48
Ang Pagpokus sa Supply ARALIN 12

ARALIN 12 - Ang Pagpokus Sa Supply

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang pagpokus sa Supply

Citation preview

PowerPoint Presentation

Ang Pagpokus sa Supply

ARALIN 12

Pangunahing Pang-unawaAng pagbabago ng supply ay nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng tao at ekonomiya.

Mahahalagang Terminolohiya1. Supply2.Supply Function3.Supply Schedule4.Supply Curve 5.Batas ng Supply6.Subsidy

Dipinisyon ng Supply

Ang gawi at kilos ng mga prodyuser ang pinag-aaralan sa bahaging ito. Sila ang tinatawag na supplier. Ang pagnanais at kakayahan ng mga supplier aang batayan ng pagtatakda ng supply sa pamiihan. Kailangan sabay na umiiral ang mga katangiang ito upang masabi na may supply sa pamilihan

Supply

Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa ibat ibang lebel ng presyo sa loob ng isang takdang panahon.

Tulad ng demand, ang supply ay naapekthan din ang presyo. Ang presyo ang pangunahing salik na nakaiimpluwensya sa dami ng ipagbibiling produkto o serbiyo, habang ang salik ay hindi nagbabago. Ang ugnayan ng presyo at supply ay mailalarwan sa ibat ibang paraan.

Supply Function

Sa pamamagitan ng mathematical equation ay mailalarawan ang supply function. Ito ay ginagamitan ng dalawang variable,

1. Qs bilang dependent variable2. P bilang independent variable. Quantity Supplied (Qs)

Naapektuhan ng anumang pagbabago ng P (Presyo).

Ipagpalagay ng ang mathematical equation ay,

Qs = -300 + 60P

Ang -300 ang imposibling dami ng produkto ng bolpen na ipagbibili kung ang presyo ay limang piso (Php 5.00)

Anuman ang pagbabago nsa Qs ay nauugnay sa value na 60P.

Ang negative sign sa supplyfunction at nagpapahiwatig ng pag-ayaw ng prodyuser na magsupply ng produkto sa halagang Php 5.00, samantalang ang positive sign ay nagpapakita ng relasyon ng presyo at supply.

Sa puntong ito, ang presyo lamang ang salik na nakaaapek sa supply. Kapag ginamit ang mathematical equation sa presyong Php 5.00, ang QS ay 0 (zero).

Kapag nagging Php 7.00 ang presyo, ang Qs ay 120piraso ng bolpen.

Mapapansin na habang ang presyo ay tumataas, ang prodyuser ay nagagnyak na magdagdag ng supply. Para makuha ang Qs, ihalilinang naumang pagbabago ng presyo sa P ng supply function.

Ang ganitong sitwasyon ay umiiral sa isang takdang panahon na tanging ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa supply. Habang tumataas ang presyo ay tumataas din ang Qs, kaya ang P at Q ay may direktang relasyon.

Halimbawa, sa Qs = -300 + 60 P na equation:Qs = -300 + 60(5)Qs = -300 + 300Qs = 0

Kung ang presyo ay maging Php 7.00, ans Qs ay magiging 120. Ihalili ang presyo sa P ng equation:Qs = -300 + 60(7)Qs = -300 + 420Qs = 120

Supply Schedule

Mula sa paggamit ng supply function na inilahad, makabubuo ng isang talaan na naglalarwan sa dalawang variable.

Ang supply schedule ay isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon.

Supply SchedulePuntoQsPresyoA05B1207C30010D42012E60015F78018G90020 Kapansin-pansin sa talahanayan na ang mataas na presyo ang pagganyak sa mga prodyuser na mag-supply ng marami habang ipinalalagay na walag ibang salik na nagbabago (ceteries paribus).Kung nais na makuha ng P kung ang Qs ang ibinigay, gamitin ang paraan na ito. Ibawas ang unang Qs sa susunod na Qs, at i-devide and difference sa 60P ng supply function. Idagdag ang halaga ng suma total na sa unang presyong ibinigay. Isang halimbawa ay:

Idagdag nag 2P sa unang presyo na nasa Php 5.00 kaya ang susunod na presyo ay Php 7.00 (Php 5.00 + Php 2.00). isa panghalimbawa:

Kaya Php 10.00 ang presyo sa Qs na 300. Kahit ano ang ibinigay na datos , presyo o Qs man makabubuo ng supply schedule na tulong ng Supply function

Supply Curve

Kapag ang mga datos sa supply schedule ay inilahad sa isang graph, mabubuo ang supply curve. Ito ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng presyo at dami ng handing ipagbiling produkto ng mga prodyuserat nagbebenta. Tulad ng demand curve, may dalawang aksis ang graph, ang pataas at pahalang na aksis. Ang presyo ay nasa pataas na aksis at Qs sa pahalang na aksis.

Makikita sa supply curve na sa presyong Php 5.00ay hindi handang magbenta ang tinder ng produkto ng bolpen. Ngunit kapag ang presyo ng bolpen ay tumaas sa halagang Php 7.00, ang tindera ay handang magbenta ng 120 piraso nito.

Kung ang presyo ay magiging Php 20.00, ang handang ipagbili ay 900 na piraso ng bolpen habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ang Qs ay tumataas ng presyo na naglalarawan ng tuwirang relasyon ng dalawa. Ang supply curve ay nasa anyong upward sloping.Market Supply

Kapag pinagsama ang supply ng mga prodyuser sa pamilihan ay makukuha ang market supply. Halimbawa, ipagpalagay na mayroong tatlong prodyuser ng produktong bolpen sa pamilihan.

Makikita sa talahanayan ang indibidwal na supply ng bawat prodyuser at ang market supply. Mapapansin na kahit sa pag-alam ng market supply ay makikita ang tuwirang relasyon ng Qs at presyo.

Market Supply

Batas ng Supply

Ang bats ng supply na abang ng presyong produkto ay tumataas, marami ang handang ipagbili ng mga prodyuser. Ngunit kapag ang presyo ang bumababa, kakaunting produkto ang handang ipagbili ng mga prodyuser, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Sa nasabin batas, ang presyo lamang ang makaaapekto sa supply.

Batas ng Supply

Ang Mga Salik Na Nakaaapekto Sa Supply Hindi lamang presyo ang nakakapagpapabago sa supply, may ibat ibang salik ang nakaaapekto sa supply na maaaring magbunga ng pagtaas at pagbaba nito, kahit hindi nagbabago ang presyo.Subsidy

Ang subsidy ay tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa maliit na negosyante at mga magsasaka upang paramihin ang kanilang produksiyon at pataasin ang supply ng mga produkto. Panahon/KlimaAng supply ng produkto ay naaayon sa kalagayan ng panahon sa isang lugar, lalo na sa mga produktong agrikultural.Kapag ang klima o panahon ay naaangkop sa pangangailangan ng mga prodyuser, tulad ng mga magsasaka, ang pag-ulan ay nakatutulong sa mga pananim na magbibigay daan sa pagkakaroon ng masaganang ani. TeknolohiyaIto ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong kaalaman at kagamitan sa paglikha ng mga produkto.

Nagiging mabilis ang paglikha ng mga produkto sanhi ng mga makabagong makinarya at pamamaraan. Ito ay kailangan ng mga prodyuser upang mapabuti nila ang ipoprodyus na mga produkto.

Ang mga magsasakang gumagamit ng mataas na uri ng binhi at may sapat na irigasyon ay nakaaani ng maraming produktong agrikultural.Ekspektasyon Dahil sa inaasahan na pagtaas ng presyo sa darating na araw bunga ng mga pangyayari sa kapaligiran kagaya ng kaguluhang pampulitika,digmaan, at kalamidad, ang mga prodyuser ay nagbabawas ng supply ng produkto na nagiging dahilan ng pagbaba ng supply. Sa mga panahong ito isinasagawa ng mga prodyuser ang hoarding.

Ang hoarding ay ang pagtatago ng mga produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo.

Sa sandaling tumaas ang presyo ay biglang sasagana ang supply ng produkto.Dami ng Nagtitinda Ang dami ng tindera ng isang produkto ay dahilan ng pagdami ng supply ng nasabing produkto.

Halimbawa, kapag dumarami ang nagtitinda ng lansones, kahit walang pagbabago sa presyo, ang supply ay dumarami.Gastusin May ibat ibang gastusin ang nakapaloob sa paglikha ng mga produkto.

Isa na rito ang buwis o ang kontribusyon na ipinapataw ng pamahalaan sa mga tao at kumpanya. Kapag tumaas ang sisingiling buwis, ito ay karagdagang gastos para sa mga negosyante. Kapag mataas ang gastusin ng negosyante ay binabawasan ang ang dami ng lilikhaing produkto na nagbubunga ng pagbaba ng supply nito.Kapag maliit ang gastusin sa produksiyon ay dumarami ang supply ng mga produkto.Presyo ng Ibang Produkto Kapag ang presyo ng produkto ay tumaas, ang mga supplier ay nagaganyak na magbenta ng nasabing produkto.

Halimbawa ng ponkan, kapag mataas ang presyo nito ay dumarami ang supply nito.

Kapag ang presyo ng pamalit o alternatibong produkto ay tumaas, magbubunga ito ng pagbaba ng supply ng ponkan at pagtaas ng supply ng pamalit na produkto.

Kaya masasabi na ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay nakapagpababa ng supply ng pamalit na produkto at vice versa.

SubsidyPanahon/KlimaTeknolohiyaEkspektasyonDami ng magtitindaGastusinPresyo ng ibang ProduktoMga Salik ng Supply

Grapikong paglalarawan ng Pagbabago ng SupplyPagtulay sa Kurba ng Supply (Movement along the Supply Curve) Ang presyo ang pangunahing salik na nakaaapekto sa supply.

Ang pagtaas ng presyo nagbubunga ng pagtaas o pagdami ng supply,

Ang sabay na pagtaas ng supply at presyo ay makikita sa isang graph na tinatawag na pagglaw sa isang kurba (movement along the curve).Pagbabago ng Kurba ng Supply (Shift of the Supply Curve) Hindi lamang presyo ang nakaaapekto sa supply, may mga salik pa na nagiging dahilan ng pagbabago ng supply kahit ang presyo ay hindi nagbabago. Ang pagbabago ng supply ay makikita sa pamamagitan ng paglipat ng kurba nito sa kanan o sa kaliwa na nagpapakita ng pagtaas o pagbaba ng supply. Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng supply mula sa kaliwa patungong kanan.

Ipinalalagay na sa presyong 30.00, ang prodyuser ay magbebenta o magtitinda ng 100 kilo ng asukal, ngunit ang supply ay tataas kahit ang presyo ay hindi nagbabago bunga ng sumusunod na salik: paggamit ng teknolohiya, dami ng nagtitinda, pagkakaloob ng subsidy, pagbaba ng gastusin sa produksiyon, espekulasyon ng prodyuser sa pagbaba ng presyo,kapag napapanahon ang produkto, at pagbaba ng presyo ng pamalit o alternatibong produkto. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tumataas o dumarami ang supply. Nararanasan din ang pagbaba ng supply ng produkto bunga ng mga salik na nakaaapekto dito tulad ng: makaluma ng pamamaraan sa produksiyon, pagliit ng bilang ng nagtitinda, pamiminsala ng El Nio, pagkakaroon ng mataas na presyo ngpamalit na produkto, malaking gastos sa produksiyon, kawalan ng tulong ng pamahalaan, at espekulasyon sa pagtaas ng presyo. Ang pagbaba ng supply ay ipinakikita ng paglipat ng kurba mula sa kanan patungong kaliwa bunga ng mga nasabing salik.

Ipinakikita ng graph sa ibaba ang nasabing paglipat ng kurba ng supply. Ipinapalagay na sa presyong 30.00 ang prodyuser ay magbebenta ng 140 kilo ng asukal, ngunit bunga ng mga nabanggit na salik, angsupply aynaging 100 kilo na lamang, kahit hindi nagbabago ang presyo.

Elastisidad ng Supply Ipinakikita ng graph sa ibaba ang kurba ng elastik na supply kung saan mas malaki ang pagbabago ng supply sa bawat porsiyento ng pagbabago ng presyo.

Ito ay nagagawa ng mga prodyuser kapag mahalagang mahalaga ang produktong ipagbibili. Kahit tumaas ang presyo, siguradong ito ay bibilhin ng tao tuladng bigas, asukal, gas, langis, at iba pa. Ang di-elastik na elastisidad ng supply na inilalarawan ng graph sa ibaba ay nagpapakita ng mas malaki ang pagbabago ng presyo kaysa sa pagbabago ng supply.

Kapag tumaas ang presyo, hindi gaanong makapagtataas ng supply ang mga prodyuser sa mga produktong maraming pamalit at hindi gaanong kailangan. Ang graph sa kanan ay nagpapakita ng magkaparehong pagbabago ng supply at presyo.

Kapag ang presyo ay tumaas na 1%, ang supply ay magtataas din ng 1%.

Ito ay nangyayari kapag ang produkto ay minsan o bihirang ipagbili ng tindera.Kompyutasyon ng Elastisidad ng SupplyAng pormula alintuntunin, at proseso sa pagkompyut ng elastisidad ay iisa, maging ito ay demand o supply.

Salamat sa Pakikinig

Ibinahagi nina:Marymae G. MontanoBenedict J.VillarealIV- PRUDENCE