21
Anim na Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin Presented by: Arnel O. Rivera

Anim na pamantayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Anim na pamantayan

Anim na Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin

Presented by:Arnel O. Rivera

Page 2: Anim na pamantayan

Balik-aral:

•Ano ang pangarap? ▫Ito ay binubuo ng mga mithiin sa buhay.

•Bakit mahalaga ang magkaroon ng pangarap?▫Ang mga pangarap ay batayan tungo sa makabuluhan at maligayang buhay.

Page 3: Anim na pamantayan

Ano ang mithiin?

•Ang mithiin (goal) ay ang pinakapayak ng iyong nais na makamit sa hinaharap.

•Ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay na magpapaligaya sa iyo.

Page 4: Anim na pamantayan

Bakit mahalaga ang mithiin?

•Ito ang nagbibigay ng direksyon at saysay sa iyong buhay.

•Ang pagiging responsable sa pagpili ng mga mithiin ay pangunahing mong konsiderasyon sa iyong pamumuhay.

Page 5: Anim na pamantayan

Ano ang kaugnayan ng mithiin sa pangarap?•Ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya upang matupad ang mga pangarap.

Page 6: Anim na pamantayan

Mga Pamantayan sa Pagtatatag ng mga Mithiin

−(specific) partikular ang pokus

−(measurable) madaling sukatin

−(attainable) abot ng tao

−(realistic) batay sa katotohanan

−(time-bound) may takdang panahon

−(action-oriented) aksyon ang kailangan

SMARTA

Page 7: Anim na pamantayan

Specific (Tiyak)

•Alam mo kung ano ang gusto mong gawin at sigurado ka sa mga hakbang na gagawin para rito.

Page 8: Anim na pamantayan

Halimbawa:

•Mabuti: Magkaroon ng sariling bahay.

•Mas Mabuti: Magkaroon ng sariling bungalow.

•Pinakamabuti: Magkaroon ng sariling bungalow sa Bacoor, Cavite.

Page 9: Anim na pamantayan

Measurable(Madaling Sukatin)

•Nasusukat ang iyong pag-unlad sa pagdaan ng panahon. Dapat masukat mo kung magtutuloy ka at kung gaano nakakalapit sa iyong pangarap.

Page 10: Anim na pamantayan

Halimbawa:

•Mabuti: Mag-iipon ako ng limang daang piso.

•Mas Mabuti: Mag-iipon ako ng limang daang piso bago matapos ang taon.

•Pinakamabuti: Mas-iipon ako ng limaang daang piso bago magbakasyon sa Pasko.

Page 11: Anim na pamantayan

Attainable (Abot-kaya)

•Dapat mong siguruhin na ito ay praktikal at nakabatay sa katotohanan.

•Ang pangarap ay ginawa upang matupad at hindi upang magbigay ng kabiguan.

Page 12: Anim na pamantayan

Halimbawa:

•Mabuti: Magpapagawa ako ng bahay pagkatapos ng kolehiyo.

•Mas Mabuti: Magpapagawa ako ng bahay sampung taon pagkatapos ng kolehiyo.

•Pinakamabuti: Magpapagawa ako ng bahay matapos makapag-ipon makalipas ang sampung taon ng pagtratrabaho.

Page 13: Anim na pamantayan

Realistic (Makatotohanan)

•Ang mabuting layunin ay isang posibilidad at hindi pantasya. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na ang ibang mga pangarap ay hindi mo kayang abutin anuman ang iyong pagsisikap.

Page 14: Anim na pamantayan

Halimbawa:

•Mabuti: Maging milyonaryo bago mag-18 taong gulang.

•Mas Mabuti: Maging milyonaryo pagkatapos ng kolehiyo.

•Pinakamabuti: Maging milyonaryo matapos ang 20 taong pagtratrabaho.

Page 15: Anim na pamantayan

Time-bound (Takdang Panahon)•Bawat layunin ay dapat mayroong sinusunod na tinakdang panahon upang tuparin. Dapat mayroon itong “deadline” upang magpursige ka na gawin ito.

Page 16: Anim na pamantayan

Halimbawa:

•Mabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo.

•Mas Mabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo bago mag-retiro ang aking mga magulang.

•Pinakamabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo sa loob ng apat na taon.

Page 17: Anim na pamantayan

Action-Oriented (Aksyon ang kailangan)•Sa pagsasaad ng iyong mga layunin,

gumamit ng mga aktibong pandiwa (hal. magkakaroon, magpapagawa, mag-iipon). Ang mga ito ay nagpapakita na talagang may gagawin ka. Iwasan ang mga layunin na nagpapahiwatig na gusto mo lamang.

Page 18: Anim na pamantayan

Halimbawa:

•Hindi Mabuti: Nagbabalak ako na kumuha ng kursong engineering.

•Mabuti: Magtatapos ako ng kursong engineering.

Page 19: Anim na pamantayan

Tandaan:

•Ang mga pamantayan sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nakakatulong sa pagkamit nito.

Page 20: Anim na pamantayan

To download this file, go to:

http://www.slideshare.net/ArnelSSI

Page 21: Anim na pamantayan

Film Viewing: GOAL

•Sino si Santy (Santiago Nunez)? Ano ang kanyang pangarap sa buhay.

•Anong mga problema ang kanyang kinaharap sa pagtupad sa kanyang pangarap.

•Anong mga virtues ang ipinakita ni Santy na naging dahilan upang makamit ang kanyang pangarap?

•Anong aral ang natutunan mo sa pinanuod na pelikula?