4
SA ISYUNG ITO Medikal na tahanan .................................................... Pahina 1 Pangangalaga sa diabetes ...................................... Pahina 2 Handbook ng miyembro ........................................... Pahina 2 Mga pagpapa-checkup ng mga bata .................... Pahina 3 Utilization management ........................................... Pahina 3 Pang-aabuso sa inireresetang gamot ................ Pahina 3 Mga pap test .................................................................. Pahina 4 AMC-022-HI-ABD-TAG TAGSIBOL 2012 Health TALK ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO Tulad ng tahanan Gawing iyong kakampi sa kalusugan ang iyong PCP. Kung iisang lugar ang iyong pinupuntahan para sa karamihan ng iyong pangangalaga sa kalusugan, tinatawag itong isang medikal na tahanan. Gawing iyong medikal na tahanan ang tanggapan ng iyong primary care provider (PCP). Ibibigay at aasikasuhin ng iyong PCP ang lahat ng iyong pangangalaga sa kalusugan. Kung kailangan mo ng mga pagsusuri o panggagamot na hindi maibibigay ng iyong PCP, ire-refer ka ng iyong PCP para sa pangangalagang ito. Nakakatulong ang pagkakaroon ng medikal na tahanan na magkakilala kayo ng iyong PCP. Kapag kilala ka ng iyong PCP at alam niya ang iyong medikal na kasaysayan, maibibigay niya sa iyo ang pinakamainam na pangangalaga para sa iyong mga pangangailangan. Hanapin ang tamang doktor. Kumportable ka dapat sa iyong PCP. Kung hindi, pumili ng bago. Upang makakita ng listahan ng mga kasaling provider, tingnan ang www.uhccommunityplan.com. O tumawag sa aming mga lokal na serbisyo sa miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) upang humingi ng direktoryo. UnitedHealthcare Community Plan P.O. Box 2960 Honolulu, HI 96802 Presorted Standard US Postage Paid Michigan City, IN Permit #3

ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA … · Kailangan ng mga batang nasa edad na pumapasok sa paaralan at ng mga tinedyer na kumonsulta sa doktor isang beses sa isang taon

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA … · Kailangan ng mga batang nasa edad na pumapasok sa paaralan at ng mga tinedyer na kumonsulta sa doktor isang beses sa isang taon

SA ISYUNG ITOMedikal na tahanan .................................................... Pahina 1Pangangalaga sa diabetes ...................................... Pahina 2 Handbook ng miyembro ........................................... Pahina 2Mga pagpapa-checkup ng mga bata .................... Pahina 3Utilization management ........................................... Pahina 3Pang-aabuso sa inireresetang gamot ................ Pahina 3Mga pap test .................................................................. Pahina 4

AMC-022-HI-ABD-TAG

TAGSIBOL 2012

Health TALKANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Tulad ng tahananGawing iyong kakampi sa kalusugan ang iyong PCP.Kung iisang lugar ang iyong pinupuntahan para sa karamihan ng iyong pangangalaga sa kalusugan, tinatawag itong isang medikal na tahanan. Gawing iyong medikal na tahanan ang tanggapan ng iyong primary care provider (PCP). Ibibigay at aasikasuhin ng iyong PCP ang lahat ng iyong pangangalaga sa kalusugan. Kung kailangan mo ng mga pagsusuri o panggagamot na hindi maibibigay ng iyong PCP, ire-refer ka ng iyong PCP para sa pangangalagang ito.

Nakakatulong ang pagkakaroon ng medikal na tahanan na magkakilala kayo ng iyong PCP. Kapag kilala ka ng iyong PCP at alam niya ang iyong medikal na kasaysayan, maibibigay niya sa iyo ang pinakamainam na pangangalaga para sa iyong mga pangangailangan.

Hanapin ang tamang doktor. Kumportable ka dapat sa iyong PCP. Kung hindi, pumili ng bago. Upang makakita ng listahan ng mga kasaling provider, tingnan ang

www.uhc community plan.com. O tumawag sa aming mga lokal na serbisyo sa miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) upang humingi ng direktoryo.

UnitedHealthcare Community PlanP.O. Box 2960Honolulu, HI 96802

Presorted StandardUS Postage PaidMichigan City, IN

Permit #3

Page 2: ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA … · Kailangan ng mga batang nasa edad na pumapasok sa paaralan at ng mga tinedyer na kumonsulta sa doktor isang beses sa isang taon

2 HEALTH TALK

Alinsunod sa alituntuninTingnan ang iyong handbook ng miyembro.Nabasa mo na ba ang iyong handbook ng miyembro? Isa itong mahusay na mapagkukunan ng impormasyon. Sinasabi nito sa iyo kung paano gamitin ang iyong plano. Ipinapaliwanag nito: ang iyong mga karapatan at responsibilidad bilang isang miyembro. ang aming patakaran sa privacy. kung saan, kailan at paano kumuha ng pangunahing pangangalaga, pangangalaga

pagkatapos ng oras ng pasok, pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali, espesyal na pangangalaga, pangangalaga sa ospital at pang-emergency.

ang mga benepisyo at serbisyong mayroon ka. ang mga benepisyo at serbisyong wala ka (mga pagbubukod). kung paano makakakuha ng impormasyon tungkol sa mga kasaling provider. kung paano gumagana ang iyong mga benepisyo sa inireresetang gamot. ang iyong mga copayment o iba pang mga paraan ng iyong pagbabayad para

sa iyong pangangalaga sa kalusugan. kung ano ang dapat gawin kung kailangan mo ng tulong kapag nasa malayo ka. kung kailan at paano ka makakakuha ng pangangalaga mula sa isang provider na

hindi kasali sa network. kung, kailan at paano ka maaaring mangailangang magsumite ng paghahabol. kung paano magpahayag ng reklamo o mag-apela ng pagpapasya sa saklaw. kung paano nagpapasya ang iyong plano tungkol sa kung anong mga bagong

teknolohiya ang sinasaklawan. kung paano humiling ng interpreter o kumuha ng iba pang tulong sa wika

o pagsasalin ng wika.

Maging matalino. Mababasa mo ang handbook ng miyembro online sa www.uhc community plan.com. O tumawag sa mga lokal na serbisyo ng miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) upang mapadalhan ka ng kopya ng handbook sa pamamagitan ng mail.

KontroladoKung diabetic ka, kailangan mong unahin ang iyong kalusugan. Kinakailangan ng regular at maingat na pagsubaybay upang mapanatiling kontrolado ang diabetes. Nakakatulong ang regular na pagsusuri na malaman ang iyong kalagayan. Kamakailan ka bang sumailalim sa mga pagsusuring ito?A1C NA PAGSUSURI SA DUGO:

Ipinapakita sa iyo ng lab test na ito kung gaano kahusay nakontrol ang iyong blood sugar noong nakaraang 2 hanggang 3 buwan. Ipinapaalam nito sa iyo kung gaano kabisa ang iyong panggagamot. Sumailalim sa pagsusuring ito nang 2-4 na beses bawat taon.

HDL (MABUTING) CHOLESTEROL: Ang diabetes at cholesterol ay isang kumbinasyong maaaring makapinsala sa iyong puso. Ang HDL ay dapat na mas mataas sa 40 para sa kalalakihan at 50 para sa kababaihan. Sumailalim sa pag-susuring ito isang beses sa isang taon.

PAGGANA NG BATO: Maaaring mapin-sala ng diabetes ang iyong mga bato. Tinitiyak ng pagsusuring ito na gumagana nang wasto ang iyong mga bato. Sumai-lalim sa pagsusuring ito isang beses sa isang taon.

PAGSUSURI SA DILATED NA MATA: Maaaring maging sanhi ng pagkabulag ang mataas na antas ng blood sugar. Sa pagsusuring ito, pinapalaki ng mga espesyal na eye drop ang iyong mga pupil upang masuri ang retina. Nakakatulong itong makita ang mga problema bago mo mapansin ang mga ito. Sumailalim sa pagsusuring ito isang beses sa isang taon.

Pinapadali namin ito. Saklaw ang mga pagsusuring ito. Kung kailangan mo ng tulong sa pagsasagawa ng appointment o

pagpunta sa doktor, tumawag sa aming mga lokal na serbisyo sa miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711).

Page 3: ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA … · Kailangan ng mga batang nasa edad na pumapasok sa paaralan at ng mga tinedyer na kumonsulta sa doktor isang beses sa isang taon

Ang mahirap tanggapinGinagamit ng mga taong mas matanda sa gulang na 65 ang sangkatlo ng mga gamot na inirereseta ng mga doktor. Kadalasang umiinom ng ilang mga gamot ang mas nakatatanda. Maaari rin silang gumamit ng mga pangmatagalang gamot. Maaaring malito o maging makakalimutin ang ilang senior. Kadalasan silang umaasa sa pirmihang kita.

Maaaring humantong ang mga salik na ito sa mga problema sa mga inireresetang gamot. Malamang na maabuso ang mga painkiller at sedative. Ang pang-aabuso sa inireresetang gamot ay nangangahulugan ng paggamit ng gamot:na hindi inireseta para sa iyo.sa ibang paraan kaysa sa paraan ng pagrereseta

dito.dahil gusto mo ang idinudulot nitong pakiramdam. Maaaring maging napakamapanganib para sa mga nakatatanda ang pang-aabuso sa inireresetang gamot. Maaari itong magdulot ng reaksyon sa ibang mga gamot. Maaari itong magdulot ng pinsala sa atay o mga problema sa paghinga. Maaari nitong palalain ang mga umiiral nang medikal na kundisyon. Maaari itong magdulot ng mga pagtumba at pinsala.

ANG WASTONG PANGANGALAGANais naming makuha mo ang tamang pangangalaga sa tamang panahon at sa tamang lugar. Hindi namin nais na makakuha ka pangangalagang hindi sapat o pangangalagang hindi mo naman talaga kailangan. Kailangan din naming matiyak na ang pangangalagang nakukuha mo ay isang saklaw na benepisyo. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng utilization management (UM). Tanging mga doktor at pharmacist ang nagsasagawa ng UM. Hindi namin binibigyan ng mga pam- pinansyang insentibo o gantimpala ang sinuman sa anumang paraan para sa pag-tanggi sa kinakailangang pangangalaga.

Nasa panganib ka ba? Kung ikaw o ang isang taong pinahahalagahan mo ay maaari nang-aabuso ng mga inireresetang gamot, humingi ng tulong. Makipag-usap sa iyong doktor o tagapamahala ng kaso.

Mga tanong sa UM? Tumawag sa aming mga lokal na serbisyo sa miyembro sa 1-888-980-8728

(TTY 711) toll-free. Hilinging makipag-usap sa isang tao sa utilization management. Ipapaliwanag namin kung paano gumagana ang UM at kung ano ang kahalagahan nito sa iyong pangangalaga.

ANG PAGHIHINTAYNagbibigay kami ng mga alituntunin

tungkol sa mga tanggapan ng doktor na nagsasaad

kung gaano katagal dapat ang panahon mula sa pagtawag mo hanggang sa makakakonsulta na ang iyong anak sa doktor. Nakasalalay

ang tagal sa kung bakit kailangang komunsulta

ng iyong anak:Ang mga appointment sa PCP para

sa batang may sakit: sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng kahilingan

Mga Agarang appointment sa PCP: sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng kahilingan

Mga Regular na appointment sa PCP: sa loob ng 21 araw ng kalendaryo pagkatapos ng kahilingan

Kailangan ng masasakyan? Maaari kang makakuha ng sasakyan patungo sa mga medikal na pagbisita, pagsusuri at panggagamot. Tumawag sa Logisticare sa 1-866-475-5746 (TTY 1-866-288-3133) upang makaalam nang higit pa tungkol sa iyong benepisyo sa transportasyon.

Huwag magpahuliI-iskedyul na ngayon ang mga pagpapa- checkup ng mga bata. Tag-araw ang pinakaabalang panahon para sa mga tanggapan ng mga doktor ng mga bata. Huwag magpahuli sa pamamagitan ng pagtatakda ngayon ng mga appointment para sa mga pisikal na eksaminasyon para sa paaralan at sports. Kolektahin ang mga form na kailangan mo para sa paaralan, sports o camp na dadalhin sa doktor.Kailangan ng mga batang nasa edad na pumapasok sa paaralan at ng mga tinedyer na kumonsulta sa doktor isang beses sa isang taon para sa isang well-child visit. Sa pagbisitang ito, isasagawa ng doktor ang sumusunod: susuriin ang taas, timbang at body mass index (BMI) ng iyong anak. bibigyan ang iyong anak ng anumang mga bakunang kailangan niya. makipag-usap sa iyong anak tungkol sa mahahalagang paksa sa kalusugan

at kaligtasan na naaangkop sa kanyang edad. tiyaking lumalaki nang malusog ang iyong anak.

TAGSIBOL 2012 3

Page 4: ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA … · Kailangan ng mga batang nasa edad na pumapasok sa paaralan at ng mga tinedyer na kumonsulta sa doktor isang beses sa isang taon

4 HEALTH TALK

Pakikipag-ugnayanMga Serbisyo sa Miyembro Humanap ng doktor, makipag-usap sa isang nars, magtanong tungkol sa benepisyo o magpahayag ng reklamo. 1-888-980-8728 (TTY 711)

NurseLine Makakuha ng 24/7 payong pangkalusugan mula sa isang nars. 1-888-980-8728 (TTY 711)

Aming website Gamitin ang aming direktoryo ng provider o basahin ang iyong handbook ng miyembro. www.uhccommunityplan.com

Kailangan mo ba ng Pap test?Karaniwang walang anumang mga sintomas ang cervical cancer. Ang paraan upang malaman kung mayroon ka nito ay sa pamamagitan ng Pap test. Isa itong mabilis at simpleng pagsusuri na naghahanap ng mga maagang senyales ng cancer. Gagamit ang iyong doktor ng brush o swab upang mangolekta ng ilang cell mula sa iyong cervix. Susuriin ng isang laboratoryo ang mga cell gamit ang isang microscope.

Kadalasang iniisip na para sa nakababatang kababaihan ang mga Pap test. Ngunit dapat na sumailalim dito ang ilang nakatatandang kababaihan bawat 3 taon. Maaari ka pa ring magkaroon ng cervical cancer, kahit na: menopause ka na (“ang pagbabago”). sumailalim ka sa hysterectomy (pagpapatanggal ng iyong uterus). hindi ka nakikipagtalik.

Kailangan mo ba ng mga Pap test? Kung lagpas ka na sa edad 65, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga Pap test. Maging tapat tungkol sa iyong mga salik na maaaring magsanhi ng cancer. Ikaw at

ang iyong doktor ay dapat na magpasya kung kailangan mo pa ng mga Pap test. Saklaw na benepisyo ang mga Pap test.

1-888-980-8728

1-888-980-8728

SINASALITA NAMIN ANG IYONG WIKAThis document contains important information. Call 1-888-980-8728 (local member services) to get the document in another language or have it orally translated for you.

Naglaon daytoy a dokumento iti napateg nga impormasion. Umawag iti 1-888-980-8728 tapno maalam ti dokumento iti sabali a lengguahe wenno maibasa kenka iti maawatam a lengguahe.

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon. Tumawag sa 1-888-980-8728 upang makuha ang dokumento sa ibang wika o upang masabi ito sa inyo sa ibang wika.