2
Programa para sa Pandinig ng Sanggol Ang Pandinig ng Inyong Sanggol May kawalan ba ng pandinig ang inyong anak? Ano ang isang Plano para sa Pag-unlad ng Komunikasyon? Ang inyong audiologist ng IHP, patologo ng pagsasalita- wika at iba pang mga propesyunal ay magbibigay ng impormasyon upang tulungan kayong gumawa ng mga desisyon tungkol sa pag-unlad ng komunikasyon ng inyong anak. Ito ay gagawing pormal sa isang nakasulat na dokumento na tinatawag na Plano para sa Pag-unlad ng Komunikasyon. Ang mga serbisyo sa pagpapaunlad ng komunikasyon ay maaaring magsangkot ng isa o mas marami pa sa mga sumusunod: · Pag-aaral na makinig · Pag-aaral na gumamit ng boses upang makipag-usap · Paggamit ng teknolohiya sa pandinig (hal. mga hearing aid, mga FM na sistema, mga cochlear implant) · Paggamit ng pasenyas na salita (hal. American Sign Language, Langue des Signes Québécoise) · Paggamit ng manwal na komunikasyon at mga galaw. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak (Newborn Hearing Screening) ng IHP, mangyaring magtungo sa: www.ontario.ca/infanthearing Mahalagang mga kapareha ang mga magulang. Upang mag-order sa pamamagitan ng telepono: 1-800-668-9938 TTY: 1-800-268-7095 O bisitahin ang: www.serviceontario.ca/publications Publication # 018888 Mas higit na alamin: www.ontario.ca/children February 2014 © Queen’s Printer for Ontario TAGALOG

Ang Pandinig ng Inyong Sanggol

  • Upload
    lyliem

  • View
    244

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Pandinig ng Inyong Sanggol

BLEED

Programa para sa Pandinig ng Sanggol

Ang Pandinig ng Inyong Sanggol

May kawalan ba ng pandinig ang inyong anak?

Ano ang isang Plano para sa Pag-unlad ng Komunikasyon?Ang inyong audiologist ng IHP, patologo ng pagsasalita-wika at iba pang mga propesyunal ay magbibigay ng impormasyon upang tulungan kayong gumawa ng mga desisyon tungkol sa pag-unlad ng komunikasyon ng inyong anak. Ito ay gagawing pormal sa isang nakasulat na dokumento na tinatawag na Plano para sa Pag-unlad ng Komunikasyon. Ang mga serbisyo sa pagpapaunlad ng komunikasyon ay maaaring magsangkot ng isa o mas marami pa sa mga sumusunod:

· Pag-aaral na makinig

· Pag-aaral na gumamit ng boses upang makipag-usap

· P aggamit ng teknolohiya sa pandinig (hal. mga hearing aid, mga FM na sistema, mga cochlear implant)

· P aggamit ng pasenyas na salita (hal. American Sign Language, Langue des Signes Québécoise)

· Paggamit ng manwal na komunikasyon at mga galaw.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak (Newborn Hearing Screening) ng IHP, mangyaring magtungo sa:

www.ontario.ca/infanthearing

Mahalagang mga kaparehaang mga magulang.

Upang mag-order sa pamamagitan ng telepono:1-800-668-9938TTY: 1-800-268-7095

O bisitahin ang: www.serviceontario.ca/publicationsPublication # 018888

Mas higit na alamin: www.ontario.ca/children

February 2014 © Queen’s Printer for Ontario

TAGALOG

Page 2: Ang Pandinig ng Inyong Sanggol

Programa para sa Pandinig ng Sanggol

Bakit kailangan ng aking sanggol na magkaroon ng maraming pagsusuri at mga pagsubok para sa pandinig?Ang pagsusuri sa pandinig ng bagong panganak ay nagpapakita lamang na maaaring mayroong isang problema sa pandinig. Upang masuri ang mga ingay na maaaring marinig o maaaring nahihirapang marinig ng inyong sanggol, ang karagdagang impormasyon ay kinakailangan. Ang isang follow up na pagsusuri ay ginagawa ng isang awtorisadong audiologist ng Infant Hearing Program (IHP).

Paano mo susuriin ang pandinig ng isang sanggol?Susuriin ng audiologist ang pandinig ng inyong sanggol sa isang napakatahimik na silid habang natutulog ang sanggol. Ang mga electrode (mga maliliit na parang telang patse na nakakabit sa mga koneksyon ng kompyuter) ay ilalagay sa tabi ng sanggol. Ang malalambot na mga dulo ay ilalagay sa loob ng mga tainga ng inyong sanggol. Ang mga ingay na may iba-ibang antas ang lakas ay patutugtugin sa mga tainga ng inyong sanggol. Susukatin ng isang kompyuter ang tugon ng mga nerbiyo ng pandinig sa mga ingay. Ang impormasyong ito ay gagamitin ng audiologist upang kilalanin ang mga sanggol na may kawalan ng pandinig, at upang tasahin ang halaga ng kawalan ng pandinig na maaaring mayroon ang inyong anak. Ang pagsusuri ay lubos na ligtas.

Hindi makarinig ang aking anak. Anong susunod? Pagkatapos ng isang kumpletong pagsusuri sa pandinig, ipaliliwanag ng audiologist ang mga detalye ng kawalan ng pandinig:

· Ang uri ng kawalan ng pandinig

· Ang mga ingay na maaaring marinig ng inyong sanggol

· Ang mga ingay na maaaring hindi marinig ng inyong sanggol o nahihirapang marinig

· Paano maaaring maapektuhan ng kawalan ng pandinig ang pagsasalita at pag-unlad sa wika

· Ang mga uri ng teknolohiya sa pandinig (hal. mga hearing aid) na maaaring makatulong sa inyong sanggol na makarinig

· Mga serbisyong pangsuporta na gagawing available sa inyo ng IHP, pati na rin ang akses sa isang Manggagawang Pangsuporta sa Pamilya (Famiy Support Worker) na maaaring magbigay ng pagpapayo at suporta at tulong sa inyo na makahanap ng iba pang mga mapagkukunan na maaaring kailanganin ninyo o ng inyong anak.

Bakit mahalagang malaman kaagad ang kawalan ng pandinig ng isang bata pagkapanganak? Ang karamihan ng mga sanggol ay ipinanganak na nakahandang makarinig ng mga boses ng kanilang mga magulang at ng mga ingay ng mundong nasa paligid nila. Ang mga sanggol na may kawalan ng pandinig ay mayroon ding kaparehong pangangailangan na makipag-usap tulad ng mga sanggol na may normal na pandinig. Ang pagkilala sa kawalan ng pandinig sa lalong madaling panahon ay nakakatulong sa mga propesyunal ng IHP na nakikipagtulungan sa inyong pamilya na matiyak na ang mga serbisyong nakasentro sa pamilya ay nasa lugar upang mabigyan ang inyong anak ng oportunidad na mapaunlad ang mga kakayahan sa wika at komunikasyon.

Ano ang tungkulin ng Manggagawang Pangsuporta sa Pamilya (Family Support Worker)? Ang Manggagawang Pangsuporta sa Pamilya ay naroroon upang tumulong sa inyong pamilya. Ang sinanay na propesyunal na ito ay tumutulong sa mga pamilya ng mga batang may kawalan ng pandinig sa maraming mga paraan, kabilang ang:

· Pagbibigay ng pagpapayong pangsuporta

· Pagtulong sa inyo na makipag-ugnayan sa mga serbisyong naroroon para sa inyo, sa inyong anak at pamilya

· Pagkokonekta sa inyo sa ibang mga magulang ng mga batang may kawalan ng pandinig

· Pagtulong sa inyong pamilya sa mga pagbabago sa pangangalaga ng bata at paaralan.

Anong mga uri ng teknolohiya sa pandinig ang makukuha para sa aking anak? May iba-ibang mga uri ng teknolohiya sa pandinig (hal. mga hearing aid, mga cochlear impant, mga FM na sistema) na magagamit para sa inyong anak. Ang inyong audiologist ay magbibigay ng mahalagang impormasyon at masinsing makikipagtulungan sa inyo upang tumulong sa paggawa ng desisyon tungkol sa paggamit ng teknolohiya sa pandinig para sa inyong anak.