8
KULTURA ABRIL-MAYO 2016 President-Elect Rodrigo Duterte kasama si Leoncio “Ka Parago” Pitao, ang yumaong pulang kumander ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao. Photo Credits: Karlos Manlupig. Paigtingin ang pakikibaka laban sa K-12 at neoliberal na atake sa edukasyong Pilipino! Kampanya ng manggagawa para sa National Minimum Wage: Tugon sa neoliberal na atake sa kilusang paggawa #BigasHindiBala: Panagutin ang rehimeng Aquino para sa masaker sa Kidapawan Halalan 2016: Marumi, marahas, madaya Tagumpay ng mga pulang partido sa Unibersidad ng Pilipinas 3 4 5 7 8 \\ Ituloy sa p2 Ang pagkapanalo ni Duterte sa nagdaang halalan ay malinaw na pagwaksi sa bulok na “daang matuwid” ng rehimeng US-Aquino. Sa kabila ng pagkakaroon ng makinarya, salapi at kapangyarihan, nadaig nito ang kandidato ng naghaharing rehimen na si Mar Roxas. Nakuha ni Duterte ang suporta ng mamamayan sa mariin nitong pag-atake sa pagkatuta, kurupsyon, panlilinlang at pambubusabos ng rehimeng Aquino at sa pagtatanghal sa sarili bilang kabaliktaran ng paghahari ng haciendero sa bansa. Ano ang hinaharap ng bayan sa pagkapanalo ni Duterte bilang pangulo? Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nakatakdang maluklok bilang susunod na punong kinatawan at pinuno ng reaksyunaryong estado sa bansa. Parating na nga ba ang “tunay na pagbabago? Sa pamamagitan ng paghamig ng malawak na suporta, pagsasagawa ng malalaking pagtitipon, at pagtatambol sa social media, napigilan ni Duterte ang plano ng rehimeng Aquino para sa elektronikong dayaan. Gayunpaman, nariyan pa rin ang mga indikasyon na minanipula ang resulta ng halalan para palakihin ang boto ni Roxas, paburan ang mga kandidato ni Aquino sa bise- presidente at senador, gayundin upang pigilan ang mga progresibong partylist na makakuha ng dagdag na mga pwesto sa parlamento. Gaya ng dati, marumi, bulok at madaya ang nagdaang halalan na minarka ng karahasan, pagbili ng boto, paggamit ng pampublikong pondo, at elektronikong manipulasyon ng resulta. Ang pagkapanalo ni Duterte ay tanda ng tumitinding krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal. Itinanghal ni Duterte ang sarili bilang kandidato na may simpatya sa dinaranas na kahirapan at pambubusabos ng mamamayan at nagtataguyod ng mga patakarang tutugon sa mga hinaing ng bayan. Sinasalamin din nito ang lumalalim na paksyunal na tunggalian ng naghaharing uri sa bansa. Gumastos siya ng bilyon sa kanyang kampanya sa midya at sa patalastas, gayundin sa kampanya sa social media na pinondohan ng malalaking negosyante at grupong pulitikal, mga kingmaker, relihiyosong sekta, pangkating militar at iba pang mga interesadong grupo, kapalit ng pang-ekonomya at pampulitikang pabor pagdating ng panahon. Ang “pederalismo” na itinutulak ng mga kaalyado ni Duterte na pumupuna sa kakulangan ng pambansang rekurso, kawalan ng serbisyo at kaunlaran sa mga lokal na ekonomiya ay salamin ng kahilingan ng mga naghaharing uri na lalo pang paghati-hatian ang mga rekurso ng bayan sa pagitan nila. May ilang seksyong sumusuporta sa pangakong pagsugpo sa krimen tungo sa pagtatatag ng estadong-pulisya. Ninanais nila ang pagpataw ng mas mahihigpit na hakbang sa pagsupil sa demokratikong mga karapatan ng mga manggagawa at karapatang tao upang maging lalong mabisa ang kanilang pagsasamantala at pandarambong sa yamang-tao at likas na yaman. Maituturing na sa unang pagkakataon sa kasaysayan, may pinuno ng reaksyunaryong estado na hindi tali at sagad-sagarang tuta ng Estados Unidos. Nagalit si Duterte sa US nang

Ano ang hinaharap ng bayan sa pagkapanalo ni Duterte bilang

Embed Size (px)

Citation preview

KULTURA

ABRIL-MAYO 2016

President-Elect Rodrigo Duterte kasama si Leoncio “Ka Parago” Pitao, ang yumaong pulang kumander ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao. Photo Credits: Karlos Manlupig.

Paigtingin ang pakikibaka laban sa K-12 at neoliberal na atake sa edukasyong Pilipino!Kampanya ng manggagawa para sa National Minimum Wage: Tugon sa neoliberal na atake sa kilusang paggawa#BigasHindiBala: Panagutin ang rehimeng Aquino para sa masaker sa Kidapawan

Halalan 2016: Marumi, marahas, madaya Tagumpay ng mga pulang partido sa Unibersidad ng Pilipinas

3

4

5

7

8

\\ Ituloy sa p2

Ang pagkapanalo ni Duterte sa nagdaang halalan ay malinaw na pagwaksi sa bulok na “daang matuwid” ng rehimeng US-Aquino. Sa kabila ng pagkakaroon ng makinarya, salapi at kapangyarihan, nadaig nito ang kandidato ng naghaharing rehimen na si Mar Roxas. Nakuha ni Duterte ang suporta ng mamamayan sa mariin nitong pag-atake sa pagkatuta, kurupsyon, panlilinlang at pambubusabos ng rehimeng Aquino at sa pagtatanghal sa sarili bilang kabaliktaran ng paghahari ng haciendero sa bansa.

Ano ang hinaharap ng bayan sa pagkapanalo ni Duterte bilang pangulo?Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nakatakdang maluklok bilang susunod na punong kinatawan at pinuno ng reaksyunaryong estado sa bansa. Parating na nga ba ang “tunay na pagbabago?

Sa pamamagitan ng paghamig ng malawak na suporta, pagsasagawa ng malalaking pagtitipon, at pagtatambol sa social media, napigilan ni Duterte ang plano ng rehimeng Aquino para sa elektronikong dayaan. Gayunpaman, nariyan pa rin ang mga indikasyon na minanipula ang resulta ng halalan para palakihin ang boto ni Roxas, paburan ang mga kandidato ni Aquino sa bise-presidente at senador, gayundin upang pigilan ang mga progresibong partylist na makakuha ng dagdag na mga pwesto sa parlamento.

Gaya ng dati, marumi, bulok at madaya ang nagdaang halalan na minarka ng karahasan, pagbili ng boto, paggamit ng pampublikong pondo, at elektronikong manipulasyon ng resulta.

Ang pagkapanalo ni Duterte ay tanda ng tumitinding krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal. Itinanghal ni Duterte ang sarili bilang kandidato na may simpatya sa dinaranas na kahirapan at pambubusabos ng mamamayan at nagtataguyod ng mga patakarang tutugon sa mga hinaing ng bayan.

Sinasalamin din nito ang lumalalim na paksyunal na tunggalian ng naghaharing uri sa bansa. Gumastos siya ng bilyon sa kanyang kampanya sa midya at sa patalastas, gayundin sa kampanya sa social media na pinondohan ng malalaking negosyante at grupong pulitikal, mga kingmaker, relihiyosong sekta, pangkating militar at iba pang mga interesadong grupo, kapalit ng pang-ekonomya at pampulitikang pabor pagdating ng panahon.

Ang “pederalismo” na itinutulak ng mga kaalyado ni Duterte na pumupuna sa kakulangan ng pambansang rekurso, kawalan ng serbisyo at kaunlaran sa mga lokal na ekonomiya ay salamin ng kahilingan ng mga naghaharing uri na lalo pang paghati-hatian ang mga rekurso ng bayan sa pagitan nila.

May ilang seksyong sumusuporta sa pangakong pagsugpo sa krimen tungo sa pagtatatag ng estadong-pulisya. Ninanais nila ang pagpataw ng mas mahihigpit na hakbang sa pagsupil sa demokratikong mga karapatan ng mga manggagawa at karapatang tao upang maging lalong mabisa ang kanilang pagsasamantala at pandarambong sa yamang-tao at likas na yaman.

Maituturing na sa unang pagkakataon sa kasaysayan, may pinuno ng reaksyunaryong estado na hindi tali at sagad-sagarang tuta ng Estados Unidos. Nagalit si Duterte sa US nang

2 ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

ipuslit nito ang hinihinalang CIA agent na si Micheal Meiring na nabuking na aksidenteng nagpasabog ng bomba habang ginagawa ito sa kanyang hotel. Tinutulan din ni Duterte ang paggamit ng Davao para sa pagpapalipad ng drone at nagsalita laban sa US military exercises at EDCA. Sa kabilang banda, ang mga nakaluklok sa gubyerno at mga pulitikong nakapaligid kay Duterte, maging ang mga nasa AFP at nasa burukrasya ay maka-US at pabor sa presenyang militar ng US.

Ang pangako ni Duterte na isulong ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Bangsamoro, kasabay ng pagtutol sa anti-US na postura ay tiyak lilikha ng ligalig sa mga maka-kanan at sagad-sagaring kontra-rebolusyunaryo sa gubyerno. Kung tototohanin ni Duterte ang pangakong alisin ang droga at krimen, lilikha ito ng bitak sa pulis at militar na may bahaging sangkot sa mga kriminal at sindikatong aktibidad.

Ang mga pahayag ni Duterte hinggil sa muling pagbubukas at pagpapabilis ng usapang pangkapayapaan sa NDFP, planong pagtatalaga ng mga katiwa-tiwalang mga negosyador, pagpapalaya ng mga detenidong pulitikal at alok na italaga sa Kaliwa ang ilang mga posisyon sa gubyerno ay mga indikasyon na seryoso si Duterte sa usapang pangkapayapaan. Hindi na rin bago ang pagkilala at pakikipagtulungan ni Duterte sa rebolusyunaryong kilusan lalo na sa Mindanao.

Mainit na sinalubong ng NDFP ang plano sa muling pagbubukas ng usapan at pagtugon sa ugat ng armadong tunggalian kasama ang mas mabilis na pag-uusap at posibilidad ng mutual na tigil-putukan habang may pag-uusap. Mahalaga para sa mamamayan ang usapang pangkapayapaan at ang pagsisikap na lutasin ang ugat ng armadong tunggalian. Umaasa ang taumbayan na kaiba sa nagdaang rehimen, igagalang ng gubyerno ang mga nakaraang mga kasunduan, papalayain ang mga detenidong pulitikal at haharapin sa mga pag-uusap ang mga batayang suliranin at hinaing ng mamamayan.

Dahil sa mga pangako at mga pahayag para sa tunay na pagbabago, haharapin ngayon ni Duterte ang mataas na ekpektasyon at hamon ng mamamayan para sa pagpapatupad ng mga mahahalagang reporma.

Kung seryoso sa “tunay na pagbabago,” dapat gamitin ni Duterte ang pagkakataon para bumaklas sa pagkatuta at pagsalig ng bansa sa imperyalismong US at tumindig para sa malayang patakarang panlabas. Dapat baliktarin niya ang pagkatuta ng rehimeng US Aquino at bawiin ang suporta ng bansa sa mga di-pantay na kasunduang militar gaya ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement. Dapat niya ring itakwil ang planong charter change ng US at higit na pagbubukas ng ekonomiya sa Trans-Pacific Partnership (TPP).

Sang-ayon sa platapormang anti-kriminalidad, dapat panagutin ni Duterte ang pinakamalalaking kriminal na sindikato sa bansa. Dapat agad na kasuhan at ikulong si Noynoy Aquino at Butch Abad, mga

mastermind ng pagnanakaw ng daang bilyong pisong pondo ng gubyerno sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Dapat makinig si Duterte sa mga manggagawa at magsasaka para sa kanyang programang pang-ekonomiya, hindi sa mga bulag na tagapagtaguyod ng mga makadayuhang patakaran. Wala pang pahayag si Duterte na nagtatakwil sa mga patakarang neoliberal; sa katunayan, ang naunang inilahad na planong pang-ekonomiya ng kanyang adviser ay pagpapatuloy lamang ng mga patakaran ng rehimeng US-Aquino. Kung tunay na hangad ng pagbabago, dapat baliktarin ni Duterte ang mga patakarang neoliberal at isulong ang ekonomiyang tunay na malaya at para sa tunay na pag-unlad ng bayan.

Dapat niyang isulong ang tunay na repormang agraryo at pagpapaunlad ng agrikultura. Dapat libreng ipamahagi ang lupa sa mga magbubukid at itulak ang pag-unlad ng agrikultural na produksyon sa bansa. Dapat palawakin ang libreng irigasyon at magtuon sa mekanisasyon sa agrikultura.

Dapat itulak ang pambansang industriyalisasyon at ekonomiyang tunay na maunlad para sa bayan. Dapat itakwil ang pribatisasyon, deregulasyon, liberalisasyon at denasyunalisasyon. Tanging sa pag-unlad ng agrikultura at industriya, malilikha ang trabaho at matutugunan ang pangangailangan ng mamamayan at hindi sa mga bulok na programang “kontra-kahirapan” gaya ng Conditional Cash Transfers.

Dapat kagyat na ipatupad ang panawagan para sa pambansang minimum na sahod at itigil ang mga patakarang nagpapababa sa sahod at umaatake sa karapatan ng mga manggagawa. Dapat tuparin ni Duterte ang pangakong wakasan ang kontraktwalisasyon at bawiin ang kanyang pahayag na umaatake sa mga unyon.

Sa edukasyon, dapat kagyat na itigil ang programang K-12 at ipatupad ang libreng edukasyon sa lahat ng antas. Dapat ituon ang edukasyon sa pangangailangan ng bayan at iwaksi ang mga atakeng neoliberal sa edukasyon. Maaari niyang baliktarin ang edukasyong nagtuturo ng kolonyal na kaisipan at paniniil sa kabataan at mamamayan at simulan ang edukasyong tunay na makabayan.

Sa kalusugan, dapat itigil ang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital at palawakin ang serbisyong pangkalusugan sa bansa. Dapat itigil ang paniningil sa ospital at mga negosyong gaya ng PhilHealth at sa halip, isulong ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Dapat ipagkaloob sa mamamayan ang serbisyong panlipunan at tiyakin ang malaking pondo rito. Kasabay nito, dapat itigil ang pribatisasyon at mga programa ng Public Private Partnership na hindi lamang umatake sa serbisyong panlipunan kundi ginamit ni Aquino bilang bilyon-pisong raket para sa malalaking negosyante gaya ng mga Ayala.

Dapat igalang ang karapatang pantao at kagyat na palayain ang daan-daang bilanggong pulitikal sa bansa. Dapat itigil ang mga

pasistang “oplan.” Dapat panagutin ni Duterte ang mga may sala sa malawakang kampanya ng pasistang pamamaslang at gayundin, iatras ang kanyang pagsuporta sa mga mala-vigilanteng pagpaslang. Dapat paalisin ang mga militar sa mga komunidad ng Lumad at itigil ang mga atake sa kanilang mga paaralan.

Habang may mga progresibong katangian, mulat tayo na kinatawan ng reaksyunaryong uri si Duterte. Sa katunayan, sa ilang dekada na paglilingkod nito sa burukrasya ng reaksyunaryong estado, pinakitunguhan nito ang mga malalaking burgesya at panginoong maylupa na umaasa din ng mga pabor sa gubyerno nito. Lalo pa, habang sinasabing siya ay “Kaliwa” at “sosyalista,” walang makabuluhang pahayag si Duterte laban sa neoliberal na mga patakarang pang-ekonomiya na patuloy na sumasalanta sa bayan.

Sa ibang mga bansa, may mga tampok na anti-imperyalista at anti-US na naluklok na pinuno na nakaluklok sa estado. Dahil sa kanilang paninidigan at pagtataguyod ng makabayang patakaran sa ekonomiya, nakakontrol sila bahagi ng kanilang ekonomiya at nailaan ito sa mga serbisyong pampubliko gaya ng edukasyon at kalusugan. Ngunit dahil nanatili ang malaking impluwensya ng mga burgesya at panginoong maylupa sa pulitika at ekonomiya, nananatiling pinagsasamantalahan at lubog sa kahirapan ang mga manggagawa at magsasaka.

Kung hindi matutugunan ni Duterte ang panawagan para sa lupa, trabaho, sahod at karapatan, di malayong mapatalsik din siya sa kanyang poder gaya ng dinanas ng rehimeng Estrada.

Handang-handa ang kabataan at mamamayan na paigtingin ang paglaban para sa kanilang mga karapatan, at ipanawagan ang tunay na panlipunang pagbabago. Dapat patuloy na isulong ang mga pakikibaka laban sa kahirapan, kagutuman at pambubusabos, paglaban sa tumitinding atake ng imperyalismo at pasismo. Alam natin na tanging sa pagkumpleto ng pambansa-demokratikong pakikibaka at pagbabagsak sa bulok na estado tunay na mawawakasan ang paghahari ng bulok na sistema at makakamit ang tunay na kalayaan para sa bayan.

Sa kagyat, dapat ilunsad ng mga mag-aaral, magulang at mga guro ang pakikibaka laban sa K-12 at atakeng neoliberal sa edukasyon ngayong pagbubukas ng klase. Mahalagang pagkakataon ang panahon ng transisyon sa bagong naghaharing rehimen para itulak ang mas malalaking mobilisasyong masa para isulong ang mga lokat at sektoral na laban, igiit ang pananagot sa rehimeng Aquino at itulak ang pagbaliktad sa mga bulok na patakaran.

Dapat ding gamitin ang anumang luwag na idudulot ng sitwasyon para palawakin sa antas na walang kaparis ang ating mga balangay at iba pang mga organisasyon. Tiyak na mas malaking pag-abante ang hinaharap ng kilusang bayan sa ilalim ng bagong rehimeng Duterte.

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL-MAYO 2016 PAHAYAG

na ibaba ang sahod at pigain ang mas malaking tubo mula sa manggagawa at mamamayan.

Dapat paigtingin ang paglaban sa K-12 at mga neoliberal na atake ng rehimeng US-Aquino sa edukasyong Pilipino. Dapat ilunsad ang malalaki at mapangahas na mga protesta para itulak ang pagpapatigil sa programa. Dapat buuin ang STOP K-12 sa pinakamaraming mga paaralan at komunidad bilang tipunan ng mga mag-aaral, magulang at guro na nais itigil ang K-12. Maaaring ilunsad ang mga mobilisasyon, barikada, okupasyon sa mga paaralan at DepEd para labanan ang programa.

Ang paglaban sa K-12 ay magiging mahalagang bahagi ng isisikad na kilusang bayan laban sa kagutuman, kahirapan at pambubusabos ng sistema laban sa mamamayan at pangkalahatang neoliberal na mga patakaran. Dapat mahigpit na makiisa sa kilusan ng mamamayan at malakas na mag-ambag sa paghakbang tungo sa panibago at mas mataas na antas ng kilusang bayan at pakikibakang pambansa-demokratiko.

implementasyon ng K-12 habang nakabinbin ang mga isinampang kaso upang ideklara itong labag sa Saligang Batas. Nangangahulugan ang hindi pagpataw ng hinihinging temporary restraining order (TRO) na buong puwersa pa ring itutuloy ng gobyerno ang mapanlinlang, pahirap, at pabigat na programa.

Ang K-12 ay sentro ngayon ng panibagong neoliberal na atake na ipinatutupad ng rehimeng US-Aquino sa edukasyon na naglalayong ituon ang edukasyon sa pangangailangan ng mura at supil na lakas paggawa ng dayuhan, ibaba ang sahod ng manggagawa at higit na isapribado at pagkakitaan ang edukasyon. Kasabay ng K-12, itinutulak pataas ang matrikula sa mga pamantasan at lalong ginagawang kolonyal at mapanupil ang nilalaman ng edukasyong Pilipino. Bahagi ito ng tumitinding neoliberal na atake sa mamamayan na naglalayong higit

Dahil hindi naman mag-aalok ang lahat ng pampublikong paaralan ng senior high school, mahigit isang milyong mag-aaral ang papahirapan ng gubyerno at itutulak na magbayad ng mas mahal na matrikula sa mga pribadong paaralan. Hindi iilan ang matutulak na tuluyan nang magdrop-out.

Ang “voucher” na inaalok ng Department of Education ay kulang para bayaran ang mahal na matrikula sa mga paaralan. Mapanlinlang ito at malinaw na ayuda para kumita ang mga pribadong paaralan sa K-12. Ang mga galing sa pampublikong paaralan ay awtomatikong bibigyan umano ng voucher, samantalang ang mga galing sa pribadong paaralan ay aaprubahan pa.

Aabot lamang sa P8,750 hanggang maksimum na P22,500 kada mag-aaral ang halaga ng voucher. Kahit palarin, kulang pa rin ito para sa pag-eenrol sa karaniwang paaralan na umaabot sa hanggang P50,000 ang matrikula. Kakailanganin pa ring maglabas ng libo-libong piso bilang “top-up” na bayad ang mga magulang.

Dahil deregulated ang matrikula, walang makakapigil sa mga pribadong paaralan na dagdagan pa ang matrikula at singilin para lalo pang gatasan ang mga magulang lalo na’t wala namang pagpipilian ang mga mag-aaral na itinutulak mag-enrol sa senior high school. Ibig sabihin, may tiyak na silang kita sa voucher, kikita pa sa paniningil ng tuition at iba pang mga bayarin.

Hindi kataka-taka na nagsulputan ang mga paaralang pinatatakbo ng malalaking kumpanya gaya ng Ayala para sa senior high school.

Kamakailan, nagprotesta ang daan-daang mag-aaral at magulang na nag-eenrol sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil ayaw tanggapin ng PUP ang libo-libong mag-aaral na wala umanong “voucher.”

Samantala, inaasahan din ang pahirap sa mga guro na isasabak sa programa nang walang training, modyul at mga kinakailangang pasilidad. Asahang lalabas pa ang mas maraming mga problema at usapin sa K-12 na sadyang magulo at pahirap sa mga mag-aaral at magulang habang mas nalalapit ang enrolment at pasukan. Tiyak na magiging dagdag na pabigat ang mga bayarin sa K-12 lalo na sa mahihirap na pamilya.

Noong buwan ng Marso, ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng iba’t ibang grupo upang pansamantalang itigil ang

Paigtingin ang pakikibaka laban sa K-12 at neoliberal na atake sa edukasyong Pilipino! Habang mas nalalapit ang pasukan, lalong nararamdaman ng mga mag-aaral, magulang at guro ang pahirap na dulot ng programang K-12 ng rehimeng US-Aquino na sentro ng mga ipinapatupad nitong neoliberal na “reporma” sa edukasyong Pilipino.

4 ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

laban sa sistema ng aliping sahuran na nagbibigay ng dambuhalang tubo sa iilang malalaking kapitalista mula sa labis na halagang likha ng mga manggagawa.

Ikampanya ang NMWPilit na sinisisi ng mga tagapagtaguyod ng neoliberalismo ang paglaban ng kilusang paggawa para sa makatarungang sahod at mga subsidyo sa serbisyong pampubliko bilang ugat ng krisis upang bigyang katwiran ang mas matinding konsentrasyon ng kayamanan sa kamay ng iilan.

Pinalalabas na mamamatay ang mga maliliit na negosyo kung patataasin ang sahod. Ngunit hindi naman sahod ang nagpapahirap sa pagnenegosyo kundi ang mataas na kotong, buwis, at singil sa tubig at kuryente, bulok na imprastraktura, at panggigipit mula sa malalaking kapitalistang dayuhan at lokal. Sa katunayan, higit na tinutulak pababa ang sahod ng mga manggagawa at kawani sa balangkas ng pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan at korporasyon na pumasok sa bansa.

Tanging ang mahigpit na pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mga manggagawa sa pribadong sektor, kawani ng pamahalaan, at manggagawa sa agrikultura ang makapagtutulak sa mga nasa kapangyarihan na ibigay ang kahilingan para sa isang makatarungang sahod.

Hamon sa kabataang Pilipino na makiisa sa mga manggagawa at malakas na itambol ang kampanya para sa NMW. Ang pagtatagumpay ng laban na ito ay mahalagang ambag sa pagsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka tungo sa sosyalismo.

pagbigay ng kagyat na ginhawa sa mga manggagawa sa harap ng ilang dekada ng atake sa minimum na sahod at barya-baryang umento. Ang makabuluhang umento sa sahod ay kagyat na makababawas sa kagutuman at kahirapan ng mga manggagawa.

Isa itong tuntungan upang maabot ang Family Living Wage (FLW) na sumusukat sa halagang kailangan ng isang karaniwang pamilyang binubuo ng anim na miyembro upang mabuhay nang disente. Ang arawang FLW noong Enero 2016 ay P1,088 ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Ibon Foundation.

Ang NMW na P750 kada araw sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor ay nangangahulugan ng 56 porsyentong pagtaas sa P481 na minimum na sahod sa Metro Manila na siyang pinakamataas sa buong bansa sa kasalukuyan. Ito ay 70 porsyento ng arawang FLW.

Ang NMW na P16,000 kada buwan para sa mga empleyado ng pamahalaan ay 56 porsyento naman na pagtaas mula sa P9,000 buwanang sweldo ng mga kawani na nasa Salary Grade 1 sa ilalim ng SSL. Ito ay kalahati ng buwanang FLW na aabot P32,000.

Kakambal din ng paglaban para sa isang NMW ang pagbaka sa kontraktwalisasyon na isa ring iskema upang lalong baratin ang sahod ng manggagawa.

Ang kampanya para sa NMW ay pagsusulong din ng hustisyang panlipunan. Ito ay pagtindig

Ang kampanya para sa NMW sa pangunguna ng All Workers Unity (AWU), isang alyansa ng mga unyon, asosasyon, pederasyon, at mga indibidwal na manggagawa, ay paglaban sa mahigit tatlong dekadang walang patid na opensibang neoliberal sa kilusang paggawa sa Pilipinas at maging sa buong daigdig.

Ito ang tugon ng kilusang paggawa sa mga neoliberal na patakaran na tumutulak sa paghuthot ng mas malaking kita para sa mga kapitalista habang binabarat ang sahod ng manggagawa sa panahon ng walang kaparis na krisis ng kapitalismo.

Pagbasag ng minimum wageSentral na tunguhin ng neoliberal na opensiba ang pagbasag sa minimum wage sa hanay ng mga manggagawa. Naitulak ito sa pamamagitan ng Wage Regionalization Law ng 1989 sa mga manggagawa ng pribadong sektor at ng Salary Standardization Law (SSL) ng 1989 sa mga kawani ng pamahalaan.

Ginawang palusot ang diumano’y magkakaiba na halaga ng pamumuhay sa iba’t ibang rehiyon upang itulak ang pagbubukod ng minimum na sahod sa iba’t ibang rehiyon. Habang ininstitusyunalisa naman ng SSL ang pagbibigay ng mas mababang sahod para sa mga empleyado sa mga lokal na pamahalaan.

Nagresulta ito sa pagbagsak sa 25 porsyento ng bilang ng mga manggagawang tumatanggap ng minimum na sahod habang 46 na porsyento naman ang tumatanggap ng mas mababa pa rito noong 2011 ayon sa datos mismo ng gobyerno.

Dagdag na pahirap ang “Two-Tiered Wage System” na ipinatupad ng gobyernong Aquino noong 2012 sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa iskemang ito, pinalitan ang minimum na sahod sa isang floor wage na nakabatay sa “poverty threshold” ng gobyerno.

Makakatanggap lamang ng umento ang manggagawa batay sa kanyang “performance” na itatakda naman sa antas ng bawat empresa sa pangunguna ng mismong kapitalista. Sa huli, lalo lamang nitong tinutulak pababa ang halaga ng sahod ng mga manggagawa.

Sa madaling salita, walang tunay na pambansang minimum na sahod na umiiral sa bansa sa kasalukuyan. Lumalabas pa na may mahigit 1,000 antas ng pasahod sa buong bansa ayon mismo sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Kagyat na ginhawaLayunin ng kampanya para sa NMW ang

Kampanya ng manggagawa para sa National Minimum Wage: Tugon sa neoliberal na atake sa kilusang paggawaSa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Manggagawa nitong Mayo Uno, malakas na itinambol ang kampanya para sa isang National Minimum Wage (NMW) o pambansang minimum na sahod na P750 kada araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P16,000 kada buwan para sa mga kawani ng pamahalaan.

Photo C

redits: Philippine C

ollegian.

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL-MAYO 2016 LATHALAIN

1987 at sa masaker ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng mga Aquino-Cojuangco noon namang 2004.

Lumalaki ang inutang na dugo ng hacenderong angkan ng mga Aquino-Cojuangco na hinding-hindi mabubura sa alaala ng mamamayang Pilipino.

Ang trahedya sa Kidapawan ay maiuugat sa atrasadong sistemang malapyudal na tumutugon sa pangangailangan ng pandaigdigang merkado para sa hilaw na materyales at murang paggawa habang nagsisilbing tambakan ng sobrang puhunan at produkto ng dayuhan.

Katangian ng sistemang ito, na masugid na ipinagtatanggol ng rehimeng Aquino, ang monopolyo sa lupa ng iilang panginoong maylupa at ang malawakang kawalan ng lupa ng mga maralitang magsasaka na nasasadlak sa matinding gutom at kahirapan.

Reporma sa lupaNaninindigan ang Anakbayan na tanging ang isang programa ng tunay na reporma sa lupa sa pamamagitan ng libreng pamamahagi ng lupa sa magsasaka at pagbasag sa monopolyo sa lupa ng panginoong maylupa ang magpapalaya sa milyon-milyong maralita sa kanayunan.

Ang repormang agraryo ay magsisilbing pundasyon ng pambansang industryalisasyon na sisira sa dayuhang dominasyon sa ekonomya, magbibigay ng malawakang empleyo sa sariling bayan, at magsisiguro na magagamit ang sariling yaman ng bansa para sa mamamayang Pilipino.

Nananawagan ang Anakbayan sa lahat na makiisa sa laban ng mga magsasaka para sa bigas, lupa, at kanilang demokratikong karapatan. Ating ipagbunyi ang mga alaala ng mga biktima ng masaker sa Kidapawan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ating kapasyahan na lumaban para sa tunay na pagbabagong panlipunan.

Inutang na dugoAnim na buwang naghintay ang mga magsasaka na makatanggap ng tulong mula sa gobyernong Aquino upang mapagaan ang pinakamalubhang epekto ng El Niño na nagtulak sa kanilang pamilya sa matinding kagutuman.

Ayon mismo sa Department of Agriculture, nagtamo ng P1.9 bilyong halaga ng pinsala mula Pebrero 2015 hanggang Pebrero ngayong taon dahil sa El Niño. Sa North Cotabato, hindi bababa sa 50,000 ektarya ng bigas at mais ang nasira dahil sa matinding tagtuyot.

Ngunit pinabayaan lamang sila ng walang pusong gobyerno ni Aquino. Nagtayo ng mga barikada ang mga magsasaka upang maipatampok ang kanilang mga panawagan. Ngunit imbes na pakinggan, bala ang isinagot ng gobyerno sa kanilang mga hinaing.

Ang karumaldumal na pagpatay ng mga inosenteng magsasaka sa Kidapawan ay walang pinagkaiba sa masaker ng mga magsasaka na nagmartsa sa Mendiola noong

Ikatlong araw noon ng protesta ng mga magsasaka at katutubong lumad na nagsimula noong Marso 30 upang manawagan mula sa gobyernong Aquino ng kagyat na ginhawa at bigas upang pantawid sa gutom na dulot ng pagwasak ng El Niño sa kanilang mga pananim.

Mariing kinukundena ng Anakbayan ang masaker sa Kidapawan na nagresulta ng pagkamatay nina Enrico Fabligar, isang 30 taong gulang na residente ng Kidapawan na hindi kabilang sa protesta, at Darwin Sulang, isang 22 taong gulang na magsasakang Manobo.

Ayon sa National Fact-Finding and Humanitarian Mission na inilunsad sa pangunguna ng grupong Bayan, Karapatan, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, aabot sa 11 katao ang nasugatan dahil sa tama ng bala.

PandarahasPagkatapos ng madugong dispersal ng protesta, kinubkob ng mga sundalo at pulis ang Spottswood United Methodist Church compound na nagsilbing sanktwaryo ng mahigit 4,000 magsasaka at kanilang mga tagasuporta matapos ang masaker.

Aabot sa 78 katao ang iligal na inaresto, kinasuhan ng “illegal assault” at pinatawan ng P12,000 na pyansa. Kabilang sa mga inaresto ang 29 babae, 3 buntis, 6 matatandang senior citizen, at 4 na minor de edad. Umabot ng tatlong linggo bago sila nakalaya.

Hinarangan din ng lokal na pamahalaan ang mga donasyon mula sa mamamayan na makapasok sa compound. Noong Abril 3, nagkatensyon nang pagbawalan ng pulis ang 300 magsasaka na makapasok sa simbahan upang makiisa sa kapwa nila magsasaka.

Pagkatapos ang tatlong linggong pananahimik hinggil sa masaker sa Kidapawan, pinawalang-sala ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga pulis na sangkot sa insidente at kinundena ang mga nag-organisa ng protesta bilang diumano’y tagasimuno ng karahasan.

Upang makatakas sa anumang pananagutan, pinipilit ng mga awtoridad na ang mismong mga biktima ang salarin sa madugong kaganapan.

Dalawang tao ang namatay sa masaker sa Kidapawan noong Abril 1 nang paputukan ng mga armadong pulis at sundalo ang 6,000 nagbabarikadang magsasaka sa kahabaan ng Cotabato-Davao Highway sa Kidapawan City, North Cotabato.

#BigasHindiBala:Panagutin ang rehimeng Aquino para sa masaker sa Kidapawan

Magsasaka Ikaw ay BayaniPasakalye: Am-G-Am-F-C-G-Am

1st Verse:Am C G AmIkaw na bisig ang siyang nagbubungkal C G AmIkaw na pawis at dugo ang tanging puhunan F C. G AmIkaw na bihag, dukha’t hinahamak F C G AmIkaw ay bayani, dangal ng lipunan.

2nd Verse:Am C G AmItong tanikala ng pagkaalipin mo Am C G AmUnti-unting dinudurog hanggang maging abo F C G AmItong nakalukob na agilang dayo F C G AmPilit iginugupo nang laya’y mapasa‘yo.

Koro: F C G CSa tuwina’y taglay ibayong pag-asa F C G CBuo ang hangaring wakasan ang pagsasamantala Am G AmSa daluyong ng daan-libong nag-aalsa F C G AmItatanghal kayong bayani, kayong magsasaka.

(ulitin ang huling saknong)

Chords at Lyrics

Ilustrasyon ni Neil D

oloricon.

6 ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

Digong, dinggin ang sigaw ng taumbayan - ibasura ang kontraktwalisasyon!

mga kapitalista sa regularisasyon ng mga nagtratrabaho. Ipinagpapatuloy pa rin kasi ito ng mga korporasyon at opisina bagama’t tapos na ang anim na buwang paninilbihang hinihingi ng batas.

Hinihimok ng komprehensibong organisasyon ng mga kabataan ang susunod na pangulo na tumalima sa mga pangako at huwag magpasindak sa dikta ng mga lokal at dayuhang negosyante.

Binabalaan din ng grupo ang magiging pangulo sa mga sulsol ng mga maka-kanang elemento sa loob ng kanyang gabinete. Ilan na rito ay ang mga ekonomistang adviser na nakasangkapan na ng mga nakaraang administrasyon sa pagpapatupad ng mga neo-liberal na patakarang nagpataba sa bulsa ng mga mamumuhunan at nagpakalam sa sikmura ng karaniwang tao.

Hinahamon ng pambansang tanggapan ng Anakbayan si president-elect Mayor Rodrigo Duterte na ibasura ang sistema ng kontraktwalisasyon na siyang labis na pasakit sa mga mamamayan.

Simula nang maisaligal sa iba’t ibang antas noong kapanahunan ni dating pangulong Corazon Aquino, inagawan ng naturang iskema ang milyun-milyong manggagawa’t empleyado ng karapatan sa mga benepisyo at kapanatagan sa trabaho.

Masusubukan ngayon ang mga positibong pahayag ni Digong patungkol sa nasabing panukala. Bukod sa paglaban sa kriminalidad at pagiging bukas sa usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front, isa sa mga naging sentro ng kanyang kampanya ay ang paglaban sa pagharang ng

Kontraktwalisasyon, wakasan na! — Anakbayan

naging kapantay na ni Poe, at pagkatapos ay lumampas na rito at pumangalawa na kay Duterte,” ayon sa Anakbayan.

Ayon pa sa ulat, talamak ang pwersahang pagpapaboto sa mga kandidato ng Liberal Party gaya ng sa Benolen Elementary School in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Talamak din ang abutan ng “sobre” na may lamang pera at “sample ballots.”

“Pinapakita ng mga ulat ang isang malawakang dayaang plinano at inorganisa ng Liberal Party upang makapanatili sa poder ng kapangyarihan,” paliwanag ng Anakbayan.

Taliwas naman sa pahayag ng Commission on Elections na naging mapayapa ang nangyaring eleksyon, 10 tao ang pinatay mismo sa araw ng halalan, kabilang ang pambobomba sa mga paaralan sa Mindanao.

“Pinatutunayan lamang nito na ang eleksyon ay para lang naman sa kapakinabangan ng iilan. Ito ay paligsahan lang ng mga magkakalabang paksyon ng mga naghaharing uri sa ating bayan para sa mga pwesto; ito ay pagpili na lamang kung sinong magsasamantala sa sambayanan,” kongklusyon ng Anakbayan.

mga pre-shaded na pangalan sa balota na kinatatampukan ng pangalan ni Mar Roxas at ilan pang kandidato ng Liberal Party at iba pang anomalya gaya ng vote buying

“Upang ikubli ang pandaraya, itinaas ng Malacanang sa tulong ng Pulse Asia ang survey rating nina Roxas. Sa ilang survey habang papalapit ang araw ng halalan, kataka-taka ang biglang pag-angat ng laging kulelat na si Mar Roxas. Bigla itong

Marumi, marahas at tinupok ng samu’t-saring pandaraya ang katatapos lamang na eleksyong 2016.

Ayon sa report ng mga election watchdog kasama ang Kontra-Daya at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV), may “nasirang” Vote Counting Machine (VCM) sa halos lahat ng bahagi ng bansa. Maliban sa mahigit 150 “nasirang VCM,” marami ring ulat ng

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Issa Baguisi, Gem Aramil,

Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid,

Uno Knobles, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

Halalan 2016: Marumi, marahas, madaya

Bumuhos ang suporta ng mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas para sa mga magsasakang biktima ng Kidapawan masaker.

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL-MAYO 2016 BALITA

Matagumpay na naipabasura ang P800 practice teaching fee sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) College of Education (CoEd) matapos ang sunud-sunod na protesta ng mga estudyante, pakikipagdayalogo sa administrasyon ng kolehiyo, at malawakang mga walkout.

Ayon sa Anakbayan-PUP CoEd, tama lamang na ibasura ang practice teaching fee sapagkat hinahadlangan nito ang pagtatapos ng mga 4th year estudyante ng kursong edukasyon dahil lamang hindi kikilalanin ang oras ng kanilang practice teaching kapag hindi nakabayad nito.

Patuloy ang laban ng mga estudyante upang maipabasura at ipa-refund ang

P800 practice teaching fee sa PUP ibinasura

tagapagtanggol ng mga kontra-mamamayan at kontra-estudyanteng mga patakaran.

Magandang balita ang pagkapanalo ng mga tunay, palaban, at makabayang partido ng mag-aaral sa UP upang mapamunuan ang mga laban ng mag-aaral at komunidad. Kinakailangan ang mga lider estudyante na handang harapin ang samu’t saring isyu mula sa patuloy na pagtaas ng matrikula at paglalako ng edukasyon sa balangkas ng neoliberal na internasyunalisasyon.

konsehal) sa UP Visayas College of Arts and Sciences sa Miag-ao, Iloilo. Naipanalo rin ang 11 sa 19 na posisyon sa UP Tacloban College Student Council kasama ang vice chairperson at 9 na konsehal habang nakuha ng Nagkahiusang Kusog sa mga Estudyante (NKE) ng UP Cebu ang mga posisyon para sa chairperson at vice chairperson.

Sa kalakhan, itinakwil ng mga iskolar ng bayan ang mga dilawang partido na kilalang alyado ng rehimeng Aquino at

Umani ng malalaking tagumpay ang mga pulang partido ng mag-aaral sa University Student Council (USC) elections ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Manila, Los Banos, Miag-ao, Iloilo, Tacloban at Mindanao.

Sa UP Diliman, nabawi ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND-UP) ang USC matapos ang 4 na taong pagiging minorya sa konseho. Landslide ang pagkapanalo nina Bryle Leaño sa pagka-chairperson, at Beata Carolino sa pagkabise. Nakuha rin ng STAND-UP ang 7 sa 12 konsehal at 10 sa 21 college representatives.

Sa UP Manila, malaking tagumpay ang inani ng ASAP-Katipunan kung saan napagtagumpayan nila ang chairperson at ang 6 sa 7 konsehal. Sa UP Los Baños, malaking tagumpay din ang natamo ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) kung saan nakuha din nila ang chairperson at vice chairperson, at ang 6 sa 10 konsehal.

Isang malaking tagumpay din ang nakamit ng Anak UPMin nang maipanalo nito ang 9 sa 13 posisyon sa UP Mindanao University Student Council kabilang ang vice chairperson at 6 na konsehal.

Winalis naman ng Sandigan ng mga Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) ang kalabang partido sa pagtatagumpay nitong makuha ang kabuuang konseho (chairperson, vice chairperson at 6 na

samu’t saring mga bayarin katulad ng departmentals exam fee na P15-25, tea party fee na P50, at laboratory fee na P31. Ang sinisingil na matrikula at iba pang bayarin ay napupunta sa isang Special Trust Fund (STF) ng administrasyon ng PUP.

Kamakailan lang ay napag-alaman nating ibinabangko ng mismong administrasyon ang P293 milyon sa STF sa porma ng High Yield Savings Account. Ayon sa Anakbayan-PUP CoEd, isa lamang itong patunay na ginagawang negosyo ng administrasyon ng PUP ang pera ng iskolar bayan.

Sa huli, ipinapaalaala ng Anakbayan-PUP CoEd ang kahalagahan ng tuluy-tuloy, militante at sama-samang pagkilos upang malinaw na maipagtagumpay ang laban ng mga iskolar ng bayan at mamamayan.

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Tagumpay ng mga pulang partido sa Unibersidad ng Pilipinas

Photo C

redits: Philippine C

ollegian.

8 ABRIL-MAYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANPAHAYAGLaraw

an ni Federico Dom

inguez.

paglikha ng tunay na nakaaasa sa sarili na ekonomya ay epektibo na magbibigay solusyon sa disempleyo, mababang sahod, kontraktwalisasyon, at pangingibang bayan dahil sa kakulangan ng oportunidad sa sariling bayan.

• Wakasan ang lahat ng di-pantay na tratado at kasunduan sa US at iba pang dayuhang entidad. Kabilang dito ang VFA at EDCA na naglalayong panatiliin ang presensyang militar ng US at ibalik ang mga base militar nito sa bansa. Kabilang din dito ang mga kasunduan sa kalakalan, pautang, at ayuda na mas lalong tinatali ang ekonomya ng bansa sa imperyalismong US. Nangunguna rito ang mga dikta ng GATT-WTO at IMF-WB na nagtutulak ng mga neoliberal na programa ng deregulasyon, liberalisasyon, pribatisasyon, at denasyunalisasyon upang higit na buksan ang bansa sa dayuhang pandarambong at pagsasamantala.

• Itaguyod ang isang progresibong panlipunang patakaran na mabibigay ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, pabahay, patubig, elektrisidad, at iba pang serbisyo na hindi nakatuon sa tubo na negosyo para sa benepisyo ng iilan kundi bilang pampublikong serbisyo para sa mayorya ng mamamayan.

• Palaganapin ang isang makabayan, siyentipiko, at pangmasang kultura at edukasyon na tutugon sa pangangailangan at aspirasyon ng mamamayang Pilipino at tutulan ang kolonyal, pyudal, at mapanupil na kultura at pag-iisip na nangingibabaw sa kasalukuyan. Ikampanya ang paggamit ng pambansang wika bilang pangunahing midyum sa pagtuturo at komunikasyon, at itayo ang isang sistema ng libreng edukasyon sa lahat ng antas upang mapalaganap ang karunungan sa pagbabasa’t pagsusulat, diwang makabayan, at kritikal na pag-iisip sa mamamayan.

• Isulong ang pagpapalaya ng kababaihan mula sa patriyarkal na sistema na nagpapanatili ng pyudal na pagtrato sa kababaihan bilang mas mababang kasarian at ang burgis na pagturing sa kanila bilang kalakal at libangan. Itaguyod ang karapatan ng kababaihan at LGBTQ.

• Itaguyod ang karapatan sa pagsasarili ng mga mamamayang Moro, Cordillera, at iba pang katutubo at pambansang minorya.

• Ipagtibay ang isang nagsasarili at aktibong patakarang panlabas na nakabatay sa kapayapaan, paggalang sa isa’t isa, pambansang soberanya, pagkakapantay-pantay, at palitan ng benepisyo.

Anong klaseng pagbabago ang kailangan ng bayan?

• Isulong ang pakikibaka upang palayain ang bayan mula sa dayuhang dominasyon, pyudal na paghahari, at burukrata kapitalismo na nagpapanatili sa malakolonyal at malapyudal na kaayusang atrasado, pre-industryal, agrikultural, at pinaghaharian ng dayuhan. Ipaglaban ang pambansang soberanya at bitbitin ang pakikibaka ng magsasaka para sa lupa laban sa pyudalismo. Manindigan para sa demokratikong karapatan ng mamamayan laban sa pasismo.

• Itatag ang gobyerno ng mamamayan na tunay na susulong sa interes ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga anakpawis. Isisiguro nito ang isang sistemang pulitikal at elektoral na gagarantiya sa tunay na representasyon ng mga manggagawa at magsasaka sa lahat ng mga lupon ng gobyerno mula sa lokal tungo sa pambansang antas. Ito ay magiging tunay na gobyerno ng mamamayan na malaya sa dayuhang kontrol at dikta. Kahit na nagwakas ang direktang kolonyal na paghahari ng US noong 1946, pinalitan naman ito ng magkakasunod-sunod na mga tutang rehimen sa ilalim ng imperyalismong US.

• Lansagin ang abusado, mersenaryo, pinopondohan ng imperyalista, at bulok sa kaibuturan na Armed Forces of the Philippines at palitan ito ng isang bagong hukbong bayan na tunay na nakaugat sa masa at ipinaglalaban ang kanilang demokratiko at pambansang interes.

• Itaguyod ang demokratikong karapatan na kinitil sa ilalim ng kasalukuyang sistema, kabilang na ang karapatan sa tirahan, lupa, makatarungang sahod at disenteng pamumuhay, edukasyon, serbisyong pangkalusugan, kalayaan sa pagkatao, paniniwala, pagpapahayag, pag-oorganisa, asembliya, atbp.

• Ipatupad ang programa ng tunay na repormang agrarao na magiging sentro ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka at ang pagbuwag ng monopolyo ng lupa ng iilang panginoong maylupa at mga dambuhalang korporasyon. Ang mga agrikultural na kooperatiba at pagpapaunlad ng produksyon at empleyo sa kanayunan ay pasisiglahin sa pamamagitan ng modernisasyon ng agrikultura, rural na industryalisasyon, at sustenibleng agrikultura.

• Itulak ang programa ng pambansang industryalisasyon na tatapos sa dayuhang dominasyon at kontrol sa ekonomya. Ang mga batayang industriya, rekurso, at korporasyon na pagmamay-ari ng dayuhan ay isasabansa at papatnubayan tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ang mga lokal na negosyo na nagdurusa mula sa di-pantay na kompetisyon at winawasak ng dayuhang monopolyo kapital ay pasisiglahin. Ang

Hinahamon ng Anakbayan ang bagong administrasyon ni Rodrigo Duterte na ipatupad ang mga patakarang para sa makabuluhang mga pagbababago sa bansa. Tanging sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong alternatiba malulunasan ang kahirapan, pang-aapi, at inhustisya sa bansa: