25
“ANG KALAGAYANG PANGKALUSUGAN NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG MGA AMERIKANO”

Ang mga sakit sa panahon g pananakop ng mga amerikano

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Thesis

Citation preview

“ANG KALAGAYANG PANGKALUSUGAN NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG MGA AMERIKANO”

• Layunin At Kahalagahan– naglalayon na palawakin ang isipan ng bawat

indibidwal .– pagtuklas natin sa kasaysayan upang mas

maunawaan natin ang nakaraan.– magandang pag-usapan para sa

napapanahong suliranng pangkalusugan sa bansa.

Halimbawa na rito ang sakit na “Dengue”.– mula noong Enero hanggang Oktubre ng

taong 2010 umabot na sa 724 na tao sa buong bansa ang namatay dahil sa dengue.

PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA AMERIKANO

– Ang kulturang Pilipino ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura.

– Sa pananakop ng mga Mehikano na tumagal ng 350 taon ay may malaking kontribusyon sa ating kultura.

– Tumawag ang mga misyonerong katoliko ng mga katutubo upang maging tagasalin ng mga wika.

– Nakapaglikha sila ng bilingguwal na uri, at ito ay ang mga Ladinos.– Sa panahon ding ito nakasentro ang panitikan sa senakulo, moro-

moro, korido at awit.– Ang pagbabasa at pagsulat ay mabilis na natutunan ng mga Pilipino

kaya’t nakasulat sila ng aklat.– Nakita nila ang kahalagahan ng edukasyon upang umunlad ang

kanilang buhay.

“Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong G’s ang “GOD, GOLD at GLORY”. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop”.

-G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr.– Unang layon ng mga kastila ay ang paglaganap ng Kristiyanismo

upang mas madaling makuha at masakop ang Pilipinas.– noong 1565 dumating ang mga misyonerong Agustinian na

nabibilang sa Orden ng San Agustin.– taong 1577 sumunod na dumaong ang mga Franciscan na

nabibilang sa orden ng rancisco.– noong 1581 dumating ang mga Hesiwita na kasali sa ordeng

Society of Jesus. Taong 1587 naman dumating ang mga dominicano na kasali sa orden ni Santo Domingo .

– at taong 1606 dumating din ang mga Reoletos.– Lubos nilang napaniwala ang mga Pilipino sa relihiyong

Katoliko tulad ng pagdarasal ng taimtim.– Naniniwala ang mga Pilipino na ang lahat ng bagay ay

maidadaan sa pagdarasal.– Upang mas lalo pang mapalaganap ang relihiyon, bumuo

sila ng Diocese.

“Ang mga bagay na ito ang ginawa nilang sandata upang lubos na masakop ang Pilipinas. Hanggang sa

pag-alis ng mga Kastila sa Pilipinas, nanatili pa rin ang mga ito sa isipan ng mga Pilipino kaya’t sa

pagpasok ng mga Amerikano ay hindi naging madali para sa ating mga kababayn noon ang

makisalamuha sa estado ng pamumuhayng mga Amerikano”.

ANG MGA SAKIT NA LUMAGANAP SA PILIPINAS SA PAGDATING NG MGA AMERIKANO

Sa pagdating at pagsakop ng mga Amerikano, maraming pagbabago ang nangyari.

“Batay sa mga opisyal na datos sa pagsisimula ng pananakop ng Estados Undos sa Pilipinas, hindi sa mga

sakit nagmumula at pangkaraniwan sa mga bansang tropko (na tinawag nilang tropical diseases) tulad ng malaria, bulutong at tipus dapat mngamba ang mga

Amerikano” (Mactal,Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Maynila “1898-1918”,2009,p.16)

Ito ang mga sakit na pangunahing sanhi ng kamatayn sa Maynila at proporsiyon nito sa Buong Bansa (1902)

Pinagkuhanan: Mactal,Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Maynila “1898-1918”,2009,p.17

– Ang kolera ay isa sa mga sakit na lumaganap sa pagsisimula ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Sa Maynila nagsimula ang unang pananalanta ng kolera sa bansa noong Marso 1902 (Mactal, 2009, p.52).

– Pinaniniwalaang nadamay lamang ang ating bansa sa mga partikular na bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hong Kong na syang unang pinagmulan ng kolera. Marso 20, 1902, kauna-unahang kaso ng kolera ang naitala sa bansa (Mactal, 2009).

– Sa pagtanggap ng Europa at Amerika ng “Germ Theory” na naging eksplanasyon bilang sanhi ng sakit sa huling bahagi ng ika- 19 na dantaon, nagkaroon ng matinding kasabikan at paligsahan sa mga mananaliksik na tuklasin ang bakunang makapipigil rito (Mactal, 2009, p.59).

Binondo, Manila 1899, ito ay kuha mula sa libro ni Anderson, “Colonial Pathologies”

• Sa pagtanggap ng Europa at Amerika ng “Germ Theory” na naging eksplanasyon bilang sanhi ng sakit sa huling bahagi ng ika- 19 na dantaon, nagkaroon ng matinding kasabikan at paligsahan sa mga mananaliksik na tuklasin ang bakunang makapipigil rito (Mactal, 2009, p.59).

• Sa isang “circular” na ipinalabas ni Direktor Heiser na nagbibigay ng edukasyon sa publiko ukol sa kolera, tinutukoy na sanhi nito ang isang espesipikong lason na tinatawag na “comma bacillus of koch o mikrobyong kolera o spirillum/ comma bacillus” (Mactal, 2009).

• Nakukuha rin ang mikrobyo sa paghawak at sa paghahanda ng pagkain tulad na lamang sa paghawak hawak ng mga mamimili sa mga karne, isda at iba pang pagkaing nabibili sa palengke at ang paghahalo ng mga kontaminadong tubig sa mga sariwang gatas na kadalasang ibinebenta sa kalsada (Mactal, 2009).

• Ang kumbulsyon naman ang may pinakamataas na kaso at pinakamataas na porsyento ng sanhi ng kamatayan.

• Sanhi rin ito ng iba’t-ibang malalang sakit tulad ng minigitis, tetanus at malaria sa utak o pagkalason. Kaya’t noon maraming namatay sa kumbulsyon dahil na rin napabayaan ito at hindi nabigyan agad ng lunas.

• Bubonic Plague ang kauna unahang sakit sa Pilipinas na sinuri ng mga Amerikanong Bakteryologis. Ang sakit na bubonic Plague ay galing sa bansang Hong Kong. Noong Pebrero 1900 may 48 na kaso ang naitala sa Maynila, pagkatapos ng pagsasanitaryo ng mga inspektor, may 27 na kaso muli ang naitala.

• Si Alexandre Yersin ang nakatuklas ng “Plague Bacillus” sa Hong Kong noong 1894, sa kadahilanan na ang mga organismo ay matatagpuan lamang sa mga daluyan ng dugo kaya’t ang sakit na ito’y madsling maipasa.

• Ang nasabing mikrobyo na “bacillus” ay halos matatagpuan sa mga daga na syang pinakamabilis magpadami ng “virus” (Anderson,Colonial Pathologies, 2006, p.61)

Mga “Bacteriologists” na nag-aaral upang tumukoy ng mga sakit. (Colonial Pathologies, 2006, p.61)

Naging epekto sa kalusugan ng mga Pilipino

– Mula ng tinanggap ng Europa at Amerika ang “Germ Theory” na maging eksplanasyon bilang sanhi ng mga sakit marami na itong naidulot na sakit na syang lubos na nakaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan sa bansa.

– Malaki ang naging epekto nito sa kalusugan sapagkat laganap na ang may sakit na kung saan mabilis pa itong makahawa sa iba. Isa pa sa mga sakit na nakaapekto ng lubos ay ang kumbulsyon ito ang sakit na kung saan itinalang may pinakamataas na kaso ng kamatayan sa bansa.

MGA NABUONG PROGRAMANG MAKAKATULONG UPANG MASUGPO ANG SULIRANIN

– Sa unang pananalanta ng kolera noong 1902-1904, kaagad ipinag-utos ng pamahalaan ang paghadlang sa mga maaaring panggalingan ng mikrobyo.

– Ipinatupad ang pagkuwarentenas sa look ng Maynila ng mga barkong pandagat na nagmula sa dalawang naturang bansa.

– Hindi pinapayagan ang anumang sasakyang pandagat sa Ilog Pasig, inutusan ang lahat ng mga ito na manatili sa pook ng Maynila buong magdamag upang mainspeksyon mabuti ang lahat at madisimpektakung kinakailangan bago muling payagang makabalik sa Ilog Pasig sa araw.

– Mahigpit ding ipinagbawal ang pagpasok ng mga gulay na nagmula sa Tsina dahil sa paniniwalang ito ay kontaminado ng mikrobyo ng Kolera. (Mactal, 2009, P64-P65).

– Para matugunan ang pangangailagan ng mga tao ng malinis at ligtas na tubig, inutusan kaagad ang tagapangasiwa ng planta ng pamahalaan na gumagawa ng yelo na dagdagan ang ginagawa nitong destiladong tubig.

– Upang maiwasan ang makakuha ng mikrobyong Kolera sa pagkain, Isinaayos ng pamahalaan ang pangangasiwa sa mga palengke upang mahadlangan ang pagkalat ng Kolera.

– Mahigpit ang pagbabawal sa basura at dumi sa pampublikong lugar . Kailangan nilang magkaroon ng hiwalay na lalagyan ng basura at dumi nglahat ng bahay at establisimento sa lugar.

– Ang Pail Conseruancy System

– Nang makumpirma ang unang kaso ng kolera noog 1902, hinati ang maynila sa labing dalawang distrito ng kalusugan upang mapadali at maisaayos ang pag-iinspeksyon sa buong lugar.

– Araw at gabi ang nagging ag-iinspeksyon ng mga sanitary inspector sa bahay-bahay upang matukoy ang bawt kaso ng kolera na ipinaghihinalaang itinatago ng ma Pilipino.

– Ordinance No.5 at Ordinance No.12

Sila ang mga inspector na tumulong sa pagkalap ng mga may sakit noon. (Anderson, Colonial Pathologies, 2006)

MGA PARAANG GINAMIT NG MGA AMERIKANO SA PAGSUGPO SA MGA LUGAR NA PINAKA-APEKTADO

Nakatala rito ang mga lugar kung saan tinamaan ng mga sakit at bilang ng mga namatay.

Pinagkuhanan: Worcester, A history of Asiatic cholera in the Philippine Islands, 1908,p.6

– Sa paglaganap ng mikrobyong Kolera sa Pilipinas, unang tinamaan ang lungsod ng Maynila na siya ring unang binigyan ng kaukulang pansin ng pamahalaan upang ito’y malunasan.

– Pagbabawal sa pagpasok ng mga gulay at pagkaing magmumula sa mga banang nasabing pinagmulan ng sakit at paglalagay ng checkpoint sa bawat lugar.

– Sa makatuwid mas pinag-tuunan ng pansin ng mga Amerikano ang pagkalat ng sakit na kolera.

Cholera detention Barracks, San Lazaro (Anderson, 2006 p.65)

EPEKTO NG MGA PROGRAMA AT PARAANG PINAIRAL NG MGA AMERIKANO UPANG MASOLUSYUNAN ANG SULIRANIN SA KALUSUGAN

– Malaki ang naitulong ng edukasyon sa pakikisangkot ng taong bayan pagdating sa pagsugpo ng kolera.

– Nakakagulat ang naging pagtugon ng lipunan sa mga programang ipinatupad. Sa mga paaralan, itinuro rin sa mga bata ang tamang instruksyon na tungkol sa pagsugpo ng mga sakit na laganap sa bansa na galing sa “Bureau of Health” sa pag-iwas at pagpigil sa pagkalat ng mga sakit.

– Sa halip na kontrolin ang buong komunidad, tahimik subalit sa taong may sakit ang nagging target ng Bureau of Health sa pagpigil sa kolera (Mactal, 2009, p.70).

– Ang mga ito’y para sa kapakiinabangan ng mga Amerikano munaa at hindi pra sa ikabubutin ng mga Pilipino.

KONKLUSYON SA NAGGING BUNGA NG MGA PROGRAMA AT PARAAN NA PINAIRAL SA BANSA

– Sa paglaganap ng iba’t-ibang sakit sa bansa noong sakupin tayo ng mga Amerikano, maraming programa ang naitatag.

– Isang buwan at kalahati, matapos ang pananakop ng Estados unidos sa Maynila, Kaagad itinatag ang Board of Health noong Setyemmbre 29, 1898 (Mactal, 2009, p.19).

– Ayon kay Mactal na ligtas sabihing na nakadepende ang papmumuhay at naging pag-unlad na bansa lalo na ang lungsod ng Maynila sa tubig hanggang sa pagsisimula ng pananakop ng mga Amerikano noong 1898.

– Sa patuloy na pag-unlad at pagdami ng tao, umagos ang mga naipong dumi ng mga kabahayan at bahay-pangangalakalsa mga estero patungo sa Ilog Pasig.

– Sa paglipas ng panahon, naging putik at banlik ang mga naipong dumi sa estero lalo na sa panahon ng tag-araw kung saan napakababaw ng tubig at hindi makaagos sa Ilog Pasig at look ng Maynila (Mactal, 2009, p.156)

– Dahil na rin sa patuloy na pagdumi ng mga estero, Ilog at buong paligid ng Maynila, lumaganap ang mga sakit at bakterya nagd udulot ng kamatayan ng marami nating kababayan noong panahong iyon.

– Gumawa ng mga hakbang ang mga amerikano upang sugpuin ang epidemyang kumakalat sa buong bansa. Itinuon nila ang kanilang pansin sa paglilinis at pagpapabango ng buong siyudad.

– Ang paulit-ulit na pananalasa ng kolera na biglaang muling umaatake sa pagtatapos ng 1908 ang marahil nagpabago sa naging pananaw at programa sa paglutas ng problema sa iskuwater ng Bureau of Health.

– Sa lahat ng pangyayaring ito, ano pa man ang layunin ng mga Amerikano sa ating bansa dapat pa rin tayong magpasalamat sa kanila dahil sila ang naging sandigan ng bansa upang maka-ahon tayo sa mga bagay na ito. Aking napagtanto sa pagsasaliksik na ito, na hindi lahat ng magagandang bagay na ating napapansin sa ating paligid ay hindi puro kabutihan. Sa likod ng mga iyon ay may nagtatagong ibang uri ng pagkatao at hindi maganda ang intensiyon nito sa atin palagi.

SANGGUNIAN

Mga AklatMactal, Ronaldo “Kalusugang Pampubliko sa kolonyal na Maynnila. (1898-

1918)”, UP Press 2009Anderson, Warwick “Colonial Pathologies” (2006)

BabasahinWorcester,Dean “A history of Asiatic cholera in the Philippine Island”s, 1908

Internet/Web

http://images.papapapauie.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/SGNxvQoKCD4AAFVOorI1/Pinoy..

ppt?key=papapapauie:journal:21&nmid=102860215.http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/28/Panitikang_Filipino_sa_Ibat_ibang_panahon

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas#Kulturahttp://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/10