29
Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina Report ni: Richard Kenneth U. Bandiola

Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A PowerPoint Presentation about the fall of the Last Chinese Dynasty (Qing Dynasty) together with its imperialist power and the start of Chinese struggles for a nationalist and communist form of government. Taken from Kayamanan II, a textbook for Asian History.

Citation preview

Page 1: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa

Tsina

Report ni:Richard Kenneth U.

Bandiola

Page 2: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Pag-unlad ng Nasyonalismong

TsinoDr.Sun Yat-sen: Ama ng Republika ng Tsina Si Sun Yat-sen ay ipinanganak sa Canton

ngunit nanirahan sa Hawaii at nagtapos ng medisina sa Hong Kong. Nagpunta siya sa Macau para magpaka-dalubahsa, ngunit siya ay ‘di pinagkalooban ng mga Portuguese ng permisong makapanggamot.

Nang siya ay bumalik sa Hong Kong, siya ay nagkaroon ng higit na interes sa politika bunsod ng panlulumo sa katiwalian at kawalang kakayahan ng pamahalaang Ching na ipagtanggol ang Tsina sa mga dayuhan.

Page 3: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Noong 1895, itinatag ni Sun ang samahang Muling Buhayin ang Tsina (Revive China Society), isang lihim na samahang rebolusyonaryo at nagbalak na agawin ang pamamahala ng Tsina mula sa pamahalaang Ching. Si Sun ay pinatapon ng pamahalaang Ching sa Europa, Estados Unidos, at Hapon. Siya ay naging pinuno ng mga samahang rebolusyonaryong Tsino. Siya ay inihalal ng mga rebolusyonaryong delegado mula sa 14 na lalawigan ng bansa bilang pangulong probisyunal.

Noong Enero 1, 1912, prinoklama ni Sun

Yat-sen ang Republika ng Tsina. Sa pagkakataong ito, itinatag ni Sun ang Partido Nasyonalista o Kuomintang.

Page 4: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Dr. Sun Yat-sen-Siya ang

tinaguriang Ama ng Republika ng Tsina. Siya ang

nagproklama ng Republika ng

Tsina at naging unang pangulo

nito.

Page 5: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Rebolusyong Republikan

Ang Kuomintang ay naniniwala sa modernisasyon at nasyonalisasyon bilang kasagutan sa pagtatagumpay ng Tsina. Noong ika-10 ng Oktubre 1911, napabagsak ng Partido Nasyonalista ang Dinastiyang Ching at idineklara ang Republika ng Tsina.

Ang pangyayaring ito ang kilalang Double 10 sa kasaysayan ng mga Tsino. Si Sun Yat-sen ang itinanghal ng partido bilang unang pangulo ng republika at “Ama ng Republika ng Tsina”.

Page 6: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Gayunman, ang republikang itinatag ni Sun

ay hindi nagtagal. Napag-isip ni Yuan Shikai, ang pinakamakapangyarihang pinuno ng hukbong Ching na makipagkasundo sa mga rebolusyonaryong Nasyonalista. Bunga nito, bumaba mula sa trono si Puyi, ang emperador noong panahon iyon at opisyal nang idineklara ni Sun ang Republika ng Tsina at isinalin ang pagka-pangulo kay Yuan Shikai, puno ng pinakamalakas na puwersang militar sa Tsina.

Sa kanyang pamumuno, inasam ni Sun na

makapagtatag ng isang modernong pamahalaang nakabatay sa “Tatlong Prinsipyo ng Tao” (Three Principles of the People): nasyonalismo, demokrasya, at kabuhayan.

Page 7: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Yuan Shikai- Siya ang

pinakamakapangyarihang pinuno

ng hukbong Ching na

nakipagkasundo sa mga

rebolusyonaryong Nasyonalista.

Siya rin ang puno ng

pinakamalakas na puwersang

militar sa Tsina.

Page 8: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Puyi-Siya ang

huling emperador ng

Tsina na namuno mula noong 1908 hanggang

1912.Napabagsak ang

Imperyong Ching ni Yuan

Shikai sa kanyang

pamumuno.

Page 9: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Sa kanyang panunungkulan, dagliang ipinagkanulo ni Yuan ang mga mithiin ng rebolusyon at simula noong taong 1913, siya ay namuno bilang isang diktador. Dahil dito, ang mga Tsino ay nagsimulang mag-alsa. Nang mamatay si Yuan, ang Tsina ay naiwan sa gitna ng isang digmaang sibil.

Page 10: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang May Fourth Movement

Page 11: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Noong Unang Digmaang Pandaigdig,

ang pamahalaan ng Beijing ay nagdeklara ng digmaan sa Germany, bunsod ng pag-asang ang hakbang na ito ay makapagbabalik sa Tsina ng mga lupain sa loob ng bansa ng Germany. Ngunit taliwas sa kanilang inaasahan, ang lahat ng teritoryong hawak ng Germany sa Tsina ay ipinagkaloob sa Hapon sa pamamagitan ng Kasunduan ng Versailles. Ang Kasunduan ng Versailles ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Page 12: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Tinutulan ng mga Tsino ang

kalapastanganang ito. Noong ika-4 ng Mayo 1919, nagtipon ang may 3000 na mag-aaral na Tsino sa Beijing at ipinagsigawan ang sawikaing “Ibagsak ang Imperyalistang Europeo, Iboykot ang Hapon!” Ang pangyayaring ito ay lumaganap sa buong lungsod at nalinang bilang isang kilusang pambansa. Ito ay tinawag na May Fourth Movement.

Nang panahong ito, si Mao Tse-tung ay isang guro na nag-aaral sa Unibersidad ng Beijing. Sinuportahan niya ang kilusan at di naglaon ay kinilala bilang dakilang rebolusyonaryong lider ng Tsina.

Page 13: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Mao Tse-tung

- Siya ang kinilala bilang dakilang

rebolusyonaryong lider ng Tsina. Siya rin ang nagtatag

ng Partido Komunista.

Page 14: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Noong 1921, itinatag ng isang samahang

Tsino ang Partido Komunista (Communist Party) sa Shanghai. Si Mao Tse-tung ang isa sa mga nagtatag nito. Habang nagaganap ito, si Sun Yat-sen at ang Partido Nasyonalista naman ay nagtatatag ng pamahalaan sa Timog Tsina. Tulad ng Partido Komunista, nagbago na rin ng paningin si Sun sa mga bansang demokratiko nang tumanggi ang mga ito na tulungan ang nagsisimulang pamahalaang kanyang itinatag.

Dahil dito, nagpasiya si Mao na ianib ang Partido Nasyonalista sa bagong tatag na Partido Komunista at tanggapin ang alok na tulong ng Soviet Union.

Page 15: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Sa tulong ni Michael Borodin,

tagapayo mula sa Soviet Union, ang Partido Nasyonalista ay muling lumakas. Itinatag ang isang paaralang militar sa Tsina sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai-shek, isang kilalang heneral sa hukbo ni Sun Yat-sen, at sinanay ang militar ng Partido Nasyonalista kapalit ng pagsang-ayon nitong ianib ang Partido Nasyonalista sa Partido Komunista.

Nagpadala ang Soviet Union ng mga sandata, tagapayo, at tagapagsanay sa Tsina upang mamahala sa pagsasanay sa mga hukbo ng pamahalaan.

Page 16: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Michael Borodin

- Siya ay isang tagapayo ng

Partido Nasyonalista mula sa Soviet Union.

Dahil sa kanya ay muling lumakas

ang partido. Pinadala siya ng

Soviet Union dahil sa kasunduan nito sa mga partido sa

Tsina.

Page 17: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Rebolusyong Nasyonalista

Nang mamatay si Sun Yat-sen noong ika-1 ng

Marso, siya ay pinalitan ni Chiang Kai-shek. Nang lumakas ang Partido Nasyonalista, sinimulan nilang salakayin ang mga aristokratang nagmamay-ari ng mga lupain sa hilaga ng Tsina.

Sa panahon ng kanilang pagpapalawak, nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang mga kasapi ng Partido Nasyonalista. Nahati ang partido sa radikal na makakaliwa na nakakiling sa higit na kapangyarihan ng mga magbubukid at manggagawa, at konserbatibong makakanan, na salungat naman sa pananaw ng partidong radikal. Si Mao Tse-tung ang naging lider ng mga Komunista na namalagi sa Shanghai, samantalang si Chiang Kai-shek naman ang namuno sa mga Nasyonalista na nagtatag ng panibagong pamahalaan sa Nanking.

Page 18: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Chiang Kai-shek

- Siya ang pumalit kay Sun Yat-sen

bilang pangulo ng Partido

Nasyonalista at pangulo ng Tsina. Isa siya sa mga kilalang heneral

sa hukbo ng Partido ni Sun Yat-

sen.

Page 19: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Noong Abril 1927, sinimulang harapin ng pangkat ng mga Nasyonalista ang pangkat ng mga Komunista. Sinalakay ng mga pangkat Nasyonalista ang Shanghai na kilalang kuta ng maraming Komunista gayundin ng mga lider at kasapi ng mga unyon ng pagawaan. Maraming Komunista ang namatay kung kaya ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Tsina ay tinawag na Shanghai Massacre.

Noong 1928, si Chiang Kai-shek ang naging pangulo ng Nationalist Republic of China. Bagamat ang kanyang pamahalaan ay kinilala ng Great Britain at Estados Unidos, hindi naman ito kinilala ng Soviet Union bunsod ng naganap sa Shanghai.

Page 20: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Digmaang Sibil sa Tsina

Ang kataksilan ng Partido Nasyonalista ay nagdulot ng malalim na sugat sa pangkat ng mga Komunista. Ito ay nauwi sa isang mahabang panahon ng digmaang sibil sa Tsina. Nagsimula ang digmaang sibil sa pagitan ng pamahalaan ni Chiang at ng Partido Komunista ni Mao noong 1930. Hinimok ni Mao ang mga magbubukid na sumanib sa itinatag niyang Red Army at sinanay ang mga ito sa pakikipaglaban.

Page 21: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Sa pagsisimula ng kanyang pamumuno, inilunsad ni Chiang Kai-shek ang mga programa ng pagbabago at paglilinang ng mga lungsod. Ipinangako din niya ang pagpapalaganap ng demokrasya at makatarungang karapatang pampolitikal. Ngunit dahil sa kanyang tiwaling mga opisyal, hindi nagawa ni Chiang Kai-shek na paunlarin ang buhay ng mga magbubukid. Gayundin, ang mga pangako niyang demokrasya ay hindi nadama ng mga Tsino. Bunga nito, ang karamihan ng mga magbubukid ay sumuporta sa Partido Komunista.

Page 22: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Rebolusyong Komunista Matapos matakasan ni Mao ang madugong

pananalakay ng mga Nasyonalista sa Shanghai, siya ay nagtago sa lalawigan at sinimulang muling itatag ang Partido Komunista batay sa kanyang sariling pananaw. Si Mao Tse-tung ay nangarap at naniwala na kaya nilang magsimula ng isang rebolusyong magmumula sa mga lalawigan at pangungunahan ng mga magbubukid. Upang maisakatuparan ito, hinikayat niya ang mga magbubukid na sumapi sa kanyang pangkat sa pamamagitan ng paghahati-hati at pamamahagi sa mga ito ng lahat ng lupaing nasakop ng kanyang pangkat.

Page 23: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Long March

Page 24: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ipinirmi ni Mao at ng kanyang mga opisyal ang kanilang himpilan sa mga burol ng timog sentral ng Tsina. Sinimulan naman ni Chiang ang puspusang kampanya laban sa pangkat ni Mao at noong 1933, pinaligiran ng pangkat ni Chiang na binubuo ng 700,000 ang pangkat ni Mao. Dahil kulang sa tauhan, natalo ang puwersa ng mga Komunista at dagliang umatras ito noong 1934, habang tinutugis sila ng mga hukbo ng mga Nasyonalista. Sa pagkakataong ito, sinimulan ng pangkat ni Mao ang mapanganib na 12,500 kilometrong paglalakbay mula Jiangxi hanggang Shaanxi upang matakasan ang pangkat ni Chiang. Ang paglalakbay na ito ay tinaguriang Long March. Ang habulang ito ay tumagal ng isang taon. Sa 90,000 Komunistang tumakas ay 20,000 lamang ang nakaligtas at nakarating sa hilagang-kanlurang Tsina.

Page 25: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Pananakop ng Hapon sa Tsina Sa panahong nagaganap ang labanan sa

pagitan ng kapwa pangkat na Tsino, malugod namang nakatuon ang pansin ng Hapon sa bansa. Noong 1937, dagliang inilunsad ng mga Hapones ang pananakop sa industriyalisadong lupain ng Manchuria at iba pang bahagi ng Tsina. Ang malawakang pagsalakay na ito ng Hapon ay naging sanhi ng pagkamatay ng napakaraming Tsino.

Bunsod ng pananakop ng Hapon, napilitang magkaroon ng pansamantalang kasunduan sina Chiang Kai-shek at Mao Tse-tung. Ang digmaang sibil ay pansamantalang inihinto ng magkabilang panig at magkasamang hinarap ang puwersa ng mga Hapones.

Page 26: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang Pagtatagumpay

ng Partido Komunismo sa

Tsina Nang matapos ang matagumpay na

pakikidigma sa Hapon, ipinangako ni Chiang Kai-shek ang muling pagsasakatuparan ng “Tatlong Prinsipyo ng Mga Tao” ni Sun Yat-sen sa pamamahala ng Tsina. Sa kabilang dako, ipinalaganap naman ni Mao ang patakarang “Ang Bagong Demokrasya”(The New Democracy) sa layong makapagtatag ng ekonomiyang sosyalista. Ang sosyalismo ay tumutukoy sa sistemang panlipunan kung saan ang pagpoprodyus at pamamahagi ng mga ani ay pinamamahalaan ng pamahalaan na siyang nagkokontrol sa ekonomiya ng bansa.

Page 27: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Dahil sa makasalungat na layunin, muling sumiklab ang labanang sibil sa pagitan ng mga puwersa nina Chiang at Mao. Sa pagkakataong ito, madaling nagapi ng mga Komunista ang pangkat ni Chiang. Noong 1949, ang pangkat ni Chiang ay umatras sa lalawigan ng Formosa na Taiwan sa kasalukuyan at iprinoklama ang Taipei bilang pansamantalang kabisera ng Republic of China. Itinatag naman ng mga Komunista ang People’s Republic of China.

Page 28: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Ang pagtatagumpay ng Partido Komunismo

sa Tsina ang naging bunga ng kahinaan ng Nasyonalista. Ang Nasyonalista ay nabigo sa pagsasakatuparan ng mga repormang maaaring makapagpasigla sa kabuhayan ng tao, na kabaliktaran ng epektibong pagsasakatuparan ng mga Komunista. Ang pangakong higit na masaganang hinaharap na malinaw na naihain ng mga Komunista sa kanilang inilahad na resolusyon. Nabigo rin si Chiang Kai-shek na makapagtatag ng epektibong alituntuning panlipunan, pangkabuhayan, at pangmilitar. Ang lubos na pag-asa ng kanyang itinatag na pamahalaan sa hukbong militar nito ay hindi rin nakatulong sa pagharap sa mga suliranin ng kanyang itinatag na pamahalaan.

Page 29: Ang Pagbagsak ng Imperyalismo sa Tsina.pptx

Thank You For Watching!