakakilanlan ng ating bansa bilang ang “Perlas

ng Silangan” ay makikita ang pagiging kabahagi ng Pilipinas ng

malawak na kalupaan ng Asya. Kung saan ang salitang silangan ay

patungkol sa kontinente ng Asya na ating kinabibilangan.

Page 15: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

9

Sagutin ang mga tanong.

1. Paano hinati-hati ang mga rehiyon sa kontinente ng Asya?

______________________________________________________________________________

2. Alin sa iyong palagay ang mas nararapat na gamitin sa pagpapangkat ng mga

bansa sa Asya? Bakit? _______________________________________________________

MGA REHIYON AT BANSA SA ASYA

Suriin ang mo graphic organizer patungkol sa mga rehiyon ng Asya at mga

bansang kabilang dito.

Talahanayan 3: Mga Rehiyon sa Asya

Rehiyon Katangian/Katawagan Mga Bansang

Kabilang

Silangang Asya

Binubuo ng 5 na bansa

kasama ang mga Special

Administrative Region

(SAR) na Hongkong at

Macau na bahagi ng

China na pinaka-

malaking bansa sa Asya

China

Japan

North Korea

South Korea

Taiwan

Hilagang Asya

Binubuo ng 9 na bansa

kasama ang Siberia sa

Russia

Tinatawag ding Central

Asia (Gitnang Asya) o

Inner Asia

Kabilang ang mga

nasyong dating sakop ng

USSR (Union of Soviet

Socialist Republics)

Mongolia

Tajikistan

Kyrgyztan

Uzbekistan

Tajikistan

Turkmenistan

Armenia

Georgia

Azerbaijan

Bilang mga Asyano, tunay na nararapat nating

gamitin ang pagpapangkat ng mga bansa sa Asya ayon sa

punto de vista o pananaw Asyano sapagkat tayo ang

tagapagtaguyod ng ating sariling kalinangan.

Page 16: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

10

Timog Asya

Binubuo ng 8 na bansa

- itinuturing na sub-

kontinenteng bansa

dahil naihihiwalay ito

sa kabuuan ng Asya

sa pamamagitan ng

Bulubunduking

Himalayas

- mga bansang Muslim

- mga bansang

Himalayan

- mga bansang

pangkapuluan

India

Pakistan

Afghanistan

Bangladesh

Nepal

Bhutan

Sri Lanka

Maldives

Kanlurang Asya

Rehiyong sagana sa

langis na binubuo ng 15

bansa

Binubuo ng mga

bansang Arabo at

tinagurian ding “Moslem

World” dahil sa

impluwensya ng

relihiyong Muslim

- Gulf States

- iba pang bansang

kabilang

Saudi Arabia

Lebanon

Jordan

Syria

Iraq

Kuwait

Yemen

Oman

United Arab

Emirates(UAE)

Qatar

Bahrain

Iran

Israel

Cyprus

Turkey

Page 17: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

11

Timog-Silangang Asya

Tinaguriang Farther

India at Little China

dahil sa impluwensya ng

kabihasnang India at

China sa kultura ng mga

bansa dito

Binubuo ng 11 bansa na

nahahati sa 2 sub-

regions:

- Pangkontinenteng

Timog-Silangang

Asya o Mainland

Southeast Asia

- Pangkapuluang

Timog-Silangang

Asya o Insular

Southeast Asia kung

saan nabibilang ang

East Timor na

pinakabatang bansa

sa Asya

Thailand

Vietnam

Laos

Cambodia

Myanmar

Pilipinas

Indonesia

Malaysia

Brunei

Darussalam

Singapore

East Timor

Sagutin ang kasunod na tanong.

1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya? Ano-ano ang mga rehiyong

bumubuo dito? _______________________________________________________________

ALAM MO BA?

“Bhineka tunggal ika”, hinango sa salitang Javanese ng Indonesia

na nangangahulugang “Unity in Diversity” o “Pagkakaisa sa

Pagkakaiba”. Ito ang mga katagang maaaring maglarawan sa Asya.

Ang pagkakahati ng mga bansa sa Asya sa mga rehiyon ay

nagresulta ng pagtataglay ng iba’t ibang lahi, kultura at uri ng

sistemang umiiral sa kabuuan ng kontinente. Subalit sa kabila ng

pagkakaiba na ito ay mas mahalaga pa ring pagtuunan ng pansin

ang ating pagkakatulad na nag-uugnay sa atin bilang mga

mamamayang Asyano.

Page 18: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

12

Pagyamanin

Matapos mong masuri ang konsepto ng Asya, mga batayan ng

paghahating heograpikal ng Asya, mga rehiyon at bansa sa kontinente ng

Asya. Masusubok ang iyong husay at galing sa pagpapayaman sa

kaalaman sa leksyon sa pamamagitan ng pagsasagot sa mga

nakahandang pagsubok batay sa iyong natutuhan.

A. Iyong Tukuyin!

Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang akmang termino o salita batay sa

paglalarawan sa pahayag sa ibaba. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

__________ 1. Pag-aaral ng katangiang pisikal na paglalarawan sa mundo.

__________ 2. Ang pagkakagrupo ng mga bansa.

__________ 3. Pinakamalaking dibisyon ng lupa sa mundo.

__________ 4. Kabuuang sakop ng Asya sa kalupaan ng daigdig.

__________ 5. Pinakamalaking kontinente sa mundo.

B. Tama o Mali?

Panuto: Tukuyin mo kung tama o mali ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Asya

kung ang pahayag ay tama at kontinente naman kung ito ay mali. Isulat mo ang

sagot sa sagutang papel.

____________ 1. Pinag-aaralan sa heograpiya ang pagkakahati ng daigdig sa mga

kontinente, rehiyon at bansa.

____________ 2. Saklaw ng Asya ang 2/3 ng kabuuang lupain ng mundo.

____________ 3. Kontinente ang pinakamaliit na dibisyon ng lupa sa mundo.

____________ 4. Ang Asya ay tinawag na asu o silangan.

____________ 5. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

Asya sangkatlo heograpiya kontinente rehiyon

Page 19: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

13

C. Rehiyon Ko! Itala Mo!

Panuto: Isulat mo sa loob ng mga ulap ang mga rehiyon sa Asya na iyong

natutunan sa ating aralin ayon sa Silanganing Pananaw. Isulat ang sagot

sa sagutang papel.

D. Iyong Pag-isipan!

Panuto: Tukuyin mo kung anong rehiyon sa Asya ang inilalarawan sa bawat kahon.

Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

____________ 1.

____________ 2.

____________ 3.

____________ 4.

____________ 5.

____________ 6.

____________ 7.

____________ 8.

Rehiyong mayaman sa langis.

Kasama sa rehiyong ito ang mga bansang dating kabilang sa

USSR.

Rehiyon ng Asya na tinaguriang “Moslem World” at may

pinakamaraming miyembrong bansa sa 5 rehiyon ng Asya.

Rehiyon sa Asya na pinangungunahan ng sub-kontinenteng

bansa na India.

Rehiyon sa Asya na may impluwensya ng China at India.

Kabilang sa rehiyong ito ang mga Special Administrative

Regions na Hongkong at Macau.

Rehiyon kung saan nabibilang ang China na pinakamalaking

bansa sa Asya.

Rehiyon sa Asya na naghahati sa dalawang sub-regions.

Mga Rehiyon sa Asya

Page 20: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

14

____________ 9.

____________10.

E. Itala Mo!

Panuto. Kumpletuhin mo ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan

ng pagtatala ng tatlong halimbawa ng mga bansang kabilang sa bawat

rehiyon ng Asya.

F. Ihayag mo!

Panuto. Ipakilala ang bawat rehiyon ayon kanilang mga hangganan. Ipaliwanag

kung paano nakaapekto sa bawat rehiyon ang kanilang paghahating heograpikal.

1. Hilagang Asya _____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________ 2. Timog Asya

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Silangang Asya

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Silangang Asya ____________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Timog- Silangang Asya ____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Tinatawag din itong Gitnang Asya o Inner Asia.

Rehiyong kinabibilangan ng bansang Pilipinas.

Page 21: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

15

Isaisip

Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok

na inihanda upang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon.

Sa puntong ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang

iyong pagkakatuto.

Punuan Mo Ako!

Panuto: Punan mo ang patlang ng angkop na salita sa pangungusap. Isulat ang

sagot sa sagutang papel.

(1) ____________ ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupa sa mundo.

Ang Asya ang pinakalamalaki sa (2) ____________ masa ng lupa sa daigdig. Nahahati

ito sa (3) ____________ rehiyon ayon sa Silanganing Pananaw. Ang Asya ay may

kabuuang bilang na (4) ____________ mga bansa.

Ang rehiyon ng (5) ____________ ay kilala bilang “Inner Central Asia” kung saan

nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR. Ang (6) ____________ naman

ay rehiyon na kilala bilang ang “Moslem World”. Ito rin ang may pinakamaraming

miyembrong bansa sa mga rehiyon sa Asya. Ang Pilipinas ay bahagi ng rehiyon ng

(7) __________. Mayroon itong dalawang sub-regions: ang mainland o pangkalupaan,

at (8) ____________ o napapaligiran ng tubig. Samantala, ang (9) ____________ ang

rehiyon na may pinakakaunting miyembrong bansa kung saan nabibilang ang

China. Hugis tatsulok naman ang rehiyon ng (10) ____________ kung saan bahagi

ang bansang India.

Isagawa

Mahusay ka bang gumuhit? Sa gawaing ito, malaya mong bakatin

ang larawan. Ang gawaing ito ay higit na magpapalalim sa kaalaman mo

sa leksyon. Gamit ang iyong natutuhan, muling susukatin ang iyong

husay sa pamamagitan ng gawaing ito.

Page 22: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

16

Gawain 1: Rehiyon Ko, Markahan mo!

Panuto: Bakatin o gayahin mo ang mapa ng Asya at tukuyin ang pagkakapangkat

ng mga bansa sa Asya sa limang sonang heograpikal sa pamamagitan ng paglalapat

ng nakatalagang marka sa bawat rehiyon. Sundin ang legend na nakasulat sa loob

ng mapa.

Gawain 2: Kapit-bisig, Kapwa Asyano!

Panuto: Sa pamamagitan ng sumusunod na sitwasyon, bilang isang Asyanong

mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa kabila ng pagkakaisa sa

pagkakaiba-iba. Ang layunin ng gawain ay gumawa ng shoutout ngunit maging

gabay ang dalawang unang gawain.

1. Pumili ng rehiyon sa Asya at kilalanin ang turismo nito;

2. kaugnay ng rehiyong napili, alamin produkto ng rehiyon;

3. Lumikha ng shoutout, ekspresyon o opinyon ukol sa pagpapalakas ng

pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Asyano sa bawat rehiyon sa temang:

Malasakit Asyano, Ikaw at Ako tungo sa Progreso.

Page 23: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

17

Tayahin

Muli mong alalahanin ang kaalaman na iyong natutuhan sa leksyon. Halos

nasa huling bahagi ka ng gawain. Ang matalas na pagsusuri sa leksyong

iyong pinag-aralan ay abot kamay na sa pamamagitan ng pagsasagot sa

tayahin.

Panuto: Piliin mo ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang batayang kaalaman ukol sa kahulugan ng heograpiya?

A. pag-aaral ng espasyo sa ibabaw ng mundo

B. pag-aaral ng pagkakaiba ng mga lugar sa balat ng mundo

C. pag-aaral sa likas na pag-uugnay sa pagitan ng tao at kanilang paligid

D. pag-aaral ng mga katangiang pisikal sa ibabaw ng mundo at ng iba’t ibang

gawain na nagaganap dito

2. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa Asya maliban sa ….

A. ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo

B. binubuo ang Asya ng 49 na bansa

C. nahahati ang Asya sa tatlong sonang heograpikal

D. matatagpuan ang Asya sa silangan ng Europa

3. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya. Tinatayang heograpikal at kultural na sona

ang mga rehiyong ito dahil isinasaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong

pisikal, historikal at kultural. Bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang

tinitingnan bilang magkaugnay?

A. Ang mga ito ay parehong napailalim sa halos parehong karanasan sa

larangan ng historikal, kultural, agrikultural at sa klima.

B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng

kapaligirang pisikal.

C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos

pareho.

D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uring pamumuhay dito.

4. Sa anong rehiyon sa Asya nabibilang ang Gitnang Silangan o Middle East sa

kasalukuyan?

A. Hilagang Asya C. Silangang Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

5. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng tama hinggil sa Eurocentric View,

maliban sa ….

A. Nahahati ang Asya sa tatlong rehiyon.

B. Napapangkat ang Asya sa limang sonang heograpikal.

C. Ang Asya ay pag-aaral ayon sa pananaw ng mga Kanluranin.

D. Ibinatay sa distansya mula sa Europa ang pagpapangkat ng mga bansa sa

Asya.

Page 24: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

18

6. Bakit itinuturing na isang sub-kontinenteng bansa ang India?

A. malawak ang kalupaan ng bansang ito

B. malaking bahagi ng lupain nito ay nakausli sa dagat

C. nakahiwalay ito sa kabuuan ng Asya dahil sa kabundukang Himalayas

D. ito ang pinakamalaking bansa sa Timog Asya

7. Paano pinangkat sa rehiyon ang mga bansa sa Asya ayon sa Silanganing

Pananaw o Asiancentric View?

A. ayon sa distansya ng mga ito sa Europa

B. ayon sa lokasyon nito sa latitud at longhitud

C. ayon sa heograpikal, pisikal at kultural na aspeto

D. ayon sa laki at lawak ng mga bansa

8. Anong mga bansa sa Timog Asya ang kilala rin bilang mga Bansang Himalayan?

A. Nepal at Bhutan C. Afghanistan at Pakistan

B. Sri Lanka at Maldives D. Bangladesh at India

9. Anong rehiyon sa Asya kung saan kabilang ang mga nasyong dating bahagi sa

Union Soviet of Socialist Republic?

A. Hilagang Asya C. Timog Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

10. Anong rehiyon sa Asya ang kinabibilangan ng Pilipinas?

A. Kanlurang Asya C. Silangang Asya

B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya

11. Anong rehiyon sa Asya ang may walong bansang kasapi at inilarawan bilang mga

bansang Muslim, pangkapuluan, at Himalayan?

A. Hilagang Asya C.Timog Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

12. Ano ang dalawang bansang pangkapuluan ng Timog Asya?

A. Afghanistan at Pakistan C. Nepal at Bhutan

B. Bangladesh at India D. Sri Lanka at Maldives

13. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaraming bansang kabilang?

A. Hilagang Asya C. Timog Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

14. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa mga bansa o estado sa Kanlurang

Asya na sagana sa langis at petrolyo?

A. Gulf State

B. Muslim World

C. Himalayan Countries

D. Special Administrative Region

15. Anong rehiyon sa Asya na tinaguriang na Farther India at Little China dahil sa

impluwensya ng Kabihasnang India at China?

A. Kanlurang Asya C. Timog Asya

B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya

Page 25: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

19

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo

sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng

harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa

sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Ako ay nasisiyahan sapagkat iyong pinatunayan ang husay at galing sa mga

gawaing inihanda para sayo. Ang positibong pananaw sa malayang pag-aaral ang

daan upang ang kamangmangan ay hindi maging hadlang upang ikaw ay matuto

sa iyong mga paa. Ang karagdagang gawain ito, ang magpapalalim upang ikaw ay

magpatuloy na matuto.

Gawain 1: Halika at Iyong Suriin!

Panuto: Isulat mo sa ibaba ng tsart ng bawat rehiyon ang mga bansa sa Asya na

nabibilang dito. Gayahin ang talahanayan sa sagutang papel. Armenia

China

India

Iran

Japan

Jordan

Kazakhstan

Malaysia

Maldives

Pilipinas

Saudia Arabia

Singapore

South Korea

Sri Lanka

Turkmenistan

Timog Asya Timog-Silangang Asya

Silangang Asya

Hilagang Asya

Kanlurang Asya

Gawain 2: Repleksyon

Panuto: Ngayong alam mo na na ang Pilipinas ay kabahagi ng kontinente ng Asya,

paano mo maipakikita ang iyong pagtulong at pakikiisa sa mga kapwa mo Asyano

sa panahon ng mga suliranin (tulad ng pandemya na COVID-19) na nagdudulot ng

dibisyon sa mga bansa? Magtala ka ng dalawang paraan bilang kasagutan.

1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

Page 26: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

20

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1. A

2. B

3. A

4. B

5. C

6. D

7. A

8. C

9. C

10. C

11. A

12. D

13. C

14. A

15. B

TUKLASIN

1. Pilipinas

2. bansa

3. rehiyon

4. kontinente

5. Asya

PAGYAMANIN

A

1. heograpiya

2. rehiyon

3. kontinente

4. sangkatlo

5. Asya

B

1. Asya

2. kontinente

3. kontinente

4. Asya

5. Asya

C

Hilagang Asya

Kanlurang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang

Asya

Silangang Asya

D

1. Hilagang Asya

2. Kanlurang

Asya

3. Timog Asya

4. Timog-

Silangang Asya

5. Silangang

Asya

6. Timog-

Silangang Asya

7. Kanlurang

Asya

8. Silangang

Asya

9. Hilagang Asya

10. Timog-

Silangang Asya

E

Hilagang Asya

Armenia

Azerbaijan

Georgia

Kazakhstan

Kyrgyztan

Mongolia

Siberia, Russia

Tajikistan

Turkmenistan

Uzbekistan

Timog Asya

Afghanistan

Bangladesh

Bhutan

India

Maldives

Nepal

Pakistan

Sri Lanka

Silangang Asya

China

Japan

North Korea

South Korea

Taiwan

E.

(pagpapatuloy)

Kanlurang Asya

Bahrain

Cyprus

Iran

Iraq

Israel

Jordan

Kuwait

Lebanon

Oman

Qatar

Saudi Arabia

Syria

Turkey

United Arab

Emirates (UAE)

Yemen

Timog-Silangang

Asya

Pangkontinente

Cambodia

Laos

Thailand

Vietnam

Myanmar

Pangkapuluan

Brunei

Darussalam

East Timor

Indonesia

Malaysia

Pilipinas

Singapore

ISAISIP

1.kontinente 2.pito 3.lima 4.49 5.Hilagang Asya 6.Kanlurang

Asya 7.Timog-

Silangang Asya

8.insular o pangkapuluan

9.Silangang Asya

10.Timog Asya

ISAGAWA

Gawain 1:

Gawain 2: Inaasahan na ang mga

gawa ng mag-aaral ay may

pagkakaiba-iba.

TAYAHIN

1. D

2. C

3. A

4. B

5. B

6. C

7. C

8. A

9. A

10. D

11. C

12. B

13. B

14. A

15. D

KARAGDAGANG

GAWAIN 1

TimogAsya

India

Maldives

Sri Lanka

Timog-Silangang

Asya

Singapore

Pilipinas

Malaysia

Silangang Asya

Japan

China

South Korea

Hilagang Asya

Armenia

Kazakhstan

Turkmenistan

Kanlurang Asya

Iran

Saudi Arabia

Jordan

KARAGDAGANG

GAWAIN 2

mga posibleng sagot

pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan upang masugpo ang suliranin

pag-iwas sa

pagiging mapanghusga sa nasyonalidad ng isang tao

pagiging bukas

sa pagtulong

PAGYAMANIN

C

May kanya-

kanyang sagot

Page 27: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

21

Sanggunian

"BALS: The World According to Map". Learning Resource Management and

Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6458.

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource

Management and Development System, 2014.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Page 28: Araling Panlipunan...Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghahating Heograpikal ng Asya. Ang kamay ay madalas gamiting

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]