20
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.1(Week 5): Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan 10

Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaanbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Esp-10... · ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

  • Upload
    others

  • View
    135

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Edukasyon sa

    Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.1(Week 5):

    Ang Mapanagutang Paggamit ng

    Kalayaan

    10

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • ii

    Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampu na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3.1 (Week 5) : Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas ng:

    Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax : (032) 255-6405

    E-mail Address : [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Jocelyn P. Anguring

    Editor: Jane O. Gurrea

    Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.

    Tagaguhit: Jocelyn P. Anguring

    Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin

    Management Team

    Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

    Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

    Dr. Ester A. Futalan

    Dr. Leah B. Apao

    Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores

    EPS in LRMS Mr. Isaiash T. Wagas

    EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • iii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa

    Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

    para sa araling Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

    sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong

    institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

    matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

    ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

    pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

    aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

    ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

    matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

    kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang

    mga pangangailangan at kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

    makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

    kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.

    Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

    habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

    pagkatuto.

    Mga Tala para sa Guro

    Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

    estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • iv

    Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

    gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing

    nakapaloob sa modyul.

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

    ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang

    Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

    pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

    aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

    madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

    mong maunawaan.

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo

    ang mga dapat mong matutuhan

    sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin

    kung ano na ang kaalaman mo sa

    aralin ng modyul. Kung nakuha mo

    ang lahat ng tamang sagot (100%),

    maaari mong laktawan ang

    bahaging ito ng modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-

    aral upang matulungan kang

    maiugnay ang kasalukuyang aralin

    sa naunang leksyon.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • v

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong

    aralin ay ipakikilala sa iyo sa

    maraming paraan tulad ng isang

    kuwento, awitin, tula, pambukas

    na suliranin, gawain o isang

    sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

    maikling pagtalakay sa aralin.

    Layunin nitong matulungan kang

    maunawaan ang bagong

    konsepto at mga kasanayan.

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para

    sa mapatnubay at malayang

    pagsasanay upang mapagtibay

    ang iyong pang-unawa at mga

    kasanayan sa paksa. Maaari mong

    iwasto ang mga sagot mo sa

    pagsasanay gamit ang susi sa

    pagwawasto sa huling bahagi ng

    modyul.

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga

    katanungan o pupunan ang

    patlang ng pangungusap o talata

    upang maproseso kung anong

    natutuhan mo mula sa aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing

    makatutulong sa iyo upang

    maisalin ang bagong kaalaman o

    kasanayan sa tunay na sitwasyon o

    realidad ng buhay.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • vi

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong

    matasa o masukat ang antas ng

    pagkatuto sa pagkamit ng

    natutuhang kompetensi.

    Karagdagang

    Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa

    iyong panibagong gawain upang

    pagyamanin ang iyong kaalaman

    o kasanayan sa natutuhang aralin.

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang

    sagot sa lahat ng mga gawain sa

    modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

    modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

    ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

    Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

    pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

    pang gawaing napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

    pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

    ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

    pinagkuhanan sa paglikha o

    paglinang ng modyul na ito.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • vii

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

    pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

    kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain

    sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

    inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

    kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

    sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

    Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

    makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

    ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

    Kaya mo ito!

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 1

    Alamin

    Panimula

    Isa sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang

    kaniyang Kalayaan. Isa rin sa mga katangian o kakayahan ng tao

    ang kapangyarihang pamahalaan ang kaniyang kalayaan.

    Ngunit, may mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay

    kapangyarihan na gawin ang anumang naisin ng tao. Maraming

    bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya

    magawa ang mga ito. Kapag may ginagawa ang isang tao na

    hindi maganda, karaniwang ibinibigay niyang dahilan ay ang

    kaniyang kapuwa kung bakit niya ito ginawa. Ayon sa kaniya, ang

    kilos ay reaksiyon lamang sa ginawa sa kaniya ng iba. Sa madaling

    salita, ang pananaw ng tao sa kalayaan ay ang pagkilos upang

    makamit ang ninanais na walang iniisip na hadlang upang

    magawa niya ito. Tama nga kaya ang kaisipang ito? Sapat ba

    ang ganitong pag-unawa tungkol sa tunay na kahulugan ng

    kalayaan?

    Sa araw-araw na pamumuhay mo, humaharap ka ng iba’t

    ibang hamon na susubok sa iyong pagkatao bilang isang malaya.

    Mahalagang mauunawaan mo ang tunay na kahulugan ng

    kalayaan na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo upang malalampasan

    mo ang mga hamong ito. Nararapat na ikaw ay maging seryoso

    at matapat sa paggawa ng aktibiti na ibinibigay sa modyul na ito.

    Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

    1. Natutukoy ang tunay na kahulugang ng kalayaan;

    2. Nailalarawan ang kahalagahan ng tunay na kahulugan ng

    kalayaan sa isang tao ; at

    3. Naipapakita ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2

    Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang

    sagot at isulat sa papel.

    1. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.

    a. Isip

    b. Pagmamahal

    c. Kilos-loob

    d. Responsibilidad

    2. Ang itinuturing pinakamalaking hadlang sa pagkamit na tunay na

    kalayaan ay ang

    a. Kapwa dahil sa mga masasamang ugali.

    b. Pagiging malaya sa sarili pag-uugali.

    c. Iniisip ng tao tungo sa pagiging malaya.

    d. Kalayaan ay na matatagpuan sa labas ng sarili.

    3. Ang mga sumusunod ay labag sa pananaw ng tunay na kalayaan

    maliban sa isa.

    a. Mag-isa lang si Ben sa kanilang bahay kaya nagawa niya manood

    ng telebisyon hanggang sa gusto niya.

    b. Pinuntahan ni Beth ay kaniyang kaibigan upang humingi ng tawad

    sa kaniyang nagawang pagkakamali.

    c. Si Bert ay isang prangkang tao kaya sinasabi niya ang gusto niyang

    sasabihin sa iba.

    d. Dinalaw ni Betsy ang kaibigang maysakit upang sisingilin sa

    pagkakautang nito sa kaniya.

    4. Ang paggawa ng ______ ay isang tunay na kalayaan.

    a. Katahimikan

    b. Kalinisan

    c. Kagustuhan

    d. Kabutihan

    5. Hindi lubos ang kalayaan ng tao. Nangangahulugan lamang ito na ang

    kalayaan ay:

    a. Nawawala sa kaniyang paglabag sa likas na batas-moral.

    b. Ganap sa isang tao at maaaring mamili batay lamang sa

    kaniyang nais.

    c. May limitasyon kaya hindi siya maaaring gagawa ng mga kilos

    ayon sa kaniyang ninanais.

    d. Mag-iiba ayon sa tawag ng sitwasyon.

    Subukin

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3

    6. Ang mga sumusunod ay ginagawa ng isang responsableng

    mamamayan.

    a. Pagpapaunlad sa sarili upang makamit ang kaganapan

    b. Pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod

    c. Pagsapuso sa mga tungkulin sa pamilya at pamayanan.

    d. Lahat na nabanggit ay tama.

    7. Ito ay hindi kabilang sa mga inaaasahang kilos at kakayahan ng isang

    taong malaya.

    a. Magmahal at maglingkod

    b. Mayroong tiwala sa isa’t-isa.

    c. Matapang na harapin ang mga hamon sa buhay

    d. Marupok sa harap ng mabibigat na tungkulin.

    8. Ito ay isang patunay sa mapanagutang paggamit ng kalayaan.

    a. Nagiging matapang sa pagharap ng anumang kahihinatnan ng

    mga pagpapasiya.

    b. Nabibigyang halaga ang kabutihang pansarili at kabutihang

    panlahat.

    c. Nagagawang sumasalungat ang inikilos sa likas na batas -moral

    sa mga pagkakataong kinakailangan.

    d. Naisasagawa ang kilos ayon sa sariling kagustuhan.

    9. Ang kahulugan ng isang pagiging malaya ay tumugon sa tawag ng

    pagmamahal at paglilingkod.

    a. Tama, dahil ang tao ay isang panlipunang nilalang kaya

    tinatawag siya upang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng

    pagtugon sa tawag ng sitwasyon.

    b. Tama, dahil nakabatay ang kilos ng tao ayon sa kaniyang

    kagustuhan.

    c. Mali, dahil may mga sitwasyon sa buhay na hinahamon ang ating

    pagkatao at makagawa ng kilos na hindi kaaya-aya.

    d. Mali, dahil ang taong malaya ay nakamit niya kung ano ang

    kaniyang gusto.

    10. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng tunay na kalayaan

    maliban sa:

    a. Panasariling interes

    b. Katamaran

    c. Kadakilaan

    d. Kapritso

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 4

    Balikan

    Kung natatandaan mo pa noong nasa Baitang 7 ka, naipaliwanag sa

    iyo na ikaw ay isang nilikha ng Diyos ng may natatanging taglay na isip

    (intellect) at kilos-loob (wil). Nang dahil sa isip at kilos-loob, napapaunlad mo

    ang iyong sarili gamit ang isa namang biyayang bigay Niya: ang iyong

    kalayaan. Ano ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan?

    Gawain A : Concept Map : Kahulugan ng Kalayaan

    Panuto : Balikan mo ang mga aral at kaalaman na natutunan mo

    tungkol sa kahulugan ng kalayaan ,at sa mga kahon na inilaan para sa iyong

    mga sagot. Kopyahin at isulat ang mga sagot sa kwaderno.

    Ano ang Kalayaan?

    Gawain B: Repleksiyon

    Panuto: Matapos gawin ang Gawain A, sagutin sa iyong kwaderno

    ang sumusunod na tanong.

    1. Ano ang iyong naging basehan sa iyong kagutan?

    Ang naging basehan ko sa aking sagot tungkol sa kalayaan ay

    _________________________________________ .

    2. Para sa iyo, tama kaya ang iyong kahulugan ng kalayaan na isinulat mo sa

    mga kahon? Bakit?

    Para sa akin,____________________________________dahil____________________.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 5

    Tuklasin

    Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang pahayag sa ibaba.

    May mga pagkakataong gusto kong isipin na hindi na tayo nakagapos sa

    mga bayang banyaga dahil nagkakaroon na tayo ng kalayaan sa

    pamamalakad ng ating gobyerno. Ngunit sa mga araw, buwan at taon na

    nakalipas samu't saring problema ay dinaranas ng ating bansa. Mga

    problemang lalong nagpapababa ng ating mamamayan. Mga problemang

    parang walang katapusan. Ang ginagawa ng mga Pilipino ngayon na

    nagpapakita na tayo ay hindi malaya ay ang walang tigil na pagtaas ng

    presyo ng mga bilihin, ang walang tigil na pagtaas ng gasolina. Nandiyan pa

    ang mataas na pagsingil ng kuryente na hanggang ngayon ay dala dala ng

    taong bayan."

    —Tomi Jush Sono

    I. Panuto : Sagutin at isulat sa kwaderno ang sumusunod na tanong sa

    isang pangungusap lamang.

    1. Ayon kay Tomi Jush Sono, ano ang pangyayari na ipinakita sa pahayag na

    naglalarawan tungkol sa pagiging malaya? Ano-ano naman ang hindi? Sundin ang

    pormat sa ibaba.

    A. Pagigng Malaya B.Hindi Malaya

    __________________ ___________________

    __________________ ___________________

    ___________________ ___________________

    2. Para sa iyo, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan?

    Para sa akin, ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay _____________________

    ________________________________________________________________.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6

    Suriin

    Ayon kay Sto.Tomas de Aquino,”Ang kalayaan ay katangian ng kilos-

    loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan

    at itakda ang paraan upang makamit ito.” Ibig sabihin, ang tao ang

    nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Nangangahulugan

    lamang na ang remote control ng kanyang buhay ay hawak ng sarili nyang

    mga kamay. Siya ang pumipili ng estasyon ng Gawain na kanyang nais gawin,

    sapagkat ang kapangyarihan ng kilos-loob. Gayundin, kung wala kang

    natutuhan sa leksiyon, may paraan na puwede mong gawin upang

    maunawaan ang inyong aralin, ay hindi maaaring ibigay sa iba.

    Ayon ka Rober Johann, ang salitang Kalayaan ay karaniwang gumigising sa

    puso ng bawat tao. Ang Kalayaan ay ang Makita ang kapwa at nailagay siya

    ng una bago ang sarili. Tinitingnan din ang Kalayaan sa aspektong mayroon

    itong kakambal na responsibilidad o ang Kalayaan ay may kasunod na

    responsibilidad.

    ASPEKTO NG KALAYAAN

    1. Sa Aspekto ng Kalayaan Mula:

    Masasabing Malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa

    Kalayaan mula sa loob ng tao. Ang sumusunod ay mga nakahadlang sa

    Kalayaan mula sa loob ng tao:

    Makasariling

    interes

    Pagmamataas

    Katamaran

    Kapritso

    At iba pang mga

    negatibong

    katangian at

    pag-uugali

    2. Kalayaan para sa:

    Ang tunay na Kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapwa at

    mailagay siyang una bago ang sarili. Kailangang maging malaya ang tao

    mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa

    pagtugon sa pangangailangan ng kanyang kapwa – ang magmahal at

    maglingkod.

    Ayon kay Lipio, ang tunay na Kalayaan ay hindi sariling Kalayaan ng tao

    na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kanyang

    kapwa sa sambayanan. Ginagamit ang Kalayaan sa pakikipagkapwa-tao.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2

    Pagyamanin

    Panuto: Naunawaan mo na ba ang tunay na kahulugan ng Kalayaan?

    Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Gamitin ang kwaderno sa pagsagot at

    isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag ng

    tunay na kahulugan ng kalayaan at MALI naman kung hindi.

    _______1. Ang Kalayaan ay biyaya ng Panginoon at bahagi ito sa ating

    pagkatao.

    _______2. Ang tunay na nakahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang

    nagaganap sa labas niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa

    kaniyang loob.

    _______3. May Kalayaan ang taong magalit kaya wala siyang

    pananagutan sa kahihinatnan nito.

    _______4. Ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao.

    _______5. Talino ang itinuturing kakambal ng Kalayaan.

    _______6. Ayon kay Sto. Tomas, ang tao ay malayang itakda ang kaniyang

    kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan.

    _______7. Kailangang pahalagahan ng tao ang pansariling interes upang

    maging malaya siya tumugon sa pangangailangan ng kapuwa.

    _______8. Dahil nabubuhay ang tao na nag-iisa, wala siyang responsibilidad sa

    kapuwa-tao.

    _______9. Ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa: ang

    magmahal at maglingkod

    _______10. Hindi malaya ang tao kung inuuna niya ang kapuwa kaysa sarili.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3

    Panuto: Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari o epekto kung

    naiintindihan at naiisapuso ng tao ang tunay na kahulugan ng kalayaan?

    Magtala lamang ng dalawang mga epekto nito sa sarili at lipunan. Sundin ang

    pormat sa ibaba at sagutan sa iyong kwaderno.

    Sarili Lipunan

    1.

    1.

    2.

    2.

    Sa kabuuan, para sa akin ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang

    kakayahang______________________________________________________________

    __________________________________________________________________________.

    Gawain: Pagsusuri ng Larawan

    Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at bilang isang tao na may

    natatanging kalayaan, paano mo maipakita ang tunay na kahulugan

    ng kalayaan sa sitwasyong ipinakita sa larawan?

    __________________________________________________________

    __________________________________________________________

    __________________________________________________________

    Isaisip

    Isagawa

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 4

    Tayahin

    A. Repleksiyon: Suriin ang iyong sitwasyon ngayon, sa iyong sarili,

    pamilya, at komunidad, masasabi mo ba na ikaw ay tunay na

    malaya? Sagutan sa iyong kwaderno.

    Sa ngayon, masasabi ko na ako ay ________________ dahil

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    __________________________________________________________________________.

    B. Paggawa ng Simbolo : Gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng

    tunay na kahulugan ng Kalayaan. Sagutan sa iyong kwaderno.

    Rubriks sa Gawain

    Pamantayan 2 4 6

    Pagkamalikhain Hindi naging

    malikhain sa

    pagguhit ng

    simbolo

    Naging malikhain

    sa pagguhit ng

    simbolo

    Lubusang

    nagpamalas ng

    pagiging malikhain

    sa pagbuo ng

    simbolo

    Kaangkupan sa

    paksa

    Hindi angkop

    ang nabuong

    simbolo

    Angkop ang ilang

    (kalahati) bahagi

    ng simbolo

    Lubusang

    napakaangkop ng

    nabuong simbolo

    Mensahe Hindi angkop

    ang

    mensaheng

    ipinahahatid ng

    simbolo

    Angkop ang

    mensaheng

    ipinahahatid ng

    simbolo

    Lubusang angkop

    na angkop ang

    mensahe ng

    simbolo

    Kalinisan at

    kaayusan

    Di malinis at

    maayos ang

    pagkaguhit ng

    simbolo

    Naging malinis at

    maayos ang

    pagkaguhit ng

    simbolo

    Lubusang

    napakalinis at

    maayos ang

    pagkaguhit ng

    simbolo

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 5

    Karagdagang Gawain

    Panuto: Mag-isip ng isang linya ng kanta o tula na nagsasaad ng tunay

    na kahulugan ng Kalayaan. Kopyahin ang porma sa ibaba at isulat ang iyong

    sagot sa kwaderno.

    Pamagat : ________________________________________________

    Mang-aawit/Manunulat : ________________________________________________

    Linya ng kanta/tula : ________________________________________________

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6

    Susi sa Pagwawasto

    1. d

    2. b – sariling pag-uugali

    3. b

    4. d

    5. c

    6. d

    7. d

    8. a

    9. a

    10. c

    Tuklasin

    I.A. 1.hindi na nagapos

    sa mga bayang

    banyaga

    2. kalayaan sa

    pamamalakad sa ating

    gobyerno

    B. 1. Walang tigil ang

    pagtaas ng bilihin

    2. walang tigil ang

    pagtaas ng gasoline

    3. mataas na pagsingil

    ng kuryente

    II. Answer may vary

    Balikan

    Gawain A: Answer may

    vary

    Gawain B: Answer may

    vary

    Pagyamanin

    1.Tama

    2.Tama

    3.Mali

    4.Tama

    5.Mali

    6.Tama

    7.Mali

    8.Mali

    9.Tama

    10.Mali

    Tayahin

    A & B: Answer may vary

    Isagawa

    Answer may vary

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 7

    Sanggunian

    Covey, S. (1998) The Seven Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate

    Teenage Succeess Guide. Ontario: Fireside (to be transferred)

    Lipio, F. (2004). Konsiyensiya Para sa mga Katolikong Filipino. Mandaluyong

    City. National Bookstore

    https://rozemharyy.tumblr.com/post/68772232718/pobreza-ang-

    malawakang-sakit-ng-bansa/amp

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    Email Address: [email protected]

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark