Upload
others
View
14
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Online Shopping ay isang uri ng electronic commerce
kung saan ang isang mamimili ay maaaring makabili ng
mga produkto o serbisyo gamit ang internet. Mula sa
paglabas ng unang online shopping website ay naging
mabilis ang kanilang pagdami dahil sa labis na
pagtangkilik dito ng mga mamimili.
Sa kasalukuyan, iba’t ibang uri ng produkto ang maaaring
mabili sa mga online shopping websites. Kabilang na rito
ay ang mga KOSMETIKO tulad ng mga sabon, pabango,
kolorete at pulbo sa katawan.
Upang maprotektahan ang publiko, pinapayuhan ng Food
and Drug Administration (FDA) ang lahat ng mga
mamimili na maging maingat at mapanuri sa pagbili ng
mga kosmetiko gamit ang mga online shopping websites.
1
2
1. Bumili lamang ng mga kosmetikong dumaan sa
pagsusuri ng FDA at nabigyan ng kaukulang
Cosmetic Notification.
Upang malaman kung ang isang kosmetiko ay
dumaan sa pagsusuri ng FDA, gamitin lamang ang
Search tab na matatagpuan sa itaas na bahagi ng FDA
website (www.fda.gov.ph) tulad ng ipinapakita sa
ibaba.
Larawan 1. FDA Website Homepage
Upang magamit ang search engine, i-type o ilagay
ang buo o bahagi ng pangalan ng kosmetiko.
3
2. Suriin nang mabuti ang produktong kosmetiko.
Ang mga mamimili ay hinihikayat na mag-research at
magtanong upang makakalap ng impormasyon na
makatutulong sa paggawa ng desisyon. Huwag
kaagad maniniwala sa mga sinasabi sa patalastas o sa
mga label ng produkto tulad ng “makapuputi sa loob
ng isang araw” o “makatatanggal ng tagihawat sa
isang pahid lamang.”
3. Basahin ang label.
Ang mga mamimili ay pinapayuhang ugaliing basahin
nang mabuti ang label ng kosmetiko bago ito gamitin,
lalo na ang parte ng “paraan ng paggamit” o
“instructions for use.” Siguraduhing hindi ka allergic
sa mga nilalaman ng produkto. Upang manigurado,
maaaring subukan muna ang kosmetiko sa maliit na
parte ng iyong katawan, tulad ng braso o likod ng
tainga at maghintay ng posibleng reaksyon sa
produkto. Gamitin lamang ang kosmetiko ayon sa
nakasulat sa label. Huwag nang gamitin ang produkto
kung sakaling nagbago na ang kulay, amoy o hitsura
nito.
4
Ayon sa batas, lahat ng mga kosmetikong ibinebenta sa
merkado ay dapat mayroong siyam (9) na impormasyon
sa kanilang label. Ang mga impormasyong ito ay
maaaring matagpuan sa immediate o outer packaging
ng produkto. Ang immediate packaging ay tumutukoy
sa lalagyan na direktang nakalapat o nakadikit sa
kosmetiko tulad ng bote o garapon. Samantala, ang
outer packaging ay tumutukoy sa lalagyan kung saan
inilalagay ang immediate packaging tulad ng karton.
Ang mga impormasyon na dapat nakalagay sa label ng
mga kosmetiko ay ipinapakita sa mga Larawan 2 at 3.
Larawan 2. Halimbawa ng Label ng Isang Kosmetiko na Naaayon sa ASEAN Cosmetic Labeling Requirements
(Harap)
5
Larawan 3. Halimbawa ng Label ng Isang Kosmetiko na Naaayon sa ASEAN Cosmetic Labeling
Requirements (Likod)
Kung sakaling maliit o irregular ang hugis ng
kosmetiko at hindi maaaring mailagay lahat ng
impormasyon sa immediate o outer packaging, ang
mga mamimili ay pinapayuhang hanapin ang ibang uri
ng informative material, tulad ng leaflets, pamphlets,
hangtags or display panels. Gayunpaman, sa ganitong
mga pagkakataon, lagi pa ring hanapin sa immediate
packaging ng kosmetiko ang pangalan ng produkto at
ang manufacturer’s batch/lot number.
6
4. Kaagad na itigil ang paggamit ng kosmetiko
sakaling magkaroon ng adverse reaction.
Ang adverse reactions, tulad ng pangangati,
pamumula at pamamaga ng balat ay maaaring
mangyari kaagad o pagkalipas ng ilang oras. Sakaling
magkaroon ka ng adverse reaction sa isang
kosmetiko, itigil agad ang paggamit ng produkto at
hugasan ng tubig at sabon ang parte ng katawan kung
saan ito nilagay. Kapag hindi nawala ang mga
sintomas, mabuting kumonsulta sa doktor.
5. Isumbong ang anumang adverse reaction na
naranasan sa tindahang binilhan ng produkto, sa
kumpanyang nakasaad sa label o sa FDA.
Anumang adverse reaction na naranasan ng isang
mamimili, ito man ay minor reaction tulad ng
pamumula at pangangati ng balat o major reaction
tulad ng anaphylactic shock, ay dapat na idulog sa
FDA. Ang mga adverse reaction na sanhi ng
paggamit ng kosmetiko ay binabantayan at
iniimbistegahan ng FDA upang masigurado ang
kaligtasan at kalidad ng mga kosmetiko sa merkado.
7
Ang publiko ay maaaring magpadala ng report sa
FDA gamit ang mga sumusunod na paraan:
a. FDA e-Report
Isang paraan upang dumulog sa FDA ay ang FDA e-
Report. Ito ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng FDA
website. (tingnan ang Larawan 4)
Larawan 4. Bahagi ng FDA Website na Naglalaman ng FDA e-Report
b. Magpadala ng email sa [email protected]
c. Tumawag sa FDA Center for Cosmetics
Regulation and Research (CCRR) sa numero
(02) 857-1984
Para sa iba pang mga balita, paalala, babala at
impormasyon, pumunta sa FDA website
(www.fda.gov.ph).
Kung nais namang malaman o mabasa ang pinakabagong
paalala o babala kaugnay ng kosmetiko sa merkado,
magtungo lamang sa “ADVISORIES” sa itaas na bahagi
ng FDA website at piliin ang “COSMETIC” (tingnan
ang Larawan 5).
Larawan 5. Bahagi ng FDA Website na Naglalaman ng Advisories
8
Figure 5. Consumer Corner of the FDA Website
Para naman sa listahan ng mga kosmetikong dumaan sa
pagsusuri ng FDA, maaaring pumunta sa “CONSUMER
CORNER” at piliin ang “COSMETIC PRODUCT
NOTIFICATION” (tingnan ang Larawan 6).
9
Larawan 6. Bahagi ng FDA Website na Naglalaman ng Listahan ng mga Kosmetikong Dumaan sa Pagsusuri ng FDA
10
Para sa iba pang mga katanungan tungkol sa kosmetiko,
huwag mag-atubiling dumulog sa Food and Drug
Administration – Center for Cosmetics Regulation and
Research (FDA-CCRR) gamit ang sumusunod na paraan:
a. Telepono – (02) 857-1984
b. Email – [email protected]
Ang subject ng lahat ng email na ipapadala sa
[email protected] ay dapat lagyan ng CCRR sa
unahan.
Halimbawa ng subject ng email
“CCRR – Pekeng Kosmetikong Ibinebenta sa
Internet”