23
UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: PANGALAN Konsepto: Ang Aking Sarili Ang aking Pangalan Aralin I.A.1a A. Pag-isipan Ano ano ang alam ninyo tungkol sa inyong sarili? Makikilala ba kayo kapag wala kayong pangalan? Alam ba ninyo ang inyong pangalan? B. Gawain 1 Ituro ang awit sa klase. Awit ito ng lahatan pagkatapos ay pangkatan. Tumawag lamang ng ilang bata upang gamitin ang kanilang pangalan. Itanong: Anong impormasyon ang inyong ibinigay matapos kayong umawit? Gawain 2 Isa-isahing tawagin ang bata upang magpakilala sa unahan. Gabayan ang mga bata sa pagsasabi ng kanilang pangalan. Itanong: Bakit kailangang alam mo ang iyong pangalan? (Kung may oras pa isagawa ang GAWAIN 3 na nasa TG p. 6 at LM p.6) C. Tandaan: Mahalagang malaman mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan. Ako ay may pangalan, pangalang maganda Ito’y bigay sa akin ng aking ama’t ina. Nene, Nene ang tawag sa bahay, Anelyn, Anelyn ako sa eskwela.

Ap g1 lp q1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ap g1 lp q1

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: PANGALAN

Konsepto: Ang Aking SariliAng aking PangalanAralin I.A.1a

A. Pag-isipanAno ano ang alam ninyo tungkol sa inyong sarili?Makikilala ba kayo kapag wala kayong pangalan?Alam ba ninyo ang inyong pangalan?

B. Gawain 1Ituro ang awit sa klase.Awit ito ng lahatan pagkatapos ay pangkatan.Tumawag lamang ng ilang bata upang gamitin ang kanilang

pangalan.

Itanong: Anong impormasyon ang inyong ibinigay matapos kayong umawit? Gawain 2

Isa-isahing tawagin ang bata upang magpakilala sa unahan.Gabayan ang mga bata sa pagsasabi ng kanilang pangalan.

Itanong: Bakit kailangang alam mo ang iyong pangalan?

(Kung may oras pa isagawa ang GAWAIN 3 na nasa TG p. 6 at LM p.6)C. Tandaan:

Mahalagang malaman mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan.

Magagamit mo ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kaklase, at kalaro.

Inihanda ni:

ROSANNA A. CAYABYAB

Bansud District

UNANG MARKAHAN

Ako ay may pangalan, pangalang magandaIto’y bigay sa akin ng aking ama’t ina.Nene, Nene ang tawag sa bahay,Anelyn, Anelyn ako sa eskwela.

Page 2: Ap g1 lp q1

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan ILayunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: Kaarawan Konsepto: Ang Aking Sarili

Ang Aking KaarawanAralin I.A.1b

A.Pag-isipanTingnan ang larawan, ano sa palagay nyo ang isinasaad ng larawan? Sino sa inyo ang nakadalo na sa isang pagdiriwang na katulad nito? Nakaranas na ba kayong magdiwang ng kaarawan? Ano ang inyong naramdaman?

B.Gawain 1Laro: Paglaruin ang mga mag-aaral. Sabihin ang mga panuto bago simulan ang laro.

Magpapangkat – pangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sa buwan ng inyong kaarawan. Pipili ang guro ng lider sa bawat buwan. Bibigyan ng guro ang bawat lider ng lobo na may nakasulat na ngalan ng buwan.Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral?

Page 3: Ap g1 lp q1

a. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong kamag-aral habang naglalaro?

b. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyon kaarawan?

c. Bakit kailangang alam mo ang iyong kaarawan?Gawain 2

Awit: Paghahandog ng awit sa mga batang may kaarawan sa kasalukuyang buwan. ( Awit: “ Happy Birthday”)

Tandaan: Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong kaarawan.Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.

Inihanda ni :Bb. Modgieline M. Co

San Teodoro District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: Edad Konsepto: Ang Aking Sarili

Page 4: Ap g1 lp q1

Ang Aking EdadAralin I.A.1c

A.Pag-isipanTingnan ang larawan. Ano ang masasabi nyo sa dalawang bata na nasa larawan? Ano ang masasabi nyo sa bihis ng batang babae? Bakit kaya maganda ang bihis niya? Ilang taon na kaya siya?

Gawain 1Laro: Pasahan ng bola sa saliw ng tugtugin.

Gagawa ang mga bata ng isang malaking bilog. Ibibigay ng guro

ang bola sa isang bata, pagtigil ng tugtog, sasabihin ng batang may hawak ng bola ang kanyang edad.

Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral?

d. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong kamag-aral habang naglalaro?

e. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyon edad?

f. Bakit kailangang alam mo ang iyong edad?Gawain 2

Pagguhit

Page 5: Ap g1 lp q1

Gumuhit ng isang malaking keyk. Sa ibabaw nito, gumuhit ng mga kandila na nagpapakita ng iyong edad. Lagyan ng paborito mong kulay ang larawan.

Tandaan: Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong edad.Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.

Inihanda ni :Gng. Olivia D. Carolino

San Teodoro District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon sa sarili:Pangalan ng mga magulang.

Konsepto: Ang Aking SariliPangalan ng aking mga MagulangAralin I.A.1d

Pag-isipan : Ano ang tawag mo sa iyong tatay at nanay?Alam mo ang tunay nilang pangalan? Ngayon ipapakilala nyo

Page 6: Ap g1 lp q1

ang inyong mga magulang.

Gawain 1.

Idikit ang inyong dalang larawan ng inyong mga magulang sa puppet stick.Pipili an glider ng bawat pangkat na magpakilala ng kanyang mga magulang.

Gawain 2.

Pag aralan ang sitwasyon. Namamasyal kayong mag- Anak sa parke.Naaliw ka sa paglalaro sa slide at napa- hiwalay ka iyong mga magulang. Nagtanong ka sa

Page 7: Ap g1 lp q1

gwardya para ipaalam sa mga magulang mo na nawawala ka. Ano ang sasabihin mo? Tandaan

Mahalagang malaman mo ang tunay na pangalan ng iyong mga magulang.

Inihanda ni:

ANGELINA M. CEREZO Socorro District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: Tirahan Konsepto: Ang Aking Sarili

Ang Aking TirahanAralin I.A.1e

A.Pag-isipanMayroon akong mga pira-pirasong bahagi ng larawan. Buuin ang mga pira-pirasong bahagi ng larawan. Ano ang inyong nabuo? Lahat ba kayo ay may bahay? Saan matatagpuan ang inyong bahay?

Page 8: Ap g1 lp q1

Alam nyo ba kung saan naroroon ang inyong tirahan? Gawain 1PagsasadulaPangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo at hikayating makiisa ang lahat sa pagsasadula ng ibibigay na sitwasyon ng guro.

Matapos ang dula-dulaan, itanong ang sumusunod: Naranasan nyo na ba ang ganitong sitwasyon na kayo ay

napahiwalay sa inyong mga magulang habang kayo ay namamasyal?

Ano ang inyong naramdaman? Ano ang inyong ginawa?

Gawain 2Iguhit Mo Sa loob ng kahon, iguhit ang larawan ng iyong tirahan. Isulat sa ilalim nito ang pangalan ng lugar kung saan kayo nakatira.

SitwasyonIsang araw ng Linggo, ang inyong mag-anak

ay namasyal sa parke. Sa di inaasahan, bigla kang napahiwalay sa kanila dahil nalibang ka sa panonood sa mga makukulay na bulaklak. Nakita ka ng isang pulis at nagmagandang –loob na ikaw ay ihatid sa inyong bahay, kung kaya’t ikaw ay tinanong niya kung saan ka nakatira.

Page 9: Ap g1 lp q1

Tandaan:

Inihanda ni :OLIVIA D. CAROLINO

San Teodoro District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: Paaralan Konsepto: Ang Aking Sarili Ang aking paaralan Aralin I.A.1f

A. Pag-isipanUpang dagdagan ang mga kaalaman sa lahat ng bagay, saan kaya maaaring pumunta ang lahat ng mga bata upang matuto?Alam ba ninyo ang pangalan n gating paaralan

B. Gawain 1- Field TripHikayatin ang mga bata na lumabas ng silid-aralan upang pagmasdan ang lugar kung saan nakapuwesto ang paaralan.

Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong tirahan.Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.

Page 10: Ap g1 lp q1

Alamin natin ang pangalan ng ating paaralan.

Ituro kung saan nakasulat ang ngalan ng paaralan at ipabigkas ito ng tatlong beses sa mga bata.

Gawain 2-Pagkilala ng PaaralanPiliin ang larawan ng isang paaralan. Idikit ang pangalan ng

paaralan sa larawan.

C. Tandaan

Sa paaralan, napapaunlad ang kaalaman ng bawat mag-aaral. Dito hinuhubog ang pagkatao ng isang bata gayundin po angwastong asal at pag-uugali. Dito nabubuo ang mga pangarap ng bawat tao.

Inihanda ni:AILEEN MARQUINA-

CLAUDMaster Teacher IBongabong South

District

Page 11: Ap g1 lp q1

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, kaarawan, edad, magulang, tirahan, paaralan Konsepto: Ang Aking Sarili

Aralin I.A.1g

Pag-isipanAno-ano ang mga nalalaman mo tungkol sa iyong sarili?

Gawain 1

Manghuli Tayo ng IsdaSa isang malaking aquarium, ay may mga isdang naglalaman ng ngalan ng bawat mag-aaral. Sa unang bahagi ng laro, ang guro ay manghuhuli ng isda, ang pangalan na kanyang nahuli ang syang unang magpapakilala ng kanyang sarili. Ang batang unang nagpakilala ang sya naming manghuhuli ng isda para sa susunod na magpapakilala ng kanyang sarili hanggang sa lahat ng bata ay makapagpakilala.

Page 12: Ap g1 lp q1

Gawain 2

Spin a WheelAng bawat bata ay bibigyan ng guro ng colored cartolina strips na may nakasulat na bilang. Paiikutin ng guro ang wheel na may nakasulat na mga bilang. Kung sino man ang may hawak ng strip na may nakasulat na bilang na natapatan ng arrow ay syang pupunta sa unahan upang ipakilala ang sarili.

Tandaan: Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad, magulang, tirahan, at paaralan.Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.

Inihanda ni :Bb. Modgieline M. Co

San Teodoro District

Page 13: Ap g1 lp q1

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nailalarawan ang pisikal na katangian sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing pamamaraanKonsepto: Ako ay Katangi-tangi Aralin I.A.2

A.Pag-isipanBakit kaya ang bawat isa sa inyo ay may iba-ibang mukha? Mayroon ba sa inyo ang magkakapareho ang itsura?

B.Gawain 3- PagmomodeloTumawag ng 3 hanggang 4 na bata sa unahan ng klase. Ipalarawan ang bawat isa ayon sa katangiang pisikal ng mga ito.

Page 14: Ap g1 lp q1

Lito Marisa Lina Ben

Ipaliwanag ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng katangiang pisikal ng bawat Pilipino depende sa laki ng katawan, kulay ng balat, hugis ng mukha at taas o sukat ng isang nilalang. Ipaliwanag na ang itsura ng kanilang sarili ay nakukuha mula sa kani-kanilang magulang o ninuno.

Gawain 4- PalalarawanTingnan ang larawan. Magbigay ng pagkakaiba o pagkakapareho ng mga bata sa larawan.

Itatala ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral sa pisara.

C.Tandaan

Page 15: Ap g1 lp q1

Bawat tao ay nagkakaiba-iba ang katangiang pisikal tulad ng laki ng isang katawan, kulay ng balat, hugis ng mukha at taas o sukat ng katawan. Bagaman may pagkakahawig o pagkakapareho kung minsan,Hindi pa rin maaaring mangyari na ang dalawa o higit pang tao ay magkatulad na magkatulad sa lahat ng bagay dahil taglay ng bawat isa ang kanyang natatanging katangiang pisikal.

Inihanda ni:AILEEN MARQUINA-

CLAUDMaster Teacher IBongabong South

District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng: paboritong kapatid at pinsan.Konsepto: Ang Aking Sarili

Paglalarawan ng paboritong kapatid at pinsanAralin I.A.5a

A. Pag-isipanSino sa inyo ang maraming kapatid?pinsan?Mayroon ba sa kanila na tinuturing ninyong paborito o pinakagusto ninyong kasama ?Bakit kaya naging paborito ninyo sila?

B. Gawain 1- Paglalarawan ng Paboritong kapatidIlarawan ang inyong paboritong kapatid (maaaring kuya o ate)

Larawan ng kuya Larawan ng ate

Page 16: Ap g1 lp q1

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagsasabi tungkol sa iyong paboritong kapatid at ekis kung hindi.

1. Mabait ang paborito kong kapatid.

2. Maganda ang paborito kong ate.

3. Masipag ang paborito kong kuya.

4. Kulot ang paborito kong kuya

5. Mapagmahal si ate/ kuya.

Gawain 2-Paglalarawan ng Paboritong pinsanPanuto: Iguhit ang masayang mukha kung tinutukoy nito ang paborito mong pinsan at malungkot na mukha kung hindi.

______1. Mahaba ang buhok.______2. Bungi ang ngipin______3. Mapagbigay sa lahat ng pagkakataon______4.Palaaway______5.Masayahin o palatawa

C. TandaanBawat isa sa atin ay may pinakagusto o pinakapaboritong bagay. Maaring ito ay pagkain o laruan. Pero may paborito rin tayong tao at ito ay maaaring kapatid o pinsan. Sila ang maituturing na malapit sa ating puso.Sa kanila natin nakikita ang katangian na gustong-gusto natin. Sa kanila rin natin nararamdaman ang pagmamahal at kalinga na hinahanap-hanap natin na nagbibigay halaga sa ating pagkatao.

Larawan ng kuya Larawan ng ate

Page 17: Ap g1 lp q1

Inihanda ni:AILEEN MARQUINA-

CLAUDMaster Teacher IBongabong South

District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng pagkain sa malikhaing pamamaraan.

Konsepto: Pagkilala sa SariliPaboritong PagkainAralin I.A.5b

A. Pag-isipanKumakain ba kayo bago kayo pumasok sa paaralan?May mga paborito ba kayong pagkain?Ano ano ang mga ito?

B. Gawain 1Pangkatin ang mga bata sa 4.Bigyan ng puzzle ang bawat grupo.Ipabuo ang puzzle.

(larawan ng mga prutas)

Itanong:

Page 18: Ap g1 lp q1

Ano ang nabuo ninyo?Gusto ba ninyo ang mga ito?Ano ba ang naibibigay nito sa atin?

Gawain 2 ( Tingnan sa TG pahina 29-32)

Gawain 3 (Tingnan TG pp. 22-23 at LM pp.23-24)

C. TandaanAng bawat bata ay may kani-kaniyang paboritong pagkain.Ito ang nagpapakilala na ang bawat bata ay natatangi

D. kasunduan:Magdala bukas ng mga lumang magazine o lumang catalog

/brochure na makukulay, gunting at pandikit. Inihanda ni:

Inihanda ni:ROSANNA A.

CAYABYABBansud District

UNANG MARKAHANBanghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Layunin: Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng: damit, laruan at kulay sa malikhaing pamamaraan.

Konsepto: Pagkilala sa SariliPaboritong Damit, Laruan at KulayAralin I.A.5c

A. Pag-isipanAno anong mga damit at laruan ang paborito ninyo?May paborito ba kayong kulay? Ano ito?

B. Gawain 1Mula sa mga lumang magazine, catalog/brochure na ipinadala

gumupit ng larawan ng mga damit at laruan na may paborito ninyong kulay. Gamit ang ginupit na larawan, idikit ang mga ito sa malinis na papel. Huwag kalimutang ilagay ang iyong pangalan at ang pamagat na “Ito ang Gusto Ko.”

Sabihin na ang kanilang ginawa ay isang halimbawa ng collage. Ipaliwanag ang konseptong ito.

Page 19: Ap g1 lp q1

Ang collage (ko-láds) ay pinagsama-samang larawan na nagpapakita ng isang malaking ideya.

Hikayatin ang bawat mag-aaral na ibahagi sa klase ang natapos nilang collage.

Gawain 2 a. Kumuha ng isang malinis na papel. b. Itupi ang papel. Sa kanang bahagi iguhit ang paboritong damit at sa kaliwang bahagi naman iguhit ang paboritong laruan. c. Kulayan ito gamit ang paborito o pinakagustong kulay.

d. Ilagay ginawa sa paskilan.C. Tandaan:

Ang bawat bata ay may kani-kaniyang paborito o pinakagustong damit, laruan at kulay.

Ito ang nagpapakilala na ang bawat bata ay natatangi.

(Mga idinikit Larawan)

Page 20: Ap g1 lp q1

Inihanda ni:

ROSANNA A. CAYABYAB

Bansud District