21
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili 9 1st GENERATION MODULES - VERSION 2.0 __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

  • Upload
    others

  • View
    39

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6:

Mga Karapatan at Tungkulin Bilang

Isang Mamimili

9

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 2: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan –Modyul 6: Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon Lahug Cebu City

Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401

E-mail Address: [email protected]

Editor Development Team of the Module

Manunulat : Violeta S. Rosacena

Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)

Tagapamahala

Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales

Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao

: Ester A. Futalan

: Cartesa M. Perico

CID Chief : Mary Ann P. Flores

EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas

EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio

1st

GENERATION MODULES - V

ERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 3: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

9

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6:

Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 4: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa

pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayan habang

isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa

pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung

paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul ukol sa Modyul para sa araling Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 5: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

iii

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na

ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung

nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 6: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

iv

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay

at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa

huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit

ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 7: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

v

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat

ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-

aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa

bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 8: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

1

Alamin

Gumagawa ang tao ng matalinong desisyon sa buhay araw-araw lalong-lalo na sa

kasalukuyan kung saan ang mundo ay nahaharap sa iba’t ibang pagsubok. Kailangang

patuloy na magpakatatag ang tao at isiping ang mga pagsubok na ito ay hindi hadlang upang makamit ang anomang bagay na makatutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng

tao. Kailangang matugunan ang mga pangunahing pangangailangang ito upang patuloy na mabuhay sa araw-araw.

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagsusuri sa mga karapatan at tungkulin ng isang mamimili.

2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtatanggol sa mga karapatan at tungkulin ng isang

mamimili.

3. Napahahalagahan ang kontribusyon ng isang mamimili tungo sa pag-unlad ng bansa.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa isang tao, pangkat ng tao o institusyon na nagsasagawa ng direktang pagkonsumo.

A. manggagawa B. mamimili C. negosyante D. prodyuser

2. Ang batas na nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.

A. R.A. 7395 B. R.A 7394 C. R.A. 7494 D. R.A 7493

3. Sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa binibigyang pansin?

A. Karapatan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan.

B. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili.

C. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawain na may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.

D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para sa mga

mamimili.

Subukin

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 9: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

2

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga karapatan ng mga mamimili?

A. Karapatan sa kaligtasan

B. Karapatan sa patalastasan

C. Karapatang makiisa sa layunin ng pamahalaan

D.Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

5. Ito ay isa sa mga tungkulin ng mamimili na maging alisto at mausisa sa kung ano ang gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod.

A. Kamalayan sa kapaligiran C. Pagkakaisa

B. Mapanuring kamalayan D. Pagmamalasakit na Panlipunan

6. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng mga mamimili, alin ang hindi kabilang rito?

A. Mapanuring Kamalayan B. Pagkakaisa C. Pagkilos D. Pakikisalamuha

7. Ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng pagkonsumo ng tao sa mga kalakal at paglilingkod sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan.

A. Kamalayan sa kapaligiran C. Pagmamalasakit na Panlipunan

B. Mapanuring Kamalayan D. Pakikiisa

8. Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa hinggil sa paglabag ng batas ng kalakalan at industriya at sa maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.

A. Bureau of Food and Drugs C. Energy Regulatory Commission

B. Department of Trade and Industry D. Securities and Exchange Commission

9. Ang pagsusuri at pagsisiyasat ng isang mamimili sa mga produkto na kaniyang binili ay isang_____________________.

A. Karapatan B. Kasanayan C. Kilusan D. Tungkulin

10. Kailan masasabing isa kang matalinong mamimili?

A. Gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.

B. Segunda mano (second hand) ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili.

C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng mga produktong binili.

D. Bumibili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 10: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

3

Balikan

Panuto: Subuking alalahanin ang mga paksa sa nakaraang modyul. Piliin mula sa kahon ang

tamang salita na angkop sa kasagutan sa mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

demonstration effect makatuwiran mapanuri panic buying hoarding mamimili pagkonsumo presyo

1. Ito ay pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang tugunan ang mga panga-

ngailangan at kagustuhan.

2. Ito ang nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.

3. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang at pagkakagawa ng isang produkto.

4. Bago bumili ng isang produkto, isinaalang -alang muna ng mamimili ang presyo at kalidad

nito.

5.Tawag sa artipisyal na kakulangan bunga ng pagtatago ng mga produkto.

6. Isa sa mga hindi magandang gawi na ipinapakita ng isang mamimili na nagpapalala sa

kakulangan ng mga produkto sa pamilihan.

Tuklasin

Panuto: Basahing mabuti ang artikulo sa ibaba. Bigyang kasagutan ang mga tanong na

ibinigay at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

New buying behaviors in this new normal

Why, what and how consumers buy is changing due to the COVID-19 outbreak. Consumer priorities have become centered on the most basic needs, sending demand for hygiene, cleaning and staples products soaring, while non-essential categories slump. The factors that influence brand decisions are also changing as a "buy local" trend accelerates. Digital commerce has also seen a boost as new consumers migrate online for grocery shopping – a rise that is likely to be sustained post-outbreak. In times like these, our need for the basic necessities of life takes precedence. It comes as no surprise that personal health is the top priority for the consumers we surveyed, followed by the health of friends and family. Food and medical security, financial security and personal safety were other leading priorities. Source:https://www.accenture.com/us-en/insights/consumer-goods-services/coronavirus-consumer-behavior-research

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 11: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

4

Pamprosesong tanong:

1. Batay sa binasang artikulo, ano-anong mga pagbabago sa gawi o ugali ng mga mamimili

lalo na sa panahon ng pandemya?

2. Sang-ayon ka ba sa nailahad na obserbasyon? Oo o Hindi. Pangatuwiran.

Suriin

Batas Na Nangangalaga sa Karapatan ng Mamimili

Sa Pilipinas, binibigyan ng malawak na karapatan ng pamahalaan ang bawat mamimili

upang mapangalagaan ang kapakanan at maipagtanggol ang sarili sa oras ng

pangangailangan. Ito ay nasasalamin ng Republic Act 7394 (Consumer Act of the

Philippines) na pinagtibay noong 1992. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang

dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya.

Ang mga sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito:

a. Pagbibigay proteksiyon sa mga konsyumer laban sa mga panganib na nauukol sa kalusugan at kaligtasan.

b. Pagbibigay ng proteksiyon sa mga konsyumer laban sa mga mapanlinlang at hindi patas na mga pamamaraan at gawain.

c. Pagbibigay impormasyon at edukasyon upang mapaghusay ang tamang pagpapasya at mapalaganap ang kaalaman ukol sa karapatan ng mga konsyumer.

d. Pagbibigay ng sapat na karapatan at pamamaraan para sa mga hinaing at reklamo ukol sa kalakal o serbisyo.

e. Pakikilahok ng kinatawan ng mga konsyumer sa pagbalangkas ng mga patakarang panlipunan at pangkabuhayan.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 12: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

5

Talahanayan

MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI AYON SA CONSUMER ACT (R.A.7394)

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry o DTI) ay

naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang

transaksyon sa pamilihan.

Karapatan Paliwanag Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

Tinitiyak ang pananatili ng buhay, sapat na pagkain, kasuotan, tirahan, pangangailangang pangkalusugan, at kalinisan.

Karapatan sa kaligtasan Karapatang mabatid ang mga panganib sa sarili at kalusugan ng maaaring idulot ng pagkonsumo sa isang produkto tulad ng pagkain, gamot, mga maaaring sumabog o masunog ng produkto, at iba pa.

Karapatan sa impormasyon Pagbatid sa katotohanan sa likod ng mga ibinabahaging impormasyon upang maiwasan ang mga pandaraya at maling kaalaman ukol sa produkto.

Karapatang makapamili Bibigyan ng malayang pagpipilian ang mamimili sa pahintulot ng batas na makapamili, makapaghambing, at matiyak ang kalidad ng produkto at mga kahaliling produkto sa pamilihan na kaniyang tatangkilikin.

Karapatan sa representasyon

Pagpapahayag ng mamimili ng hinaing at interes upang makatulong sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga patakaran ng pamahalaan.

Karapatang magwasto ng pagkakamali

Paghahain ng lehitimong reklamo at paggawad ng sapat na kabayaran sa mamimili para sa produktong depektibo o serbisyong hindi nito napapakinabangan.

Karapatan para sa edukasyong pangmamimili

Maipabatid ang mahalagang kaalaman at kasanayan upang maging mapanuri ang mga mamimili.

Karapatang magkaroon ng isang kaaya-ayang paligid

Pagtitiyak sa kaayusan ng pamumuhay at kaligtasan sa mga panganib sa pang-araw -araw na pamumuhay.

Kinikilala ng batas ang karapatan ng bawat mamimili. Ngunit hindi wastong

ipakahulugan ang naturang pagkilala na walang tungkulin ang isang mamimili. Bagama’t hindi

tinutukoy ng batas, isa sa mga inaasahan nito na maging mulat ang mamimili sa kaniyang

tungkulin. Ang pagtanggap sa tungkulin ng isang mamimili ay siyang nagpapalalim ng pag-

unawa niya sa pagdedesisyon sa buhay.

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

Ang Kagawaran ng Kalalakan at Industriya ay nagpalaganap din ng limang

pananagutan ng mga mamimili. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging alisto at mausisa tungkol sa ano ang

gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ginagamit ng tao.

2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang matiyak ang

makatarungang pakikitungo. Kung mananatili ang tao sa pagwawalang-bahala, patuloy

itong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 13: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

6

3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng

pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na sa pangkat

ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito man ay lokal, pambansa, o pandaigdig na

komunidad.

4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng kapaligiran

bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan ang likas na yaman para

sa kinabukasan at sa mga susunod na henerasyon.

5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas

at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang sariling kapakanan.

CONSUMER PROTECTION AGENCIES

Ang mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ay tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili:

Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng

gamot, pagkain, pabango at make-up.

City/Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)

timbangan at mapanlinlang na pagsukat.

Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas sa kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.

Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum

Gas” (LPG).

Department of Environment and Natural Resources / Environmental

Management Bureau (DENR-EMB) – nangangasiwa sa pangangalaga ng

kalikasan at likas na yaman.

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan / pinagbabawal / maling

etiketa ng pamatay insketo at pamatay-salot.

Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa bumibili ng

bahay at lupa pati na rin ng subdibisyon.

Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro.

Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa

gawaing illegal recruitment.

Professional Regulatory Commission (PRC) – nangangasiwa sa pagsasanay ng mga

propesyonal na bumubuo sa highly skilled manpower ng bansa.

Securities and Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong

Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 14: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

7

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang madalas na hindi

napahahalagahan? Magbigay ng sitwasyon.

2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa

mga mamimili? Ipaliwanag.

3. Bakit mahalagang maging responsable sa pamimili at pagdedesisyon ang isang

mamimili?

4. Paano maipagtanggol ng mamimili ang kaniyang mga karapatan at

magampanan ang kaniyang pananagutan?

Pagyamanin

Gawain 1. May K ka ba?

Panuto: Tukuyin anong karapatan ng isang mamimili ang hininhingi sa

bawat bilang.

1. Anong K ang tumitiyak na mapanatili ang buhay, sapat na pagkain,

kasuotan, tirahan, pangangailangang pangkalusugan at kalinisan?

2. Anong K ang nakatutulong upang mabatid ang katotohanan sa likod

ng mga ibinabahaging impormasyon upang maiwasan ang mga

pandaraya at maling kaalaman ukol sa produkto?

3. Anong K ang nakapagbibigay Kalayaan sa mga mamimili na

makapamili, makagpaghambing, at matiyak sa kalidad ng produkto at

mga kahaliling produkto sa pamilihan?

4. Anong K ang nakapagpahintulot sa mga mamimili na maipahayag ang

kanilang mga hinaing at interes upang makatulong sa pagbabalangkas

at pagpapatupad ng mga patakaran ng pamahalaan?

5. Anong K ang nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na

mabatid ang mahalagang kaalaman at kasanayan upang maging

mapanuri?

Gawain 2. Idea Web Ibigay ang hinihiling sa kahon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Consumer

Protection

Agencies

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 15: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

8

Isaisip

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang mga

kasagutan.

1. Bilang isang mamimili, alin sa iyong mga karapatan ang dapat bigyan ng higit na pansin ng

pamahalaan? Ipaliwanag.

2. Bilang isang konsyumer, dapat bang makialam ka sa kalidad ng produkto na inyong binili?

Paano mo ito isasagawa? Magbigay ng isang halimbawa.

Gawain 3. Puno ng Kaalaman Isulat sa loob ng kahon ang iba’t ibang pananagutan ng mamimili.

Limang

Pananagutan ng

Mga Mamimili

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 16: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

9

PUNAN AKO!

Kung ikaw ay nahaharap sa sitwasyong kailangan mong ipagtanggol ang iyong

karapatan bilang mamimili, ano ang gagawin mo? Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Sagot:______________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

_______________________________________________________.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang

papel.

1. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan

at industriya at sa maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng

mga mangangalakal.

A. Bureau of Food and Drugs

B. Dept. of Trade and Industry

C. Energy Regulatory Commission

D. Securities and Exchange Commission

2. Ang pagsusuri at pagsisiyasat ng isang mamimili sa mga produkto na kaniyang binili ay

isang_____________.

A. karapatan B. kasanayan C. kilusan D. tungkulin

3. Kailan masasabing isa kang matalinong mamimili?

A. Gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.

B. Segunda mano (second hand) ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili.

C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng produktong binili.

D. Bumibili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.

Isagawa

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 17: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

10

4. Sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang

na binibigyang-pansin?

A. Karapatan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at

kaligtasan.

B. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili.

C. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawain na may kaugnayan

sa operasyon ng mga negosyo at industriya.

D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para sa mga

mamimili.

5. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaring maitataguyod sa pamamagitan

ng___________.

A. Palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.

B. Pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.

C. Pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.

D. Palaging pagpunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na wasto ang timbang ng

biniling produkto.

6. Kung ikaw ay nakabili ng depektibong butane sa anong kinauukulang ahensiya ka dapat

dumulog?

A. Energy Regulatory Commission

B. Environment Management Bureau

C. Insurance Commission

D. Securities and Exchange Commission

7. Ang pangangalaga sa mga likas na yaman ay isang ____________ ng mamimili.

A. karapatan B. karunungan C. pribelihiyo D. tungkulin

8. Ang mabigyan ng katiyakan na ligtas at mapangangalagaan ang mamimili laban sa

pangangalakal ng mga panindang mapanganib sa kalusugan ay isang_______________.

A. karapatan B. insintibo C. pribelihiyo D. tungkulin

9. Alin ang hindi kabilang sa iyong tungkulin bilang mamimili?

A. mapanuring kamalayan B. pakikibaka C. pagkakaisa D. pagkilos

10. Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa hinggil sa reklamo sa gawaing illegal

recruitment.

A. Bureau of Food and Drugs

B. Department of Trade and Industry

C. Philippine Overseas Employment Administration

D. Professional Regulatory Commission

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 18: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

11

Karagdagang Gawain

POSTER MAKING O ISLOGAN

Panuto: Gumawa ng isang poster o islogan na nagpapahayag ng pangangalaga sa

karapatan ng mga mamimili. Maaaring gumamit ng long bondpaper sa gawain at

gamitin ang pamantayan ng pagmamarka bilang gabay.

Pamantayan sa Pagmamarka (Islogan /Poster) Porseyento

Kaugnayan sa Paksa 30%

Pagkamalikhain 30%

Pagkaorihinal 30%

Pangkalahatang Anyo 10%

Kabuuan 100%

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 19: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

12

SUBUKIN

1. B

2. B

3. C

4. C

5. B

6. D

7. C

8. B

9. D

10. C

BALIKAN

1. pagkonsumo

2. presyo

3. mapanuri

4. makatuwiran

5. hoarding

6. panic buying

PAGYAMANIN

1. Karapatan sa

pangunahing

pangangailangan

2. Karapatan sa

impormasyon

3. Karapatang makapamili

4. Karapatan sa

representasyon

5. Karapatan sa

edukasyong

pangmamimili

(consumer education)

TAYAHIN

1. B

2. D

3. C

4. D

5. B

6. A

7. D

8. A

9. B

10. C

Susi sa Pagwasto

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 20: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

13

Sanggunian

Source:https://www.accenture.com/us-en/insights/consumer-goods-services/coronavirus-

consumer-behavior-research

https://link.quipper.com/en/organizations/547ffad6d2b76d0002002282/curriculum#curriculum

Balitao,B.,Garcia,E., at Marcos L.2006Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education (DepEd)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Balitao,B.,Garcia,E.,Cervantes M.Dr,et al 2012 Araling Panlipunan Serye IV.Ekonomiks

:Mga Konsepto at Aplikasyon. Department of Education

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 21: Araling Panlipunan 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q1...D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para

14

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]